Episode 55: Pok Hunts Us

Episode 55:  Pok Hunts Us

🅱 🅴 🅰 🆂 🆃  🅲 🅷 🅰 🆁 🅼 🅸 🅽 🅶 🆂

"T-Tama n-na po... H-Hindi na p-po ako m-makahinga..." pagmamakaawa ni Akhem sa mga pulis na hawak siya sa kalagitnaan ng gabi at pahiga sa malamig na kalsadang iyon.

"Umamin ka na kasi, boy. Tinunugan kami ng isang informant na tatay mo raw 'yong lider ng rebeldeng grupo," ani ng unang pulis sabay diin pa lalo sa tuhod nito sa leeg ng binata.

Hawak naman ng isa pang pulis patalikod ang kamay niya kahit nakaposas na. Nagsisilbing lookout naman ang panghuli sa maaaring makasaksi sa ginagawa nila.

"T-Tubig... K-Kailangan ko ng t-tubig... P-Parang awa niyo n-na..." kinakapos at malat na ang boses na paghingi ulit ng awa ni Akhem.

Panay narin ang tulo mg laway niya sa paghahabol ng hininga dahil sa tindi nang pagkakadiin ng pulis sa tuhod nito sa leegan niya.

"Amin na, 'toy, para tapos na 'to," singit pa ng pangalawang pulis.

"T-Tama na p-po... P-Please... H-Hindi na ako m-makahinga..."

Nagbingi-bingihan ang mga pulis sa hinaing ni Akhem hanggang sa natigil na ito sa pagmamakaawa at tumahimik na.

"Bakit biglang tumahimik na?"

"Boss, hindi narin gumagalaw!"

"Patay na ata."

"Shit! Umalis na tayo rito bago pa tayo mahuli!"

Dali-dali tumakas ang mga pulis at iniwan ang bangkay ni Akhem roon na malamig at bulagta. Makakapagtapos na sana ito sa Medisina sa katapusan ng taon at magiging doktor na kung hindi lang ito nabawian ng buhay.

Maya-maya pa ay nagpatay-sindi ang mga ilaw ng lampposts sa may banda roon habang dahan-dahang bumabangon ang maputlang katawan ni Akhem mula sa pagkakadapa. Ginalaw-galaw niya ang ulo sa kanan at kaliwa nang dahan-dahan at kasabay niyon ay ang tunog nang tila nababaling mga buto niya sa leeg.

Nagsiliparan palayo ang mga ibong tanging saksi sa kanyang malupit na sinapit nang binasag niya ang katahimikan ng gabi gamit ang nagmistulang hinukay mula sa lupang nakakapanindig-balahibong sigaw para sa hustisya.

                 •|• SNOW •|•

NAPABALING AKO KINA Dean, Tutti, at Queen na nagbubulungan sa tabi ko. Naglalakad na kami papuntang parking lot para umuwi sa Island Overlook. Nauuna si Rum sa amin sa paglalakad.

"Who'll go first?"

"Ikaw na mauna," sagot naman ni Dean kay Queen sabay tulak kay Tutti.

"Alamak! Kung makatulak ka naman akala mo poste!"

"Sorry, malay ko bang hindi ka iiwas. Akala ko kasi nagte-teleport ang mga dwende."

Nanggigigil na kinurot ni Tutti ang braso ni Dean. Inilag naman ni Tutti bahagya ang ulo sabay pikit nang akmang hahampas din ito sa kanya bilang ganti kaso nahuli ni Dean ang paninitig ko kaya marahan niya na lang na hinaplos agad ang likod ni Tutti.

"'Wag kang mag-alala, love. Bati naman kami ni Jerry," ngiti pa ni Dean sa akin. Umiling ako sa kanya bilang warning.

"You're really so mga isip-bata! I'll go first na nga lang," hayag ni Queen at sinabayan na si Rum sa paglalakad.

"May kailangan ka, Queen?" nakangiting tanong ni Rum.

"You know, Alas invited me to visit a famous resort nearby on the weekend. It's just one day, Rum, so I guess I will accep-"

"No."

"What?! Why?! I mean I'm already twenty now and I'm fully aware of my limits! I can go everywhere I want!"

"But you just can't do anything you want. One male, one female, and one weekend doesn't suit and sound well. You're still my princess chickling so it's my duty as your mother hen to protect, take care of you, and guide you by telling you what you should or should not do," banayad na paliwanag ni Rum sa kanya.

Nairap si Queen at nagmartsa na papasok ng Jeep Wrangler. Alam kong gaya naming lahat ay hindi niya din kayang kontrahin ang inahin namin.

Sunod namang lumapit kay Rum si Dean. Hindi ko alam kung kaya ba sila nagtutulakang tatlo kanina ay dahil dine ba o hindi. Pero mukhang pare-pareho silang may hihinging pabor or magpapaalam sa kanya.

"Tol, may house party si Ro-"

"Hindi pwede," putol ni Rum na ikinagulat niya. Siniko naman siya ni Tutti.

"Sabi ko na sa'yo, e. Advance mag-isip 'yan," bulong pa nito.

"Pero, tol, hindi naman ako maglalasing."

Rum looked at him apologetically. "Walang kasama ang mga babae kung susunduin kita sa kalagitnaan ng gabi dahil lasing ka na."

"Tol, hindi nga ako maglalasing," giit pa ni Dean.

"You also said that when you drunk yourself to forget about your breakup with Snow before. Anong nangyari pagkatapos? Gumapang ka pauwi. Pauwi sa bahay nina Queen. Good thing was that Tita Serena was kind enough to give you a room. Muntik ka nang sipain ni Queen sa inis ng mga oras na iyon nang tawagan niya ako."

"Tsk... Tol, naman, oh."

"Hindi nga pwede baka mapa'no ka pa sa daan. Isa pa, may pasok ka pa bukas."

Isang beses na nagkamot ng ulo si Dean bago nagmartsa na din palapit sa Jeep Wrangler.

"Momma Ruuum..." tawag naman ni Tutti sa inahin pagkatapos. She jumped her way beside him.

"No," biglaang saad ni Rum sa kanya.

"Luh, nagugutom lang ako," sabi ni Tutti sabay hawak sa braso nito at tunghay.

"Kakakain mo lang ng burger."

"But that was thirty minutes ago."

"Ten," pagwawasto ni Rum.

"K, fine. Pero dumaan muna tayong Jabe, please."

"Hindi, uuwi na tayo para makapagluto na ako ng hapunan at doon na tayo kumain lahat."

Napabitaw si Tutti sa kanya at napasipa ng paa sa kalsada, nagmamaktol ang bata.

"Pero gusto ko ng super meal!"

Napapikit si Rum at hinilot ang sentido niya. "Doll, that's gluttony. Kakakain mo lang ten minutes ago at gusto mo na naman ng super meal. Hindi ka naman na tumatangkad, pisngi mo lang ang tumataba."

"Wow," 'di makapaniwala at poker face na tugon ni Tutti.

Napahagikhik ako. Nagtawanan naman sina Dean at Queen sa may unahan.

"Sige na, pumasok ka na sa loob."

"Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to," ani Tutti sabay turo una ng mga mata niya gamit ang middle at index fingers saka kay Rum. Napalunok na lang ang huli.

Lumapit na din ako sa kanya para makapagpaalam. Natandaan ko kasi bigla ang plano namin ng grupo ko sa thesis ngayong weekend.

"Rum..."

"Bakit, Snow?" he smiled at me.

"Magpapaalam sana ako. Gagawin kasi namin ng grupo ko ang thesis namin ngayong weekend. Promise, uuwi agad ako pagkatapos."

"Basta mag-iingat ka," sagot naman niya habang hawak ako nang marahan sa balikat.

Tumango ako at nginitian na din siya.

"Si Snow 'yong paboritong sisiw," dinig kong bulong ni Tutti sa unahan.

SCHEDULE NI TUTTI sa paghuhugas ng mga plato ngayong gabi. Tinutulungan ko naman siyang magpunas ng mga nahugasan na. Si Rum naman abala sa paglilinis ng lamesa at kitchen countertops.

"Rum, you're not gonna believe this," histerikal na hayag ni Queen pagbalik niya ng kusina.

Nakasimangot namang sumunod sa kanya ang nakabihis na si Dean. Kumunot ang noo ko.

"I caught him sneaking out! Gosh!"

Natigil sa pagpupunas si Rum upang balingan si Dean. "Dean, 'di ba nag-usap na tayo?"

"Tol, naman!"

"Talagang susuwayin mo ako para sa house party na 'yon?"

"Sorry na, nay. Pero kasi-"

"Wala nang pero-pero-"

"Marga, go to your room- eo save me, I've been feeling so alone..." putol ni Tutti habang kinukumpas ang mabulang kamay na nakaturo sa may labasan ng kusina at kembot nang sabay siyang pukulin ng masasamang tingin ng dalawang nag-uusap.

"Love, sundin mo na lang si Rum. Ayaw niya lang naman na mapahamak ka," bilin ko sa kanya.

Napabuntong-hininga si Dean at inangat na ang pulso niya para tanggalin ang silver watch niya mula dine.

"Good evening, my beloved Charmings!" bati ni Yorme pagpasok niya sa kusina. Kasunod niya si Goliath.

Hawak ni Yorme si Tonton sa kamay nito na bumitaw agad at mabilis namang tumakbo palapit kay Rum.

"Momma!"

Napangiti si Rum at umuklo para buhatin si Tonton. Napangiti naman ako dahil doon.

"Prof. David, magandang gabi po. Ano pong sadya niyo rito?" magalang na tanong ni Rum dine.

"May bago kayong kliyente."

Nagkatinginan kaming lima. Si Tutti naman biglang umawra kaya napahagikhik ako.

WE ALL MET Akhem Ali at the lobby, an undead by kind.

"Undeads are beasts in legends and mythology that are deceased but they still behave as if they were alive. They're like reanimated corpses or some sort," paliwanag ni Queen sa hindi niya nalilimutang mga detalye.

Akhem was supposed to graduate from UP's College of Medicine at the end of this school year if he wasn't killed by the policemen who cornered and forced him to confess about his father.

"Kung hindi mo mamasamain ang tanong ko, totoong bang lider ng rebeldeng grupo ang tatay mo?" magalang na tanong ni Rum sa kanya na sinabayan pa nito nang malumanay na ngiti upang pagaanin ang loob niya.

"Nine, ten, eleven..." pabulong pagbibilang ni Tutti sa segundong delay nang pagsagot ni Akhem sa tanong.

Napabuntong-hininga ang kliyente namin.

"That's an answer so I guess it's thirteen seconds delay and it's a yes," pag-aanalisa ulit ng kaibigan ko.

"Iyon nga isa sa mga kinatatakot ko..." patuloy ni Akhem.

"Kapag nalaman ni papa ang nangyari sa akin ay natitiyak kong gaganti siya. Hindi biro ang hukbo namin. Naninirahan kami sa mga kabundukan dahil nga sa lahi namin. Iyong mga hindi pa namamatay ang siyang naririto sa siyudad at namumuhay nang normal. Nangangamba akong baka lusubin niya... nila ang siyudad upang ipaghiganti ako. Matindi ang kaya nilang gawin kapag nagkataon dahil nga kami ay hindi pangkaraniwang nilalang."

"What is your final wish, sir?" nakangiting tanong ng aming funeral director sa kanya.

"Help me stop my father from attacking the city and from punishing my killers. I want justice for my death but I also want to do it in the right way. Please help me."

Rum stood up and shook hands with him. "We will promise you that, sir."

DALI-DALI KAMING BUMABANG mga babae sa lobby dahil naiinip na kahihintay sa amin si Dean. Naka-PE uniform kaming lahat.

Nasulyapan ko pa si Tutti na nahihirapang isara ang bag niya na nakasukbit sa isang balikat niya dahil may hawak-hawak din siyang toasted bread. Lumapit ako at isinara iyon.

"Mercí," ngiti niya sa akin. Napangiti na din ako.

"Sinong may-ari nito?"

Napalingon kaming tatlo kay Dean nang magtanong siya. Seryoso din kasi ang tono niya kaya lalo niyang nakuha ang atensyon namin. Titig na titig siya sa maliit na gold pin na may carvings ng isang dragon na nakapulupot sa isang raven at nasa loob ang mga ito ng bilog.

"Saan mo nakuha 'yaan?" tanong ko sa kanya.

"Napulot ko sa sahi-" naputol ang sasabihin ni Dean nang hablutin iyon ni Tutti.

Mabilis namang nahuli ni Dean ang pulso nito. Naalarma ako nang mapansing sobrang diin n'on dahil nakikita ko nang namumula ang pulso ni Tutti.

"Sino ka?" seryoso at may pagbabantang tanong ni Dean sa kaibigan namin.

"That question is so stupid. She's Tutti, the Chinese nuno. Now, let her go," ani Queen at lumapit nang maalarma na din.

Seryoso at hindi pa din napuputol ang matalas na titigan ng dalawa. Kinakabahan ako sa nangyayari.

"Dean, tama na," pigil ko na din sa kanya kasi mukhang wala siyang balak bitawan si Tutti.

Hindi nakinig si Dean sa akin pero walang kahirap-hirap na inagaw naman ni Tutti ang pulso niya at itinago sa likuran niya.

Nagpalipat-lipat ang tingin namin ni Queen sa dalawa. Ramdam na ramdam namin ang tensyong namumuo sa dalawa hanggang sa hilaw na natawa si Dean. The laugh that's really humorless yet mocking.

"Kaya pala... Kaya pala ang galing-galing mo sa lahat ng bagay."

"What the fuck are you talking about, Alladean?!" naiinis na tanong ni Queen sa inaasta niyang kakaiba.

"Circumdraven," sambit ni Dean habang nakatitig pa din sa tahimik at seryosong si Tutti. This is not really the typical loud and bubbly Chinese friend I know.

"A secret Russian organization that go against all the governments in the world. They hired and trained kids to produce the world's best and most skillful assassins, thieves, hackers, spies, and hitmen. After years of finding further evidences, the military forces stopped searching. Magaling silang magtago at magligpit ng kalat kaya inakala ng lahat na hindi naman talaga sila totoo."

"That symbol is confidential. Walang nakakaalam niyan maliban sa parte ng specialized military forces na tumutugis sa kanila at sa mismong kasapi ng organisasyon. Bakit may ganyan ka kung gan'on?" tanong niya ulit kay Tutti.

"Tangina, bakit may ganyan ka?!"

Napatalon kami bahagya ni Queen sa tigas at lakas ng pagkakatanong ni Dean kay Tutti. The latter's face was devoid of any emotions.

"Dean, kumalma ka, please..." pigil ko sa kanya nang akmang susugurin niya ulit si Tutti at pipiliting umamin.

"Sabihin mo, ilan na? Ilan na ang mga taong ninakawan, binaril, at pinatay mo?!"

"Dean, tama na," ulit ko at niyakap siya sa beywang. Naiiyak na ako pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Are you really part of them?" tanong ni Queen kay Tutti na hindi naman sumagot.

Napasinghap si Queen at pumagitna na sa aming lahat.

"Stop it, Dean, will you?! Can't you talk to her calmly?"

"Mamamatay-tao 'yan, Queen! Kriminal, hindi mo ba naiintindihan?"

"She's not telling us anything yet, so do not assume things."

"Nag-aaway ba kayo?" tanong agad ni Rum pagpasok niya ng lobby.

Umayos ako nang tayo at inayos din ang sarili. Nagkatinginan kami ni Queen. She subtly nodded her head at me, asking me to explain everything to Rum since he believes in me.

Sinulyapan ko ulit ang dalawa. Dean was still glaring at Tutti while the latter slightly lowered her head.

"Hindi," sagot ko naman.

I controlled myself just so I could not bite my lips because it would give away my uneasiness. Queen subtly widened her eyes on me to urge me to talk more.

Napapikit ako sabay buntong-hininga't pinaraanan ng palad ang sentido ko habang nakapameywang ang isang kamay at hinanda ang dahilang naalala ko mula sa pelikulang Four Sisters and a Wedding saka ako nagpatuloy sa pagpapaliwanag. Bahala na...

"Naglalaro lang kami ng... charades, Rum."

He eyed us one by one. Abot langit ang kaba ko habang ginagawa niya iyon. Ayoko talagang magsinungaling sa kanya.

Maya-maya pa ay dahan-dahan na siyang tumango. "Kanina pa ako naghihintay sa labas. Umalis na tayo."

♦♣♥♠

Ibinaba ng nuebe-anyos na si Tutti ang eco bag na nakasukbit sa balikat niya pagkauwi niya ng bahay. Ito na ang nagsisilbing bag niya pang-eskwela matapos sunugin ng nanay niya ang backpack na regalo ng Aunt Jody niya. Ayaw kasi nitong nag-aaral siya.

"Nay, ano pong gusto niyong ulam?" bulong niya sa sarili pagtungtong niya sa silya upang abutin ang lababo, kunwari ay kinakausap kuno ang ina.

"Ha? Hotdog?" tawa niya pa.

"Si mama talaga joker. Wala po tayong karne pero marami po tayong de lata kaya ito na lang."

Tumingkayad pa siya upang abutin ang sardinas mula sa cupboard. Pagkuha niya n'on ay bumaba siya ng silya at nagsaing na para sa hapunan nila.

"Kailangan natin ng mga bagong batang recruit, Tatiana."

Dumikit si Tutti sa siwang ng pinto na pumapagitan sa kusina at sa sala nila upang silipin ang nangyayari roon. May kausap na lalaki ang kanyang ina. Tatiana subtly spared her direction a look before facing the man again to answer.

"I have a new recruit."

The underground fight for kids wasn't enough for Tatiana. She signed up her own little daughter to the deepest pits of despair and darkest chambers of evilness.

"Isn't she too small?"

"She'll prove you that she can do it, Señor."

Tatiana turned to Tutti and held her tightly by the arms. "Make me proud, Tuttieana. Naiintindihan mo ako? You have to make me proud."

Tumango si Tutti at sinunod nga ang gusto ng ina. She did good in the training. She practiced the art of not crying and enduring the pain. Her skillfulness was immediately noticed by Señor, the highest head of Circumdraven.

Their organization reserved rankings for the best trainees. Alabaster, Señor's adoptive son, served as the leader and the best in their squadron. Tutti's skills afforded her the name Uno. Rolyn, who has a bad blood towards her, earned the second rank and was then called Dos and the list goes on until Cinco.

"Proud na po ba kayo sa akin?" Tutti once asked her heartless mother after the many years in the organization, practising illegal and unethical works.

"Konti pa," was her cold and laconic reply.

The training goes on for Tutti. She travelled to Russia every vacation and Tatiana would disguise it as part of her studies, especially when they got into the lives of Sandros.

She can indeed do and excel in everything that's part of her training. She even proved her greatness on real hacking and stealing missions, but not until...

"The British Prime Minister spotted. He's with his daughter," aniya sa Bluetooth operated speaker niya habang nakapuwesto sa pinakatuktok ng building na kaharap ng kinaroroonan ng mga target.

"You know what to do," sagot naman ni Alas sa kabilang linya.

Tutti positioned her sniper riffle and directed its telescopic sight at the center of the daughter's head for the precision of her attack.

The daughter looked up to her father and smiled sweetly. She was just eight or nine based on Tutti's calculation, very much like the age when she started training.

She then realized that not all people shared the same sort of childhood. Some were showered with love and kisses while the unfortunate ones like her were drained in blood and sweats as they worked their way towards success. In her case, towards her mom's acceptance and love.

"What are you waiting for?! Do it now, Uno!" Dos ordered impatiently from the other line.
   
Tutti breathed in and out slowly until she put down her weapon. "I can't do it, Alas."

She just can't kill.

She doesn't want to...

Lumabas si Alas mula sa pinagtataguan at kinasa ang kanyang pistol saka nilagyan ng silencer at itinutok sa direksyon ng bata.

"You do it or I'll end them both. I will leave no trace and mercy, Uno."

Napapikit si Tutti at muling kinuha ang sniper rifle saka itinutok muli sa bata. Mamamatay ang mag-ama kapag si Alas ang gumawa ng trabaho niya at higit sa lahat ay mapaparusahan siya nang malaki ni Señor kapag hindi niya iyon nagawa.

"You know, Señor. He gives no mercy to anyone," paalala ni Alas na nag-aalala rin sa maaaring kahihinatnan ni Tutti kapag nabigo siya sa misyong iyon.

Señor can literally reap souls because he's one of the sons of the Pilgrim Reaper. It's also one of the reasons why Circumdraven is so difficult to track and catch.

They recruit unique individuals and develop their abilities into their fullest potentials in order to use them against the org's archnemesis governments.

Nanginginig ang mga kamay na pinutok iyon ni Tutti sa direksyon ng bata. Everything went so fast. Nagkagulo ang mga tao at nasaksihan niya pa kung paano iyakan ng ama ang anak nitong ngumiti nang matamis sa huling pagkakataon bago siya hinatak ni Alas upang tumakas doon.

Nawasak ang puso niya ng araw na iyon at nagsimulang kamuhian ang sarili. Ang pangyayaring iyon ang nagsilbing bangungot na laging bumibisita sa gunita niya sa tuwing unang araw niya sa isang lugar. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya magawang makatulog sa tuwing nasa panibagong lugar na naman.

"British Prime Minister Philippe Doyle grieves over the death of his daught-"

"Ang dapat sa'yo, ibaba ang ranggo. Señor should just send you to hacking and robbing missions because you're a weakling when it comes to assassination," panunuya ni Rolyn kay Tutti pagkatapos niyang i-off ang telebisyon.

"Kung tinodo mo lang ang paggamit ng Kojic noong jeje days mo, e, di sana nakuha mo na ngayon ang pangarap mong nag-glow up," Tutti retaliated in her own vocabulary while munching on her dinner. She's taunting Rolyn that she should have given her best during their trainings before so she could have the first rank instead.

Rolyn didn't understand a thing about what she said but she was sure it sounded mocking so she glared at her.

"You're not like us, Tutti. You will never be like us. Nagtataka ako kung bakit sa lahat ng mga espesyal na recruits sa squadron natin ay ikaw ang napili na Uno. You're just an ordinary girl who stands at 5'3," said she while showing Tutti the black flames dancing in her hand.

"You're right. I will never be like you. If killing is as easy as praying for you then we're indeed living in two entirely different worlds. You don't have a heart that hopes for love and a soul that values life. Mine are still intact," she smiled at her before standing up and leaving the room with her dinner in hand. She'll just eat someplace peaceful.

"Ma, proud na po ba kayo sa akin?" tanong muli ni Tutti sa ina.

Tatiana didn't even bother sparing her daughter some of her iconic icy look this time.

"Konting-konti pa."

Tutti put down her Circumdraven badge atop the mahogany table and that's when Tatiana really looked at her.

"Ayoko na, ma. Pagod na ako... Suko na ako... Hindi ko na kaya..." Hindi na kaya ng puso at konsensya niya ang masasamang ginagawa, lalong-lalo na ang pagpatay.

"You're a coward just like your father."

"Kapag ba sinabi ko sa'yong mahal kita pakikinggan mo ako?"

Hindi sumagot si Tatiana.

"Araw-araw mo man akong itakwil, araw-araw din kitang pipiliin kasi mahal kita... Ma, mahal na mahal kita. Kahit... Kahit huwag mo nang suklian. Masaya na akong nalaman mong nandito lang ako. Pero tama na, ma..."

"Binuking mo ako kay Sebastian," mapanuyang ngisi ni Tatiana sabay hila ng drawer niya at hugot mula roon ng pistol saka ipinutok sa direksyon nang kakapasok lang na si Governor Sebastian na kanina pa nag-aabang sa labas ng pinto.

Mabilis namang kumilos si Tutti upang pumagitna at saluhin ang balang para sana sa lalaki.

Tumakas si Tutti sa ospital pagkatapos ng operasyon niya sa pagtatanggal ng bala sa balikat niya. Si Wordsworth at isang pulang hoodie lamang ang dala niya nang tunguhin niya ang Torture Chamber for Beasts kasama si Dr. Mal Portofino. It's located on a secret place called Abseiles.

"This beast chamber is equivalent to human prison. This is where beasts who committed heinous crimes pay for all of it. You will be given amnesty for surrendering and turning yourself in to them. Dalawang buwan at makakalaya ka na. Mababawasan narin ang sentensya mo sa kabilang buhay pagkatapos n'on. Promise me you'll be strong in those times."

Ngumiti si Tutti at tumango. Hindi sila malapit ni Dr. Mal sa isa't isa pero tinulungan siya nito sa gusto niyang mangyari nang minsan siyang magpa-counsel sa UP. Gusto niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya sa lupa. She knew about beasts because most of her encounters from Circumdraven are from unusual creatures.

Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit pinagpipilitan ni Dr. Mal na isa rin siyang beast. Sa tuwing tinatanong niya naman ito ay sumasagot lang ito ng ngiti at sa tamang panahon daw. Hindi pa kasi alam ni Tutti sa mga panahong iyon na kasamahan ni Dr. Mal ang ama niya noon sa afterlife bilang guardian at siya ay second-blood na. Gayunpaman ay tinanggap parin nito ang tulong ng ginang upang mapagbayaran niya ang mga kasalanan niya. She asked Dr. Mal not to tell anyone about her whereabouts, most especially Rum because he will not surely approve of this if ever he finds out.

In there, she experienced all kinds of torture. From thorn whips, branding irons, and many more. These punishments made her scream, wounded, scarred, exhausted, and burnt but she never did cry regardless of the degree of pain it brought her. Truth is, physical cuts and bruises will heal in time, but no amount of medicine would remedy a broken heart and soul.

Pagbalik nang duguang si Tutti sa selda niya ay binigyan siya ng kahon ng first aid at sinulid saka karayom upang tahiin ang mga malaking sugat niya sa likuran. Nanginginig man ang mga kamay ay tinapangan niya ang sarili upang matahi ang mga iyon bago magka-inpeksyon. Napapasinghap at tiim-bagang siya sa sakit na dulot ng karayom sa tuwing tinutusok niya iyon sa kanyang balat.

She would sing their friendship song and favorite song every now and then to calm herself. Nakahiga siya sa malamig na papag habang yakap nang mahigpit si Wordsworth habang kumakanta at inaalala si Rum sa bawat liriko n'on.

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay... na tinuruan mo ang puso ko... na umibig nang tunay..." malat ang boses na pag-awit niya habang ginugunita sa isipan ang sinisinta at ang mainit nitong yakap na laging nagpaparamdam sa kanyang hindi siya nag-iisa.

Namimiss na niya ang Momma Rum niya...

Namimiss na niya ang Charmings, ang pamilya niya...

Pagkatapos ng dalawang buwan ay natapos na rin ang sentensya niya. May black eye sa kanang mata, putok ang labi, puros galos ang mukha, may mga paso sa balat, mga pasa sa katawan, at malalaking sugat na tinahi sa likod. Iyon ang itsura ni Tutti ng mga sandaling iyon.

Tumayo ang tagapamahalang beast na si Zoraida at kinamayan siya.

"Congratulations, you've finally completed your sentence. We have also reduced your punishment in the afterlife."

Napangiti si Tutti sa tuwa sa narinig. Inisip niya na kahit nagmukha siyang talunan sa boxing laban kay Manny Pacquiao ay ayos lang. Kung tutuusin ay kulang pa raw iyon sa lahat ng mga nagawa niyang kasalanan.

Nagulat na lang si Tutti nang makaramdam ng gaan at ginhawa habang kinakamayan parin ni Zoraida. Pagbitiw nila sa isa't isa ay nagulat si Tutti nang makita sa de salaming bintana sa gilid na bumalik na sa dati ang itsura niya. Iyong bago pa siya pumasok sa Torture Chamber. Lahat ng sugat, galos, at pasa ay nawala na.

She looked at Zoraida who nodded at her smilingly. She smiled gently then uttered wholeheartedly, "Maraming salamat po."

Hindi na bumalik pa si Tutti sa Circumdraven. She did her best to hide from the organization because of their 'death is for those who leave' golden rule. Tutti still wanted to live her life the second time around.

"How's dyeing your hair makes any difference in your hide and seek drama?" tanong ng kanyang Aunt Jody na kinukulayan ng ash blond ang mahaba niyang itim na buhok. It's been two days since her release from the Torture Chamber.

"Sabi ni Alas, black and white lang daw ang nakikita ni Señor. He couldn't even see our faces clearly so he identifies us through our hair color."

"Paano naman ang ibang kasapi ng organization?" nag-aalalang tanong ni Jody sa pamangkin.

"Tanging ang squadron lang namin ang pinakilala sa amin, and our squadron's only composed of six people. Isang squadron leader at limang tao na papangalanan base sa ranggo nila mula uno hanggang cinco. Ang ibang kasapi ay hindi namin kilala. I think that's a strategy also in order for us not to really get caught if one decided to betray the organization," paliwanag naman ni Tutti.

"Ikaw si Uno, 'di ba? Kung hindi si Señor ay baka tutugisin ka ng iba pa."

"Alas, the one I told you who I considered as an older brother there, promised that he will support me in my decision and will do his best to keep them away from me and my loved ones once I leave the org- Aunt Jody, may saging ka pa po?"

"Jusmiyo kang bata ka! Naubos mo 'yong isang sipi ng saging kakakwento sa akin!"

Natawa na lamang si Tutti at nangakong pupunta agad siya ng palengke pagkatapos ng pagkukulay sa buhok niya para bumili ulit ng saging. That's also the same day when the Charmings found her.

                 •|• TUTTI •|•

IT'S BEEN TWO hours since I sat here on the street side. I was hugging my legs while my forehead rested atop my knees.

Mga tunog ng gulong na tumatama sa sementadong kalsada at iilang businang nagmumula sa mga sasakyan ang tanging naririnig ko. Nariyan din ang mga taong nag-uusap sa paraang pabulong man o nagsisigawan na dumaraan sa aking tapat. Sa maingay na mundo, tahimik na nabibiyak ang puso ko.

The disgust and hatred on Dean's expression and the look of confusion and dread on Snow's and Queen's faces made me want to curse my entire being.

"Mamamatay-tao 'yan!"

"Kriminal!"

I hugged my knees more. I understand them, though. No one in their right minds will take a criminal for a friend.

Ayos lang. Sanay naman na ako.

Nanay ko nga ayaw sa akin, ibang tao pa kaya.

Pero hindi ibang tao ang Charmings...

They are my family.

The rain started pouring. Whenever I am suffering from a heartache, the heavens will always cry for me.

I stood and ran as fast as I could to reach His home quickly before the skies completely turned dark and hazy. I knocked three times on the huge wooden double doors which immediately swung open.

"Tutti, hija! Bakit basang-basa ka?" Father Frodo asked worryingly.

I smiled at him weakly while embracing my body, perfectly aware that I am soaking wet and almost freezing.

"Pwede ko po ba Siyang makausap?" I asked him.

Father Frodo nodded and opened the church door wider to let me in.

"Kukuha lamang ako ng tuwalya, hija," paalam niya.

I nodded and faced in front when he left for a dry towel. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa altar, papunta sa Kanya.

Nanghihina akong napaluhod pagkarating ko roon.

Ramdam ko ang panginginig ng mga labi ko at ang bigat na dinadala ko sa loob.

I want to let them all out.

Gusto kong umiyak...

Parang awa Niyo na Po...

"Patawarin Niyo Po ako..." I croaked.

Biglang umalog ang mga balikat ko hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakadapa sa may altar habang umiiyak...

"Sumali ako sa isang masamang samahan para sa nanay ko, nagnakaw ako para mabuhay, at pumatay para may mapatunayan... Gusto ko Pong malaman Niyo na hindi ko ginusto lahat-lahat ng iyon... Sorry Po kasi masama akong tao... Nagsisisi na Po ako sa lahat-lahat..."

"Walang-wala na Po ako... Pero ayos lang Po kasi masama naman ako..." I tried laughing it off to lessen the pain but I failed.

"Alam Niyo Po, pakiramdam ko laging may kulang, may mali sa akin... Kasi ayaw ni mama sa akin, e... Kahit anong sipa niya sa akin palayo, bumabalik parin ako. Kahit anong sama ng trato niya sa akin, tinitiis ko. Kasi Po... Kasi umaasa akong baka balang araw magiging masaya kami ng tanging pamilya ko..."

"Pero hindi ko Po inakala na sa ibang tao ko pala mahahanap ang pagtanggap at pagmamahal na matagal ko nang hinihintay..." I cried out loud when I thought of the Charmings.

"Sana Po... Sana Po mapatawad Niyo ako ng Charmings. Walang-wala na Po ako pero iyon lang Po ang hihilingin ko... Sila na lang Po kasi ang mayr'on ako..."

I felt being covered by a dry towel at my back then a hand gently caressed my hair as it also softly touched and tended my bleeding heart.

"Umuwi na tayo, doll."

I looked at him who smiled thoughtfully at me.

"Galit si Dean sa akin... Baka ayaw na nila sa akin..."

"May natatandaan ka bang may sinabi silang ganoon sa'yo?" he asked me softly, still caressing my hair.

I slowly shook my head. He smiled at me.

"Pero masama ako, Rum. Mamamatay-tao... Kriminal..."

"We all make mistakes, doll. Even angels aren't perfect. But the most important thing is that we admit our wrongs, accept our faults, regret them, ask for forgiveness, and learn from that experience. Trust me, that's already enough for Him."

                 •|• SNOW •|•

MATINDI ANG PAGKAGAT ko ng labi habang hinihintay namin si Tutti na sagutin ang tawag ni Queen.

"Awhile ago, she's not answering it and now she's out of coverage. What is happening to this nuno? I'm worried..." mahinang aniya habang dina-dial ulit ang numero nito.

Rum opened the shotgun seat and took his satchel then slung it on his shoulder. Kanina pa siya nakatayo sa labas ng Jeep Wrangler at hinihintay si Tutti.

"Hahanapin ko siya. Mauna na kayong umuwi. Mag-iingat kayo," he smiled at me.

"Dean," he called the silent one on the driver seat without looking at him either.

Kanina pa din siya tahimik habang hawak ang manibela at nakasandal naman ang siko sa may bintana sa banda niya.

Hindi sumagot si Dean.

"She's not just our friend."

Rum drifted his attention onto him. "She's our family," he smiled.

PAG-UWI NAMIN NG Island Overlook ay paulit-ulit na sinasapak ni Queen ang ulo ni Dean samantalang namura naman ang huli.

Napapahagikhik na din ako habang nagluluto ng bihon para sa hapunan. Nilahugan ko pa iyon ng maraming sangkap para kapag umuwi si Tutti ay ganado siyang kumain ng isa sa mga paborito niyang ulam.

"Putangina, Queen! Nakakarami ka na!" pasinghal na reklamo ni Dean. Sinapak ulit siya ni Queen.

"Sorry, can't help it," ani Queen sabay taas bahagya ng mga kamay, sumusuko na.

"If something bad happens to the nuno then it will be your fault. Remember that, stronzo," banta pa nito sa kanya.

"Tsk."

"I'm serious, Alladean. Tutti only stands at 5'3 with low sense of direction and a Chinese."

"Anong kinalaman n'on sa Chinese?"

"None, I just thought the world hates Chinese because they're so kuripot."

"Sus, assassin 'yon. Kayang-kaya n'ong lumaban," giit pa ni Dean. Sinapak ulit siya ni Queen gamit ang pinarolyo nitong magazine. Napahagikhik naman ako.

"James Bond's an excellent spy, Captain America's a mighty supersoldier, Professor X is an amazing mutant, and Superman's a powerful superhero, but guess what, they all bleed and get hurt just like all ordinary human beings."

Natahimik si Dean at binalingan ako. I smiled at him and nodded.

Lahat ng nilalang, mapa-tao man o beast ay nasusugatan at nasasaktan, hindi man sa paraang pisikal pero maaaring sa isip at damdamin.

"Charmings," nakangiting tawag ni Rum sa amin pagpasok niya ng kusina.

He stepped aside pero nadala niya si Tutti na nasa likuran niya dahil nakakapit ito sa PE shirt niya. He chuckled softly and slowly nodded at her. May tuwalya pang nakasabit sa balikat nito.

Napatayo si Dean at tinakbo naman namin ni Queen ang distansya papunta kay Tutti upang yakapin siya nang mahigpit.

"Don't do it again, nuno! You're making us all worried," ani Queen pagbuwag niya ng yakapan saka pinisil ang magkabilang pisngi ni Tutti.

Napansin ko ang pag-aliwalas ng mukha nito sa narinig.

"Talaga?"

"Of course! Duh!"

Tumingkayad si Tutti para bumulong kay Queen pero napangiti ako nang marinig iyon. "Sige pero sabihin mo muna salamat beeeh..."

"Eww..."

Tutti chuckled. Napapangiti naman ako sa nakikitang panunumbalik ng sigla niya.

Napatingin kaming lahat kay Dean nang tumikhim siya.

"Nadala lang ako kanina. Sorry talaga, tiyanak. Sana patawarin mo ak-"

Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Tutti. Nagkatinginan kami nina Queen at Rum saka nagngitian. Dean smiled and hugged her back.

"We Bare Bear hug na ba ito?" tawa ni Tutti.

We chuckled and joined the both of them for a warm group hug. I love these people.

We are the Charmings and this is our family.

•|• Illinoisdewriter •|•

Hello, Charmings! ✨

I am so sorry for the late update. If you want to get spoiled and always keep updated, just visit my fb page Illinoisdewriter's Republic. 😊

Know that you're making me smile by hitting the star button and sharing your thoughts! 💕

P. S. I love reading your theories. Just one more little detail and someone will get all the card suits right. I'm now thinking on what prize I should be giving the winner if ever. Love you, Charmings! Sayonara! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top