Chapter 9

"Sabay sabay na tayo mag pa enroll."

Sumandal si Greta sa counter habang yakap yakap ang tray. Kakatapos lang namin maglinis ng cafe, magco-compute nalang kami ng sales tapos inventory. Ako ang nagi-inventory habang si Bree naman ang nag co-compute sa sales.

"Sige, sunduin ka nalang namin sainyo." I agreed on her suggestion.

"Hindi, wag na! Sa school nalang tayo magkita." she said and wink at me.

"May maghahatid na ba sayo?" usisa ni Bree. Sinulyapan niya lang si Greta at ibinalik na ang tingin sa calculator na nasa harapan niya.

"Meron na, kaso hindi pa sure kaya hindi ko muna ipapakilala." she said while smiling brightly at us. I'm happy for her, alam ko naman na hindi kami sapat para mapasaya siya. She needs someone who can light up her dark world.

"Whoever he is, make sure that his worth it." I tap her shoulder and continue my work. Pero ang gaga dinamba ako ng yakap.

"Thank you! Mas mahal ko parin kayo!" she said while faking a sobbed. Pabiro ko siyang kinaltukan sa ulo.

"Mahal ka din namin. Basta kapag sinaktan ka niyan, andito lang kami." sabay turo ko kay Bree.

Ngumiti lang si Bree at nag flex kunyari ng muscles sa braso kahit wala naman.

"Bugbugin ko, katulad ng ginagawa ko sa mga ex niyan!" nginuso niya ako kay Greta. Tumawa lang si Greta, saksi kasi siya sa kagagahan ni Bree.

Si Greta lagi ang kasama ni Bree na lumulusob sa mga naging ex ko kapag nakita na nila akong luhaan. Wala akong ideya kung anong klaseng panlulusob ang ginagawa ni Bree, basta nalalaman ko nalang kapag tumawag na ang kuya niya sakanya at inuulan na siya ng sermon. Until now, hindi niya parin nai-kwento sa akin.

"Sabihin ko agad sayo! The best ka mambugbog gourl!" napailing nalang ako ng mag apir ang dalawa.

Breeyana is a soft person, huwag mo lang gagalitin at nagt-transform siya sa isang malaking dragon. Maling galaw mo lang ay bubugahan ka na niya ng apoy or kakainin ka ng buhay!

"Pero buti nalang pasukan na ulit next week!" masayang sambit ni Greta. "Mj, phone mo handa mo na. Feeling ko kasi nangangalawang na skills ko sa paglalaro." I laugh at her, malamang hindi siya makasali ngayon sa pustahan dahil wala siyang phone na mahiraman.

Nasa phone ko pati ang account na gamit niya, sa t'wing nakikipag pustahan siya. She can use her phone, but she prepared mine. Ang smooth daw kasing gamitin sa paglalaro, hindi nagla-lag. I can't relate sa mga sinasabi niya kaya minsan tumatango nalang ako. She even tried to teach me one time, pero ending nabawasan ko nang sampung star yung game kaya sobra yung tampo niya sa akin noon.

Katulad nalang nung nilaro ko yung game niya habang nag-aaway ang mag kambal sa harap ko, the day when I met Brylle. Sa rank pala ako naglalaro noon, akala ko sa classic lang. Akala ko hindi na niya mapapansin yung bawas pero langya alam niya pala yun. Ending nasapok ako at nilagyan niya na ng passcode yung game para hindi ko na daw malaro.

She even installed a game for me, yun nalang daw ang laruin ko if I get bored. Pero na delete ko din naman because of wattpad. Aanhin ko pa yun? Magbabasa nalang ako, may matututunan pa ako. Tapos ita-try kong gawin kay Brylle!

"Gaga! Namumula ka, may sakit ka ba?" inosenteng tanong sa akin ni Greta. Nagpunas muna siya ng kamay bago kinapa ang noo ko at ang pisngi ko. "Ang init mo! Pahinga ka nga muna." sermon niya sa akin.

"Wala 'to!" tinanggal ko ang kamay niya sa noo at tinuloy ang pag i-inventory. Malapit na akong matapos nang tinapik ako ni Bree at inabot sa akin ang phone niya.

Nagtataka man ay kinuha ko iyon at itinapat sa tainga ko.

[— hindi pa ba kayo tapos? Papunta na'ko. 'Wag niyo ng pagalawin si Mj.] Masama kong tinignan sina Breeyana.

"Ayos lang ako, anong oras na. Bakit gising kapa? Akala ko ba matutulog kana?" mataray na tanong ko sakanya.

[Oh, hi love!]

"Huwag mo akong ma hi love, hi love. Bakit gising kapa? Nag-usap na tayo na wag mo na akong hintayin umuwi diba?" salubong na salubong ang kilay ko.

He needs some sleep dahil sobrang nakaka stress ang course niya. Ang daming binabasa, kahit ako ay nahihilo. Masipag lang naman kasi akong magbasa kung story sa wattpad at sa libro ang binabasa ko.

[I know, nagising lang ako sa tawag ni Bree. Nasa tapat na ako,] he ended the call.

I saw him parked his car in front of the Cafe. Wala naman kaso yun, dahil sarado na kami.

"Away yan, arat na." aya ni Greta kay Bree. Sabay silang pumasok sa kusina ng Cafe.

Patakbo na bumaba si Brylle sa sasakyan niya. Patungo sa akin. He looks so worn out, at mukha nga siyang bagong gising dahil sa itsura niya. Gulo gulo ang buhok, naka sando at sweat shorts at tsinelas lang siya. But still, he managed to be this handsome.

"Love," he called and hug me. I sighed and hug him back. Hindi ko nalang siya aawayin ngayon.

Habang nakayakap ako sakanya, kinapa niya ang noo ko. I laughed a bit.

"Wala akong sakit, namumula lang ako noong nakita nila ako." I confessed. Pero hindi ko sasabihin na may naisip akong kalokohan dahil tutuksuhin lang naman niya ako ng walang katapusan.

Pero kapag ako na ang nang-asar at ipapa-alala ang moment niya sa harap ng pintuan ni Bree, we're always ending up in bed. Making out. But I love it nonetheless.

"Namumula? Why?" curious na tanong niya. Umiwas ako ng tingin sakanya at kumawala sa yakap ko sakanya.

I started to ignored him and his questions. Hindi ko siya pinapansin hanggang sa matapos ako sa ginagawa ko. We closed the Cafe at exactly one in the morning. Dapat kanina pa kami sarado kaso ang daming customers na nag stay hanggang 12. Talagang sinagad nila ang oras na open pa ang Cafe. Hinatid lang namin si Greta sa kanila.

"Sa bahay na kayo, you need to sleep." pinatong ko ang kamay ko sa may binti niya, sinundan niya lang 'yon ng tingin at napalunok. His adams apple were moving up and down, it looks so hot.

But I know what he's thinking. Tinapik ko ang binti niya at sinamaan siya ng tingin, pagtapos ay nilipat ang tingin sa likod. Breeyana was now sleeping peacefully.

"Badtrip." he murmured.

Hindi na namin ginising si Breeyana nang makarating kami sa bahay. Kinarga nalang siya ng kakambal niya at maingat na inilapag sa kama, hinubad nalang niya ang sapatos ni Bree at kinumutan ito.

"Halika na." Aya ko sakanya papunta sa kwarto ko. He was smiling from ear to ear while we're walking, nakapalupot pa ang braso niya sa balikat ko. "Matutulog ka, wag ka masyadong magpa kasaya." madiin kong sabi sakanya.

His smile fell and pouted his lips. Para siyang bata na hindi ibinili ng laruan ng mga magulang niya.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Brylle Veios! Humiga ka na dyan at matulog kana. Magpapalit lang ako." I glared at him when he tried to touch my boobs. He sighed and lay down on my bed.

Madali naman pala kausap e. Dumeretso na ako sa banyo para mag half bath, pagtapos ay nagsuot ako ng pajama at over sized na t-shirt na galing kay Brylle. He spoiled me with his shirts and sweaters.

I smiled when I saw him sleeping peacefully. Nakaawang pa ng bahagya ang mapula niyang labi.

"Good night, Love." I whispered and kissed his forehead before laying down beside him.

This is where I belong, beside him, in his arm. Humarap siya sa akin at hinapit ako papalapit sakanya, hindi na niya tinanggal ang yakap sa may baywang ko. Napangiti nalang ako sa sarili ko, yumakap din ako sa baywang niya at mas lalo pang isiksik ang sarili sa katawan niya. I feel safe and peace whenever I am at his arm.

"MJ..."

Adamson approach. Agad kong naramdaman ang pagpalupot ng braso ni Brylle sa balikat ko, while he was talking casually with his Twin. Si Greta naman ay pigil ang matawa sa ginawa ni Brylle.

"Hi!" I greeted at him. Hindi ko naman pwedeng hindi siya pansinin. That would be rude, at isa pa. Naka move on na ako sakanya, mahigit isang buwan nadin naman at may Brylle na ako sa tabi ko.

I wonder if I really loved him, the way I love Brylle right now?

"Can I talk to you?" nag-aalangan niyang tanong sa akin, at naka agaw sa pansin ni Brylle.

"Sorry, I can't." I apologetically smiled at him. Then I felt Brylle's hand in my waist at mas hinapit pa ako papalapit sakanya. Bumunggo na nga ang likod ko sa dibdib niya. "Got to go," I waved my hands at him and let Brylle pulled me.

"He wants you back." that's not a question, that's a statement. Tinignan ko lang siya, normal lang ang mukha nito.

"I know, he's pursuing me before maging tayo." I answered carefully. Wala naman nagbago sa mukha niya.

"Don't look at me like that, hindi ako magseselos. He's just your ex." he said, confident with his statement.

"Sa tao hindi ka nagselos, pero bakit sa fictional characters nagseselos ka?!" reklamo ko sakanya.

Ayan yung madalas naming pag-awayan, yung mga minamahal ko na fictional characters! Lagi siyang nagseselos doon samantalang hindi naman sila nag e-exist, siya 'tong nasa tabi ko!

"Ang sabi mo kasi ipagpapalit mo ako sakanila." naiiritang sagot niya sa akin.

"Baliw! Hindi naman sila nag e-exist!" singhal ko sakanya.

Weeks passed and another semester started. Kakapasok palang namin ay tinadtad na kami ng mga prof namin ng activities at assignment, may araw na ilang beses nagdudugo ang ilong ko kaya nag decide si Greta na itigil muna namin yung work namin every night. May naipon naman daw siya na pera at magkakasya pa 'yon kahit ilang linggo kaming hindi mag trabaho.

Lagi din si Brylle sa bahay namin, hindi na siya umuuwi sa bahay nila. Okay lang naman kina Tita Veilla at Tito Brian para daw may kasama ako, kaya ang ending hindi lang si Brylle ang nasa bahay, pati nadin si Bree. Pero si Bree, madalas padin umuuwi sa bahay nila. Para daw may privacy kami ng kuya niya.

But come to think of it, puro halikan nalang ang ganap sa amin ngayon. Hindi na naulit yung ginawa namin sa kwarto niya. Our daily routine was to study and do our school activities and assignments, after that matutulog na kaming magkayakap.

"Love?" tawag ko sakanya.

Nakadapa ako sa kama ngayon, katabi ang sandamakmak na libro na nakalat kanina pa at hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Sumasakit lang ang ulo ko! So I surf the internet and look for a random pick up lines.

"Yeah?" sagot niya pero hindi man lang nag-abala na tignan ako. May binabasa siya sa book then mag no-notes sa notebook niya.

"Do you have a sunburn?"

"Huh?" ay hindi niya gets.

"Or are you always this hot?" I grinned.

"The fuck?" he looked confused. I sighed, umayos ako ng upo sa kama. Nakatalikod siya sa akin dahil nasa sahig siya malapit sa coffee table.

"Okay, isa pa." I said and browse some more pick up lines.

"Tapos kana ba mag review?" seryosong tanong niya sa akin.

"Oo, Umiikot na nga sa paningin ko yung topic namin." proud kong sagot sakanya. "Aha! Eto, eto!"

Gumilid siya ng upo para matignan ang ginagawa ko, nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan ako.

"Are you french?" his brows shot up. "Because Eiffel for you!" banat ko with matching finger heart pa sakanya pero hindi nagbago ang expression ng mukha niya.

"Last na love," tawad ko sakanya, bored lang siyang tumango sa akin.

"Your lips looks so lonely," I caressed his lips using my thumb. He smirk, at sinundan niya ng tingin 'yon. "would they like to meet mine?" he rolled his eyes and turned his back on me.

I pouted my lips.

"Hindi ba effective sayo? Bat sa nabasa ko kinikilig daw sila?" kinalabit ko siya para pansinin niya ako.


"Seriously love, tumigil kana kakabanat mo." hinarap niya ako at seryosong tinignan. Napasimangot ako sakanya.

"Why? Ayaw mo? Nag search pa ako para doon huy!" Reklamo ko na parang bata sakanya. Di man lang na appreciate effort ko sa pags-search!

"We're already a couple, kailangan pa ba yun?" he asked confused. Napatulala ako sakanya.

"Oo? Ano ba! Sinisira mo naman trip ko e!" reklamo ko ulit sakanya. He just laugh at my tantrums while shaking his head in disbelief.

"Isa pang banat mo, babanatan na talaga kita." banta niya sa akin. Agad akong tumayo sa kama and sat on his lap. Sinigurado ko na mararamdaman ang sandata niya.


"Banatan mo 'ko Brylle." I said sensually at him.

___________________________________________

Banatan mo 'ko Brylle (2) shshsh

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top