Chapter 20

8 months...

"Buntis saan ka pupunta?"

Sinalubong ako ni Greta. She's now wearing a black jumpsuit paired with black stilleto, parang may namatayan sakanya. She looks so professional while she walks, pero kabaliktaran nang makikita mo kapag kinausap ka na niya. She's fun to talk to, wag mo lang gagalitin. Nagiging Breeyana na din siya habang tumatagal. I'm so proud of her, in a span of 8 months. Siya na ngayon ang namamahala sa company ng Dad niya.

"Samahan na kita!" she cheerfully said at inalalayan ako.

Mahigpit ang bilin nina Tita Veilla at Auntie M na wag akong lumabas na walang kasama.

"San ka nga kasi pupunta?" she asked again. "Sa likod ka sumakay." bilin niya.

I smiled at her, hindi na nila ako pinapasakay sa front seat simula nang maaksidente kami. Naging habit nadin na icheck muna ang sasakyan na gagamitin namin bago umalis. Monthly ang maintenance ng mga sasakyan before pero ginawang weekly nina Tita kahit ayos pa naman ang mga sasakyan.

"Sa sementeryo." sagot ko at tumingin sa labas ng bintana. Tumahimik lang si Greta at mabagal na nagmaneho.

Wala si Bree ngayon dahil busy sa company ni Tito Brian, at busy din ito sa bagong business na itinatayo niya. Habang ako naman ay busy sa pinagbubuntis ko at pilit na iniiwasan ang stress dahil hindi nakakabuti sa aming mag-ina.

That night, muntikan na din mawala sa akin ang anak ko. Na stress ako nang sobra at dumagdag pa ang pagsalpok ng sasakyan namin, simula noon naging maselan na ang pagbubuntis ko. Dalawang linggo akong nasa hospital as per Tita Veilla and Tito Brian request. Dumagdag pa si Auntie.

"Greta sa tabi. Bibili muna ako ng bulaklak." tinignan niya ako sa rearview mirror at tumango. Sakto naman na may nadaanan kaming flower shop.

Si Greta na ang bumaba at tinuro ko nalang kung anong klaseng bulaklak. I picked the simplest flower for him. White Orchids. I still remember how he loves the color white, lahat nang mga gamit niya ay puti.

"Hindi ko alam kung gusto mo pa 'tong malaman pero..." alanganin siyang tumingin sa akin. "si Trish, mukhang sa mental na talaga makukulong."

Biglang nawala lahat ng emosyon sa mukha ko. She's the reason, the mastermind, kung bakit nangyari sa amin ngayon ito. Kung bakit siya namatay, kung bakit nawala na parang bula ang mga pangarap niya.

After the incident, nalaman namin na si Adamson at Trish ang may gawa kung bakit nawalan ng preno ang sasakyan namin ni Brylle. Pina check nina Tito Brian ang CCTV sa parking lot and they saw Adamson doing something while si Trish naman ang nagbabantay. Ginawa nila iyon habang nag p-proposed sa akin si Brylle sa mismong venue ng graduation namin.

Nalaman ko din na kaya lapit ng lapit si Trish kay Brylle was because she want's to used him. Her friends say that Adamson wealth was not enough and will never be enough for her, kaya si Brylle ang pinuntirya niya. She thought madali niya lang makukuha sa akin si Brylle, kagaya ng pagkakuha niya kay Adamson. She thinks I will let him go easily, just like what I did to Adamson.

But her plan didn't work. So she used and tricked Adamson, Adamson admit to her that he still loves me despite of their affair.

"Andito na tayo..." marahan na sabi ni Greta. Ngumiti lang ako sakanya at bumaba, hawak ang bulaklak.

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin habang naglalakad papunta sa puntod niya. Ngumiti ako ng mapait nang makita ang nakaukit na pangalan niya sa lapida.

"Nakaukit dapat ang pangalan mo sa Acrylic name plate, at may nakalagay na Chief executive." bulong ko sa hangin. Inalalayan ako ni Greta para makaupo sa damuhan.

"Ang daya mo... Ang sabi mo gagawin mo ang lahat para sumaya ako." sumbat ko sakanya.

"Inabot niya sa akin 'to. Hindi ko lang naibigay sayo." inabot ni Greta sa akin ang puting envelope na may pirma niya.

"Hmm. Babasahin ko to sa harap ng puntod mo ngayon, gusto talaga kitang sumbatan!" biglang umihip ang hangin. Umupo nadin sa tabi ko si Greta at pinagmamasdan ang lapida.

"Myrelle," I started. Huminga muna ako ng malalim.

"I can still clearly remembered kung paano tayo unang nag-usap, cliche nga e. Block mates tayo pero hindi tayo nag-uusap, hanggang sa nakita kita sa likod ng mga shelfs sa library. Nakayuko at umiiyak." I stop. Of course naaalala ko pa 'yon. Ayun yung araw na nahuli ko yung ex ko na may kahalikang iba.

"Inabutan kita ng panyo noon at hinayaan na umiyak sa bisig ko. Then I just found myself falling for you, that fast. Kaya agad kitang niligawan, swerte ko kasi ako yung sinagot mo.  That was the happiest day of my life, babe... We we're so happy back then. Not until I chose to cheat. I choose to cheat kahit na sobra sobra ka na para sa isang katulad ko, nagpadala ako sa tukso." I stop and dried my tears.

"I just want to say sorry for that. Alam ko na napatawad mo na ako sa kasalanan na 'yon pero heto ako ngayon.. Gumagawa na naman ng kasalanan. At this time, alam ko.. alam ko na hindi mo ako mapapatawad. I'm sorry if tinulungan ko si Trish sa plano niya. Ako ang may kagagawan kung bakit kayo maaaksidente sa araw mismo ng Graduation natin." naramdaman kong hinahagod na ni Greta ang likod ko.

"Wala akong magawa... Kung hindi ko gagawin 'yon, papatayin niya parin kayong dalawa ni Brylle. She's crazy, babe. May ginawa ako para kahit papaano bumagal ang takbo ng sasakyan. I know, hindi ka papabayaan ni Brylle at ang magiging anak niyo." I bit my lower lip to calm myself. Then I continue reading his letter. 

"Be happy, Babe. Always remember that Adamson Gomez love you and still loving you from a far. Take care of yourself and your baby, you're going to be an amazing mom." I smiled bitterly. "By the time na binabasa mo 'to siguro wala na ako. I'm sorry, babe.. Hope you'll forgive me for doing this and that. I love you,"

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Trish, you've done so much damage in our lives. You didn't succeed on killing us, but you succeed taking one of my treasures life. Adamson killed himself... Dahil hindi niya kinaya ang nangyari sa amin ni Brylle. He take his life after a few weeks of our graduation.

"Papatawarin naman kita e! Bakit kailangan mong magpakamatay?!" sigaw ko habang nakatingin sa puntod niya. "Nakaka-asar ka! Gagawin pa naman sana kitang ninong ng anak ko!" sumbat ko sakanya.

Hindi ako nagalit sakanya, dahil nung gabing nasa parking kami at naka-akbay siya kay Trish nakita sa cctv na may baril na hawak si Trish at nakatutok sa tagiliran ni Adamson.

"Hey, Tita Veilla already texted me. Hinahanap ka ng fiance mo." she showed me the text.

"Dadalawin ulit kita, pagkatapos kong manganak. Kung pwedeng araw araw kong pupunta dito para sumbatan ka, gagawin ko!" I laugh a bit. "Kung buhay ka lang malamang pinipitik mo na ang noo ko, ganoon ka e."

"I loved you, Adamson. Pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Brylle." I whispered before leaving the cemetery.

"Tawagan mo nga jowa mo! Ako yung ginugulo ni Tita Veilla!" iritadong sabi ni Greta sa akin dahil kanina pa tunog ng tunog ang cell phone niya.

Tumawa lang ako at tinawagan si Tita Veilla.

[Eros.] I rolled my eyes.

"What now, Brylle?" kunwari ay naiiritang tanong ko.

[Check up ko ngayon tas wala ka. Ang sabi mo may kukunin kalang sa bahay niyo? Bat wala ka?]  napairap nalang ako hangin.

"On my way. Wait for me okay?"

[Kay.] he answered then drop the call. Napaka talaga netong lalaki na to!

Pagkatapos akong pakabahin dahil akala ko nasa loob parin siya ng sasakyan noong sumabog ito gaganituhin lang ako ngayon?!!

"Attitude no?" natatawang tanong ni Greta sa akin, tumango lang ako sakanya.

That night, after ko palang makalabas nang sasakyan sumunod agad siya pero hindi niya kinaya na maglakad hanggang sa daan kung nasaan ako, ang sabi niya hindi naman daw siya bobo para hindi malaman na sasabog ang sasakyan namin kaya pinilit niya ang sarili na lumayo. Iyak ako ng iyak noon at pinaghahampas pa si mamang pulis, tapos ang gago natagpuan sa likod ng puno. Nawalan daw ng malay.

I will be forever thankful to God, dahil hindi niya kami pinabayaan that night. We survived. For our baby.

"Love," I called to get his attention. Humalik muna ako sa pisngi ni Tita Veilla, ganoon din si Greta bago ako tumabi ng upo kay Brylle.

"Napagod ka?" He asked while wrapping his arm around my shoulder and kissed my forehead.

"Hindi naman, galing ako sa sementeryo." tumango lang siya sa akin.

"This month na lalabas si baby," he said. Natutuwa sa ginagawang pag himas sa bilog na tiyan ko. Tumaba ako ng kaunti dahil sa biglaang pagtakaw ko last month.

"Actually..." napa igik ako dahil biglang sumigid ang kirot. "Brylle.... Tangina..." mura ko nang maramdaman na para akong naihi.

"Wag ka ngang magmura." suway niya sa akin. Napatingin siya sa lapag nang maramdaman niya na nabasa ang sapatos niya. "Eros, did you just fucking pee?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Fuck you! My water broke!" sigaw ko sakanya. Nabigla si Tita Veilla sa sigaw ko kaya agad siyang nagtawag ng nurse and even called my Ob. Ayaw ni Brylle sa lalaking OB!

"Damn! Anong gagawin ko?" tanong niya sa akin. I slap his arm, hindi ko pa sinasadyang nakalmot siya.

"Kingina teka! Tatawagan ko si Breeyana para sa gamit ng baby!" natatarantang nag dial si Greta sa phone niya.

"Love... Calm down..." bulong sa akin ni Brylle.

"How the fuck?! Gago ang sakit huhu!" naiiyak na sabi ko sakanya. Natataranta na si Brylle at hindi alam ang gagawin sa akin.

"Make it faster! I don't want my daughter in law to be in pain!" dinig kong utos ni Tita Veilla sa mga babaeng nurse.

"Bakit puro babae?" Tanong ko.

"Oh shocks! I'm sorry! Brylle, ikaw na bumuhat sa asawa mo!" pumikit ako ng mariin dahil sa kaganapan namin ngayon.

Marahan akong binuhat ni Brylle at inilapag sa emergency stretcher. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Brylle hanggang sa maipasok nila ako sa Delivery room. Naiwan sa labas si Brylle, dahil hindi pinapasok ni Dra.

"Myrelle, inhale deeply then umiri ka okay?" I nodded to her as I did her instructions multiple times.

"Arrghhhhhh!"

Bumagsak ang ulo ko sa unan, I feel so exhausted but when I heard my baby cried. Para akong nabuhayan ugat pero ang katawan ko unti unti na talagang sumusuko dahil sa pagod ko sa pag-iri.

"Congratulations, Miss.Lopez. It's a healthy and bouncy baby boy!"

Iyon ang huli kong narinig bago ako tuluyan na hilain ng pagod, at nakatulog.

"He's so cute! And fluffy too.."

"Don't you dare squeeze my son, Breeyana!" I heard Brylle hissed.

"Arte mo naman!" sigaw ni Bree.

I weakly opened my eyes.

"Nagising mo tuloy yung tulog! Gaga ka!" hinablot ni Greta ang buhok ni Bree.

"How are you feeling Mj?" tanong ni Auntie M na nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Tired and thirsty, Auntie." paos na sagot ko sakanya.

Todo birit ako kanina sa Delivery room dahil sa pag iri ko kaya siguro nawalan ako ng boses. Inalalayan ako ni Aunti na makaupo at pinainom ng tubig. Lumapit sa akin si Brylle na karga karga na ang baby namin.

"Anong ipapangalan natin sakanya?" tanong ni Brylle.

"Vraxx." simpleng sagot ko sakanya. Lutang pa ang katawang lupa ko.

"Jyrelle." he said while looking to our baby.

"Then make it, Jyrelle Vraxx!" singit ni Thrios. Nagkatinginan kami ni Brylle.

"Ang galing talaga netong bunso namin!" pinanggigilan ni Breeyana si Thrios.

"What do you think?" nakangiting tanong sa akin ni Brylle. It's a good combination, at isa pa si Thrios ang nag suggest kaya sino ako para humindi?

"Yeah, sure. Why not?" Thrios happily clap her hand because of that.

Umupo si Brylle sa tabi ko at iniharap sa akin ang baby namin. He's so cute and soft! Para siyang marshmallow sa sobrang lambot ng balat niya. He looks like the baby Brylle. Wala man lang nakuha sa akin!

"Thank you, Eros." Brylle whispered to me. I just smiled to him and kiss his lips, not minding my Aunt at ang iba na nakatitig lang sa amin.

"May contribution ka naman," I shot back and we both laughed.

"Yeah, ako nga pala ang umaararo." he said playfully. Kinurot ko lang siya ng bahagya sa may baywang niya.

"I love you, Eros. Only you, My love." he whispered, ngiti lang ang sinagot ko sakanya at tinignan ang anak namin na nakatulog na sa bisig niya.

"Welcome to the world, Jyrelle Vraxx Lopez Clemente." thank you for coming into our life, baby.

___________________________________________

First born...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top