Episode 43: The Rebel Mermaid

Episode 43: The Rebel Mermaid

•|• BEAST CHARMINGS •|•

"Mom, I want to go home to the city!"

"No, you will stay here. Dito ka na rin mag-aaral sa probinsya."

"What?! You can't do that to me. My whole life is there in the city!"

"Ariella, don't you get it?! It's time that you learn your lessons! Dahil sa'yo nagkandaloko-loko ang negosyo ng papa mo! Ngayon, may kaso pa siyang hinaharap dahil sa'yo! Jusko, naman anak. Pati mga kawawang hayop sa zoo niya hindi mo pinapalampas."

"Mom, it's our zoo. I can do everything I want."

"Hindi mo pag-aari ang buhay ng mga hayop na 'yon..."

"Mom, I'm just playing, okay?"

"Talaga? You're already 19 years old and your version of play isn't funny. How can you explain the reason kung bakit binali mo ang paa ng isang parrot doon?"

"Tinuka niya ako. Natural, gaganti ako!"

"How about the baby elephant whose right eye you stabbed blind using a metal rod? Kinailangan pang sibakin ng daddy mo ang kawawang maintenance upang may mapagbuntunan ng sisi?"

"I don't like that baby elephant. Can you believe, mom? Ihian ba naman ako when I was petting it!

"At 'yong tiger na binalatan mo after sedating it, hija. Anong klaseng utak meron ka?!"

"Mom, one fourth lang ang kinuha ko r'on. Just to show off to my friends that I owned a tiger."

Napameywang at sapo si Marilyn sa sinagot ng dalagang anak. Hindi na niya kinakaya ang pag-uugali at pag-iisip nito.

"You know what, I'll just leave you here. Aayusin pa namin ng daddy mo ang gusot mo," pagsuko niya sabay dala ng clutch at alis nang tuluyan sa rest house nila sa isang probinsya.

Ariella, the rotten spoiled brat, decided to spend the rest of her day jetskiing. She's seemingly unbothered of all the troubles she had caused to her parents' business and to the pain she had brought to the animals in the said zoo.

"Hey, do you have it?" she asked her equally despicable friend.

"Nandyan na, ma'am. Hindi ba bawal 'yan, bes?"

"Bawal kung may magsusumbong. Subukan lang ng mga muchachang nandito na magsalita at tingnan natin kung kaninong pamilya ang magugutom," she laughed as she taunted the maids around her and was joined by her friend later on.

"Good thing my tito's still selling that kind of explosives. Effective 'yan kahit sa underwater," her friend stated as she handed her the bag.

"Thanks."

Ariella changed into her bikinis and rode their family-owned jetski. Nang malayo na siya sa shore ay itinigil niya ito saka binuksan ang bag and she switched on the explosives.

"Hello motherfuckas!" she shouted at the top of her lungs then threw as far as she can the explosives.

Nagkaroon ng malaking pagsabog sa parteng iyon ng dagat at bahagya pang gumalaw ang jetski niya sa lakas n'on. Pero sa halip na matakot ay tumayo pa siya at napapalakpak sa tuwa.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may grupo ng mga sirenang nagluluksa sa lihim na parte na iyon ng dagat dahil sa pagkawala ng isa sa pamilya nila na dulot ng pagsabog na iyon.

                 •|• SNOW •|•

NAG-ANGAT AKO NG tingin sa magkasabay na pumasok sa Nena's na sina Rum at Dean. Pareho silang nakasuot ng Type A uniforms nila. Nakaputing short sleeves polo at navy blue slacks. Naka-type A din kami ni Queen, iyong unipormeng may palda. Si Tutti lang ang naka-PE uniform sa amin kahit na hindi naman namin sched at wala din siya dine ngayon kasama namin.

May suot na malaking hair clip sa gilid ng buhok niya si Queen na korona ang desenyo. Bagay sa kanya kasi mukha talaga siyang reyna. Ako naman ay naglagay lang ng paborito kong manipis na pulang headband. Si Tutti ang cute din sa pa-butterfly claw clips niyang hairstyle kanina. Naaalala ko tuloy iyong mga datingan ng buhok ni Lizzie McGuire noon sa hairstyle niya.

Hinila ni Dean ang silya sa tabi ko at ipinatong niya ang braso sa likuran ng upuan ko. Kinagat ko ang labi ko at bahagyang yumuko, nagkukunwaring nagbabasa ng module para hindi niya mapansin ang pamumula ng mga pisngi ko.

"Si Tutti?"

Nag-angat ulit ako ng tingin kay Rum na nagpalinga-linga sa paligid.

"Hindi namin siya kasama. Ang sabi niya may dadaluhan daw siyang event sa school ngayon," sabi ko.

Nakunot ang noo ni Rum, nagtataka.

"Event? May event ba ngayon, Queen?" baling niya sa kaibigan naming nagcecellphone.

Napairap naman si Queen. Kinagat ko ang labi at nagpigil ng ngiti. Naiinis na naman siya kasi ginagawa namin siyang kalendaryo na may reminders sa mga okasyon.

"Aside from the Vice President for Academic Affairs' birthday, I don't know any other events today," she replied.

Natango si Rum at pumwesto sa may kabisera. Inilapag niya ang satchel sa upuan mula sa balikat niya at hinugot mula sa bulsa ng kanyang slacks ang phone niya.

Hindi ko maiwasang mapabungisngis nang tahimik dahil sa nakita ko. Ang lock screen at wallpaper niya kasi ay si Tutti. Iyong lock screen ay natutulog na si Tutti tapos 'yong wallpaper naman ganoon pa din ang ayos ng kaibigan ko pero nakadilat na siya na halatang nagising at nagulat sa picture.

"Kumain ka na?" tanong ni Dean sa akin.

Hindi ko siya magawang lingunin. Ang lapit niya kasi at nakaharap pa sa akin. Nandoon pa din ang pwesto ng braso niya sa likuran ko at ang isa naman ay nasa ibabaw ng lamesa.

"Oo, nilibre ako ni Queen ng cassava cake kanina," mahina kong tugon.

He clicked his tongue and nodded then he turned to Queen.

"Panira ka rin ng diskarte, e, no?"

Nairap na naman si Queen habang nakatitig pa din sa phone niya. Maya-maya ay nag-angat na siya ng tingin sa amin.

"Do you know the surname of that Alas at the motocross?" tanong niya. Napangisi naman si Dean na puno ng malisya.

"Don't tell me you like him? Is this really you, Queen? You're finally stalking someone?" tukso ni Dean sabay tawa.

Nalukot naman ang mukha ni Queen na parang nandidiri.

"Eww, it's the other way around. They stalked me and I don't. Isa pa, he has my Louboutins. I have to get it. My shoe is so lonely to look at without its pair."

"Bakit nasa kanya 'yon kung gan'on?" pagtataka ni Dean.

Napakurap ako kasi naguluhan din ako. Bakit nga naman nasa ibang tao ang sapatos ni Queen?

Natahimik si Queen at nagpabalik-balik ang tingin sa amin.

"Hala, naglilihim ka na ngayon! Mommy Rum, may secret karelasyon na si Queen," pagsusumbong ni Dean habang ginagaya ang boses ni Queen.

Nagbaba naman ng phone si Rum at bumaling sa amin.

"Totoo, Queen? You should let him meet us first. Ayain mong magdinner minsan sa Overlook para malaman namin kung pasado ba sa amin. Maghahanda ako ng marami at magluluto ng paborito mong chicken inasal," banayad na ngiti ni Rum sa kanya.

Natawa si Dean sabay fist bump kay Rum. "Yeah, tol! That's right. Iharap mo muna sa nanay natin bago kayo tuluyang magjowa," dagdag niya pang bilin kay Queen.

Naungot sa inis si Queen.

"Can you stop it? He's not my secret karelasyon nga. He was being a jerk so I took my heels off and threw it towards him and he won't give it back to me then. That's all!"

Tumunog ang windchime, hudyat ng mga bagong pasok na bisita. Nagtatawanang pumasok sina Norma at Whiskey sa Nena's.

"Here are Tutti's Com friends. Maybe, they knew about the nuno's current whereabouts," puna ni Queen. Pero feeling ko talaga chinichange niya lang ang topic agad.

"Whiskey!" tawag ni Rum sa kanila sabay kaway at ngiti.

Namula naman ang mestizong mga pisngi ni Whiskey. Mukhang may crush din siya kay Rum.

"Yes?" matinis at mahinhing tanong nito paglapit. Ngumiti naman si Rum.

"Alam niyo ba kung nasaan si Tutti?"

"Hala, hindi siya nagpaalam sa inyo?"

Umiling naman kami. Pati si Norma ay lumapit na din.

Natatandaan ko pang todo sorry si Norma noong magkita ulit kami dahil hindi niya napagsabihan ang bus na hindi pa kami nakakabalik dahil sa sobrang tulog niya. Mabuti na lang paglabas namin ng parola ay dumating sina Dean at Rum pagkatapos ng ilang sandali. Hinanap kasi nila agad kami pag-inform ni Norma sa kanila na naiwan kaming tatlo ng bus.

"Sumali siya roon sa protestang gagawin ng isang animal welfare group ng university sa isang zoo na nasampahan ng reklamong animal cruelty. Kanina ko nga lang din nalaman na ang compassionate niya pala sa mga hayop," paliwanag ni Whiskey na sinamahan niya pa ng halakhak na para bang hindi din siya makapaniwala na ganoon si Tutti.

                 •|• TUTTI •|•

ALL LIVES MATTER.

That's what we've been keep on shouting since awhile ago as we protested against a zoo which had been popularized through social media because of its alleged cruelty against their animals.

"All lives matter! All lives matter!" the head of the League of Animal Protectors Against Cruelty and Exploitation or LAPACE shouted through her megaphone.

Nakisingit ako sa kumpol ng mga tao upang makalapit sa kanya saka ko hinablot ang megaphone na talagang ikinagulat naman niya.

"Ang lahat ng buhay ay may kabuluhan!" sigaw ko sabay hampas sa signage na nakasabit sa akin.

"Wala tayong karapatan na magmaltrato ng mga hayop! Maging ang saktan sila at apihin dahil may damdamin din sila, nahihirapan at nasasaktan!" patuloy ko pa.

"Walang kayong karapa-"

"Wala kaming ginagawang masama!" sabat ng isang empleyadong naka-megaphone rin.

Humarap ako sa banda niya, itinaas ulit ang hawak na megaphone at sumigaw nang pagkalakas-lakas ng, "Akala mo lang wala! Pero meron! Meron! Meron!"

Iniisip ko na lang na siya si Vilma at ako ang batang Carlo Aquino na sinasagot-sagot siya.

Magsasalita pa sana ulit ang empleyado nang may tumamang itlog sa noo niya. Napa-oh naman ako sa gulat.

"Ibigay niyo sa iba ang pamamahala sa zoo na 'to o di kaya ay magsara na lang kayo!" may sumigaw sa mga nagpoprotesta.

Binato na naman ulit ng mga itlog ang mga empleyado. Nasundan pa iyon ng marami pa hanggang sa nagkagulo na talaga.

Basta sigaw lang 'yong ambag ko rito, ah.

Para kaming mga bubuyog na nagkakagulo lalo na nang dumating ang sasakyan ng mga pulis na aawat.

"Iniimbitahan namin kayo sa presinto," a policeman announced.

Kinuha ko ang megaphone at nagtanong mula sa pwesto ko.

"Weh, di nga? Kaninong birthday?" I kidded to save my life.

Ang ending, sa presinto ang bagsak namin. May iilang nakatakas kasi nag-The Flash pero nanatili ako. Ayokong magmukhang guilty. I'm doing this for a cause so I will stand my ground on this.

"D'yan muna kayo para magtanda kayo. Bakit kayong mga taga-UP ang hilig-hilig niyong sumabak sa gulo?" naiiling na saad ng pulis matapos isara ang kulungan namin.

"Hindi naman po pwedeng manahimik ka lang kung may napapansin kang mali. There's so much cruelty in this world and you can't make a difference by staying blind and mute. Dapat po, ipaglaban mo! Amen!" baling ko sa mga kasama ko sa likuran na itinaas naman ang mga kamao nila.

"Amen!"

"As the saying goes, being neutral means siding the oppressor. Ayaw mo nga pero wala ka namang ginagawa. Para mo na ring pinapaubaya ang lahat sa mga may kasalanan. Amen!" baling ko ulit sa mga kasama.

"Amen!" tugon naman nila sabay taas ng kamao.

"All lives matter! All lives matter!" sigaw ko ulit na sinabayan pa ng mga kasama ko.

"All lives matter!"

Napailing na lang ang pulis at umalis na.

Maya-maya pa ay napahawak ako sa may rehas nang mapansin ang blondinong kinakausap ang pulis sa may front desk. Sumunod na rin ang iba pang Charmings sa loob at nagpalinga-linga.

"Mga beh!" tawag ko sa kanila sabay kaway at ngiti pa.

Naningkit ang mga mata ni Queen sa akin. Si Snow naman nag-aalalang ngumiti. Dean raised his index finger and gestured it like as if warning me of something.

Rum turned around and immediately pursed his lips when he saw me. This is want Dean was warning me.

Rum whispered something to the police officer who then approached our cell and opened it.

"Vega, makakalabas ka na. Tinubos ka n'ong kasama mong porenjer," sabi niya.

Lumabas ako pero nahinto rin sa gilid niya.

"Manong, fo-re-ner po," turo ko kung paano bigkasin ang foreigner.

Napakamot naman siya ng batok.

"Pareho lang 'yon. Sa spelling lang nagkaiba," kaila ni manong.

Kumunot ang noo ko, my linguist butt was hurting. Tinamaan niya ang ipinagbabawal na nerve sa utak ko.

"What mess have you gotten into this time?" bungad ni Queen sa akin.

"Ipinaglalaban ko lang ang karapatan ng mga hayop na mabuhay nang maayos," giit kong ikinairap naman niya.

"Mommy Rum, thank y-"

"Let's go," tipid niyang putol sa sasabihin ko sana at nauna nang lumabas.

"Lagot ka. Bad mood 'yong inahin. Bakit kasi hindi ka nagpaalam na sasali ka sa tanginang protesta na 'yan?" Dean told me while making that same index finger gesture again.

We were silent during the whole drive home. Dumaan kami sa drive thru ng Jollibee at nag-order ng bucket. Nagmakaawa pa ako kay Queen na nagdagdagan niya ng burgers, fries, peach mango pie, at sundae. Wala kasi akong pera. Sinaksak niya muna ako nang matatalim niyang mga tingin bago siya pumayag sa gusto ko.

Tahimik lang si Rum. Hindi parin ako pinapansin pero hinayaan ko muna siya kasi kasalanan ko naman talaga dahil hindi ako nagpaalam nang maayos.

Sino ba namang nanay ang matutuwa kung ang inaakala niyang nag-aaral na anak ay sa presinto niya susunduin?

Pagdating namin sa Island Overlook ay dire-diretso sa mga kwarto nila para magbihis ang mga kaibigan namin. Si Rum lang ang nagpunta sa kusina para ihanda ang hapunan namin.

"Beh, ako na," ngiti ko sabay kuha sa brown na lalagyan na naglalaman ng mga request ko kay Snow.

"Sigurado ka, beh?"

I nodded and smiled to assure her.

"Magbihis ka na. Ako na bahala rito. Magpapa-good shot na rin ako," I winked at her.

She smiled and nodded in agreement.

I followed Rum to the kitchen. Ibinaba niya ang satchel mula sa balikat niya papunta sa dining chair. Ang bucket naman sa ibabaw ng lamesa. Tapos naglakad siya papunta sa kusina.

He opened the fridge with double doors and took the glass pitcher out of it then he placed it atop the gray marble counter. Binuksan niya rin ang cabinet upang kumuha ng baso at nagsalin ng tubig saka uminom. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

I sighed and also placed the things on the table. Lumapit ako sa may counter at naupo sa high stool katapat niya.

"I'm sorry."

Ibinaba niya ang baso saka itinuko ang mga palad sa counter.

"Sa susunod na ulitin mo 'yon, hindi na kita tutubusin. Naiintindihan mo ba ako, Tuttieana?"

He had given the classic sign of most angry moms. Kapag tinawag ka ng nanay mo sa buong pangalan mo, aba'y kabahan ka na.

"Opo."

Pumasok na ang tatlo sa kusina. Naupo na kami ni Queen sa pabilog na dining table. Nasapo ko ang noo nang matantong ang palamunin ko naman masyado. Kumukuha kasi ng mga pinggan si Snow at nakakahiya naman kung hindi ko siya tutulungan. Rum was helping her to set up the table.

I stood up and went to the cabinet to get the utensils. I was holding a handful of them already when Dean approached and tried grabbing it from me.

I pulled my hand from his hold with furrowed brows.

"Problema mo?"

"Ako na," bulong niya.

"Ha? Huwag mo nga muna akong demonyuhin kasi nagpapa-good shot ako."

"Tangina, akin na nga kasi. Tutulungan ko si Snow. Dagdag pogi points na rin 'to," bulong niya ulit.

Natawa ako at sinabing, "Ayoko. Bahala ka sa buhay mo."

Hinila niya ulit ang kamay ko at sinubukang kuhanin ang mga kubyertos.

"Tangina mo talaga. Maupo ka na lang kasi doon at ako na dito."

"Bakit ba pinapangunahan mo ang mga desisyon ko sa buhay?"

He groaned and tried to reach for the utensils. I quickly turned my back on him, making sure he wouldn't get it.

"Tanginang tiyanak na 'to. Ibabalibag kita kapag hindi mo 'yan ibinigay sa akin."

"Hawak ko ang tinidor, Dean. Tandaan mo, isang tusok ka lang."

"Utang na loob, Dean, Tutti!"

Natigil naman agad kami sa pag-aagawan dahil sa dumagundong na boses ni Rum. He inhaled sharply while sitting on his seat and watching us. Mukhang kanina pa siya nanonood.

"Can you stop killing each other?! Lagi na lang kayong nagbabangayan. Kahit sa mga simpleng bagay. Upo!"

Parang masunuring mga tuta naman kaming tumalima ni Dean sa utos niya at naupo na sa hapag. Si Snow na rin ang nagdistribute ng mga kubyertos. Napapikit at hilot ng sentido si Rum.

"Tol, sorry."

"Rum, sorry na talaga," Dean and I said in chorus.

Hindi nagsalita si Rum buong hapunan. Tahimik lang din kami. After eating, Dean and I volunteered to do the dishes to make it up to Rum. Matiwasay naman naming natapos iyon agad.

Sumaglit muna ako sa kwarto namin para maghalf bath at magbihis ng pantulog.

Queen was wearing her white lace peignoir over her lace maxi nightgown. Snow was donning a terno floral baby blue camisole and shorts. I had chosen to wear a coral pink bell long sleeves midi dress.

Kinuha ko si Wordsworth at niyakap saka ako nagtungo sa opisina ni Rum. I knocked three times then opened the door only to find him reading a book with his eyeglasses hanging low on his nose at the sofa. He was already wearing a plain white tee shirt and black flannel pajama.

He just glanced at me then continued reading. I stepped inside and advanced near him. Naupo ako sa tabi niya at ipinatong ang mga paa ko sa sofa saka umabrisete sa kanya.

Nagulat naman ako nang inalis niya ang braso niya mula sa pagkaka-abrisete ko. Ang attitude naman nito.

I was about to protest when that arm hugged and pulled me closer to him. Hawak parin ng isang kamay niya ang librong binabasa.

"Sorry na, nay," I apologized again while staring up at him.

He sighed and looked at me.

"Huwag mo na ulit gagawin 'yon at huwag na rin kayong nagbabangayan ni Dean."

Tumango ako kahit na alam kong hindi ko matutupad 'yong huli. Nanghihina talaga ako kapag hindi ako nagloloko sa loob ng isang araw. I slowly lifted myself to kiss him on his chin.

"I love you," I told him.

He was surprised at first but then he smiled gently at me as his eyes sparkled and he whispered, "Ikaw lang talaga, doll. Pangako ko."

I smiled at him too. Isinandal ko ang ulo sa balikat niya at binalingan ang librong binabasa niya. 'Those With Wings' was its title and it's pricking my curiosity.

"What are you reading?" I asked, still looking at the book.

"It's about angels."

"Wowerz. What insights have you gotten from it?"

"Very important ones," makahulugan niyang sagot.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya bago nagtanong ulit.

"Like what?"

"Like the fact that angels have white glowing wings. Nephilim or the race of half angels and half humans have shadow wings. Whereas, hybrids or those offsprings of both an angel and a beast have dark wings."

"Wow. I find this really fascinating. Bakit ka nagbabasa ng mga ganito?"

"I'm just curious too, I guess," he shrugged.

I nodded and leaned my head on his shoulder again.

Why do I feel like something's bothering him based on his tone and semantics?

                 •|• QUEEN •|•

I RUMMAGED THE insides of my Hermès Birkin handbag with silk bandana tied on its handle. It's of the color tangerine this time.

I changed it just this morning because I don't really like repeating my bags for school everyday. The problem is, I still couldn't find my lipstick.

"Gotcha," I remarked when I finally found it.

I took it out from my bag when someone placed a cup of caramel butterscotch milk tea in front of me. I'm inside the café near UP again.

My brows furrowed and lifted my gaze towards the man who gave it to me.

"I haven't ordered ye-"

Nabitin ang sasabihin ko at napasimangot agad nang ang nakangising mukha ni Alas ang bumungad sa akin.

He was wearing the café crew's uniform. A while polo shirt and black pants under a champagne colored apron and cap.

"My treat," he smirked and pulled the chair out in front of me to sit.

Ibinaba niya rin ang hawak na tray doon. I narrowed my eyes into slits.

"Are you stalking me?"

He laughed.

"Babe, I'm working here."

Nag-init ang ulo ko sa tawag niya sa akin.

"Stop calling me that, stronzo."

He just laughed again.

"Let me guess, you're a penniless dropout," I mocked.

I don't know if it's true, though. I just assumed. However, I am much aware that he was speaking English with an accent. American, maybe.

"Napaka-judgemental mo naman. I already graduated actually," he shrugged.

"I don't believe you. What course and how old are you then?"

He laughed once more.

"Babe, why do you sound like as if you're interrogating me?"

"Wait, I can't hear you," sabi ko sabay turo sa tenga ko.

"Let me just put on my lipstick," I continued.

I was dying to put it on since awhile ago but then he interrupted. I took the cap of my lipstick off then I applied it on my lips. I closed it again then puckered my lips.

"You were saying?" I asked, returning to the topic.

Naabutan ko siyang nakangising nanonood sa akin pero maya-maya pa ay dahan-dahan na siyang umiling.

"Kakaiba ka rin ha."

"Of course, I hate being on the mainstream. I always want to show off how different I am. Pabibo ako, e."

He smirked and said, "Well, I graduated from UCLA with a degree in History. I'm 23 years old and I'm currently doing some soul-searching."

My mouth went agape then I laughed.

"Let me guess again. No one in their right minds hired you as an historian or even just a professor of History."

"I actually had a lot of offers abroad. I declined them all."

"Why?"

"I told you I'm soul-searching."

"As a café crew? Really?"

It's not that I am belittling him and this job but I just couldn't believe it. He finished his studies in a prominent institute in the US of A just to be here and do this for his soul-searching.

"Babe, I don't know if you already know this but great things in life are actually found in the simplest ones."

Natahimik ako sa sinabi niya. He has a point and I hate to admit it.

"Did you know that Spain first settled in the Philippines in the 16th century? It had colonized the country for more than 330 years, although the British briefly occupied Manila for 18 months from 1762 to 1764."

I quickly covered my ears.

"Eww, you sound like a dork."

He laughed heartily.

"I thought you like nerds," he asked, raising a brow playfully.

"You have a crush on me," I pointed out.

He just smirked with his eyebrow still raised.

"But I perfectly understand. I'm a great catch," I added as I flipped my hair dramatically.

"I like your confidence, Queen."

Natigilan ako. I haven't introduced myself yet.

"How did you know my name?"

He smirked then pointed my ID. I rolled my eyes. Yeah, right.

"Give me back my Louboutins."

He leaned forward and smirked. I heard gasps and silent shrieks from the female students behind us. I glanced at them. They're watching us since awhile ago. Or maybe just him.

He's gorgeous, I admit. It's not hard to tell why these females are swooning. I rolled my eyes and faced him again.

"Okay, but in one condition."

"Gosh, what is it?"

"Let's date," he winked smirkingly.

                 •|• SNOW •|•

SINAMAHAN KO SI Tutti pabalik sa publication office. Naiwan niya kasi ang Turkish Delight niya sa discussion room na binigay ni Whiskey sa kanya galing sa nanay nitong mula sa abroad.

"Sana nand'on pa 'yon sa loob. Kakainin ko talaga pati 'yong kumuha n'on."

Napabungisngis na lang ako sa sinabi niya. Hindi talaga siya mapakali hanggang hindi nakakatikim n'on.

Inalis niya ang mga kamay sa strap ng backpack niya upang katukin ang pinto ng tatlong beses.

Pinihit niya ang seradula ng pinto at binuksan iyon. Pumasok kami at binati ng isang magandang bata na nasuot ng puting bestida.

"May isang kapatid pa pala sila Yorme?" bulong ni Tutti sa akin.

"Hindi ko nga din alam, beh, e."

Tinuko ni Tutti ang mga palad sa tuhod niya at yumuko upang mapang-abot ang tingin nila ng batang babae.

"Hi, baby girl. Are you lost?"

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang humagikhik. Si Tutti talaga ang kulit kahit kailan.

"You're looking for David?" she smiled.

Napatayo nang maayos si Tutti at bumaling sa akin.

"Beh, akala ko baby sister niya. Naguguluhan na ako kung sino ang panganay. Pare-pareho kasi sila ng height," bulong niya sa akin.

"Hi po, ako nga po pala si Snow. Kung hindi niyo po mamasamain ay magtatanong po sana ako. Kaano-ano niyo po si Yorme?"

Naisip kong mas safe kung gagamit ako ng po. Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Yorme at lumabas mula doon sina Goliath, Yorme, at Ms. Ferrer.

"Oh, Snow, Tutti? What are you doing here?" tanong ni Yorme.

"Naiwan po kasi ni Tutti 'yong Turkish Delight niya sa discussion room kaya binalikan po namin," magalang kong sagot.

"Oh. Gol, can you get it inside the discussion room, please?" baling niya sa kapatid.

Tumango ang kapatid niya at binuksan ang discussion room saka pumasok doon. Lumapit naman si Yorme sa amin habang malapad ang ngiti.

"Girls, I want you to meet Esther. Esther, they are my beloved students and funeral crew members. The ones I've been telling you," pakilala ni Yorme.

"Really? It's such a pleasure to meet you. I am Esther Montoya, David's fiancée," pakilala niya.

Nagkatinginan kami ni Tutti sa gulat nang matanto ang lahat. Si Esther ay kagaya ni Yorme na may dwarfism kaya mukha itong bata.

Sabay naman kaming bumaling ni Tutti kay Ms. Ferrer na tipid na ngumiti sa amin. Pero hindi nakatakas sa akin ang kalungkutan sa mga mata niya.

Hindi man niya aminin ay alam at napapansin naming may iba sa kanila. Noong una nga ay buong akala ko na si Yorme din ay may nararamdaman kay Ms. Ferrer. Naguguluhan ako.

"Hala, paano na po si Ma-"

Hinawakan ko ang kamay ni Tutti para hindi niya matuloy ang sasabihin sana.

"Ma'am, Español po ba kayo? I heard Spanish accent when you spoke English," pag-iiba niya sa usapang ikinaginhawa ko naman.

"Yes, may lahi akong Español and I came from Madrid, Spain," Ms. Esther smiled at us.

Lumabas si Goliath sa discussion room at ibinigay kay Tutti ang pabilog na latang may laman ng Turkish Delight.

Yorme even told us that he will formally introduce Ms. Esther to us soon. Tutti and I nodded before waving goodbye at them. Siguradong mahirap 'to para kay Ms. Ferrer.

PAGBABA NI RUM sa hagdanan ay nagsitayuan na kami. Ang sabi niya ay sasalubungin daw namin ang bagong kliyente namin ngayong hapon. Kauuwi lang din namin galing sa UP.

Sinundan namin si Rum palabas ng Island Overlook at papunta sa likuran kung saan nandodoon ang hagdanang bato pababa ng dagat.

"Sa pagkakaalam ko ay nasa may gate ang entrance. Bakit tayo nandito?" naguguluhang tanong ni Tutti.

"Oo nga, tol," pagsang-ayon naman ni Dean.

"They're here," anunsyo ni Rum habang nakatanaw sa dagat.

Napaawang ang bibig ko sa natanaw na papalapit sa amin. May isa pang tumalon mula sa dagat pabalik sa dagat. Mahaba ang buhok ng mga babae pero pareho sila ng mga lalaking papalapit na may iba't ibang mga kulay ng buntot.

Mga sirena.

"Wowerz," manghang sambit ni Tutti.

Napangiti ako sa tuwa.

"Para akong nasa fairytale. Hindi ako makapaniwala," bulong ko naman.

Napabaling si Tutti kay Rum at kinalabit ito sa braso nito.

"Alamaak, totoo ba talaga 'to Rum? Pwedeng magswimming kasama sila?" natutuwang tanong ni Tutti. Rum chuckled.

"I like their skin," hayag naman ni Queen.

"Kung feeling mo nasa fairytale ka. Baka ako na ang prince charming mo," hirit ni Dean habang nakatayo na sa gilid ko.

Natawa naman si Tutti.

"Iba ka talaga, Dean. Lodi!"

"Siyempre, minsan lang ako magmahal kaya itotodo ko na kahit pa nagmumukha na akong tangina."

Kinagat ko ang labi ko at diniretso lang ang tingin sa harap. Ramdam kong namumula na ang mga pisngi ko sa magkahalong hiya at kilig.

Sumungaw na ang ulo ng mga sirena sa dagat at sa unti-unti nilang pag-ahon ay tila sumasama din ang tubig na siyang bumabalot sa mga katawan nila na tila ba isa itong kasuotan.

The water that covered them turned solid and clothed them like jumpsuits. Sobrang nakakamangha dahil hindi sa lahat ng oras ay nakakasaksi ako ng mga ganito.

Isa-isa silang umakyat sa hagdanang bato papunta sa amin. Lima lahat sila pero tatlo lang ang umakyat. Isang babae at isang lalaki na may buhat na isa pang babaeng walang malay. Maaaring ito nga ang bibigyan namin ng funeral.

Sinalubong sila ni Rum na maagap namang kinamayan ang magandang babaeng may mahabang buhok.

"I am Rumplestle Sandros, Your Majesty. And welcome to Charmings' Funeral Home," magalang na salubong ng funeral director namin sa kliyente sabay yuko bahagya.

Yumuko na din kaming apat na nasa likuran nang matantong ito ang reyna ng mga sirenang ito.

"Maraming salamat sa inyong salubong at sa pagpayag na bigyan nang maayos na libing ang aking anak," malungkot na baling ng reyna sa anak na buhat ng lalaking kasama niya.

"Tutuparin po namin ang inyong kahilingan. May nais pa po ba kayong idagdag?"

Hinarap ulit ng reyna si Rum at tumango.

"Nais ko sanang bantayan niyo rin pansamantala ang isang babaeng mortal na sinumpa ng aking anak."

Nagulat kami sa inamin ng reyna.

"Ano po ang ibig niyong sabihin, kamahalan?" si Rum.

"Sinumpa ng aking anak ang mortal na naging sanhi ng kanyang kasawian. Ginawa niya itong sirena at sa oras na hindi pa ito bumalik sa dati nitong anyo pagdating ng kabilugan ng buwan sa susunod na tatlong araw ay tuluyan na itong magiging sirena."

Hinayaan naming magpatuloy ang kamahalan sa kanyang pagkukwento.

"Hindi ko mawari kung ano ang nais ng aking anak na gawin ng mortal upang mawala ang sumpa. Subalit nais kong tulungan ito sapagkat ayokong lisanin ng kaluluwa ng anak ko ang mundong ito nang may poot at tinik sa kanyang puso. Nawa'y tulungan niyo ako," pakikiusap ng reyna.

Tumango si Rum at nginitian ito.

"Gagawin po namin ang lahat upang makatawid siya sa kabilang-buhay nang matiwasay. Makakaasa po kayo."

•|• illinoisdewriter •|•

Let's make this storytelling experience somewhat interactive by sharing your answer to this, "Rank your favorite characters from 1-5 in this book and state your reason why." 😊

Don't forget to hit the star button and comment your thoughts and answer. Sayonara, sweetcheeks! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top