ABSTRACT 2

SUZZY

"Dito nalang po," tumigil ang kotse namin sa isang kalye. I saw different types of people. May nainom, some of them are gambling, playing and even fighting.

"Are you sure you lived here?" dahan-dahan kong tanong at tumingin sakanya.

"Oo, maganda naman dyan. 'Di ka lang sanay," sabi niya at tumawa.

"Sige, alis na po ako," sabi niya at tinap ang balikat ni Kuya Pedro at nakangiti naman siyang tumingin sakin.

"Thank you, Ale." A-ale?

"It's Alesandra!" sabi ko pero tinwanan niya lang ako at tumakbo papasok ng kalye.

"Tayo na, Ms?"

"No, I mean we're f-friends," yun nalang na sabi ko dahil 'di ko din alam. Baka isumbong pa ako ni Kuya Pedro kay Daddy na nagpasakay ako ng taong 'di ko kilala at mas worst kung sabihin niyang lalaki yun!

"Sabi ko po, kung aalis na tayo. Tsaka 'tayo' ang ginamit ko at hindi kayo." sabi ni Kuya at binigyan pa ako ng nakakaasar na tingin.

"Kahit na. I'm just clarifying things, Kuya." sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kamay.

"Kuya, pwedeng wag mo na sabihin kay Daddy?" sabi ko at lumapit pa kunti sakanya.

"Makakaasa ka," sabi niya kaya ngumiti ako.

"Thanks, Kuya! You're the best,"

Parang kuya ko na talaga si Kuya Pedro siguro kasi limang taon lang agwat niya sakin, Papa niya ang naging driver ko since I was a kid and napalitan lang niya when Tito Jose got sick, siya rin kasi ang nakakasama ko sa twing wala si Daddy and Mommy sa bahay noon. 

"Nandito na tayo," sabi niya at bumisina. Automatic namang bumukas ang gate kaya dumiretso na si Kuya. Our house is big, very big. Modernized siya since maalaga talaga sila dito sa bahay, may tatlong palapag at may malaking swimming pool sa gilid.

Pagkatapos ipark ni Kuya ay nagpasalamat ako at dumiretso na sa Main Door, hindi ko pa yun nahahawakan ng may bumukas na doon.

"Good Evening, Ms. Suzzane." sabay na sabi nilang lahat kaya tinanguan ko sila.

"Nay, asan sila Daddy?" tanong ko sa mayordoma dito sa bahay.

"Nasa dining area na po, Ms." tumango naman ako at inabot ang mga paintings ko sa iba.

"Take them to my room, please." pagkatapos nilang tumango ay pumunta na ako ng dining area.

"You're so silly, Jack,"

"I'm just stating a fact, Lian,"

"Dad, you're so funny,"

"I agree,"

Napapikit nalang ako sa mga narinig ko at pumunta sa kanila. Napatahimik naman sila at nakita ko ang simpleng pag-irap nila.

"Sweetie, come on let's eat." sabi ni Dady pagkatapos ko siyang ibeso, tumango nalang ako at umupo sa tabi nila.

"How's your day?" tanong sakin ni Tita Lian. Napatingin naman ako sakanya kaya nakita kong peke lang ang ngiti niya.

"Fine," sabi ko at kumuha ng pork steak. Buti nalang may pork steak dito.

"Are you still painting?" tumigil ako sa kakahiwa ng steak ko dahil sa tanong niya.

"I bet that's a yes and oh look at your hand? It's a mess," sabi niya at tumawa, nakitawa naman sakanya ang mga anak niya at unfortunately, mga kapatid ko kay Daddy.

"Is that true, Suzzane?" this is the reason why I don't like Tita Lian, she's poisoning Daddy's mind.

"Y-yes,"

"I told you to stop it! That is not good for you," napatungo nalang ako at kinuyom ang mga kamay ko.

'When will you trust me, Dad? When will you realize that this is what I want,'

I want to tell those but I just...can't.

"Stop acting like that, Suzzane. Follow my orders and be just like your Mama,"

"She's not my Mom," mahinang bulong ko.

"Painting is not good for you,"

"Pero ikaw po ang nagpakilala sakin ng mga arts, Dad." sabi ko at tinignan siya.

"Yes, at pinagsisisihan ko ang araw na yun," sabi niya at kumain na. Ngiting tagumpay naman si Tita habang pasimpleng inirapan ako nila Janine.

"You're going to be a chef just like Lian, okay?" tumango nalang ako at tumayo.

"I'm full." sabi ko at pumunta na sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay sabay ang pagtulo ng mga luha ko.

Minsan iniisip ko kung ano kaya ang feeling ng maging mahirap? Kasi nakikita ko, mahirap sila pero masaya. Samantalang ako, mayaman nga pero malungkot naman. Walang kalayaan at walang sariling desisyon.

I really want to be a painter, but my Dad wants me to take cookery just like her wife, now.

Tita Lian- my step-mom, we're not really close, kahit yung mga kapatid ko. They see me as a hindrance, sagabal sa masayang pamilya na hinahangad nila. My Mom and Dad broke up because my Dad cheat. Kaya si Liam ang bunga. After they broke up, pinakasalan ni Daddy si Tita Lian at naging bunga ulit si Janine.

I'm the only child ni Mommy and Daddy, kaya wala akong kakampi dito.

My Daddy, hindi siya ganyan before. He's a perfect figure of a Daddy and  a Husband but sabi nga nila, nobody is perfect. Before, he wants me to pursue painting and create my own path. Close kami hanggang ngayon naman, pero lagi nalang kami nag-aaway because of Tita Lian.

That's why I'm so thankful to my friends. Sila yung naging stress reliever and family ko ngayon.

Nasa grade 12 na kaming magkakaibigan. si Khary culinary arts din pero unlike me, she really loves to cook. Marga taking education habang nagsusulat ng mga novel niya sa isang app called 'wattpad'. Si Kira naman, she's taking up Bussiness and Management because her parents own a company.

While me, I'm trying to pursue a dream that wasn't for me.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising nalang ako ng mag-alarm ang clock ko.

Tamad akong bumangon at dumiretso sa banyo. Ilang minuto din akong naligo at lumabas ng nakauniform na.

Nag blower lang ako and apply some make up then biola! Tapos na ko.

I grab my pouch and sling bag para bumaba na. Pagkababa ko ay nakita ko si Nanay na nakaabang sakin at dala ang mga sandwiches ko.

"Thanks, Nay." sabi ko. Tumango lang siya kaya lumabas na ko.

Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa kotse ko. Naghihintay naman si Kuya Pedro doon kaya sumakay na ako.

Hindi naman masyadong malayo ang school namin mula sa bahay kaya nakarating agad kami. Nagpasalamat ako kay Kuya at pumasok na sa loob.

"Sissy,"

"Kira!" sigaw ko at niyakap siya.

"Careful," sabi niya at niyakap ako pabalik. Humiwalay naman ako at tinignan siya kaya napansin kong namamaga ang mata niya at namumula ang pisnge niya.

"Are you okay? What happened here?" sabi ko at hahawakan na sana yung pisnge niya ng umiwas siya.

"Ah, tanga ko kasi. Di ko napansing may pintuan sa nilalakaran ko. Hayaan mo na, gagaling din ito," sabi niya at nginitian ako. Nagsisinungaling siya. Alam ko yun dahil sa tagal na naming magkakaibigan kahit siguro utot ng isa't isa alam na namin.

"Okay, just be careful next time okay?" I know that she's hiding sometinh pero yun nalang ang sinabi ko. If she didn't tell me it means that she can handle it. Besides, I trust her naman.

"Restroom lang ako," sabi niya kaya tumango nalang ako. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papuntang building nila.

"Suzzy, san' punta nun?" I look at my back and saw Khary so I hug her. I just shrugged kaya tumingin siya skain. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napabuntong hininga nalang ako.

"We fought, again." sabi ko, naramdaman ko nalang ang kamay niyang hinahaplos ang likod ko.

"Ano pa bang bago? Simula naman ng ipanganak yung chaka mong half-kapatid at maging asawa ng Daddy mo ang secretary niyang panget, lagi na kayong nag-aaway ng Daddy mo," napatawa naman ako ng kunti sa description niya kay Tita Lian at sa mga kapatid ko. Well, she will never like them.

"Bakit kasi hindi ka pa sumama sa Mommy mo? Atleast dun, walang pressure at magkakaroon ka ng freedom." she really know what I like. Freedom to choose what I want and to pursue my dream, to be a famous artist.

"I c-cant," sabi ko nalang. Hindi pwede, hindi muna.

"I have to make my Daddy proud," sabi ko at tinignan siya.

"Even if sacrificing your dream is one of that?" napatigil naman ako at tinignan siya.

"Sabagay, mayaman ka naman. Kaya mong mag-aral uli, sige alis muna ako."

"Kharyl," sabi ko at hinawakan siya pero tinalikuran niya lang ako.

Laging ganito ang set-up namin kapag nag-aaway kami about sa family ko and about my dream. She really wants me to take arts but my descision and my eagerness to make my Daddy proud, stopping me.

She's right, I have all the money to enroll all the universities I want, but I can't have all the time.

Pumasok na ako ng classroom namin at tinignan si Khary na busy kakatikim ng isa sa mga project namin. Mabilis kasi kaming natapos dalawa kaya hindi na namin kailangan ulit gumawa, kaya siguro tumitikim na lang siya.

"Sis," tawag ko sakanya pero pumunta na siya sa upuan namin.

"Hey," sabi ko pa pero hindi niya ulit ako pinansin.

"Sayang, manlilibre pa naman ako ng kwek-kwek mamaya," sabi ko at tumalikod na.

"Ano bang chika mo?" sagot niya agad kaya natawa ako.

"Ito nga..."

____

"Class Dismissed." halos magsigawan ang mga kaklase ko ng sabihin yan ng Prof namin.

"Bukas, don't forget na magdala ng interview report of a boy at yung details ng food." sabi ni Prof at umuwi na.

"Canteen?" tanong ko kay Khary kay sinamaan niya ako ng tingin.

"Okay, sa labas." sabi ko kaya hinila na niya ako.

Nakalabas na kami ng building namin ng makita ko sila Kira at Marga na nag-uusap. Kung kami ni Khary ang magkasundo, sila namang dalawa.

"Hello universe!" malakas na bati samin ni Marga. Tumawa nalang kami at inaya silang kumain sa labas.

"Ano bang project niyo?" tanong samin ni Marga habang tumutusok.

"Interview ng lalaki tapos report, ikaw ba?" sagot naman ni Khary at humigop.

"Ako? Easy lang. Yung kay Kira ang mahirap. Kailangan niyang magtrabaho sa isang company para makagawa ng report," sabi naman ni Marga at tumuhog.

"Hindi naman," sagot naman ni Kira.

Tahimik lang kami nang magsimula ulit silang mag-ingay.

"Kanina ka pa nangtutusok, nasasaktan na ko,"

"Anong ginawa ko? Malikot ka kasi,"

"Ingay niyo, subuan mo nalang yan,"

"Stop it guys, nagagalit na si Kuyang tindero oh," sabi ko at tinuro ang nagtitinda ng fishball. Nakangiti naman siyang umiling sakin.

"Ikaw kasi," sabay-sabay na sabi nila. Napatampal na lang ako noo ko at inis silang tinignan.

"Ayusin mo kasi Marga, nakakatusok yung dala mong stick. Ikaw naman Kira, wag kang malikot para hindi ka masagi, and you too Khary, wag mo ng dagdagan."

"Opo, Mommy," sabi nila at tinawanan ako. Inirapan ko nalang sila at tumusok ulit ng kwek-kwek.

___

"Malaking points din ang mawawala kapag hindi natin nagawa yun,"

"Yeah, half of our grade," sabi ko kaya mas lalo kaming nastress.

"Sino kakausapin mo?" tanong sakin ni Khary.

"I don't know? Maybe friends," dahil sa sinabi ko ay binatukan niya ko. Di naman masakit, slight lang.

"Wala kang ibang kaibigan bukod samin," sabi niya at tumawa.

"Sa panaginip meron," mas lalong lumakas yung tawa niya kaya nahawa na ako. Ilang minuto lang ng makabawi siya at tinanong ulit ako.

"Pero seryoso, bawal kaklase at kaibigan diba? As in stranger ganun?" tanong niya kaya tumango ako.

"Buti nalang, pala-friends ako," she said and flip her hair.

"Edi ikaw na," sabi ko at inirapan siya.

Kanina pa kami dito sa parking lot at hinihintay si Kuya Pedro. Kakatapos lang ng last subject namin at kailangan pa namin ng report bukas kaya hassle ang schedule.

Ilang minuto lang ay dumating na din si Kuya.

"Ms. Suzzanae, halika na," tumango nalang ako at sumakay na. Sumunod naman si Khary sakin. Bago pa kami umalis ay may inabot si Kuya sakin.

"Ano 'to?" tanong ko pero kumamot muna siya ng ulo bago ako sagutin. Napakunot naman noo ko sa ginagawa niya. May kuto ba siya?

"Naiwan po yan nung lalaking sinabay niyo kagabi," shems, binuksan ko ang bag at nakita yung camerang ginamit ni Cal kahapon.

"Hoy, anong lalaki?" naestatwa ako ng makalimutan kong nandito nga pala si Khary sa kotse.

"It's a long story,"

"At mahaba pa ang byahe, handa akong makinig," sagot niya pa pero teka?

"Interview with a stranger right? I think meron na akong maiinterview,"
Yes, this camera saves my head and my grades.

____

A/N:

Hi mara's, do you like my latest update? I'm sorry if I can't update more often kasi busy sa buhay at school. Thank you.

AGAIN, PHOTO NOT MINE. CTTO.

VOTE. COMMENT. ENJOY.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top