22

Chapter 22



23rd of December.

Nandito ako ngayon sa Airport, hinihintay sila Mama.

Ngayon ang dating nila gaya ng sabi nila sakin and I'm here to fetch them. Hindi sila sa condo tutuloy. Sa bahay namin sa Baguio.

"Kuya Leo!!" sigaw ni Leila kaya napatingin ako sa direksyon nila, tumatakbo si Leila habang hila hila yung maleta niya.

Napangiti naman ako dahil sa pagiging excited niya.

"What's up, Yoda." sabi ko sakanya ginaya yung tawag sakanya ni Jin.

Sinamaan niya ko ng tingin. "I'm not Yoda!" she said then pouted her lips.

"Oo na, ampanget mo. Lagay mo na yan sa loob." sabi ko sakanya. Hindi kotse ang dala ko kundi yung Hi-Ace. Nasa Baguio tong van pero pinapunta ko dito kahapon kasi nga dadating sila Mama.

May driver kaya hindi ako ang magddrive. Nasa loob na din yung isang backpack ko dahil may damit naman ako sa Baguio kaya di ko kailangang magdala ng madami, di ko alam kung bakit may maleta pa to si Leila.

Kahit sila Mama nga, walang dalang maleta tapos siya nakamaleta? Ewan.

Niyakap ko si Mama nang makalapit sila sakin. Ganon din ang ginawa ko kay Papa.

"How's flight?" tanong ko sakanilang tatlo nang makapasok na kaming lahat sa loob ng van.

"It's fine." sagot naman ni Mama.

"How's Harvard?" tanong ko kay Leila.

"Harvard's fine." sabi niya, halatang iniiba ang usapan para hindi siya mahotseat.

"Yeah right." sabi ko. "Why'd you let her moved to Cambridge?" tanong kila Mama.

"Why did we let you moved to Cambridge?" balik tanong ni Mama sakin.

I look at Leila and now she's stucking her tongue out.

"Ma, tignan mo si Leila ampanget ng uglai oh, nandidila sa Kuya niya!" sumbong ko kay Mama.

"Ew, sumbong Mama." bulong niya.

"Mama may sinasabi pa oh." sumbong ko ulit.

"Leila." seryosong tawag sakanya ni Mama.

"Okay, okay." sabi ni Leila sabay taas ng dalawang kamay niya.

Its my turn to stuck my tongue out to her.

"Mama, si Kuya din!" sumbong naman ni Leila.

"Quiet." biglang sabi ni Papa kaya napatahimik kami.

"Quit acting like a 10 year old kid." suway ni Mama kaya nanahimik na kami.

Lumipat ako sa likod habang umaandar at niyaya ko si Leila kaya sumunod siya sakin.

"COD?" tanong niya at tumango naman ako. "Wi-Fi?" tanong niya.

Kinuha ko ang pocket wifi sa bag ko at binigay sakanya yun.

"Dyan ka, data ako." sabi ko at inopen na yung mobile data ko pati na din ang COD ko sa cellphone ko.

"Password?" tanong niya sakin.

Kinuha ko naman ang cellphone niya at pinasswordan yun.

"Game, game, game." excited na sabi niya kahit na nagloloading palang yung app sakanya. "Let's go!" she beamed.

Nagstart na kaming maglaro habang nasa biyahe kami.

* * *

"Kuya! 911! I need powerbank!" biglang sabi ni Leila habang nasa kagitnaan kami ng bakbakan.

"Don't you have powerbank with you? Sakin tong powerbank!" sabi ko sakanya habang patuloy pa din sa paglaro.

"Aw, man. Just revive me if ever someone shoot me." sabi niya at tumango nalang ako, agad naman niyang binaba yung cellphone niya at naghalungkat sa backpack niya ng powerbank.

"Dude, you got shot." seryosong sabi ko para may effect, kahit di naman siya namatay. Agad naman siyang nagmadali.

"What the freak?! Revive me dumbass!" sabi niyq habang halungkat pa din ng halungkat. "There you are!" masayang sabi niya nang makita ang powerbank niya.

Sinapak naman niya yung braso ko nang makitang di siya nabaril, napatawa naman ako dahil dun.

"Lower you voices." paalala samin ni Mama kaya naman tahimik nalang kaming naglaro.

* * *

NAIA to Baguio is a 4 to 6 hour ride depends on the driver.

Sa amin. Limang oras lang ang ginugol para makarating sa Baguio.

Nice driving skills, sa aming driver.

"The weather didn't change here." sambit ni Mama habang nakangiti.

Agad na nagsilabasan yung mga katulong namin sa bahay nang makapasok kami sa loob ng bahay.

"Welcome Home, Mr. and Mrs. Blanco" sabi ng mga kasambahay na nakahilera.

"Where's Nanay Tessy?" agad na tanong ni Leila sa dating nag alaga sakanya dito nung umuwi kami dito nung bata pa siya.

May lumabas naman na isang matanda na nasa 70 na pero malakas pa din.

"Nanay Tessy!!" masayang sabi ni Leila sabay takbo kay Nanay Tessy para yakapin ito. Lumapit naman ako para magmano kay Nanay Tessy.

"Ang laki niyo na." sabi ni Nanay Tessy sabay gulo sa buhok ni Leila. Ngumiti naman si Leila dahil dun. Humawak naman si Nanay Tessy sa braso ko at tinignan ako. Ngumit siya sakin. "Kamusta ang Maynila?" tanong niya sakin.

"Polluted." sabi ko at napatawa naman si Nanay Tessy dahil sa sinabi ko. .

"Kamusta ka naman sa New York?" tanong ni Nanay Tessy kay Leila.

"Nanay Tessy, you're late na po! I'm in Cambridge na!" pabebeng sabi ni Leila.

Napatingin naman si Nanay Tessy kila Mama.

"Nakapasa siya sa University na dating pinag-aralan ni Leo." paliwanag ni Mama kay Nanay Tessy.

Pumalakpak naman si Nanay Tessy sa narinig niya kay Mama.

"Kay talinong mga bata talaga." sabi niya sabay tingin saming dalawa.

"Mas matalino ka pa din po! You taught me how to do math!" sabi sakanya ni Leila.

Nanay Tessy is the one who taught her how to do basic math which is addition, subtraction, multiplication and division. Sobrang nagalingan siya kay Nanay Tessy dahil dun. She even bragged Nanay Tessy to her Teacher's in New York.

"Hindi nga, ikaw talagang bata ka." sabi sakanya ni Nanay Tessy at napa-iling iling. "Kumain muna kayo, may mga pinahanda na kong pagkain sa hapag." sabi ni Nanay Tessy at tumango naman kami at sinamahan siya maglakad papuntang dining area.

Aalis na sana si Nanay Tessy nang bigla siyang pigilan ni Leila.

"Nanay Tessy, please eat with us po." sabi ni Leila at nagpapacute.

"Hija, mamaya nalang ako." sabi ni Nanay Tessy at tatanggalin na sana ang kamay ni Leila nang magsalita si Papa.

"Pagbigyan niyo po ang batang yan." sabi ni Papa at napangiti naman si Nanay Tessy kay Leila at naupo sa tabing upuan ni Leila.

"Let's eat?" tanong ni Mama at tumango naman kaming lahat bago nag-umpisang kumain at magkwentuhan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top