38

Chapter 38 


"Tito Leo," rinig kong tawag sakin ni Dylan. 

Andito siya ngayon sa condo unit ko dahil iniwan ulit siya ng magaling niyang ama sakin. It's also a good thing na nandito si Dylan because this past few days I'm always spacing out na si Magui na mismo ang nagsabi na wag muna akong pumasok ng tatlong araw. I was expecting na si Soleil ang magsasabi sakin ng mga ganoong bagay dahil sakanya ako direktang nagtatrabaho pero wala akong narinig kahit ni isa. 

And also, itinigil niya na ang pagpapahintulot sakin na direktang pumunta sa opisina niya. 

"Tito Leo!" Dylan called my name again so I turned my gaze towards his direction. 

"Yes?" I asked smiling.

"Where's po Tita Sol po?" he asked.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang tanong niya sakin. He tilted his head nng mapansin niyang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.

"Tito Leo?" he asked with innocent look plastered into his face.

I tried my best to smile and answer his question, but when I was about to speak one of my  gadget rang. 

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang tunog at nakita kong umiilaw yung screen ng iPad ko na nasa counter table. Tumayo ako para kunin yun at nang makuha yun ay bumalik ako sa kaninang pwesto ko kung saan nakaupo si Dylan. 

Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Leila yun na gustong magfacetime. 

Sinagot ko ang tawag at agad naman siyang nag-ingay nang makita si Dylan. 

[OMG! Dylan!!] she screamed. 

Agad namang napunta sakanya ang pansin ni Dylan na kanina lang ay nasa akin. 

"Hi po Tita L!"masayang bati ni Dylan kay Leila. 

Hindi niya mabigkas ng tama ang Leila kaya sinabi nalang ni Leila na tawagin siyang L ni Dylan. 

[How are you na, baby boy?] masayang tanong ni Leila kay Dylan. 

"Fine po, Tita L" malaki ang ngiting sagot ni Dylan. 

Tumayo ako para pumunta ng kusina para magluto ng pwedeg makain namin ni Dylan ngayong gabi. Hinayaan ko lang muna silangg mag-usap ni Leila. 

* * *

"Leila, wag mo munang kausapin." sabi ko kay Leila dahil di makakain ng maayos si Dylan dahil panay ang tanong nito ni Leila at dahil pinalaking mabuting bata tong isang to ay panay ang sagot niya sa lahat ng tinatanong sakanya ni Leila kahit na may laman pa ang bibig. 

"Dylan, what did I tell you when there's a food in your mouth?" baling ko kay Dylan. 

Yumuko naman siya at nginuya ang kinakain niya bago sumagot sa tinanong ko. 

"Don't talk po when your mouth po is full po." sagot niya na hindi makatingin sakin. 

"Ikaw naman," sabi ko sabay tingin kay Leila na kafacetime namin. "Anong kailangan mo at tumawag ka?" tanong ko sabay subo ng niluto ko. 

"Bawal na palang tumawag sa kapatid kapag namiss?" sabi niya.

"Fake." sabi ko sakanya at napairap naman sya dahil sa narinig. 

"Broken ka daw sabi ni Kuya Jin" sabi niya sa akin. 

"Huh? Broken? Ayos lang kayo?" tanong ko dahil pano naman nila nasabing broken ako e hindi naman kami nagbreak ni Soleil?

"Edi depress!" sabi niya sabay tawa. 

"Hindi ako broken at hindi ako depress." sabi ko sakanya. 

"Excuse me! Hindi nagsspread ng fake chismis si Kuya Jin no!" sabi niya. 

Napatingin naman ako kay Dylan nang makita kong kumunot ang noo niya dahil sa narinig niyang salita. Hindi niya kasi alam kung ano yung salitang 'chisms'. Hindi niya din magawang magtanong dahil tinuro ko sakanya dati na masama ang nakikisali sa usapan ng mga nakakatanda sakanya. 

"Wala akong problema di mo na kailangang makichismis." sabi ko sakanya. 

"Tatanong nalang ako kila Kuya Max." sabi niya at inirapan ako. "Bye, Dylan!" masaya niyang sabi at kumaway naman sakanya si Dylan at doon niya binaba ang tawag pagtapos niyang makita ang pagkaway ng kamay sakanya ni Dylan. 

* * *

"Salamat sa pagbantay." sabi sa akin ni Diego. 

Umaga na at ngayon lang nila sinundo si Dylan sakin. Ang akala ko ay susunduin nila si Dylan bukas din ng gabing yun. 

"Sorry sa abala, Leo" sabi sa akin ni Kyla.

"Babe, di mo na kailangang magsorry. Okay lang yan kay Leo, diba pre?" sabi ni Diego at tatapikin na sana ang balikat ko nang iiwas ko yu at sinimangutan siya. 

"Ulol." sabi ko sakanya at lumingon kay Kyla. "No worries, wala naman akong pasok kahapon." sabi ko sakanya at muling sumimangot nang hinarap ko si Diego. 

"Grabe ka naman sakin, Amigo." sabi niya sa akin at umaktong nasaktan at hahawak sana ulit sa balikat ko for effects nang iiwas ko ulit yun mula sa kanya. 

"Ya no soy tu amigo." sabi ko sakanya ng nakasimangot. 

"Tito Leo, por qué?" tanong ni Dylan na naiiyak.

"That was a joke." bawi ko habang nakatingin kay Dylan.

"Dude, you teach him how to speak Spanish?!" tanong ni Diego. 

"You are very much welcome." sabi ko sakanya. 

Napabuntong hininga naman si Diego dahil sa natuklasan. 

"Bye po, Tito Leo!" masayang sabi ni Dylan sakin habang kumakaway.

Kumuway naman ako pabalik sakanya nang nakangiti. 

Pumasok na ulit ako sa condo unit ko at napabuntong hininga dahil sa wala na naman akong kasama. Naglakad ako papasok s kwarto ko para hanain yung cellphone ko na wala sa bulsa ko. Pero nang hanapin ko yun sa kwarto ay wala akong nakitang cellphone ko. Kaya naman lumabas ako sa kwarto para hanapin sa sala.

Hinanap ko sa sala at wala akong nakita kaya naman naglakad ako patungong kusina at nakita yun malapit sa lababo. Napakunot naman ang noo ko dahil di ko maalal kung kailan ko nilagay yun dun. 

Binuksan ko yun at nakitang may isang message galing kay Soleil at kinabahan ako dahil don. Ilang araw siyang walang paramdam sakin at ito na ang araw na nagparamdam siya. Pinindot ko yun at dinala ako nun sa Message. 

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako dahil sa maiksing mensaheng ipinadala niya sakin. 

From: Soleil Luna 

Leo, can we meet this upcoming Saturday? 

Kahit na kinakabahan ay nagawa ko pa ding replyan ang mensaheng yun. 

To: Soleil Luna

sure, just send me the details. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top