03

03


"San daw hotel natin?" rinig kong bulungan nung mga empleyado sa likod ng van na to. 

Sa totoo lang, andami kong ginawang reservation para sa outing na to. Sakin kasi pinaayos ni Ms. Luna sakin. Sabi niya pa sakin na sa magandang hotel daw magpareserve para daw sulit sa mga employees. Napakagenerous naman pala. 

Hue Hotels and Resorts

Ito yung napili ko dahil sa mga reviews. May swimming pool, Spa, Gym,  Room Service, Free WiFi at lastly, may Bar. Ganda diba? 3 to 5 minutes daw ang lakad niya papuntang mismong beach. Depende nalang siguro sa lakad ng tao. Kung maarte sila pwede naman silang dun sa swimming pool nalang diba? 

Lahat ng room may flat-screen TVs, bathroom may bidet pa nga daw e. San ka pa? Dito ka na! Joke, di to sponsored. May free slippers yung room tas toiletries tsaka hairdryer. 

Base naman sa mga nakita kong pictures niya, maganda yung interior ng kwarto at maganda din pagkakadesign ng buong place. Big thumbs up sa Architect at Engineer. Puro Deluxe Room pala yung pinili ko para two beds at isang king bed. Kasi karamihan ng nandito couple, wala namang forever. Biro lang. 

"Sir. Leo, anong station po tayo?" tanong sakin nung employee na nasa likod ko. 

"Station 6" seryosong sagot ko.

"Ha?" nagtatakang tanong niya dahil nga tatlong station lang yung Boracay. "Station 6??" ulit niya sa sinabi ko. 

"Oo, yung presinto" sabi ko ulit ng seryoso. 

"Ah.." sabi niya na parang iniisip niya pa yung sinabi ko. "Ah! Hahaha!" fake na tawa niya. "Joke pala" rinig kong bulong niya. 

"Station 2" sagot ko nalang  ulit, mga walang humor. 

"Ampanget mo mag-joke, Kuya" bulong sakin ng katabi ko. Tinignan ko siya, napakunot noo ako dahil kapatid ko pala katabi ko. 

"Ikaw pala katabi ko?" tanong ko sakanya, para mapikon. 

"Kanina pa ko may kinukwento sayo kanina, di mo pala ako naririnig?" masungit na sabi niya. 

"Hindi" sagot ko ulit at hindi na siya pinansin at tinignan nalang ang iPad ko para sa mga kung anong gagawin pagdating dun sa hotel. 

"Argh, you're so annoying!" sabi niya sabay crossed arms. Tanda na nagccross arms pa din sabay pout? Napa-iling nalang ako sa mga kinikilos niya. 

* * *

"Here are the keys, pili nalang kayo kung anong gusto niyo. Lahat yan two beds at isang king bed, pili nalang din kayo kung sino gusto niyong kasama sa room." sabi ko sakanila at isa isa naman silang kumuha ng kanila. 

Bigla namang lumapit sakin si Jin. "Oh ikaw? Englishin ko pa ba para sayo, tol?" biro ko sakanya. Tumawa naman siya at umiling. 

"Pwede bang dalawa si Jane at Leila sa isang room tas tayong dalawa sa katabing room nila?" tanong niya sakin. Bigla kong naisip ang mangyayari kung sakaling magsama yung dalawang yun. 

"Gago wag." agad kong sabi pagtaos kong maisip ang mga pwedeng mangyari. 

"Huh?" nagtatakang sabi niya. Di niya maisip yung naiisip ko dahil fake si Leila pagdating sakanya. 

"Ayaw mo ba ma-solo si Jane?" tanong ko dahil pwede naman silang dalawa. 

"Dude, di papayag si Jane!" sabi niya gadd sakin. Ah, oo. Kahit ganon si Jane super conservative ng pamilya nun. 

"Sige, ikaw kumausap kay Leila kung payag." sabi ko sakanya dahil di naman nakikinig yung kapatid ko sakin, di ko nga alam kung ako ba yung kapatid o si Jin e. "Sabihan mo na din na magbehave, mas nakikinig sayo kesa sakin e." sabi ko sakanya sabay tapik sa braso siya at tsaka siya nilagpasan. 

Dala dala ko ang maleta ko at maleta ni Leila, dahil sigurado akong di niya bubuhatin yun ayoko namang makaabala sa mga empleyado ng Hotel na to kahit trabaho naman nila yun. Kaya ko naman buhatin, bat pa ipapabuhat? 

Habang inaantay magbukas yung elevator ay biglang lumapit sakin si Leila.

"Kuya, iba ako ng room ha? Kuya Jin told me to be with her girlfriend. I just can't say no." sabi niya sabay tingin saa pintuan ng elevator. 

"Behave at all cost." sabi ko sakanya at sakto namang bumukas yung elevator. 

Hinahanap ko yung room ko nang magsalita si Leila. "Kuya, dito nalang. Ito na yung room ko oh." sabi niya at tinigil ko naman yun para siya na ang maghila. "Thank you!" sabi niya sabay halik sa pisngi ko. 

"Okay." sabi ko sabay iwan sakanya don at hanap nung room namin. Kala ko pa naman katabi lang nung kila Leila, mukhang may naunang kumuha. 

"Dito na ba yung atin?" napalingon naman ako kay Jin na  katabi ko na pala. 

"Oo." sagot ko sabay bukas. Meron pa kaming isang kasama, yung hihiga dun sa king size bed. Pero di niya pa yata nahahanap, kaya naman iniwan nalang naming bukas. 

Habang naglalabas kami ng gamit ni Jin, may biglang kumatok. 

"Ako na." pagvolunteer ni Jin na tinanguan ko lang. 

"Good afternoon, Sir Leo." napalingon ako dun sa bumati sakin. Nag-bow pa siya sakin. 

"Leo nalang." sabi ko sakanya, ayoko ng tianatawag akong Sir pag on vacation. Vacation nga para pa ding nasa trabaho? "Sayo na yung king size." sabi ko sakany habang nag-aayos pa din ako ng gamit ko. 

"Ay Sir! Ako nalang po dyan! Sanay naman po ako sa maliit na higaan." sabi niya sakin. 

"Sanay din ako. Tsaka may kasama ako." sabi ko sakanya saby turo kay Jin. 

"Hello, I'm Jin. Engineering Department." sabi ni Jin sabay lahad ng kamay niya. 

"Sam po, Sir! Communication Department" sabi ni Sam sabay abot ng kamay ni Jin.

Tumawa naman si Jin dahil sa asal niya. "Jin nalang, you don't have to be formal with us." sabi ni Jin habang naiiling. Napailing nalang din ako kay Sam. 

* * *

Andito kami ngayon sa Bar dahil gabi na din. Yung iba pumuntang beach dahil ilang oras na akad lang naman yun mula dito. Kami siguro, bukas nalang. Kasi baka pumunta kaming Puka Beach, nakita ko yun kanina sa schedule na sinulat ko. 

Kasam namin ni Jin si Sam dito sa Bar. Inaya namin nung matapos kami ni Jin sa pagligpit ng gamit namin. 

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko. 

8:36 na pala ng gabi. 

Kanina pa kaming ala sais dito. 

Tumingin sa gawi ko si Sam. "Si–" 

"Leo nalang sabi." agad kong pigil sa sasabihin niya. 

"Ay, oo nga pala." sabi niya sabay tawa. "Leo, bat mo pala naisipang lumipat sa Luna Corp.?" tanong niya sakin, tinignan ko siya at nakitang namumula siya, medyo may tama na to

"Because of the rumors of that company." I honestly answered. 

"Huh? Rumors?" takang tanong niya at inisip kung meron bang rumors tungkol sa kumpanya. "Ah! Yung kay Ms. Luna." sabi niya sabay tango-tango. "Totoo yun!" sabi niya sabay tango habang nakaturo sakin yung index finger niya. 

"You sure?" tanong ko dahil ngayon lang ako may maririnig tungkol dun, makalipas ang ilang buwan kong pagtatarabho sa Luna Corp. 

"Very sure! Kaya nga sila nag-hiring for secretary e. Kasi one time, yung dating secretary triny makita yung mukha ni Ms. Luna, kasi nga diba yun yung sikat sa kumpanyang to? Mystery kung sinong current CEO." sabi niya sabay inom sa baso niyang may lamang whisky. "I search about their family, at kahit isang family picture nila, wala. Kung meron man, wala siya dun. Parents and brother niya lang. Even her name, walang may alam. Kaya nga Ms. Luna lang e." bigla siyang tumawa, lasing na ba to? "Kaya siguro Luna kasi Moon, ang dark." sabi niya sabay tawa habang napapailing. 

"Still doesn't change what happened to the last secretary, that dude got insane." sabi ko sakanya. 

"Oo nga, ang mysterious no? Biglang natulala nun, kala mo nakakita ng anghel." sabi niya sabay tawa.

Nagtagal pa kami ng ilang oras dun sa Bar nang lasing na talaga si Sam ay napagdesisyunan naaming iakyat na siya ni Jin. 

Pagkalapag namin kay Sam ay naupo ako sa kama ko. 

I also did my research about this company. Super mysterious nga nung current CEO which is Ms. Luna. Kasi lahat ng interview tinatanggihan niya. Pag nagsearch ka tungkol sa pamilya niya, angkan niya lang lalabas, pero wala kang makikitang kahit ano about sakanya. She's unknown. Dagdag pa yung nangyari sa naunang secretary sakin. 

The dude got insane after having a glimpse of Ms. Luna's face. And that is a big question mark to evryone, anong meron bat nagkaganon siya? And that is the reason why my curiosity triggered. 

"Jin, labas muna ako." sabi ko kay Jin habang hinahanap yung tsinelas ko.

"Sige." sagot naman ni Jin habang kavideo-call si Jane. Hindi nalang pumunta dun sa room nila, edi natuwa kapatid ko nun? 

Saktong pagbukas ko ng pintuan ay nakita kong pasara yung pintuan ng katabi naming room, nakita ko lang yung buhok nung nagsara dahil siguro sa hangin. 

Hindi ko na masyadong inisip yun at bumaba na para maglakad lakad at magpahangin. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top