10

Chapter 10



"Mr. Blanco" napatingin ako sa tumawag sa apelyido ko.

"Ha?" I ask dumbfounded.

"I was asking you about the papers I gave you yesterday." ulit ni Ms. Mendoza sa tinanong niya daw kanina.

"It's already done, I gave it to Jane yesterday." sagot ko at napakunot ang noo ko dahil bakit niya tinatanong sakin? "Hindi po ba binigay sainyo ni Jane?" I asked, curious.

"She gave it, pero sinabi ng CEO na kulang daw." sabi niya.

"Ha? Walang labis walang kulang dun." sabi ko sakanya.

"Sige, ipapacheck ko ulit sakanya." sabi ni Ms. Mendoza

"Let her call me kung may problema siya sa mga pinapagawa niya, I am still her secretary." sabi ko sabay tingin sa ginagawa ko sa laptop ko kanina bago siya dumating.

Tumango lang siya sakin tsaka lumabas ng opisina ko. Hindi ko alam kung sinong secretary samin. Siya ba or ako? Kasi may mas contact pa siya sa CEO kaysa sakin.

Napalingon ako sa cellphone ko nang magvibrate yun. Kinuha ko yun at tinignan kung sino yung nagtext.

From: Maximoose

Dude! Kailan next inom?

To: Maximoose

pacheck mo muna kay genevieve atay mo, gago.

Tinabi ko ulit yung cellphone ko matapos kong replyan si Max.

Napatingin naman ako ulit nang bumukas ang pintuan ng office ko.

Hindi ba uso kumatok sa kumpanyang to?

"Di kita pinatawag." sabi ko kay Sam na ngiting ngiti.

"Hindi ako nagpunta rito para makipag-away." he said while mimicking Ed Caluag's voice.

I shook my head then showed him my middle finger then continue what I am doing.

"Andito ako para yayain kang kumain." sabi niya sakin tsaka naupo dun sa upuan  ng office ko.

"Onti nalang magdududa na ko sayo." sabi ko sakanya ng di siya tinitignan.

"Magduda ka lang, I'm immune." he proudly claimed.

"Leave me alone, Immune." I said then gesture my hand shooing him.

"Tara na, si Jin nagpapunta sakin dito." sabi niya.

"Wag mong gamitin si Jin." sabi ko sakanya nang hindi pa din siya tinitignan.

"Aight, Imma head out." he said, surrendering.

Payapa siyang lumabas ng office ko kaso ilang minuto ang nakalipas bumukas ulit yun.

Fuck.

"Dude, c'mon let's eat." says Jin The Great.

"Sunod ako." maikling tugon ko nang hindi siya tinitignan.

"Okay." sabi niya at lumabas na ng opisina ko.

Mga ilang minuto ang nakalipas nang bumukas ulit yun. Agad kong prinedict na si Jane yung sunod kaya agad akong nagsabi ng masasamang mga words.

"The fuck y'all people want from me?" I exclaimed, literally tired of them for not knocking before opening the fucking door.

"Uh..?" a voice said, hindi boses ni Jane. Agad akong napalingon sa pumasok.

Tang ina niyo naman. Si Ms. Mendoza yan!

Agad akong napatayo at ginesture sakanya yung upuan.

"I'm sorry, Ms. Mendoza." I formally apologize for my misbehavior. "Uhm.. What do you want? I mean, bakit ka bumalik?" agad akong napapikit nang marealize kong ang rude nung pag-iba ko ng tanong.

"I'm back because Ms. Luna told me she apologized for the papers. Hindi daw pala kulang." diretso niyang sabi, medyo awkward dahil sa mga pinagsasabi ko sakanya.

"Apology accepted. She could've done that in person." sabi ko sakanya tsaka tumingin sa laptop na nasa harapan ko.

Kailan ko ba matatapos tong presentation na to?

"You know she can't." sabi niya bago umalis.

At bakit naman hindi?

Napailing nalang ako sa reason nila para pagtakpan ang CEO ng kumpanyang to.

* * *

"Nice, natapos din sa ginagawang presentation." bungad ni Sam na masayang kumakain.

Tumabi ako sakanya dala dala yung pagkain na inorder ko. Andito kami ngayon sa Jollibee, nung malaman kong andito sila nagtaka ako dahil hindi naman ito ang usual na kinakainan namin. May topak yata si Jane at pinili to.

Pag wala kasi ako siya nagiging incharge kung saan kakain, kasi sunod sunuran sakanya si Jin The Great.

"Namiss ko yung Boracay." biglang share ni Sam habang tahimik kaming kumakain.

"Mamatay na nagtanong." naunang pambabara ni Jane, ako dapat magsasabi niyan pero naunahan na e.

"Luh. Di ba pwede mag-share?" sabi ni Sam sabay subo ng kanin.

"Bawal." masungit na sabi ni Jane.

"Freedom of speech, where you at?" biglang sabi ni Sam sa kawalan.

Napa-iling nalang ako, may dalaw yata tong si Jane kaya nagsusungit. Napatingin ako kay Jin na tahimik na kumakain sa tabi ni Jane. Tumingin naman sakin si Jin nang mapansin niyang tinitignan ko siya.

Nagkibit balikat lang siya.

* * *

Nandito kami ngayon ni Jin sa condo unit ko dahil hindi ko alam kung bakit. Madalas bumisita yang isang yan dito.

"The boys are planning for the Halloween." bigla niyang sabi habang nanonood kami ng Guardians of the Galaxy Vol. 2.

"Already?" I asked chuckling.

"Yeah, you know Max." he said also chuckling.

"Always the party boy in the group." sabi ko sabay kain ng pop-corn.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung group chat namin na hindi kasama si Genevieve. Meron kasing isang group chat na kasama siya.

EL CINCO

Max: Yooo! Ano na? Halloween Party??

Jasper: Mukha kang party.

Dave: Haha.

Max: Jasper, ang sabi ko i-reto mo ko.

Dave: Haha.

Jasper: Pahinga mo totoy mo.

Dave: Hahaha.

"Gago, ito lang ba ambag ni Dave sa GC?" tanong ko kay Jin na nasa cellphone niya din at nagbabasa ng mga chat nila Max. Tumawa siya dahil sa tanong ko.

Max: Ako nalang ba bumubuhay sa GC na to?

Dave: Haha.

Max: Tangina mo, Dave. I-ghost ka sana ng ka-fling mo.

Dave: Haha ulol.

Max: Haha pakyu.

Max: Asan ba sila Jin tsaka Leo?

Leo: bakit babe?

Jin: Hi baby.

Max: Jin, last check ko may jowa ka?

Dave: Haha.

Max removed Dave from the group.

Jasper: HAHAHAHAHAHA TANGINA MO KA MAX.

Tawang tawa kami ni Jin nang parehas mag text samin si Dave.

From: Dave'vine.

Balik mo tol, pikon ni Max amputa.

Tinawanan ko muna yung message ni Dave bago ko siya ibalik sa group.

Leo added Dave from the group.

Max: Sino yan? Bagong tropa?

Dave: Haha pikon.

Max: Ulol.

Sa isang groupchat nagchat si Max kung saan kasali na si Genevieve.

ZESTO

Max: Halloween Party????

Gen: It's sept palang, Max!!!

Max: Mas maganda early, M.D!!!

Gen: GUYS! Stop Maximus from drinking!!!

Dave: Haha.

Jasper: Can't.

Jin: He's

Leo: stubborn.

Dave: Check his atay for us. Thank you, M.D!!!

Gen: Hahaha!! So conyo, Dave!!!

Jasper: Spoken from the real conyo.

Gen: Hey!!!

Dave: Haha.

Jin: Hahaha.

Leo: Hahahaha.

Max: So saang bar for Halloween Party?? :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top