Special Chapter: BuKo

WARNING: Spoilers ahead! Please skip this part if you're not yet done reading my first novel Mystic Club: The Paranormal Detectives. This is a standalone part and a special chapter for the aforementioned story. Not reading this won't affect any of the succeeding episodes of Beast Charmings. Come back here if you're done with my first book. Furthermore, do not proceed here also and do not skip the first parts of this book if you do not want to be spoiled and if you want to understand everything that's in here.  Thank you so much and God bless you, Charmings! 💚

Special Chapter: BuKo

"He's sick, Sebastian!"

"Don't dare talk like that about your son, Irene! The doctor told us he can live a normal life if he will undergo psychiatric therapy and counseling."

"No, I'm leaving and you can't stop me!"

Bumangon paupo ang sais-anyos na batang lalaki. Tahimik siyang lumuha. Narinig niya ang lahat dalawang oras na ang nakakaraan. Maging ang pag-iwan ng Briton nitong nanay sa kanya.

Hindi naman niya ginustong magkaroon ng ganitong sakit. Bakit ayaw siyang tanggapin ng nanay niya?

Noong hindi sinasadyang nasaktan niya ito noong isang buwan ay humingi naman siya ng paumanhin dito pero tila napangunahan ng takot ang kanyang ina at lumayo nang lumayo sa kanya ang loob.

Binalingan niya ang silver bangle sa palapulsuhan. He's sane. Hindi niya kailangan 'to. Mabilis niya iyong hinugot mula sa pulso at hinagis.

"Aray ko!"

Natigil sa pagluha ang bata sa narinig. May tao pa rito sa kwarta niya maliban sa kanya?

Dahan-dahang gumapang ang batang lalaki sa paanan ng hospital bed niya at dinungaw ang baba niyon.

"Who are you?" tanong niya sa batang babae na nakaupo roon.

Tumayo ang batang babae na nasa edad apat at humarap sa kanya habang sapo-sapo parin ang ulo nitong natamaan ng silver bangle niya gamit ang maliit nitong kamay. Ang kabilang kamay naman ay hawak-hawak ang malaking piraso ng brownie na iniwan ng ama ng batang lalaki para sa anak.

Nagkalat ang lalagyan ng brownies at mga nalaglag na piraso nito sa sahig. Doon lang natanto ng batang lalaki na kanina pa pala tahimik na kumakain ang batang babae sa parteng iyon.

Binalingan niyang muli ang batang babae. Maputi ito, singkit at sobrang liit. Katunayan ang yellow tee shirt na suot nito ay sobrang luwang na halos abot na sa itaas ng tuhod nito at lampas sa siko na rin ang manggas. Ang shorts nito ay nagmistulang maluwang na pantalon. Nakatali pa-double buns ang buhok nito at nagkalat ang mga bubog ng kinakain nitong brownies sa pisngi at palibot sa bibig nito. Pero sa kabila niyon ay tila manika ito sa ka-kyutan sa tingin ng batang lalaki.

"Oh, hayan na! Hayan na! Ibabalik ko na! Hindi mo naman kailangan manakit, parang tinitikman ko lang," saad nito habang inaalok sa batang lalaki ang hawak na brownie gamit ang maliit nitong braso.

The little boy suddenly felt himself smile. One thing that isn't usually happening for someone who's nearly catatonic like him.

Umiling ang batang lalaki. Natigilan din ang batang babae nang mapansin ang mga tirang luha sa mga mata nito.

"Hala. Bakit ka umiiyak? Ibabalik ko na, oh. Sige na, sowi na," nagi-guilty na sabi ng batang babae.

"Hindi naman ako umiiyak dahil d'yan. Iniwan na kasi ako ng mommy ko..."

"Bakit naman?" inosenteng tanong ng batang babae sabay baba ng kamay na may brownies at pilig ng ulo.

"Ayaw niya sa akin kasi may sakit daw ako."

"Alam mo pareho tayo. Ayaw din sa akin ng mama ko. Wala naman akong sakit," tugon nito.

"Pero alam mo feeling ko babalik pa 'yong mama mo kung magaling ka na. Kaya magpagaling ka na ha," nakangiti pa nitong dagdag.

Napatitig ang batang lalaki sa batang babae. He had never seen a beautiful smile like that before.

Parang nahahawa siya.

Parang nabigyan siya ng pag-asang gumaling.

Kasi gusto niya ring ngumiti nang gaya n'on.

Nang may kumatok ay mabilis na sumuot sa ilalim ng hospital bed niya ang batang babae para magtago. Hindi na siya nagulat pa kung paanong nagkasya iyon doon. Napakaliit ng bata at napaka-cute.

Pagbukas ng pinto ay napabaling ang batang lalaki sa malaki at maskuladong kalbong lalaki roon na tila may hinahanap. Mukhang kinakabahan pa ito.

"May nakita ka bang bulilit na babaeng Instik? Mga ganito kalaki?" tanong nito sa batang lalaki habang nakaangat ang dalawang kamay na tila inaalala ang sukat ng bata.

"B1, 'yong pamangkin ko?!" dinig na sigaw ng batang lalaki sa boses na palapit sa labas ng pinto.

Biglang gumapang palabas sa ilalim ng kama ang batang babae.

"B1!" masayang tawag nito sa malaking lalaki sabay takbo papunta rito.

"Suskong bata ka. Makakatay ako ng Aunt Jody mo, e! Bakit ba kung saan-saan ka nagsusuot? Di ba sabi ko roon ka lang maghintay sa upuan sa labas sa amin habang natatrabaho kami." Binuhat niya ang batang babae.

"Nagutom ako, e," she pouted.

"Halika na nga."

"Sandali lang. Magpapaalam muna ako sa new friend ko."

Hinarap ni B1 ang bata sa batang lalaki na nanonood lang sa kanila.

"Aalis na kami. Pagaling ka ha para hindi ka na malungkot," ngiti nito sa kanya sabay kaway bago lumabas at isara ni B1 ang pinto.

Napatulala ang batang lalaki pero maya-maya pa ay napangiti siya nang tunay at tumango.

Magpapagaling siya at magiging masaya.

• • • BEAST CHARMINGS • • •

SA ISANG TAHIMIK na Sabado ay pasulyap-sulyap si Dean sa nag-aaral na si Snow na nakaupo naman sa sahig ng lobby habang nagha-highlight sa libro nito sa General and Applied Ecology. Nararamdaman iyon ng huli pero sa tuwing napapabaling siya sa direksyon ng binata ay kaagad itong nagkukunwari na naglalaro ng ML sabay mura pa. Nangingiting napailing na lang ang dalaga sapagkat alam niyang hindi mahilig sa mobile games ang dating nobyo.

Si Queen naman na nakahiga sa kwarto ng mga babae ay asar na asar kay Alex na chat ng chat sa kanya at inaaya siyang lumabas. Ihahagis na sana niya ang mamahaling cellphone sa kama nila nang biglang tumunog iyon dahil sa isang text. Her brows furrowed at the text.

Unregistered Number:

Good morning. This is Dan. Nagtatanong si nanay kung anong gusto niyong meryenda. Magdadala raw siya mamaya d'yan.

She was confused. Why of all the Charmings, he chose to contact her?

Hindi maalis ni Rum ang tingin kay Tutti na katabi niyang nakaupo sa may two-seater na pabilog na lamesa sa may labas ng Overlook. Tutok na tutok ito habang hawak ang stylus pen at gumuguhit ng product design sa iPad niya gamit ang Adobe Illustrator. Requirement kasi ito sa major subject nitong Visual Communication.

He was smiling while watching her. He finds his sweetheart really adorable when she's taking things seriously. Kahit pa mukha itong tinubuan ng buhok na sungay sa ulo dahil tinali nito ang bangs pataas gamit ang isang maliit na elastic band. Suot din nito ang anti-radiation na glasses.

Tahimik niyang inipit ang ilang takas na buhok sa likod ng tenga nito na tumatabing sa gilid ng mukha nito.

"Doll."

"Hmm?"

"Date tayo?" he suddenly offered.

Tutti turned to him and blinked three times then she clicked her tongue but she just returned her attention onto her work instead of answering.

Sayang, sabi niya sa isip niya.

Alam niya kasing kapag si Rum ang nagyaya ng date ay hahayaan siya nitong kumain ng marami kaso...

"Baka mahuli na naman tayo."

Hindi parin kasi mapakali si Tutti sa video na mayroon si Yorme. Iyong nasa sinehan silang dalawa ni Rum at naghalikan pa talaga!

Mabuti na lang talaga at hindi kita ang mukha ng binata noong pinanood sa kanila iyon. Hindi niya pa alam kung sino ang kumuha niyon kaya hindi parin siya makampanteng magagala kasama si Rum sa labas.

The last time that they were together was during their second anniversary. Kahit noong 21st birthday ni Rum ay hindi sila nagkasamang silang dalawa lang. Yorme had given the funeral director and his so-called favorite adopted child a birthday surprise. Nagulat na lamang si Rum dahil pagdating niya sa Overlook ng araw na iyon ay nandoon na ang Charmings, ang school publication team, si Gina at sina Ms. Ferrer at Yorme kasama ang mga nakahandang masasarap na pagkain. Ito ang munting pamilyang nabuo nila kaya tinatawag sila ni Yorme na mga adopted children niya. Si Rum ang inahin ng Charmings at si Yorme naman ang tatay ng pinangalanan ni Tutti na Team LAYF- Loyal Alagads ni Yorme Family. Bumunghalit ng tawa sina Dean at Whiskey dahil roon pero tinanggap parin nila iyon.

Dalawang buwan na rin ang lumipas simula nang maipatawid nila ang huling kliyenteng naiwan ni Dr. Mal na si Eve sa kabilang buhay. Kaya ngayon ay tumatanggap na ng mga panibagong kliyente ang Charmings' Funeral Home.

"Akong bahala," ani Rum sabay halik sa pisngi ng kanyang Chinese doll.

RUM MADE GOING home to Sentosa an excuse so that they can date on Sunday. They promised to be home by six in the evening.

Kahit na gusto ni Tutti na mag-ayos nang maganda ay sinimplehan niya lang ang damit sa araw na iyon upang hindi maghinala ang mga kasama nila. Her usual type of clothes. She was donning an ivory-colored bell sleeves top paired with a plaid a-line midi skirt. Nagsuot siya ng medyas at mixed peach and white sneakers at naglagay din siya ng black top knot headband. She then slung her crossbody body.

Naabutan niya si Rum na naghihintay sa kanya sa lobby. Everyone will surely take a second or even a third glance at him with his humble yet charming attire. Nakabihis ito ng mapusyaw na pink na nakatupi hanggang sikong dress shirt na may dalawang bulsa sa dibdib. Nakatuck in din ito sa jeans na sinapinan nito ng brown na oxford shoes.

Nagpahatid sila kay Dean pababa sa Overlook at papunta sa crossing. Nang ihinto nito ang sasakyan sa may gasolinahan doon ay napansin ni Tutti na nasa tapat ng mini mart nakaparada ang itim na Bugatti Veyron na sinasandalan ni Borres at katabi naman nito ang Mercedes Benz na may driver din sa loob.

"Wow, Bugatti," sarkastikong sambit ni Tutti sabay baling kay Rum.

"That's too much. I know," bulong naman ni Rum sabay hilot ng sentido niya.

Namroblema siya bigla kung bakit iyong agaw pansin na sports car pa ang pinadala ng daddy niya. That's too flashy at ayaw pa naman ni Tutti ng atensyon.

"Tangina, nay, gumagawa ka na ng kwento ngayon para kay Tuttieanak," pang-aasar ni Dean na sinamahan niya pa ng tawa.

Napangiwi si Tutti. Sinabihan ni Rum si Dean kahapon tungkol sa plano niya at pumayag naman ang kaibigan.

"Uuwi rin kami bago mag-ala-sais. Bantayan mo muna ang mga babae habang wala ako ha. Mag-iingat kayo at huwag basta-basta magpapapasok ng kung sinuman sa Overlook," bilin ni Rum dito.

Dean smirked, "Opo, inay."

"Aasahan kita, Dean."

"'Wag kang mag-alala, nay. Ako nang bahala. Mag-enjoy kayo n'ong tiyanak."

Bumaba na si Rum at pagbubuksan sana si Tutti ng pinto pero nauna na itong bumaba. Lumapit na sila kay Borres.

"Young mas-"

"'Wag na, Borres. Hindi naman 'yan kailangan," putol ni Rum sa pagtawag sana sa kanya ni Borres sabay yuko pa nito na maagap naman niyang pinigilan.

He doesn't want that. Ayaw niyang tinatrato na parang prinsipe. Gusto niya na siya mismo ang nag-aalaga, nagsisilbi at nagbabantay ng iba.

Ibinigay ni Borres ang susi ng Bugatti Veyron kay Rum. Maagap namang nagpasalamat ang binata rito. Lumapit si Borres sa Mercedes Benz na sasakyan niya pabalik ng Sentosa.

Tinungo ni Rum ang front seat at pinagbuksan si Tutti na pinapaningkitan siya ng mga mata bago pumasok. Kinabahan naman ang binata. Alam niyang nakakapansin na ito sa mga nangyayari. Umikot si Rum sa harapan at pumasok sa driver seat. Bago pa man niya mabuksan ang ignition ay nagsalita na si Tutti.

"Bakit parang feeling ko may dapat kang eexplain sa akin?"

He sighed and turned to her.

"Alam na ni Borres ang tungkol sa atin."

"At hindi mo man lang ako sinabihan?"

"Actually, pati si dad."

Napaawang ang labi ni Tutti pero kaagad niya ring tinikom iyon at binalingan ang bintana sa tabi niya.

"Akala ko hindi tayo maglilihim sa isa't isa. Bakit hindi mo pinaalam sa akin?"

"Kasi alam kong magagalit ka," mahinang sagot ni Rum.

Tutti glanced at him and said, "Kahit na. Sana sinabi mo sa akin para alam ko."

She looked at her window side again. Sinubukang hawakan ni Rum ang kamay nito pero mabilis naman iyong inangat ni Tutti saka humalukipkip, nagtatampo.

"Baby, I'm sorry. Please 'wag na tayong mag-away. Hinanda ko ang araw na 'to para sa atin. Promise babawi ako."

He crouched and kissed her cheek. Napairap si Tutti pero binuwag din ang pagkahalukipkip saka tumango. Ang rupok niya talaga pagdating kay Rum lalo na kapag naglalambing ito sa kanya.

"Basta dapat magsasabi ka na sa akin sa susunod."

"I promise," he swore.

He smiled, pecked on her cheek once again and reached on her side to pull the seatbelt around her. Nagseatbelt na rin si Rum at pinaandar na ang sasakyan.

Tinungo nila ang Mountain View Restaurant na nasa mataas na lugar at malayo sa siyudad. Madalang lang din ang mga taong nagtutungo roon dahil mahal ang mga pagkain at mahirap puntahan lalo na kung walang personal na sasakyan.

Rum pulled out a chair on a two-seater table for Tutti. Nakapwesto sila sa may gilid ng barandilya na overlooking din ang buong cityscape. Nasa patio part sila ng restaurant.

"Ang ganda rito, Rum," she remarked in awe.

He smiled at that then he sat on the seat facing her. Tutti took her phone out and happily took photos of the marvelous view. Rum secretly pulled out his phone from his pocket too and captured some shots of his beloved doll.

"Sir, may I take your order?" tanong ng waitress na nagitla nang humarap ang binata sa kanya.

"Can we see the menu?" he asked her while smiling. Namula naman ang babae.

"A-Ah, ito po," anito at ibinigay na kay Rum ang hawak na menu.

"Thank you."

"Tawagin niyo lang ulit ako sir kung nakapili na kayo," she reminded him smilingly, oblivious of Tutti on the other side.

"Okay," he smiled then the waitress retreated inside the restaurant.

"Hindi ko alam kung mabait ka lang talaga o manhid. Ako na kakausap doon sa babae mamaya," masungit na ani Tutti.

"Anong gusto mo?" he asked.

"Lahat 'to," she replied while still scanning the menu.

"Char lang," habol naman nitong nakapagpahinga nang maluwang kay Rum.

He can surely pay for all of that with his own money. Ang kinatatakot niya lang ay baka sumakit ang tiyan nito at masira na ang buong araw nito kakainda sa sumasakit na tiyan.

They ordered food and Tutti was the one in charge of talking to the waitress whose eyes were still secretly drifting to the charming gentleman while blushing. She retreated to the kitchen afterwards to prepare their orders and they waited for it.

"Gusto mo rito?"

"Oo, hahanap lang ako ng pwesto natin."

"Magbibihis lang ako saglit ha. Babalik agad ako."

Napatingin si Rum sa pamilyar na babaeng lumapit at naupo sa katabi nilang lamesa. Pareho silang nagulat nang magtama ang mga mata nila.

"Coco," he called her and smiled.

The young lady also smiled in return. She can smile now. The therapy and counseling were able to help her slowly recover.

She was wearing a white floral sundress na crisscross ang likod at nakalugay ang kulot nitong hanggang balikat na buhok. Unlike a month ago where Rum came across with her, there is life and sparkle in her green eyes now.

Naupo si Coco sa katabing lamesa sa gilid ni Rum at inilapag ang kanyang pabilog na rattan crossbody bag.

"How are you?" he asked.

"Ramdam kong nakaka-recover na ako sa tulong ni Dr. Donovan," she retorted. Rum smiled at that.

"Magaling talaga siyang doktor."

"Sobra," Coco remarked appreciatively.

Napabaling naman si Coco kay Tutti na maagap namang ngumiti sa kanya. She smiled at her and turned to Rum to ask.

"Siya ba 'yong girlfriend mo?"

Nakangiti pa rin si Tutti nang tumingin kay Rum pero naiinis siya dahil may hindi na naman ito sinabi sa kanya. She threw him a so-she-knew-you-have-a-girlfriend-and-you-didn't-tell-me-again-look.

"I'm so sorry," he mouthed guiltily.

"It's okay," Tutti mouthed back smilingly. 

"You're not mad?"

"Oh, I'm mad. I'm super mad. I may look calm but I am angry which is a much scarier type of anger, by the way," she continued in a hush sweet voice which made Rum swallow the lump in his throat.

Rum turned to Coco again to ask and to divert the topic.

"Sinong kasama mo rito?"

"Si Tobbie. Nag-aya kasi siyang manlilibre. Hindi ko naman alam na rito pala kami pupunta."

"Where is he?"

"Nagbibihis pa saglit. Galing kasi siyang gym tapos dumaan 'yong sasakyan niya sa bahay namin at inalok akong kumain."

Tobbie spent the past few months going to the gym to lose weight. Nagtanong si Coco sa kanya kung bakit niya ginagawa iyon. Sumagot lang naman ang bestfriend niya na gusto nitong gumwapo para sa nililigawan.

It was a success, though. Ang mga taba ni Tobbie ay kapansin-pansing napalitan na nang unti-unti ng mga muscles. His pleasing features highlighted even.

Kaya lang ang ipinagtataka ni Coco ay kung bakit wala namang nasasabi si Taki tungkol sa panliligaw ni Tobbie sa kanya. Ngumingiti lang ito sabay sabing baka hindi lang nito napapansin.

Napatingin silang lahat sa pintuan ng restaurant nang lumabas mula roon si Jireh Lim dala ang gitara at pumwesto sa tapat nila. Tutti gasped and then shrieked. Naalala niya noong kilig na kilig siya sa mga kanta ng singer na ito. Maging ang ilang mga nanonood ay napapabaling na roon.

"This song I will be singing is for Coco Quizon."

Nagulat si Coco roon pero maya-maya pa ay napangiti siya.

Jireh Lim began strumming his guitar then started singing his song entitled BuKo.

Naalala ko pa
N'ong nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang 'yong mga ngiti

At Ika'y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo

Then, Tobbie who was still fixing the collar of his polo immediately picked up the huge bouquet of assorted flowers when her aunt who owned the restaurant elbowed him to move.

Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko

Napapalunok si Tobbie sa kaba habang dahan-dahang lumalapit sa pwesto nang gulantang parin na si Coco.

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko

Matagal nang gustong gawin iyon ng binata. Noon niya pa gustong magtapat kay Coco pero inalala niya muna ang kondisyon nito at sinuportahan ang recovery nito hanggang sa nakahanap siya ng tiyempo.

Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin
Kahit mga bituin aking susungkitin

Tobbie chuckled while remembering the times when they were both still young. Lagi niyang sasabayan papasok at pauwi ng school si Coco sabay dala ng mga lunchbox nila upang hindi na mahirapan ang kaibigan niya.

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko

The young Coco might be oblivious by then but Tobbie was sure of what he was feeling for her.

When she was at her worst, he stayed, hoping she could see him.

When she got into that accident, his little heart broke for his young love. He was so scared she might not wake up again and leave him.

When she slept for years, he remained by her side to cheer her and her Tita Caroline to never give up on her.

Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi

Huminto sa harapan ni Coco si Tobbie at ibinigay ang bouquet saka supot na naglalaman ng coco bread na paborito ni Coco na dala niya rin.

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Pumuti man ang mga buhok ko
Ohhhh

"Tobbie..."

"Pasensya ka na ha kung nagkakagulatan tayo," he chuckled to lessen his nervousness.

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko

"A-akala ko si Taki..."

Nakangiting umiling si Tobbie.

"I never mentioned anything like that. Pero tinutulungan ako ni Taki. Alam niya, Coco. Kahit sina Tita Caroline," he admitted.

"Kailan pa, Tobs?" mahinang tanong ni Coco.

"Noon pa. Kahit noong natutulog ka hindi naman nawala ang nararamdaman ko."

"Ayokong sayangin ang pagkakataong ito. Kahit basted man, gusto kong sumubok. Liligawan kita," hayag pa ng binata.

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig 
Ikaw parin(ikaw pa rin)
Ang buhay ko

"Kasi mahal kita, Buko."

illinoisdewriter

A/N:

Let me tell you a secret. Kaya hindi nagbibigay ng motibo si Tobbie sa Mystic Club ay dahil nasa isip lang iyon lahat ni Coco. Pero may mga points doon na nagbibigay ako ng clue hahaha. Tapos sa Epilogue natatandaan niyo pa noong nagtanong si Tobbie kung bakit hindi sila crush ng crush nila. It was actually addressed to Coco. Binago niya lang para hindi mahalata ng kaibigan.

Isa lang ang masasabi ko. I love Tobbie! You know, if I were Coco, I rather be with someone who's proven by time and tested by experiences. Imagine, hindi niya iniwan si Coco sa lahat ng pinagdaanan nito, how much more kung mangako siyang sasamahan ito panghabambuhay.

Anyways, nauuhaw ako. Gusto ko ng fight scene haha. May bakbakan sa next update and it will be Snow's 20th birthday. Sayonara mates! Green hearts for all of you 💚💚💚

P.S.

Please vote, comment your thoughts, and share.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top