Chapter 2

"Fuck! That was epic!"

Humagalpak sa tawa si Bree. Hindi pa rin maka move on sa ginawang katarantaduhan sa akin ng kakambal niya! After he said those words, tinawanan niya lang ako at iniwan na nakatulala! Gwapo lang siya pero— Lord! Bat naman kasi ang gwapo talaga?! Marupok ako sa gwapo!

"Hindi ka titigil?" Naasar na sigaw ko sa kanya. She didn't stop, instead, mas nilakasan pa niya ang tawa niya kaya naman dinampot ko ang throw pillow na katabi ko at binato sa kanya. Sapol sa mukha!

"Hi, Ate Jax! It's nice to see you here!" Matinis na sigaw ng bunso nilang kapatid. Thrios Clemente. She sprinted towards me and hug me, she even showered my face with her kisses. Ganito niya ako ka gusto!

"I miss you baby. How are you?" Tanong ko sa kanya habang pinanggigilan ang matambok niyang pisngi. 12 years old pa lang ito at Grade 6 na ngayon.

"Ate Jax, Kuya Brylle said I am not a baby anymore. Kasi daw po mag h-high school na ako sa susunod." she pouted her lips.

"Baby pa rin kita, kahit na mag h-high school kana. Tsaka malayo pa naman yun." I said. Tumingin siya sa akin, at ngumiti. Akala mo ay in-offer-an ng sandamakmak na candy sa harapan.

"I can still play with Barbie dolls right?" She asked with her pretty puppy eyes.

"No, Thrios. But you can still collect those dolls," sabat ni Breeyana sa kapatid.

"You can't play those Barbies, kapag nag high school kana baby. But, Ate Bree is right you can still collect them." Mas lalo pa tuloy ngumuso ang bata. "Ganito yan, iba na kasi yung panahon dati sa panahon ngayon baby. Before kahit high school kana, you can still play with those dolls but now? Baka, i bully ka nila just because you're still playing those. Gusto mo ba 'yon?" I explained, na sana maintindihan ni Thrios.

"And hey! I heard dinatnan kana?" Dagdag ko. Her monthly period came, nagdadalaga na talaga ang baby ng mga Clemente.

"It's gross ate! I thought I'm going to die na! Imagine the blood all over my panties! Geez!" Exaggerated na sabi nito. Sabay tuloy kaming tumawa ni Bree sa kaartehan ni Thrios.

Bree insisted na mag stay nalang ako sa kanila for tonight pero tumanggi ako. And Bree being Bree, kinausap niya si Thrios para mapilit ako. Of course, I said no, pero naipit ako ng dumating na ang Mommy at Daddy nila. Saying na delikado na bumiyahe kahit na mag a-alas singco pa lang naman ng hapon.

"Why don't you just stay?" Nakataas ang kilay na tanong ni Brylle. "Gusto mo talaga pinipilit ka ano?" He asked sarcastically. Hinayupak!

Inirapan ko lang siya. Baka akala niya, hindi porket gwapo siya may karapatan na siyang sungit sungitan ako! Pero syemay! Ang hot nya tingnan kapag nagsusungit! Ang sarap lang din lapain!

"Umayos ka nga, mukha kang tanga." Bulong sa akin ni Bree pagkatapos ay kinurot ako sa tagiliran.

"Bree, mas gusto ko na mabaliw. Basta kuya mo magiging Doctor ko ah?" I giggled at that thought. Damn, ngayon pa nga lang nababaliw na ako.

"You have an obsession when it comes to handsome men no?"

"Bree, sa kakambal mo nalang ako obsess ngayon." I winked at her. Ngumisi lang siya sa akin bago ako hinila sa second-floor ng bahay nila. I bet she's happy with the idea that I like her twin brother.

Bree was holding my wrist while we were walking, para akong bata na anytime pwedeng mawala. Their house is like a castle in the fairytales, si Tita mismo ang nag suggests ng design ng bahay. She's a die-hard fan of Prince and Princesses' story. At the age of 50, may mga collection pa din si Tita ng pre-medieval movies na nasa theatre room nila.

Isang beses pa lang akong napadpad doon dahil nga hindi naman ako madalas mag punta dito sa bahay nila. I'd rather stay at my apartment and do my thing there. Reading and writing sad stories.

Binuksan ni Breeyana ang isang pintuan, I guess this is one of their guestrooms. Napaka Simple lang nito, a touch of white and black color. May queen-size bed sa gitna, a television at maliit na mesa sa tabi ng kama.

"Bakit dito? Dati naman gusto mo akong sa kwarto mo matulog." Nagtatakang sabi ko.

Yes, Bree, the softie is also like a baby. Ayaw niya na nalalayo ako sa kanya or nawawala sa paningin niya. Kaya kapag naka uwi na ako sa apartment ko, Matic na tatawag siya kaagad or she's going to stay there. Parang kaming dalawa yung mag kambal.

"You will thank me later," she winks playfully.

Huh?

Hinila na niya ulit ako papunta sa kwarto niya. She ransacked her closet and grab some clothes na hindi pa niya ginamit dahil may mga price tags pa. Malamang ay galing sa clothing line ng Tita niya. She also grabs some undergarments at inabot sa akin.

"What the fuck?!" I hissed.

Itinaas ko sa harapan niya ang undergarments na binigay niya sa akin. It was a freaking t-back panty and a bra na nipples ko lang ata ang matatakpan! Mabilis ko iyon na ibinato sa kanya.

She laughed hard at my reaction. Hawak hawak pa niya ang tiyan at hinampas hampas pa ang tuhod niya.

"God! 20 kana! Don't tell me hindi ka nagsusuot ng ganito?!" Umiwas ako ng tingin ng itinapat niya sa mukha ko yung undergarments. Hell! As if I'll wear those sinful pieces of... Hindi ko alam kung papasa pa ba 'yon na undergarments!

"E ikaw ba?!" Siya naman ang umiwas ng tingin sa'kin at namula pa talaga ang pagmumukha niya. Ha! Gagang 'to!

"Go! That's my bathroom. May extra brush ako doon and complete naman ang essentials ko! Take a bath!" She said while pushing me towards the bathroom. Medyo napalakas pa ng kaunti, muntik na tuloy ako masubsob sa tiles!

"Ayos mo ah?!" Naghahamon na singhal ko sa kanya. She just smirked at me and close the bathroom door, sinampay ko muna ang damit na binigay sa akin ni Bree at humarap sa salamin. Truth to her words, kumpleto nga ang mga essentials nito at may extra toothbrush siya sa cabinet na gagamitin ko.

I removed all my clothes, at sumalang na sa shower. Hindi na ako nag-abala na palitan ang temperature ng tubig, I preferred it cold. Ginawa ko lang ang routine ko sa pagligo. Sinigurado na malinis ang buong katawan ko. Sinuot ko muna ang bathrobe, at humarap ulit sa salamin para mag skincare at mag toothbrush.

I put some facial foam and used Breeyana's foreo luna to make sure na malinis talaga ang mukha ko, then I applied some toner and moisturizer. And done!

"Bree! My undergarments please!" Sumilip ako sa pinto at sumigaw. Agad naman siyang lumapit sa akin at inaabot ang paper bag. Sinilip ko 'yon.

My eyes widened when I saw a pair of red lingerie!

"BREEYANA!" I shouted at the top of my lungs. Tumatawa lang siyang tumakbo palabas ng kwarto niya.

I can't stop myself from glaring at Bree. Nasa hapag kami ngayon at kumakain ng matiwasay. Sila lang pala, dahil hindi ako mapakali sa undergarments na pinasuot sa akin ni Bree. Feeling ko wala akong suot na kahit ano sa panloob!

"Jax? You okay?" Tanong sa akin ni Tita. I just give her a small smile and nod my head.

No tita, hindi po ako okay! Demonyita po kasi yang anak ninyo! I wanted to protest pero nakakahiya dahil nasa hapag kainan kami!

"Kain lang ng kain, Jax. Wag kang mahihiya." Sabi naman ni Tito Brian habang itinuturo ang mga pagkain na nakahain sa harapan nila.

"Don't worry pa, walang hiya yan!" Tumatawang sagot ni Bree. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Quota na sa akin ang babaeng 'to!

Sinuway naman siya ni Tita Veilla. Habang nasa hapag kami, kami lang ni Tita at Bree ang napansin kong nag-uusap. Brylle and Tito Brian barely spoke, at kung magsasalita man sila napaka pormal. Hindi mo mabibiro.

"So, Jax. May boyfriend ka na ba?" I automatically stop chewing my food and look at Tita Veille na puno ng curiosity ang mga mata.

Nilunok ko muna ang pagkain ko.

"Kaka break pa lang po," magalang kong sagot. She has this shocked expression on her face.

"Why?!" Sunod na tanong niya. Bree looks at me, na parang humihingi ng dispensa dahil sa tanong ng parent niya. I smiled at her to assure her na ayos lang.

"He cheated on me po." I shrugged my shoulders. I scooped up a spoonful of chocolate ice cream and ate it.

"Then that man is an asshole!" Sigaw ni tita at pabagsak na binitawan ang utensils na gamit sa mesa. Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya, she's like the older version of Bree!

I saw how Brylle tensed up. Don't tell me takot to sa Mommy nila? I wanted to laugh at that thought but chose not to.

"He is!" Madiin na sabi ni Bree. I playfully rolled my eyes at her.

Ayaw na ayaw talaga niya kay Adamson for some reason na hindi niya masabi sabi. She just hates him, that's it. Plain and simple.

"Kaya ikaw!" Nagulat ako ng itinuro ni Tita Veilla si Brylle. "Don't be a fucking asshole or else I will disown you!" Napalunok ako.

Pasimple kong tinignan si Brylle. He wiped his mouth using a tissue and look into his mother's eyes. Masyado siyang seryoso. Gosh, ganito ba lagi ang ganap nila sa hapag kainan?

"Why would I? I have sisters, Ma. Ayokong mangyari sa kanila 'yon." He said and continue to eat.

Tito Brian looks at his son and gave him a thumbs up. Kahit si Tita Veilla ay ngumiti, damn. They raised their children well. Parang mas lalo tuloy akong mababaliw kay Brylle dahil sa sagot niya.

"That's my boy!" Proud na sabi ni Tita. Kapagkuwan ay sa akin siya tumingin. "Makikita mo rin ang para sa'yo, Jax. Yung hindi ka lolokohin at respetuhin ka." Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni tita.

Though, hindi na ako umaasa. Prone na ako sa mga cheaters na lalaki. I have obsessions with handsome men, thinking that they were the perfect Prince for a Princess like me. But it turns out bad. Gwapo nga sila pero pare-pareho lang sila ng likaw ng bituka. That's why I tried Adamson, the not-so-gwapo, pero ang ending? Ganoon din pala ito.

But it's okay.

Of course, it's not.

Hindi ako yung lumalapit sa kanila, sila yung lumapit e. Sadyang marupok lang talaga ako at gullible, I love to take risks and explore in a relationship kaya sinasagot ko. I loved my ex or past boyfriends, or maybe not really. Pero nandito pa rin yung sakit na iniwan nila.

Kasi kapag in-approach nila ako, sasabihin nila iba sila. Aasa ako na iba talaga.

Ngumiti ako ng mapait kay tita. My smile didn't reach my eyes.

"Ano ba yung standards mo sa lalaki?" Tanong ni Tito Brian.

"Mataas po ang standards ko sa lalaki," I laugh a little. "Alam ko po hindi ako ganon kagandahan para mag demand pero... Gusto ko po talaga sa lalaki yung gwapo, matangkad, maputi pero hindi ganoon kaputi. Matangos ang ilong, kissable lips, yung may respeto po sa pamilya niya. Yung kaya po akong ipaglaban, mahalin at yung lalaking hinding hindi po sana ako lolokohin." I dreamily said.

"Are you describing my twin brother?" Natatawang tanong ni Bree. I choke on my food, sunod sunod na pag-ubo ang ginawa ko. I even tapped my chest!

"Look what you've done, Breeyana!" Agad na pumunta sa tabi ko si Tita Veilla at hinagod ang likod ko. Inabutan niya ako ng tubig kaya agad ko din na ininom 'yon.

I saw how Brylle hid his smile by wiping his mouth with his table napkin this time!

"I'm done. Mauna na ako sa kwarto ko, kailangan ko pang mag review." Paalam niya sa amin at basta nalang tumayo. But before he turned his back, he glance at me and smirk. Ano kaya yun?!

"Review well, Twin!" Matinis na sigaw ni Bree. Si Thrios naman ay tinakpan ang kabilang tenga.

"Okay ka na ba?" Nag-aalala na tanong sa akin ni Tita. Tumango na lang ako sa kanya, kahit na sobrang sakit talaga ng lalamunan ko kakaubo kanina.

"So you like my son?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Tito. "Hmm. He's handsome, tall, hindi gaanong maputi, matangos ang ilong, his lips were red and kissable dahil nakuha niya 'yun sa mommy niya. May respeto siya sa amin. He's a responsible man, I'm sure kaya ka niyang ipaglaban sa amin pero hindi na kailangan, gusto ka naman namin para sa kanya. We raised him well kaya sigurado kami. Right honey?" Tito Brian throws a glance at Tita Veilla and winks.

"Of course!" Sabay sabay na sagot nang tatlong babae.

"Hala!" Niyanig ng pamilyang 'to ang utak ko.

Sabay sabay pa nila akong hinatid sa guestroom na pinagamit sa akin ni Bree. Goodness! They're acting so weird. As in. WEIRD!

Tita Veilla started to tease me about her only son. Even Tito Brian! Tapos ay nalaman pa pala nila na may ginawang kabalbalan kanina sa akin ang lalaking anak nila! Amputek! May CCTV pala ang bawat sulok ng bahay, at sa kasamaang palad mali ang anggulo ng camera na nakatapat sa amin ni Brylle. Akala talaga nila hinalikan niya ako, jusko! In my dreams!

Ang damuho, tinakam lang ako. Lilinisin pa nga daw ng holy water ang makasalanan kong labi. Parang tanga. Ang gaga na si Breeyana hindi man lang tinanggi at pinush pa sa Nanay na hinalikan talaga ako ng kakambal niya. Hindi rin naman nagpaawat si Tita Veilla, kailangan daw akong panagutan ni Brylle dahil sa nangyari sa amin kanina.

E sa wala ngang nangyari!!

Napasabunot nalang ako sa buhok ko, pagkahiga ko sa malambot na kama. Hindi naman talaga problema sa akin na itulak nila sa akin ang lalaking anak nila, sasaluhin ko pa. Open arms ko pang tatanggapin! Ang ikinaka-asar ko is yung wala talagang naganap na halikan!

Sana meron nalang! Peste!

I tried to sleep but I failed. Hindi ako makatulog! Ngayon pa ako namahay! Ginawa ko na ang lahat para mapagod ako at makatulog. Nag Ikot ikot ako sa kama. Nag jumping jacks. Nag push-ups, nag yoga at kung ano ano pang exercise na pwedeng gawin ng walang maabalang tao! Pero wala pa rin!

I checked my phone and sakto naman na may message sa akin si Auntie Maillene. Agad akong nag online and immediately called her. She's been in London for almost 3 years now. Siya na kasi ang nagma-manage ng business nina Mom and Dad. Habang ako naman, mas gusto ko manatili dito sa Pilipinas.

"Auntie!" I waved my hand at the screen.

[How are you darling?] I smiled at her.

"I'm fine po, kayo po? Kumakain po ba kayo? Pumayat ka, Auntie!" Sita ko sa kanya.

[Well, dalian mo kasing matapos sa pag-aaral para matulungan mo na ako!] She pouted her lips cutely and that made me smile.

"3rd year nako next year, Auntie. Malapit na." I said and she just smiled at me.

She's the reason why I'm studying hard. May edad na din si Auntie at naiintindihan ko naman na hindi biro ang magpatakbo ng kumpanya na ikaw lang mag-isa at malayo ka pa sa nag-iisang pamilya na natira sayo.

[I'm going to hang up now. I still have a lot of work to do, talk to you soon Mj! I love you!] I said my, I love you too and bid our goodbyes.

Tumayo ako sa kama ng maramdaman ko na naiihi ako, may cr naman pala ang guest room na'to bat pa ako pinaligo ni Breeyana sa bathroom ng kwarto niya? I was reading the latest update of my favorite story when I open the bathroom door. Nakabukas pa ang ilaw nun. Baka automatic?

I was about to pull down my shorts when someone came into the bathroom. My eyes enlarged when I saw a six pack abs with a perfect V-line, hindi ko na hinayaan ang mata ko na bumaba pa! I instantly covered my eyes and turned my back! God!

"Mommy!" I sobbed.


Myrelle Jax at the multimedia! ✨ Special thanks to RedMorrie halabyu babe lol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top