Ever After
Ever After
🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂
Group Chat
Tutti: Mga beeeeh, sinong tapos na sa inyo? Kain na tayo?
Seen by Dean and Queen
Tutti: Ako, beh! Tara, gutom na ako!
Snow reacted 😂 to Tutti's reply
Snow: Hahaha malapit na kami matapos, beh. Konting this na lang
Snow: *tiis
Snow: Beh
Snow: May dwende ka?
Snow: *bente
Tutti: Wow, beh, ang layo naman ng autocorrect mo sa bente 😭
Snow: Sori, beh si Dean 'yon. Inagaw niya phone ko
Tutti set the nickname for Dean to Dimunyong Poser.
Tutti: @Dean Raj langit 😡
Tutti: *impyerno 🤪
Tutti unsent a message
Tutti: pangit @Dean
Dean reacted 😡 to Tutti's message
Queen: Where are you at? @Tutti
Tutti: Nahanapin mo 'kooo
Queen reacted 😡 to Tutti's reply
Queen: Idiota
Tutti: Nasa paborito kong place
Queen: Where the fuck is that?
Tutti: Sa library po, mahal na reyna.
Dean reacted 😂 to Tutti's message
Dean: Library mo mukha mo. Nasa canteen 'yang tiyanak na 'yan. Tangina hahahaha
Rum: Anong sabi ko tungkol sa pagmumura? Isang mura, siyang maghuhugas ng mga napagkainan.
Tutti reacted 😂 to Rum's message
Tutti replied to Dean's reply
Tutti: Luh hahaha
Dean reacted 😢 to Rum's message
Dean: Si Queen din naman ha gumamit ng f word
Queen unsent a message
Queen: What are you talking about?
Dean: Tanginaaa
Tutti: @Rum oh, may isa pa hahaha. Dahil special ka @Dean, may pasobra pang hugasan sa umaga 😂
Dean reacted 😡 to Tutti's message
Dean reacted 😭 to Tutti's message
Tutti set her nickname to It's Tu-shay, not Tu-ti.
Tutti set her nickname to Tu-shay loves the Charmings with all her heart 🧡.
•|• SNOW •|•
HINDI KO MAINTINDIHAN kung bakit ganoon sila.
Ako iyong biktima pero bakit parang ako pa iyong nasisisi?
Tatanga-tanga daw kasi ako...
Kung hindi daw ako nagpakita ng motibo, hindi mangyayari iyon...
Dahil daw iyon sa klase ng damit na laging kong sinusuot...
I was even wearing my school uniform when he did it twice.
Nakapantalon pa ako ng gabing lasingin ako ni Ingrid at dinala sa kanya.
Then my school uniform again for the fourth and fifth time.
I was fooled the first and second time. Binagsak niya ako kasama ng kaklase kong ginamit niyang artista at props no'ng araw na pinapunta niya kami sa sariling opisina niya na nasa labas ng university.
He forced and punched me and I was so weak and scared...
Dalawang beses niyang ginawa iyon sa isang gabi. Sabi niya ibabagsak niya ako kapag nagsumbong ako at ang kawawa kong mga magulang sa probinsya ay magdurusa din kasama ko.
Hindi kami mayaman kaya kailangang-kailangan ko ang scholarship ko dine. Ayoko na ding maging pabigat pa lalo na sa kondisyon ni inang at sa mga aalahanin ni itang. Ang laki na ng utang namin sa pagpapagamot ni inang. Delikado pa ang kondisyon niya dahil buntis din siya. Dalawa sila ng kapatid ko ang malalagay sa alanganin 'pag nagkataon. This will surely break their hearts and destroy their lives. Hindi ko kayang makita na nasasaktan sila at lalong naghihirap dahil sa akin. Titiisin at itatago ko na lang... Ayokong masira sila...
Nandidiri ako sa sarili ko ng mga panahong iyon pero duwag ako...
Napakaduwag ko...
When I finally had the courage to confess, my friend Ingrid betrayed me. Pinain niya ako sa demonyo. I could never forget how she was smiling while filming everything and how I cried and begged for her help...
They blackmailed me to release the video if I wouldn't agree again...
Tama sila...
Ang tanga at ang duwag-duwag ko...
Nagalit si Ingrid kung bakit hindi ko pa rin hinihiwalayan si Dean. Then the next thing I knew, the video spread like wildfire in and out of the university.
"Kadiri talaga this girl. Ew..."
"Santa-santita, tsk..."
"Malandi kasi..."
"Kating-kati..."
"Kahit saan ko tingnan, mali rin siya, e. Dapat nagsumbong agad siya!"
I laughed silently without humor when I heard that. Dali-dali ko ding pinunasan ang mga luha ko at tumakbo palayo doon.
Oo na, duwag ako...
Napakaduwag ko...
Kaya nga galit na galit ako sa sarili ko, e. Kasi kahit anong pilit kong lumaban, lagi akong natatakot...
My family raised me to always be kind to others and that I should always seek for the most peaceful way to fix and solve anything.
Mali ba iyon?
Lumalaban din naman ako pero hindi nga lang ako kasing tapang ng iba dahil ayoko ng gulo. Ayoko ng sakit at ayokong manakit ng iba.
I always believe in the power of kindness. Contrary to common beliefs, it isn't and will never be wrong. In fact, everyone deserves it. It's just that some people never really get to understand and appreciate it.
"Snow..."
Mula sa pagkakasubsob ng mukha ko sa mga tuhod ko ay nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Kanina pa ako tahimik na umiiyak dine sa likod ng Arts and Sciences Building habang nakaupo at sandal sa may pader. Pakiramdam ko kasi dine ako nababagay, sa kung saan malayo sa ibang sarado ang isipan at malimit ang pasensyang umunawa sa nararamdam at kalagayan ko. Dine ramdam ko ang katahimikan at kapayapaan kahit pa nakakalungkot talaga ang mag-isa.
"Rum... Hindi ko naman ginusto iyon, e..." lumuluha at pumipiyok kong paliwanag sa kaibigang nakatalungko sa tapat ko.
He smiled thoughtfully.
"Naniniwala ako sa'yo," he said softly while gently wiping my tears.
"Bakit ayaw nilang maniwala sa akin? B-Bakit ako iyong sinisisi nila?"
"They will never get it, Snow. They have never been in your shoes and they don't know you, so it's easier for them to just judge you instead of understanding you. But we're always here for you, I am always here for you."
Rum helped me up and ushered me out of there. Pagdating namin sa may dulo ay kaagad na umayos nang tayo si Dean at nag-iwas ng tingin. Si Queen naman pairap na nag-iwas din ng tingin saka binalingan ang mga estudyanteng nagsimula nang magbulong-bulungan nang makita ako at kami nang magkakasama pa din.
"Tanggap pa rin nila 'yan?"
"Ganyan talaga, walang iwanan. They keep tolerating her."
"Anak ni Governor Sandros si Rum 'di ba? Baka nagpatulong iyong malandi. Grabe talaga palibhasa alam niyang may itsura siya-"
"You must be upset then. Your mama can't give you a beautiful face," Queen cut her off. Dean scoffed.
"Oooh!" hiyawan ng mga nakapaligid sa amin.
"Queen..." Rum softly called her.
Mukhang napahiya ang babae pero tila ayaw niya pa ding magpatalo kaya sinugod niya si Queen pero bago pa man siya makalapit dine ay humarang na si Dean.
"Kung ako sa'yo, 'di ko itutuloy 'yan. Ilang araw na akong galit na galit, baka sa'yo ko mabuntong lahat," nakangisi ngunit madiin niyang banta dine.
"Dean, tama na 'yan," Rum called him too.
Naglalakad na kaming apat palayo doon pero panay pa din ang tinginan nila at bulungan tungkol sa amin.
"What are you all looking at? You've never seen a walking goddess before?" mataray na tanong ni Queen habang nakataas ang isang kilay.
My eyes brimmed with tears when I realized that my friends, the Charmings are low-key protecting me and that they're always there for me no matter what.
"Beeeh..."
I blinked those memories away when I heard Tutti called me. Nakatanaw ako sa may dagat kaya nilingon ko siya at nginitian. Biglang nag-alala iyong mukha niya.
"Ayos ka lang ba?"
Tumango ako at nangiti. "Oo naman, beh."
Naupo din siya sa tabi ko at tinanaw ang dagat sa harap namin.
"Pasensya ka na ha. Wala ako noong mga panahong kailangan mo ako," saad niya na para bang nababasa na niya ang mga iniisip ko.
"Ano ka ba, ayos lang. Alam ko din namang may pinagdadaanan ka no'n. Kaya ayos lang talaga, beh."
"Snow..."
Napabaling ako sa kanya dahil sa tawag niya. Nakatanaw pa din siya sa dagat.
"Ano 'yon, beh?"
"Alam mo 'yong motto ni Cinderella sa live action?"
Naguluhan naman ako sa tanong niya. Napanood namin iyon once noong nagmamarathon kami sa Netflix.
"Have courage and be kind..." pabulong kong sagot.
She smiled while still looking afar.
"I always see you in her and I want you to know that there's nothing wrong in choosing kindness."
"Beh, may tanong ako. Mali ba 'yong hingi ako nang hingi ng sorry?"
She smiled sadly.
Bakit parang malungkot siya?
"Alam mo, beh, naiintindihan kita kung bakit mo laging ginagawa iyon. You have a heart full of forgiveness and you have so much kindness to share to others."
She turned to me and resumed. "May mga taong kahit hindi humihingi ng sorry ay kailangan nating patawarin. Sila kasi talaga iyong mga nahihirapang unawain ang buhay at pagmamahal. Kung lagi mong pinipili ang magpatawad ay lagi mo ring pinipili ang kabutihan. Be kind even to the wicked ones because they needed it most."
Inabot niya ang isang kamay ko at ikinulong iyon sa mga palad niya.
"You always choose forgiveness over resentment, love over revenge, and peace over war. You always choose to be kind but that doesn't mean you are weak. Your strength have always been your kindness," she told me with a thoughtful smile.
Napangiti ako kasabay nang pagpatak ng mga luha ko. Bahagya akong napahalakhak at pinunasan iyon.
"Beh, maraming salamat... Maraming-maraming salamat sa tiwala mo, sa pag-unawa, sa pagpapatawad mo, sa lahat-lahat. Maraming salamat, beh..." humihikbing sabi ko bago siya niyakap nang mahigpit.
"Hoy, nuno, pinaiyak mo na naman si Snow!" pabirong pang-aakusa ni Dean.
Binuwag namin ni Tutti ang yakapan at binalingan siya. Kasama niya si Queen na nakakunot-noo at si Rum na mukhang nag-aalala.
"May problema ba rito?" tanong ng inahin namin.
I smiled at them and shook my head.
"Ayos lang kami dine. Naalala ko lang sina inang at itang saka lahat ng mga pinagdaanan natin. Natutuwa lang akong nalampasan natin lahat ng iyon nang magkakasama."
"Akala ko nang-aaway na naman iyong duwende," pang-aasar pa ni Dean bago umupo sa tabi ko.
Naupo na din si Queen sa pagitan namin ni Tutti kaya umusog iyong huli sa tabi naman ni Rum.
"You're still aren't used to it? Your girlfriend's a crybaby," said Queen with matching crying gestures. I giggled. I wasn't used to seeing her that way.
"'Di bale nang iyakin basta baby ko," tumatawang hirit ni Dean. Queen laughed mockingly. Siniko ko naman siya dala nang magkahalong kilig at hiya. Rum chuckled too.
"Yiee..." Tumayo na si Tutti sa likuran ni Dean at bahagyang sinabunutan ito sa kilig niya.
"Tangina..." kunwari ay naiirita niyang usal pero nangiti naman siya kasi gustong tinutukso kami.
"Sus, kunwari pa 'to pero deep inside 'sige pa, more pa more' ang isinisigaw sa kilig," tumatawang ani Tutti sabay hampas sa balikat ni Dean na tumatawa na din.
"Oh, tama na 'yan. Baka magkapikunan na naman kayo at mauwi sa asaran," pigil ni Rum sa kanila kaya naupo na si Tutti pabalik sa pwesto niya.
We all sat on the ground and watched the gentle waves travelled back and forth as the sun began setting. Masuyo ding umihip ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat.
Sa totoo lang, isa ito sa mga pagkakataong itinuturing kong perpekto. Iyon bang wala kang aalahanin at ramdam mong ligtas at payapa ka sa tabi ng mga taong napakahalaga sa iyo.
Sana hindi na matapos 'to.
"I'm completely happy and blessed that I'm here with all of you in this scenic moment," nakangiting wika ni Rum habang nakatanaw pa din sa dagat.
"It's indeed beautiful. I hope this lasts forever," pagsang-ayon naman ni Queen.
"Labas tayo? Sa dating kainan sa divisoria, sa may paborito nating barbeque house?" suhestiyon bigla ni Dean.
"Matagal na din tayong hindi nakakapunta doon. Pero kung hindi papayag si Rum ayos lang din naman sa akin," dagdag ko din nang maalalang exam week na next week.
"We'll go," aniya.
"Awit, mga lods, hindi ako pwede. Schedule kong mag-aral ngayon para sa exams next week. Ang hirap pa nam-"
"I'll pay for anything you would like to eat there," Queen cut Tutti off or mas mainam sabihing sinusuhulan.
"Aba'y magagawan naman natin ng paraan 'yong exam! Magaling naman akong manghula!" tumatawang sagot agad niya. Napahagikhik na din ako.
"Magbihis na kayo kung gano'n. We'll have fun before the exam," nakangiting hayag ni Rum bago tumayo at pinagpagan ang cargo pants niya. He then helped Tutti and Queen up.
We hurried inside the Overlook to change. Queen wore a white fitted cardigan. Ibinutones niya lahat ng mga butones no'n saka binaba ang balikat no'n para maging off-shoulder. Tinernuhan niya din iyon ng high-rise jeans. May suot din siyang Chanel na necklace saka puting Gucci sneakers. She let her straight brown hair down.
Si Tutti naman ay nasuot ng beige oversized sweater na cinched ang dulo ng sleeves at may print na parang pulang teddy bear. She was also wearing a white polo underneath kaya kitang-kita ang kwelyo nitong sinadya niyang iusli. Pinaresan niya iyon ng mom jeans at puting sneakers. She tied a red silk ribbon around her ponytail.
Ako naman ay beige na floral embroidered off-shoulder top ang suot na tinuck-in ko sa mom jeans ko saka puting sneakers din. Hinayaan ko lang na nakalugay ang kulot kong itim na buhok at lagay ng paborito kong pulang headband na may maliit na laso sa gilid.
Pagbaba namin ay nakahanda na din ang mga lalaki. As usual, si Rum ay tinernuhan ang damit ni Tutti. Puting short sleeves na polo na nakatuck-in sa beige niyang slacks at brown oxfords. Si Dean naman ay nakaitim na v-neck shirt din na fitted at ripped jeans saka brown na boots.
Yorme called us when we were heading to the destination. Nasa Overlook daw sila kaso ay hindi na kami nagkaabutan dahil nauna na kaming umalis. Rum promised him that we won't take long. Uuwi agad kami para maabutan pa namin sila. Yorme told us it's okay and that we should have fun.
We ordered for dinner and then the boys bought some booze. Gaya nang dati ay pinagbawalan ulit kami ni Rum na uminom. Si Dean din ay binalaan na niya at minonitor. Tutti was so happy eating. Ang dami niyang nakain dahil na din gastos ni Queen iyon lahat. Katunayan ay hindi pa siya tapos sa pangalawang panghimagas niya.
Kaagad namang kinuha ni Rum sa loob ng bulsa niya ang cellphone niya nang tumunog iyon. He frowned and dialed it again then just placed it on the table when there was still no response in his third attempt.
"Sino 'yon, Rum?" tanong ko.
"Si Yorme, nagmissed call."
"Anong sabi?" tanong naman ni Tutti.
"Missed call nga 'di ba? Missed call. Tangina, ang bobo!" humahagikhik na sabat ni Dean.
"Cute lang ako pero hindi ako perfect. Call lang 'yong narinig ko kaya pasensya ka na ha. God bless," paliwanag ni Tutti na inistock sa kanang pisngi niya lahat ng laman ng bibig niya kaya lumobo iyon.
"Dean, tama na 'yan. Lasing ka na," awat ni Rum sa kanya saka nito kinuha ang bote ng beer na tutunggain pa sana ni Dean.
"Hindi, ah! Putangina, chinong laching?" paghagikhik niya ulit sabay pigil sa pagkuha ni Rum ng bote.
Napailing na lang ako. Lasing na nga.
"You, idiota."
"Love, tama na 'yan. Uuwi na tayo," sabi ko sa kanya.
Tiningnan niya muna ako ng ilang segundo bago siya tumango at kusang ibinigay kay Rum ang bote.
Napangiti naman ako at tinanguan siya.
"Tama 'yan, love," I told him.
Namumula siyang nag-iwas ng tingin. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa alak iyon o sa kung ano pa man.
Nasa labas na kami ng Jeep Wrangler ni Dean. Ibinaba ni Rum ang nakatapat na cellphone sa kanang tenga niya upang pigilan si Dean na papasok na sana sa driver seat.
"Dean, go to the front seat. I'll be the one to drive."
Naungot si Dean pero alam naman niyang seryoso si Rum kapag ka ganoong tono ang ginamit nito sa amin. We all know he's worried na baka mapaano kami sa daan gayong medyo tinamaan nga si Dean. Ibinalik ulit ni Rum ang cellphone sa kanang tenga. Pumasok na din kaming mga babae sa backseat.
"Yorme's not answering the phone..." hayag ni Rum pagpasok niya sa driver seat.
"Are you okay, nuno?" Napabaling naman ako kina Queen nang magtanong siya kay Tutti.
Tutti was holding her tummy. Nakasandal din sa bintana ang ulo at nakapikit.
"Masakit iyong tiyan ko."
Queen gently slapped her in the arm and scolded her. "That's what you get for eating too much."
Natawa si Tutti. "Pwede ka nang maging nanay, Queen "
"Doll, check your bag. I slid the liniment oil there because I know there's no stopping you from eating tonight," wika ni Rum mula sa harap.
Tumango si Tutti at binuksan ang sling bag niya para hanapin ang pamahid na sinasabi ni Rum. Nang makita iyon ay tuwang-tuwa niyang binuksan iyon at nagpahid na.
"Life saver ka talaga, Rum!" She blew him a kiss. Mahinang napahalakhak si Rum at itinuon na ulit ang atensyon sa pagmamaneho.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan nang paakyat na kami sa Overlook. Nagising ang nakaidlip na si Dean dahil sa lakas no'n.
"Tangina, may bagyo ba?" he asked. Rum didn't answer. Seryoso lang siya.
"Giniginaw ba kayo?" tanong ni Rum sa amin habang nakatingin sa rearview mirror.
Iyong nakababang balikat ng cardigan ni Queen ay inangat lang niya tapos sinabing, "I'm fine."
Akmang magtatanggal na nang suot na sweater si Tutti at alam kong para sa akin iyon nang pigilan ko siya. "Beh, huwag na. Hindi naman ako nilalamig. Saka masakit ang tiyan mo. Okay lang talaga ako."
"Sigurado kayo? Magsabi kayo ha para mahubad ko 'to," aniyang nginitian ko naman at tango.
Nasa gate na kami ng Overlook nang awtomatikong bumukas iyon. Binaybay namin ang mahabang tulay na nagdurugtong sa may kalsada at sa talampas na estilong Island Overlook. Maayos na ipinarada ni Rum ang Jeep Wrangler sa may gilid ng guardhouse. Iniwan namin si Hades sa kay Epinone pero mukhang kasama ito nina Yorme sa loob ng Overlook ngayon dahil nandine sila subalit nakakapagtaka kung bakit madilim sa loob no'n at ganoon din sa guardhouse.
"Are they really here? Why is it dark inside?" puna agad ni Queen sa parehong napansin namin.
"Iyon din ang alam ko, beh..." sambit ko sabay kagat ng pang-ibabang labi at baling kay Rum.
"Baka may pa-surprise sila sa loob. Si Yorme talaga ang daming pakulo," pang-eengganyo ni Tutti.
"Mag-iingat tayo. Hindi maganda ang pakiramdam ko," ani Rum.
Pagbaba naming lahat ay una naming pinuntahan ang guardhouse. Dean whistled to call Hades but none came. Sumipol ulit siya pero wala talaga.
"Nasaan na si Hades? Kapag sumisipol ako, agad namang lumalabas iyon kahit nasaan pa siya," pagtataka niya.
"Masama na din ang kutob ko," usal ko sabay kapit kay Dean. He looked at me and gently held my hand that was holding his arm.
Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng guardhouse. Nangunguna si Rum sa amin kaya napatigil din kami nang bigla siyang huminto. Kasabay nang pagkidlat ay nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan sa madilim na guardhouse na iyon. Nang kumulog ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako sa magkahalong gimbal at sakit. Tinakpan naman ni Queen ang bibig, pareho na kaming lumuluha. Nanghihinang napaupo naman sa sahig si Dean.
"H-Hades..."
Sa gitna nang madilim na silid na iyon ay nakahandusay ang duguan at gutay-gutay na katawan ng pinakamamahal naming bantay na si Hades.
"Hades, putangina! Sino ang may gawa sa'yo nito?! Putangina!" umiiyak na wika ni Dean at gumapang papunta sa bangkay nito.
Rum helped him up pero ayaw magpaawat ni Dean. Natauhan ako kaya dinaluhan ko siya at tinulungang makatayo pero ayaw niya talaga.
"It's okay, Snow. Hayaan na lang muna natin siya," malungkot na bilin ni Rum sa akin. Sa mga pagkakataong iyon ay napansin kong pinipilit ni Rum na magpakatatag para sa amin.
Umiiyak na ako at ganoon din si Queen. Si Tutti naman natulala at naestatwa sa pwesto niya habang nakatingin kay Hades. Hinayaan namin si Dean na magluksa sa tapat ng bangkay ni Hades.
"The missed call. Yorme was actually telling us something. Ang hindi ko lang maintindihan ay paano nila nagawang makapasok dito," seryosong hayag ni Rum.
"What do you mean, Rum?" si Queen, naalarma.
"Kahit gaano pa kalakas ang mga kalaban ay hinding-hindi sila makakapasok dito hanggang hindi sila malubag sa kalooban na tinatanggap ni Epinone. They can't get inside the Overlook not unless they are invited by someone acquainted to the Overlook."
"S-Si Epinone... Nasaan si Epinone?" tanong ko.
Rum took the phone out of his pocket to use its flashlight. Inilawan niya ang paligid ng guardhouse. Huminto siya sa may pond at nabalot ulit kami ng takot nang mapansin naming nagkulay pula na ang tubig doon.
"Doll, can you hold this for a while?" he asked Tutti and gave her the flashlight.
Lumapit si Rum sa pond habang iniilawan naman siya ni Tutti. He squatted and dipped his hand in the pond as if trying to get something out of the water.
"N-No... No... This can't be happening..." nasambit na lamang ni Queen habang umaatras nang dahan-dahan.
Napatalungko ako at tinakpan ang mukha ng mga palad ko para humagulgol sa sakit.
Ang walang buhay na katawan ni Epinone ang nahatak ni Rum palabas ng pond. Ang dugong nagpakulay rosas sa tubig ng pond ay dulot ng mga malalaking sugat na tinamo niya. Pati iyong mukha niya ay may malaking sugat sa gitna.
Natatakot ako...
Hindi ko naiintindihan ang nangyayari...
"Prepare your weapons. Natitiyak kong nasa loob pa si Yorme at kailangan nila ng tulong. May nagtraydor sa atin. Kailangan nating lumaban at protektahan ang isa't-isa." Dinig kong seryosong utos ni Rum.
Hindi ako kumilos. Umiiiyak pa din ako hanggang sa marahas akong hinatak ni Queen patayo at hinarap sa kanya.
"Compose yourself, Snow. We need to fight, you hear me? Para kay... Hades at para kay Epinone," matapang na sabi niya sa akin kahit pa pumipiyok na din siya pagkasabi niya ng pangalan ng mga kaibigan namin.
Tumango-tango ako at kaagad na sinummon ang pana ko kahit pa patuloy pa din ako sa panginginig. Tumayo na din si Dean na namumula sa galit ang mga mata. He cracked his knuckles and his muscles got bulkier then he marched out of the guardhouse.
"Dean!" sigaw ni Queen sa kanya.
Mabilis namang humabol si Rum na ngayon ay hawak-hawak na ang lasso at pistol niya. Nahuli ko ding may shotgun na si Tutti pero tahimik pa din ito. Hinarangan ni Rum si Dean sa daraanan nito.
"Ako ang mauuna. Kung anuman ang mangyari, iligtas mo silang tatlo at ang sarili mo. Mangako kang gagawin mo iyon, Dean," he urged him.
Dean looked away instead of answering. Nababasa na kaming lima ng ulan pero hindi namin pinansin iyon. Lumapit naman si Queen kay Rum at hinampas ito sa braso gaya nang ginawa niya sa kay Tutti kanina.
"At maiiwan ka?! Hindi ako papayag! Sama-sama tayo rito, Rum!"
"Dean, mangako ka. Pakiusap..." Rum pleaded this time.
Hindi ko alam kung ulan ba iyon o luha pero lahat kami ay alam kong ikinukubli ang mga nararamdaman namin sa bumubuhos na ulan.
Sinulyapan ko si Tutti upang alamin ang kalagayan niya. Alam kong hindi din siya payag sa plano ni Rum pero nanatili pa ding blangko ang mukha niya. Napansin ko ding mahigpit ang pagkakakapit niya sa shotgun niya.
Nakipagtitigan lang si Dean sa kanya hanggang sa ngumiti si Rum at tumango. Naunang pumasok si Rum subalit nasa main entrance pa lamang kami nang makasalubong namin si Ms. Ferrer na duguan dahil sa mga sugat niya. Nakapasan naman sa likuran niya ang walang malay na si Yorme.
"Ma'am Ferrer!" we called and rushed towards them.
Nangingislap ang mga matang napaluhod naman si Ma'am Ferrer. Hinang-hina na siya pero pinilit niya pa ding buhatin si Yorme hanggang dine.
"Ano pong nangyari, ma'am?" tanong ni Rum sa kanya.
Habol-habol ang hiningang hinawakan ni Ma'am Ferrer sa braso si Rum at matamang tiningnan.
"Si Esther... ginamit niya si David para makapasok sila rito... Sinubukan ko silang- namin nina Epinone na pigilan sila pero hindi namin nagawa..." lumuluhang paliwanag ni Ma'am Ferrer.
Si... Ma'am Esther? Kasama nila siya?
"Tutti, contact Goliath. Tell him to fetch Ma'am Ferrer and Yorme here and send them to the nearest hospital," utos ni Rum na kaagad namang sinunod ni Tutti.
"Rum... s-sinisira na nila ang Puno ng Buhay sa may basement. Kapag nangyari iyon ay mawawasak ang buong Overlook at mawawalan na tayo ng koneksyon sa afterlife. That will destroy the order of life. All the beast clients will turn Rogues and will perish to darkness. They can harm the mortals too if they cannot be stopped. Rum, umaasa ako sa inyong Charmings. Please save the Overlook. Please save the beast souls," pakiusap ni Ma'am Ferrer.
"Huwag po kayong mag-alala. Kami na pong bahala. Ako na ang bahala," paninigurado ni Rum.
We secured Yorme and Ma'am Ferrer first to a safe place kung saan masusundo sila ni Goliath bago kami sumakay ng elevator at bumaba patungong basement. Naabutan namin ang ilang nakaitim na tuxedo na mga kalalakihan na pilit na pinapatumba ang Puno ng Buhay gamit ang iba't ibang armas. Unti-unti nang humihina ang ilaw na ibinibigay ng mahiwagang puno. Ang dating matingkad na ilaw nito ay nagmistulang dahan-dahan nang napupundi. Ang tubig sa Ilog Styx din ay natuyo na.
Binato ni Queen ang apat na daggers na nasa pagitan ng mga daliri niya sa mga lalaking nandoon dahilan para matigil sila sa ginagawa at mapaatras. All of us Charmings stood in front of the slowly dying Tree of Life protectively.
May nadinig kaming pumapalakpak sa harapan at lumabas mula sa hamog ng kabilang banda ang House of Cards. Nagulat pa din ako nang mapansin ang nakangising si Ma'am Esther sa pinakadulo habang hawak ang isang spear.
"Let me introduce to you the last member of the House of Cards, Heart," pakilala ni Dahlia dine.
🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂
"FUCKING TRAITOR AND goddamn killers!" nanggagalaiting sigaw ni Dean bago sumugod sa banda ng mga kalaban.
Bago pa man siya tamaan ng mga bolts ng crossbow ni Spade ay magkasabay na bumato ng dagger si Queen at pumana si Snow upang pigilan iyon. Rum immediately pulled Dean back to where they are using his lasso. Tutti readied her weapon to shoot the other side.
It's the Charmings versus the House of Cards. Snow bravely faced Clover. The furious Dean dealt with the smug-looking Diamond. Queen arched her brow at the equally competitive Spade. Tutti held the smirking Heart at gunpoint. Lastly, Rum stood at the center, facing Madame.
The House of Cards' next move surprised the Charmings. Heart went to attack Snow and Clover to Tutti. Diamonds moved towards Queen while Spade towards Dean. They were confused but Rum knew better. The strongest members of the House of Cards are targeting the Charming whom they thought as the weak ones to ensure their victory.
"Charmings, focus on your initial opponent. They are using the strongest versus the weakest strategy," ani Rum bago tumakbo upang salubungin ang mga lalaking nakatuxedo na nakaharang kay Madame.
The Charmings listened and readied themselves and their strategies. Hinarangan ni Dean ang palapit na si Diamond kay Queen. Si Queen naman ay sinugod na si Spade.
"This is better. I've been dying to wring that pretty little neck of yours," said Spade while facing Queen.
"At least, my neck's prettier compared to your face."
Spade glared at her before firing a series of bolts towards her direction. Queen was quick to deflect all of them with the daggers she summoned from between all her fingers.
Mabilis namang humarang si Tutti sa daraanan ni Heart na ngayon ay mas matangkad pa sa kanya sapagkat ito ay nagbabalat-kayo lamang noon na may kondisyong dwarfism gaya ni Yorme upang mapalapit dito.
"I see, you're taller than me. What kind of sorcery is that? Baka pwede mo namang i-share?" Tutti smirked and blocked Esther who was attacking her through her spear. Sinasangga niya ito gamit ang shotgun niya habang nagpapalitan din sila ng mga sipa't atake.
Snow positioned her bow and arrow but Ingrid laughed mockingly while slowly walking in circles around her.
"What can my strings do with your arrow?"
Snow blinked and just found Ingrid behind her, already strangling her with her glowing string. Itinapon na rin nito sa malayo ang lalagyan niya ng mga palaso.
Dean noticed Snow yelping and was about to run to her rescue when Diamond, seeing him distracted, grabbed the chance to stab him on his side. He turned to him again furiously and pulled out the rapier off his side. Kahit na nagdurugo na rin ang kamay ay hinila ni Dean si Diamond palapit sa kanya sa pamamagitan ng rapier nito saka niya malakas na inuntog ang ulo niya rito. Nabitawan ni Diamond ang rapier at nahilo siya sa lakas no'n. Dumugo na rin ang kanyang ilong.
"D-Dean..." Snow whispered, choking.
"You are a dead meat, Snow," whispered Ingrid as she tightened the string.
Snow mustered all the remaining strength to lift her bow and smacked Ingrid on the head with it. Nabitawan siya nito dahil kaagad naman nitong ininda ang gilid ng ulong nasugatan. Snow moved away and catched her breath.
Sa bawat lalaking nakatuxedo na natatapos ni Rum ay dumudoble lamang ang bilang nila. Dahlia was just standing in the middle, watching everything from there. Rum noticed that the number of the tuxedo men keeps multiplying and thus eliminating them wouldn't stop them either. He closed his eyes and sighed to calm himself down. When he opened his eyes, his black wings materialized and in just one flap, he made the pawns immobile.
"Alas and I have known each other since we were young. Bakit ikaw na nito lang niya nakilala ang mas pinili niya kaysa sa akin!"
"You don't know? You don't see it? What a shame. I am prettier and way better than you," Queen taunted while summoning another set of her daggers.
"You're not taking him from me!"
"He's not even yours to begin with."
"You, bitch!" galit na sigaw ni Spade bago sumugod kay Queen habang walang humpay na pinapatamaan ang kalaban gamit ang bolts ng kanyang crossbow.
Queen deflected all her attacks while advancing towards her until she finally reached her. Nasa leegan na nilang dalawa ang dulo ng mga weapon ng bawat isa. Spade had the tip of her crossbow on her neck while Queen had also positioned five daggers around hers, ready to stab her. Nang akmang tutusukin na talaga ni Spade si Queen ay nauna nang isaksak ng huli sa may bandang tiyan niya ang tatlong daggers. Mabilis na umatras si Spade at pinigilan ang pagdurugo ng tiyan niya. She threw away her crossbow and bravely looked at her.
"Matapang ka lang naman dahil may weapon kang mas lamang sa akin. Why don't we fight physically?" she challenged her and stood in a stance ready to engage in a physical combat.
Queen made her weapon disappear and positioned herself the way Ms. Ferrer taught them when contending physically. Naunang sumugod si Spade at sumipa. Queen docked and jabbed her hard on the stomach. Napaatras si Spade kaya tumayo na si Queen at umikot para sipain ito sa gilid ng mukha.
Tutti fired her shotgun at Esther but the latter just quickly disappeared. When she felt her from her behind, she docked and forcefully grabbed her by the shoulder, her nails and fingers digging into her skin then threw her forward. Bago tumilapon nang tuluyan sa kung saan ay hinagis ni Esther ang spear niya sa naghahabol pa rin ang hiningang si Snow.
"Die, bitch," bulong ulit nang nakangising si Ingrid na hawak na naman ang leeg ni Snow.
She made her face the direction of the spear as she continued to strangle her with her string. Tutti aimed at the spear to stop it from reaching Snow but a forcefield was shielding it from her shot.
"Damn it..." bulong niya.
Nangingislap na sa mga luha ang mga mata ni Snow habang palapit na sa kanya ang spear at eksaktong tatama iyon sa dibdib niya. Lahat sila ay may kanya-kanyang laban kaya hindi niya masisisi ang mga kasama kung hindi nila maililigtas ang buhay niya.
Sumagi sa isip niyang hindi niya talaga kayang lumaban katulad nila...
Na mahina siya at tanging nagagawa ay ang umiyak, matakot at humingi ng tawad...
Hindi para sa kanya ang labang 'to, bulong ng isip niya at kasabay nang pagpikit niya ng kanyang mga mata ay ang pagbuhos ng kanyang mga luha...
Luha nang pamamaalam...
"Snow..."
"Snow, ligtas ka na..."
Snow opened her tearful eyes and it widened the moment she realized what just happened.
Ang matalik niyang kaibigan na nakangiti ngayon sa harap niya ay sinalo ang atakeng para sa kanya.
Nakatarak ngayon sa dibdib nito ang dulo ng spear...
Napansin niyang nakabulagta na sa gilid niya ang walang malay at duguang katawan ni Ingrid na may mga tama ng shotgun.
Subalit ang spear ni Esther ay hindi nito nagawang takasan...
"T-Tutti..." nanginginig na sambit ni Snow habang nakatitig sa kaibigan.
"Tutti!" hagulgol niya pa nang matanto ang lahat.
Lalong nagimbal si Snow nang mas itinarak pa nang tumatawang si Esther sa dibdib ni Tutti ang spear. Hinawakan naman ni Tutti ang kabilang dulo ng spear, pilit na pinipigilang lumusot iyon lalo sa sugat niya at upang hindi matamaan si Snow.
"T-Tutti, tama na... P-Please..." pagmamakaawa ni Snow sa kanya dahil awang-awa na ito sa kalagayan niya.
"Isama mo na lang ako..." dagdag niya pang hindi na magkamaway ang mga luha sa pagbuhos.
Umiling si Tutti at pinilit na ngumiti. "Hindi, hindi... You deserve life, Snow... Ma-" Sumuka ng dugo si Tutti subalit nagpatuloy pa rin siya. "-Mabubuhay ka, beh... Mabubuhay ka..."
"That's a special spear. I used some powerful alchemy in making my weapon, isn't i-"
Hindi na natapos pa ni Esther ang sasabihin dahil ang ulo niya ay humiwalay na sa katawan niya at gumulong sa lupa. Sunod ay bumagsak na rin ang napugutan nitong katawan. The cold and devoid of any emotion Rumplestle Sandros stood there with his bloody katana. Snow blinked once and then she found everything covered with blood and dead bodies. Rum was ending their every enemy mercilessly as if he had lost his mind and heart the moment he lost the woman who had them.
Tinulungang nang umiiyak na ring si Dean sa paghugot ng spear si Tutti mula sa dibdib nito. Mabilis namang sinalo nang hindi rin magkamaway sa pagluhang sina Queen at Snow ang kaibigang natumba.
"Dean, dalhin natin siya sa ospital," Queen said, trying to calm herself while dealing with the situation.
Sinulyapan ni Dean ang wala pa rin sa sariling si Rum na walang sinasanto at sinasalbang sinuman sa mga kalaban. Lahat tinatapos nito...
He remembered his promise to Rum. He quickly scooped Tutti and they all went upstairs, leaving their funeral director behind. Bata pa lang ay alam na ni Dean na hindi pangkaraniwan ang kakayahan ni Rum. But he also knew that his friend does not really want to unleash his full potential because that will make him end up this way.
Isinakay ni Dean sa backseat si Tutti. Sumunod naman si Snow dito at ipinatong ang ulo ng kaibigang naghihingalo sa hita niya. Queen and Dean got inside the front and driver seat respectively. Pinaandar kaagad ni Dean ang Jeep Wrangler niya kaso ay biglang bumigay ang tulay na nagdudugtog sa kalsada at sa Island Overlook.
"Putangina!" Dean slammed the steering wheel in his frustration. Kung saan nagmamadali sila ay doon pa magkakaproblema nang ganito.
A portal suddenly appeared in front of them. Lumabas doon ang sugatang si Alas na akay-akay ni Joker. They walked towards them. Binaba ni Dean bintana ng sasakyan sa banda niya upang marinig si Alas. He looked sad and guilty when he saw Tutti's condition in the backseat.
"Go enter the portal. Hindi ko alam kung makakaya kung dalhin kayo sa ospital nang diretso dahil hindi ko pa nababawi ang buong lakas ko pero sisiguraduhin kong makakarating kayo agad doon," anito.
"B-Bro..." usal ni Tutti na ngumingiti pa rin.
"Pwede bang tulungan mo si Rum sa loob? Pakiusap, bro..." she added.
Alas nodded and replied, "I will make sure my brother's safe. Lumaban ka kasi alam kong hindi niya pa rin kakayanin kong mawawala ka."
Tutti did a thumbs up and smiled a toothy and bloody one. Alas sadly chuckled and looked away. Hinarap niya sina Dean at Queen.
"I'm so sorry," he told them.
Tumango si Dean pero hindi siya pinansin nang seryosong si Queen. Tahimik itong nagpupumiyos sa galit ngayon. She doesn't know if she can accept apologies if ever that she will lose her friends. Dean manuevered the Jeep Wrangler to the portal and entered. Lumabas sila sa highway sa downtown, ilang kilometro na lang papunta sa ospital. Binilisan ni Dean ang pagmamaneho para makarating sila agad doon.
"Mga beh, k-kanta naman tayo ng theme song natin. Ang lungkot niyo kasi, e..." Tutti asked them while chuckling slightly.
Nagkatinginan sina Queen at Dean sa front seat. Napahawak naman nang mahigpit sa manibela si Dean.
"Beh, sige na, please..." nakangiting pagmamakaawa ni Tutti habang hawak ang kamay nang umiiyak na si Snow. Kaagad naman itong tumango upang pagbigyan ang kaibigan.
"H-Here's to the old times and the best of new ones
Here's to a s-song of glee
Finding our way from illusions to r-realities..."
Marahang napapatango si Tutti habang pinapakinggan ang kumakantang si Snow. Humarap si Queen sa may bintana at hinayaan ang mga luhang tahimik na lumandas sa mga mata niya habang sumasabay sa pag-awit ng kaibigan.
"Hoping to wake up from this madness
Hoping to see you smile
Pushing our way to the limit of yours and mine..."
"Dean, kanta ka naman, oh..." humahagikhik na sabi ni Tutti sa kanya.
Lalo namang umiyak si Snow nang mapansing namumutla na talaga si Tutti dahil nawawalan na ito ng dugo. Nakahawak ito sa dibdib nito na para bang mapipigilan nito ang pagdurugo no'n. Lumalaban si Tutti. Suminghap si Dean na nanlalabo na ang mga mata sa luha saka kumanta na rin.
"I'm growing up, getting down
Putting my both feet on the ground
With all my friends behind me
How can I go wrong this time?"
Tutti smiled and sang along with them.
"I'm growing up, getting down
Think of reality came around
Not just waiting for the daybreak
Expecting the sun to shine
It doesn't shine all the time..."
"Dean, huwag mong paiiyakin at aawayin si Snow ha. Dimunyu ka pa naman," tawa ni Tutti habang mahigpit na kumakapit sa dibdib niya na tila ba umaasang mapipigilan no'n ang sakit na nararamdaman niya.
"Tangina, kailangan namin ng dwendeng pampaswerte kaya lumaban ka!"
"G-Gusto mong mag-PE teacher 'di ba? Tandaan mo, support kita lagi ha," sagot naman ni Tutti na lalong ikinaiyak ni Dean.
"Q-Queen..."
"Save your energy, nuno. We're getting near the hospital," masungit at nag-aalalang giit ni Queen. Humagikhik si Tutti pero napaubo rin ng dugo.
"Forgiveness... thank you for forgiving and accepting me... kahit nuno ako. I can really feel that you love me. Maraming salamat... You truly deserve to be happy," tawa niya at umubo ulit ng dugo.
Sumandal si Queen sa may front seat at tinakpan ang bibig para tahimik na humikbi.
Tutti held Snow's hand and she tightened it in return.
"I'm sorry, beh.. I'm sorry! Kasalanan ko kung bakit nagkaganito ka! Kung naging matapang lang ako, d-dapat ako iyon, e..." humahagulgol na wika ni Snow.
Tutti smiled and took the hand that was holding her bleeding chest to reach for Snow's cheek.
"Tahan na, beh... Tahan na. Ayos lang ako kasi maayos ka. Kung patuloy ka pa ring hinuhusgahan ng ibang tao dahil sa nangyari, huwag kang susuko. Remember what I once told you. Do not give up because the fight is not about getting others to like you. It's about getting them to respect you... kasi napakabuti mong tao..."
"Pakisabi rin kay Rum na maraming salamat sa lahat-lahat... Pakisabi na lang na mahal na mahal ko siya... Mahal na mahal na mahal ko kayong lahat..." aniya pa.
"Pangako, beh... Gagawin namin lahat ng sinabi mo..."
"Maraming maraming salamat sa lahat-lahat..." nakangiting saad ni Tutti saka binitawan na ang pisngi ni Snow.
"If death is my ever after, I will wholeheartedly accept it..."
"Putanginang ang layo naman ng ospital!"
"You don't say that, you short idiota!"
"Beh, please, huwag mo kaming iiwan!"
Marahang natawa ang nakapikit na si Tutti sa sabay-sabay nilang tugon. Umiling naman siya para iparating sa kanilang hindi niya iiwan ang mga kaibigan at pamilya niya.
"Hindi... Hindi ko kayo iiwan... Magbabakasyon lang ako sa alapaap..." makahulugang bulong Tutti.
"Nandito na tayo!"
Mabilis na kumilos ang Charmings upang dalhin ang kaibigan sa loob ng ospital at isinakay sa stretcher. Hindi sila pinapasok sa loob ng emergency room kaya nanatili silang nasa labas at nag-aalala at hindi mapakali. Snow was praying hard while sitting. Umayos at tumayo silang lahat nang lumabas ang doktor.
"Sobrang dami ng dugo at sobrang tindi ng sugat na tinamo niya. I cannot believe how she still managed to be conscious while you're driving her here in that critical cond-
"She's fine, right? Palaban 'yon, e. Hindi iyon susuko, doc," putol ni Queen sa doktor.
"Kumusta na siya, doc?" si Snow.
"I am so sorry but... she's dead on arrival."
Napatulala si Queen samantalang muntik nang mapasalampak sa sahig si Snow kung hindi lang siya nasalo ni Dean.
"H-Hindi... Hindi... Buhay siya 'di ba? Dean, buhay si Tutti 'di ba?" tanong niya sa nobyong hindi naman sumagot. However, the tears in his eyes gave her all the answers she needs.
Nanginginig ang mga labi sumigaw si Snow at pumalahaw nang iyak. She kept stomping her feet while wailing. Dean hugged her tight while he, too, was crying.
Dahan-dahang napaupo si Queen sa sahig at itinaas ang mga tuhod saka niyakap iyon bago humagulgol nang tahimik.
Wala na siya...
Wala na ang nuno niya, ang tiyanak ni Dean, ang beh ni Snow at ang doll ni Rum.
Wala na siya...
NANG MABALITAAN ANG nangyari sa pamangkin ay mabilis na tinungo ni Jody ang ospital kasama sina B1 at B2. Naabutan niya ang mga kaibigan nitong sina Dean, Snow at Queen kasama na rin si Governor Sebastian Sandros sa labas ng morgue ng ospital. May ilang mga tao rin doon sa labas na siyang ipinagtataka niya.
"Nasaan si Tutti? Nasaan na ang pamangkin ko?" tanong niya na mugto na ang mga mata sa luha gaya ng mga kaibigan nito.
Nagkatinginan ang magkaibigan at hindi makasagot hanggang sa lumapit si Governor Sandros upang ipaliwanag ang lahat.
"Dinala nila si Tutti rito. She's dead on arrival..." malungkot na aniya.
Nanginig ang mga labi ni Jody. Ang akala niya ay wala na siyang maiiyak dahil kanina pa siya humahagulgol habang bumibiyahe mula sa probinsya papunta roon. Ngunit hindi niya inaasahang mas masakit pa pala iyon kung harap-harapang marinig. She couldn't understand why misfortunes had fallen on her niece's life. For her, she's always been the tiny skillful kid who's full of dreams, positivity, and hope to share to others despite her facing life's most challenging battles herself.
"Nasaan siya ngayon? Gusto ko siyang makita."
"Iyon ang problema namin ngayon."
"Bakit?" naalarmang tanong ni Jody kay Sebastian.
"Nawawala ang bangkay niya."
•|• END OF BOOK ONE •|•
MUST: Wait for the special chapter because it's really special!
When I told you to trust me with this, I mean it. Everything will pave way for the book two's plot and conflict. See you!
- Illinoisdewriter
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top