ABSTRACT 3
SUZZY
"Ms. Suzzy, saan ko po ilalagay ang bag na ito?" napatingin ako kay Ate Melan ng tawagin niya ako, at halos magsalubong naman ang mga kilay ko ng makita kong hawak niya yung bag na may lamang camera ni Caleb.
"Ah, hindi po sa'kin yan Ate," naiilang na sabi ko at ngumiti ng pilit. Mahina naman siyang napatawa at nginitian ako.
"Ang sabi ko kasi, saan ilalagay hindi kung kanino, ikaw talaga." sabi niya at natatawang pumunta ng hagdan. I almost hit my head because of that.
Why do you have to be that stupid, Suzzy? Argh.
I just let my mind be calm and start my way up to the dine area.
Kanina, pagkatapos naming ihatid si Kharyl, napagdesisyunan kong si Caleb nalang ang i-interviewhin ko. Well, I think he's over qualified and I need to that project asap, kung hindi baka mahila pababa ang scores ko.
Siguro bukas ko nalang siya pupuntahan kasama ang isang klase ng food at yung camera niya.
"How's your grade, Suzzy?" I was back to my senses when I heard my father's voice. Napa-angat ako ng tingin sa Daddy ko at napansing nasa akin na pala ang mga tingin nila.
"It's good pa, I'm still the top one," sabi ko at pilit na ngumiti.
"Bida-bida," rinig kong sabi ni Janine sakin.
"That's my girl! Gayahin niyo ang ate niyo, mabait at matalino. Good job anak, ano gusto mong regalo?" napalawak ang ngiti ko sa sinabi ni Dad at gustong sabihin ang salitang 'art materials' pero naalala kong ayaw niya pala akong mag-paint.
"C-condo unit, Dad," sabi ko kaya napatigil siyang kumain at napatingin sakin.
"A condo unit? Why?" sabi niya at tinignan ako.
"Yes darling, ayaw mo na ba kami makasama?" tanong ni Tita Lian sakin kaya mabilis akong umiling.
"N-no, Dad. I mean, kapag pumapasok ako sa school, hassle at kailangan maaga gumising kaya naisipan kong bumili nalang ng condo unit near my school," mahabang paliwanag ko kaya tumango tango siya. Please, sana pumayag. Hassle kasi talaga eh plus the fact na makakapag paint ako ng hindi nagtatago, yes.
"Okay," napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya.
"Really Dad?!" ulit ko, baka kasi nagbibiro lang si Daddy.
"Ayaw mo na ba? Okay I-" hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya at mabilis ko na siyang niyakap.
"Thanks, Dad. I really like it," sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap kaya natawa siya.
"Alright, but make sure your grades are fine and you will come here by weekends," nakangiti akong tumango at bumalik sa upuan ko.
"Hon, is it too early? I mean, I know that Suzzy is already an adult but you know, thing-"
"It's okay hon. Besides, Suzzy is a responsible woman, she can handle herself." sabi ni Dad kaya lihim akong napangiti. Buti naman hindi siya nakinig kay Tita Lian this time.
"What about me Dad? Gusto ko na rin magkaroon ng condo," sabi ni Janine at ngumiti pa ng matamis. Sa sobrang tamis ng ngiti niya kulang nalang langgamin.
"No," muntik na akong mapatawa sa itsura ni Janine buti nalang at napigilan ko.
"But dad-"
"Your grades are low, plus you're a minor. So stop asking about condo units or you will be grounded," sabi ni Dad at malakas na hinampas ang table. Napalunok nalang ako at tumayo para magpaalam.
"I'm going, Dad. I have a project to finish." tinanguan niya lang ako kaya naglakad na ako.
Paakyat na sana ako sa hagdan ng biglang may humablot sakin.
"Tita Lian?" gulat na tanong ko. Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko kaya napangiwi ako.
"Next time, wag mong pagtatawanan ang anak ko, baka mapuno ako at sa'n ka pulutin," sabi niya at tinulak ako sa hagdan.
Isa rin ito sa dahilan kung bakit gusto ko ng umalis dito sa bahay. I feel suffocated being with Tita Lian and my siblings with one house. Kahit na ayokong iwan si Dad, I just can't be with them.
Tumayo ako at hinawakan ang namumulang braso ko. I just let out a sigh and continue walking.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay umupo ako sa kama at tinignan ang bag na nasa tabi ko.
Kinuha ko ang camera sa loob at binuksan. I scan the photos and I must admit na tama ang kinuha niyang profession dahil sobrang ganda ng pictures na kinukuha niya. I scan and scan until one photo catch my attention, it was Caleb and his family.
They looked happy and...contented.
I smike by looking at them until an idea pop in my mind. I get up and walk to my walk-in-closet.
Tumingin pa ako sa likod ko bago ko pinindot ang red button na naka tago sa likod ng dresses ko.
Napangiti ako habang tinitignan ang pagbukas ng secret room ko.
My secret room was filled by my abstracts and paintbrushes. The room wall is yellow while the floor is glass. This room was made by my uncle. Uncle Titus is my mom's younger brother. Pinagawa niya sakin ito para daw may room ako for my abstracts and makapag focus ako while painting. I was about to tell Dad this secret room but I decided na wag nalang. Because I'm sure that he will make this room vanished in thin air.
I just smiled and set aside my taughts. I grab my painting materials and place the camera beside it.
And then, I started to paint.
____
The next day is saturday, so I woke up early to prepare a dish. Kailangan ko 'to para pumasa.
Five minutes passed wala pa rin akong naisip na dish para ipatikim kay Caleb. Wait? Baka may allergy siya sa ibang foods? Or baka hindi niya magustuhan right? Argh, so much stressed.
"Oh iha? Magluluto ka?" napatingin ako kay Nanay ng magsalita siya. Ngumiti naman ako at tumango.
"O siya sige, aalis na ako para 'di ako makaistorbo," aalis na dapat si nanay ng tawagin ko siya.
"N-nay!" tawag ko sakanya kaya lumingin siya sakin.
"I have a friend po, she stressing out her self by thinking of a dish na gagawin niya for her boy friend. I want to help her too, kaso wala po akong maisip. Can you help me?" I ask while pinching my hand slightly because of shy. Ngumiti naman siya sakin at tumabi.
"Oo naman iha, ano bang katangian ng lalaking pagbibigyan niya?" tanong niya kaya napaisip ako.
"Mabait," mabait naman talaga yun, tinulungan pa nga sila Lira.
"Masipag," nakita ko kagabi sa camera yung iba't ibang ginagawa niya. Parang 'di na nga yun nagpapahinga.
"Gwapo- este mapagmahal." napakamot nalang ako ng ulo ng tumawa si Nanay.
"Baka gusto niya ng adobo, iha. Base sa deskripsyon mo ay tiyak kong simpleng lalaki lang ang natitipuhan niya kaya kahit simpleng bagay ay pahahalagahan niya," sabi ni Nanay.
Oo nga no? He's a simple guy so he can appreciate simple things. Hindi nga pala siya mapili.
"Thank Nay," pagpapasalamat ko kaya tinanguan niya lang ako at umalis na. May gagawin pa daw kasi siya.
Nagsuot ako ng apron at kumuha ng kutsilyo at chopping board. I also get onion, garlic, soy sauce, vinegar, pepper, salt, one leaf of laurel and of course, the chicken.
I open the stove para uminit yung pan. After a minutes, the pan is hot so I put some oil and next, the onion. For me kasi inuuna ko yung onion para hindi masyadong masunog yung bawang, pero yung iba garlic naman. Well, we have our own ways kaya don't mind me.
After putting the onion and garlic, yung manok naman.
Wooh, I hope he'll love this.
___
"Ms. Suzzy, nandito na tayo." nabalik ako sa realidad ng marinig ko si Kuya na nagsalita. Bumuntong hininga ako at ngumiti sakanya.
"Salamat, Kuya," sabi ko pero sumaludo lang siya sakin.
"Sasamahan ba kita, Ms?" tanong niya pero mabilis akong umiling.
"No need, Kuya. Naalala ko nMama yung address ni Caleb tapos mabilis lang ako." sabi ko at bumaba na ng kotse. Pagkatapos kong magpaalam kay Kuya ay nagsimula na akong maglakad papasok sa eskinita. Muntik na nga akong masagi ng mga batang naghahabulan.
Nasa dulo kasi yung bahay nila Caleb kaya medyo hassle ang pag punta doon. Tapos puno pa ng mga nainom na mga lalaki sa kalsada kaya medyo naiilang ako.
Lord, mabait ho ako. Sana makarating ako kila Caleb ng ligtas at maganda padin.
"Psst, Miss." halos yakapin ko na yung tupperware na dala ko dahil sa tumawag sakin. Kakasabi ko lang eh.
"Oy, miss." sabi nila at naramdaman ko nalang ang kamay nilang nasa braso ko kaya mahina akong napasigaw at napaatras. Napatingin ako sa mga lalaking halatang lasing na, nakatingin sila sakin habang nakangiti pa.
"Relax 'di ka namin sasaktan," sabi nila at tumawa pa.
When they about to touch me, I felt another hand on my waist. I look at the man beside me and I almost choked because it was him!
"C-caleb?" tanong ko. Ngumiti naman siya at tumingin sakin.
"Yes, bal." b-bal? Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang yung paginit ng dalawang pisnge ko.
"Iho, syota mo ba yan?" tanong nung lalaki kaya mas humigpit yung kapit ko kay Caleb.
"Oho, kaya distansya na ho." pabirong sabi ni Caleb pero hindi parin ako kumakawala sakanya.
Tumingin naman ako sakanya at pinalikahan siya ng mata.
"Ano-"
"Let's go, Honey Bee." sabi niya at kinaladkad na ako. Nang makalagapas kami sa lalaki kanina ay kumawala ako.
"Anong sabi mo?!" sabi ko pero tinawanan niya lang ako.
"Gusto mo bang maging kalaro si Mang Kepring? Sabagay, mahilig siya sa bata," sabi niya at tumawa. Halos magdikit na ang mga kilay ko habang inaabsorb ko parin yung sinabi niya.
"Makalaro? You mean-"
"Tsk, hindi ganun. Mahilig siyang maglaro, literal na laro." sabi niya at tumawa ulit. Seriously? Is he drug?
"Pero bakit kailangang, girlfriend? Tsaka ano yung tinawag mo sakin? Honey bee?" sigaw ko pa sakanya pero tinawanan niya lang ako.
"Ayaw mo nun? Ikaw yung honey sa bee ko," gosh, can someone tell me how to get rid of this mais man?
Argh.
___
A/N:
After so many days or even weeks, I finally upload the next chap of my story. I'm so busy with my modules so I don't have time. Hope you like it, maras.
VOTE. COMMENT. ENJOY.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top