Episode 53: A Lady In (Part 2)

Episode 53: A Lady In (Part 2)

                 •|• SNOW •|•

PANAY ANG KANTA namin ni Tutti habang natakbo ang kotse. Napahagikhik pa ako kasi panay din ang irap ni Queen sa gitna namin.

Napatili kami ni Tutti nang pinatunog ni Rum ang Growing Up ni Gary V mula sa cellphone niya na naka-connect naman sa stereo ng kotse. Iyon kasi ang theme song naming Charmings.

Nagkangitian kami ni Tutti at saka sabay na kumanta.

"Here's to the old times and the best of new ones
Here's to a song of glee..."

Maya-maya pa ay sinabayan na din kami ni Rum mula sa front seat.

"Finding our way from illusions to realities
Hoping to wake up from this madness
Hoping to see you smile..." Sabay posisyon ni Tutti ng palad sa ilalim ng baba ni Queen na nairap ulit. Napahagikhik naman ako.

"Pushing our way to the limit of yours and mine..."

Ginawang mic ni Tutti ang hawak niyang maliit na suklay para sa bangs niya habang nakaharap kay Queen at inaaya itong kumanta din. Si Dean sinabayan na din kami sa parteng memoryado niya. Napangiti na lang ako.

"I'm growing up, getting down
Putting my both feet on the ground
With all my friends behind me
How can I go wrong this time?
I'm growing up, getting down
Think of reality came around..."

Inilapit ni Tutti ang kunwari ay mic niya kay Queen na umirap ulit pero napabuntong-hininga na saka sumama na sa amin sa pagkanta.

"Not just waiting for the daybreak
Expecting the sun to shine
It doesn't shine all the time..."

Umaapaw ang kaligayahan ko ngayon habang kasama sila. The Charmings are everything I could ask for. They gave me not just friendship but also a warm home and a solid family.

Napasinghap ako at kinagat agad ang labi upang hindi nila mapansing nagiging emosyonal na ako sa tuwa.

"Hala, beh... Bakit ka naiiyak?" tanong ni Tutti sa akin na natigil na sa pagkanta sa pag-aalala.

Si Queen napabaling na din sa akin. Maging si Rum sa may harap ay napalingon sa pag-aalala.

"Tangina, sinong umaway sa kanya?"

"Ano ka ba, Dean, wala. Masaya lang ako kasi hanggang ngayon magkakasama pa din tayo..." pag-amin ko.

Napangiti sina Rum at Tutti, tila naaantig din. Niyakap ako ni Queen gamit ang isang braso niya habang hindi makatingin sa akin. Napahalakhak ako nang mahina. Hindi siya sanay magcomfort.

"Just don't talk, okay?" she told me as she gently caressed my arm.

I laughed a bit and nodded at her.

"I'm growing up- putangina talaga!" Natawa kaming lahat nang pumiyok si Dean na biglang sinabayan ulit ang chorus.

"Huwag ka kasing mauna," hagalpak ni Tutti pagkatapos siyang tapikin sa balikat.

"Hayaan mo na, Dean. Magaling namang kumanta si Snow. Siya na tutubos sa'yo sa videoke," pahabol pa niya sabay tawa ulit.

Napahagikhik na lang ako at inabot ang braso ni Dean saka hinaplos iyon bilang suporta.

"You're not really meant for singing, for wrestling and bullying maybe," segunda pa ni Queen.

Maya-maya pa ay dumating na din kami sa hotel na nakasaad sa invitation. Doon lang din namin nalaman sa may front desk na pagmamay-ari pala ng Pamilya Limjuco iyon.

"Ma'am, can we talk to Mr. and Mrs. Limjuco?" tanong ni Rum sa babaeng nasa front desk na sinamahan niya pa ng magalang na ngiti. Namula naman agad ang mga pisngi nito.

"Sir, I am very sorry but the owners are busy preparing right now due to the wedding tomorrow-"

"Yes, my dearest guests, are you looking for me?" tanong ng babaeng nakapulang bestida na huminto sa gilid ng front desk.

Tinanggal ng babae ang suot niyang shades at isinabit iyon sa handle ng kanyang handbag na tiyak kong mamahalin dahil may tatak itong Dior na nakita ko na noon kay Queen.

"Good morning, madame. We are Dr. Malefecia Portofino's representatives for tomorrow's wedding. We're looking for Mr. and Mrs. Limjuco for we have some matters to ask," magalang na pagpapakilala ni Rum sa kanya.

"Oh, I see. I am Mrs. Ruthy Limjuco. Where is Dr. Portofino now? Busy?"

"She already passed away months ago, madame."

Napaawang ang bibig ng ginang sa gulat.

"I'm so sorry and my condolence. Why do you want to talk to me? My husband's condition is very delicate so you'll not find him roaming around here."

"We would just like to ask about the deceased for this ghost wedding, madame."

Batid kong parehong nagulat si Mrs. Limjuco at ang nakikinig na front desk sa inihayag ni Rum. Nahuli ko pang lumunok ang ginang bago nagsalitang muli.

"Who told you that?" medyo napalakas niyang tanong. Napapikit pa ng isang mata si Tutti dahil doon.

"It's indicated on the wedding invitation, madame. Here," ani Rum sabay abot ng invitation sa ginang na maagap naman nitong binasa.

"Walang nakalagay dito, hijo. Paano mo nasabi iyon?"

"Po? Lahat po kami nabasa 'yon. Paanong nangyaring walang nakalagay d'yan?" singit ni Tutti sabay tingkayad upang silipin ang invitation card.

Natigil lamang siya sa ginagawa at nagpeace sign kay Rum sabay ngiti nang balingan siya nito para sa biglang pagsabat niya sa usapan nila.

"Madame, it's true. All of us read it and that's why we're here to ask about it and to help Maye-"

"Hijo, walang nakalagay dito na kahit ano. I don't know where you get that information from but I tell you right that it's not true. Everything's perfectly fine for tomorrow's wedding. Please don't make a scene or I will have to make a difficult decision of throwing all of you out of the guest list for tomorrow's event and in this hotel."

Binalingan ni Mrs. Limjuco ang front desk at nagpatuloy sa pagsasalita. "Send them to their rooms now. Give them the best accommodation we have here."

Sinuot niyang muli ang shades at hinarap kami. I heard Queen tsked on my side at that gesture.

"Rest well for tonight, my dearest guests. Tomorrow will be the day," paalam niya at iniwan kami doon matapos ibalik kay Rum ang invitation.

Nagkatinginan kaming lima. We are very sure of what we read in the wedding invite. It's a ghost wedding. Pero bakit biglang nawala iyon doon?

"Ma'am, sir, this way, please," tawag sa amin ng front desk na pinalitan na ng kasama niya upang magbantay doon para masamahan niya kami.

"Something's not right here," bulong ni Rum at sumunod na sa babae.

Tumango kami pero tahimik din na bumuntot sa kanya.

"I want to avail your most expensive wine here. Make sure you will send it to our room right after this," Queen ordered the lady.

"Queen..." Rum called her warningly.

"What? I just want some wine. I'm so thirsty na."

"But you can ask more politely," Rum smiled at her encouragingly.

Queen rolled her eyes and turned to the lady to say, "Please..."

Napatingin naman ako kay Dean nang pinagsalikop niya ang mga kamay namin.

"Nasa elevator pa lang tayo pero tangina ang lamig na. Pahawak, love. I need the warmth of your love," kindat niya sa akin. Kinagat ko ang labi at bahagya siyang siniko sa pagpipigil ng kilig.

"Ang smooth at speed talaga ni Boy Banat. Iba ka, lods," halakhak ni Tutti sa likod namin habang itinataas-baba ang mga kamay at yuko ng ulo na para bang nagbibigay pugay kay Dean. Natawa na lang ako at hinampas si Dean sa braso niya.

"Hindi mo naman na kailangan bumanat, love. Tinitingnan pa lang kasi kita nahuhulog na ako," pabirong kindat ko sa kanya na talagang ikinagulat niya. Natawa na lang ako.

"Eww, so baduy naman this couple."

Napalingon ako sa kanila sa likod at natatawang nangiti na lang.

"Alamaaak! Is this true, beh?! Girl Banat ka na rin ngayon?! Ma-try nga..."

Tutti tugged the sleeve of Rum's polo shirt. He looked down at her. Nangiti naman si Tutti sa kanya, labas ang mga ngipin.

"Nasabi ko na ba sa'yo kung gaano kita kamahal?"

"You're not getting any McDonald's," pambubuko ni Rum sa totoong intensyon niya.

Natawa kaming tatlo sa dalawa. Umawra saglit si Tutti habang nairap saka harap na sa amin.

"Nakakagutom palang sumakay ng elevator," bulong niya.

Nahiwalay na kaming mga babae sa mga lalaki para tunguhin ang magkaibang hotel rooms namin. Malapit kami sa may elevator pero kina Dean naman nasa pinakadulo pa.

Simple lang ang hotel room namin. May king size bed na kasya kaming tatlong mga babae at ilan pang basic furniture. Hinawi ko ang makapal na kurtina bahagya pagkatapos kong magsuot ng puting cardigan at natantong kaya pala lumamig kasi maliban sa aircon ay gumagabi na.

"Nagugutom na ako! Wala bang may birthday d'yan?!"

Napalingon ako sa banda ni Tutti at naabutan siyang ibinagsak ang sarili pahiga sa malaking kama namin saka sinipa-sipa ang mga paa sa hangin na parang nagmamaktol na batang nagugutom na talaga.

"Their hotel service sucks! Where's my wine now?" himutok naman ni Queen sabay lakad palapit sa may bedside table at dial sa telepono.

"Baka dinadala pa dine, beh."

She sharply turned to me when I called her that. Nakagat ko na lang ang labi upang magpigil ng ngiti.

Sinagot agad nang walang prenong reklamo ni Queen ang kabilang linya. She ordered wine and foods for Tutti.

"Mamma mia, finally!" sambit ni Queen sabay tayo at lakad sa may pinto nang may kumatok doon.

Mabilis namang tumayo si Tutti at sumunod sa kanya. Binuksan ni Queen ang pinto at kaagad na pumasok ang bellboy na tulak-tulak ang cart na may lamang pagkain at wine.

"You've made me wait for you. Gosh, I'm so thirsty na!" ani Queen at hinablot na ang wine bottle at wine glass.

Tumunog ang cellphone ni Tutti kaya sinagot niya ito at ni-loudspeaker dahil abala rin siya sa kasusuri ng pagkain niya.

Kumunot ang noo ko sa bellboy kasi kanina pa siya nakayuko.

"Doll, magkasama ba kayong tatlo?"

"Opo, mum."

"Putangina!"

Kinabahan naman agad ako nang marinig ang mura ni Dean sa kabilang linya at kasunod niyon ay tunog nang malakas na pagkakahampas ng kung anuman sa pader.

"Listen, keep your doors locked. Huwag kayong magpapapasok ng kahit na sinuman."

Nagkatinginan kaming tatlong mga babae. Napatigil din sila sa mga ginagawa nila.

"Huwag kayong lalabas hanggang hindi pa kami nakakarating ni Dean d'yan. Inaatake kami ng mga Leviathans."

Namilog ang mga mata ko nang nahuli ko ang pagngisi ng bellboy. Tutti quickly turned off the call and kicked the cart, also pushing the bellboy almost out of the room.

Ngumawa ang bellboy at lumabas ang matutulis nitong ngipin saka mahabang twin-fork na dila. Leviathan.

Nakahawak pa ito sa hamba ng pinto kaya hindi tuluyang nakalabas. Pero napatulala ito saka bagsak sa sahig nang diretsong tumama ang dagger ni Queen sa ngala-ngala niya.

Kaagad kaming kumilos upang itulak palabas iyon nang sa ganoon ay maisara namin ang pinto.

Pagkalabas at sara ng pinto ay napapikit ako at iling.

Wala lang 'yon.

Siguro...

"Beh, anong problema?" tanong ni Tutti sa akin.

Marahil ay napansin niya ang matinding pagkagat ko ng labi ko.

"Snow, spill it," utos ni Queen.

Napalunok ako saka nagsalita. "M-May nakita akong naka-wedding gown na dumaan bago natin maisara ang pinto."

"Was it Mayenne?" asked Tutti. I shook my head.

"Hindi ako sigurado pero papunta siya sa may elevator."

"So, what do we do now?" Queen stood in akimbo with both hands in front of us.

In the end, we all decided to go out of the room even without the boys. Tahimik ang paligid pero hindi namin matanaw ang dulo kung nasaan ang kwarto nina Rum dahil sa mga nakaharang na tray. Ang dami. Diyos ko, pinagtulungan ba sila?

"Tulungan natin sila," sabi ko sa mga babae.

Tumango sila at sabay-sabay kaming lumapit nang biglang tumalsik kami at napaupo sa sahig.

"What the fuck was that?" iritang tanong ni Queen sabay sapo sa ulo niya.

Pagbaling namin doon ay napansin namin ang tila force field na nakaharang doon.

I summoned my bow and tried to shoot it with my arrow but my hit just repelled. Sinubukan ko ulit pero parehong resulta lang din.

"Goddammit! What is happening here?!" inis na sunod-sunod na tanong ni Queen nang tumalsik lang din pabalik ang dagger niya.

Seryoso lang si Tutti pero hinugot niya ang cellphone sa bulsa at dinial si Rum.

"Hindi siya sumasagot."

"Try Dean," suhestiyon ni Queen na sinunod naman ni Tutti.

"Hindi rin, e. Anong nangyayari sa kanila..."

Napalingon kami sa may likuran namin nang tumunog ang elevator. Bumukas iyon na tila ba may nagpindot. Nagkatinginan kaming tatlo. Walang ibang tao dine kundi kami lang.

Napatingin ulit si Tutti sa cellphone niya nang tumunog iyon.

"Rum texted me. He said we have to find Mayenne and stop the wedding tomorrow. Her soon-to-be husband will be a sacrifice for her place in the afterlife."

Napatingin sa amin si Tutti at sinabing, "We have to ride that elevator."

Tumango kami ni Queen sa kanya saka tumayo na at tumakbo papasok ng elevator.

"Which floor?" tanong ni Queen habang nakatingin sa mga button sa gilid ng elevator.

"13th floor," sagot naman ni Tutti.

"Bakit 13th floor, beh?" baling ko naman sa kanya, kinakabahan doon.

"Hotels omit the 13th floor due to triskaidekaphobia or the fear of the thirteenth number. Some hotel owners just decided to exclude that to avoid problems that may arise because of the superstitious guests or occupants. Pero ang nakapagtataka ay kung bakit may 13th floor button sila," paliwanag ni Tutti sabay pindot doon.

"What the fuck?! Why did you push it?!"

Gimbal kaming napatitig sa humahagikhik na si Tutti. Ang totoo niyan natatakot ako sa kung anong nand'on. Sumara na ang elevator at ramdam na naming umaangat na kami papunta sa 13th floor.

"Utos ni Rum hanapin daw natin si Mayenne."

"Pero bakit mo nga pinindot ang button sa 13th floor?!" tanong ni Queen sa mataas na boses at sa diretsong Tagalog sa panggagalaiti.

"Si Rum nag-utos pero bakit parang galit ka? Pero bakit parang kasalanan ko?" madramang sagot ni Tutti habang nakahawak sa dibdib niya, ginagaya ang acting ni Bobbie Salazar sa Four Sisters and a Wedding.

Gusto ko sanang matawa pero suminghap si Queen at sinamaan ako ng tingin kaya nakagat ko na lang ang labi.

"Girls, tama na 'yan. Tingnan na lang natin kung anong naghihintay sa atin sa 13th flo-"

Kaagad akong nagtago sa likod nang tumunog pabukas ang elevator. Gan'on din ang ginawa ni Queen. Nakakatawa kasi si Tutti ang pinakamaliit sa amin pero sa likod niya kami nagtatagong dalawa.

Nang tuluyang bumukas ang elevator ay pawang kadiliman ang bumungad sa amin.

"Yohoo, may tao po ba rito?"

Akmang lalabas na si Tutti nang hatakin ulit namin siya pabalik ni Queen sa loob ng elevator.

"What are you doing?"

"Hahanapin nga si Mayenne."

"Gosh, nuno, can you be more non-idiota this time? It's so dark, we don't know what's out there waiting for us!"

"Lalabas din naman tayo rito. Nauna lang ako, beh."

Queen groaned at what Tutti called her.

"May plano ka ba, beh?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.

"See?! See?!" pahisterikal na turo ni Queen sa kanya.

"Kalma, siz. Mag-iisip muna ako," sagot naman ni Tutti sabay lagay ng mga daliri niya sa sentido niya at pikit.

Queen and I waited for a minute until I decided to break the silence. "May naisip ka na, beh?"

Binaba ni Tutti ang mga palad at dumilat saka napabuntong-hininga.

"Oo, beh, pero puro pagkain. Kagutom mag-isip. Nakapagtataka nga kung paano nagagawa ni Rum na magplano nang hindi nagugutom."

Humarang na ako agad nang akmang susugurin na ni Queen si Tutti sa inis.

"Queen, tama na. Siguro tama si Tutti. Baka pwedeng lumabas muna tayo saka na tayo magplano," suhestiyon ko.

"Really?!" She looked at me incredulously.

Alam kong alam at ramdam niyang gaya niya ay takot din ako.

"Suggestion ko lang naman."

"Ganito na lang magbotohan na lang tayo. Sinong gustong sumubok at sumama sa akin sa labas nitong elevator para hanapin si Mayenne?" hayag ni Tutti sabay taas ng dalawang kamay niya sa ere.

Dahan-dahan na din akong nagtaas ng kamay habang nakakagat-labi.

Napasinghap si Queen na tila hindi makapaniwala sa nangyayari. Pero sa huli ay wala din naman siyang nagawa at sumunod na lang sa amin. Katunayan, kaming dalawa ang nakabuntot kay Tutti. Ang kaibahan lang ay nakakapit ako sa braso ni Tutti. Si Queen naman sa likuran ng blouse niya habang naglalakad kami palabas ng elevator at sa kahabaan ng madilim na pasilyo na iyon. Tanging ilaw lang ng cellphone ni Tutti ang nagbibigay liwanag sa amin.

"Wala bang bintana dine?"

Napatalon kami sa gulat nang biglang bumukas ang isang pinto. Hindi nga namin alam na pinto 'yon dahil sobrang dilim talaga. Inilawan iyon ni Tutti at kaagad siyang napasigaw sa gulat sabay hawak pa sa dibdib niya kaya napasigaw na din kami ni Queen.

"Practice lang mga, beh," tawa niya pagkatapos. Kinutusan siya ni Queen sa inis.

"Can you be serious for once, nuno?!"

"Oo na. Oo na."

"Anong nandoon, beh?" tanong ko sabay usod palapit kay Queen.

"Wala naman. Madilim parin pero mukhang may naaninag akong babaeng nakaupo sa may tapat ng bintana, nagmumuni-muni."

"You sure you're seryoso na at that?"

"Beh, ganito ako magsalita. Kung anong kinonyo mo, gan'on din ako kalokong kausap. Hindi ko alam kung paano idedescribe si ateng."

"Tama na 'yan, girls. Magbabangayan na naman kayo. Tama na. Anong suot ng nakita mo, beh?"

"Naka-gown. Iyong pangkasal..." Natigilan si Tutti nang mapagtanto ang sinabi.

"Si Mayenne 'yon!" bulalas niya at sumugod agad papasok doon sa kwartong iyon.

Nagkatinginan kami ni Queen sa gulat sa ginawa ni Tutti pero kaagad din kaming sumunod sa kanya sa loob.

Nahinto lamang kami sa likuran ni Tutti at kumapit ulit sa kanya nang nasa loob na talaga kami at pinagmamasdan ang likuran ni Mayenne habang siya ay nakadungaw sa may bintana. Tila nagsitayuan ang mga balahibo ko sa balat nang marinig ang mumunting hagulgol niya. Suot niya din ang traje de boda niya.

"Mayeeenne..." mahina ngunit may kasiglahang tawag ni Tutti sa kanya at inilawan ang banda niya.

Hindi ko kinakaya ang tapang at kalokohan ni Tutti sa mga ganitong tagpo. Nagagawa niya pa 'yon kahit halos mangatog na ang mga tuhod ko sa takot dine.

"Fuck..." bulong ni Queen sabay kapit nang mahigpit kay Tutti nang biglang lumingon sa amin si Mayenne na lumuluha ng dugo at galit na galit.

Namilog ang mga mata ko at lalong nahintatakutan nang mapansing bigla niyang hinugot isang duguang kutsilyo sa gilid niya at tumayo saka sumugod sa amin.

"Lumabas na tayo!" sigaw ko sa takot.

Hinatak namin ni Queen si Tutti palabas. Sasaksakin na sana ni Mayenne si Tutti nang biglang sumara ang pinto.

Alam naming tatlo na kaya naming labanan si Mayenne pero napangunahan kami ng takot. Maliban siguro kay Tutti na kung hindi pa namin hinatak ay hindi aalis doon.

Nadinig namin ang hagulgol ulit ni Mayenne sa may kabilang banda ng pinto.

"What's her problem?" mahinang tanong ni Queen.

"Hindi siya nakakalabas ng kwartong 'yan. Sa napansin ko."

"Pero sigurado akong siya ang nakita kong dumaan sa may tapat ng kwarto natin kanina. Suot niya 'yong parehong traje de boda," giit ko.

Napalunok ako at humakbang palapit sa may pinto.

"Mayenne, galing kami sa Charmings' Funeral Home. Pinadala kami ni Dr. David Portofino na anak ni Dr. Mal na siyang inimbita mo. Nandine kami para tulungan ka."

Tumigil ang iyak niya at napalitan ng katahimikan. Nakinig kaming tatlong maigi mula sa may kabila ng pinto.

"Ikaw ba 'yong dumaan sa may tapat ng kwarto namin sa third floor?" tanong ko ulit.

"Nakakalabas ako ng isang beses kada araw dito pero hindi ako tuluyang nakakatakas dahil hanggang sa palapag na iyon lamang ako nagtatagal at hinahatak na ako ng kwartong 'to pabalik..." pagbubukas niya ng usapan.

Napatingin ako sa dalawang kasama. Tumango kami sa isa't isa.

"Anong nangyari sa'yo? Isa kang mortal, di ba? Paano ka naging beast?" si Tutti.

"Ang mama ko... May isang pamilyang Instik ang nag-alok sa kanya ng malaking halaga para pakasalan ko lamang ang anak nila. Hindi ko alam kung kailan, saan at kung paano nangyari ang lahat basta... natagpuan ko na lang ang sarili kong naghihintay sa kwartong ito para sa kasal namin..." lumuluha niyang hayag.

"Isa na akong Death Echo dahil pinaslang ako ni Xian na isa palang ghost groom para lamang makatawid siya sa kabilang buhay. N-Naiwan ako at nakulong sa cycle ng pagkamatay ko. Paulit-ulit-ulit akong kinakasal at paulit-ulit-ulit ding pinapatay ng mama ko ang mga pumapayag na maging groom ko sa ghost wedding na 'to kapalit ng malaking salapi. Hindi nila alam na sila ay magiging human sacrifice kapalit ng sinisingil na pwesto ko sa kabilang buhay dahil gusto ng mama ko na manatili sa kanya ang lahat ng yaman ni Xian. Nang subukan ko kasing tumawid ay unti-unting naglaho iyon. Nagpatulong si mama sa... sa isang nilalang para makulong ako rito at manatili siyang mayaman pero ayoko na... Pagod na pagod na ako..."

"Naaawa ako sa mga biktima dahil gaya ko salat din sila sa buhay kaya napasok sila sa ganitong kasunduan... Pero ayoko na... Pakiramdam ko tinutupok na nang makailang beses ang kaluluwa ko sa impyerno habang hinahayaan si mama na gawin iyon para lamang sa pera..."

"Mayenne, ililigtas ka namin. Anong gagawin natin para matulungang makatawid sa kabilang buhay ang isang Death Echo?" baling ko sa dalawang kaibigan.

"Death Echoes can be shocked out of the cycle and pass to the afterlife when they are confronted by someone they shared an emotional link with," sagot ni Queen, naaalala ang lahat ng natutunan namin sa klase ni Yorme tungkol sa mga beasts.

"Huwag mong sabihin ang mama niya?" tanong ni Tutti.

"S-Si papa... Ang alam ni papa kasi nasa China ako at isang OFW doon. Nangako akong magtatrabaho roon para tulungan siya sa pagpapagamot niya dahil naparalyzed siya nang minsan na siyang ma-stroke. Hanggang ngayon, hindi niya alam ang lahat ng 'to. Hindi niya alam na niloko at ipinagkanulo ako ni mama..." iyak ni Mayenne.

"Saan namin mahahanap ang papa mo?"

PAPUNTA KAMING TATLO sa pinakatuktok ng hotel na ito kung saan nandoon ang papa ni Mayenne. Nakasalubong pa namin sina Rum at Dean na pagod na pagod.

"What happened to the both of you?"

Inilahad ni Rum ang kamay kay Dean na nakasalampak sa sahig at walang damit pang-itaas kaya kitang-kita ko ang mga galos niya. Inabot niya iyon kaya hinatak siya patayo ni Rum at tinapik sa balikat.

"Magpahinga ka muna, Dean. Alam kong napagod ka. Hayaan mo na muna ang inahin ngayon," malumanay na ngiti ni Rum sa kanya.

"Napakaliit na bagay n'on. Para namang hahayaan kong manganib ang buhay ng inahin namin," nakangising tugon ni Dean.

Dala ng pag-aalala ko ay lumapit ako kay Dean agad at inasikaso siya.

"Ayos ka lang? Gamutin muna natin ang mga sugat mo," sabi ko sa kanya habang hawak-hawak siya sa mga pisngi.

"Parang gusto ko tuloy magpasuntok at makipaglaban parati kung ganito ka, love. Kinikilig ako," tawa niya pa. Mangiyak-ngiyak na sinapak ko siya sa matigas niyang dibdib.

"Nagagawa mo pang magbiro na ganyan na nga ang inabot mo!"

"Sorry na, love," paglalambing niya at niyakap ako nang mahigpit.

                •|• TUTTI •|•

RUM LET SNOW beside Dean as she treated his bruises and cuts while we made our way to the hotel top to meet Mayenne's father. Pansin kong may maliit na sugat din sa gilid ng labi niya si Rum.

Kumunot ang noo ko. Sobrang napa-trouble talaga sila kanila base sa hitsura nilang dalawa ni Dean.

"How many?" I asked without looking at him.

"Mga isang daan."

"That much?!" gulat na ani Queen.

"Lahat ng hotel staff nila rito puro Leviathan. Kahit iyong nasa front desk kanina."

"Why is this happening to us? I don't understand. This is very much unlike before when we do our service because it's so easy and we do not have to risk our lives. But right now? I just don't know anymore."

"Someone wants us dead," I stated.

We grew silent inside the elevator that's going up to the uppermost floor.

"Then... who?"

"Iyan ang aalamin natin. Pinapangako ko, walang masasaktan sa inyong mga Charmings ko. I will risk my life for all of y-"

Natigil sa pagsasalita si Rum nang sabay namin siyang sapakin at kurutin ni Queen sa inis.

"Stop talking like that nga! We're all in this together. Do you really think we will just let our mother hen die and leave us alone?"

"Oo nga, ayokong magutom," pagsang-ayon ko kay Queen.

"Isa pa, walang magtatanggol sa akin kapag inaapi ako nina Queen at Dean," tawa ko pa.

"Don't talk as if you're always being bullied, nuno. You're a bully too, remember?"

"Hindi naman palagi. Minsan everyday," sagot ko sabay awra.

Queen groaned because I know she remembered the meme I showed her last two nights about that 'minsan everyday' woman.

Rum chuckled lightly. "Girls, tama 'yan. Baka kung saan-saan na naman 'yan mapunta."

Pagdating namin sa uppermost floor ay binuksan ko agad ang pinto ng kwarto ni Mr. Limjuco gamit ang akyat-bahay skills ko. Pinagsabihan pa ako ni Rum kasi ang mabuting bata raw ay kumakatok.

Pagbukas namin ng pinto ay naabutan naming pagalit na hinahawi nang naka-wheelchair na si Mr. Limjuco ang kutsarang may lamang pagkain na isusubo sana ng nurse niya sa kanya.

"Nasaan na ang anak ko? Hindi ako kakain hanggang hindi ko siya nakakausap... Ilang buwan na siyang hindi nagpaparamdam sa amin. Ano pa bang pinagkakaabalahan niya roon?" may hinanakit na tanong ng ginoo sa nurse.

"May trabaho raw po siya."

"Trabaho? Mapera naman na si Ruth ngayon, bakit hindi pa siya umuuwi? Mas mahalaga pa ba talaga ang pera kaysa sa pamilya niya?"

"I-realtalk niyo po misis niyo n'yan, sir," sabat ko kaya napabaling silang dalawa sa amin.

"Sino kayo?! Paano kayo nakapasok?" tarantang tanong ng nurse na sa tingin ko ay siyang nag-iisang mortal na staff dito.

Rum stepped forward.

"We meant no harm. Gusto lang naming makausap si Mr. Limjuco tungkol sa anak niyang si Mayenne. Sir, I think you really need to hear what I am about to say."

♦♣♥♠

"I let you grant Mayenne's request to ask Dr. Portofino to attend her wedding pero bakit kailangang lagyan mo ng ghost wedding ang invitation!" himutok ni Ruthy kay Heart na nakatalikod sa kanya hawak ang isang cylinder.

"That's a special paper I used. It tells the truth," mahinahaong sagot ni Heart saka lumipat sa kabilang lamesa kung nasaan nakalagay ang iba niya pang mga gamit.

Kaagad naman siyang binuntutan ni Ruthy.

"Dapat talaga hindi na lang ako pumayag! Ipapahamak mo pa talaga ang negosyo ko!"

Sinubukan niyang lumapit dito subalit natigil din dahil sa force field na humaharang sa pagitan nila.

Heart sharply turned to her and said coldly, "Baka nakakalimutan mong hindi ka pa bayad sa utang mo sa akin. It's payback time. Use the Leviathans of Xian's family to harm the Charmings if you want to push through the wedding."

Umirap si Ruthy pero pumihit na lang patalikod at paalis na sana nang tuluyan nang maghabilin ulit si Heart.

"Do not harm the funeral director. That's Madame's golden rule."

                •|• TUTTI •|•

TODAY'S THE WEDDING day and we all prepared for it.

Hindi naman kami ginulo ng mga Leviathan pagkatapos ng pag-amin namin ng lahat kay Mr. Limjuco. Looks like the old man was being protected and obeyed by these beasts.

The girls and I were all wearing a white silk camisole tucked in a blush pink waterfall tulle skirt. Natawa ako kasi may time pang-magkulot sa akin si Queen kahit na nanganganib na ang buhay namin at lahat-lahat. Kinulot niya rin 'yong kanya kaya triplets na kaming tatlo ni Snow.

Naglagay din kami ng flower crown sa ulo saka dala na sa bouquet namin. Kinatok na rin kami nina Rum maya-maya pa. Nakaputing dress shirt naman sila na bukas ang dalawang unang butones sa ilalim ng black coat saka slacks nila.

"Handa na kayo?" Rum smiled at us.

Kapansin-pansin parin ang sugat sa gilid ng labi niya. Tumango na kami at lumabas na. Naunang maglakad sa aming dalawa ang tatlo. Si Dean inabrisete pa ang braso ni Snow sa kanya.

I tiptoed to reach the wounded side of Rum's lips but he turned to his side to see something. Natigil siya sa kalagitnaan n'on dahil natanto niyang hahalikan ko sana siya. He crouched, nilalapit sa akin ang bandang may sugat sa labi niya.

"Gawin mo na, doll," ngiti niya.

"Huwag na. Nagbago ng isip ko," sabi ko at nauna nang maglakad sa kanya. I heard him chuckled from my behind.

Gulat na gulat si Mrs. Limjuco nang pumasok kami sa function room kung saan idadaos ang kasal. The venue was decorated with flowers and curtains to celebrate the wedding.

"Why are they here?" tanong niyang may diin at halos pabulong na.

"Ma'am, sinubukan po namin kagabing talunin ang mga lalaking kasama nila. Isang daan po kaming sumugod pero hindi rin kami umobra. Sorry po, ma'am," the valet apologized while bowing.

Kinumpas ni Mrs. Limjuco ang kamay niya upang paalisin sa harap niya ito. She walked ala kontrabida towards us.

"Anong ginagawa niyo rito? I hope the attack last night had given you the signal of being unwelcome here. Huwag kayong gumawa ng kahit na ano para matigil ang kasal-"

"Hindi sila gagawa ng kahit na ano dahil ako mismo ang magpapatigil sa kasal."

Mabilis na lumapit si Rum kay Mr. Limjuco na sinusubukang tumayo mula sa wheelchair niya na tulak-tulak nang lumuluhang si Mayenne. We're seeing her soul because of this hotel. There's something unique to it that we couldn't name.

Ibinigay ni Rum ang tungkod sa ginoo at inalalayan itong lumapit sa gulantang parin na asawa.

"Paano mo nagawa ito, Ruth?"

"Karlo, hayaan mo akong magpaliwanag," pagmamakaawa ni Mrs. Limjuco.

"Kinailangan ko ng pera para maipagamot ka... Hirap na hirap tayo, Karlo. Ni-asin hindi tayo makabili... May... May nag-alok sa akin na pamilyang Instik tungkol sa ghost wedding. Malaking tulong iyon, sobra-sobra pa..." umiiyak na paliwanag niya pa.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Mrs. Limjuco. Nasapo niya pa iyon sa sakit.

"Ruth, naiintindihan kita pero bakit kailangang magdusa nang ganito si Mayenne? Anak mo 'yan, e. Anak natin. Pinagpalit mo sa pera, binenta mo sa malaking halaga..." humagulgol na si Mr. Limjuco.

Kumawala na rin ang hikbi mula sa bibig ni Mayenne.

"Ma, naiintindihan ko 'yon. Handa akong magsakripisyo ng buhay ko para sa inyo pero pagod na ako, ma... Tama na please... Pakawalan mo na ako..." pagmamakaawa ni Mayenne.

"Anong ginawa mo sa kanya, Ruth? Anong nangyari sa'yo? Binulag ka na ba talaga ng pera para hindi mo makita ang pagdurusa niya? Nakalimutan mo na ba ang maging ina dahil lang mayaman ka na? Ayoko nito, nito, at nito! Ayoko rito!" sigaw ni Mr. Limjuco sabay sira ng mga nasa paligid niya gamit ang tungkod niya kaya nawalan siya ng balanse at napasalampak sa sahig at humagulgol ulit. Dinaluhan siya agad ni Rum.

"Ayoko ng lahat ng ito kasi mas mahalaga kayo para sa akin. Kahit mahirap lang tayo, wala akong pakialam. Kaya kong kumain ng asin habambuhay at manatiling paralisado para sa buhay ng anak ko at pamilya natin pero bakit mo nagawa 'to..."

Napapikit si Mrs. Limjuco kasabay nang sunod-sunod na pagtulo ng kanyang mga luha. Pagdilat niya ay tinakbo niya ang distansya nila ni Mayenne at niyakap ang anak.

"Patawarin mo ako, anak. Ang laki-laki ng kasalanan ko sa'yo. Wala akong kwentang ina. Patawarin mo ako."

Sinapo niya ang mga pisngi nang umiiyak na anak at nagpatuloy.

"Simula ngayon malaya ka na... Magpahinga ka na ha. Sorry, anak..."

"Ma, pinapatawad na po kita. Maraming salamat," Mayenne cried and hugged her mother once again as they shared this moment of regret and forgiveness.

I looked away.

Mabuti pa si Mrs. Limjuco. She apologized even for the last time. My mother remained cold and heartless until her final breath.

I REMAINED SEATED at the already empty function room. Kinausap ni Rum si Mrs. Limjuco para sa process ng funeral ni Mayenne. Ang tatlo ko pang mga kaibigan ay sumama na rin sa kanya. Nagpaiwan ako kasi gusto kong kausapin si Father Frodo na siyang magkakasal sana kay Mayenne. Nagulat din siya nang malamang ghost wedding pala iyon.

"Tuluyan na bang naghilom ang mga sugat sa iyong puso at kaluluwa?"

I smiled sadly at him. Aside from Rum and Dr. Mal, he knew my past and my dark secret.

"Gumagaling na po ako dahil sa Charmings. They gave me hope, Father. Pero araw-araw ko po paring tinatanong kung naiibsan ba ng mga mabubuting kong nagagawa ang mga masasama. Iniisip ko po na baka tupok na ang kaluluwa ko sa unang impyerno pa lang ng kabilang buhay," biro ko kunwari para pagtakpan ang takot ko sabay tawa nang kaonti.

But Father Frodo smiled thoughtfully at me, not buying my excuse.

"Ito ang panibagong buhay mo, hija. Umasa ka ulit at manalig sa Kanya."

We both drifted our attention to the double doors when it opened. It was Rum. He smiled and advanced nigh us.

"Mabuti na lang po at naabutan ko kayo," magalang niyang wika kay Father Frodo.

"Bakit, hijo? May kailangan ka ba?"

"May hihingin po sana akong pabor," he retorted and looked at me smilingly.

I LEANED TOWARDS Rum to whisper while he was busy holding my hand gently.

"Rum, 'til death do us part lang ang alam kong sabihin," I confessed, he chuckled.

"It's okay, doll. We'll just be making a promise to each other and Father Frodo will be the witness. You can say whatever you have in mind, don't worry."

I licked my lips and nodded. Wala kaming singsing kaya vows na lang daw muna. Father Frodo did the introduction then gestured us to begin our part.

Rum was all smiles as he held my hand tight yet gently.

"I, Rumplestle Niccolo Sandros, promise to love, to protect, and to cherish Tuttieana Darcy Vega in this lifetime and hoping that my heart would reach her even in my next life."

I sighed and smiled at him too.

"I, Tuttieana Darcy Vega, promise to love and to bother Rumplestle Niccolo Sandros with my cute presence forever-" I stopped because he started chuckling.

"Hindi pa ako tapos," pigil ko sa kanya sabay awra.

"Even if we don't last forever, because forever is not enough," we chuckled together.

"Kung may mangyari man at hindi tayo hanggang sa huli, know that you will always have my heart. Kahit sa susunod kong buhay, ikaw at ikaw lang ang hahanapin ng puso ko," seryoso nang sabi ko.

Napawi ang ngiti ni Rum. He cupped my cheek with his hand gently.

"Look at me, doll. I want you to look straight into my heart and soul when I tell you this. I love you with every bit of my being and I will make us last. I will make us last, baby," he said before claiming my lips for a sweet deep kiss.

•|• illinoisdewriter •|•

Hello, Charmings! 😊 Sorry for my slow updates lately. Malapit na kasi ang pasukan and I have to help my family earn money to pay for our school expenses for this new normal. I hope you understand but I will not be on hiatus ha, I'm just so busy lang talaga. I will continue to give you updates even on school days, don't worry. I will finish this before the year ends.

Anyways, I chose to have this service entitled as "A Lady In" because this will give us a mental picture of a woman waiting inside a room and that's what happened to Mayenne before, after, and even on her repetitive weddings. In short, nakakulong siya sa kwartong iyon.

Visit Illinoisdewriter's Republic on fb, vote, and comment your thoughts too. Love you, Charmings! 💚 Sayonara!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top