Chapter 4

"Gusto mong sumama?"

I closed my book and looked at Bree. Sunday ngayon kaya wala kaming pasok. I'm wearing an oversized t-shirt and pajama, naka messy bun pa ang buhok ko at may suot na salamin. In short I'm in my ugly state.

Samantalang etong kaharap ko bihis na bihis, akala mo araw araw rarampa kung saan.

"Paano ka nakapasok, hoy?" tanong ko sakanya. Ipinatong ko pa ang binti ko sa may armrest ng sofa.

"Duh?" she showed me her duplicate keys.

"San punta? Mall?" I ask. Umayos ako ng upo at ipinatong sa may coffee table ang romance book na binabasa ko.

Well, contrary to everyone's belief. Hindi lang educational books ang binabasa ko, I also read some erotic books. May collection pa nga ako sa kwarto ko. From different authors pa.

"Yeah, I'm with Kuya Brylle. Oh, he's here." Itinuro niya ang pintuan.

My eyes widened when I saw him leaning his weight on the door! Namanhid ang ulo ko ng bigla nalang siyang ngumisi sa akin, naka porma din ito kagaya ng kapatid niya. My lips parted when I realized what I looked like right now.

Holy cow!

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko, I quickly grab my towel and go to my bath room. Agad kong kinutusan ang sarili ng makita ko ang itsura sa salamin! Parang pinugaran ng ibon ang buhok ko, oily face pa ako at higit sa lahat! HINDI PA AKO NAG TOOTH BRUSH!

After doing my routine, I grab my cargo pants and white tank top and paired it with a rubber shoes. I also put a belt to add some styles. At dahil ayoko na paghintayin ang kambal sa sala, I just put some powder and tint in my cheek and lip, nag curl lang din ako ng lashes at nag-apply ng brow soap.

Tinapik ko ang mukha ko. "Syet! Mukha kanang tao!"

"Let's go?" aya ko sakanila. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng pagtingin sa akin ni Brylle.

I grab my wallet and phone before leaving my apartment. Hindi ako mahilig magdala ng bag kapag lumalabas, nabibigatan lang ako. We used Brylle's car, papunta sa mall na pag-aari ng Tita nila. Nandoon daw kasi sina Tito Brian at Tita Veilla even Thrios. Nag-aaya daw mag lunch at ipinasundo lang ako para daw hindi na sadboy ang panganay.

Hindi naman mukhang malungkot si Brylle. His face is emotionless, but it's easy to tell na hindi talaga siya malungkot. Baka nga naiirita pa 'to sa loob looban niya dahil andito ako sa family lunch date nila.

"Why are you looking at me like that?" he ask and glance at me through the rearview mirror. Bree bit her lip to stop herself from laughing, ako naman ay napaiwas ng tingin.

Tumingin ulit ako sa rearview mirror, only to find out na nakatingin din siya sa akin! Ako ang unang nag-iwas ng tingin ulit. Putek! Kahiya!

"You want Brylle's water?" nakangising tanong ni Bree habang iniaabot sa akin ang isang tumbler. I rolled my eyes at her. Bahala siya diyan!

Tahimik lang kaming tatlo sa biyahe, yung sound nalang sa radio yung naririnig namin. Tapos ay sumabay pa ang letseng traffic. Edi na stock kami dito, konti nalang talaga mapapanis na ang laway ko!

"Pwedeng mag connect?" I ask. Talking about the Bluetooth thing.

"Sure. Do your thing," he smiled. Maaaa! Yung panty ko biglang nag loose!

Breeyana raised her eyebrows at me and smirk. Alam na ang balak kong gawin. I connected my phone and started to play my playlist.

"Really?" Bree exclaimed upon hearing the song I played. Ngumuso lang ako at nag pose na parang jejemon sa harap niya.

I played "Make you mine by Public".

Hindi naman ako boses palaka kaya confident akong kumanta sa harapan ni Brylle. Madami naman kasing nagsasabi na maganda daw ang boses ko, or ewan baka pina plastik ako para di ako ma offend. Pero kakanta pa rin ako, itotodo ang pagpapapansin kay kwass.

" I will call you darling and everything will be ok cuz you know that I am yours and you are mine doesn't matter anyway.

In the night, we'll take a walk, it's nothing funny just to talk.

Put your hand in mine, you know that I want to be with you all the time.

You know that I won't stop until I make you mine, you know that I won't stop until I make you mine, until I make you mine."

He leaned his hand on the stirring wheel and glance at me from time to time. Brylle is now playing with his lips using his fingers, para maitago ang ngiti sa labi nito. I'd like to think na kinikilig siya. Right!

"Did you saw him?! You made my brother blushed!" muntik ng makalag ang braso ko dahil sa ginagawa sa akin ni Bree. Inaalog alog niya ako with matching sabunot!

I tucked some of my hair strands behind my ears and act like the pabebe girls na nag trend before sa internet.

"Ako lang 'to. Si Myrelle na baliw sa kakambal mo!" banat ko sakanya.

"Kailangan na pala kitang ipadala sa mental?"

My eyes widened. Humarap ako sakanya at awkward na ngumiti, ano na MJ? Asan na ang kapal ng mukha mo?

His left hand was in his pocket habang ang kabila naman ay inaayos ang nagulong buhok. Damn, messy hair or not? Gwapo parin talaga siya sa paningin ko!

"Mental talaga? Di ba pwedeng..." he raised his eyebrow. Si Bree naman ay kinukurot na ang braso ko! "Sa puso mo nalang? ahe."

"Puro ka pala kalokohan no? I thought, seryoso kang tao." he blurted out.

My smile faded.

"I have 2 personalities. The serious type which includes me," I pointed myself. "Being a bitch. And the playfull one, itong pinapakita ko sayo ngayon. You choose kung anong gusto mong makita." I said before grabbing Breeyana's arm.

"I choose the bitch one," Bree playfully answer.

"I know." I said and we both laugh.

Iyon ang ugali namin na nagkakasundo. Tho, we're not really a bitch. Nagiging bitch lang kami kapag kinakailangan. Katulad nalang nung binuhusan ko ng mainit na kape si Trish, pasalamat nga ang babaita na 'yon at sinagot ko ang derma niya!

We saw Tita Veilla together with Tito Brian na naka akbay kay tita at kay Thrios. They're with a stunning and head turner lady. Hawig ni Tito Brian.

"Hi Mom, Dad. Auntie!" Bree greeted and kiss her mom and dad including her aunt cheeks.

"Hello po," Bati ko sakanila. But instead of kissing them in their cheek. Nag mano ako sakanila. Medyo nagulat pa sina Tita at Tito, mukhang hindi sanay sa ganoon paraan ng pagbati.

"Who's this young lady? Grabe ang masyadong magalang kuya!" hinampas pa niya ang braso ni Tito Brian.

"Siya yung sinasabi ko sayo na may crush kay Brylle." Tito Brian whispered, pero dinig parin namin.

Sumingkit ang mga mata niya and scan me from head to toe. Hindi naman ako conscious sa itsura ko, I am wearing my most comfortable outfit and hindi pa naman siguro ganoon ka haggard and face ko. I flashed my sweetest smile at her.

"Where's Brylle?" bigla ay tanong niya.

I smell a manly scent beside me. Hindi ko na kailangan lumingon dahil alam kong si Brylle yun.

"In here," he cooly said, nakataas pa ang kanang kamay.

"Brylle akbay ka nga sakanya!" utos ng Auntie nila. Gosh! Ang weird talaga nila!

I felt his hand slowly wrap around my shoulder. Nanigas ako sa kinakatayuan ko, parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko. Syet! Iyon na ba yung sparks na sinasabi nilang mararamdaman mo? I can also feel my cheeks burning.

"Jesus! Bagay kayo! Omy God! Kuya!" Hinampas hampas niya ang braso ni Tito, para siyang teenager na kinikilig sa pinapanood niyang teledrama. "She's blushing!" nanlaki ang mata ko.

Dahil sa pagsita niya sa namumula kong mukha feeling ko pati kasingit singitan ko namumula na sa hiya at syempre may halong kilig. I felt Brylle grip on me tighten. Pasimple akong tumingin sakanya, mas lalo akong namula ng magkasalubong ang mga mata namin.

Damn, para akong masusuka na ewan! Eto na yata yung nababasa ko sa Erotic book na binabasa ko, yung butterflies in the stomach?

Kumain nalang kami sa isang fast food restaurant dahil gutom na daw si Auntie Brianna, ang kambal ni Tito Brian. She didn't stop on pairing me with Brylle, which is pabor naman sa akin. Sino ako para tanggihan ang inihahain nilang grasya?

"Here," iniabot sa akin ni Brylle and tissue. I give him a questioning look. "Dinaig mo pa si Thrios." he rolled his eyes and wipe the side of my lips.

Normal pa ba 'to? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Eat now. Stop staring at me." masungit na sabi nito at uminom sa coke float niya.

"Sungit." I murmured pero mukhang nadinig pa niya dahil tinaasan niya ako ng kilay. Agad naman ako na ngumiti, yung matamis.

"Hey! Mj, can I ask you a favor?" umangat ang tingin ko kay Auntie Brianna. She's now smiling sweetly at me, nagpapa cute pa.

"Kung kaya ko naman po. Why not?" I said as I sipped my drink.

"Can you be my model for my clothing line? May photoshoot ngayon sina Bree at Brylle. Pwede kaba ngayon?" tuloy tuloy na sabi niya dahilan para mapa ubo ako. Pakshet? Ako? Model?

Pinunasan ko muna ang bibig ko bago ako seryoso na tumingin sakanya.

"Sure po kayo?" pinigilan kong tumawa sa tanong ko. Tumango tango ito sa akin, I also nodded my head a little.

"One more shot! Tingin sa kabila, Brylle."

Napatingin ako sa harapan, I saw how confident Brylle is. Napilitan pa siya sa lagay na yan na maging model ng Auntie niya, pero feel na feel naman niya ang camera. tss.

"Okay, done!"

"Miss Mj kayo na po." inalalayan ako ng isang staff na tumayo. I walk nervously.

"You can do it babe!" Sigaw ni Breeyana na naka suot ng robe. Kanina pa siya tapos kunan.

"First time?" The photographer ask. I nodded my head as an answer. God! I'm really nervous!

"It's okay, hindi naman kita kakainin ng buhay." biro niya sa akin kaya napangiti ako ng kaunti.

He held my waist and guide me towards the stool in front. Umupo ako doon at pinagawa ang pose na gusto niya, minsan ay ako na mismo ang nag po-project.

"Damn, sigurado kabang first time mo? You look professional tho," nakakunot noong sabi niya.

"I love taking selfies, kaya po siguro ganun." sabi ko nalang.

Ilang beses pa akong pinagpalit ng damit. Karamihan ay ang mga bagong labas na dresses ni Auntie Brianna. I felt drained after the photo shoot, nakaupo lang ako sa sofa na nasa studio.

"Drink this," inabutan ako ni Brylle ng mineral water.

"Thanks," I said and drank.

"You look good, mas bagay pala sayo kapag dress ang suot mo." he hide his smirk by drinking in his own bottled mineral water.

"Ikaw din! Ang gwapo mo kanina." I bit my lower lip when I noticed how red his ears.

"Gwapo naman talaga ako." he said, stating the fact. Walang halong kayabangan sa boses nito.  "Kaya nga nagka crush ka sakin diba?" he said, smirking smugly.

"Hindi ko itatanggi!" I said and we both laugh at that. Ang babaw naman ng kaligayahan namin.

Hindi na ulit siya nagsalita kaya I tried my best to shut my mouth up. Baka bigla nalang siyang mairita dahil sa kaingayan ko, we waited for Bree to finish her business inside. Hindi naman ito nagtagal, pagkalabas niya sa isang kwarto may dala dala na itong mga paper bags na may tatak ng clothing line ni Auntie Brianna.

"Here for you, ayan yung mga sinuot mo kanina." Iniabot niya sa akin yung mahigit sampo na paper bag. Ang dami naman nito!

"Mauuna na ako sainyo okay? I forget to tell you,babe. May meeting kami na pupuntahan ni Auntie, Kuya ikaw na bahala kay Mj!" she said and left us.

"Uuwi kana ba?" he ask and grab the paper bags I'm holding.

"Ikaw ba?" napatakip ako sa bibig ko dahil sa tanong ko pabalik sakanya.

"Well, I nees to review for my mid term exams." he shrugged his shoulder. Marahan akong napatango.

"Edi tara na? Hatid mo na ako." I smiled at him at nauna na akong naglakad sakanya. But he grab my arm, I looked at him. Confused why he suddenly grab my arm.

"May naalala lang ako." he said while scratching his nape. Is he shy now?

"Ano yun?" curious na tanong ko.

"The condition. Sa Library?" my brows shot up.

"Okay, what about it? May naisip ka na ba?" I ask.

Of course, I remember that. Crystal clear. Ang sabi niya noon pag-iisipan muna niya ang condition niya para sa pag payag na magtrabaho ang kakambal niya kasama namin.

"Yeah,"

"Hmm? Ano pala?"

He stepped closer and bowed a little to align our faces, he also touched my chin and squeezed it lightly. Bumaba ang tingin niya kaya sinundan ko ito.

We're staring at each other lips in the middle of the mall. How embarrassing could it be?

"A-ano yung condition mo?" nauutal na tanong ko sakanya. I didn't have the chance to look around because he wouldn't let me.

"Let me court you."

__________________________________________

Brylle Veios Clemente at the multimedia!
This one is for you RedMorrie lol hahaha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top