39

Chapter 39



Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa message ni Soleil sakin.

Bakit ngayon lang? Andaming pwedeng araw, bakit ngayon niya naisip na makipag usap sa akin? That's good right? We're going to solve our problem.

Pero parang may mali. Hindi ko alam pero hindi dapat siya pagdudahan diba? Kasi girlfriend ko siya e. And also, I can see her as my wife in the near future.

I can see us both taking our path together while holding her hand and her holding mine.

So I really think, this is us fighting the problem and solving it.

Nagtigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ng lampshade.

From: Soleil Luna

Saturday. At the park. 9 PM.

Like always, malamig.

Nagtipa ako sa cellphone ko ng reply para sakanya.

To: Soleil Luna

okay, see you tomorrow. i love you.

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa kisame ng kwarto ko. Nilapag ko sa tabi ko ang cellphone ko sabay patong ng dalawang kamay ko sa aking noo.

Anong nangyayari samin?

* * *

"Hi po, Tito Leo!" masayang bati ni Dylan na nandito ulit dahil ako na mismo ang humiling kay Diego.

I needed this kiddo to entertain me, so I wont overthink things again.

"Himala, ikaw nag-invite?" sabi ni Diego at binigyan ako ng isang ngisi.

I scoffed.

"Hindi naman ikaw ininvite ko kaya wag mo kong bigyan ng ganyang itsura." sabi ko sakanya at tsaka kinuha sakanya si Dylan.

"Bid your goodbye to your Dad, kiddo." sabi ko kay Dylan at agad naman siyang kumaway sa ama niya.

"Bye po, Daddy." sabi sakanya ni Dylan.

"Bye, son. Make sure to bother your Tito, okay?" sabi niya sa anak niya sabay gulo sa buhok nito. Dylan tilted his head because of what his father just said. "Kidding, behave, okay?" sabi niya at tumango naman si Dylan sakanya.

Sinara ko na ang pinto dahil ayaw ko nang makita ang pagmumukha ni Diego.

Nilapag ko si Dylan sa sofa at tsaka binuksan ang TV. Manonood lang kami buong maghapon.

"Want me to make you some popcorn or fries?" tanong ko sakanya dahil medyo boring kung nanonood lang kami.

"Is it po okay po to have po both po?" tanong niya na medyo alinlangan sa request niya.

Ngumiti naman ako at ginulo ang buhok niya.

"Ofcourse." sabi ko sakanya at naglakad papuntang kusina para magluto ng popcorn at french fries.

Kumuha ako ng cheese powder dahil paborito niya yon.

Dylan is such a good kid. Kyla raised her so well. I hope he dont grew up like his father because that would be so lame. Having another version of Diego is so awful. I had enough.

But I think, girls would flock on Dylan when time comes.

Nang matapos kong magluto ay bumalik ako sa sala kung saan nakaupo si Dylan sa sofa. Nilagay ko sa pagitan namin ang bowl ng popcorn at fries.

His eyes sparkled just by seeing the two bowls infront of him.

I chuckled.

"Thank you po!" sabi niya sakin.

"In Spanish?" sabi ko dahil gusto kong maging fluent siya sa salitang yun.

"Gracias!" he cheerfully said.

"Good boy." sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

I really think I should buy a dog. Para may kalaro siya kung sakaling iwan ulit siya ng magaling niyang ama dito.

At gaya ng sabi ko ay buong maghapon kaming nanood lang ng mga cartoons na kid rated.

May cartoons kasi na hindi kid rated. For example, The Adventures of Rick and Morty. That cartoon was good though. Kaso, not recommended for kids.

* * *

"Bye po, Tito Leo!" paalam sakin ni Dylan habang buhat ng kanyang ama.

Kumaway ako pabalik sakanya habang nakangiti.

"Ako naman iinvite mo next time, inuman." sabi ni Diego. Sinimangutan ko agad siya dahil sa suhestiyon niya.

"No thanks." sagot ko at kumaway ulit kay Dylan bago sinara ang pintuan ng condo unit ko.

Pagkarating ko ng sala ay napahinto ako.

I really should buy a dog, to lessen the emptiness of this condo.

Napatingin ako sa cellphone kong umilaw dahil may motifcation. Nang makita ko ang araw ay napalunok ako nang mapagtantong bukas na ang Sabado.

Umiling ako pagkatapos ay kinuha ang remote ng TV para manood ng Netflix Series.

Napatingin ako sa mga recommended.

Pero inalis ko ang tingin dun at naghanap ng movie. Pero wala akong makitang maganda doon. Lumipat akong HBO para manood ng Game of Thrones.

Pero habang pinapanood yon ay walang pumapasok na kahit ano sa utak ko. Hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila.

Pinatay ko nalang ang TV dahil nagsasayang lang ako ng kuryente. Naglakad ako papuntang kwarto at nahiga sa kama ko.

* * *

"Leo!"

"Pare, gising!"

"Tol, may sunog."

Napadilat ako dahil sa bulong na yun. Tinignan ko kung sino ang bumulong at nakitang si Dave yun.

Binato ko siya ng unan.

May sunog tapos ibubulong? Ano yon? Secret yung sunog?

"Ginagawa niyo dito?" tanong ko sabay tingin sa orasan na nasa taas ng pintuan ng kwarto ko.

12:53 AM?!

"Anong oras na!" sabi ko sabay bangon at kusot ng mata.

"Oras na para mag-inom, pre." sabi ni Maximus sabay tawa.

"Pass." sabi ko at tinignan silang apat na nandito.

Si Jin yata nakapagbukas ng condo ko. Meron siyang duplicate, kasi binigyan ko siya.

"Bakit nga kayo nandito?" tanong ko ulit sakanila.

"Check ka lang namin." sabi ni Jasper.

"Check?" tanong ko.

"Kala kasi namin nagsuicide ka na kasi kanina ka pa namin tinatawagan tapos tinetext." sabi ni Maximus.

"Di ako suicider, makakaalis na kayo." sabi ko at humiga ulit.

Agad namang tumalbog ang kama ko dahil sa pagtalon na ginawa ng kung sino. Tinignan ko kung sino yun at nakitang si Maximus.

Daig niya pa si Dylan sa kakulitan.

"Tangina mo, masisira!" sabi ko sakanya sabay tulak sa paa niya. Agad naman siyang tumalon paalis sa kama.

"Jin, uwi na kayo. Naantok na ko." sabi ko habang nakapikit.

"Balita sa inyo?" tanong ni Jin na nagpatahimik sa lahat.

"Inyo?" pagmamaang-maangan ko.

"Sa inyo ng baby loves mo." sabi ni Maximus sabay tawa.

I showed him my middle finger without looking at him.

"Ano ngang balita?" tanong ni Dave.

"We're going to meet tomorrow." sabi ko at dumilat at tinignan yung city lights na nakikita mula sa labas dahil nakagilid yung kurtina.

"Handa ka na ba?" tanong ni Jasper.

Bigla namang tumawa si Maximus.

"HAHA.. Gago.. HAHAHA.. Sorry.. HAHAHA.. Tangina kasi ni Jasper.. HAHAHA.. Idol mo si Korina?" sabi niya sabay tawa pa rin ng tawa.

Umupo ako at tinignan si Maximus na hindi matigil sa pagtawa. Tinignan namin siyang apat.

"Aherm.." sabi niya para matigil sa pagtawa. "Hoo!" sigaw niya sabay tingala. "Okay na." sabi niya sabay tingin samin at nang dumapo ang tingin niya kay Jasper. "Pfft.." hindi niya napigilan ang tawa niya.

"Okay na ko, kaya ko. Salamat sa pagpunta." sabi ko para matigil lang tong si Maximus sa pagtawa.

"Tawag ka pag kailangan mo ng tulong." sabi ni Jin habang nakatingin sakin.

"Sure." sabi ko at nahiga ulit.

"Alis na kami." paalam ni Jin at binigyan ko lang sila ng thumbs up nang hindi sila tinitignan.

Pag kaalis nila ay umayos ako ng higa at tinignan yung kisame ng kwarto ko. Patay na ang ilaw dahil pinatay nila kanina pag alis.

Am I really ready? Or it's just me telling myself I should be ready?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top