Episode 49: Merry The Brave

Episode 49: Merry The Brave

🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂

Sa isang tagong bayan sa likuran ng bulubundukin ng Timog Hindus ay nananahan si Shismita at ang kanyang mga kauring Vetalas.

"Ina, pagkatapos ko po ng hayskul ay nais kong mag-aral sa kolehiyo at maging isang abogado."

Natigilan ang kanyang ina sa pagtatadtad ng patatas nang marinig siya. Nagulat ito sa kanyang inihayag. Sinilip ni Priyanka ang sala at napabuntong-hininga nang malamang abala parin sa panonood ng telebisyon ang kanyang asawa.

Hinatak ni Priyanka si Shismita patago sa may kusina at kinausap ito nang masinsinan.

"Hindi maaari, anak. Alam mo naman ang estado ng mga kababaihan sa ating bayan at kultura. Hanggang hayskul lang tayo dapat nag-aaral dahil ang mga lalaki ang karapat-dapat magkamit at mag-uwi ng tagumpay sa ating pamilya. Ang mga babaeng tulad natin ay naiiwan sa tahanan upang gawin ang ating tungkulin bilang asawa at ina sa ating mga anak."

Malungkot na yumuko si Shismita saka sinulyapan ang kanyang striktong ama mula sa kanyang balikat.

Gusto niyang mag-aral ng kolehiyo. Gusto niyang magtapos at maging abogado nang sa gan'on ay maiangat niya ang katayuan ng mga kababaihan sa lugar at lahi nila.

"Ama, parang awa mo na. Magiging marangal po akong anak, huwag niyo lamang po akong ipakasal kay Jaggu. Marami pa po akong mga pangarap," nakaluhod na pagmamakaawa ni Shismita sa ama.

Tumawa lamang ito nang palahaw. Ang kanyang mga mata ay hindi kakikitaan ng kahit anumang emosyon maliban na lamang sa matinding lamig at panganib.

"Ikaw ay dise-sais anyos na, Shismita. Katorse ang takdang gulang ng mga babae sa ating lahi upang ikasal subalit pinagbigyan kita ng ilan pang taon. Ngayong hindi na makapaghintay si Jaggu na makasama ka ay tinanggap ko na ang alok niyang pag-iisang dibdib niyong dalawa. Wala ka rin namang magagawa dahil buo na ang pasya ko at susundin mo iyon sa ayaw at sa gusto mo dahil iyon ang ating batas!" Dinuro siya ng kanyang amang si Rachit.

"Kayong mga babae ay nararapat lumuhod at halikan ang aming maruruming mga paa mula sa paghahanap-buhay at bakbakan. Sunud-sunuran namin kayo at sa pamamagitan niyon ay nagkakaroon kayo kwenta."

Walang nagawa si Shismita kundi sundin ang alituntunin ng kanilang lahi. Ang mga Vetala na gaya nila ay kailangan ng kapares. Sa edad na dise-sais ay kinasal na siya kay Jaggu na may katungkulan sa kanilang bayan na katumbas ng isang sundalo.

Tumatak kay Shismita ang naging unang gabi nilang mag-asawa. Hindi dahil nagustuhan niya ito ngunit dahil hindi niya makakalimutan kung makailang beses siyang umiyak at nagmakaawa kay Jaggu na huwag siyang pilitin sa ayaw pa niyang mangyari dahil may mga pangarap pa siya. Sa kasamaang palad ay hindi nakinig ang hayok sa laman na kanyang bana at sa halip ay maraming beses siyang ginalaw sa gabing iyon.

Sa pagdaan ng mga buwan ay nanatili si Shismita sa tahanan nila ni Jaggu. Nang makatapos ng hayskul ay nahinto na siya sa pagpasok sa eskwela subalit patuloy parin siyang palihim na nag-aaral gamit ang hiniram na mga libro sa kanyang kaibigang si Nimit na nag-aaral sa kursong naghahanda sa pag-aabogasya sa isang kilalang unibersidad sa India.

Punong-puno ng mga pasa at sugat ang katawan niya dahil sa pagmamaltrato ng asawang may mainiting ulo at manipis na pasensya. Nagtiis siya sa mga pananakit nito hanggang sa dumating ang araw ng kasawian nito sa giyera laban sa mga beast na umatake sa bayan nilang mga Vetala. 

Tulalang nakatitig si Shismita sa kabaong ng kanyang yumaong asawa. Ito na ang huling araw ng libing nito at sa araw din na iyon ay mangyayari ang Sati o ang tradisyonal na sistema ng kanilang lahi kung saan kapag walang mga anak na bubuhayin o bubuhay sa kanya ay susunugin ang babae kasama ng labi ng kanyang asawa. Ito ay itinuturing na debosyon o sakripisyo ng babae para sa kanyang kapareha dahil nga sa matinding katapatan ng mga Vetala sa kanilang karamay sa buhay.

Tahimik lang siya subalit hindi na magkamayaw ang kanyang looban. Umiiyak na ang batang babae niyang kapatid na si Mishka sa kanyang tabi dahil batid din nito ang kapalaran ng kanyang nakakatandang kapatid. Si Priyanka ay tahimik na lumuluha rin sa isang tabi.

"Ina, ayoko pong mamatay," tulalang hayag ni Shismita sabay baling sa kanyang ina.

"Patawarin mo ako, anak," umiiyak na sagot ni Priyanka.

Tumayo si Shismita at matapang na tiningnan sa mga mata ang ina.

"Ina, bakit hindi tayo magtulungan at kahit sa una at huling pagkakataon ay magpakita tayo ng katapangan? Oo nga at mga babae lang tayo subalit may buhay tayo at dapat nating ipaglaban iyon at pahalagahan. Hindi lamang sa mga lalaki umiikot ang mundo."

Sinikop niya ang mga kamay ng ina habang nag-aalpasan na ang kanyang mga luha.

"May halaga tayo, ina. Makakaya rin nating gawin ang mga nagagawa ng mga kalalakihan kung susubukan natin. Lumaban po tayo. Patunayan natin sa kanilang kaya nating makamtan ang pagbabagong magpapantay sa katayuan natin sa mga kalalakihan sa mga mata ng mapanuring lipunan na ito," dagdag niya pang panghihikayat kay Priyanka.

"Gusto kong..." Natigil si Shismita at sumulyap saglit sa batang kapatid na si Mishka bago tuminging muli sa ina at nagpatuloy.

"Gusto kong mabigyan ng pag-asa si Mishka, ina. Gusto kong makita niya na sa kabila ng pagkakaiba natin sa kasarian, lahat ay may karapatang lumaya sa malupit na batas ng ating mundo, makapagtapos ng pag-aaral, at sumaya dahil natupad natin ang ating mga pangarap. Gusto kong malaman at maintindihan niya na sa kasarian lang tayo nagkakaiba subalit pare-pareho tayong humihinga, naglalakad sa iisang mundo, at mayroong iisang hangad na mabuhay nang mapayapa at malaya..."

Kaagad na niyakap ni Priyanka ang anak nang mahigpit habang humahagulgol silang pareho.

"Tutulungan kitang tumakas. Magpakalayo-layo ka rito. Sundin mo ang iyong puso, anak. Tuparin mo ang iyong mga naudlot na pangarap. At higit sa lahat, patunayan mong kaya ring lumaban ng mga kababaihan."

Hinalikan ni Priyanka ang anak sa pisngi pero sa di nila inaasahang pangyayari ay galit na hinatak ni Rachit ang anak na si Shismita.

"Oras na para ipamalas mo ang iyong katapatan sa iyong asawa."

"Ayoko, ama," madiing tugon ni Shismita sabay subok na hatak ng kanyang braso mula sa ama.

Hindi nagpatinag si Rachit at kinaladkad ang anak papunta sa kabaong ni Jaggu na susunugin na.

"Rachit, hayaan mo na ang iyong anak. Parang awa mo na... Mali ito... Ang lahat ng ito ay tam-"

"Ina!"

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Priyanka mula kay Rachit na naging dahilan nang pagkakasubsob nito sa lupa. Mabilis na dinaluhan ni Mishka ang ina habang nagpatuloy naman sa pagsigaw si Shismita rito at pumiglas sa kanyang ama.

Tinanguan ni Rachit ang isang kasamahan kaya lumapit ito sa nagwawalang si Shismita. Iginalaw nito ang ulo sa kanan at kaliwa hanggang sa unti-unting naglabasan ang mga pangil nito.

"Ama, parang awa mo na! Ayoko pang mamatay..." humihikbing pagmamakaawa ni Shismita.

Inilahad ni Rachit ang braso ng anak sa kasamahan na kaagad naming kinagat iyon. Ang venom na tinataglay ng mga Vetala ay may kakayahang pamanhirin at iparalisa ang sinumang makakagat. Ito rin ang ginagamit nilang pamamaraan upang mapigilan ang mga nagwawala o suwail na mga kababaihan dahil hindi nila matanggap ang Sati at ang kanilang kapalaran.

Nanghina si Shismita hanggang sa unti-unti na siyang nawalan ng malay. Kinarga ni Rachit ang anak at ipinahiga sa ibabaw ng kabaong ni Jaggu.

May sinambit na panalangin sa Hindu ang mga nakakatandang Vetala bago sinindihan ang pulo at itinapat iyon sa paligid ng kabaong na may langis.

Unti-unting tinupok ng apoy ang kabaong hanggang sa...

                 •|• QUEEN •|•

I MARCHED MY way in front of the Chinese nuno whose attention was still fixed on her phone.

I've been calling her for seven times now but she haven't given me even a single response. It was all because she was busy playing ML again while lying flat on her stomach on our bed.

"Aren't you going to choose your outfit for tonight's event?" I asked her while crossing my arms over my chest.

There will be a double celebration prepared by Yorme tonight. One for his engagement with Esther and the other was for his approved adoption for Tonton and Marvin.

"Beh, hindi basta-bastang nauubos ang mga damit ko r'yan sa closet pero ang pasensya ko sa pagkuha ng mythic rank na 'to, konting-konti na lang," she argued, eyes still fixated on her phone.

I rolled my eyes at her own version of Angelica Panganiban's iconic line in One More Try.

"Get up and prepare your outfit for tonight," I told her.

Tiningnan niya lang ako saglit tapos bumalik na siya sa paglalaro. Ang sarap lang hambalusin ng dala kong hanger, e.

"Beh, maghihila lang ako ng dress d'yan mamaya tapos oks na ako," she reasoned.

I rolled my eyes and looked at Snow who was watching us.

"You already have something to wear tonight?"

"Oo, beh- I mean Queen. Meron na akong susuotin."

"Let me see."

She bit her lip and scooted over her side of the closet. She pulled out a sky blue short sleeves romantic lace dress still on the hanger.

I studied it and nodded.

I like it.

"You should low bun your hair and let some curly strands hanging on the side of your face later so that it would suit more your outfit," I suggested. She smiled and nodded.

Si Tutti na lang talaga ang hindi pa naghahanda sa amin. I will be sporting a white Versace cape sleeves ladies tux with a deep v. I will not be wearing anything under it. I want to look masculine yet sexy later.

I walked towards the nuno's closet and opened it. I rummaged through the dresses hanging neatly in there. I didn't stop until I found the dress fitting for the occasion. It's a white long puff sleeves romantic lace midi dress somewhat like that of Snow's.

"You'll wear this," I told the nuno while showing her the dress.

She only made a thumbs up and I rolled my eyes in annoyance.

We all dressed well for the party. The other two guys are wearing suits just in different colors. Rum went with a white suit and a black dress shirt under it. Dean opted for an all black suit.

I parted my hair at the center then I put on two hair clips with pearls on each side. Snow did my suggestion. Tutti also parted her hair like mine but side twisted it.

We were greeted by glitz and glamour when we arrived at the venue. The celebration was held at the huge backyard of the Portofino Mansion.

"I feel like I'm underdressed," chuckled Tutti.

"It's okay, doll. You're always on your best for me," replied Rum as he looped an arm around her small waist and pulled her closer.

I smirked at his sudden sweetness. Kinurot siya ni nuno sa tagiliran. He chuckled and leave her alone.

"Stop sugarcoating it, Rum. It's because you haven't really prepared for this. You don't even have plans on what you'll be wearing tonight," I told the nuno.

"Sorry na nga po," she replied while making awra face again.

I just rolled my eyes and continued walking.

Si Dean naman kanina pa hindi mabitawan ang kamay ni Snow na akala mo may kukuha rito.

I rolled my eyes again.

Argh, love birds.

Seems like everyone who attended the party are beasts or half of that kind because Yorme proudly introduced us to them along with his fiancée and his adopted kids.

A lot of women of all age eagerly advanced towards Rum. They greeted and conversed with him, seemingly appearing like his instant fanatics and admirers.

"Hoy, nuno, ang dami nang umaagaw d'on sa inahin. Wala ka bang gagawin?" asked Dean, his arm territorially placed behind Snow's shoulders.

The caviar nacho Tutti was about to shove in her mouth halted mid-air. She glanced at Rum, narrowed her already chinky eyes, and shrugged her shoulders.

"Malaki na siya. Isa pa, hindi naman ako threatened. Sa ganda kong 'to, ipagpapalit niya pa ako."

I laughed when she tried flipping her hair like what I am usually doing.

"Pero char lang 'yon lahat. Kakain lang muna ako ng limang piraso nito at lalapitan ko na siya," aniya at sinubo ang caviar nacho na hawak saka kumuha pa ng isa.

I chuckled silently. Takot naman palang mawalan hindi pa kumikilos.

I stood up from my seat. Snow immediately turned to me.

"Queen, saan ka pupunta?"

"I'll just get wine. The champagne's fine but my Italian blood is searching for wine."

"Mag-iingat ka ha," she smiled.

"Gosh, Snow. I'll just be there." Tinuro ko ang malaking buffet table.

She bit her lip and I couldn't help but smirked.

"Pwedeng sumama?"

I rolled my eyes at her query. That's why she was asking pala.

She turned to Dean to ask for permission.

"Love, samahan ko muna si Queen."

"Snow, you don't have to tell him that like as if it's a requirement."

"Sige, love, pero huwag kang masyadong magpabrainwash kay Queen. Bad influence 'yan," Dean retorted.

I narrowed my eyes into slits.

"Look who's talking."

Snow giggled and nodded then she joined me towards the buffet table. I was holding my glittered purse with my left hand while I have the glass of champagne on the other.

"I'm sorry."

I looked over my shoulder to see why and to whom Snow was apologizing.

"It's ok- it's you again, bitch. Wala ka na ba talagang magawang matino maliban sa magpagalaw sa isang prof?" Ingrid reproached angrily.

My brow shot up at that. I walked near them.

"What's happening here?" I asked.

"Queen, kasalanan ko. Nabangga ko kasi siya kaya natapon 'yong hawak niyang wine sa suot niya," pag-ako ni Snow.

Nainis ako bigla.

Why is she always taking all the blame?

I drifted my attention to Ingrid. She was wearing a spaghetti strap champagne glittered long gown. Natapon nga 'yong wine sa suot niya at bahagyang nagmantsa. She's trying to remove the remaining spills off her clothes.

Kumuha ng tissue si Snow sa may malapit na table saka lumapit ulit sa kanya.

"I'm so sorry, Ingrid," she apologized while trying to help her wipe her clothes.

Tinabig ni Ingrid ang kamay niya at bahagya siyang tinulak. If I haven't held her, she was really going fall on the ground and that would cause a dramatic scene.

I glanced at Dean's direction. May kausap siyang isang lalaki kaya hindi niya nakita ang nangyari.

Lucky for this bitch then because if he did, all hell will break loose. No one does something like this to his love. Mapa-babae man o lalaki, nakakatikim ng galit ni Dean.

I helped Snow stood up properly.

"I'm sorry talaga, Ingrid," bawi niya ulit.

Napapikit ako sa inis.

Here she goes again with her infamous sorry.

I really really hate it when she does it like as if she's owning every single mistake of the world and apologize for them.

"Sorry? The damage has already been done, bitch. How would I fucking go on with this celebration if I look like a fucking mess because of your stupidity." She tried pushing Snow again but I immediately blocked her way with my arm.

"Hey, stop it, will you? Stop making a scene here."

"At ako pa talaga ang gumagawa ng eksena ngayon?" she laughed without humor before crossing her arms.

"Stop defending your friend because you haven't witnessed what happened. Ang pokpok mong friend na tatanga-tanga ay nabangga ako at nasira pa ang gown at buong gabi ko. Thanks, bitch, thanks," she continued.

"She apologized and even tried to help you but you just pushed her away. You missed that whole point."

"I don't care. Hindi maaayos ng sorry niya ang nasira kong gabi at hindi maibubura n'on kung gaano siya katanga at pokpok para magpagamit ng limang beses sa isang prof."

I rolled my eyes at her remarks. Her grudge obviously goes beyond my friend's honest mistake tonight.

Snow bowed her head and bit her lip. Pinanghihinaan na naman siya ng loob.

"I said stop it," I warned her.

"Bakit? Hindi ba totoo? Limang beses may nangyari sa kanila ni Prof. Gareth. Anong tawag mo r'on, Santa Santita? E, puta 'yon, e!" she added, raising her voice.

She's starting to draw attention. She's doing it on purpose. Malas niya lang talaga kung umabot 'to kay Dean.

"Goddammit! Just fucking stop it, will you?! You had enough already so now it's my turn to speak in behalf of my friend. First of all, let me tell you how completely an idiota you are for forgetting what you did also back then. Remember? You're an accessory to the crime of rape. Pasalamat ka at hindi ka pa nakukulong kang gaga ka. Second, enough is enough. She did you an honest mistake and apologized for it but you kept on throwing nasty remarks towards her like as if it's your religion to make her feel bad and to see her cry. Stop worshipping Satan and leave your cheap cult, sis. Lastly, stop it already because I am pretty sure your ass is now jealous of the shit that comes out of your mouth, bitch."

I witnessed how hard she was clenching her fists in extreme anger.

"Who are you to tell me those things?"

"Oh, you don't know me?" I asked while placing a hand on my chest, acting both shocked and hurt.

"Poor you, honey. Well, let me do the honors of introducing myself. I'm the Savage Queen Bee and the prettiest of them all," I told her and I did my dramatic hair flip.

"Better think twice before you decide to mess up with me," I smiled sweetly at her before turning my back and holding Snow by the arm.

I stopped when I remembered something. I slightly turned to her again.

"Oh, I forgot. Give me your address so that I can send you a dozen of long gowns to replace that. Don't worry honey, they're all going to be from Oscar de la Renta," I told her.

Twelve long gowns from an expensive clothing brand with the highest net worth in the world in exchange of her single plain-looking one which my friend had ruined unintentionally.

"Love, kanina ko pa kayo hinahanap. Saan ba kayo nanggaling?" bungad ni Dean pagbalik namin.

He even threw me a suspicious glare. I just rolled my eyes and laughed it off. If you only know.

"D'yan lang sa tabi-tabi, love. Bakit?" Snow immediately covered it up in order not to prolong their conversation.

She knew what exactly will happen to Ingrid if Dean finds out. May babaeng masusuntok sa mukha.

Dean stared down lovingly at her.

"Sayaw tayo, love."

"Sige, love. Halika na," Snow smiled at her.

Snow stopped for a second then mouthed something at me.

"Thank you."

I raised my champagne glass and spun around to look for the waiters who were serving wine.

"Excuse me. Can you please give me wine?" I called the tall waiter.

I blinked my shock off when he turned to me with his boyish smirk. He took the champagne glass from me and replaced it with a wine.

"The most expensive red wine for the Savage Queen Bee, the prettiest of them all and for my babe, " Alas winked.

"You were there?" I asked him.

"Of course. I've seen everything. So feisty as ever, babe," he winked again. My brows furrowed.

"What are you doing here, anyway? Aren't you earning enough from the café and your racing gigs?"

I narrowed my eyes into slits as I waited for his response.

"Got bored tonight. I decided to gatecrash this way," he chuckled.

I sipped on my wine to hide my smirk.

This stronzo.

He put down his tray and offered me his hand.

"Even if it looks absurd for a guest to dance with a waiter, can I have this dance, babe?" he asked.

I rolled my eyes and put down my wine glass.

"We have feet, of course. You, silly."

He licked his lower lip, impeding his smile to appear. He held my hand gently and ushered me near the dancefloor or the makeshift one where most couples are dancing to the sweet song right now.

                 •|• TUTTI •|•

I WAS SCROLLING through my phone for memes while munching the caviar nacho.

Naaliw na ako kakakain dito kaya hinayaan ko na lang muna si Rum. Hawak naman n'on ang loyalty award kaya kampante ako sa kanya.

____________________________________
Tuttieana Darcy Vega           °°°

Nag-init bigla ang ulo ko sa nagpost nito. Nakakainis talaga. Hmp.
____________________________________
▫▫▫▫ ▫▫

Kadalasan sa mga maganda mainitin ang ulo.
____________________________________

Kamukha mo si Paraluman
N'ong tayo ay bata pa.

I put down my phone and looked around. Everyone's dancing slowly to the romantic tempo of my favorite song from Eheads.

I saw Dean and Snow at the distance. He was smiling while staring lovingly at Snow. I smiled watching them too.

Napa-oh naman ako nang mapansin sina Alas at Queen sa may kabilang bahagi. Hala...

Teka, bakit naka-pang waiter na uniform siya?

Huwag niya sabihing naubos na lahat ng isang bilyong euro niya.

Ma-realtalk nga 'to minsan. Kapag nalaman kong sinaktan niya ang reyna, talagang makakatikim siya sa akin.

I drifted my eyes to where Rum was exactly at. Nagkatinginan agad kami. The woman in front of him kept talking but his dark blue eyes were fixated on me.

I smiled at him. He drank the content of his champagne, put it down on the table nearby, and excused himself from the woman in front.

He fixed the single button of his white suit as he walked towards me. He stopped beside me and offered his hand. I gladly accepted it so we trodded our way to the dancefloor.

Siya na mismo ang naglagay ng mga braso ko sa leeg niya. He then held my waist. I rested my head on his shoulder as we slowly swayed to our theme song.

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig nang tunay...

Pumikit ako at pinakinggan ang musika at tibok ng mga puso naming dalawa.

Mahal na mahal ko siya...

"Doll..." he whispered.

"Hmm..."

"Magpakasal na tayo."

Napadilat ako at napatunghay sa kanya agad dahil sa narinig.

"Bakit? Kaya mo na ba akong buhayin? I have five stomachs and you'll be needing five sacks of rice for that, Rum," sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya.

He chuckled softly. His eyes were twinkling and I stared at him in awe.

Bakit ba mas maganda pa siya sa akin?

Boyfriend ko ba talaga 'tong magandang nilalang na 'to?

When his chuckles faded, he smiled at me softly. He then cupped my cheek gently.

"Hindi ko alam kung ilang beses ko na 'tong nasabi sayo pero mahal na mahal kita, doll. Iaalay ko ang buong buhay ko para sa'yo."

Kumibot ang labi ko para sa isang masayang ngiti.

Mahal na mahal din kita, Rum.

He crouched and reached for my lips.

Malambot...

Marahan...

Matamis...

I tiptoed and kissed him back. I'm not usually fond of public display of affection, yet tonight, I couldn't help myself. He was just so beautiful and when he smiled, I just fell in love more.

Ang mga palad niyang nasa beywang ko ay gumalaw payakap doon. Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming ganoon pero natigil lamang kami nang may tumikhim sa gilid namin.

We let go of each other. Sobrang pula pa ng labi niyang may ngiti nang tumingin saglit sa akin bago binalingan si Yorme at ang kasama nitong nasa tabi niya.

I felt my cheeks heated when I realized what we just did. We kissed in public!

Masama pa ang tingin sa akin ng mga babaeng nakausap niya kanina.

"I'm sorry to interrupt you, my dears. I would just like to introduce our special guest for tonight. Talagang nagpunta siya rito to meet the funeral crew. She's a naturalized Filipino and was actually born here before her family decided to go back to India," Yorme explained.

The woman dressed in her uniform for high-ranking military officers stepped forward and smiled at us. Nakaipit sa pagitan ng tagiliran at braso niya ang sumbrero. Kapansin-pansin din ang marka nang nasunog na kalahati ng mukha niya. Nevertheless, she's screaming bravery, determination, empowerment, and renewed hope.

"Captain Merry Shismita Ranbir from Philippine Air Force," she saluted then offered her hand for a shake.

Rum smiled and took it courteously.

"Rumplestle Sandros, Captain. Funeral director of Charmings' Funeral Home."

They shook hands.

"So, tell me, how does planning for my future funeral goes?" she asked with little chuckles.

Her question shocked me. I thought she has someone to give this funeral service to. But it was actually for her...

Why do I feel like this will going be an unusual service for us?

•|• illinoisdewriter •|•

Trivia: The Sati System or suttee is actually really existing in India. Ranbir also means brave warrior in Hindu. Find out more about it and the beast for this service which is the Vetala on my Facebook page Illinoisdewriter's Republic.

I prepared things for you to know and enjoy to there. Sayonara, Charmings! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top