Episode 50: Merry The Brave (Part 2)
Episode 50: Merry The Brave (Part 2)
•|• SNOW •|•
ABALA KAMING LAHAT sa pagde-decorate ng Island Overlook ng mga Christmas decorations. Unang araw na kasi ng Disyembre at gusto naming maramdaman ang diwa ng pasko dine sa paligid ng tahanan namin.
Nagpaalam na din si Yorme sa mga magulang namin na gusto niyang sama-sama muna kaming magdiriwang ng pasko at bagong taon dine sa Overlook. Dine namin idadaos ang handaan ayon sa napagkasunduan.
"Ako na maglalagay ng star sa Christmas tree please!" pagmamakaawa ni Tutti habang hawak na ang star.
Napahagikhik ako. Ang cute kasi niyang tingnan habang nakatunghay at magkalapat ang mga palad at hawak na ang star.
Malaki iyon at mataas kaya kinailangan pa ng hagdanan ni Rum para mailagay iyong mga balls sa may bandang tuktok.
"Dean!" saway ko sa kanya nang itulak niya pagilid si Tutti gamit ang beywang niya.
Napakamot naman siya sa noo. Ang liit na nga ni Tutti, ginagan'on pa niya.
"You're so isip-bata," sabi ni Queen sa kanya.
"You're so isip-bata..." panggagaya ni Dean na lumiit ang boses sa huling salita nang mabaling sa akin na pinapandilatan siya para sawayin.
"Sorry na, love," paglalambing niya sabay yakap sa akin.
"Tumigil ka na kasi."
"Hindi ko kaya... Pero sige dadalangan ko na lang para sa'yo," aniya.
Bumaba si Rum sa hagdanan at tinawag si Tutti. Tuwang-tuwa namang umakyat ang huli. Hawak ni naman ni Rum ang hagdan.
Pinanood naman namin si Tutti na natigil sa ere ang kamay na may hawak ng star. Noong una ay naguluhan kami sa gusto niyang mangyari pero maya-maya pa ay iwinagayway niya iyon sabay kanta.
"Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba, kundi Ikaw
Salamat sa liwanag Mo
Muling magkakakulay ang pasko...
Dahil Ikaw, Bro
Dahil Ikaw, Bro
Ang star ng paskooo..." Saka niya pa lang inilagay ang star sa tuktok.
Natawa kami habang napapalakpak naman akong humagikhik. Si Tutti talaga ang cute at kulit kahit kailan.
NAPATINGIN KAMI NI Tutti kay Queen nang huminto siya sa paglalakad at naiwan sa likuran namin. Pareho kaming tatlo na naka-PE uniform.
"Let's ditch our classes."
Napa-stomp ng paa niya si Tutti.
"Akala ko si Dean lang 'yong kampon ni Satanas dito. Huwag mo akong demonyuhin, beh," aniyang ikinahagikhik ko.
Naismid si Queen at hinila ang dulo ng mustard na floral print bandana scrunchie ni Tutti.
"You don't have to call me that, stronzo. One more thing, you look like an idiota with how you wear your bag."
Tinuro ni Queen ang paraan ng pagsusuot ni Tutti ng brown backpack niyang may burda ng maliit na We Bare Bears sa gitna, ang paborito niyang mga bears.
"Uso 'to ngayon. Nakita ko kasi 'yong mga elementary students sa kabilang university naganito sila," sagot naman ni Tutti sabay pagpag ng bag niya.
Nairap naman si Queen. Batid kong di siya makapaniwala sa narinig kaya napahagikhik na naman ako sa tabi.
"What are you? Six? You are a goddamn twenty year old college student just with a height and maturity span of a kid in the primary school."
"Inaano ba kita, Queen?"
"You started it, nuno."
"Sowi na nga di ba?" si Tutti sabay awra sa huli.
Pumagitna na ako sa kanila bago pa sila magbatuhan ng mga di kaaya-ayang salita.
"Awat na girls, okay?"
"Ah, basta hindi ako sasama. May pasok pa ako sa Short Filmmaking. Baka itakwil na ako ng mga ninuno kong Instik kapag hindi ako pumasok sa major," paliwanag ni Tutti.
Nairap na naman si Queen sabay halukipkip at baling sa akin.
"You don't have class this afternoon because I perfectly remembered that today is the schedule for Behavioral and Natural Sciences monthly faculty meeting. With that, you will join me in my shopping galore."
Tipid na ngiti lang ang naisagot ko kay Queen. Wala akong takas sa human calendar at reminder. Mabuti pa siya naalala niya na ngayon pala 'yon.
"Ciao, mga beh!" paalam ni Tutti sabay kaway ng isang kamay habang nakatalikod na sa amin.
Biglang umabrisete si Queen sa akin. Hawak niya pa ang sketchpad niya sa Fashion Design and Marketing niyang pangalawang kurso sa kabilang kamay. Bahagya niyang sinilip si Tutti sa likuran namin saka nagsalita nang pagkalakas-lakas.
"Don't worry, Snow, I'll treat you with everything you want. We'll go to Mang Inasal also and you may order anything for how many as you can. All will be my treat," parinig niya kay Tutti.
Nagulat kami at bahagyang napahakbang sa unahan nang dambahan kami ng yakap ni Tutti mula sa likuran. Nakasablay ang mga braso niya sa magkabilang balikat namin ni Queen.
"Oy, di ba sabi niyo walang iwanan? Behstfriends forevs tayo di ba?"
"Your Chinese ancestors will get mad at you for skipping school," nakangising pang-aasar ni Queen habang nanggigigil na kinurot ang pisngi ni Tutti.
"Ano ka ba, beh? Ayos lang talaga. Explain ko na lang sa kanila sa kabilang buhay na napahaba ang lunch ko today."
Natawa na lang kaming pareho ni Queen sa kanya. Sumingit siya sa gitna namin saka umabrisete sa magkabilang braso namin habang naglalakad.
BINUWAG NI RUM ang pagkakahalukipkip at napaayos ng tayo mula sa pagkakasandal sa nguso ng Jeep Wrangler nang mamataan kaming tatlo na papalapit.
Naunang maglakad sa amin si Queen. Nilingon niya kami bahagya upang senyasan na huwag umaming hindi kami pumasok.
"You know the drill," bulong niya.
Tumango-tango kami ni Tutti sa kanya. 'Yong katabi ko puno pa ang bibig habang hawak sa isang kamay ang chocolate pie at lalagyan naman ng McDonald's na pina-takeout niya pa.
Lumapit kami kay Rum. His lips were pursed into a thin line, obviously not please of something.
Mula sa gilid ng sasakyan ay sumilip si Dean at nakangiting kumaway sa akin. Kinagat ko ang labi upang pigilan ang sariling mangiti.
"Saan kayo galing?" seryosong tanong ni Rum.
"From UP Townscenter."
"Namasyal lang sa tabi-tabi."
"Kumain sa McDo!"
Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa magkakaibang mga sagot namin. Napasinghap si Queen sa inis at pikit.
Lagot...
Nadinig kong natawa si Dean sa pwesto niya. Seryoso lang kaming tiningnan ni Rum isa-isa.
"Magsisinungaling na nga lang kayo, hindi niyo pa ginalingan. What did you do in UP Townscenter then?"
"We ate... then namasyal us, right?" baling ni Queen sa amin na maagap naman naming tinanguan.
Ang UP Townscenter ay isang malaking commercial establishment na may iba't ibang stores like Jollibee, Seven Eleven, Goldilocks, school supplies shops, bangko, at iba't iba pang mga kainan at pasyalan.
"Walang McDo sa Townscenter. It's in the nearest mall," puna ni Rum sabay baling sa hawak ni Tutti. Itinago naman ng huli ang dala niya sa likuran.
Nabuntong-hininga si Rum saka pinameywang ang isang kamay habang minasahe naman ang sentido gamit ang isa.
"Hindi kayo pumasok, tama ba?"
"Walang pasok si Snow ngayon, tol," pagtatanggol ni Dean sa akin sabay ngiti nang malapad.
Pinandilatan ko siya sabay iling sa kanya kaya natigil siya sa ginagawa.
Ayokong iwanan ang dalawa sa ere. Kung kinumbinsi ko lang sana silang pumasok ay masasabi ko pang may nagawa pa ako.
"Stop acting like a knight in rusty armor, idiota."
"Tol, si Queen talaga may pasimuno ng lahat. Sure ako. Tanginang 100.1 percent pa."
Nang balingan nang seryoso pa ding si Rum si Dean ay natigil siya sa kakaturo kay Queen.
"Oo na, tol. Chill, sabi ko nga tatahimik na ako," aniya at umatras na.
Bumaling ulit si Rum sa amin.
"Momma Rum, sorry na talaga. Nagutom lang ako kaya umalis kami. Sinama ko sila tapos 'yon na. Pero hayaan mo na, hindi man kami nakapasok ay busog na busog naman kami," paliwanag ni Tutti.
Bahagya niyang sinuko si Queen.
"'Wag kang mag-alala, mahal na reyna, hindi kita ibubuking. Salamat pala sa pagkain," bulong niya sabay kindat dine.
Napa-facepalm si Queen. Napahagikhik na lang ako.
"You just did, stronzo. You just did. Santo cielo, where on earth can I find a non-idiota friend?!" himutok ni Queen.
Kinagat ko nang todo ang labi upang pigilan ang sariling matawa sa nangyayari.
"I give up! It's my fault, a'right. My accomplices doesn't even know how to exemplify the words loyalty and utang na loob after everything I've treated them," baling niya sa amin ni Tutti.
Tahimik lang ako pero dapat nagsalita din siguro ako kahit papaano. Mas pinaniniwalaan kasi ako ni Rum sa aming tatlo.
"Pasok sa loob ng sasakyan at mag-uusap tayong lahat pagdating sa Island Overlook. I think you need some rounds of lecture on the importance of education," hayag ni Rum.
Padabog na nagmartsa si Queen papasok sa loob ng Wrangler. Sumunod naman agad kami ni Tutti sa kanya.
Pag-uwi namin sa Island Overlook ay tinotoo nga ni Rum ang sinabi niya. Binigyan niya kami nang mahaba-habang pangaral tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral. Natigil lang 'yon nang makatanggap kami ng tawag mula kay Yorme.
"Opo. Sige po, makakaasa po kayo. Kami nang bahala," dinig naming sagot ni Rum saka tinapos na ang tawag at ibinaba na ang telepono.
"Bakit daw, Rum?" tanong ko.
"May bago tayong kliyente," aniyang malungkot na ngumiti.
That's when I realized that working in a funeral home like ours, giving services to the deceased and to his grieving family is a blessing because we can help and somehow earn financially and also a saddening one since we never, nobody even wishes for someone else's death just for one's business to progress.
"Sino raw, nay?" tanong din ni Tutti.
"Captain Merry Shismita Ranbir."
"Ha? Anong nangyari?!" gulat na tanong ni Tutti sabay tayo.
Natatandaan ko na si Captain. Siya 'yong bisita ni Yorme na pinakilala sa amin para sa advance na pagpaplano ng libing niya.
"Sumabog ang C 130 aircraft na lulan niya papuntang Sulu upang saklolohan ang mga mamamayang naipit sa giyera sana roon noong isang araw pa. Nasawi rin siya... Papunta na si Yorme rito dala ang bangkay niya. We have to grant her last wish before finally sending her off to the afterlife."
Di nagtagal ay dumating nga sina Yorme, Ma'am Esther, at Ma'am Lia. Captain Ranbir's soul smiled at us. She was in her battle dress.
"If you don't mind me asking, why you look happy po now that you're dead?" tanong ni Queen dala nang matinding pagtataka.
"I'm happy because I died serving the humanity," sagot naman niya.
Nagkatinginan kami ni Queen. Marahil ay may mga tao talagang dakila na handang ialay ang buhay nila kapalit ng kaligtasan ng iba. Saludo ako sa kanila.
Nabaling naman si Yorme kay Rum.
"Maghanda na kayo. Sasamahan kayo ng kaluluwa ni Shismita papunta sa India."
"Po? Pupunta kaming India?" gulat kong tanong.
Nakagat ko agad ang labi dahil mukhang nabigla sila sa pagtatanong ko.
"Yes, dear. Sasamahan kayo ni Captain Ranbir papunta sa bayan nila."
Taga-India ang mga ninuno ni Dean. His father was of Indian descent. Tito Aamir was born and raised here in the Philippines thus making him a Filipino citizen. Hindi na din naman sila nakabalik ng India ilang taon na din.
Hindi naman kami masyadong naghanda pagkatapos n'on. Hindi na lang kami nagpalit ng PE uniforms namin. Maiiwan naman muna sina Yorme dine sa Island Overlook habang hinihintay kami.
"Where's Tutti?" kunot-noong tanong ni Rum sa amin.
Nagpalinga-linga din ako. Wala pa nga siya. Nasaan na kaya siya?
"Pinaghihintay niya 'yong bisita natin. Tangina talaga 'yong pandak na 'yon," reklamo ni Dean na inilingan ko na lang.
"Ayos lang ako, hijo," nakangiting saad ni Captain Ranbir.
Bumukas ang pinto ng lobby at iniluwa n'on si Tutti na nakasukbit na ang mga straps ng brown niyang backpack sa mga balikat.
"Saan ka galing, doll?" tanong ni Rum.
"Foods," aniya at bahagyang tumalikod sabay alog ng katawan at backpack niya.
Nairap naman si Dean sa tabi ko sabay madramang buntong-hininga.
"Nagbaon pa pala 'yong tiyanak mo, tol."
Huminto si Tutti sa tapat ni Queen na pinatalikod naman siya dahil may ipapasok na gamit sa bag niya.
"Bakit ba lagi kang late sa lakad natin? Tangina, nasa isang bahay lang tayo."
"Dean, tama na 'yan," saway ko sa kanya.
"Pagiging latecomer lang ba talaga ang ambag mo sa atin?" halakhak ni Dean.
"Oy, hindi ah. Kapal nito," giit naman ni Tutti.
"Really? Tell me, what is it? Queen's pretty and feisty-"
"Grazie," ngisi ni Queen.
"My love's sweet and caring," untag ni Dean sabay malambing na baling sa akin saglit saka binalikan ulit si Tutti.
"Ikaw anong ambag mo?"
"Cute lang," sagot naman ni Tutti sabay awra at finger heart.
Natawa si Rum habang may kung anong pinipindot doon sa may locator na nakadikit sa gilid nang lumitaw ng pinto.
"Rum, son, mag-iingat kayo," paalala ni Yorme na kalalabas lang ng lobby. Kasunod niya pa din sina Ma'am Lia at Ma'am Esther na ngumiti naman sa amin.
"Opo. Halika na kayo."
Binuksan ni Rum ang pinto saka siya naunang pumasok. Sumunod naman si Captain Ranbir at kaming apat pang naiwan.
Napapikit pa kami sa tingkad ng ilaw na bumungad sa amin. Dahan-dahan akong dumilat at kaagad na namangha sa nasilayan.
Nakatayo kami sa tapat ng tila isang wet market. Ang mga babae ay nakasuot ng sari samantalang dhoti naman ang sa mga lalaki. Captain Ranbir somehow prepped us before going here. Kaya nga hindi na din kami nagpalit ng damit dahil kailangan naming tumalima sa 'shoulder-knee' na batas nila.
May lalaki pang nagpa-plawta at sa tapat niya ay ang maliit na banga kung saan lumalabas ang cobra na sumasayaw sa ginagawa niyang musika. Nakakamangha talaga.
"Kailangan natin ng sasakyan papunta sa bayan namin," ani Captain Ranbir. Nakikita din siya ng mga kaibigan ko dahil nasa loob kami ng Simulation Room.
Tumango si Rum. Nahuli ko kaninang binigyan siya ng rupees ni Yorme nang mag-usap sila sa gilid.
Lumapit kami sa isang nagtitinda ng mga lumang sasakyan. Si Dean ay nakatayo sa likuran namin ni Queen. Samantalang si Rum naman ay nasa harap namin. Tapos si Tutti nasa gilid niya. Naka-protective stance ang dalawang lalaki sa aming dalawa ni Queen. Pero si Tutti magalaw kasi kaya umaalis sa posisyon namin sana.
"Let me handle it, mum," pigil ni Tutti sa aabante sanang si Rum.
"Marunong kang mag-Indian, beh?" tanong ko.
Si Dean kasi hindi. Naiintindihan ko naman kasi hindi naman siya lumaki at pinalaki sa ganoong paraan. Hindi kagaya ni Tutti na Instik na Instik ang kabataan.
"Hindi."
Tumango naman ako.
"I mean Hindi ang tawag sa Indian language, beh," ngiti niya sa akin.
Tumango-tango naman ako nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ang Hindi pala na ibig niyang sabihin ay tawag sa lenggwahe ng mga Indian.
"Alam mo? Weh? Sample nga," panghahamon ni Dean.
"May sinabi ba akong oo? Pero marunong ako ng accent nila. In the beningning..."
"Idiota, it's taken from the speech of President Jacob Zuma of South Africa. It's not Hindi."
"Beh, nagbibiro lang ako. Ito naman dinidibdib agad."
Lumapit si Tutti sa lalaking nagbabantay doon. Pansin kong di tulad ng ibang mga lalaki na naka-dhoti sa paligid ay naka-mahabang salawal ito at simpleng tee shirt.
"Namaste," bati ni Tutti sabay tungo bahagya at lapat ng mga palad sa isa't isa.
Natigil iyong lalaki sa ginagawa niya sa may counter at nakinig sa paliwanag ni Tutti na hindi ko naman na masundan dahil ibang lenggwahe na ang gamit. Basta tinuturo niya iyong isang classic Wrangler.
Maya-maya pa ay tumango na ang lalaki. Tutti gestured Rum to come forward. Lumapit naman ang huli at nagbayad ng rupees sa tindero. Binigay nito ang susi sa kaibigan ko.
"Let's go. Malayo-layo pa ang lalakbayin natin," ani Rum.
Tumango kami at sumunod na sa kanya papunta sa sasakyan.
"The hell is with you?" Napalingon ako dahil sa reklamo ni Queen.
Nabangga kasi siya ni Dean na nakataas na ang mga kamay ngayon sa ere.
"I'm just being protective, Queen. You don't know these men. They keep on ogling at you, sa inyong mga babae."
Napasilip naman ako sa likuran ni Dean at totoo ngang panay ang malisyosong paninitig ng mga lalaki sa amin doon.
"Dean, ikaw na ang magda-drive."
Lumapit si Rum sa pwesto ni Dean at pumalit sa kanya. Pinapasok na kami ni Rum sa backseat. Nagkasya kaming apat doon. He's on the furthest back to block us from everyone's view. Saka pa lang sumakay si Dean sa front seat nang makapasok na kami lahat. Ang kaluluwa naman ni Captain Ranbir ay naupo sa may passenger seat. Binuhay na ni Dean ang makina saka niya ito pinatakbo.
"Kung buhay lang ako ay may nagagawa sana ako para sa inyo ngayon. Pasensya na," malungkot na hayag ni Captain Ranbir.
She told us her side of story, her dark past before she came to the Philippines and lived her dreams. Nakaligtas daw siya bago siya tuluyang masunog nang buo sa tradisyon nilang Sati kaya nag-iwan iyon ng marka sa mukha niya. She woke up being surrounded by flames and she transformed into her Vetala form for the first time and used her abilities against her kin.
Nang makalayo sa kanila ay palihim siyang sumakay ng barkong pangkalakal papuntang Pilipinas. Sumibol muli ang pag-asa sa kanya pagtungtong niya sa panibagong bayan. Nag-aral siyang muli sa gabi habang nagtatrabaho sa umaga araw-araw. Ang kaibigan niya umanong abogado na si Nimit na tumakas din sa kanila dahil hindi nagustuhan ang trato at batas nila para sa mga babae ay tinulungan siyang makakuha ng mga legal na papeles para sa pagiging naturalisado niyang Pilipino at patunay na siya ay talagang ipinanganak sa aming bansa nang sa ganoon ay makapasok siya sa PMA. Nagtapos siya nang may mataas na karangalan at napiling manungkulan sa Philippine Air Force pagkatapos. She spent half of her life saving lives, alleviating the suffering of others, helping everyone restore their faith in humanity, and in proving that women are in par or equal with men in terms abilities and opportunities. Mga bagay na ipinagkait ng lugar niyang kinalakihan at mga bagay na hindi niya makakamtam kung mananatili siya dine.
"It's disheartening to admit but a woman is raped in India every 16 minutes. That's according to experts that's why India was dubbed as the most dangerous country for women by many human rights groups. At bilang taga-rito, aaminin kong totoo iyon. Dalaga, mapa-bata man o may anak na, walang nakakaligtas."
Malungkot na ngumiti si Captain Ranbir habang malayo ang tingin. Natahimik kami at patuloy na nakinig sa kanya.
"I don't like it. Many of us don't like it but only a few speak up and when we do, we are just rarely acknowledged. Kaila nila ay limitado lang daw ang mga karapatan namin dahil mga babae lang kami."
"That's bullshit."
"Queen..." mahinahong saway ni Rum dine.
"It's okay. I totally understand her," paniniguradong baling ni Captain sa amin sa likuran na sinabayan niya ng ngiti.
"In most Indian societies, women are discriminated and excluded from political and family related decisions because of our traditions. They think so lowly of us. Kami raw ang nasa pinakamababang hanay kung iaayon sa estadong sosyal namin."
"And that is what I want to change. I want to empower women, make them see and understand that the world belongs to us too. I want them to realize that we are more than what our society deems us to be, that our worth is greater than what they tagged us. I don't want them to walk and look over their shoulders in fear of what's coming ahead and behind of them. Gusto kong palayain sila sa tanikalang pumipigil sa kanilang mabuhay nang malaya at totoo..." her voice croaked at the very end because tears welled up her eyes.
"Tutulungan po namin kayo, Captain. We'll help you bring change to the lives of women in your village," ngiti ni Rum sa kanya.
Nangiti na din ako sa kanya. I want to assure her that we'll stay beside her in making that happen.
Ilang oras nang tumatakbo ang sasakyan namin sa kalagitnaan ng malawak na kapatagan. May iilang mga sasakyan at mga tartanilya kaming nakakasalubong. Medyo malayo pa daw kami sabi ni Captain dahil nasa pinakadulong bahagi ng Timog Hindus ang bayan nila. Kakailanganin pa naming tumawid ng dalawang bundok papunta doon. Mabuti na lang at equipped sa mabangin at mabatong bahagi ang sasakyang nabili namin.
"Kumain na muna kayo sa susunod na bayang madadaanan natin," suhestiyon ni Captain.
"Kailangan din po nating magpa-gas," wika ni Dean na tinanguan naman ni Captain.
Nakasandal kaming mga babae sa likuran ng mga upuan sa front seat. Si Rum nasa tapat namin at nakaupo paharap sa amin.
Nasa gitna ako nina Tutti kaya si Queen nakatulog na sa balikat ko. Wala kasing signal sa buong lugar kaya hindi niya din magamit 'yong cellphone niya. Dalawa pa nga ang dinala niya para makasigurong hindi malolowbat.
"I'm growing up
Getting down..." kanta ni Tutti.
Kanina pa niya ginagawa iyon. Natapos na niya ang lahat ng kanta ng Eraserheads kaya iyong ibang iconic '90s song naman ang kinakanta niya.
"Growing old dapat. Tumatanda ka lang kasi, hindi tumatangkad," komento ni Dean.
Inangat ni Tutti ang kamay niya papunta sa likuran niya kung nasaan si Dean at sinapak ito sa balikat.
"Putting my both feet
On the ground
With all my friends behind me
How can I go wrong this time..." patuloy niya pa din sa pagkanta.
Nginitian naman siya ni Rum. Iyong tipo ng ngiti na ramdam kong nauunawaan nito na para bang may iba pang pakahulugan ang kinanta ni Tutti.
Para bang sinasabi niyang minsan na siyang napariwara at kami ang naging pag-asa niya.
Tuluyan nang kumagat ang dilim nang dumating kami sa kasunod na bayan. Bahagyang hinawi ni Tutti ang kumot na tinali ni Rum kanina at binili mula sa nadaanan naming bayan para hindi daw kami makita sa loob. Ang sabi kasi ni Captain ay may instances daw na inaambush ng mga lalaki ang sasakyan ng mga babaeng nagugustuhan nila sa unang kita pa lang saka ginagawan ng masama.
"Magpapa-gas muna ako. Huwag muna kayong bumaba," sabi ni Dean nang iliko ang kotse sa natatanging gasolinahan doon.
Binalik ni Tutti sa pwesto ang kumot at binuksan ang bag niyang yakap-yakap. Nagising na din si Queen at nagkusot ng mga mata.
"May mga dala akong pagkain dito. Bente lang ang isa."
"Wow, tangina, pinagkakitaan mo pa talaga pati 'yan ha. Para tayong hindi magkakaibigan," puna ni Dean mula sa driver seat.
"Joke lang. Dinidibdib mo naman agad."
Nilabas ni Tutti ang hindi pa nagbubuksang lalagyan ng Choco Monde. Inilapag niya iyon sa gitna namin saka siya kumuha ulit sa loob ng bag niya ng dalawang litro ng tubig.
"Dora, is that you?" pang-aasar ni Queen. Mahinang natawa lang kami ni Rum.
"Ang dami namang laman ng bag mo, beh," ngiti ko kay Tutti.
"Wait, there's more."
Naglabas din siya ng Gardenia loaf bread na hindi pa din nabubuksan saka plastic spoons at peanut butter.
Mahinang napatawa na din si Captain mula sa pwesto niya. Hindi niya siya makakakain dahil kaluluwa na siya kaya masaya niya na lang kaming pinagmasdan.
"Aba matindi ang tiyanak mo, tol, prepared."
Sumilip naman si Dean sa amin mula sa likuran ni Rum habang naghihintay na mapuno ang tangke ng sasakyan. Nakapatong ang mga braso niya sa sinasandalan ni Rum.
Magkasabay na kumuha ng mga plastic spoons sina Tutti at Queen saka lagay ng palaman sa mga tinapay nila. Pinagmasdan namin si Queen kaya natigil siya sa ginagawa at kumunot ang noo.
"What? I'm really hungry na," paliwanag niya.
"Magpark ka na lang muna sa tahimik na lugar, Dean, saka sabayan mo na kami sa pagkain dito," ani Rum nang mabaling kay Dean.
"Dadagdagan ko na lang 'to ng pagkain para sa hapunan natin," patuloy pa ni Rum.
Nang matapos sa pagpapa-gas si Dean ay nagdrive ulit siya. Dumaan kami sa isang kainan kung saan magte-takeout si Rum. Pagkababa niya ay kaagad niyang sinara ang kurtina.
Pagbalik niya ay may dala na siyang supot na may lamang limang malalaking plastic cup na may Murg Makhani o Butter Chicken na bestseller daw sa Indian cuisine. Mayroon din siyang dalang dagdag pang tubig inumin.
Nagdrive ulit si Dean papunta sa tahimik na lugar saka doon na kami nagsalo-salo para sa hapunan. Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy na kami sa paglalakbay papunta sa bayan nila ni Captain.
"Tangina..." dinig kong bulong ni Dean kaya napalingon kami sa harapan.
Men with bulky figures wearing what it seems to be like a military uniform were stationed at the border.
"Ano pong tawag sa kanila?" tanong ko kay Captain.
"Mga Gurkha. They are recruited to serve in their own elite units in British or Indian Army. Kung napapansin njyo ay may pam-Britong accent ang ilang mga Hindu dahil kami ay nasakop din ng British Army sa loob ng maraming taon," paliwanag niya.
"Pero mag-iingat parin kayo sapagkat hindi lahat ng Gurkha ay mapagkakatiwalaan at totoo sa kanilang serbisyo. Some used their position to take advantage and exploit," habol pa niyang babala sa amin.
May harang ang border kaya walang ibang choice si Dean kundi pabagalin na ang takbo ng sasakyan namin. Naramdaman ko ang palad na marahang pumatong sa ulo ko kaya pagbaling ko sa harapan ko ay ang mukha ni Rum na may tipid na ngiti ang bumungad sa akin.
"Maupo ka muna, Snow. Huwag muna kayong magpapakita."
Tumango naman ako at mas humilig pa sa pwesto ko para hindi umusli ang ulo ko. Ganoon din ang ginawa ni Queen.
"Tutti..." tawag ni Rum kay Tutti na nakaluhod habang naninilip sa nangyayari sa tapat ng sasakyan namin mula sa likuran ni Dean.
"'Wag kang mag-alala, Rum. Hindi naman ako kita," rason ni Tutti gamit ang tangkad niya.
Umiling lang si Rum kaya napilitan parin si Tutti na gumaya sa amin.
"Tol, parang may mali," si Dean.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Tanginang walang kinang 'yong mga mata nila. Patay 'yong mga tingin nila."
Nahuli kong napapikit si Rum. Pagdilat niya ay saka siya nagsalita.
"They're being hypnotize again."
"Who the fuck is doing that, Rum? Do you have any guess?" tanong ni Queen na naiirita na din.
Umiling si Rum.
"I don't know but given that he can hypnotize so many subjects at one, I can say that he's powerful."
Nagulat kami nang biglang hawiin ng mga Gurkha ang kumot na nakatakip sa paligid ng sasakyan namin.
"Get all the girls down," hayag nito saka sinubukang hablutin ang lumayong si Queen sa pwesto niya.
Kaagad namang humarang si Rum at pinisil ang pressure point sa palapulsuhan nito.
May isang umabot sa posisyon ni Tutti. Hinawakan niya ang braso niyon at malakas na hinampas sa gilid ng sasakyan. Napasigaw sa sakit ang Gurkha. Inayos ni Tutti ang pagkakalagay ng backpack niya sa gitna namin saka siya lumabas mula doon sa bintana.
"Tutti!" tawag ko sa kanya.
She summoned her shotgun and cocked it.
"Do not kill them. Just make them unconscious," utos ni Rum sa amin. Pinapayagan niya na din kaming lumaban.
Nasaksihan ko pa kung paano binuksan ni Dean ang pinto ng driver seat at hinampas n'on nang pagkalakas-lakas ang isang Gurkhang papalapit saka siya lumabas.
Mabilis namang sinipa ni Queen palabas ang isa pang nagtangkang pumasok mula sa likod.
"Lumabas na tayo," sabi ko sa kanila.
Sabay-sabay kaming tumalon palabas ng likuran ng sasakyan at sinummon ang mga weapons namin. Ang lasso ang napili ni Rum sa lahat ng weapons niya. He's attempting to resort to less harm and violence for these Gurkhas.
I docked then jabbed the Gurkha approaching on the stomach forcefully with my bow.
Hinawi naman ni Queen ang kamay na susuntok sana sa kanya patagilid saka niya ito pinilipit at tinuhod. Sinipa naman niya patalikod ang isa pang palapit. I realized that Ma'am Lia had trained us really well. We can now fight. And even if we're girls, we can equal men in combat.
Hinampas naman ni Tutti nang malakas gamit ang stock ng shotgun niya ang Gurkhang susugod sa kanya saka niya iyon sinablay sa balikat niya at kumanta sabay turo sa mga papalapit pa.
"How you like that..."
Napahagikhik na lang ako. Kakapanood namin 'to sa Blackpink, e.
Kumuha ako ng palaso sa quiver ko saka ipinuwesto iyon sa busog ko at itinira sa mga lumalapit pa.
♦♣♥♠
Hinaplos ni Alas ang raven na tattoo niya sa balikat kaya lumabas iyon doon at nabuhay.
"Sa India," sambit niya bago ito pinalipad sa ere.
Nagpaikot-ikot ang raven hanggang sa lumitaw ang isang lagusan sa lupa. He boredly turned to Spade and Diamond.
"Kayo nang bahala. Inaantok pa ako."
"You're not coming with us?" kunot-noong tanong ni Spade.
"Madame said we'll be needing you to hypnotize the Gurkhas," she added.
"My raven will do that for me," Alas retorted.
♦♣♥♠
Spade positioned her crossbow. Diamond and her were hiding from a distance.
"Who's Queen?" she asked.
Diamond smirked because he knew that she's letting her emotion affect her again. Masyadong pinapahalata nito ang pagseselos sa atensyong ibinibigay ni Alas sa babaeng Charming.
"Iyong pinakamaganda."
Spade smirked and aimed the woman with daggers. She fired a single bolt towards that direction when someone blocked it.
Nakaangat ang matulis na gilid ng katana ni Rum sa bolt niya na tatama sana kay Queen dahilan upang mahati iyon sa dalawa at malaglag sa lupa.
"Fuck, he saw us. We gotta move," aniya at mabilis na pumasok sa portal na ginawa ng raven ni Alas.
Diamond summoned some sharp pieces of his black crystals. Lumutang iyon sa mga kamay niya hanggang sa ginalaw niya ang kamay paturo sa direksyon ni Rum kaya bumulusok papunta roon ang mga iyon. He smirked under his dark cloak then stepped inside the portal.
•|• SNOW •|•
MARAMING MATUTULIS NA itim na mga kristal ang bumubulusok papunta sa direksyon ni Rum.
"Rum!" sigaw ko sa matinding pag-aalala.
He was blocking it. Napatigil na din sa ginagawa sina Dean at Tutti. Si Queen gimbal na napatitig sa mga iyon.
"Tol, umalis na kayo dyan ni Queen!"
Nanatili si Rum doon habang hindi man lang mababanaagan ng kahit na anumang takot. Subalit ang mas ikinagulat pa namin ay ang paglitaw ng dalawang malalaking pares ng itim na mga pakpak sa likuran niya. Kasabay niyon ay ang paghinto ng mga kristal sa ere na tila ba pinipigilan ng mga asul na usok sa paligid nito.
"P-Paanong... A-Anong..." hindi ko matapos-tapos na tanong sa pagkamamangha.
"Kalahating beast at kalahating anghel," sambit ni Tutti sa gilid ko bilang tugon.
Nabaling ako sa kanya. Nginitian niya ako bago niya kinasa ang shotgun niya at ipinutok sa nanakbong Gurkha sa amin. Natamaan iyon sa binti kaya natumba.
Nang ibinaba ni Rum ang mga pakpak ay naglaglagan din ang mga kristal sa lupa at naging abo ang mga iyon na tinangay ng hangin nang maglaho naman ang kanyang mga pakpak.
"Putangina!" mura ni Dean nang suntukin siya sa panga ng isang Gurkha.
Sa galit niya ay sinummon niya ang hammer at hinampas iyon nang pagkalakas-lakas sa lupa dahilan upang yanigin iyon. Nagsitumbahan at nawalan ng malay ang mga aatake sana sa kanya.
Nang makabawi naman si Queen ay nagsummon pa siya ng mga daggers na inipit niya sa pagitan ng lahat ng mga daliri niya saka pinatamaan sa binti ang mga susugod sa kanya.
Kumuha ako ng dalawang palaso mula sa quiver ko at magkasabay na pinakawalan iyon papunta sa direksyon ng mga kalaban.
Nang bulagta at wala ng malay ang mga Gurkha ay napalingon ako kay Rum upang magtanong.
"Magiging maayos ba sila paggising nila?"
"They will return to normal once they wake up."
Nanatili akong nakatitig sa kanya. Gusto kong magtanong tungkol sa nasaksihan namin kanina pero ramdam kong hindi ito ang tamang oras para doon. He turned to me and smiled.
"My father's a guardian and my mom's an angel, a fallen one," he said.
Tumango ako at hindi na nagtanong pa. Nakwento kasi sa akin noon ni Dean na iniwan daw si Rum ng mommy niya dahil hindi nito matanggap ang kondisyon niya.
Sumakay ulit kami sa sasakyan at nagpatuloy sa bayan ni Captain Ranbir na panay ang kamusta at paghingi ng pasensya sa amin.
Nagulat kami dahil pagdating namin doon ay sinalubong agad kami ng mga mamamayang lalaki doon. Worse, they're on their Vetala forms. They have bat-like eyes and sharp snakelike tongues.
"Tangina, na-hypnotize din ba 'tong mga 'to, tol?"
"Don't tell me you're already tired fighting," tukso naman ni Tutti.
"Tangina, ako? Patawa 'to. Nagtatanong lang ako kasi nabitin ako kanina."
"Nagsisimula na naman kayo," sabi ko sa kanila.
Ang totoo niyan ay medyo nakakaramdam na ako ng pagod.
"I'm so tired na," maktol naman ni Queen na ikinangiti ko.
"Hindi sila na-hypnotize. They're like this when there's a newcomer," paliwanag ni Captain.
"Dito lang kayo. Ako na ang kakausap sa kanila," ani Rum saka bumaba na ng sasakyan kasama ang kaluluwa ni Captain Ranbir.
Lumuhod si Tutti upang manood sa mangyayari sa tapat ng sasakyan namin. Gumaya din kami ni Queen sa kanya.
We can't hear them but Rum courteously talked them until one Vetala calmed down and returned to its normal form. He was then followed by the others. He gestured us to follow him.
Naglalakad sila nang magkasabayan ni Rum habang mabagal namang tumatakbo ang sasakyan namin kasunod nila. Tumigil sila sa isang bahay at pumasok. Bumaba na din kami at sumunod sa loob.
"Nasaan na ang kaluluwa ni Shismita? Gusto ko siyang makita," hayag ng lalaki.
Rum turned to Captain Ranbir and smiled.
"Nasa loob po tayo ng Simulation Room. Hilingin niyong makita kayo ng inyong pamilya at tutuparin nito iyon," aniya.
Tumango si Captain Ranbir at pumikit. Pagdilat niya ay namilog ang mga mata ng lalaki.
"Ama..."
Nabaling ulit ako sa lalaki. Ito ang ama ni Captain Ranbir? Si Rachit.
Mula sa isang kwarto ay lumabas ang isang babaeng nasa early 20's at matandang ginang na nahihirapan nang maglakad. Inaalalayan siya ng babae sa isang kamay habang karga-karga naman nito ang isang sanggol sa kabila.
"Ina... Mishka..." lumuluhang tawag ni Captain sa dalawa.
"Shismita..." lumuluhang tawag din ng ina nito sa kanya.
Buong lakas na lumapit ito sa kanya at yumakap.
"Ilang taon din akong nangungulila sa iyo, anak. Kamusta ka na? Walang gabi na hindi ko inisip ang iyong kalagayan," anito sabay haplos nang marahan sa pisngi niya.
"Uniporme ba ng isang sundalo ang iyong suot, anak ko?" malambing niyang tanong dine.
"Opo, ina. Natupad ko na po ang aking mga pangarap. Naging masaya po ako sa paglilingkod bilang sundalo sa naging pangalawang buhay ko. Natutuwa rin po akong kahit sa huling hininga ko ay nagawa ko ang gusto ko."
"Huling hininga? Ano ang iyong ibig ipabatid, anak?"
"Pumanaw na po ako, ina. Kaluluwa ko na lamang ngayon ang inyong nakikita," malungkot na pag-amin ni Captain sa ina.
Napaawang ang labi ng ginang at nanginig dahil sa nagbabadyang hikbi. Tinakpan niya ang kanyang bibig upang hindi kumawala iyon.
"Bakit ka pa bumalik dito? Mamamatay ka naman palang masaya, bakit kailangan mo pang ipamukha sa amin ni ina iyon?" seryosong tanong ni Mishka sa ate niya.
Maging si Captain Ranbir ay nagulat sa tono nito.
"Ipamukhang ano, Mishka? Hindi kita maintindihan..."
"Na masaya kang namatay dahil nagawa mo ang gusto mo samantalang kami ni ina ay panghabambuhay na magdurusa rito at naghihintay na lamang ng kasawian ng aming mga kabiyak upang tapusin narin ng ating lahi ang aming mga hininga."
"Kaya ako bumalik dito ay para roon. Mishka, may magagawa ka, kayo ni ina at tayong mga kababaihan dito kung lalaban tayo."
"Tama na 'yan, Shismita! Huwag mong lasunin pati isipan ng kapatid mo! Ito ang batas ng ating angkan at lahi bago ka pa isinilang at mananatili iyong gan'on hanggang ngayong iyong kamatayan!"
Napaiwas ng tingin si Mishka dahil sa sigaw ng kanilang ama. Queen inhaled slightly audibly at that. She might not be active in protest but we all know that she's a strong advocate of women empowerment.
"Hindi, ama, hindi!" buong tapang na baling ni Captain sa ama.
"Ako, si ina, si Mishka, at ang iba pang mga kababaihan ay kabilang din, may silbi at halaga sa bayang 'to at lipunan natin na higit pa sa nakatala sa ating batas at itinakda ng mga tradisyon natin!"
"Bakit hindi mo na lang tanggapin na hanggang doon lang ang kayang ibigay ng mga ito sa inyo? Bakit hindi ka na lang matulad sa ibang babaeng kalahi natin, ng iyong ina, at ni Mishka na buong pusong tinanggap ang kanilang kapalaran?!"
"Buong puso? Bakit hindi mo buksan ang iyong mga mata, ama? Masaya ba talaga silang tunay? Niminsan ba hindi niyo sila nahuling tahimik na lumuluha sa isang tabi? Niminsan ba nasilayan niyo si inang na hindi natakot na gumawa ng mga desisyon para sa sarili niya nang hindi ka kasama? Niminsan ba nasaksihan mo si Mishka na tumatawa habang naglalaro sa labas? At niminsan ba... pinakinggan mo ang mga pagmamakaawa kong huwag akong ipakasal sa murang edad at dininig mo ba ang paghingi ko ng tulong nang pinagbubuhatan ako ng kamay at pinagsasamantalahan ni Jaggu?"
Natahimik si Ginoong Rachit pero naroon pa din ang matapang niyang tingin sa anak.
"Ama, tama na. Gumising ka na. Parang awa mo na. May buhay din po kaming mga babae. Nasasaktan din po kami at umiiyak dahil may damdamin kami. Pero kaya naming lumaban at makipagsapalaran gaya niyo. Nagawa ko iyon ama at kinaya ko..."
"Mahal kita, ama. Iyan ang totoo. Alam kong mahal mo rin kami kaya sana... sana katulad ko, ipaglaban mo rin kami... Kakayanin mo bang manood lang habang tinutupok ng apoy ang nagmamakaawang si Mishka sa Sati? Makakatulog ka ba nang mapayapa kapag naaalala mo ang mga lumuluhang mukha namin? Wala po kaming kasalanan... Wala po kaming ginawang masama pero bakit ipinagkakait niyo sa amin ang sarili naming buhay?"
Nanlambot si Ginoong Rachit nang yakapin siya nang mahigpit ni Captain habang umiiyak ito sa kanyang balikat na parang isang sais anyos na batang babaeng nagsusumbong sa ama.
"Kaya po nating baguhin ang lahat ng ito kung gugustuhin natin. Samahan niyo po kaming lumaban, ama..."
Nagulat kami pero kaagad na napangiti nang yakapin pabalik ni Ginoong Rachit ang anak at humagulgol.
"Patawarin mo ako, anak... Patawarin niyo ako kung nabulag at naduwag ako... Patawarin mo ako sa nangyari sa inyong lahat... Itatama ko na ang mga mali ko. Ipinapangako kong sama-sama tayong lalaban para sa pagbabago sa pagkakataong ito..."
Lumapit sina Ginang Priyanka at Mishka sa kanila saka nila pinagsaluhan ang madamdaming yakapan.
CAPTAIN SHISMITA RANBIR was dubbed as Merry The Brave then in their place for setting herself as an example of empowerment and renewed hope for women.
Pinag-aral din ni Ginoong Rachit si Mishka sa kolehiyo. Labag ito sa batas nila pero nanindigan ang kanyang ama sa desisyon. Kasunod nito ay may ilang padre de pamilya na din ang lumaban para sa karapatan ng kanilang mga asawa at babaeng anak.
Nagkaroon ng dalawang gabing vigil para kay Captain Ranbir dine sa Island Overlook pero ang napagdesisyunan ng kanyang pamilya na sa bayan nila siya ilibing upang magsilbing alaala at inspirasyon ang kagiting at katapangan nito sa mga kababaihang sumubok sa buhay.
Suot ang aming white floral-embroidered ruffled long sleeves silk-organza blouse na pinaresan naming mga babae ng black tulle maxi skirt at ang mga lalaki na nabihis ng puting dress shirt sa ilalim ng itim na coat nila ay inihatid na namin ang kaluluwa ni Captain sa basement kung saan siya dadalhin ni Charon papuntang kabilang buhay.
"Maraming salamat sa tulong niyo. Hangad kong makatulong pa kayo sa iba. Maraming salamat at sa uulitin," paalam niya sabay saludo sa amin.
Sumaludo din kami sa kanya habang nakangiti.
It was indeed nice meeting a strong independent woman who never stop chasing her dreams and who never cease to prove that women also deserve the equal opportunities and rights enjoyed by men.
She's right. The world belongs to women also.
•|• illinoisdewriter •|•
If you're curious on how the Charmings' funeral uniforms appear, how they look, and other stuffs about them, please feel free to visit my Facebook page Illinoisdewriter's Republic. I have a lot of spoilers there about the characters, the antagonists, and my upcoming novels as well. Maybe you like sharing theories too. 😊
If you're more into horror tales also, I will be making a compilation of short mystery and horror stories told by different people in a manner of confession there entitled Confessions To Make In The Dark. Hope you visit it also.
Know that you're making me smile by clicking the star button and sharing your thoughts. Sayonara, my Charmings! 💚✨
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top