Episode 58: Emperor's No Clothes
Episode 58: Emperor's No Clothes
🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂
"Bwisit na research 'to! Di sana naging individual na lang 'to 'di ba kung ako lang din naman ang gagawa lahat!" bulyaw ni Anika sa mga kagrupo sabay hampas ng folder na naglalaman ng Chapter 4 ng research nila sa lamesa.
"Anika, nakita mo ba 'yong draft na binigay ko?" tanong naman ni Empe sa kanya.
Napabaling si Anika sa kagrupong lalaki. Matalas ang mga tingin niya rito.
"Isa ka pa! Anong gagawin ko sa handwritten mong ambag? Ita-type ulit? Jusko, Empe, bagong taon na makaluma ka parin!"
"Pasensya na, An. Wala kasi akong laptop, e. Iyong cellphone ko pa de keypad. Hindi ko mapasahan ng files," malungkot na sagot ng binata.
"Pang-ilang rason mo na 'yan! Naririndi na ako. Lagi na lang! Imposible namang walang internet café sa inyo."
"An, tama na. Intindihan mo na lang si Empe," sabat naman ng kaibigan ng binata na si Benson.
"D'yan sa intindi-intindi na 'yan kaya nagiging abusado kayo! Malaki ka na, Emperor. Siguro naman makakagawa ka na ng paraan para kumita at makabili kahit ng mumurahing laptop lang para makahabol ka sa panahon ngayon."
Napayuko si Empe. Kahit na tunog mayaman ang mga pangalan nila ng kuya niya na Emperor at King ay totoong talagang salat sila sa buhay. Simula nang namatay ang ina nila ay ang kuya na nitong nahinto sa pag-aaral ang bumubuhay sa kanila ng lola niya. Subalit paminsan-minsan lang niyang nakikitang lumalabas ang kuya niya. Ang lagi lang nitong bilin sa kanya ay huwag silang mang-iistorbo ng lola niya kapag ka nasa kwarto mag-isa si King kasi magtatrabaho raw ito. Nasabi nito minsan sa kanya na isa siyang online seller pero dahil mahirap ay mumurahing android phone lang ang gamit nito na may camera at load para sa trabaho nito.
"Apo..."
Mabilis na pinunasan ni Empe ang mga luha nang marinig niya ang lola niyang papalapit. Pansamantala niya ring itinigil ang pagsusulat ng sanaysay na dapat sanay printed at hindi handwritten subalit wala naman siyang magagawa sapagkat wala siyang mga gamit. Ititipa niya na lang iyon sa internetan pagkatapos niya upang makisuyo kay Benson na iprint iyon. Nasasayangan kasi siya sa baryang ihuhulog gayong wala pa siyang ideya kung anong ilalagay kapag nandoon na siya. Mas maigi itong tapos na niya at uulitin na lang kapag ka nandoon na.
"Bakit po, la?"
Ngumiti ang lola niya sa kanya at inilagay sa ibabaw ng lamesa ang binuksan nitong kawayang alkansya.
"Magkano ba ang laptop, apo?"
Naluha si Empe sa tanong ng matanda. Ilang taong inipon din iyon ng lola niya.
"Lola, huwag na po. Itabi niyo na lang po 'yan para sa pagpapagamot niyo. Kaya ko naman po..." pumiyok si Empe sa huling sinabi dahil sa hikbing kumawala. Lubhang naantig ang puso niya sa ginawa ng lola niya.
Nanginig din ang labi ni Soledad subalit pinigilan niya ang pag-iyak at marahang hinaplos ang buhok ng apo.
"Pagpasensyahan mo na, apo. Limang libo lang 'yan. Nagtanong ako sa kapitbahay natin kanina kung magkano ang laptop. Nasabi niya ay higit sampong libo raw... Pasensya na..."
"La, ayos lang po... Wala kayong dapat ihingi ng tawad..." Tumayo si Empe at niyakap nang mahigpit ang kanyang lola. Gagawin niya ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral.
"Kuya... Kuya, kakain na raw sabi ni lola."
Nang wala paring sumasagot sa panglimang katok ni Empe ay aalis na sana siya nang may marinig siyang mahinang ungol mula sa loob ng kwarto ni King. Lumapit ulit siya at pinakinggan iyon upang makasiguro at hindi magkamaling ungol nga iyon. Kahit na natatakot dahil susuwayin niya ang bilin ng kuya niya at kinakabahan sa maaaring masaksihan niya ay tahimik at dahan-dahang pinihit ni Empe ang seradula ng pinto nito pabukas.
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa nasaksihan. Ang kuya niya ay hubo't hubad at nakaupo sa kama habang sinasalsal ang kahabaan nito sa harap ng cellphone nito sabay ungol pa.
"Do it faster. I want to see you cum." Dinig niyang utos nang nasa phone. Binilisan pa ni King ang ginagawa niya.
"P-Promise me... ah... you will give me money after this... ah..."
"Sure, sure. No problem."
Sinira ni Empe ang pinto at napasandal doon, gulantang parin sa natuklasan. Maya-maya pa ay dahan-dahan siyang napaupo sa sahig at tahimik na lumuha. Hindi siya makapaniwala at naaawa sa kuya niya.
"Alam mo, Empe, may itsura ka naman. Bakit 'di mo pagkakitaan? Magmodeling ka o ano. Gan'on ba..." suhestiyon ni Benson sa kanya. Natawa lang si Empe. Ni sa hinagap niya ay hindi sumagi iyon.
"Empe!" tawag ni King sa kanya, balisa at natataranta.
"Sige, Benson, mauna na ako," paalam niya sa kaibigan saka lumapit na sa nakatatandang kapatid.
"Bakit, kuya?"
"S-Si lola sinugod sa ospital! Sabi ng kapitbahay natagpuan daw nilang walang malay sa may likod-bahay si lola. Inatake raw kaya dinala nila agad doon!"
Walang sinayang na panahon ang magkapatid at kaagad na pinuntahan ang lola sa ospital.
"Kritikal ang kondisyon ng lola niyo kaya kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Pero tatapatin ko rin kayo. Walang kasiguraduhang makakaya niya rin ang operasyon dahil sa katandaan niya," paliwanag ng doktor sa kanila.
"Dok, nagmamakaawa po ako. Iligtas niyo po ang lola ko. Gawin niyo po ang lahat, parang awa niyo na," umiiyak na pagmamakaawa ni King sa doktor samantalang si Empe naman ay nasa gilid at nakaupo sa sahig habang yakap ang mga tuhod at umiiyak.
"Ben, pwede bang mahiram ang memory card mo? Ise-save ko lang sana ang mga pictures ko kanina. Nakalimutan ko kasi 'yong cellphone ko sa bahay."
"Sige, may extra pa naman akong memo card. Ibalik mo na lang bukas."
"Maraming salamat talaga, Ben."
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na si Empe sa internet café. Sinadya niyang sa pinakasulok maupo kung saan walang masyadong gumagamit at nakakakita sa kanya. Balak niyang i-post sa site na pinagtatrabahuan kuno ng kuya niya ang mga hubad niyang pictures para dagdag pambayad sa operasyon ng lola niya at upang makabili na siya ng laptop. Mabilis siyang nagtipa ng caption.
ᴇᴍᴘᴇ. 16. ɪ'ᴍ sᴇʟʟɪɴɢ ɴᴜᴅᴇ ᴘɪᴄs ᴀɴᴅ ᴏғғᴇʀɪɴɢ ᴠɪᴅs. ᴘᴍ ɪғ ʏᴏᴜ ᴡᴀɴᴛ...|
Binura ni Empe ang inilagay. Tinapik-tapik ng hintuturo niya ang ibabaw ng lamesa. Nagdadalawang-isip parin siya sa gagawin.
Nakita niya sa katabing tab ng site na iyon ang notification ng mensahe ni Anika sa kanya sa Facebook. He immediately clicked to read it.
Anuna? Nasaan na ang part mo? Ako na naman ba ang gagawa kasi wala ka paring laptop? Sagad na sagad na ang pasensya ko sa gasgas mong linya na 'yan.
Umilaw din ang de keypad niyang cellphone dahil sa mensahe ng Kuya King niya.
Nasaan ka na? Halika na rito sa ospital. Bantayan mo muna si lola at babale muna ako sa kaibigan ko pandagdag gastos dito.
Napabuntong-hininga si Empe at itinuloy na ang pagtitipa ng caption. Buo na ang loob niya.
ᴇᴍᴘᴇ. 16. ɪ'ᴍ sᴇʟʟɪɴɢ ɴᴜᴅᴇ ᴘɪᴄs ᴀɴᴅ ᴏғғᴇʀɪɴɢ ᴠɪᴅs. ᴋᴀɪʟᴀɴɢᴀɴɢ-ᴋᴀɪʟᴀɴɢᴀɴ ᴋᴏ ʟᴀɴɢ ᴘᴏ ᴛᴀʟᴀɢᴀ ɴɢ ᴘᴇʀᴀ. ᴘᴍ ɪғ ʏᴏᴜ ᴡᴀɴᴛ..|
[Posted]
Pagpasok ni Empe sa paaralan ilang araw pagkatapos n'on ay tuwang-tuwa siya dahil may laptop na siya at dala-dala niya pa iyon ngayon. May pandagdag narin siya sa gastos ng lola niya. Nagtaka si King subalit ang kaila na lamang niya ay pinahiram daw siya ng nanay ni Benson dahil naawa ito sa kanila.
"Benson!" masiglang tawag niya sa kaibigan pagkakita rito sa may hallway.
Natigilan si Benson pero hindi ito lumingon sa kanya kaya sinabayan niya ito sa paglalakad.
"Alam mo, ang weirdo ng mga tao ngayon. Kanina pa sila tingin nang tingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha?" mahinang tawa ni Empe.
"Pre, pasensya na. Sabi ng nanay ko layuan na raw kita. Pasensya na talaga," tanging nasabi na lamang ni Benson sabay takbo palayo sa kanya.
Nagtataka man ay nagpatuloy na siya sa pagpasok sa silid nila. Hindi man lang umupo sa tabi niya si Benson. Nagtataka siya sa kung bakit talagang lumalayo ito sa kanya ngayon. Ano ba ang nagawa niya?
Pagpasok ni Anika ay kaagad niya itong nilapitan upang ipakita rito ang revised Chapter 4 ng research nila na nasa laptop na niya.
"Anika, nagawa ko na 'yong Chap-"
Hindi na natapos pa ni Empe ang sasabihin nang itulak siya ni Anika palayo. Natabig pa nito ang laptop na dala niya na naging dahilan nang pagkakabagsak nito sahig at pagkakabasag.
Natahimik silang dalawa at maging ang mga kaklase nila sa nangyari. Napatulala si Empe roon hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili.
"Bakit mo ginawa 'yon? Anong problema mo?!"
"Ikaw pa ang may ganang magalit ngayon? Wala ka na ngang silbi, inutil ka pa at baboy!" pasigaw na sagot ni Anika sa kanya.
"A-Anong pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Empe.
"Huwag ka ngang magpainosente d'yan! Kalat na kalat na sa buong campus ang mga nudes mo. Nakakadiri ka! Kakausapin ka narin ng mga admin para masuspend o di kaya ay expel dahil sa mga kumakalat. Napahiya ka na nga dahil doon, papaalisin ka pa rito sa school. Kung ako ang nasa posisyon mo ay magbibigti na lang ako."
Napalingon si Empe sa paligid. Panay ang bulong-bulungan ng mga kaklase niya. May ilang tumatawa at ngumingiwi na halatang nandidiri. Maging iyong mga taga-ibang section ay nakikiusyoso narin. Napatingin siya sa banda ni Benson na malungkot na nanonood sa eksena. Nang magkatinginan sila ay mabilis itong umiwas ng tingin.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Empe sa sitwasyong iyon. Pinagkakaisahan siya ng mga taong nandoon, ng mundo at ng tadhana. Tahimik niyang pinulot ang basag niyang laptop na pansin niyang gumagana parin saka kinuha ang bag niya at tahimik na lumabas ng silid at umalis ng school.
Sa madilim niyang kwarto at sa harap ng naka-online niyang basag na laptop ay nandoon si Empe. Matamlay at wala sa sarili.
Pinindot niya ang live ng kanyang Facebook account at nagsalita.
"Wala akong silbi sa grupo namin sa research dahil wala raw akong laptop. Nakakadiri raw ako dahil sa nakita nilang mga hubad kong litrato... Bakit ang daya-daya ng mundo sa mga tulad kong pinanganak na mahirap?" payak siyang natawa pero kasabay n'on ay ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Ang daling manghusga ng mundo kahit hindi nila naririnig ang dahilan at kwento ko kung bakit ako naghubad para sa pera... Pero siguro tama nga si Anika. Wala akong silbi, inutil at nakakadiri kaya siguro nga ay tamang magbigti na lang ako..."
Isang patak ng luha at ngumiti si Empe at tumayo na saka tumungtong sa kinauupuan niya kanina. Kinuha niya ang lubid na tinali niya sa may nakausling kawit sa may kisame at isinuot ang ulo niya roon. He murmured words before kicking the chair and hanging himself to death.
•|• QUEEN •|•
MY BROWS FURROWED when the Chinese nuno walked in front of me then sat on the couch beside me.
All of us are in the girl's room watching some shows on the smart TV. Matutulog na sana kami. Sinundan ko ng tingin ang nuno sa mga ginagawa niya. She was wearing an oversized green and white striped tee shirt. I know may shorts pa siya but the shirt was so big on her its hems reached below her knees. May yakap-yakap pa siyang malaking lalagyan ng chichirya kahit gabi na. Itinaas niya ang mga tuhod pagkatapos niyang ipatong ang mga paa sa sofa kaya umabot na sa mga paa niya ang haba ng suot niya.
She opened the chichirya. She was so invested on that she didn't notice Rum directing his phone camera towards her. Tutti picked one chip and stuck her tongue out then nilalapit niya slowly ang chip doon so that she can try how it tastes.
I swear she's so maliit and so cute to look at right now. That's why I guess Rum couldn't help this cuteness overload too so he will just be taking candid photos of her.
"Blimey!" Rum exclaimed the moment he clicked the capture button. Paano kasi may flash. Nahuli tuloy siya.
Ibinaba niya iyon agad at tiningnan. Dean glanced at it then he laughed real hard.
"Tangina, nagiging green na 'yong tiyanak!"
Sumilip din si Snow then she giggled. I got curious so I checked on it too. I smirked, stifling my chuckle. Ang nakuha kasi ni Rum ay hindi iyong cuteness ni Tutti but the one that's glaring at him.
We woke up at the next morning, indulging ourselves at the remaining days of rest before Monday. Tutti and I rested at the sun loungers at the balcony when Snow approached her with pieces of paper in hand.
I rolled my eyes after slightly lowering my sunglasses then I returned leaning back on the lounger. She was holding her thesis paper.
"Beh, babasahin ko ha. Sabihin mo sa akin kung may mali sa writing or grammar ko, please," she asked the nuno who was studying BA-Com.
"I'm all ears, beh," Tutti replied while doing a thumbs up sign.
"On 1998, man-"
"It's 'in' 1998, beh. You only use 'on' when you will be giving a complete date such as 'On August 9, 1998'," explained the nuno.
Snow nodded and took note of that. I was scrolling through my phone, checking my grades for the midterm of this semester. Mabilis na tinanggal ko ang sunglasses at napaupo ako sa gulat when I saw a 1.2 in one of my subjects.
"No freaking way!" I hissed and they both looked at me.
Lumapit narin si Dean at naupo sa may sun lounger katapat ni Tutti kung nasaan si Snow. He sat behind his love.
"Queen, anong problema?" Snow asked me worryingly.
"I got 1.2 in one of my subjects!" I said, showing them my phone.
"Goddamnit! I perfected this old man's exams and quizzes!"
"Beh, graded din ang manners. But don't worry, I will give you an A for attitude," the nuno retorted and I grimaced. She was checking hers too. Snow and Dean as well.
"That is so unfair! Like his class is so boring kaya. Even him feels sleepy every time while discussing so just imagine his audacity to give me that kind of grade, stronzo!"
"Alamaaak! Panira 'yong 1.2 sa mga uno ko!" Tutti exclaimed, chinky eyes still fixed on her phone. I smirked.
"See? We're no different!" I argued then she lowered her phone.
"Mayr'on, beh. Iba parin kasi iyong may natutunang talaga kaysa natatandaan lang. Ikaw kasi kahit nakapikit hindi mo nakakalimutan. Ako kailangan ko pang magsunog ng kilay at isapuso lahat ng pinag-aralan ko para talagang makakuha ako ng uno. Wala man akong dibdib pero dinidibdib ko 'yang mga 'yan kasi Chinese ako. We're always aiming for straight A's," the nuno reasoned. I rolled my eyes.
"Ako nga straight 2.2 sa Org Chem last sem," Snow giggled like a little girl.
"How about you, Dean?" I smirked at him teasingly. Kumunot ang noo niya.
"Ha? Halis na ako," said he and stood up to walk away.
Nagtawanan kaming tatlo na naiwan doon. The laughter died down when Tutti remembered something as she faced Snow.
"Beh, hindi ba kahapon 'yong screening ng Dulaang Paladin para sa Wicked Musicale?"
Snow blinked three times before smiling weakly and nodding.
"Oo, beh."
"Nag-audition ka?"
"Hindi, e," iling niya.
"'Di ba isa 'yon sa mga dream roles mo?"
"That's so sayang!" I butted in. "I mean you have the talent plus the face and all the love for Broadway, so what's keeping you from screening?"
"Nahihiya kasi ako," she replied, biting her lowerlip. I rolled my eyes. Here we go again.
"Beh, payong kaibigan lang. Minsan lang tayo nabubuhay kahit pa may rebirth at reincarnation, minsan ka lang maging Snow kaya huwag mong hayaang pigilan ka niyan sa pagiging star! Tandaan mo, walang nabubusog na mahiyain kapag okasyon," the nuno advised while tapping her shoulder and nodding.
"Sì! Sì!" I seconded.
"Kanta ka nga ng Defying Gravity, beh. Kunwari magse-screening ka at ako ang judge tapos si Queen 'yong upuan- joke lang!" tawa niya pa nang kurutin ko sa tagiliran.
Nagulat kami kasi biglang bumalik si Dean at patagilid na humiga sa pwesto niya kanina habang nakapatong ang ulo sa palad at nakatuko ang isang siko para panoorin si Snow.
"Go, love! Number one fan mo ako!"
"Ako ang number one fan niya!" Tutti insisted.
"Alam kong laging nauuna ang mga pandak sa linya pero walang pila rito, hija!"
"Ha? Hayop ka!"
"Can you two shut up? Just let Snow sing instead!" I told them.
Snow nodded smilingly then cleared her throat.
"Something has changed within me
Something is not the same..." she began lulling as she closed her eyes.
"I'm through with playing by
The rules of someone else's game
Too late for second-guessing
Too late to go back to sleep
It's time to trust my instincts
Close my eyes
And leap..."
Napapikit si Tutti sa ganda ng boses ni Snow. I smiled while Dean's mukhang tangang in love na nanonood sa kanya.
"It's time to try defying gravity
I think I'll try defying gravity
And you can't pull me down..."
We clapped our hands when she ended it that way.
"Beh, ang galing at ganda talaga ng boses mo. Naintindihan ko na ngayon kung bakit hindi ako nakapasa sa screening ng Glee Club," si Tutti.
"Nagscreening ka, beh? Maganda din naman ang boses mo. Bakit hindi ka kinuha ng club?"
"Nagtataka nga ako, beh, e. Ang cute ko na nga at ang talented ko pa. Saan ka pa?! Sanaol 'di ba?!" pagmamalaki ng maliit na nuno.
"Sayang naman talaga, beh. Alam kong ginalingan mo talaga."
"Sobraaa, beh! With feelings pa parang ganito, oh, 'On my own, hindi kita iiwan... Pangako, pretending he's beside me-"
Natigil si Tutti sa pagkanta nang tapunan siya ni Dean ng malaking unan na dala pala nito. Sapul ang nuno kaya bulagta sa lounger habang tumatawa.
Natawa narin si Snow. Nangingiting hihiga na sana ako pabalik sa lounger when something wet fell on my forehead. I slightly touched it and brought down my hand to see what is it that's on my fingertips. Nanlaki ang mga mata ko at nanginig. I shouted in shock and extreme annoyance.
GODDAMNIT!
Iniputan ako ng ibon!
"Learn to use a fucking toilet! Goddamnit!" I growled and stomped my feet. Tawang-tawa naman si Dean.
I glared at Tutti when I caught her clapping her hands, tuwang-tuwa ang gaga!
"What's funny?!"
"That's good luck in Chine-"
"Fuck you, Chinese!" I spat. Lalong natawa si Dean.
"Kukuha muna ako ng tissue saka alcohol sa loob," paalam ni Snow saka tumayo at pumasok sa loob.
I was groaning and cringing the whole fucking time. Stronzo! Sa lahat-lahat, bakit ang mukha ko pa?!
I was cursing alternately in English and Italian but I stopped right away when Rum approached us.
Sinasaway naman kami ni Rum noon kapag nagmumura pero mas naging strikto siya ngayon. Paramihan daw kami ng mura sa isang araw at kung sino ang panalo ay siya ang maghuhugas ng mga plato.
Siyempre safe si Snow. Champion si Dean at runner-up naman ako. Ang nuno maswerte dahil Singlish expression na 'Alamak' ang ginagamit at nakasanayan which is not considered as a fucking swear word!
"Sino ang nagsaing?" he asked.
Kaagad na tumayo si Tutti sa ibabaw ng sun lounger at excited na tinaas ang kamay. "Ako, mamsh!"
"Sabi ko na sa inyo, e. Ang cute ko na nga, talented pa at masipag. Sanaol talaga 'di ba?" baling niyang sa amin ni Dean. Napairap ako. Napasinghap naman si Rum.
"Hindi mo in-on ang rice cooker."
Natigilan ang pandak at naupo na lang saka kinabit si Dean. "Sinasabutahe mo ako, no?"
"Siraulo 'tong tanginang 'to-" Dean stopped talking when he realized that he cursed in front of Rum. I laughed mockingly.
"May manghuhugas ng plato mamaya. Dean ang pangalan," tukso pa ng nuno.
"Nay, mas maraming mura si Queen ngayong araw! Iniputan siya ng ibon kaya nagmura nang todo," turo ni Dean sa akin. I glared at him.
Rum looked at me and was immediately surprised at what he saw. Bumalik na si Snow dala-dala ang mga pinangako niya. She sat beside me and helped wipe the dirt off my face.
"I really need to disinfect!" I groaned while still wiping my face.
Rum helped me too. Pero sabi niya naniniwala na raw siya kay Dean kaya ako ang manghuhugas ng mga pinggan ngayong gabi.
Wow. Just wow.
KING VISCONDE VISITED the Island Overlook for the funeral of his brother.
"We are Crocottas," he said.
"Anong Crocottas?" mahina but nakangiting tanong ni Snow. I rolled my eyes heavenwards. I hate being their human reminder.
"A Crocotta is a beast that can mimic a human's voice. According to Indian Mythology, they were animal-like creatures that could mimic human speech and then attack and eat their victims' soul," I explained.
Snow nodded and smiled at me gratefully. "Maraming salamat."
"Tatapatin ko na kayo. Wala kaming pera. Nasa ospital pa ang lola ko kaya gusto ko sana bigyan ng simpleng libing ang kapatid ko sa paraan ng mga normal na tao," namumugto ang mga matang pag-amin ni King.
"Kaso... Kaso may nakapagsabi sa aking may secret service raw kayo na kahit anong hilingin ng yumao o ng pamilya nito ay tutuparin niyo kaya nandito ako ngayon," he continued.
"Sabihin mo kung anong kailangan mo, King. Kung para sa ikabubuti ng yumao ay gagawin namin," Rum encouraged him with a thoughtful smile.
"Bago kasi magpakamatay ang kapatid ko ay may ginawa siyang video... at may sumpa iyon. Binulong niyang hindi siya titigil hanggang sa hindi siya napapakinggan ng mga nagtulak sa kanyang gawin iyon..." King's tearful confession.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng aming funeral director.
"I-Iyong kaklase kasi niyang si Anika... nabaliw pagkatapos marinig ang mensahe niya sa telepono nila... Kagagawan iyon ng kaluluwa niya, alam ko... Tapos nang tumawag siya sa bespren niyang si Benson ay nagpatiwakal daw ito..."
"Anong kinalaman ng dalawang taong ito sa pagpapakamatay ng kapatid mo?" asked Rum.
"Pinahiya raw ni Anika ang kapatid ko sa school nila ng araw na magpakamatay siya. Tapos si Benson... nanay ni Benson 'yong nagpakalat ng mga hubad niyang pictures sa internet na naiwan sa memory card ng cellphone ng anak niya... Sabi niya sa mensahe niya ay huwag daw tularan ng mga kabataan ang kapatid ko... na baboy daw at makasalanan..." King covered his face with his hands then he sobbed his heart out.
"Mahirap lang kami... Alam ko... Kung napipili lang sana ang pagiging mayaman, 'di sana... 'di sana hindi ko na hinayaang humantong pa sa ganito ang kapatid ko... Mahal na mahal ko siya... Ang dali nilang hinusgahan ang kapatid ko nang hindi naririnig ang panig niya..." pumipiyok niyang aniya.
I pity him and Empe. I was born with a silver spoon and life for me was so easy then. I may not fully understand them but I sympathized. Mahirap ang maging mahirap and he was right when he said that if only they have choices he would surely choose to be rich so that his brother wouldn't get to his breaking point. Sadly, they don't. Then, here are these people who turned a blind eye and a deaf ear to their stories, sides, and call for help. I hate how we're living in a heartless and narrow-minded society.
"Pinapangako kong gagawin namin ang lahat para matulungan siya," Rum promised him.
"Pero maaari ba akong magtanong, King? Nasaan na ang bangkay niya?" he added.
King looked up and shook his head. "Hindi ko alam... Ang alam ko lang nagpakamatay siya dahil sa nakita kong pinost niya. Tapos... Tapos nagmadali akong umuwi galing ospital... tapos... wala na akong naabutan na Empe..."
Napatingin si Rum sa amin.
We nodded at him, fully aware of what he has in mind.
Paano kung hindi talaga patay si Empe?
What if he's just using that as an excuse and cover to kill those who wronged him without pointing the murders to him?
•|• Illinoisdewriter •|•
Visit Illinoisdewriter's page on fb, hit the star button, and comment your thoughts. They're making me smile. Love you, Charmings! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top