06
06
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko pagtapos kong kumain ng breakfast kasama yung apat.
07:36
Binuksan ko yung cellphone ko patapos ay pinindot yung ginawa kong group chat sa mga sumama dito.
Leo Blanco: Alis tayo ng 8.
Pagtapos kong ichat yun ay pinatay ko na yung cellphone ko.
"Aga naman ng 8." reklamo ni Jane na nasa harap namin.
"Sunod ka nalang, maaga pala e."
"Tse!" sabi niya sabay irap sakin at subo nung last bite sa dessert na kinuha niya.
"Anong uunahin natin?" tanong ni Jin.
"Reverse Bungy." sagot ko at sabay kaming napatingin ng nakakaloko kay Sam na tahimik na kumakain.
"Wala na yung pusta." sagot niya sabay kain ulit.
"Hinay sa pagkain, baka masuka mo lahat." pang aasar ko sakanya.
"Pakyu." sagot niya na kinatawa namin Jin.
Ganyan na agad siya kakomportable samin ni Jin. Parang nung kakadating lang namin puro siya Sir.
"Tatlo kayo?" biglang singit ni Jane.
"Ha?" nagtatakang sabi ni Sam.
"Three person lang kasi yon. I'm asking if tatlo kayo?" pag eexplain ni Jane.
"Malamang." pambabara ko sakanya.
"Mama mo malamang."
"Mama kita e."
"Kadiri ha." sabi niya sabay flip ng hair niya.
"Mas nakakadiri ka."
"Says who?"
"Me." pagkasagot ko nun ay iniripan niya nalang ako dahil wala na siyang masabi.
"It's already 8." sabay sabay naman kaming napatingin sa mga cellphone namin ng sabihin yun ni Leila.
"Tara na." sabi ko sabay tayo dala dala yung cellphone ko.
Sumunod naman silaang apat sakin palabs ng hotel.
Pagkalabas namin ay inantay pa namin yung iba dahil late yata nagising. May mga pasimpleng nag-inom yata kagabi.
8:15 kami nakaalis sa hotel at naglakad na papunta dun sa Reverse Bungy.
"Putangina." dahil tahimik kaming lahat ay narinig namin yung nagmura. Napalingon kaming lahat sakanya habang siya ay nakatingin dun sa nauna samin. "Sir, sure yan?" bigla namang napalingon sakin dahil dun sa tanong niya sakin.
"Oo, pero kung di mo naman kaya di mo kailangang sumakay." sabi ko sakanya na nagpakalma sakanya ng onti. "Di mo nga lang masusulit punta mo dito." dugtong ko sabay kibit balikat.
"Wag pressure-in, Sir." sabi nung katabi niya sabay tawa.
"I'm not, I'm just stating the facts." sabi ko ulit sabay tingin dun sa nauna samin.
Tagal naman nila.
"ORAYT! Sir! Kami una!" sabi nung isa, yung katabi nung nagmura kanina. Hatak hatak niya yung nagmura papunta dun sa Reverse Bungy.
Napilit naman nila yung nagmura kanina at sasabak na sila.
"Gago, isipin mo pre biglang kumalas yung seatbelt kasi ang malas mo tas tumalsik ka?"
"Gago, isipin mo din pre ikaw yung nakalasan ng seatbelt mamaya kasi ang malas mo?"
"Ulol! Ito isipin mo, bakit ka niya ghinost kahit binigay mo naman lahat ng gusto niya?"
"Oooh!!!"
"Luh? Mga patay gutom mag-hype oh."
Napa-iling nalang ako sa narinig ko sa likod ko.
Mga gago.
"Tayo na next, Sam." sabi ni Jin sabay siko kay Sam na nasa gitna namin.
"Handa ka na ba?" dugtong ko.
"Tigilan mo ko, Korina." sagot niya sakin ng masama ang tingin sakin.
Sabay kaming tumawa ni Jin dahil sa ginawa niya.
Pagtapos nung nauna ay sumunod kaming tatlo dahil gusto na naming makita reaksyon ni Sam. Si Sam yung pina-upo namin sa gitna.
"Wag ka yumuko." sabi ni Jin kay Sam kasi yumuyuko.
"Babye!" sabi samin nung lalaki.
"Makababye ka kuya parang mamatay na k—" hindi natapos ni Sam yung sasabihin niya dahil nagstart na. "Fuck. Shit." bulong niya na kinatawa namin Jin.
Ang laugh trip ng mukha kasi seryoso lang siya tas bulong ng bulong mura.
"I love you, Lord." bulong niya pa na nagpatawa pa samin lalo.
Mabilis naman na tumigil dahil 15 seconds lang yata.
"Tangina, sakit ng tyan ko." sabi ni Sam habang binaba na kami.
Kita mo yung view mula dito sa taas. lumingon ako sa likod para makita yung view sa likod.
Nang makababa na kami ay inasar asar ni Jane si Sam. Sila Jane yung next silang tatlo ni Leila kasama yung isang babae na kasama yata nila sa room nila.
Pagtapos nila Jane ay sumunod na yung iba, mabuti naman at nagtry lahat kasi sayang kung di nila susulitin.
* * *
Next na pinuntahan namin ay ang Ariels Point. Kung saan magccliff diving kami.
Para sa mga hindi marunong lumagoy, syempre provided sila ng life jacket. Yung mga marunong lumangoy ay nauna nang tumalon pagkadating namin sa may tuktok. May mga nagbboating sa baba kaya yung iba mas piniling mag boating nalang. Pero yung mga lalaki, panay ulit sa pagtalon.
Nagtagal kami ng kaonti dail nag-eenjoy yung mga lalaki sa pagtalon.
Pagtapos ng ilang oras ay napilit na ng mga babae yung mga lalaki na tumigil at magtry ng ibang water activities na gagawin pa namin.
Kaya nang makaalis kami ay pumunta kami HydroBob para mag underwater scooter.
Nang makarating kami dun ay ininstruct muna kami kung ano ang mga dapat naming gawin pagkatapos ay nagtry na kami lahat, yung mga di marunong lumangoy ay kinakabahan pero nagdesisyon pa ring magtry para masulit ang bakasyon.
Ilang oras pa kaami dun dahil nga lahat ay nagtry.
Pagkataos namin mag underwater scooter ay sinabi kong magkkitesurfing kami. Yung iba ay tumanggi, karamihan ay babae dahil nga karamihan sakanila ay di marunong lumagoy.
Sobrang advantage talaga yung pagiging marunong lumangoy.
Kaya kung di ka marunong lumangoy, magpaturo ka na.
Mabilis na natapos ang pagkkite surfing dahil onti lang naman ang may gusto kaya pagtapos nun ay nag wind surfing naman kami kaya agad nag ingay yung mga babae.
"Sir Leo! Ang unfair!!" reklamo ng isang babae.
"Sorry, yun yung nasa schedule e." sabi ko at napakamot nalang sa ulo ko.
"San next nyan, Sir?" tanong nung isa.
"Scuba Diving." sagot ko.
"Sir!!!!" reklamo nila kaya napatakip ako ng tenga.
Di pala sila marunong lumangoy.
At dahil wala silang magagawa kasi yun yung nakalagay sa schedule na ginawa ko ay napilitan nalang silang sumama at kumain nalang habang nanonood.
* * *
"Sana all." rinig kong sabi ng katabi ko.
Hindi siya marunong lumangoy kaya naman andito nalang siya hinihintay yung nag free diving. Tapos na kasi kami nmag scuba diving kanina kaya free diving na ngayon.
Madami naman siyang kasama na hindi marunong lumangoy kaya okay na yan.
"Magpaturo ka sa mama mo lumangoy." sabi ko sakanya.
"Kung gusto niya lang, edi sana nagffree diving na din ako dyan." sagot niya sakin.
Napatawa ako dahil sa sinabi niya.
"Sige, ipapa-swimming lesson kita." sabi ko sakanya.
Napatingin siya sakin. "Legit?" di makapaniwalang tanong niya. Tumango ako bilang sagot.
Binuksan ko yung cellphone ko at tinawagan yung kakilala kong nagsswimming lesson.
[Uy wassup! May chix kangs di marunong lumangoy?] bungad niya sakin.
"Gago." sagot ko sa sinabi niya. "May ieenroll ako sayo." sabi ko sakanya, napatingin naman ako sa katabi kong to na nakatingin sakin.
[Sure, sure. Babae yan no?] napa buntong hininga naman ako dahil sa pamimilit niya na chix ko yung ieenroll ko.
"Ella no es mi chica." sagot ko para hindi maintindihan nitong katabi ko.
Nakita kong kumunot yung noo niya dahil sa pagsalita ko ng espanyol.
[Claro seguro mi amigo.] sagot niya na may tonong pangungutya. [Send me her details, so I can schedule her up.] sabi niya sakin.
"Send me the form." sabi ko sabay baba ng tawag.
Agad ko namang natanggap yung form, pinafill up ko naman yun dito sa katabi kong di marunong lumangoy.
Malay mo, masali sa olympics to dahil sakin.
We don't know what the future holds, says I don't know who.
* * *
"Good night, Sir. Salamat ulit." sabi nitong babae na di ko pa rin alam pangalan.
"You're welcome." sagot ko.
"Kyla po pala." sabi niya sabay bow ng head.
"Sige." sabi ko at nagpaalam na siya pagkasabi ko nun.
Nilingon ko yung apat at yung mga tingin nila. Hindi nakakatuwa.
"Ano?" tanong ko sakanila sabay naauna nang naglakad.
"Sana all!" sigaw ni Sam.
Napa-iling ako.
Masyadong mapagbigay ng malisya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top