Episode 64: Sol White and the Seven Religions
Disclaimer: This is a work of fiction. I do not intend to hurt the sentiments of any individual, community, and religion. This service drew inspiration from the Bollywood movie entitled PK (I verily believe that some films are worth praising while some are worth treasuring and this one certainly belongs to the latter for me, and it starred Aamir Khan from 3 Idiots; full of important philosophies about life, faith, and religion so you better check it out).
PS. I prefer using India instead of the Philippines because it adheres to the tenet of secularism which denotatively means neutrality towards all religion. It also houses most of the world's religions.
Episode 64: Sol White and the Seven Religions
🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂
Kumaripas ng takbo si Sol sa gitna ng kagubatan para habulin ang lalaking nagnakaw ng kanyang ginintuang mansanas. That apple is no ordinary apple. She needs that to come home to her planet. By planting that, she can summon her spaceship to take her back to her rightful place.
Hindi pa man siya naaabutan ng isang oras simula nang bumaba siya sa lupa mula sa kalangitan ay ninakaw na agad ang kanyang tanging gamit para makabalik pauwi sa lugar nila. Pagdating niya sa bukana ng mga kakahuyang pinaghabulan nila ay nawindang siya sa dami ng mga taong bumungad sa kanya. Mabilis namang nakihalo ang kawatan sa kumpol ng mga Hindung mamimili at nagtitinda sa lugar na iyon.
Nang matauhan ay kaagad din siyang hinabol ni Sol. She bumped into others. Some were getting angry while others did not care at all. Sa bawat pagkakabunggo niya rin ay natututunan niya ang lengwahe ng mga taong naroroon. The specie of alien wherein she belonged can easily acquire information through touching others.
"S-Sorry..." she mumbled.
Nang matanto niyang mahihirapan siyang hanapin ang kawatan ay nagdesisyon na siyang magtanong kung paano makakahanap ng tulong.
"Mawalang galang na po, maaari ko po bang malaman kung sino ang makakatulong sa aking hanapin ang ninakaw kong pag-aari?" tanong niya sa isang nasa kwarenta anyos na babaeng mamimili.
"Sa mga pulis. Humingi ka ng tulong sa mga pulis. Doon ang istasyon nila," anito sabay turo sa malapit na police station.
"Maraming salamat po," nakangiting sagot at tango naman ni Sol.
Nilakad-takbo niya ang istasyon hanggang sa makasalubong niya ang isang unipormadong lalaki. Nabasa niyang pulis ito sa kasuotan nito kaya kahit na nilagpasan na siya nito ay kanya itong hinabol.
"Kayo po ba ay isang pulis? Maaari po ba akong humingi ng tulong sa inyo? May nakapagsabi po sa aking kayo raw po ang makakatulong sa akin. May nawawala po sa akin!"
"Ano ba ang nawawala sa iyo?" tanong nito paglingon sa kanya.
"Mansanas po!" natutuwang aniya.
Tinitigan siya ng pulis ng ilang saglit hanggang sa bumunghalit ito ng tawa.
"Hija, maraming mansanas na binibenta d'yan sa may palengke. Bumili ka na lang ulit."
"Subalit espesyal pong mansanas iyon. Kailangan ko iyon upang makauwi ako."
"Taga-saang probinsya ka ba? Gusto mo ba nang maghahatid sa iyo pauwi?"
"Ang mansanas lamang po na iyon ang tanging maghahatid sa akin pauwi..." malungkot na tugon ni Sol.
Napakamot naman ng ulo ang pulis at binuksan ang driver seat ng kanyang police car saka binilinan si Sol bago tuluyang pumasok ng, "Marami pa akong kailangan asikasuhin, hija. Sa dami ng mansanas sa buong New Delhi at mga taong higit pang nangangailangan ng tulong ay hindi kita mapagbibigyan sa hinihingi mo. Ipagdasal mo na lamang iyan sapagkat tiyak kong matutulungan ka ng Diyos. Higit na makapangyarihan siya kaysa sa akin."
Diyos...
Sol asked the same question again on who could help her find her special apple but people always answer her every single time that it's only God who could do it.
Diyos...
Saan niya hahanapin ang sinasabi nilang Diyos?
Siya ay nagtanong ulit at itinuro sa kanya ng mga tao ang pinakamalapit na bahay sambahan.
Papasok na sana siya sa loob nang pigilan siya ng isang lalaki. "Bawal ang sapatos sa loob. Tanggalin mo iyan."
Mabilis namang tumalima si Sol at hinubad ang kanyang pula at makintab na sapatos saka niya iyon inilapag kahanay ng mga sapatos na kanina niya pa napapansing nasa tapat lamang ng gate ng templo.
Sol walked towards the center shrine wherein most worshippers flocked to offer their worship in Hinduism called puja to their favorite gods and goddesses. She saw a Hindu priest reading the Vedas and noticed that some devotees are reciting their mantras or prayers while also handing some flowers, fruits, water, and incense to the respective icons in front of them.
Nang nasa harap na ng shrine si Sol ay naguluhan siya sa kung ano ang kanyang gagawin. Minabuti niyang magtanong sa kanyang katabi. "Ano pong gagawin ko?"
"Puja."
"Po? Ano pong puja?"
"Pagsamba. Banggitin mo nang paulit-ulit ang pangalan ni Lord Shiva sa istatwa niya na nasa iyong harapan habang sinasabi ang iyong mantra. Nasaan na ang iyong alay?"
"Alay? Ano pong alay?"
"Ikaw ba ay isang Hindu talaga? Bakit hindi mo ito alam?"
"Hindu? Kailangan ko pa po bang maging Hindu para humingi ng tulong sa Diyos?"
Napailing na lamang ang babaeng kanyang pinagtanungan at nagpatuloy sa sarili niyang puja.
Nanatiling nakatayo si Sol sa rebulto ni Lord Shiva. Hindi niya mawari ang gagawin. Nais lamang niyang humingi ng tulong dahil sabi nga ng mga napagtanungan niya ay tanging ang Diyos lamang ang makakatulong sa kanya.
"Sabi po nila sa akin sa labas ay kayo lamang po ang may kakayahang makatulong sa akin upang hanapin ang aking mansanas nang sa-"
Nahinto sa pagsasalita si Sol dahil marahang napahalakhak ang babaeng Hindu sa kanyang tabi.
"Maraming mansanas doon sa palengke, hija. Wala ka bang pera?"
"Subalit espesyal po iyon. Kailangan ko iyon upang makauwi ako sa amin."
"Taga-saan ka ba kung ganoon at bakit kailangan mo nang mansanas pabalik sa halip na pera?"
Maagap namang umiling si Sol. "Hindi po ako maihahatid pauwi nang sinasabi niyong pera. Iyong mansanas ko lamang po ang makakagawa no'n at ang Diyos lang din ang makakatulong sa akin."
"Gaano ba ka-espesyal ang mansanas na iyon para sa isang taong tulad mo?"
"Hindi po ako tao," umiiling na tugon ni Sol.
Nagtaka naman ang babae at nagpalinga-linga bago nagsalitang muli. "Lasing ka ba? Bawal iyan dito."
"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo subalit nagsasabi po ako ng totoo."
"Anong nilalang ka kung gano'n?"
"Sinabi ko po kanina sa mga tao na mula ako sa kalangitan. Nagtatalo po sila habang nagtatawanan kung ako ba ay isang anghel daw subalit wala naman daw akong pakpak. Tapos sagot naman ng iba ay marahil isa raw akong astronaut. Ano po ba ang astronaut?"
"Saan ka eksakto sa kalangitan, hija?"
Napatingala si Sol at nang mapansin ang kumikinang na bituin sa malapit nang gumabing langit ay natutuwa niyang tinuro iyon. "Hayon po! Doon po ako nagmula! Nandoon din ang aking buong pamilya at kauri!"
Napabuntong-hininga ang babae at umayos ng tayo. "Ako nga pala si Indira. May matutuluyan ka na ba?"
Nagtataka man ay umiling si Sol. Indira wasn't laughing anymore. She seemed to take her seriously now unlike the other people whom she had previously met.
"Naniniwala po kayo sa akin?"
"Sa tingin ko ay isa kang alien, isang uri ng beast. Sumama ka sa akin at ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat."
Noon lang tunay na may nag-alok kay Sol ng tulong at mukhang mapagkakatiwalaan naman si Indira kaya sumunod siya rito. Paglabas nila ng gate ng templo ay nagpalinga-linga si Sol.
"Nawawala po ang sapatos ko," usal niya.
"Espesyal din ba iyon gaya ng mansanas mo?" tanong ni Indira na nagsusuot na ng sapin sa paa.
"Hindi naman po. Ganito po ba talaga rito? Bakit sila nangunguha ng mga gamit na pag-aari ng iba?"
Napabuntong-hininga si Indira. "Ganito talaga ang mga tao. Bagay na hindi talaga dapat tularan ng iba subalit ang ilan ay napipilitan dahil sa kahirapan o dahil sa inggit at kasakiman. Heto suotin mo ito."
May kinuhang ibang sapatos si Indira at ibinigay iyon kay Sol na naguluhan naman. "Akala ko po ba ay hindi dapat ito tularan?"
"Isipin mo na lang na kapalit ito ng sapatos na nawala sa iyo. Karamihan sa mga bumibisita d'yan sa templo ay kumukuha na lamang ng mga sapatos kahit hindi kanila. Nakakatwa'ng isipin na hindi na iyon malaking bagay para sa kanila... kahit pa hindi tama..." paliwanag ni Indira.
Sol took the shoes from her hand and wore them. She then followed Indira as they made their towards the forest until they reached a secluded home made of wood and stone. Naunang pumasok si Indira at pinagbuksan ng pinto si Sol.
"Pasok ka," nakangiting anyaya niya sa dalagita.
Pagpasok ni Sol ay pareho siyang namangha at nagulumihan dahil ang normal na bahay sa labas ay nagmistulang tahanan ng maliliit na nilalang. Paglingon niya kay Indira na siyang nagsara ng pinto ay nagulat siya nang mapansing hanggang beywang na lamang niya ito. Malumanay naman siyang nginitian ng babae.
"Kanina lang po ay mas matangkad pa kayo sa akin. Ano pong nangyari sa inyo?"
"Gaya mo ay hindi ako tao. Hindi ako isang normal na nilalang. Isa akong beast na nagmula sa lahi ng mga makapangyarihang leprechaun. Ang nasaksihan mo kanina ay isang pagbabalat-kayo lamang. Kaya naming gawing matangkad ang sarili namin upang makapamuhay kami nang normal."
Naglakad si Indira papunta sa maliit nilang predyider at kumuha ng pitsel ng tubig doon saka sinalinan ang isang baso para kay Sol.
"Pito kaming nakatira rito. Kasama ko ang mga kapatid ko. Maya-maya lang ay makilala mo rin sila. Huwag ka sanang masyadong magtaka kung bakit magkakaiba kami ng uri ng kasuotan, paniniwala at pananaw. Nang nagsisimula pa lamang kami rito ay sinubukan namin lahat ng relihiyon hanggang sa itinuloy na namin ang debosyon sa mga nagustuhan namin," aniya sabay abot ng baso kay Sol.
"Relihiyon? Ano po iyon?"
"Nang magtanong ka sa iba kanina tungkol sa kung sinong maaaring tumulong sa'yo ay Diyos ang sagot nila, tama?" Tumango naman si Sol sa tanong ni Indira.
"Likas sa mga tao sa India ang maging relihiyoso lalo na at napakaraming mga relihiyon dito."
"Kung marami po, ibig sabihin po ba no'n ay kailangan kong subukan ang mga iyon upang matulungan ako ng Diyos sa hinihiling ko?"
"Dito sa India, ang tingin namin sa bawat relihiyon ay pantay-pantay kaya walang masama kung susubukan mo iyon. Ganoon ginawa namin ng mga kapatid ko kaya lubos naming naunawaan ang sistema ng pananampalataya at buhay dito."
"Sa tingin niyo po ba ay maririnig ako ng Diyos?" inosenteng tanong ni Sol. Ngumiti si Indira at hinawakan ang kanyang kanang kamay. It's forbidden for Indians to touch others using their left hands.
"Manalig ka lang at walang imposible."
Hindi nagtagal ay isa-isa na ring nagsidatingan ang mga kapatid ni Indira. Nananantya agad ang mga tinging ipinukol ni Farina kay Sol pagdating niya sa tahanan nila. Ibinaba niya ang takip sa kanyang mukha hanggang sa kanyang baba. Siya ay nakasuot ng itim na hijab sapagkat pinili niyang maging isang Muslim. Sumunod naman sa kanya ang kapatid na si Chris na isang Kristiyano. He's wearing a simple white polo and black slacks. Si Adah ay isang Hudeyo. Adhering to the traditional dress code is optional for Reform Jews like her. Sunod namang pumasok si Siddhartha na isang Buddhist monk. He had his head shaved at siya ay nakasuot ng kulay saffron na roba at may mga beads na amulet ding palamuti sa kanyang leeg at palapulsuhan. Si Kanav ay may suot na turban sa ulo at siya ay isang mananampalataya ng relihiyong Sikhism. Ang huling pumasok naman ay si Sahil na suot ang isang puting manipis na roba na siyang tradisyunal na kasuotan ng mga monghe ng sektang Svetambara Jainism.
Lahat sila ay nag-anyong leprechaun agad pagpasok ng tahanan.
"Sino siya, Indira? Hindi ba't napagkasunduang nating walang makakapasok at makakaalam sa tahanan natin?" hindi natutuwang tanong ni Farina sa kapatid.
"Pero siya'y katulad nating beast, Farina. At siya'y bata lamang. Nais ko sanang tulungan natin siyang mahanap ang kanyang gamit nang sa ganoon ay makauwi na siya sa kanila," tugon naman ni Indira.
"Napakatigas talaga ng ulo mo kahit kailan. Hindi ka marunong tumupad sa nagpakasunduan."
Si Adah ay kumilos na upang maghanda ng kanilang hapunan. Their meal is mainly bread and vegetables since the siblings all agreed to respect the beliefs and practices each of them uphold. Since most of them do not eat meat, they all decided to become vegetarians. There are also some of them who are forbidden to consume even milk so they just drink water. These things might be impossible to achieve when people with different belief systems lived in one household but they did it.
They all sat in their short yet large dining table. Indira gestured Sol to sit beside her. Farina was still frowning while looking at the little girl.
"Ano ang pangalan mo?" she asked.
"Sol po."
"Sol? Wala kang apelyido?" singit ni Kanav.
"Ano pong apelyido? Sol po ang tawag sa amin dahil anak po kami ng araw," paliwanag ni Sol.
Nagkatinginan ang magkapatid. Si Indira na siyang may kaalaman sa astrolohiya ay nagwika ng, "Marahil ay solar ang ibig sabihin ng Sol sa inyo."
"Parang ganoon nga po subalit hindi kami nagsasalita. Hinahawakan lang namin ang kamay ng iba at binabasa ang mga iniisip nila. Kaya nga po ako nakapagsasalita ng lengwahe niyo sapagkat nakabangga at nahawakan ko ang kamay ng mga nasa palengke kanina," paliwanag ni Sol.
"Ano bang kailangan mo para makaalis ka na?" hindi pa rin natutuwang tanong ni Farina.
"Farina, bata lamang siya. Tanda ba mo ba noon ay kinupkop din tayo ni Tandang Singh nang tayo ay bago pa lamang dito sa New Delhi?" mahinahong ani ng pinakamatandang kapatid nila na si Siddhartha.
Napailing na lamang si Farina at nag-iwas ng tingin.
"Anong klaseng tulong ba ang kailangan mo, hija?" nakangiting baling ni Siddhartha sa bata.
"Kailangan ko pong mahanap iyong mansanas ko nang sa ganoon ay maitanim ko po iyon upang magbunga iyon ng sasakyan ko pauwi sa amin."
"Alam mo ba kung paano mo iyon mahahanap?"
"Sabi po ng mga tao sa palengke ay imposible raw po ang gagawin ko pero matutulungan daw po ako ng Diyos. Kailangan ko lamang pong magdasal sa kanya."
"Subalit maraming relihiyon ang India. Mahihirapan ka rito," singit ni Sahil.
"Susubukan ko po lahat. Magdadasal po ako hanggang sa mahanap ko na ang mansanas ko," determinadong sagot ni Sol.
"Kung ganoon ay tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya," wika ni Siddhartha.
"Pero manong, hindi naman natin siya responsibilidad. Bakit kailangan pa nating makialam sa batang hindi naman natin lubos na kilala?" depensa naman ni Farina.
"Farina, ano ba ang sinabi ko sa inyo noon? It should be in our nature to help those who are in need because we have been there once. Ibabalik natin ang kabutihang loob na binigay ni Tandang Singh sa atin noon sa mga taong nangangailangan din."
"Sang-ayon ako r'yan, manong," nakangiting wika ni Adah.
"Ako rin po," dagdag pa ni Chris.
Sol smiled at each of them as she thanked them. Farina only grimaced. The siblings recited their prayers in their respective way, and Sol couldn't help but smiled once again. Kahit magkakaiba sila ay nagkakaisa ang magkakapatid na leprechauns. They then gave her the surname White while she's on Earth for the meantime. White sapagkat sa sobrang puti ng balat niya ay mapagkakamalan siyang isang mestiza o Kanluraning dayuhan.
The next morning, Sol woke up early to join Adah in going to the synagogue or the place of worship for Jews. It's Saturday or Shabbat, the most special day of the week in Judaism, so it's the perfect time to be there. In there, she was taught about the and how to read the Tanakh. The rabbi also assisted her during the worship. She then learned that just like Islam and Christianity, Judaism is a monotheistic and Abrahamic religion which means that they believe and worship only one God. The difference between Judaism and Christianity is that Christians believe in the doctrine of the Holy Trinity comprising of the Father who is God the Creator, the Son or Jesus Christ, and the Holy Spirit. Judaism rejects this belief and emphasizes the Oneness of God. Sol prayed hard to God for her to be able to find her apple and go home.
On Sunday, Sol went with Chris to attend the mass. She was dressed formally with her long skirt and white blouse. On their way to the church, Chris explained to her the manner of which they worship and their doctrines. He delineated that the mass is the celebration of the Eucharist, the enactment of the Christian sacrament of Holy Communion or the commemoration of the Last Supper of Jesus Christ, the Son of God. Ang ostia bread na kakainin ay nagrerepresenta ng katawan ni Kristo samantalang ang wine naman ay ang dugo nito.
"Body of Christ," ani ng pari.
"Amen," sagot naman ni Sol nang matanggap ang ostia bread at kanya itong kinain sa tamang paraan. She walked back to her seat and kneeled then prayed hard to God.
"Sana Po ay mahanap ko na ang mansanas ko. Gusto ko na Pong umuwi sa amin."
Indira took her to the Ganges River where they both bathed with their clothes on while praying to goddess Gangā. She expounded to Sol that Hindus consider the river a sacred place and that bathing there will lessen the amount of their sins. They then visited again the Hindu Temple to worship the other gods and goddesses in there and to pray.
"Lord Shiva, Lord Shiva, Lord Shiva, sana po ay tulungan niyo akong mahanap ang mansanas ko," paulit-ulit niyang tawag sa imahe ni Shiva na nasa tapat niya. Repeating the names of the gods and goddesses is part of puja.
Sunod na lumipat si Sol sa imahe ni Vishnu at inialay ang kanyang mga offering na bulaklak at prutas.
"Lord Vishnu, Lord Vishnu, Lord Vishnu, sana po ay tulungan niyo akong mahanap ang mansanas ko. Parang awa niyo na po... Thathaastu..."
Siddhartha brought Sol with him in the Buddhist Temple where he was serving as one of the monks. He made Sol understand that unlike the previous religions, Buddhism centers on one's self and spiritual development rather than the belief in God. Their beliefs are based from the teachings of Prince Siddhartha Gautama or whom they simply referred to as Buddha. Ang pinakalayunin ng Buddhism ay ang enlightenment na maaari nilang makamit sa pamanagitan ng meditation at pamumuhay sa paraang ascetic o yaong matinding disiplina sa pag-iwas sa mga materyal na bagay at pisikal na ninanais. Sa madaling salita ay namumuhay silang simple sapagkat naniniwala silang ang paghihirap o sufferings ay nagmumula sa cravings o mga ninanais ng tao. She was also taught about their concept of the Middle Way or taking and doing things moderately.
"Buddha bless you," Siddhartha told her when she finished her meditation.
Sahil tagged Sol with him to the Jain Temple but he explicated that Jains just like Buddhists, they do not pray to please God or to ask for something. They worship the Tirthankaras or the enlightened ones to inspire themselves in emulating the practice of these people. They believed that people can attain true peace and happiness through behaving and thinking rightly. Nevertheless, Sol prayed to the Tirthankaras to give her peace and positivity to go through her ordeal.
"...To these five types of great souls I offer my praise.
Such praise will help diminish my sins.
Giving this praise is most auspicious.
So auspicious as to bring happiness and bliss," she concluded in praying the Namaskara Sutra.
Kanav made Sol wear a turban before they go to Gurdwara or the place of worship for Sikhism. Unlike other Hindu religions, Sikhism is not polytheistic. It is rather monotheistic and they worship God and only God. They pray to God in His true abstract form and not through His icon or statue. Sol listened intently to the teachings of the guru and when he explained how important and powerful praying to God is among all human practices, and how it has given the hopeless hearts hope and rest to the restless minds.
Both wearing their hijabs, Farina brought Sol to a mosque where they first performed the wudu or the ritual of washing the forearms, head, and feet to achieve purity before worship. They then removed their shoes when they entered the mosque and sat on the floor facing the prayer wall which is believed to be the direction of the Mecca. An Imam led the Salat, an obligatory prayer that Muslims perfom five times a day. Farina told her about the Tawhid or the central Islamic doctrine that Allah has no equal. They may love and respect His messenger Prophet Muhammad but they do not worship him as he is not divine and equal to Allah. When they completed the rak'ahs or unit of the Salat, they did the du'a or the personal prayer. Sol prayed hard once again for her apple and to finally be back home.
"I will find my apple and be back home, inshallah," she whispered.
The worship of the seven different religions have been Sol's routine for months. However, she still hasn't found her special apple. Papalubog na ang araw nang magsimulang maglakad pauwi sa mga tahanan ng mga leprechauns si Sol. Buong araw siya sa Hindu Temple at naligo pang muli sa Ilog Ganges kaya siya pagod na pagod nang umuwi. Napatigil siya nang madaanan niya ang tindahan na nagbebenta ng mga imahe ng mga Hindu na diyos at diyosa. She walked towards them and when she lifted her hand, she noticed that her wrists were now full of amulets and bracelets from various kinds of worship.
"Ano pa Po bang kulang? Ginawa ko naman Po ang lahat. Gusto ko nang umuwi sa amin. Lumuhod na ako, nagpagulong-gulong at lumangoy pero bakit... bakit hanggang ngayon wala pa rin Po? Sino Po ba iyong dapat kong tawagan? Si Lord Vishnu Po ba? Si Lord Shiva? Si Allah? Si Hesus? Si Buddha? Ang mga Tirthankaras? Hindi ko na Po alam... Parang awa Niyo na Po... Gustong-gusto ko nang umuwi..." lumuluhang usal ni Sol habang nakatingala sa mga rebulto.
With a heavy heart and teary eyes, Sol retreated to the leprechauns' shelter which served as her home on Earth.
One afternoon, after their worship, Sol was sitting beside Farina on a bench in a train station. Hinihintay kasi nila ang pagdating ni Chris na mula naman sa isang seminar sa Mumbai. Habang kumakain sila ng biscuit ay may isang batang paslit na lumapit at hinawakan ang kanang kamay ni Sol habang nagmamakaawa.
"Parang awa niyo na po, kailangan namin ng pera dahil ngayon ooperahan si nanay. Nahihirapan na si tatay at naaawa ako sa kanila kaya tumakbo ako palabas ng ospital upang manghingi ng kaonting tulong. Kahit konting halaga lang po... parang awa niyo na.."
Kaagad namang tumayo at kumuha ng pera si Sol sa kanyang dalang maliit na sling bag at nakangiting ibinigay iyon sa bata. Habang ginagawa niya iyon ay pinapanood siya ni Farina.
"Maraming salamat po!"
"Sandali lang," pigil pa ni Sol sa batang sisibat na sana.
"Idagdag mo na rin 'to. Pasensya ka na ha at kaonti lang iyan. Wala kasi akong trabaho at binibigyan lamang ako ng mga mabubuting kumupkop sa akin," paghingi niya pa ng tawad sa bata. Tila naantig naman ang bata at nanginig pa ang labi nito sa pagpipigil ng iyak.
"Napakabuti niyo po. Maraming salamat po talaga at pasensya na..." ani ng bata.
"Ayos lang," ani Sol nang nakangiti.
Nagpaalam na ang bata kaya naupo nang muli si Sol. Nakakunot-noong binalingan naman siya ni Farina, naiinis ito dahil sa kabaitan nito sa batang halata namang nagsisinungaling.
"Manloloko iyon at ganoon ang modus ng mga kawatan ngayon at saka walang malapit na ospital dito," paliwanag niya.
"Alam ko po. Nahawakan ko iyong kamay niya kaya nabasa ko iyong iniisip niya."
"E, bakit mo pa rin binigyan?" pagtataka ni Farina.
"Tama po kayo. Modus ng mga kawatan ngayon ang gumamit ng mga bata. Ayaw din ng bata no'ng pinapagawa sa kanya kaso hindi siya papauwiin sa kanila kung wala siyang kikitain sa araw na ito. Nalulungkot ako kapag ganoon... Ramdam ko po kasi siya at iyong kagustuhan niyang makauwi na..." malungkot ang ngiti na tugon ni Sol habang nasa malayo ang tingin.
Farina looked sadly at her. She might not show her concern for her, but Sol knew that she did care for and sympathize with her too just like the other six leprechauns. She once held her hand so she read her thoughts and what she found just served as confirmation.
"Pwede nating gawin iyong du'a ngayon," suhestiyon ni Farina.
Sol looked up at her and smiled then she nodded. They began invoking Allah and said their du'as silently to themselves.
Sana Po mahanap ko na ang apple ko...
Sana Po mahanap ko na ang apple ko...
Pagkatapos nilang magdasal ay napakurap si Sol sapagkat nasaksihan niya ang pagsilip ng kanyang ginintuang mansanas sa sling bag ng isang Hindu na dumaan sa tapat niya.
"Mansanas ko iyon, ah! Manang Farina, nahanap ko na po! Salamat Po, Allah! Alhamdulillah!" Sol happily thanked Allah before standing up and following the man.
"Sol, bumalik ka rito. Sol!" tawag ni Farina at tayo para habulin ang tumatakbo nang si Sol.
Kinakabahan siya sapagkat namataan niyang tila may sumusunod na mga armadong lalaki roon sa sinasabi ni Sol na may hawak ng kanyang ginintuang mansanas. Isang malaking pagsabog ang biglang nagpatilapon kay Farina. May teroristang naglakas-loob na bombahin ang bahaging iyon ng istasyon ng tren. Nang makabawi si Farina at mahimasmasan sa nangyari ay nagpailing-iling siya at tumayo upang hanapin si Sol.
"Sol! Sol, nasaan ka?! Sol! So-" Natigilan si Farina at nanlaki ang mga mata niya na sinabayan pa ng mga nagbabadyang luha nang makita niya ang nakahandusay at duguang katawan ng batang si Sol sa sahig.
Sa gitna ng sirang parte na iyon ng istasyon na mayroon ding apoy ay ang wala nang buhay na katawan ni Sol na mahigpit na hawak at yakap-yakap ang kanyang ginintuang mansanas.
•|• SNOW •|•
KARARATING LANG NAMIN mula sa UP kaya naka-uniporme pa kami. Ang sabi ni Rum ay ngayon daw namin kikitain ang bagong kliyente naming mula sa India. Natatandaan ko pa iyong adventure namin kasama si Captain Ranbir noon sa India.
"Love, alam mo gusto ko sa India," sabi ko kay Dean sa gilid ko habang nakatingala sa kanya.
Nagpigil naman siya ng ngiti. I really like India. Mayaman ito sa kultura at kasaysayan.
"Gusto mo bang doon tayo tumira kapag ikinasal na tayo?" biro ng half-Indian kong boyfriend.
Napangiti na lang ako habang nakikipagtitigan sa kanya.
"Huwag, beeeh! 'Wag mo kong iwaaan..." biglang wika ni Tutti na nasa tapat na namin.
Napahagikhik ako sa itsura niya. May pulang kapa kasi siyang nakatali sa leegan niya at parang maliit na kulay berdeng dyamanteng kwintas.
"Panira talaga 'tong tiyanak na 'to oh," bulong-bulong ni Dean sa gilid ko.
"Ano ba 'yang porma mo? Para kang tanga. Ginutom ka na naman ba ni Rum kaya umabot na sa ulo mo 'yong topak mo?" baling niya sa kaibigan namin.
"Ang KJ naman ng lintek na 'to. 'Di ba ako si Chun Li noong nakaraan? Well, well, well, ako naman si Dr. Strange ngayon. Ayos ba getup ko?" tanong niya at nagpaikot-ikot pa sa harap namin habang hawak ang kapa niya nang magkabilaan.
Napahagikhik ako ulit. Ang cute-cute niya kasi! Ang sarap pisilin sa pisngi!
"Lalaki si Dr. Strange, bobo," komento ni Dean na nagpatigil kay Tutti sa kaiikot. Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran dahil sa ginamit niyang salita. Ayoko sa bad words.
"E 'di Doctora Strange, duh," giit niya sabay awra.
"Ang ganda naman ng kwintas mo, beh. Siguro mamahalin 'yan no?" tanong ko sa kanya.
"Ay, ito? Naku! Singkwenta lang 'to sa Shopee, beh! Free shipping pa!" tawa niya.
Lumabas na din sina Queen at Rum mula sa lobby at sinamahan kami sa tapat ng Simulation Room. Pader pa lamang ito ngayon dahil hindi pa nasu-summon ni Rum ang pinto.
Nakakunot ang noo ni Queen nang mapatigil sa tabi ni Tutti habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa. She looked as if she'd seen something disgusting.
"What the hell, nuno?"
"Bagay ba?" nakangiting tanong ni Tutti habang nakahawak na naman sa magkabilang gilid ng kapa niya.
"Rum, you should reexamine your standards when it comes to women. Aside from short, they are kind of crazy," baling ni Queen kay Rum.
Rum chuckled, gently held Tutti's head to kiss her right temple, and said, "I think my choice is overall cute."
Napangiti ako. Si Queen naman nangingiting napairap. Nang mukhang may maalala ay binalingan kami ni Rum. Mukhang may kulang pa sa briefing niya sa amin kanina.
"Our clients are religious people. Iba-iba ang mga relihiyon nila gaya nang nauna kong sinabi pero matindi ang paniniwala nila sa mabuting asal at gawi. I hope we can show them that we are grown and well-behaved individuals," paliwanag niya at tiningnan nang mataman sina Dean, Queen at Tutti.
"Oh, tangina, ako na naman."
"Why am I included in the set of idiotas?"
"Rock and roll to the world, mga batang pasaway!"
Natawa na ako sa sabay-sabay nilang angal. Si Tutti mukhang tuwang-tuwa pa kasi nakaangat iyong mga kamay niya at naka-rak 'en roll sign pa. Napailing naman si Rum.
"Basta kailangan niyong mag-behave. Walang mag-aaway at lalong-lalo nang walang magmumura. Naiintindihan niyo ba ako?"
"Oo naman! Sabi ko na sa inyo, e. Ampon si Snow. Tingnan niyo hindi kasali sa atin," madaliang sagot ni Tutti kay Rum saka kwento naman sa dalawang katabi.
Nasapo ni Rum ang noo at napailing.
"Tandaan niyo ang bilin ko sa inyo," paalala niya bago siya naglakad patungo sa tapat ng pader. He knocked three times and the door instantly materialized in front of us.
Rum input something on the machine beside the door. Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto. Abang na abang kaming apat na nasa likuran ni Rum. Hindi nagtagal ay may pitong maliliit na nilalang na nakatayo sa harap ng isang kama na may mga palamuting bulaklak at dalagitang tila ay mahimbing na natutulog ang sumalubong sa amin.
Dean scoffed beside me, nagpipigil ng tawa habang hinahampas-hampas ang balikat ni Tutti na nawindang din.
"Pu-" Bago pa man matapos ni Dean ang binabalak niyang mura ay nilingon kami ni Rum para balaan. "-rihin ang Diyos. Purihin ang Diyos!"
Humahagikhik na siniko ko siya. Nahahawa na talaga ako sa kakulitan nila ni Tutti.
"Namaste," Rum greeted them by slightly bowing his head with his palm held together.
"Namaste," ani Tutti din sa parehong paraan.
Dali-dali akong sumunod. Ganoon din sina Dean at Queen. "Namaste."
"Buddha bless you," ani ng isang tila monghe nang nakangiti. Sobrang kalmado ng boses niya na para bang niminsan ay hindi siya sumigaw o nagalit.
"Welcome to Charmings' Funeral Home. I am Rumplestle Sandros, the funeral director and mortuary technician. This is Tutti Vega, the funeral steward. Queen Marquesa, the wardrobe and make-up artist. Dean Raj, our chauffeur, and Snow Wade, our funeral arranger," pakilala sa amin ni Rum isa-isa sabay lahad ng kamay niya. Magalang din naman kaming natango bilang tugon.
"Ako si Siddhartha, ang panganay nila. Isa akong Buddhist monk," pakilala din ng lalaki kanina sabay abot ng kamay ni Rum upang makipagkamay.
"Ako si Farina, ang pangalawa," ani naman ng babaeng naka-hijab. Isa siyang Muslim.
"Ako naman si Chris, ang pangatlo sa magkakapatid. Isa akong Kristiyano," sabi ng lalaking naka-civilian ang kasuotan.
"Indira ang pangalan ko at isa akong mananampalataya ng Hinduismo," wika naman ng babaeng naka-sari.
"Kanav, ang panglima at isa akong Sikh," pakilala ng lalaking naka-turban.
"Ako si Sahil, ang pang-anim. Isa naman akong Jain."
"Ako ang bunso nila at Adah ang pangalan ko. Isa akong Hudeyo."
"Kami ay mga leprechauns na nagmula sa Abseiles. Nang sakupin ng mga Nodram ang South Region ay napilitan kaming magtungo at makipagsapalaran sa mundo ng mga mortal. Namuhay kami sa India sa tulong ng isang butihing tao. Ang kakayahan naman namin ay illusion. Nagagawa naming normal ang aming mga tangkad sa pananaw ng mga tao kaya malaya kaming nakikisalamuha sa kanila," paliwanag ng nakakatatanda sa kanila.
Namamangha ako habang kinikilala at pinagmamasdan ang magkakapatid na leprechauns. Iba-iba't ang mga relihiyon nila subalit namumuhay sila nang magkasundo at mapayapa. Peace and order amidst diversity is something rare these days. Kaya talagang nakakamangha silang tunay.
Magalang at magiliw namin silang pinatuloy sa Overlook upang mapag-usapan ang lahat. Nasabi ni Rum sa akin na natutunan na daw nilang lahat na hindi kumain ng karne at uminom ng alak at kahit gatas bilang respeto sa paniniwala ng ilan sa kanila. Kaya ang tanging naihanda ko lamang para sa kanila ay tubig at tinapay na buong pasasalamat naman nilang tinanggap.
"Could you believe it? They are seven siblings with seven different belief systems and religions, but look at them... They are in harmony. Wow... Just wow..." manghang sambit ni Tutti.
Iyong kasama nila kanina ay labi ni Sol, isang alien na may kakayahang magbasa ng isip sa pamanagitan ng paghawak sa iba. She was staying in one of the rooms in the third floor. Tutti fetched her when they arrived just so she could meet them. Iyong dala naman ng mga leprechauns kanina na kamang may mga bulaklak ay pinaghihimlayan ng labi niya. Nakangiting hinarap ni Sol ang mga leprechauns.
"Sol, patawarin mo kami," panimula ni Sir Siddhartha.
"Bakit po kayo humihingi ng tawad?" inosenteng tanong ni Sol.
"Hindi ka namin nagawang protektahan, hija. Hindi ka man lang namin natulungan na makauwi sa inyo. Paumanhin..."
Napansin kong sina Ma'am Indira at Adah ay naluluha na. Si Sir Sahil naman ay nakayuko na sa tingin ko ay dala ng lungkot.
Nakangiting umiling si Sol at sinabing, "Wala po kayong kasalanan. Ang totoo nga po niyan ay ang laki ng pasasalamat ko sa inyo dahil kinupkop niyo ako kahit hindi ako katulad niyo. Pinatuloy niyo ako sa tahanan niyo kahit hindi niyo ako kilala at higit sa lahat... binigyan niyo po ako ng pamilya na dadamay sa akin at magbibigay sa akin ng pag-asa. Maraming salamat po sa inyong lahat. Buong buhay kong tatanawin na malaking utang na loob iyon sa inyo," lumuluhang wika ni Sol.
Ma'am Adah and Indira rushed towards Sol to hug her. Si Ma'am Farina naman ay binalingan si Rum.
"Maaari bang isunod niyo sa tradisyong Islam ang paraan ng paglilibing sa kanya?"
"Ano?" gulat na tanong ni Sir Chris sabay tayo.
"Talaga, Farina? Matapos ang nangyari sa tingin mo ay gugustuhin niya pang gawin iyon? Ang sundin ang paraan niyong mga Muslim?" dagdag niya pa.
Napatigil kaming lahat sa ginagawa nang maramdaman ang tensyon sa pagitan nila.
"At bakit hindi?" matapang na sagot ni Ma'am Farina.
"Farina, Chris..." mahinahong tawag sa kanila ni Sir Siddhartha.
Tumayo naman si Sir Kanav at tumabi kay Sir Chris.
"Bakit gugustuhin ni Sol na sundin ang tradisyong Islam sa paglilibing sa labi niya kung sila mismo ang dahilan kung bakit nasawi siya at ilan pang mamamayang nandoon sa araw na iyon? Farina, Muslim ang mga teroristang nagbomba ng istasyon! Sila ang may kasalanan kung bakit namatay iyong bata!" giit ni Sir Kanav.
"At paano mo mapapatunayan iyan?" namumula ang mga mata ngunit matapang na hamon ni Ma'am Farina sa kapatid.
"Manang, ayon sa balita ay nadakip na raw ang ilang miyembro ng mga teroristang sangkot sa pambobomba ng istasyon. Nakasuot po sila ng mga hijab..." ani Sir Sahil.
Pagak na natawa si Ma'am Farina. "Dahil lang sa nakasuot sila ng aming kasuotan ay hindi ibig sabihin no'n na tunay na Muslim na ang may pakana. Kailan niyo ba maiintindihan na hindi kailanman itinuro ang karahasan at paggamit ng dahas sa Islam!" sigaw ni niya sa kanila habang ang kanyang mga mata ay nangingislap na sa mga luha.
"Ako ang unang nakilala ni Sol kaya sa tingin ko ay nararapat lamang na sa paraang Hindu siya mailibi-" suhestiyon sana ni Ma'am Indira na hindi niya natapos dahil kay Sir Chris.
"Hindi, susundin niya ang Kristiyanismo. Her soul needs to leave in peac-"
"Sinasabi mo bang hindi mapayapa ang relihiyon at mga paraan namin?" sabat naman ni Sir Sahil.
"Wala akong sinasabing ganoon pero sa'yo na rin nanggaling iyan kaya wala akong magagaw-"
"Aba'y tarantado ka!"
Sir Sahil lunged towards Sir Chris to tackle him down. Nagpalitan agad sila ng suntok. Mabilis naman silang inawat nina Rum at Dean. Si Sir Siddhartha naman ay pumagitna na upang pigilan sila.
"Tumigil na kayo! Sa tagal nating namumuhay sa mundo ay ngayon pa kayo mag-aaway nang ganito. Sa tagal nating magkakasama, ni isang beses ay hindi natin tiningnan ang pagkakaiba ng isa't isa, ngayon lang!" Huminga nang malalalim si Sir Siddhartha upang pakalmahin ang kanyang sarili.
He looked at his brothers sadly and said weakly, "Mapa- Kristiyano ka man, Muslim, Hindu o Hudeyo, alam kong wala sa atin ang may gustong mangyari iyon kay Sol at sa iba pang tao."
Sol stepped forward too. Akmang pipigilan sana siya nina Ma'am Indira kaso ay nahuli na sila at nasa tapat na ng mga nagtatalo si Sol. Lumuhod siya at itinungo ang ulo habang humihikbi.
"Pasensya na po... Kasalanan ko lahat ng ito... Kung... Kung hindi sana ako dumating ay hindi kayo magkakagulo nang ganito... Patawarin niyo po ako... Ayokong masira kayo nang dahil lamang sa akin. Sana po ay huwag niyong ipagpalit ang mapayapa niyong samahan dahil lang dito..."
"Noong... noong dumating ako rito ay natakot ako sapagkat... ang gulo-gulo ng mundo niyo... Ibang-iba sa amin... Ang sabi ng marami ay masama ang magnakaw subalit tinitingnan din ng iba na hindi malaking bagay ang pagkuha ng gamit ng iba nang hindi nagpapaalaam. Ang turo ng nakararami ay huwag magsinungaling pero bakit ang mga nagsasabi no'n ay siyang may itinatago rin? At... at ang sabi nila ay matutulungan daw ako ng Diyos. Kaya hinanap ko Siya... Naguguluhan man ay matiyaga akong naghintay at nagdasal... Kay Hesus, kay Allah, kay Buddha, sa mga Trithankaras... Ang dami kong tanong... Bakit iba-iba kayo? Sino ba sa kanila ang totoo? Pero... pero kapag nakikita ko kayong magkakasama at nagkakaisa, doon ko natantong kahit sa gitna ng mga pagkakaiba niyo ay walang mawawala kung maniniwala at igagalang natin ang isa't isa... Napatutunayan niyong totoo at nagagawa ang lahat ng imposible na posible dahil... dahil sinusuportahan niyo ang isa't isa... Doon ko lubos naunawaang kahit hindi kayo magkakapareho ay ang iisa ang mga puso niyo dahil pinagbubuklod kayo ng pagmamahal at respeto... Patawarin niyo po ako... Hindi ko ginustong sirain kayo..."
Lumuhod si Ma'am Farina sa tapat ni Sol at tumango-tango dine. "Magiging maayos ulit kami. Huwag kang mag-alala, Sol."
Niyakap ni Ma'am Farina si Sol at ang huli naman ay humagulgol nang tuluyan sa balikat niya. I smiled when Ma'am Farina gently tapped the small of her back.
"Patawarin niyo ako. Patawarin mo ako, Sol. Nasabi ko lamang iyon kanina sapagkat ang bigat-bigat ng puso ko simula noong mawala ka at wala man lang akong nagawa... Nandoon ako, e... patawarin mo ako kung hindi kita naprotektahan... Gusto ko sanang bumawi sa iyo kahit man lang sa paraan ng paglilibing mo... Pero kung anuman ang maging desisyon mo ay gagalangin ko, gagalangin namin..."
Tumayo si Ginoong Sahil at inalok ang kamay sa kapatid na si Ginoong Chris na nakangiting tinanggap naman iyon saka sila nagyakapan. Sumama din sa kanila si Sir Kanav samantalang dinaluhan naman nina Ma'am Indira at Ma'am Adah sina Ma'am Farina at Sol. Si Ginoong Siddhartha naman ay nakangiti habang naluluha sa panonood sa madamdaming eksena. They all apologized to each other.
Sol then made her own decision. Gusto niyang umuwi sa kanila. Rum explained that she can pay a visit to her family in their planet but it will not take long because her soul has to cross the afterlife. Hindi naging problema iyon kay Sol dahil naiintindihan at tanggap niya ang patakaran ng buhay at kamatayan. Rum summoned the Simulation Room and set the location to Sol's rightful home. Hinatid ng mga leprechauns ang labi ni Sol kasama siya sa lugar nila sa pamamagitan nang mahiwagang kwarto.
"What did you learn in this service, Charmings?" tanong ni Rum nang may ngiti sa labi habang tanaw sa malayo ang nangyayari sa paghaharap ni Sol at ng tunay niyang pamilya at ang mga beasts na naging pamilyang niya dine sa mundo.
"We can all live in peace and harmony kung mga leprechaun tayo," tawa ni Tutti.
"Tuttieana..." Rum said warningly without looking at her.
"Ito naman hindi na mabiro. Si Queen muna kasi siya pang-beauty queen dito, e," pagtuturo niya kay Queen.
"What do you think, Queen?" asked Rum.
"I verily believe that love and respect are the most important virtues one should possess in life."
"Dean!" tawag ni Tutti sa katabi ko para sumunod sa pagsagot. Kanina niya pa hawak ang kamay ko.
Dean smirked and answered, "Honesty is the best policy."
Humagalpak ng tawa si Tutti. Queen laughed at him mockingly while Rum chuckled. Hinampas ko sa braso niya nang marahan si Dean na tumatawa na din.
"Idiota. That's what you get for sleeping the whole time," Queen mocked but he just grinned.
"Ikaw, beh? Anong natutunan mo?" nakangiting tanong sa akin ni Tutti.
Napangiti naman ako at binalingang ulit ang mga kliyente namin. "Gaya lang nang kay Queen. Idadagdag ko na lang. Respect is the highest form of love. Kahit hindi mo maintindihan ang isang bagay, itrato mo ito nang may paggalang at mahahanap mo sa sarili mo ang pagtanggap dine kahit pa iba at malayo ito sa pinaniniwalaan mo."
She smiled at me. Rum too.
"We should always remember to respect others despite our differences in belief system and way of life. We should not discriminate nor alienate others based on who and what they believe to. You see, God has no religion. God isn't a Jew, a Christian, nor a Sikh or Muslim or any other religion. Truth is, we know nothing about Him, but like a parent to His children, He loves us all and keeps on loving us. We may fail but He never. Let's put our faith in Him because with Him, nothing is impossible," nakangiting paalala ni Rum habang nakatanaw pa din sa mga leprechauns at kay Sol.
Tama si Rum. Nakikinig ang Diyos. Kailangan lang nating magtiwala dahil hindi tayo nag-iisa. Kasama natin Siya.
♥️♠️♦️♣️
Dala-dala ang wineglass ay naglakad si Madame palapit sa nanghihinang lalaki na nakatali ang magkabilang kamay.
Walang pang-itaas ito kaya talagang kapansin-pansin ang mga sugat at dugong lumalabas na dulot ng mga latigo ni Clover sa kanya. Inangat ni Madame ang ulo nito saka ibinuhos dito ang laman ng wineglass. Nanggagalaiting pinisil niya ang baba nito.
"You are my ace, Alas, but you dared betrayed me, my father, and our organization!"
Hindi na lubusan maibukas ni Alas ang kanyang mga mata sa tindi ng mga sugat na tinamo niya subalit nagawa niya pang ngisihan ang babae.
"You're a bunch of liars. If I have known my past earlier, I would certainly live a different life."
She tightened her hold of him.
"Noong pinatakas mo si Rum ay hinayaan kita. Pero ang talikuran ang samahan at isabotahe ang mga plano namin ay hindi ko na mapapalampas. Kill him," utos ni Madame matapos bitawan si Alas.
Joker, alarmed, stepped forward but was stopped by the smirking Diamond in front of him.
"Madame, hindi po magugustuhan ni Senyor ito. Alas is his golden boy," pigil ni Spade.
"Golden boy, my fucking ass," Alas spat and hissed in pain when Heart stabbed him on his side.
"Mukha bang may pakialam ako, Rolyn?" Madame asked coldly.
"Madame, please, I am begging you. Ibigay niyo na siya sa akin. Gagawin ko ang lahat," Spade pleaded.
"Sure but I want you to kill Queen. Oh, wait, gusto kong iparanas mo muna sa kanya ang ginawa ng ate niya sa akin bago mo siya bawian ng buhay."
"Fuck you!" Alas shouted while trying his best to break free from the tight and special shackles. "Don't you dare touch her! Uubusin ko kayo!"
"If you could do that then he's all yours," pagpapatuloy ni Madame.
"Opo, opo! Masusunod po!" Spade nodded crazily while bowing her head.
Madame walked passed her and stopped right in front of Heart.
"It's time for you to move. Make yourself known to them. We have to make sure that this will be their last funeral service," she ordered.
"As you wish, Madame," Heart retorted while smirking evilly.
•|• Illinoisdewriter •|•
This service tackles religious pluralism or "the state of being where every individual in a religiously diverse society has the rights, freedoms, and safety to worship, or not, according to their conscience" (www.aspeninstitute.org). India is a secular country which treats all religion as equal that is why I decided to have it as the setting instead of the Philippines.
For clarification, Hindu is the term used for Indian people (e.g. Filipinos from the Philippines). Hindu rin ang tawag sa mga taong mananampalataya ng relihiyong Hinduismo. So when I say that Sahil and Kanav are Hindus with Jainism and Sikhism as their religion respectively, this means na Indian people sila (nationality nila) but in their religion, they are called Jain and Sikhs. Indira is a Hindu, both in nationality and religion since she's a follower of Hinduism.
Sol means solar but it's actually a word play I designed for soul o kaluluwa. You should watch PK. It's my fave haha! It will show you the sociologal, cultural, historical, and psychological perspectives on religions. When Farina said na hindi lahat nang naka-hijab ay tunay na Muslim, it's true. The movie explained that we always associate the religion to their dress code and some people with evil intentions used this to their advantage. Anyways, please treat everyone with respect regardless of their beliefs. 🙏
Epilogue on the next update. It's entitled Ever After just like what I have posted before in my Facebook page. See you, Charmings! 🧡✨
PS. Your votes help me a lot in promoting Beast Charmings here on Wattys. Hope you could give me a star. Don't forget to comment your thoughts. Love y'all! 🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top