15

Chapter 15




After that call with Soliel, hindi na ulit ako nakatanggap ng tawag mula sakanya.

It's a good thing though. Para wala na kong masyadong maisip tungkol sakanya. Pero nakakapagtaka kasi sabi ko sakanya isend sakin yung details pero wala siyang sinend?
Well, okay?

Mas mabuti na yung ganto na balik kami sa dating set-up kung saan taga gawa ng mga papers at taga meet ako ng mga taong di ko naman kilala.

Busy akong nagtatype sa laptop ko nang may pumasok na naman sa opisina ko ng hindi kumakatok.

"Hey hey hey!!" masayang bungad ni Sam na hindi man lang kumatok bago pumasok sa opisina ko.

"Shut the fuck up." sabat ko naman bago pa siya makapag salita ng kahit na ano na idudugtong niya dun sa 'Hey' niya.

"Badtrip? Umagang umaga?" sabi niya sakin.

"It's afternoon." I corrected him after seeing the time on my laptop.

"Ops, sorry." sabi niya na may pagtakip pa sa bibig na nalalaman. I'll just confirm it within me that he's a girl by heart. "Alam kong di mo tinanong pero andito ako para sabihing break time muna, kapatid." napa-angat naman ang tingin ko sakanya. Naasiwa ako ng kindatan niya ko.

"I'm going to eat whenever I feel like it. Now move your ass out from here, Gay." sabi ko at nag-iba ang itsura niya dahil sa huling sinabi ko.

"What did you say, Bro?" he asked, emphasizing the the last word he said.

"I said 'Gay'," sabi ko at mas lalong nalukot ang pagmumukha niya ng ulitin ko yun. "You may leave, Gay." I said making it sound something, just to piss him off.

"Mama mo gay." sabi niya bago ako pinakyu bago umalis ng opisina ko.

Pikunin.

Wala pang isang oras ay may pumasok na namang hindi kumakatok. I saw that coming.

"Bat umiiyak yun si Sam?" tanong agad ni Jane pagkapasok niya, nanlaki naman agad ang mata ko. Huh? "Joke lang." bawi niya kaya sumimangot naman ako para malaman niyang ang panget niyang mag-joke.

"Are you also here to ask me take a break?" tanong ko nang hindi siya tinitignan at nakatutok lang sa laptop ko.

Sinara naman niya yun kaya gulat na tinignan ko siya.

"Dude! You shouldn't close laptop without it being turned off! Masisira!" agad kong sabi sabay bukas ng laptop ko.

"At san mo naman nalaman yan?" tanong niya ng nakataas ang kilay.

"Sakin!" sabi ko tsaka nagpatuloy ulit sa ginagawa.

"Tara na kasi, that can wait." sabi ni Jane at sinara ulit yung laptop ko.

Sumandal ako sa swivel chair para tignan siya.

"Wala akong panlibre sa inyo." sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sakanya.

"Libre ng boyfriend ko." agad niyang sabi pero di pa rin ako matitinag ng salitang libre.

"User." pang aasar ko.

"I'm not," sabi sabay akmang aalis na ng opisina. "Are you coming or not? I change my mind about having a care about you in behalf of my boyfriend." sabi niya at inaantay ang sagot ko.

"Nah." sagot ko nalang. I'll eat by myself later, I want to finish this papers at once.

Nagkibit balikat siya bago lumabas ng opisina ko.

Nang matahimik ako at maramdamang wala nang papasok ng hindi kumakatok ay nagpatuloy na ako sa kung ano mang ginagawa ko kanina bago pa pumasok sila Sam at Jane na hindi marunong kumatok.

* * *

Right after I finished all the papers that were given to me, I received an email.

From whom?

See you on the next episode of I received an email.

Binuksan ko naman yung email na kakareceive ko palang. It's from Soliel.

CEO Luna,

Hey, this is the deets!

Where: Korean Restaurant.
When: 30th of October - 8 PM

See you!

Agad naman akong napatingin sa schedule ko. Napahinga naman ako ng maluwag pagtapos kong makita na wala akong appointment kahit kanino sa araw na yun.

Pero nakuha ng pansin ko ang schedule na meron ako pagtapos ng araw na yun.

31 October: Halloween Party.

Sakto, pwede akong magpakabangag pagkabukas pagtapos ng dinner.

* * *

"Natapos mo?" tanong ni Jin nang maabutan ko sila sa Cafeteria ng building.

Tumango naman ako bago umupo sa tabi ni Sam na tingin ko'y tahimik sa araw na to.

Pagka-upo ko ay bigla siyang umusog pagilid para hindi kami magkadikit.

Natawa naman ako ng bahagya ganon din si Jane at Jin.

"Anong sinabi mo sa isang yan?" tanong ni Jane sakin.

"Gay." parang wala lang na sagot ko. Wala lang naman kasi talaga, inaasar ko lang siya dahil baka manghina ako pag hindi ko siya naasar sa isang araw.

Agad na lumingon sa gawi ko si Sam at tinignan ako ng masama. "Pakyu ka gazillion times." sabi niya sabay pakita sakin ng middle finger niya.

Napatawa at napa-iling naman ako dahil sa ginawa niyang pamamakyu at pagsabi ng mga katagang sinabi niya.

"Are you gay?" tanong ko na mas lalong nagpalala ng pagsama niya ng tingin sakin.

"Ulol." sabi niya at pinakyu ulit ako.

Asar talo amp, boring.

"Your mouth, Sam." biglang sabi ni Jane kay Sam.

Kanina pa namamakyu si Sam, ngayon lang sinaway? Baka nilalandi niya si Jin kaya di niya nakita at narinig yung pinaggagagawa ni Sam kanina.

Napa-iling nalang ako at napatawa ng bahagya dahil sa mga nangyayari. Habang kumakain ay napatingin ako sa nasa harapan ko, kundi si Jane at Jin na kasalukuyang naglalandian sa harapan namin mismo at sa harapan ng pagkain.

Di ba nauubusan ng tamis sa katawan tong dalawang to?

"Para kang 30° angle." rinig kong sabi ni Jin kay Jane.

Cause she's a-cute. Corny Jin is coming out, y'all.

"Huh?" takang tanong ni Jane.

Huh?? Di niya alam kung anong tawag sa 30° angle? Napa-iling nalang ako dahil sa narinig.

"Because you're such acute-y." sabi ni Jin kaya napatingin ako sakanya at nakita siya pinisil ang pisnge ni Jane.

I gave him the disgusting look when his gaze turned my direction.

Tinawanan niya lang ako bago halikan ang ulo ni Jane.

Whipped cream, it is.

Napatingin naman ako sa katabi kong walang imik dahil asar talo sakin. Nang maramdaman niya sigurong tinignan ko siya ay nilingon niya ako at binigyan ng masamang tingin pagkatapos ay nakitang pinakyu niya ko sa ilalim dahil hindi niya pwedeng ipakita yun dahil nasa harap kami Jane at ng pagkain. Napatawa naman ako dahil sa ginawa niyang yun at mas lalo lang lumala yung sama ng tingin niya sakin. 

Asar talong pikunin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top