05
05
Andito kami ngayon ni Jin, Jane at Leila sa swimming pool ng Hotel.
Apat lang kaming andito, may ibang nagsswimming pero hindi namin kakilala, usually foreigner.
We really did pull the night swimming. Ako lang dapat nandito, pero dahil sumama si Jin sama din yung dalawa syempre.
Kung nasan ako andun si Jin, kung nasan si Jin andun yung dalawa. Ofcourse dalawa silang nakasunod pag-andito sa Pilipinas si Leila pero pag wala siya dito syempre si Jane lang.
"Jin, langoy ka nga sa ilalim tapos gagawin kitang surfboard ko." biglang sabi ni Jane sa nananahimik na si Jin. And as the obedient boyfriend to his girl, Jin did.
Parang bata namang tumatawa si Jane habang nakatungtong sa likod ni Jin. Lumangoy si Jin na naging cause ng pagka out balance ni Jane. Nagtawanan silang magjowa habang ako napailing nalang sakanila.
Nilingon ko naman si Leila at nakitang nakabusangot habang pinapanood sila Jin. Hinampas ko yung tubig papunta sa mukha agad naman siyang nagulat at napalingon sakin, sinasamaan ako ng tingin.
"Ano ba?!" irita niyang sabi.
"Mukha mo, ampanget." sabi ko sakanya sabay lingon ulit kila Jin.
Andami namang lalaking nagkakagusto sakanya sa New York lahat yung sinusungitan niya lang. Inaaksaya yung oras kay Jin. Pag 20 na yan tapos patay na patay pa din kay Jin, masasabi kong wala na siyang pag-asa.
Wala nang makakabitag sa dalawang yan kaya sayang lang pag-aantay niya. Sana marealize niya yun when years pass by.
"Kuya, libre mo ko cocktail." biglang sabi sakin ni Leila. Nilingon ko siya at kinunotan ng noo.
"Di ko dala wallet ko." sabi ko sakanya.
Totoo naman. Towel lang dala ko, wala naman kasi akong balak mag bar ngayong gabi. Magswmming lang talaga plano ko.
"Magui!" biglang sigaw ni Jane kaya napalingon ako sa tinawag niya.
Nakita ko naman si Ms. Mendoza na naglalakad na parang may hinahanap. Lumingon naman siya nang tinaawag ni Jane yung panagalan niya. Lumapit siya samin ng nakangiti.
"Totoo palang sumunod kayo?" tanong sakanya ni Jane pagkalapit niya.
Kayo?
"Ah, oo. Nakita mo ba siya?" tanong ni Ms. Mendoza.
"Hindi, gumagala na naman ba?" tanong ulit ni Jane at medyo tumawa pa.
Napakamot ng ulo si Ms. Mendoza. "Oo e."
"Tell her I said hi. Tsaka pasabi na rin na ingat ingat kung ayaw niyang may mangyaring di niya kontrolado." sabi niya na tumango lang si Ms. Mendoza. "Catch up soon with you two!" pahabol niya sabay wave ng hand niya. Nag wave back naman si Ms. Mendoza sabay paalam samin tsaka umalis at tinuloy na ang paghahanap.
Tinignan ko naman ng nagtatanong si Jane. She shrugged. "Confidential." sabi niya sabay langoy na naman. Sumunod naman sakanya si Jin.
Umahon naman bigla si Leila.
I look at her, she look back.
"Gonna binge watch a netflix series." sabi niya at tsaka umalis.
"San yon?" tanong ni Jane nang makitang naglalakaad pabalik si Leila.
"Magnenetflix." I answered.
* * *
"Di ba tayo mamamatay diyan?" tanong nung babae nang makita yung banana boat.
Pinili ko yung isang banana boat lang para sure na may malalaglag. Per batch nalang, makakapaghintay naman lahat.
"What are life vest for?" bulong ng kapatid ko.
"Leila." banta ko sakanya, napatingin naman siya sakin sabay talikod nang makitang sinasamaan ko siya ng tingin.
Pano kung narinig yun nung babae, diba?
"Okay, sakay na yung first batch." sabi ko at nagsisakayan naman sila, mga excited. Pang last kaming apat.
Five person per batch.
Nagtawanan yung mga lalaki nung sasakay na yung nagtanong kanina kung di ba daw sila mamatay dun sa banana boat.
"Ang arte mo Eunice! Di ka mamamatay diyan!" pagpapalakas ng loob nung kaibigan niya yata.
"Di ako marunong lumangoy!" sabi niya na parang iiyak.
"Gaga, anong dulot ng suot mong life vest?" sabi nung isang kaibigan niya sabay batok.
Nagtawanan naman yung ibang lalaki dahil para talaga siyang tanga, sa totoo lang.
"Kaya mo yan, Eunice." sabi ni Sam dun sa Eunice. Inasar naman siya nug mga katrabaho niya dahil sa ginawa niya. "Ang iissue niyo, Gago." sabatni Sam dun sa mga nang aasar.
"Issue daw, sus!" asar sakanya.
"Pakyu ka bente." sabi ni Sam sabay pakyu dun sa nang asar sakanya.
Napilit naman nila yung Eunice at kita mong grabe yung hawak dun sa hawakan. Simula umandar sila, sigaaw siya ng sigaw kaya naman tawa ng tawa yung mga andito na pinapanood sila.
Last batch na at kaming lima yun. Sam, Jin, Jane, Leila, Ako ang pwesto namin.
Lahat naman kami marunong lumangoy kaya buong ride, tawa lang kami ng tawa sa mga nalalaglag saming lima. Unang nalaglag si Jane, sunod si Sam at huli si Leila. Dalawa lang kami ni Jin na hindi nalaglag.
Madami pa silang triny at sagot naman ng company lahat yun.
Parasailing, onti lang nagtry dahil takot yung iba.
Helmet Diving, lahat ng marunong lumangoy, nagtry. Kasam kaming lima.
UFO, lahat yata kami nagtry.
Jetski, lahat nagtry. Yung iba may sakay na babae pero yung ibang babae mag isa lang.
Pagtapos ng apat na water activities na yun, nag stand up paddle yung iba.
Madami pa kaming itatry bukas kay naman sinabihan ko sila na wag masyadong magpagod. Sumang-ayon naman silang lahat at maagang umahon para makapagpahinga agad.
* * *
Tumitingin ako ng mga gagaawin bukas nang magsalita si Jin.
"Ano yan?" tanong niya sabay tingin sa iPad mini ko. "Dami niyan ah. Ilang araw ba tayo dito?" tanong niya pagtapos makita yung mga gagawin namin.
"5 Days." sagot ko.
"Ilang araw na ba tayo dito?" tanong niya.
"3 today."
"2 days nalang pala." sabi niya na tinanguan ko lang.
Tinignan ko naman yung iPad ko.
Ariels Point.
Underwater Scooter.
Kite Boarding.
Wind Surfing.
Reverse Bungy.
Scuba Diving.
Free Diving.
Kaya naman sigurong gawin sa dalawang araw tong pitong to.
"Mga lalaki lang yata makakagawa niyang Reverse Bungy." sabi ni Sam sabay tawa.
Nilingon ko si Sam na nakatingin din pala sa iPad ko.
"Di ka lalaki." pang aasar ko kay Sam.
"Anong hindi? Tatlo pa tayo dyan bukas. Pusta pa ko sisigaw kayong dalawa ni Jin." panghahamon niya.
I've tried this shit for how many times. Kasama ko lagi si Jin everytime I tried this. Goodluck sakanya.
"Sige, pusta na ko 10k malulula ka." hamon ko sabay labas ng sampung libo ko.
Paglapag ko ng sampung libo ko sakto namang paglabas ni Jin mula sa bathroom.
"Ano yan?" tanong niya habang nagpupunas ng buhok.
"Pustahan daw sa Reverse Bungy. Pumusta na ko na malulula to si Sam. Sali ka?" yaya ko sakanya at ngumisi naman siya.
"Sige, 20k na ko mapapamura to si Sam taas." sabi ni Jin sabay lapag ng pusta niya.
"Pupusta ka pa ba?" tanong ko kay Sam.
Napalunok naman siya nang makita yung nilapag namin, trenta mil para lang sa pagkalula at mura niya.
"Tangina niyo, halatang batak na kayo sa Reverse Bungy." sabi niya kaya napatawa kami Jin. "Ako lang first time, amputa." sabi niya sabay kamot sa ulo niya at naglakad na pabalik sa kama niya.
Natawa nalang kami ni Jin dahil sa sinabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top