Chapter 19
"Congratulations Graduates!"
Sabay sabay namin binato sa ere ang Oxford cap namin. We laugh and cried at the same time, 4 years kaming magkakasama sa hirap at ginhawa. Tho, hindi namin ka close ang ibang blockmates namin at yung iba naman ay nagpapa buhat lang sa group projects, mamimiss parin namin sila.
"I'm going to miss them," bulong sa akin ni Bree at iniabot ang Oxford cap ko na siya ang pumulot. Umakbay naman sa akin si Greta at kumakaway kaway pa sa mga blockmates namin na nakalaban niya sa Mobile Legends.
"Ako din! Maliban lang sa isa. Ay hindi madami dami pala sila!" binaba ko ang kamay niya nang akmang ituturo niya ang grupo ni Trisha.
"I heard her mom died, kaya wala dito." nanlaki ang mga mata na napatingin ako kay Breeyana.
"Hindi niya kasi iningatan. Pinagod niya ng husto nanay niya." walang ganang sagot ni Greta. Which I totally agreed. But I just don't want to interfere because it's none of my business.
"Saan ka after?" tanong ni Bree kay Greta.
"Syempre sainyo! Gaga ka ba?" naiiritang sagot ni Greta na ikinatawa nalang namin. Hindi pa pala totally okay ang mama niya kaya hindi pa pinayagan makalabas para umattended ng graduation namin.
"Nagtatanong lang!" sigaw ni Bree at pinukpok ang Oxford cap sa ulo ni Greta.
I laughed at them when they started bickering. Medyo lumayo ako nang kaunti dahil baka matamaan ako. This is the end and a new chapter is about to begin, I can't wait to see to them to be a successful business woman. Hindi na ako makapaghintay na matupad ang mga pangarap namin.
"Congratulations!"
Sabay sabay kaming lumingon na tatlo sa pinanggalingan ng boses. There, we saw Auntie M, Tito Brian and Tita Veilla, Auntie Brianna with Thrios, holding a bouquet of red roses. Pero iba ang hawak ni Auntie M, ayun yung bouquet of books na ibinigay sa akin pagtapos ay nailapag ko sa isang upuan na malapit sa akin.
"Congratulations, darling! Auntie is so proud of you!" emosyonal na sabi ni Auntie M at niyakap ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagbubuntis ko kaya nagiging emosyonal na din ako.
"Thank you, Auntie! Matutulungan ko na kayo!" that's my goal. Ang matulungan si Auntie sa kumpanya na iniwan nina Mommy at Daddy.
"Focus on your baby first." she whispered.
I smiled at her, lagi nalang niyang inuuna ang kapakanan ko. She said makakapaghintay naman daw ang kumpanya na ipapamana sa akin.
"Ako na muna ang hahawak nito para sayo!" she said, pertaining to the bouquet of books. Medyo mabigat iyon dahil sa laman na libro.
"Congratulations, Mj! Patingin kami ng singsing! Napakadamot naman kasi niyang panganay ko, hindi man lang pinakita sa akin bago ibigay sayo!" reklamo ni Tita Veilla. I laughed a bit and show her my hand.
Hinawakan niya naman ang kamay ko at tinitigan ang singsing. Nakakunot ang noo nito habang sinusuri ang singsing.
"I know this ring, pakihubad nga sandali." utos sa akin ni Tita Veilla kaya hinubad ko ito at iniaabot sakanya. Nagliwanag ang mukha niya nang nakita ang hinahanap niya.
Nakatingin lang kami sakanya, nagtataka sa ginagawa niya sa singsing na bigay sa akin ni Brylle.
"Why? May problema ba sa bigay na singsing ng anak natin?" nagtatakang tanong ni Tito Brian na agad naman kinailing ni Tita. Malapat ang ngiti nito at nagniningning ang kislap ng mga mata.
"Kaya pala familiar sa akin ang singsing," she laughed. Siya na mismo ang nagsuot pabalik sa akin sa singsing.
"Bakit familiar, ma?" nakakunot ang noong tanong ni Bree. She's now holding one of the bouquet of red roses, ganoon din si Greta. She sticks out her tongue to me, napailing nalang ako dahil sinusumpong na naman siya ng pagiging isip bata.
"Well...." she shrugged.
"Pabitin ka naman!" nabigla ako nang hinatak ni Auntie Brianna ang buhok ni Tita Veilla. I think natural na 'yon sa kanila, but this is the first time I saw them doing that.
"Alam mo ikaw? Nakakarami ka na sa akin!" sigaw ni Tita Veilla kay Auntie Brianna pero inirapan lang ni Auntie si Tita. "Hirap talaga pag tumatandang dalaga...." parinig ni Tita Veilla pero hindi lang si Auntie Brianna ang natamaan.
"Oh gosh! Hindi ikaw, Maillene!" natawa kami kay Tita Veilla. Tumango lang naman si Auntie M habang nakikitawa sa amin.
"Pamilyar sa akin kasi bigay ko 'yan sakanya noong mag college silang dalawa ni Breeyana. Ang sabi ko ibigay niya sa magiging girlfriend niya during his college life. I didn't know na iyan ang gagamitin niyang singsing ngayon. Akala ko kasi naibigay na niya iyan sa ex niya." nakangiting sabi ni Tita Veilla.
"Anyways, bakit wala pa dito ang panganay niyo?" tanong ni Auntie M.
Napalinga linga naman sila sa paligid , as if makikita si Brylle sa dami ng tao na nagkalat ngayon at nagpapa picture.
"Ang sabi po niya kanina sa akin, may kakausapin lang po siya. Since... alam niyo na po. Na late matapos ang Graduation namin dahil sa ginawa niya." I bit my lower lip to hide my smirk.
Hindi ko parin mapigilan ang sarili na kiligin kapag naaalala ko ang ginawa niyang proposal sa akin. A flash mob! At sa Graduation pa talaga namin! Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya kani-kanina lang! I didn't know that he can totally sing, his voice was very calming.
"Wala ka pala sa anak mo!" hinampas ni Auntie Brianna si Tito Brian.
"Yeah, he proposed to me when we were in the middle of a school rally. What the fuck is that? Pasalamat ka nalang at mahal kita kaya um-oo ako!" natawa kami sa sinabi ni Tita Veilla.
Tito Brian is a sweet man, just like Brylle. Pero hindi ko inaakala na ganoon pala siyang nag proposed kay Tita Veilla, even Breeyana because she laughed too hard to her Father. Kaunti nalang ay magpapagulong gulong na ito sa semento.
"Ang epic mo naman, Pa! Sa gitna nang rally talaga?!" Breeyana said while laughing out loud. Pinagtitinginan na nga kami nang iba dahil sa lakas ng boses niya.
"At least, she says yes!" inirapan ni Tito ang anak niya na pinagtatawanan parin ito hanggang ngayon.
Hindi na namin hinintay si Brylle dahil mukhang matatagalan pa siya sa mga ka blockmates niya at sa pakikipag-usap. Nagpa-picture kami nina Breeyana at Greta sa harap ng Building namin.
Ako na may hawak na isang erotic book, Si Bree na may hawak na make up at si Greta na hawak ang phone ko at naglalaro nang Mobile Legends.
We survived our college day's, doing our hobbies. Kahit na sobrang hectic na ng scheduled namin naisisingit parin namin ang mga ito. Nagpa-picture din kami kasama sina Tita at Tito. Then kaming dalawa ni Auntie M.
"Ayan na pala si Brylle!" sigaw ni Auntie Brianna. She immediately wrap her arms around Brylle's arm then pull her towards my direction. "Carry her bridal style! Then Mj, show your ring okay?" she sounds like a professional photographer pero hindi naman siya ang kukuha nang pic for us. It was Kuya Alex, nagulat pa kami ng bigla nalang itong sumulpot dala dala ang pinakamamahal niyang camera.
"Nagbawas ka ba ng timbang love?" nakangising tanong niya sa akin. I glared at him. "Hindi na kaya ng muscle ko," he said while flexing his arm.
"Edi wag!" hinampas ko siya at tumalikod na sakanya. "Eros!" tili ko nang hilain niya ako sa kamay at binuhat! Bahagya pa niya akong inihagis kaya napayakap ako sa leeg niya.
"Chill love, hindi naman kita ihahagis!" he said while laughing at my reaction. I grab a fistfull of his hair, nanggigigil ko siyang sinabunutan.
"Okay, love birds! Tama na yan, nilalanggam na kami dito!" Sigaw ni Kuya Alex at nagtawanan naman sila.
"I love you, kahit ang bigat mo na." he kissed the tip of my nose. Hahampasin ko sana siya ng umamba siyang ihuhulog ako.
"Gago!" sigaw ko sakanya. He glared at me, sakto na nakarinig kami ng pag click ng Camera. Kuya Alex was taking a candid shots!
"Mahal na mahal kita." he kissed the top of my head.
"Hindi kita ipagpapalit kahit kanino." he kissed the tip of my nose.
"Ikaw lang ang babae na ihaharap ko sa altar." he then claimed my lips. I kissed him back, ibinuhos ko sa halik na iyon ang buong pagmamahal ko sakanya.
He is the only man that I want to marry, siya lang ang gusto ko na makasama habang buhay at siya lang ang lalaking gusto kong maghintay sa akin sa harap ng altar. Wala nang iba. Si Brylle Veios Clemente lang.
Nakailang shots pa kami bago nag-aya sina Tita Veilla na umuwi na, dahil sobrang late na nga. It's already 7pm at nagrereklamo na din si Breeyana na gutom na ito. I haven't had the chance para i congratulate si Nichos dahil nauna na pala itong umalis sa amin. Brylle said may hinahabol daw itong flight, sa ibang bansa daw ito mag-aaral ulit.
"Dala ko ang sasakyan ko. Sunod nalang kami ni Mj." dinig kong paalam ni Brylle sa parents niya. Tito Brian just tapped his shoulder, bago ito tumango at nauna na silang umalis.
Tito Brian is the one who's driving the van we used, nang magpunta kami sa resort. Kaya magkakasya talaga silang lahat doon. He was smiling brightly at me while guiding me to get in the car.
"Ang O.A, kaya ko naman sumakay mag isa!" natatawang sabi ko sakanya. He just pinch my nose.
"Hayaan mo na ako, panira ka naman e." he said dryly.
"Hayaan mo na ako, panira ka naman e." i mocked and make a disgusting face.
"Ah ganon?" he ask. Sasagot na sana ako ng pabalang ng bigla nalang niya akong siniil ng halik. I clung my arms into his nape and kiss him back.
Hinihingal na lumayo siya sa akin. He dropped three kisses before he removed my hands on his nape. "Halik talaga nagpapatahimik sayo no?"
He was smirking smugly to me.
"May sasabihin ako sayo—"
naputol ang sasabihin ko nang makita ko si Trish na nakangisi at deretsong naka tingin sa amin. Kinalabutan ako sa klase ng ngisi na ibinibigay niya sa akin but I remained poker face. She's with Adamson, he was busy with his phone pero ang isang kamay nito ay naka-akbay kay Trish.
"Love?" tawag sa akin ni Brylle kaya nalipat ang tingin ko sakanya.
"Huh?"
"Huh?" he mocked playfully and started the engine. "May sinasabi ka kanina. Ano yun?" he ask again.
Pero yung atensyon ko nakay Trish. Suot parin niya ang nakakakilabot na ngiti sa mga labi niya. Kumunot ang noo ko nang tumingin siya ng masama sa direksyon ni Brylle. Brylle is now talking with his blockmates, paminsan minsan ay tumatawa.
Bumalik ang tingin ko kay Trish. She raised her hand and do a thumbs up. Napalunok ako nang bigla niyang itong binaliktad, the she gestured something I can't understand. Then she repeated it again. Para niyang ginigilitan ang leeg.
"Love? Okay ka lang? Namumutla ka na." nakasakay na pala siya sa sasakyan. Sinalat niya ang noo ko.
"Pagod lang ako," nanghihinang sagot ko sakanya.
"You can sleep," he said and adjusted my seat. Isinuot na din niya ang seat belt ko.
Tumingin ulit ako sa lugar kanina ni Trish. She's now smiling widely, napaawang ang labi ko ng tumawa ito. She's crazy....
"Hindi na, ayos lang ako. Umuwi na tayo." hindi ako mapakali sa upuan ko.
Pinaandar na ni Brylle ang sasakyan. Paminsan minsan ay sumusulyap siya sa lugar ko, nginingitian ko lang siya at paulit ulit na sinasabing ayos lang ako.
"Love? I love you." he smiled warmly to me.
Hinawakan ko ang kamay niya and intertwined it. Our handa really fits perfectly.
"And I love you most!" I answered happily while looking at my ring.
"Can you get the neck pillow on the back? Tapos ipatong mo sa may harap mo." napakunot ang noo ko sa utos niya pero sinunod ko parin ito ng natatawa.
"Sabihin mo naman sa akin na mahal mo ako," natawa ako sa pinapagawa niya sa akin.
"I love you, I love you, I love you Brylle Veios Clemente!" I said while looking intently at him.
"I love you too, my Mrs.Clemente." ngumiti ako sakanya.
Pero nawala 'yon nang makita bakas ng takot sa mukha niya, mabilis ang pagpapatakbo niya at malapit na kami sa may highway. Pula ang kulay ng stop lights sign that we need to stop.
"Love, bagalan mo na ang pagmamaneho!" tinapik ko ang binti niya. We we're going to bump into a huge truck kapag hindi siya nag slow down.
"I can't..." he whispered weakly.
"What do you mean you can't?! Apakan mo lang naman yung preno." natatarantang sabi ko sakanya. Pagod siyang umiling sa akin.
Pumatak ang luha sa mga mata ko. Biglang lumitaw sa utak ko si Trish habang paulit ulit na ginagawa ang sign language na ginigilitan ang leeg niya. Does that means....
"Ibabangga ko sa may puno," desidido na sabi ni Brylle. "Fuck! Ayos naman kanina 'to!" inis niyang hinampas ang manobela.
"Love, I'm s-scared.." sunod sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
"I'm here... Calm down...." he's voice was calm but I knew better than that... He's scared too..
Bakit naman ganito?
I was crying hard when I noticed na medyo bumabagal ang sasakyan namin, I was hoping that it will stop. Pero hindi...
"We will survive this love... Ikakasal pa tayo." nakangiting sabi ni Brylle sa akin. He's holding my hand tightly, na parang doon siya humuhugot ng lakas.
He cursed loudly at mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Kinabig niya ang manobela at binitawan na ito ng makitang sa puno kami tatama. Pumikit ako nang mariin, naramdaman ko nalang na yumakap si Brylle sa akin.
"I'm pregnant." I whispered. Hoping that he'll hear me.
Nabingi ako nang sumalpok ang sasakyan namin sa may puno. Namanhid ang katawan ko, unti unti kong minulat ang mata ko at nakita si Brylle na nakadagan sa akin. Puno nang dugo ang katawan nito dahil sa kanya tumama ang mga bubog ng salamin.
"Ayos ka lang?" he whispered weakly. "Kaya mo pa bang maglakad?" he ask. I was just looking at him while silently crying.
"Shhh, mauna ka nang lumabas. Masyado ko ng naiipit si baby.." he said. Bahagya pa siyang tumawa kahit nahihirapan na siya.
He's hurting but he choose to laugh, para lang hindi ako ganong mag-alala sakanya.
"Move love, susunod ako sayo." bahagya niyang inilayo ang sarili sa akin para makalabas ako.
Kinalas ko ang seatbelt ko, kahit nanghihina ako pinilit ko ang sarili na makalabas. Unti unti ko ding nararamdaman ang pagsigid ng sakit sa may tiyan ko.
"H-hihingi ako ng tulong... Promise me... Promise me... susunod ka sakin." I cried while looking at him. Pagod ang mukha nito, at may pumapatak pa na dugo. He's still wearing the black toga.
"I promised." itinaas pa niya ang kanang kamay niya at tumawa. "I'm going to rest for a while then I'll go out." he assured me kaya tumango ako sakanya.
Hindi ako nahirapan humingi ng tulong dahil nasa highway na kami, madaming tao ang nakiki balita. May mga medics nadin na nakahanda at sumalubong sa akin.
"Yung.... Boyfriend ko po nasa loob pa ng sasakyan." they just nodded their head at me at Inumpisahan na akong i check. Lumingon ako sa sasakyan namin na bumangga, umuusok ang harapan nito.
Love...
No....
The car....
Nasa loob si Brylle...
"No..."
I whispered when I saw with my two eyes how our car exploded.
Hinablot ko ang braso ko sa isang nurse na nag che-check sa akin at patakbo akong pumunta doon pero may pumigil sa akin.
"What are you doing?! Yung boyfriend ko! Yung ama ng anak ko nasa loob!" I shouted while pointing at the car.
"Pasensya na po, Ma'am"
"No! Veios!" I shouted in pain before everything went black.
___________________________________________
☕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top