Episode 63: The Gay Who Cried Help

Episode 63: The Gay Who Cried Help
Soundtrack: Sirena by Gloc9

🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂

Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda...

Umahon si Manu mula sa drum na pinaglalagyan niya. Maliligo sana siya kaso naisipan niyang gawin iyon.

Wala lang. Iniimagine niya lang na isa siyang sirena.

Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba...

Kaagad namang naglaho ang mga palikpik niya sa braso at tenga pag-ahon niya. Siya kasi ay isang kataw. Isang beast na kahanay ng mga sirena subalit may mga paa.

He flipped his head back as he thought of himself as a mermaid also flipping its long silky hair.

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdi-

"Kuya Manu, nand'yan na si papa!" sigaw ng nakababatang niyang kapatid na si Boyet pag-off nito ng bluetooth speaker nila.

"Ha? Akala ko mamaya pa siya uuwi?"

"Kuya, bilisan mo na! Baka maabutan ka ni papa. Lasing pa naman siya."

"Oo na, sis. Witlang, heto na nga."

Manu pushed himself up and out of the drum. Mahinhin at gumegeywang-geywang naman siyang tumakbo papunta sa lagayan ng tuwalya. Pagkatapos niyang magpunas ay tinali niya ang tuwalya sa buhok niya. Tiyempo namang padabog at malakas na bumukas ang pinto ng bahay nila.

"Nasaan ang Kuya Manu mo?" galit na tanong ng lasing nilang tatay.

"Pa, gutom po kayo? Paghaha-"

"Nasaan ang kuya mo?!" pagputol nitong sigaw sa kanya.

"Pa, nandito po ako..." saad naman ni Manu sa maliit na tinig, natatakot na.

Hugo furiously walked towards him and grabbed him forcefully by the arm.

"Putanginang bakla ka!" angil nito nang mapansin ang tuwalyang nakabalot sa ulo ng anak.

"Pa, tama na po!" pigil ni Boyet dito subalit inis na hinawi lamang siya ng kanyang ama.

Sunod namang pumasok ang nanay nilang si Susan na sa halip na pigilan ang nangyayari ay parang wala lang na ibinaba nito ang bayong na dala at ginatungan pa ang galit ng asawa.

"Sinabi sa akin ni Mareng Koring kanina na nakita ka raw niyang naka-headband sa may plaza at kumekembot pa. May lipstick ka pa raw. Aba'y gawain ba iyan ng tunay na lalaki?" anito habang nakapameywang.

Ang kanyang ama ay isang retiradong sundalo. Paika-ika na itong maglakad at nakatungkod na dahil napuruhan ito sa huling bakbakang sinabak nito. He wants his sons to follow his footsteps. He wants them to be soldiers too and thus he was planning to send them to the military school. Kaya para sa kanya, bawal ang babakla-bakla sa pamilya.

Ang kanilang ina naman ay may matinding galit din sa mga bakla sapagkat minsan na itong niloko ng binabaeng kapatid nito na mamuhunan ng negosyo kasama ito subalit itinakbo lamang nito ang lahat ng ipong mayroon sila kaya naging masalimuot ang buhay nila ngayon. Hugo was so mad that even his savings from serving the military got scammed and taken away too. Lahat-lahat ng pinaghirapan niya. He said he did not risk his life to be fooled by a homosexual. That's when they started hating them and they began becoming homophobic.

Mabibigat ang hiningang sunod na binitawan ni Manu. Naiiyak siya sa sakit na ginaganito siya ng sarili niyang mga magulang dahil lamang sa siya ay isang bakla.

"Oo na! Aamin na ako! Bakla ako... ma... pa..."

Kwinelyuhan siya ng ama niya at malakas na sinikmuraan na naging dahilan nang pamimilipit niya sa sahig dala ng sakit.

"Putangina mo! Alam mong ayaw na ayaw ko ng mga bakla!" nanggagalaiting duro ng kanyang ama sa kanya.

"Manu, ano bang nakain mo? Sama ka kasi ng sama sa mga kaibigan mong babae kaya ka naiimpluwensiyahan nila!" sulsol pa ni Susan.

Pilit na bumangon si Manu paupo habang umiiyak at hawak-hawak ang napuruhang tiyan. Si Boyet naman na nasa gilid ay tahimik na umiiyak din, nahahabag sa sitwasyon ng kapatid at natatakot sa kanyang mga magulang.

"Ma, pa, alam ko! Alam ko namang ayaw niyo sa bakla pero anong magagawa ko? Hindi ba pwedeng exempted ako sa galit niyo? Wala naman akong ginagawang masama!" depensa ni Manu sa sarili nang tuluyang makatayo.

"Sumasagot ka pa!" Sinuntok naman ni Hugo ang anak sa mukha dala ng galit niya.

"Pa, tama na!" nagmamakaawang hagulgol ni Boyet.

"Umalis ka r'yan, Boyet! Baka mahawa ka pa sa kuya mo," pigil ni Susan sa bunsong anak habang hila ang likuran ng sando nito.

Pagak na natawa si Manu at sopistikadang pinunasan ang dugo sa mga gilid ng kanyang labi gamit ang kanyang hintuturo. "Sakit na pala 'to ngayon? Ano bang gamot dito kung gano'n?"

"Kita mo na, Hugo! Kita mo na! Iyan ang sinasabi kong nakukuha niya sa mga pagsama-sama sa mga babae at bakla r'yan sa may kanto!" sulsol pa ni Susan, pilit na ipinararating na walang magandang maidudulot ang kabaklaan sa kanila.

"Bakit, ma, mapipigilan mo 'to?!" naiinis nang sabat ni Manu nang matantong sarado ang isipan ng mga magulang niya ukol sa mga usaping pangkasarian.

"Hijo de puta! Kasalanan sa Diyos iyan, Manolo!"

Seryosong tinitigan ni Manu ang ama. Tears welled up his eyes. "Pa, bakla lang ako pero wala akong ginagawang masama..."

"Umayos ka, Manolo. Nakakahiya ka. Umayos ka kung hindi-"

"At bakit kung hindi, ma? Anong gagawin niyo kung ayoko?" matapang na tanong ni Manu.

"Palalayasin kita at itatakwil ka namin dahil mahigpit naming kabilin-bilinan na bawal ang bakla sa pamamahay na 'to!" ma-awtoridad na sagot ni Hugo habang pinapalo ang sahig gamit ang dulo ng tungkod niya.

Binalot sila nang matinding katahimikan hanggang sa nagsalita na si Manu. "Ayokong... ayokong panghabambuhay na lokohin ang sarili ko para lang matanggap niyo ako... Walang masama sa pagiging bakla, pa! At papatunayan ko iyan sa inyo!"

Tumakbo si Manu papasok ng kwarto niya at nag-alsabalutan. He wouldn't want to spend his whole life hiding who he really is just to be accepted by his parents. It's his own life and he will drive it in his own accord. It took all his resolve to leave his family to prove that there's nothing really wrong in being a homosexual.

Dala-dala ang isang backpack ay huminto sa tapat ng pinto nila si Manu.

"Kuya..." tawag ni Boyet sa nakakatandang kapatid niya.

"Boyet, hayaan mo siya. Hindi na siya parte ng pamilyang 'to ngayon. Wala tayong miyembrong bakla," madiing wika ng kanilang ama.

Manu glanced at his younger brother. "Kung ayaw din nila sa'yo, hanapin mo ako. Papatunayan natin sa kanilang mali sila ng akala."

"Manolo, kung lalayas ka, lumayas ka na! Hindi iyong iniimpluwensiyahan mo pa ang kapatid mo!" sigaw ni Susan sabay hatak kay Boyet palayo kay Manu.

And that was the last night that Boyet saw his big brother. Tanggap niya ito subalit wala siyang sapat na kakayahan upang buksan ang puso at isipan ng kanilang mga magulang sa mga ganoong usapin. He hasn't have the courage to face them and tell them that being a homosexual does not equate to evil and that it's not a person's sex and gender that will determine how he or she will be in life.

Lumipas ang maraming taon ay wala silang naging balita kay Manu. Nakapagtapos sa kursong Business Administration si Boyet at kasakuluyang empleyadong may mataas na ranggo sa isang kompanya. Proud na proud ang mga magulang niya sa kanya kahit pa hindi ito naging sundalong gaya ng ama niya dahil na rin sa pag-ahon niya sa kalagayan nila mula sa hirap. Bagaman may narating na sa buhay ay hindi pa rin lubusang masaya si Boyet. Ito ay sa kadahilanang hanggang ngayon ay natatakot pa rin siyang isiwalat ang lihim na tinitibok ng kanyang puso.

"Ma, pa, aalis na po ako," paalam niya sa mga ito isang araw.

"Mag-iingat ka anak ha. Huwag kang magpapalipas ng gutom sa trabaho," malambing na bilin ni Susan sa anak.

"Opo, ma."

Pagdating ni Boyet sa opisina ay dumiretso na siya sa may banyo upang magbihis o mas mainam na sabihing upang tunay na maging siya. He took his necktie off and replaced it with an orange scarf to match his blue dress shirt. He put some lipstick on and a heart-shaped clip on the side of his hair to complete his look. He then smiled at his reflection. The company that he was working on is very understanding as it embraces diversity and promotes gender-sensitivity. Kaya rito, malaya siyang maging tunay na siya.

Someone pecked on his cheek the moment he stepped out of the comfort room.

"Hi, beautiful," Shawn greeted him which made him smile.

It was his boyfriend. Shawn was working as a deliveryman. Paminsan-minsan ay dinadalaw niya si Boyet sa opisina nito.

"Good morning, love. Nag-almusal ka na ba?" malimbing niyang tanong dito.

Bigla namang napakamot si Shawn ng ulo niya, nahihiya. "Tapos na ako, love, pero may... may sadya sana ako sa'yo kaya napaaga ang dating ko."

"Oh? Sige, ano iyon?"

"Si nanay kasi nalaman kong hindi binabayad iyong sweldo ko sa upa ng bahay namin kaya pinapalayas na kami ngayong araw..."

Boyet crossed his arms over his chest and leaned on his table. "Sinugal na naman ni tita ang pera? Napapadalas na iyan ha. Napagsabihan mo na ba siya?"

Shawn looked annoyed and said, "Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin na ayaw mong magbigay? Boyet, pagod na pagod ako araw-araw mula sa trabaho ko kaya sa tingin mo may panahon pa ako para gawin iyon?"

Boyet sighed and hugged him apologetically. "Sorry na, love. Sige na, magkano ba kailangan niyo sa upa?"

"Sampung libo. Pasensya ka na talaga, love. Kung malaki lang talaga iyong kinikita ko-"

"Ano ka ba, ayos lang," mahinahong tugon ni Boyet at kinuha ang pitaka niya sa loob ng bag niya saka binigyan ng sampung lilibuhin si Shawn.

"Da best ka talaga, love!" natutuwang anito sabay halik sa kanya saglit sa labi.

"No worries, love. Para sa kabubuti niyo iyan."

Shawn did not last long in his office after that. Nagpaalam agad itong uuwi na para maibayad ang pera. Later that afternoon, Boyet was invited by his colleagues to go shopping. He gladly agreed and did not mind changing because he always does this whenever they go out.

Palabas na sila ng mga kaibigan niya mula sa store ng Max Mara dala-dala ang mga paper bag na naglalaman ng mga pinamili habang masayang nagkukwentuhan.

"And you know what, girls, I feel like we're really meant for each other-"

"Boyet..."

Nahinto sa pagsasalita si Boyet at parehong nagulat at kinabahan nang makaharap ang nanay kasama ang tatay niya na nandoon din pala sa mall na iyon namamasyal ng mga oras na iyon.

Kaagad na hinila ni Susan ang anak palapit sa kanya, hindi bale nang mag-eskandalo siya.

"Anong ibig sabihin nito?" madiing tanong ng nanay niya.

"Ma-"

"Bakit may ganito ka?!" tanong ulit nito sabay tanggal ng scarf sa leeg ni Boyet.

"Ma... let me explain please..." naiiyak na ani Boyet habang pilit na hinahawakan ang nanay niya upang pakalmahin ito.

"At ano 'to?!" Hinablot ni Susan ang clip sa ulo ni Boyet. "Bakit may lipstick ka?!"

"Ma... I'm sorry... I'm gay, ma..." Boyet revealed cryingly while covering his mouth.

Galit na tinapon ni Susan ang clip at sinampal si Boyet pagkatapos ay kwinelyuhan niya ito. Sinubukan na rin silang pigilan ng mga kaibigan ni Boyet subalit ayaw pa ring magpaawat ni Susan.

"Hindi kita binihisan, pinakain at pinag-aral para maging bakla! Naiintindihan mo ako?!"

"Kailan pa, Boyet?" malamig na tanong ni Hugo sa anak.

"B-Bata pa lang ako, pa... kaso n-natakot lang akong sabihin sa inyo..."

Kaagad na kinaladkad ni Susan ang anak palabas ng mall. Hawak-hawak niya ito nang mahigpit sa may laylayan ng damit nito dahilan para masira ang ilang butones nito.

Nagpalinga-linga si Boyet sa paligid. Ang mga tao ay nagtipon na animo'y may palabas ang isang bigating artista. May mga nagbubulungan samantalang may iba namang nagmistulang naaawa sa kalagayan niya. He cried silently. He felt so humiliated in front of these people. It was even his mother who caused the scene just because she thought of being a gay synonymous to a crime.

Pagod na siyang magtago. Ang masakit pa ro'n ay tila ba lahat ng mga pinaghirapan niya ay napunta lang sa wala. Funny how they seemed to forget everything he gave and sacrificed just because of his homosexuality.

"Ma, tama na..."

Susan did not listen.

"Ma, sabi ko tama na!" sigaw niya at malakas na hinawi ang kamay ng ina.

Galit na galit naman siyang nilingon ng ina. "Natutulad ka na rin sa Kuya Manu mo!"

"Pagod na ako, ma. Pagod na pagod na akong magtago... Ayoko na..." umiiyak na wika ni Boyet bago tinalikuran ang ina at tumakbo palayo rito.

Boyet ran as fast as he can. The sky turned hazy and cried as he cried. Nasa may tulay na siya nang bumagal ang takbo niya. He reached for his phone inside his pocket and dialed Shawn's number.

"Love..." pumipiyok niyang wika agad pagkasagot nito.

"Oh, bakit, love?"

"Shawn, ikaw na. Ibaba mo na iyong baraha mo!" Dinig niyang tawag ng isang lalaki sa nobyo niya.

"Shhh..." Dinig din niyang pigil ni Shawn sa mga nagsasalita.

"Love, nasaan ka?"

"Ah... nasa trabaho, love. Kasamahan ko iyon."

"Love, can you... can you fetch me? Kailangang-kailangan ko lang talaga ng tulong..." said Boyet, almost pleading.

"Ha? Bakit? Nasa trabaho pa ak- putangina!" Shawn angrily exclaimed. Boyet then heard laughter on the background.

"Love, mamaya ka na tumawag. Minamalas ako, e. Sige na."

"Pero, love-"

Boyet weakly stared at his phone. Shawn just ended the call without letting him finish his words. Nanghihinang napaupo si Boyet sa gilid ng daan. Lahat na lang sila ganoon. Kung hindi siya tanggap, kunwaring tatanggapin lang kapalit ng pera niya...

He cried silently again. It only stopped when he heard a loud horn coming close. Nanlaki ang mga niya nang mapansin ang ilaw nang paparating na truck at mukhang nawalan ng kontrol ang drayber nito. Huli na para makatayo siya at tumakas dahil naabutan na siya nito...

                  •|• SNOW •|•

NAPATINGIN AKO KAY Dean na nasa tabi ko nang kalabitin niya ako. Ipinakita niya sa akin ang cellphone ko.

"Bakit?"

"Password?" naka-pout niyang tanong, nagpapacute.

I bit my lower lip to stop myself from chuckling. "Iloveyou-"

"I love you too," sagot niya agad kahit hindi pa ako tapos sabihing 'I love you' ang password ko na walang space.

"Keleg ako."

Napatingin naman kaming dalawa kay Tutti sa tabi namin na nakahawak pa sa mga pisngi niya, kinikilig talaga.

Kumunot naman ang noo ni Dean nang mapansin ang getup ni Tutti ngayong araw. Naka-pink na qipao kasi siya at double buns na may taling kulay itim na silk na ribbon.

"Why the fuck are you dressed like Chun Li from Street Fighter?"

"Because I'm Chinese and a street fighter?" naka-awrang sagot ni Tutti na may pa-finger gun pang nakatutok sa sentido niya.

Napahagikhik ako kasi ang cute niya.

"Girls, which one should I choose? This hair clip or this headband? Which one's better?" tanong ni Queen pagbaba sa hagdanan at paglapit sa amin sa may sala. May dala-dala siyang pink velvet padded headband sa kanan tapos pearl hair clip naman sa kaliwa.

Ang ganda niya talaga kahit simple lang iyong suot niya. Puting square neck at short ruffle sleeves na crop top saka high-rise na pink shorts naman. Ako naman ay nakadilaw na button front short sleeves midi dress lang.

"Kahit alin d'yan, beh. Bagay naman sa'yo pareho," nakangiting sagot ko.

She sighed. "What can I do? They all look so good on me.

Napabaling kami kay Tutti kasi tumawa ito bigla.

"What's your problem, nuno?" tanong ni Queen bago naupo sa pagitan namin ni Dean.

"Queen, naman!" ungot ni Dean sa inis.

"Snow needs to breathe from your love, idiota," rason ni Queen.

"Bitter ka lang, e," Dean smirked teasingly. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata para matigil.

May narinig kaming nagdoorbell tapos napansin naming bumaba na si Rum sa hagdanan.

"That must be Manolo Acebes, Boyet's eldest brother," aniya.

"Tutti, pakisundo naman si Boyet sa kwarto niya, please," he told Tutti.

Tumayo na din kami para asikasuhin ang bisita. Kararating lang ng bangkay ni Hugo Boy Acebes II o mas kilala sa tawag na Boyet. He died of an accidental death. Nabangga siya ng isang truck na nawalan ng preno. Sumuko na iyong drayber at napanagot din ang mga lokal na awtoridad nang nasabing lugar na iyon dahil napag-alamang hindi pala nakita ng drayber si Sir Boyet dahil walang ilaw doon.

Umakyat ulit ako ng kusina kasama si Dean kasi kukuhanin namin iyong mga meryendang ginawa ko. Pagbaba namin ay nandoon na nakaupo katapat ni Rum sina Sir Boyet at ang sa tingin ko ay ang kuya niyang si Sir Manu.

Naka-dye ang buhok ni Manu ng kulay blonde. May kahabaan din iyon tapos ang suot naman niya ay puting shorts at itim na oversized tee short na may tatak na Versace. May suot din siyang sunglasses na may tatak naman na logo ng Chanel. Kabisado ko na ang mga mamahaling brand dahil kay Queen.

"Gutom na ako..." usal ni Tutti na nakanguso matapos kong mailapag ang mga meryenda sa coffee table.

Dean scoffed, "Lagi naman. Wala na bang bago?" Siniko ko agad siya. Ang hilig talaga nitong mang-inis kay Tutti.

"Kakain tatayo mamaya, beh," ngiti ko sa kanya.

"Can y'all shut up and listen? You're so noisy," si Queen nang balingan kami. Nasa likuran kaming lahat ni Rum na nakaupo sa grandfather's chair at kaharap ang magkapatid.

"Masusunod, mahal na reyna. Itutumba ko na si Dean para maging tahimik na ang buhay nating lahat," ani Tutti sabay kindat kay Queen.

Napairap lang at iling si Queen bago humarap ulit sa banda ng mga bisita.

"Good morning to the both of you once again. Before we begin with our meeting, I would just like to ask your preferred pronouns because we, the Charmings' Funeral Home, want to make you feel comfortable with the way we address you," magalang na panimula ni Rum.

Nagdadalawang-isip din ako kanina pero 'sir' na agad ang natawag ko sa kanila pero kung may iba silang gusto ay ayos lang sa aking baguhin ang tawag ko sa kanila bilang tanda ng paggalang.

"I am fine with everything po, Mr. Funeral Director. I am not very particular it naman po ever since. Nakasanayan ko na rin ang male pronouns sa katagalan ng panahon nang pagtatago ko," magalang na paliwanag agad ni Sir Boyet.

"I prefer the female pronouns," tugon naman ni Ma'am Manu.

"We'll do as you wish, ma'am and sir," Rum politely assured them.

"Maraming salamat po," si Sir Boyet.

"Thank you," sabi naman ni Ma'am Manu.

"Do you have any message to each other. We will give you time to discuss things and if you want privacy, we can also grant you that."

"It's okay, Mr. Sandros. Mas maiging nandito kayo para malaman niyo agad ang maaari niyong gawin sa libing niya habang nag-uusap kami."

"We will take note of that, Ma'am Acebes."

Tinanggal ni Ma'am Manu ang sunglasses niya at sopistikadang ibinaba iyon sa coffee table bago binalingan ang kanyang bunsong kapatid.

"How are you, sis? I have heard you are successful yet unhappy," she began.

Si Ma'am Manu din pala ang nagbayad at nagdala sa bangkay ng kapatid niya dine.  Hindi naman sumagot agad si Sir Boyet. Bagkus ay malungkot siyang ngumiti sabay yuko. Napangisi at iling lang si Ma'am Manu.

"Kung sumama ka lang sa akin noon, hindi ka lang magtatagumpay sa buhay. Magiging masaya ka pa."

Nag-angat ng tingin si Sir Boyet at tiningnan nang diretso si Ma'am Manu.

"Masaya ka ba talaga, kuy-"

"Ate," pagtatama ni Ma'am Manu sa kapatid. Napalunok naman si Sir Boyet saka nagpatuloy. "Masaya ka ba talaga, ate?

"Oo naman..."

"Kahit hindi ka nila tanggap?"

"Wala akong pakialam sa kanila."

"Pero ako mayro'n, e... Kaya nga hanggang ngayon ang sakit-sakit pa rin..." pumipiyok na wika ni Sir Boyet.

Tahimik lang si Ma'am Manu kaya nagpatuloy na si Sir Boyet. "Sa sobrang sakit... pakiramdam ko hindi ako makakatawid sa kabilang buhay nang hindi nila natatanggap..."

"Goddamnit, Boyet!" sigaw ni Ma'am Manu na naging dahilan nang pagtalon ko bahagya sa gulat.

"Hindi mo ba naiintindihan? Iyong mga katulad nina mama at papa, sarado ang utak! You need not to feel sorry just because you are a gay!" giit ni Ma'am Manu sa mas mataas na boses. Pansin kong nangingislap na din ang mga mata niya sa luha.

Ngumiti si Sir Boyet at kaagad na pinunasan ang mga luha sa pisngi niya saka hinawakan ang kamay ng kapatid. "Naiintindihan kita, ate. Maniwala ka..."

"Kaso... kaso hindi ako sing-tapang mo, e. Hindi ako... sing-tigas mo... Hindi ko kayang... umalis nang hindi nila napapatawad at natatanggap... Kaya nga tinago ko iyong totoong pagkatao ko, e... Kasi buong buhay ko... sila lang 'yong mayro'n ako..." dagdag niya.

"Ate, hindi ko kaya... Tulungan mo ako, please..." pagmamakaawa ni Sir Boyet saka inihiga ang ulo sa kamay ng kapatid niya at doon umiyak nang todo.

Rum explained that that request was Sir Boyet's unfinished business. Hindi siya makakatawid sa kabilang buhay kung hindi maisasakatuparan iyon. Dahil si Ma'am Manu lang din ang pwedeng makagawa no'n ay susubaybayan namin siya habang ginagawa niya ang misyon niya.

"I don't think I can face them," seryosong hayag ni Ma'am Manu nang nasa tapat na kami ng bahay ng pamilya na ipinundar ni Sir Boyet.

"Ma'am, I am not forcing you to do it. Pero rito nakasalalay ang kaluluwa ng kapatid niyo. This will be his ticket to the afterlife and the very same thing that will give him a chance to renew his life," paliwanag ni Rum.

Natango si Ma'am Manu at bumuntong-hininga. "Para kay sisteret."

She went out of the Jeep Wrangler and walked towards their main door. We drove back to the Overlook after. Sinummon ni Rum ang pinto ng Simulation Room kaya pumasok kami doon para masubaybayan ang Pamilya Acebes nang hindi nila namamalayan.

Pagbukas ni Ma'am Susan ng pinto ay nagulat siya nang makita sa tapat no'n si Ma'am Manu.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Namumugto ang mga mata mo. Hindi bagay sa'yo," sagot naman ni Ma'am Manu at pumasok na sa loob.

"Ay, maldeta. Kampon ni Marga 'to, Mondragon din," tawa ni Tutti. Nairap lang si Queen sa kanya.

"Mondragon din siguro ang isang 'to," habol pa ni Tutti habang humahagikhik, tinutukoy si Queen.

"Bakit ka nandito? Hindi ba lumayas ka na?"

"Pinapauwi ako ni Boyet. Kahit ayoko, kailangan kong gawin iyon bilang respeto sa kapatid ko."

"Bakit kami? Hindi mo rin ba kami rerespetuhin? Alam mong ayaw namin ng bakla sa pamilyang 'to."

Nilingon ni Ma'am Manu ang ina at seryosong sinabi, "Ilang taon na, ma. Wala na si Boyet. Iyong galit niyo pa rin sa mga katulad ko ang pinapairal niyo-"

"Alam mo kung gaano kanasira ang buhay natin dahil sa kanila. Dapat sa lahat ng tao, ikaw ang nakakaintindi no'n pero mas pinili mo pa ring maging bakla!"

"Ma, hindi ako o si Boyet ang baklang gumawa ng masama sa inyo ni papa! Bakit... Bakit hanggang ngayon hindi pa rin kayo nakakaintindi?!" Ma'am Manu equalled the voice and tone of her mother.

Nagsukatan ng tingin ang mag-ina hanggang sa matapang na nagpatuloy si Ma'am Manu. "Matanda na kayo, ma. Sana naman... sana matuto na kayong umintindi at magpatawad. Kahit huwag na ako, ma. Kahit para kay Boyet na lang... Kawawa iyong bata, e. Kawawa iyong kapatid ko, e. Ilang taon... Ilang taon niyang tinago kung sino siya dahil natatakot siya sa inyo. Natatakot siyang mawala kayo..."

Napayuko ang nanay niya at hindi na nagsalita pa.

"Ma'am, ayaw pong kumain ni Sir Hugo," hayag ng isang katulong.

Nag-angat ng tingin si Ma'am Susan at binalingan ang katulong. "Sige, iwan mo na lang d'yan iyan. Ako na-"

"Ako na ang gagawa niyan," alok ni Ma'am Manu at kinuha ang tray na dala ng katulong.

"Hindi matutuwa ang papa mo kapag nakita ka niya. Matapos ang nangyari kay Boyet ay nawalan na siya ng gana. Kahit ayaw niyang sabihin alam kong... alam kong hindi niya matanggap ang pagkamatay nito at ang..." Ma'am Susan trailed off.

"Kakausapin ko lang siya, ma. Panahon na para ilabas ko lahat-lahat," tanging tugon ni Ma'am Manu bago naglakad patungo sa kwarto ng kanilang ama.

Pagbukas ng pinto at pagpasok ni Ma'am Manu sa loob ng kwarto ay nakapikit ang kanyang ama.

"Hijo de puta! Ang sabi ko ayokong kum-" Natigil ang sasabihin sana nito nang magdilat at makitang si Ma'am Manu ang nakatayo sa gilid ng kama niya.

"Anong ginagawa mo rito?!"

Naupo si Ma'am Manu sa may silya sa tabi ng kama ng ama at inilapag ang tray doon saka kinuha naman ang mangkok ng sopas. Hinipan niya muna ang nasa kutsara bago ito inilapit sa bibig ng ama. Napansin naman naming lima na nakatayo at silip sa may nakaawang na pinto si Ma'am Susan.

"Tinatanong kita, anong ginagawa mo rito?!"

Hindi pa rin sumagot si Ma'am Manu. Inilapit niya pa ang kutsara sa bibig ng ama na galit na tinabig lamang iyon saka sigaw ng, "Putanginang bakla ka! Bastos ka! Bakit ka nandito sa pamamahay ko?!"

Natapunan si Ma'am Manu ng sopas pero iyong mga mata niya ay nasa mangkok na nabasag sa sahig. Kumirot ang puso ko nang mapansing dahan-dahan nang pumapatak ang mga luha niya habang nakayuko at titig pa din doon.

"Susan! Susan, nasaan ka?!"

Kaagad namang pumasok si Ma'am Susan upang daluhan ang asawa.

"Anong ginagawa ng suwail na iyan dito?!"

"Hugo, kumalma ka lang."

"Paano ako kakalma?! Sabihin mo, paano?! Alam mong galit na galit ako sa batang 'to!"

"Akala ko... Akala ko ang tapang-tapang ko na... Akala ko... Akala ko.... Sa loob ng maraming taong nagdaan, matigas na ako, na matatag na ako pero... nagkamali ako..." pumipiyok at umiiyak na wika ni Ma'am Manu.

Galit pa rin ang ekspresyon ni Sir Hugo pero nahinto na siya sa pagwawala. Si Ma'am Susan naman napayuko na lang.

"Ma, Pa... bakit? Bakit kailangang umabot tayo sa ganito? Umalis ako pero... pero umasa akong hahabulin niyo ako, e...." humahagulgol na dagdag niya pa.

"Kasi 'di ba, ganoon ang pamilya? Dapat...  dapat tayo iyong nagdadamayan... Dapat... dapat tanggap natin iyong isa't isa kahit pa magkaiba tayo ng pananaw at paniniwala sa mga bagay-bagay..."

"Ma, pa, bakit hindi niyo ako... pinigilan? Bakit hindi niyo ako hinanap? I cried silently for help but you weren't there. Alam niyo, ginapang ko mag-isa iyong sarili ko, iyong pag-aaral ko para lang... para lang may mapatunayan ako sa inyo. Ma, pa, uwing-uwi ko na ako ng mga panahong iyon, e... Ang lungkot-lungkot kasi... kaso alam kong hindi niyo pa rin ako matanggap bilang ako kaya tiniis ko lahat ng hirap, nilunok ko lahat ng lungkot para lang may maabot ako. Ang totoo niyan, bago ako pumunta rito, sinabi ko sa sarili ko na... na kung hindi niyo pa rin ako tanggap, magmamakaawa ako... kasi... kasi... miss na miss ko na kayo..."

Umiiyak na din ang nakayukong si Ma'am Susan. Tumayo si Ma'am Manu mula sa pagkakaupo at pilit na pinunasan ang mga luha niyang hindi pa din magkamayaw sa pagpatak.

"Ma, pa, gusto ko lang malaman niyo na... ilang beses niyo man akong itakwil, ilang beses niyo man akong itaboy, anumang tapon niyo sa akin ng mga masasakit na salita, anumang... anumang galit ko sa inyo, tandaan niyo itong baklang 'to... at iyong nakababata niyang kapatid, mahal na mahal kayo... Ma, pa, nagtiis si Boyet ng ilang taon at ganoon din ako kahit malayo ako sa inyo kasi mahal na mahal namin kayo at hindi namin kayo ipagpapalit. Pero bakit... bakit ang hirap-hirap niyong mahalin?"

Nag-angat ng tingin si Ma'am Susan at kaagad na niyakap ang anak. Napaluha ako nang makitang naghahagulgulan sila. "Sorry, anak... Sorry talaga... Patawarin mo si mama... Nagkamali ako... Sorry..."

ISANG TANYAG NA na mang-aakda si Ma'am Manu. Kaya naman sa libing ni Boyet ay ipinamalas niya ang inakdang tula bilang parte ng eulogy na ibibigay.

Napansin ko naman mula sa kinatatayuan namin na tahimik na nagpupunas ng luha si Sir Hugo sa upuan niya. Ma'am Susan and him have finally accepted them. Sayang nga lang at wala na si Sir Boyet. However, he will still cross the afterlife with happiness and contentment in his heart.

                 •|• QUEEN •|•

IT'S HOW YOU used to say
I love you and I miss you
It's how you pretend you love me then...

I took my Chanel vanity case and slung it on my right shoulder before standing up. They all looked at me. Nasa cafeteria kami ngayon malapit sa UP. The same cafeteria where the lying idiota was working part time, and I really hate the kind of song they are currently playing. We will be meeting him today together with Governor Sebastian Sandros. He's more than excited to meet his eldest son Isaiah. Rum told him everything and he just confirmed things. Rum and Alas both shared hypnotic abilities and the latter could travel through opening different portals. Iyon din kasi ang isa sa mga kakayahan ni ninong bilang isang guardian.

"I'll go now," I told them.

Dean smirked and said, "Ang sabihin mo, iniiwasan mo..."

"Dean..." Rum called him in his most motherly tone to stop him from teasing me. He then turned to me, worry was etched on his face.

"Will you be more okay when you leave?" he asked and I nodded.

"I will respect your decision, Queen. Know that I am always here. We are always here for you," he reminded me and I just nodded.

We have contacted him days earlier for the meeting. The Chinese nuno suggested they should do it through me. She said they will use my cellphone number to contact him so that he will really answer. I told them I deleted his number and they didn't buy it. Of course, that was so lame for an excuse. Even if I deleted some things and some people in my life, saulo ko na silang lahat. The hell with this eidetic memory!

I let them use my phone and surprisingly, he answered it right away. Dean and Tutti teased me that Alas was making it obvious that he was really waiting for my call. The hell I care with that also.

I bid goodbye to Ninong Sebastian before leaving. I pushed the glass door and stepped out of that cafeteria but my steps halted when I locked gaze with the man who just parked his motorbike nearby.

He was wearing a brown leather jacket and a white v-neck tee shirt underneath then a ripped jeans. He was wearing his black gloves too. He took his helmet off and that's when I tore my eyes off him and began walking passed him.

"You're leaving already?" he asked.

"I don't have business here. Hindi naman ikaw ang pinunta ko rito."

Natahimik siya. Ganoon din ako. I decided to resume walking.

"Talaga? Kasi ako, isa ka sa mga dahilan nang ipinunta ko rito."

And that stopped me again but I didn't look back.

I just didn't want to...

"Queen, I am really sorry. I just realized something lately. I really am willing to leave them for you because I lo-"

"Isaiah..."

Pareho kaming napabaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. The teary-eyed Ninong Sebastian pushed the cafeteria door open. It seems like the scene unfolded in a slow motion.

"Isaiah, anak..."

"Who are yo-" Alas wasn't able to finish his sentence when ninong just appeared in front of him and enclosed him in a tight embrace. Sa sobrang pagkakasabik ni ninong ay nasaksihan namin kung paano siya nagteleport. He's indeed a first-blood guardian.

"I know and I am sure that you are my son. Ramdam ko rito sa puso ko, anak..."

I looked at the Charmings' direction. Tears welled up in our mother hen's eyes. Ganoon din kay Snow, mukhang naantig na naman sa eksena. The nuno on Rum's side hugged him then looked up at him and smiled thoughtfully.

I returned my attention to the origin of this cathartic moment. Nagulat sa eksena si Alas pero nang magsimulang humagulgol si Ninong Sebastian sa balikat niya ay kusang nangislap ang mga mata niya at niyakap pabalik ang ama.

I looked up to stop my own tears and turned my back around then began walking away. He lied and did something wrong and I am not yet ready to forgive him... but I am truly happy for him.

•|• Illinoisdewriter •|•

Ciao, Charmings! ✨

One more service to go and we will have to close the book one of Beast Charmings, and I will be dedicating the next episodes to those who guessed some of the members of the House of Cards right.

Anyways, let me just share this one hehe. The poem above was my spoken poetry entry in my Filipino Literature subject way back in my freshman year in college. We were tasked to create a poem of our own desire and I verily believe that this is one of the moments where I can serve my very purpose in writing which is to raise awareness. Hindi siya malayang taludturan so may sukat siya and I decided to have the lalabindalawahin. While doing the spoken poetry in front of the class, I really imagine myself as the protagonist of the poem, and it came out really dramatic haha. I made it appear like I was talking straight to my father who couldn't accept me as a gay man. It ended with a round of applause from my classmates. I didn't expect that my professor would appreciate it so much that she wanted me to perform it again in a competition but my introverted self refused. I could do it for grades since I have a scholarship to keep but not for a competition. I just could not stand being in front of a crowd of people. It's against the introvert rule haha.

One of the societal issues that I am greatly advocating was about the homophobic home and society. Maybe because it rooted from the experience of some of my closeted friends. Alam niyo 'yong, alam mo na kung ano siya sa kilos at galaw niya but they do not like to be asked because they do not want to broadcast to the rest of the world who they really are and be judged by it. I even have a friend who kept it a secret from his family because it's a big no-no in their religion. I was supposed to do that in this service but everything about religion will be tackled on the next episode. On a personal note, I accept and will always accept my friends the way they are. I love them just the way they are! ♥

PS. Advance Happy New Year, my Charmings! 🎉🎉 You made this challenging year a blessing for me and I am truly grateful for that. Never forget all the lessons you have learned from here and take them wherever you go in 2021. Have a prosperous new year head on! Love you all! ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top