02
02
June.
Ngayon ang dating ng kapatid ko dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at naisipan niyang magbakasyon daw dito. It's really impossible for her to have vacation here because last year umuwi kami dito dahil gusto umuwi nila Mama tapos puro reklamo lang siya na mainit daw. Diba? Halatang habol si Jin.
Matagal na kasi niyang crush si Jin kasi hindi ko alam kung anong ginawa ni Jin sakanya. Ayokong itanong kasi ang panget sa feeling.
Kaming dalawa?
Mag-uusap tungkol sa pag-ibig?
No thanks.
"Leo!!" napalingon ako sa gawi nung sumigaw. Agad akong napasimangot dahil sa itsura niya.
"Mainit ba sa New York?" tanong ko sakanya habang nakasimangot pa din sa suot niya.
"No? Ofcourse not!" hysterical na sagot niya. Napaka-oa talaga nito kahit kailan.
"Bat ganyan suot mo?" sabi ko sabay pasada ulit sa suot niya.
"Huh?! Ayos ka lang Kuya?" sabi niya sabay irap. "Uso to, ano ba!" dugtongniya sabay hawi sa buhok niya. Parang timang.
"Pumasok ka na sa loob" sabi ko sakanya sabay bitbit ng maleta para ipasok sa loob ng sasakyan.
"Musta ka naman dito?" tanong niya sakin na kala mo talaga may pake sa kung anong ginagawa ko sa buhay ko dito.
"Ayos naman si Jin. Alagang-alaga ni Jane." sagot ko dahil yun naman talaga yung gusto niyang malaman.
Agad naman siyang napalingon sakin at napahawak sa dibdib niya na parang si Ylona Garcia sa mga memes sa facebook. "Excuse me?! I didn't ask about him!" umirap siya. "Di pa din pala sila nagbbreak" bulong niya.
"It's not right to wait for other person's misery, Leila Blanco." I said with a tone that she knew.
"I'm sorry" hingi niya ng patawad sabay tingin nalang sa labas.
I dislike the fact that me and my parents spoiled her too much to the point she think that she'll get everything she wanted. But I'm trying my best to straight up her attitude because sometimes it occur in the wrong situations.
"Isasama kita sa outing ng company ko next week and I needed you to behave and act like an 18 year old girl." napalingon siya sakin at tumango lang siya. "Are we clear, Leila?" ulit ko dahil alam kong hindi legit yung tango lang niya.
"Yes" mahinang sagot niya.
"Jin will be there so I really hope you will." sabi ko at nagpatuloy na sa pagmamaneho papuntang condo ko.
* * *
A week has already passed. And so far, maayos naman makitungo si Leila. She beamed when she saw Jin here last week because Jin immediately visited when he heard that Leila's here. I bet Leila informed him.
"Kuya, you're so bagal!" she rant. Umihi lang ako, alangang pigilan ko half way yung ihi ko?
"Stop me with your conyos" sabi ko sakanya dahil para siyang timang magconyo. Masyadong pabibo. Joke.
"Let's go already!" sabi niya sabay hatak sakin.
It's a good thing na hindi siya nagrereklamo sa init ng Pilipinas. Kasi kung mag iinarte na naman siya kagaya nung last year, sasabihin ko talagaa kila Mama na pauwiin siya sa New York at baka mastroke dito si Leila dahil sa init.
"Jin!" sigaw niy agad nang makita niya si Jin pagkababa niya ng sasakyan. Andito kami ngayon sa airport dahil magtatake kami ng plane para makapuntang Boracay. Napagdesisyunan ng kumpanya na sa Boracay nalang dahil yun yung mas requested ng mga employees na sasama.
Di ko alam pero nabored ako nang malaman kong Boracay. Ilang beses na kasi akong nakapunta.
Hindi naman sa pagmamayabang.
Pero tri[ kasi nila Mama ang Boracay.
Maganda daw.
Maganda din naman sa Aman pulo?
Batanes?
Palawan?
Siargao?
Bakit Boracay lagi diba?
Di marunong ma-umay?
Sana all.
Gustong tumabi ni Leila kay Jin kaso territorial si Jane kaya kung magtitigan si Jane at Leila kala mo nagkakaspark sa gitna.
Napapa-iling nalang ako dahil kahit ganon iniintindi siya ni Jane kasi mas bata sakanya. Pero itong si Leila timang, parang gusto magkaroon ng aay lagi between her and Jane.
Ewan ko.
* * *
"Kuya, did you bring a camera?" tanong niya sakin out of nowhere.
"Yes, because you're a picture freak." sabi ko sakanya sabay hindi na pansin sakanya.
Hindi ko na siya pinansin buong flight dahil dadaldalin niya lang ako. Att ayoko ng kadaldal kung siya, kasi ang OA niya minsan magkwento. Di ko alam kung san pinaglihi ni Mama to. Sobrang daldal sakin.
She turned 18 last year. December. Ang garbo, kasi spoiled naming tatlo.
Nakakapangsisi.
Joke.
Nang makababa kami ng airplane agad na lumapit tong si Leila kay Jin kahit na kasama ni Jin si Leila. She act nice to Jane for the sake of Jin. Ayaw niya kasing makita ni Jin yung pag di gusto niya kay Jane kahit wala namang ginagawa si Jane.
Di ko alam bakit patay na patay tong si Leila kay Jin.
Basta isang araw panay Jin nalang siya sakin.
"Uy, susunod daw si Ms. Luna!"
"Hala? Totoo?"
"Malalaman na din natin kung totoo yung sinabi nung dating secretary ni Ms. Luna!"
"Nakaka-excite!" rinig kong bulungan nung mga employee na nauna na sakin.
"Good afternoon, Sir Leo" nagulat ako nang may bumati sakin.
"Good afternoon." bati ko pabalik at agad naman siyang nag-iwas ng tingin sakin sabay hampsa dun sa kasabay niyang maglakad habang nauna na sila sakin habang nagbubulungan tapos hampasan.
Napa-iling nalang ako dahil sa kaweirduhan nila.
Napabalik ako sa pag-iisip kung totoo ba yung pinagbubulungan kanina nung mga nauna sakin na employees.
Kung totoo nga, ngayon ko na mapapakain yung kuryusidad ko tungkol dun sa rumor na kumakalot noon tungkol sa kumpanyang to.
Hindi na ako makapaghintay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top