17

Chapter 17



30th of October.

Today is the day I get to meet her other friends in the company.

Today is the day and I'm fucking eager and also nervous at the same time.

"Dude, you look constipated." biglang kumento ni Jin sa gilid.

Andito siya ngayon sa condo unit ko kasi wala yung girlfriend niya sa condo niya, umalis daw. Kaya ginawa niya kong sunod na target para puntahan para hindi siya mabored sa sarili niya condo.

Too bad I have to go also.

"Shut up." sabi ko sakanya habang nakatingin sa wall clock at hinihintay mag 7:45 ng gabi. Parang antagal naman ng oras.
Kung umalis na kaya ko? Malay mo may traffic diba?

Nah, it's Sunday.

Wala masyadong traffic pag-sunday, ayon yun sa sarili kong observation.

"Let's play PS4 while you wait." sabi ni Jin at akmang tatayo na para iset-up yung TV ko nang pigilan ko.

"Dude, no." pagpipigil ko sakanya at binigyan niya naman ako ng 'why?' look. "I don't want to play, aalis na din ako. Malapit nang mag 7:45 oh." sabi ko sabay turo sa wall clock ko at napalingon naman siya dun.

"Dude, what the fuck? Are you blind? Kaka-6 PM palang." sabi niya habang nakaturo sa wall clock. "The fucks wrong with you? Who are you meeting, anyway?" tanong niya.

"I'm meeting your Mom." sabi ko sabay upo sa sofa na inuupuan niya din.

"Funny." sabi niya.

"Funny funny very very very." dugtong ko sa funny na sinabi niya.

"Hah!" sabi niya sabay batok sakin.

Napasandal siya sa sofa at ganon din ang nagawa ko. Bumuntong hininga siya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya. Bigla naman siyang ngumiti kaya napakunot ang noo ko. Nang magsimula siyang magtipa sa cellphone niya ay nagets ko agad kung bakit.

Nagtext ang pinakamamahal niya sunod sa Mama niya.

Sana all.

Joke.

Pinabayaan ko lang siyang magtext kay Jane para magkaroon ako ng peace of mind. Pero alam kong di yun mangyayari nang mag-umpisa siya tumawa habang katext si Jane.

Napa-iling ako bago tumayo para pumunta sa Kitchen para kumuha ng slice ng cake na andito. Walang kumakain kasi di naman ako mahilig kumain ng matatamis, si Jane lang yata nakakaubos ng mga binibili kong cake pag dinadala siya ni Jin dito e.

"Pahingi ako." napalingon naman ako kay Jin nang kinuha niya ang tinidor sa kamay ko habang nakatingin pa din sa cellphone niya.

Nang hindi tumitingin na titinidorin niya ang cake ay inusog ko palapit sakin yung platito at natinidor niya ang counter table. At dahil don, nawala ang tingin niya sa cellphone niya, at napatingin sa cake sabay sakin.

Hindi pa nga ko nakakakain, siya na agad?

Kinuha ko ang tinidor sa kamay niya at kumain ng cake.

"Kumuha ka ng platito't tinidor mo, akin to." pag-aangkin ko sa kinuha ko. "Nasa ref yung cake, self service to." sabi ko at umalis ng kitchin dala dala ang cake.

Pagkatapos kong kumain ng cake ay nagtoothbrush ako ulit.

"Why are you still here?" biglang tanong ni Jin sakin pagtapos kong magtoothbrush kaya napakunot ang noo ko sakanya. "7:50 na." sabi niya sakin kaya nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napakilos bigla para kunin yung susi ng kotse at wallet ko.

Nako naman.

* * *

Pagdating ko sa sinabing restaurant ni Soliel ay napahinto ako nang makita si Jane. At sa tabi ni Jane ang nay bakanteng upuan.

"Leo!" tawag ni Soliel sakin sabay kaway pa. Nasa private room kami ng restaurant kaya di niya kailangang kumaway.

Napalingon naman si Ms. Mendoza at si Jane na nakangisi.

Lumapit ako at tumabi kay Jane.

"Told you guys, I have friends." bulong ni Jane sakin.

Kala ko naman andaming kaibigan ni Soliel sa kumpanya pero dalawa lang pala sila, at ako pa ang isang lalaki dito.

"I'm sorry, I'm late" paumanhin ko dahil 8:15 na ko nakarating.

"No, it's fine." sabi ni Soliel habang winagayway ang kamay.

"Let's start?" sabi ni Ms. Mendoza. Napatango naman ako. At sa tabi kong si Jane ay pumalakpak pa.

Samgyupsal ang pagkain kaya tuwang tuwa siya.

Habang kumakain kami at nagkkwentuhan sila ay nilagyan ni Jane ang apat na maliliit na baso ng soju at tsaka nilagay sa mga gilod ng plato namin.

"You guys get that and let's have a cheers for the late celebration of Soliel's victory!" she beamed.

Sumunod naman kami at pinagdikit dikit ang mga baso namin tsaka ininom yun. Sabay sabay na lumukot ang pagmumukha nilang tatlo kaya napatawa ako ng bahagya at napa-iling.

It's just soju. Ano pa kaya pag binigyang tong tatlo ng tequila?

Nagpatuloy naman na kaming kumain habang nagkkwento ulit si Jane kapag tinatanong siya ni Soliel about sa lovelife niya.

"Ang sweet naman!" sabi ni Soliel sabay inom ulit ng soju na sinalin ni Jane.

"Magbbreak din kayo." napatingin naman kaming tatlo kay Ms. Mendoza na tahimik na uminom ng soju pagtapos sabihin yun.

"You. Are. So. Bitter. Magui!!" sabi ni Jane sabay suntok sa balikat ni Ms. Mendoza.

Napailing naman ako at uminom din ng soju. Hindi masyadong umiinom si Ms. Mendoza, siya yata maghahatid kay Soliel.

Makalipas ang ilang oras ay tinamaan na yung dalawa. Si Soliel at si Jane. Habang si Ms. Mendoza ay tipsy. Napa-iling naman ako sakanilang tatlo.

"Hey, Magui! Drink more! Super unfair mo!" sabi ni Soliel habang nilalagyan ng soju yung baso ni Ms. Mendoza habang nakapout. Naka limang soju na sila.

"Alright, alright!" sabi ni Ms. Mendoza sabay inom ng mga sinalin salin ni Soliel at Jane. "I don't have any driver with me, Soliel" paalala ni Ms. Mendoza kay Soliel.

Cute na ngumiti si Soliel sakanya. "You can sabay naman sakin. Hehe. I have Kuya Driver with me naman." sabi niya at nagthumbs up kay Ms. Mendoza.

Napa-iling nalang si Ms. Mendoza at uminom nalang.

"Hey, Jane. Why so tahimik there sa gilid?" masungit na sabi ni Soliel habang sinisilip yung ginagawa ni Jane sa tabi ko.

Napalingon naman ako at nakitang nagtetext siya.

"I'm texting my boyfriend, wait lang!" sabi niya sabay text ulit.

"Guys! Let's cheers ulit!" sabi ni Soliel sabay lagay sa nga kupita namin.

Ang daldal niya pala pag lasing.

"To my victory!" sabi niya sabay taas sa baso niya nang matapon yun kaonti. "Ops." sabi ni Soliel sabay takip sa bibig niya.

Damn.

Napa-iling naman ako at nakipagcheers nalang.

Matapos magcheers ay biglang humikbi si Ms. Mendoza.

"Uh.. Okay lang ba si Ms. Mendoza?" tanong ko sa dalawa na busy sa ginagawa nila. Napalingon naman silang dalawa ng itanong ko yun.

"Don't call me Ms. Mendoza outside the building, it sucks. Magui is fine." biglang sabat ni Ms. Mendoza or Magui na daw ngayon.

"Uh.. sorry?" di ko sure na sabi.

"Diyan kayo magaling sa sorry." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Magui, oh my gosh! Don't cry! Leo's here!" sabi ni Soliel habang pinapatahan si Magui.

"Uy gago kayo, bat umiiyak si Magui?!" hysterical na tanong ni Jane.

"I don't know!" nagpanic na sabi ni Soliel dahil kay Jane. "My magui" sabi ni Soliel sabay hawak sa dalawang pisngi ni Magui. "You don't waste your tears for someone who's not worth it, okie dokie?" sabi niya kay Magui na patuloy pa din sa pag iyak.

Tumango si Magui at pinunasan naman ni Soliel ang mga luha na patuloy pa din sa pag agos dahil di tumitigil sa pag iyak si Magui.

"Don't cry na, Jane and I loves you." sabi ni Soliel sabay halik sa noo ni Magui at yakap pero mas lalong nagpahagulgol kay Magui yun.

"Soliel's right. We super love you." sabi ni Jane sabay yakap kay Magui.

Nagyayakapan silang tatlo habang ako nanonood sakanila.

Why am I even here, again?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top