31

Chapter 31



3 years after.

"Kailan mo ba ipapakilala samin yan?" napaangat ako ng tingin kay Max at nakita siyang dumudungaw dungaw sa cellphone ko.

I shove his face away from me because his face is too close.

"Poser yata kaya ayaw ipakilala satin." sabi ni Jasper kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Di naman namin aagawin." dugtong pa ni Dave.

Andito kami ngayon sa isang coffee shop na pagmamay-ari ni Genevieve. Hindi ko alam bakit biglang nagbusiness si Genevieve at kakatapos lang ng opening kanina kaya andito kami nagtipon tipon habang umiinom ng kanya kanyang kape.

"Sayo ba, Jin? Pinakilala na niya?" tanong ni Maximus kay Jin dahil halata namang mas close ko si Jin kaysa sakanilang lahat dahil katrabaho ko si Jin.

Umiling si Jin bilang sagot at tumingin din sakin. Sa totoo lang, alam ni Jin and I told him to shut his mouth. Maasahan naman si Jin sa mga ganyang bagay.

"Just let Leo be, everyone. Baka yung girlfriend niya ang ayaw magpakilala." sabi ni Genevieve sabay inom ng hot chocolate.

Napatingin naman sakanya si Maximus na bakas ang gulat sa itsura.

"M.D! Stay strong." malungkot na sabi ni Maximus kay Genevieve kaya naman napakunot ang noo ko at tinignan si Genevieve.

"Maximus." nakangiting sambit ni Genevieve pero bakas ang pagbabanta sa boses nito.

Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdaman kong mag-vibrate yun sa kamay ko.

From: Soliel Luna

Come here. :( I miss you.

Napangiti naman ako at agad na nireplyan si Soliel.

From: Soliel Luna

on my way. :)

Inangat ko ang tingin ko sa mga kaibigan kong nag-uusap tsaka pinatay ang cellphone ko.

"Inamo, dun ka na sa girlfriend mo." sabi ni Jasper kay Dave. Hindi ko narinig kung anong sinabi ni Dave mukhang inasar yata ni Dave si Jasper.

"Una na ko." sabi ko sakanila at tumayo. Nag-angatan naman ang mga tingin nila sa akin.

"Sana all may baby." sabi ni Jasper at bumusangot. "Tangina mo, baby-tawan ka din niyan." dugtong niya kaya napatawa kaming lahat.

"Fuck you, single." pang-aasar ko sakanya kaya mas lalo siyang nainis.

"Wait and see, motherfuckers." sabi niya kaya naman napa-oh pati si Genevieve. "You're not a motherfucker, M.D" sabi niya at ngumiti pa kay Genevieve.

"Wew, exemption." panunukso ni Maximus na single din naman.

"Malamang, mumurahin mo pati si Genevieve?" tanong sakanya ni Jasper.

"Oo!" agarang sagot ni Maximus kaya napatingin kami lahat kay Maximus.

"Gago ka." sabi ko sakanya sabay kaltok sa ulo niya dahil mababa yun kasi nga nakatayo na ako.

"Aray ko." daing ni Maximus sabay hawak sa kinaltukan ko sakanya.

"You should go now, Leo." sabi ni Genevieve sakin habang nakangiti.

Ngumiti ako sakaniya at tumingin sa apat at pinakyuhan sila.

"Tangina niyo, alis na ko." sabi ko sakanilang apat at kinaway ang kamay ko at nagsimula nang maglakad palabas ng coffee shop ni Genevieve.

* * *

"Leo!" agad naman akong niyakap ni Soliel pagbukas niya ng pintuan ng bahay niya.

Hinalikan ko naman ang noo niya nang kalasin niya ang yakap.

"I miss you!" she said then pouted her lips.

"I miss you too." I said then kiss her forehead again.

Nagfile kasi ako ng 3 weeks na leave dahil pinapunta ako nila Mama sa New York at may kailangan daw akong asikasuhin. At ngayon lang ako nakauwi dahil nga opening ng coffee shop ni Genevieve.

Tatlong taon na ang nakalipas at madami nang nagbago. 3 years ago, Secretary niya ko at hanggang ngayon pa rin naman. I courted her for 2 years and she finally said yes last year.

"I want to meet your friends." agad naman akong napalingon kay Soliel nang sabihin niya yun.

Naka-upo ako ngayon sa isa sa mga stool dito sa kaniyang kitchen at naghihintay ng niluluto niyang carbonara.

I placed my phone at the counter table infront of me and turned my gaze to her.

"Are you sure?" tanong ko dahil last time I asked her if I can introduce her to my friends she refused.

"Yes, I know they wanted to know me." sabi niya at nilingon ako habang nagluluto siya.

Narinig niya ba mga daing nila Maximus kanina sa coffee shop?

"Okay, tell me when are you free." sabi ko sakanya at agad naman siyang lumingon.

"Oh, no. You ask them when they are free." sabi niya kaya naman napakunot noo ako.

"Aren't you busy?"

"I am, but I can clear up my schedule anytime." sagot niya nang hindi ako nililingon.

"They can also do that for you."

"Alright, alright. Just ask them please, I don't want bother their schedule that's why you should ask them." pag-explain niya.

"Alright." sabi ko tsaka kinuha ulit ang cellphone ko.

ZESTO

Leo: when are you guys free?

Max: Inom ba to? Pag inom, I'm always free! :D pero pag hindi inom, no. :)

Jasper: I'll check my sched first.

Dave: Tell me dates.

Jin: Weekends lang haha.

Gen: I'm not sure. :(

Leo: she wanted to meet you all.

Max: Joke lang pala yun kaibigan! HAHA! Sabihin mo excited na kong makita siya.

Jasper: Set niyo nalang.

Max: Set ampota, inuman ba yan?

Jasper: Hindi, lasinggero ka lang talaga.

Dave: Yep, set nalang.

Jin: Set mo weekend.

Gen: Hala! :( Sana wala akong operation sa isset niyong date!! :'(

Max: Antayin nalang natin kung kailan free si Gen, lahat naman tayo pwede e.

Jin: Pwede ako basta weekend.

Gen: Siguro this Saturday free ako. Wala ka bang flight non, Jasper?

Jasper: Wag mo nang alalahanin, di lang naman ako yung piloto haha.

Leo: this saturday then?

Gen: Yes!! Can't wait!!

Max: Kitakits!

Pinatay ko na ang cellphone ko at sakto namang nilapag ni Soliel ang niluto niyang carbonara para sakin.

"Saturday." sagot ko at kinuha ang tinidor na pinasa niya sakin.

"This upcoming Saturday?" gulat na tanong niya.

"Yes, why? You have something important to do that day? I can tell them, hindi naman sila magagalit." sabi ko dahil sa reaksyon niya parang may mahalaga siyang gagawin sa araw na yun.

"No, I was just surprise that this upcoming Saturday agad. I'm expecting next moth or next week." sabi niya at kumain na din ng carbonara.

"Pinili namin kung kailan pwede si Gen dahil nga busy ang trabaho niya. She has to help those people who needed her." sabi ko at nagpatuloy kumain ng luto niya.

"Oh, okay." sabi niya habang nakangiti. "Can't wait to meet them." nakangit niyang sabi bago kami nagpatuloy sa pagkain habang nagkkwentuhan ng kung ano-ano dahil hindi naman talaga kami nauubusan ng topic.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top