27

Chapter 27



"Good morning, Sir." bati sakin ng isang empleyado habang naglalakad ako papuntang office ko.

"Ay, Aries, takot yan sa commitment for sure." rinig kong sabi nung nakasalubong kong nagkkwentuhan bago ako makapasok sa sarili kong opisina.

Hindi ko alam kung bakit mahilig ang mga babae sa mga zodiac zodiac na yan. Alam mo yung nag-exact lang yung isang personality nila sa post papaniwalaan na agad nila.

I just don't get it.

"Haha! Scorpio ako!" sagot ni Sam sa kung sino sa labas habang nakaawang yung pintuan ng opisina ko kaya narinig ko yung sinabi niya.

Bago na ang taon, di pa rin siya marunong kumatok?

"Kailangan mo?" agad kong tanong sakanya at sumandal sa swivel chair ko.

"Happy New Year!" nakangiting bati niya sakin ay tinaas niya pa ang dalawa niyang kamay.

"Okay." sabi ko at tsaka binuksan ang laptop ko.

"Walang bati pabalik?" pagdedemand niya ng greet back.

"Wala." sabi ko sakanya at nagsimula nang magtype ng reply sa mga nareceive kong mga emails sa iba't ibang tao.

Hindi si Soliel ang nakikipagmeet sa mga taong to dahil nga sa issue niya, kaya kung hindi ako, karamihan si Magui ang nakikipag-meet.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatype nang biglang magring ang telepono na nasa gilid lang ng laptop ko. Kinuha ko yun para sagutin ang tawag.

"Yes?" bungad ko.

"To my office, now." sabi ni Soliel at tsaka binaba ang tawag.

Napakunot naman ang noo ko at agad kong binalik sa normal yun nang maalalang nakikita niya pala ako sa CCTV.

Lumabas ako at dumiretso sa elevator, buti nalang wala akong kasabay at walang makaka-alam na diretso ang sa floor kung saan nakalocate ang office ni Soliel.

Ang last floor ay buong opisina ni Soliel. Kaya walang umaakyat sa floor na yun maliban kay Magui. At kasama na din yata ako dahil pinapapunta ako ngayon ni Soliel.
Pagbukas ng elevator ay nakita ko ang lawak ng buong opisina ni Soliel. May malaking book shelf siya sa kanyang kanan at sa kaliwa naman ay isang malaking salamin lamang para makita ang tanawin sa labas ng building na kinatatayuan namin ngayon.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dahil nakatalikod sakin ang swivel chair niya, pero kahit ganoon ay naglakad pa din ako papalapit.

Nang tumigil ako sa harap ng desk niya ay inikot niya ang swivel chair niya. Ngumiti siya sakin at tinuro ang upuan na ang ibig sabihin ay maupo daw ako. Gaya ng ginawa niya gesture ay naupo ako.

"I call you here to tell you that you don't have to go to Magui to pass the papers and also email all the reports. You can now do all of that in person." nakangiti niyang sabi.

She likes smiling no?

"Okay, Ms. Luna" magalang na sagot ko at nagbow pa ng kaonti.

At gaya ng parati niyang ginagawa ay nginitian niya lang ako at tumango. Yun na ang cue ko para tumayo at umalis sa opisina niya para hindi maging awkward ang pag-uusap naming yon.

* * *

"Hala, legit?!" di makapaniwalang tanong ni Magui nang maikwento ko sakanila ang sinabi ni Soliel.

Wala ngayon si Sam sa kadahilanang hindi ko ulit alam.

"Fake." sarkastiko kong sagot sakanya dahilan para mapa-irap na naman siya sakin.

"Sana all! Feeling ko ang ganda mag-trabaho pag si Ms. Luna boss mo!" sabi niya at nakasimangot.

Si Magui kasi ang parang sumunod na boss niya sunod kay Soliel dahil si Soliel ang CEO.

"Feeling mo lang." sabi ko sakanya dahil hindi niya alam kung naka-ilang OT na ako nung nakaraang taon dahil sa pakikipagmeet sa mga taong siya dapat ang nakikipagmeet at nakikisosyo.

"Edi totoo, hindi feeling." sabi naman niya.

"Nakita mo na ba mga pinaggagawa kong mga papers?" sabi ko sakanya na parang alien siya.

"Yeah, some. Onti lang naman yun ah?" tanong niya sakin at kumunot pa ang noo.

"Malamang bawas na yun," sabi ko sakanya na parang bobo na lang ang hindi makakagets kung bakit onti nalang yung nakita niya sa desk ko.

"Ah, basta. Gusto ko maging boss si Ms. Luna" sabi niya sabay inom ng lemon juice na inorder niya.

"Si Ms. Luna naman boss mo ah?" takang tanong naman ng boyfriend niyang si Jin.

"No, not like that! I am personally working for Magui and not to Ms. Luna." paliwanag ni Jane.

Hindi ko alam kung bakit pero lahat ng kumakausap kay Jin napapa-english. Kahit tagalog naman sagot ni Jin parang di niya magegets kung tagalog kaya ine-english namin.

"Oh, right." sabi ni Jin at tumango tango pa.
"Bakit di ka nag-apply as her secretary by the time it was open?" tanong ko kay Jane dahil pwede naman yata yun since close naman sila ni Soliel.

"I did! Di niya ko tinanggap!" sabi niya at nagnguso pa.

Nandiri ako nang halikan ni Jin yung nakangusong bibig ni Jane sa harapan ko mismo.

"Manners please." sabi ko sakanila at tinawanan lang ako ni Jin habang umiiling ako.

Kalandian ng mga to, dinadala pati sa hapag kainan. Di naman ako bitter, pero pwede naman after kumain diba?

Lol.

* * *

"Di niyo ko sinama!" reklamo ni Sam pauwi na kami ngayon ngayon na lang ulit kami nagkasabay sabay umuwi.

"Hangal, niyaya ka namin sabi mo may gagawin ka. Shunga neto." sabi sakanya ni Jane.

"Maka-hangal? Mas hangal ka nga sakin." pag palag ni Sam kay Jane na sa tingin ko magiging dahilan na naman para magkaroon sila ng pagtatalo sa walang kwentang bagay.

Napabuntong hininga ako at pumagitna sa panlilisikan nila ng mata.

"Grow up, kids." sabi ko habang naglalakad kami at nakapagitna pa din sa kanila.

"Grow up daw, Jane." pang-aasar ni Sam at dumungaw pa.

"Ikaw yun, bonak!" bawi ni Jane na dumungaw din.

"I said kids, not kid, dumbasses." sabi ko at tinulak ang pagmumukha nilang dalawa.

"Maka-dumbasses to, talino ka girl?" sabi ni Jane at ako naman yata ang hinahamon.

Tumingin ako kay Jin ng tinging nagsasabing 'ano-bang-trip-ng-jowa-mo?' pero sinagot niya lang ako ng kibit balikat.

Napa-iling ako at napabuntong hininga. New Year na pero buang pa din girlfriend ni Jin.

"First of all, I'm a boy. Second, you should stop starting a fight then get pissed afterwards when one of us," sabi ko sabay turo saming dalawa ni Sam. "Hit your precious ego, unintentionally." I said emphasizing the word 'unintentionally' because that always happen.

"Unintentionally? You're hitting it on purpose." she said, accusing me, or us?

I raised both of my hands because I'm surrendering. This won't end, may topak siya. "Yeah, sure." sagot ko para matapos na ang usapan.

Inirapan niya lang ako bago iniba ang tingin sa harap namin at payapang naglakad kasabay kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top