Episode 42: Chrysanthemum
Episode 42: Chrysanthemum
Sa isang madilim at maulan na gabi ay nakatayo si Madame hawak ang kanyang itim na payong sa tapat ng kalawanging gate ng isang lumang parola.
She pulled out an empty black with gold detailings card from the pocket of her black double breasted midi dress.
"I have to let some mortal souls experience being beasts sometimes," she grinned and tossed it over the old lighthouse.
The card was floating in the air then it emitted a dark smoke, covering the entirety of the said place.
• • • SNOW • • •
NASA BIYAHE NA kami papunta sa kumbento kung saan idadaos ang annual retreat namin.
Sakay kami ng school bus. Sa katunayan, kami ang huli at panglimang batch ng mga babaeng estudyanteng tutungo doon. Nauna na ang iba pa kaya hindi na punuan sa amin kaya nasa pinakalikuran kami nakapwesto.
Magkatabi kami ni Queen sa pangdalawahang upuan. Nasuot siya ng puting fuzzy sweater with floral embroidery sa gilid nito at beige jeans saka champagne silk espadrilles. Nakalugay lang ang buhok niya.
Si Tutti naman ay katabi nang natutulog na si Norma sa upuang katapat namin. Nabihis naman siya ng burgundy ribbed mock neck top na may red, white at black stripes. Pinatungan niya din iyon ng oversized denim jacket saka mom jeans at classic black converse. Naka-high ponytail naman ang buhok niya.
Tulog na tulog si Norma suot ang neck pillow at sleep mask niya. Ako naman ay nakaputing camisole na nakatuck in sa black high rise jeans ko. Pinatungan ko din iyon ng open front cerulean duster cardigan at white sneakers. Tinali ko din nang pa-ponytail ang buhok ko gamit ang hair tie na may desenyong Chrysanthemum flower.
"Mio Dio! Finally, I can go to the restroom," hayag agad ni Queen paghinto ng bus namin sa isang terminal.
Dali-dali niyang binuksan ang Louis Vuitton niyang duffel bag at kinuha mula doon ang wet wipes pack niya.
"I will pee lang. How about you?" tanong niya sa akin.
"Susunod ako," sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Tumango siya at tumayo na saka bumaba ng bus. Binalingan ko naman si Tutti sa gilid ko.
"Beh, bababa ka?"
Ipinatong niya ang Herschel niyang backpack sa hita niya pero natigil sa pagbubukas n'on upang sumagot sa akin.
"Oo, beh. Nagugutom ako saka parang gusto kong bumili ng orange," ngiti niya saka binuksan na ang bag at kumuha ng isang daan mula sa wallet niya.
"Sasama na din ako. Nasusuka na kasi ako," pag-amin ko. Gulat naman siyang napabaling sa akin.
Lagi akong ganito kapag sumasakay ng bus. Dagdagan pang aircon iyon at hindi mabuksan ang bintana kaya parang nalulunod ang pakiramdam ko.
"Kaya pala namumutla ka. Halika, baba na tayo."
Tumango ako at binitbit ang white flower at panyo ko. Nagpaalam naman siya kay Norma saka kami bumaba ng bus.
Natawa na lang ako nang sinabi niyang aalalayan niya ako habang sumusuka. I assured her na ayos lang ako at hinikayat siyang bumili na ng gusto niya kaya nagpaalam na siya sa akin para lapitan iyong tindera.
Sumusuka pa ako nang lumabas si Queen ng banyo. Lumapit siya sa akin at nilahad ang wipes niya.
"You wipe your mouth after."
"Salamat," tugon ko sabay abot n'on.
Gusto kong humagikhik sa itsura niyang nandidiri habang pinapanood ako pero hinahagod niya din naman ang likod ko kasabay n'on.
Pinunasan ko ang bibig ko ng wipes saka itinapon iyon sa basura sa malapit.
"Puntahan muna natin si Tutti kay nanay na nagtitinda ng bibingka d'yan sa tab-"
"Tutti!"
Natigil ako sa pagsasalita nang namimilog ang mga matang tinawag ni Queen ang kaibigan namin.
Nagtatakang napabaling naman sa amin si Tutti na puno pa ang bibig sa kinakaing bibingka at yakap-yakap pa ang brown na supot ng mga orange na binili niya. Sinubo na niya ang huling piraso ng bibingka kaya mas lalong pumuno ang bibig niya.
"The bus is leaving us!" sigaw ni Queen na ikinagulat ko din.
Napalingon din doon si Tutti at ramdam kong natigil din sa pagtakbo ang mundo niya nang masaksihan ang pag-alis ng bus. Ang balat ng bibingka na hawak niya ay nasuspende pa ere. Nang makabawi ay kaagad niyang tinapon iyon at hinabol ang bus. Sumunod naman agad kami ni Queen.
"Dao Ming Si! Dao Ming Si!" sigaw ni Tutti habang hinahabol ang bus at yakap pa din ang supot ng oranges. Naglaglagan pa ang ilan n'on.
Kinakabahan ako kasi kakaonti lang kaming nandodoon sa bus at wala pang faculty, 'yong driver lang. Hindi pa namin kilala iyong mga kasama namin maliban kay Norma. At si... si Norma! Bakit parang hindi niya nasabihan ang driver?
Hindi kaya... Hindi kaya talagang tulog siya at hindi napansin si Tutti at ang paalam nito saglit.
Lagot...
"Beh!" sigaw ko naman nang madapa si Tutti at tuluyan na kaming maiwan ng bus.
Napaluhod siya sa gitna ng daan sabay sigaw ulit ng, "Dao Ming Si!"
Nahinto din kami sa paghabol ni Queen. Nadinig ko pa siyang napasinghap sa inis bago ako binalingan.
"Your friend is so walang-kwenta."
Kinagat ko ang labi ko at nilapitan na si Tutti na isa-isang pinupulot ulit ang mga dalandan niyang naglaglagan. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang mamulot.
"Did you tell Norma about us getting out of the bus for awhile?" tanong ni Queen habang nakapahalukipkip sa tapat ni Tutti.
"Oo naman."
"Did she respond?"
"Hindi. Tulog ata..."
Napasinghap ulit si Queen sabay sapo sa noo niya.
"Did you bring your phone?" tanong niya ulit.
"Hindi rin. Babalik din naman kasi tayo, e."
"Snow?" baling ni Queen sa akin. Umiling naman ako.
"Akala ko kasi saglit lang tayo."
"Akala ko nga dala mo, e. You're always on your phone," giit ni Tutti.
"Gosh. I so want to pee na so I just grabbed the wipes and went out."
"Ano nang gagawin natin ngayon?" si Tutti.
"Baka pwede nating puntahan si manang na nagtitinda doon para makitawag," suhestiyon ko.
Pumayag naman sila kaya bumalik ulit kami sa terminal. Kakaonti lang ang nagtitinda doon kasi wala naman talagang masyadong tao sa lugar na iyon at malimit lang kung sadyain ng mga sasakyan dahil liblib na.
"Naku, mga hija, mahihirapan kayo diyaan. Walang signal dine. Nandoon pa sa bayan," ani manang na nagtitinda ng bibingka.
"Malapit lang po ba ang bayan mula dine?" tanong ko.
"Iyong terminal na pinuntahan niyo bago dine ay iyon na ang bayan."
Nagkatinginan kaming tatlo. Sa pagkakatandaan ko ay halos dalawang oras din ang layo n'on. Siyempre kung may sasakyan ka. Ibang usapan naman ang lakaran.
"How do we get there? Are there any taxis or jeepneys or what here?" si Queen.
"Naku, problema din yaan. Walang masyadong dumadaan dineng pampublikong sasakyan. Mga pribado lang."
"Paano po kayo nakakauwi kung gan'on?" tanong ni Tutti sa matanda.
"Diyaan lang sa malapit ang bahay namin," tugon naman nito sabay turo sa kubong nasa malapit lang.
Napakamot ng ulo si Tutti. Humalukipkip naman si Queen. Ramdam kong gusto niyang manisi pero nanahimik na lang kasi pare-pareho kaming nalingat at may kasalanan.
"Simulan na nating maglakad papuntang bayan," putol ni Tutti sa katahimikan.
Napairap naman si Queen.
"Over my dead body."
"Sandali lang. May pulis, oh. Baka pwede tayong makisakay," hayag ko.
Lumapit kami sa lalaking nakauniporme ng pulis na umiinom ng softdrinks. Paglingon niya sa amin ay inubos na niya ang iniinom.
"May problema ba?"
"Pwede po ba kaming makisakay hanggang bayan lang po? Naiwan po kasi kami ng sinasakyang bus namin. Walang signal po dine kaya hindi kami makatawag," paliwanag ko.
Isa-isa niya muna kaming tiningnan bago siya dahan-dahang tumango.
"Sige, doon na kayo sa likod ng van pumwesto."
Natuwa naman kami. Lalong-lalo na si Queen. Si Tutti naman mabagal ang lakad habang tinitingnan ang sasakyan ng pulis. Yakap-yakap niya pa din iyong brown na supot ng mga dalandan.
"Beh, halika na," sabi ko sabay hatak sa kanya papasok.
Maluwag 'yong likuran ng van. Tapos may partition ang bahagi ng driver seat sa amin sa likuran. Walang bintana tapos 'yong pintuan double doors na nasa pinakalikod. Naupo kaming magkatabi ni Queen habang nakasandal sa may bahagi ng driver seat. Si Tutti naman nakapwesto malapit sa pinto.
May nadinig akong static na sa tantiya ko ay mula sa isang police radio.
"Boss, jackpot," panimula niya na sinundan pa ng tawa.
Nagkatinginan kami ni Queen. Alam kong nadinig niya din iyon.
"May tatlong regalo ako. Shit, ang gaganda, boss! Fresh na fresh," tawa niya ulit.
Mabilis kaming gumapang ni Queen papunta kay Tutti.
"We need to get out of here. He's a bad guy," pahisterikal na wika ni Queen na halos pabulong na din para hindi kami madinig n'ong nagkukunyaring pulis.
"Talagang may kakaiba sa pulis na 'yon sa sasakyan pa lang niya!"
Mabilis na tinakpan ni Queen ang bibig ni Tutti at sinenyasan siyang tumahimik.
"We have to find a way to escape."
Tumango si Tutti. Sinubukan naming buksan ang pinto pero naka-lock iyon.
"Ni-lock niya tayo," gulat na saad ko.
"Akong bahala. Tumabi muna kayo."
Tumabi naman kami saka pumwesto si Tutti sa may tapat niyon at malakas na sinipa ang pinto kaya bumukas iyon. Sa tingin ko pa nga ay nasira ang lock n'on.
"Kailangan nating tumalon," aniya.
"Queen," baling ko sa isa pang kaibigan dahil nag-aalala ako sa kanya.
Tumango siya, desidido na sa gagawin.
"Pagbilang kong tatlo, nakatago na kay- Aray ko, Queen!" tawa ni Tutti nang kurutin siya sa tagiliran ni Queen.
"Can you be serious naman? We're in danger."
"Oo na. I'll count one to three and we'll jump together. Okay... one, two, three and jump!"
Sabay-sabay kaming tumalon mula sa van. Nagpagulong-gulong pa kami saglit. Iyong mga dalandan din ni Tutti ay naglaglagan. Pinulot niya ulit ang dalawang natitirang prutas at isinilid sa bulsa ng denim jacket niya.
"Argh!" nanggigigil na sigaw ni Queen sabay pagpag nang madumi na niyang sweater. Halos magkulay brown na 'yon.
Napaubo na din ako sa sobrang alikabok ng daan at sinubukang pagpagan ang sarili. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa gitna kami ng kawalan. Walang mga bahay o kahit anuman sa paligid maliban sa mga talahiban at bangin.
"We're in the middle of nowhere with just a pack of wet wipes, two goddamn oranges, and a very small bottle of white flower. Great! Just great! Nothing can beat this moment for being the worst two hours of my life," reklamo ulit ni Queen.
Kumuha siya ng wipes at pinunasan ang mukha.
"Gosh. I didn't do my skincare this morning just for my face to experience this kind of misery right now!"
Hindi ko talaga alam kung saan na kami pupunta ngayon.
"Maglakad na lang muna tayo hanggang sa may makita tayong pwedeng mapagtanungan at mahingan ng tulong," saad ko.
Tumalima naman sila sa sinabi ko. Binaybay namin ang kahabaan ng lugar na hindi naman namin alam. Nang makaramdam na ako ng pagod ay tiningnan ko ang relo ko. Hapon na. Halos mag-iisa at kalahating oras na kaming naglalakad. Apat na oras na simula nang maiwan kami ng bus. Dalangin ko sanang naghahanap na sila sa amin.
Napatigil kami sa paglalakad ni Tutti nang huminto si Queen na nauunang maglakad sa harap namin.
"I want to pee," mahinang sambit niya.
Nagpalinga-linga naman agad ako ng lugar kung saan siya pwedeng umihi. Baka pwede na doon sa may talahiban.
"Queen, doon ka na lang. Babantayan ka namin," sabi ko sabay turo sa bandang tinutukoy ko.
Nanlalaki ang mga matang napalingon siya sa akin.
"No way. We'll walk there further na lang. Maybe, we can see some sort of restroom there," madiin niyang tugon.
"Your highness, kung hindi mo po napapansin ay nasa gitna tayo ng kawalan. Walang banyong basta-basta na lang tutubo kung saan. You have the nature all by yourself as the answer to your gallbladder's call," ani Tutti sabay lahad ng mga braso niya sa paligid.
Naungot sa inis si Queen pero maya-maya pa ay nagmartsa na siya papunta sa direksyong tinuro ko. Naawa naman ako. Mukhang naiihi na talaga siya.
"Lookout tayo, beh," bungisngis ni Tutti. Natawa na lang din ako.
"Tutti!"
Napatalon kami sa gulat sa lakas ng sigaw ni Queen kaya dali-dali kaming lumapit sa kinaroroonan niya. Nagimbal kami nang masaksihang malapit na siyang mahulog sa bangin at nakakapit lamang sa nakausling bato.
"Help me, please! I didn't notice this part was a cliff already and I slipped! Santo cielo, please help me!"
Dali-daling hinubad ni Tutti ang denim jacket niya at binalingan ako.
"Hawakan mong maigi ito, beh," bilin niyang maagap ko namang tinanguan.
Hinawakan ko ang kabilang dulo n'on habang siya naman ang kumakapit sa kabila saka niya sinubukang abutin si Queen.
"Queen, akin na ang kamay mo," dinig kong sabi ni Tutti.
Hindi ko makita kung anong nangyayari dahil nasa kabilang bahagi ako at pilit na hinihila ang denim jacket ni Tutti pero maya-maya pa ay naramdaman ko namang dahan-dahan akong nahihila palapit sa kanila.
Naku...
"Beh, nahihila ako! Hindi ko mapigilan," saad ko.
Hawak-hawak na pala ni Tutti si Queen kaya nagdagdagan ang bigat sa banda nila kaya nahihila ako kasi mas magaan na sa parte ko.
"Mio Dio! Snow!" sigaw ni Queen habang nasasaksihang palapit na ako nang palapit sa kanila.
Hinila ni Tutti ang denim jacket hanggang sa mahawakan na niya din ako nang mahigpit sa pulso gaya ni Queen pero mukhang huli na ang lahat dahil nasa dulo na din ako ng bangin. Nabangga ko pa si Tutti.
"It was at this moment that we knew we fucked up," dinig kong bulong ni Tutti bago nilamon iyon ng mga sigawan namin ni Queen habang bumubulusok kami pababa ng bangin.
Naramdaman kong bumagsak na kami pero hindi pa din matigil sa kasisigaw si Queen. Wala din akong masyadong naramdamang sakit kaya napadilat na ako.
"Sorry! Sorry! Sorry talaga, beh!" sunod-sunod kong sabi pagkatapos tumayo mula sa pagkakadagan kay Tutti.
Inangat ko na din si Queen na nakadagan din sa kanya kaya hindi kami masyadong nakaramdam ng sakit. Si Tutti lahat ang sumalo.
Nahinto sa kasisigaw at nagulat din si Queen nang mapagtanto ang lahat.
"Oh my gosh! Nuno, I'm so sorry!" ani Queen at tinulungan na din akong paupuin si Tutti na humalakhak lang.
"Wala namang masakit. Ayos lang," nakangiti niyang tugon.
Pinapagpagan namin siya ni Queen nang mapansin ko ang dugo sa may tuhod niya. Patuloy pa din ito sa pagdurugo. Kinuha ko ang panyo ko at tinali iyon doon upang kahit papaano ay mapigilan ang pagdurugo n'on.
"Masakit ba 'to?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sabay ngiti.
"Hindi, beh. Ayos lang. Malayo sa bituka 'to."
Humingi ulit ako at si Queen ng sorry sa kanya na tinatawanan lang naman niya na para bang wala talagang masakit sa kanya.
"'Yong jacket ko, beh?"
"Ito, oh," wika ko sabay bigay ng denim jacket niya.
Kaagad namang niyang kinapa ang bulsa n'on at napahinga siya nang maluwag sabay pikit nang malamang nandoon pa ang mga dalandan niya. Napangiti naman ako doon. Sinuot na niya ulit ang denim jacket niya.
"Kailangan nating makahanap ng daan palabas dito. Magga-gabi na kasi," aniyang sinang-ayunan naman agad namin.
Kumuha ako ng sanga at nagsimulang mag-iwan ng mga marka.
"What are you doing?" tanong ni Queen nang mapansin ako.
"Nag-iiwan ako ng marka. Baka kasi may makahanap sa atin."
Napalingon si Tutti sa amin at lumapit saka binura iyong mga ginawa ko sa lupa. Marahan naman niya akong nginitian.
"I'm sorry, beh. Dapat hindi ka nag-iiwan ng marka sa mga ganitong lugar. Lalo na at hindi natin alam kung mabait o masama ba ang susunod sa atin kapag nagkataon. Hindi rin natin masisiguro kung tao ba siya o beast. Delikado," iling niyang naunawaan ko naman agad.
Tama siya. Baka nga hindi tao ang sumunod sa amin at maging dahilan pa para manganib kami.
Binaybay ulit namin ang kasukalan ng gubat na iyon. Nang nagsimula nang kumagat ang dilim ay napagdesisyunan naming magpahinga na lang sa lilim ng isang malaking puno at gumawa ng apoy.
"I'm so tired," bulong ni Queen sabay sandal sa puno habang nakaupo.
Katabi ko siya samantalang si Tutti naman ang nasa tapat namin at gumagawa ng apoy.
"Hayan na! Hayan na!" natutuwang sambit niya nang sumindi na ang apoy.
Napapalakpak din siya sa tuwa. Napangiti naman ako. At least, kasama ko ang dalawang matatalik kong mga kaibigan ngayon.
Sabay na hinugot ni Tutti ang dalawang dalandan sa mga bulsa ng denim jacket niya at ibinigay sa amin ni Queen.
"Kumain na kayo. Pasensya na at 'yan na lang ang naiwan," nakangiting aniya.
Nagkatinginan kami ni Queen saglit, parehong naantig sa kilos niya. Kaya pala talagang inaalagaan niya ang dalawang natitirang dalandan na iyon kanina pa. Para pala sa aming dalawa.
"Paano ka naman, beh?"
"Busog pa ako. Ang dami ko na rin kasing nakain kanina," halakhak niya.
Binalatan ni Queen ang kanya at mabilis na hinati iyon sa dalawa saka inilahad ang isa kay Tutti.
"I'm used to dieting. Ikaw nga, you have no cheat day when it comes to your eating sched, di ba? So, you get this," alok nito sa kanya.
Mabilis na binalatan ko din ang akin at hinati iyon sa tatlo. Kinuha ko din ang kay Queen at ginawa din iyon. I distributed the parts equally to the three of us.
"Kain na tayo?" anyaya ko sa kanilang nginitian at tinanguan naman nila.
NAGISING AKO SA lamig ng paligid. Mas binalot ko ang sarili ng suot kong cardigan. Napangiti ako nang makita sa may gilid ko sina Tutti at Queen na natutulog pa din. Iyong una nakayakap naman sa beywang ng huli.
Itinaas ko ang relo ko upang tingnan ang oras. Mag-aalas-dose na kaya pala biglang lumamig. Napansin ko ang iilang patak ng tubig sa lupa.
"Umaambon," bulong ko habang nakaangat ang palad.
Mukhang lalakas pa 'to. Tiyak na mababasa kami. Namatay na din iyong apoy namin.
"Guys, gising na. Kailangan nating humanap nang masisilungan."
Paupong nabangon naman si Tutti pero wala pa din sa sarili. Si Queen naman naungot dahil naudlot ang gising. Kaagad din naman siyang natauhan nang lumakas na ang ambon. Ganoon din si Tutti. Tumayo na kami at tumakbo.
"Where are we going now?"
Nagpalinga-linga ako upang humanap nang pwedeng masilungan namin. May napansin akong ilaw na gumagalaw sa di kalayuan. Isang lighthouse.
"May lighthouse doon. Baka pwede tayong makisilong saglit doon," tugon ko kay Queen.
Mabilis kaming tumakbo papunta doon. Nahinto kami sa may puti ngunit kalawanging gate nito. Hindi iyon nakasarado pero parang nagdadalawang-isip pa kami kung papasukin nang tuluyan ang lumang parola.
Walang ilaw sa loob niyon. Maliban na lamang sa ilaw nitong gumagalaw sa itaas. Mukhang sarado din iyon.
"Maybe, we should just enjoy the rain," suhestiyon ni Queen na gusto ko sanang sang-ayunan kung hindi lang bumuhos ang sobrang lakas na ulan.
Dali-dali naming binuksan ang gate at umakyat sa mahogany nitong hagdan paakyat sa tapat ng malaking kahoy na double doors nito. Sumandal kami paupo ni Queen doon. Si Tutti naman nasa gilid ng huli pero sa may sementong bahagi na nakaupo.
Napakurap pa ako ng tatlong beses dahil sigurado akong may nakita akong matandang lalaking may tungkod at nasuot nang makalumang damit Pilipino sa may malayong gilid ni Tutti, sa may garden banda.
"Mukhang may bagyo, ah. Beh, ayos ka lang?" baling ni Tutti sa akin.
"H-Ha?"
"Are you fine? You looked like you have seen a ghost." Napalunok naman ako sa tanong ni Queen lalo na nang mawala iyong matanda.
"O-Oo."
Baka namamalikmata lang ako.
"This day suc-"
Nagpupunas ng mga braso at balikat si Queen nang biglang bumukas ang pinto sa likuran niya.
Napatayo kami sa gulat ni Tutti nang biglang may humatak sa kaibigan namin papasok sa loob. Napasigaw naman si Queen. Mabilis na hinawakan ni Tutti ang mga binti nito bago pa siya tuluyang mahatak papasok sa loob.
"What the fuck! Let go of my hair!" sigaw ni Queen.
"Anong nangyayari? Bakit nakaangat 'yong buhok mo, Queen?!" gulantang na tanong ni Tutti.
Natuod ako sa pwesto ko sa nasaksihan.
Diyos ko...
Ano 'tong napasok namin?
"Snow, anong nangyayari? Bakit parang may humihila sa kanya?" tanong ulit ni Tutti sa akin, nag-aalala na.
May babaeng humihila sa buhok ni Queen. Nakasuot ito ng baro't saya at belo. Sa likod naman ng belo niya ay ang duguang mukha at nanlilisik na mga mata.
"What the fuck is happening?! Stop fucking grabbing my hair!"
Natauhan lang ako nang nahila ulit nito papasok si Queen. Nakapasok na din si Tutti sa pagpigil nito. Kaagad ko siyang dinaluhan at hinatak namin nang sabay ang mga binti ni Queen pero hindi natinag ang kaluluwa.
Sigurado akong kaluluwa 'to!
"Queen, may humahatak na multo sa buhok mo!" sabi ko sa kanya.
"What?! The fuck! This bitch will pay for it!"
Her hand stopped holding her hair to summon her dagger and stabbed the soul in the back of its hand.
Napatakip kami ng mga tenga dahil sa lakas ng sigaw ng multo bago ito naglaho. Maagap na tumayo si Queen at lumapit sa amin. Tatakbo na sana kami palabas nang biglang sumira ang pinto nang malakas.
"Ayaw bumukas," hayag ni Tutti.
"What? Hell no!"
Hinampas-hampas ni Queen ang pinto sabay sigaw ng, "Help! Can someone please help us?!"
Nahinto lang kami sa ginagawa nang may marinig ulit kaming mga yapak sa likuran namin. Dahan-dahan kaming lumingon at binungad ng panibagong multo na naman ng isang babaeng may duguan na mukha at parehong makalumang kasuotan. May hawak din itong kutsilyo.
Nagsiksikan kami ni Queen sa magkabilang gilid ni Tutti.
"Nakikita niyo din siya?" tanong ko sa kanila. Tumango naman sila.
"She's so ugly."
Natawa naman si Tutti sa narinig.
"Nanlalait ka pa talaga sa ganitong sitwasyon, Queen. Really?"
"And you also have the guts to laugh at this kind of situation."
"Girls, tama na. Palapit na siya sa atin," awat ko sa kanila nang naglalakad na palapit sa amin ang multo.
"Come on, she's just a ghost. She can't do anything to us."
Tumigil ang multo at isinaksak ang hawak na kutsilyo sa pader sa gilid niya. Nagimbal kami sa nasaksihan. Para bang ipinapahiwatig niyang mali ang akala namin. Hinugot ng multo ang kutsilyo mula sa pader at kaagad na sumugod sa amin.
"Ah!" sabay-sabay naming sigaw at nagsitakbuhan.
Habang lumalayo kami sa multong iyon ay biglang bumukas ang isang pintong nadaanan namin. May lumang kanta ang biglang tumugtog doon at kaagad naming napansin ang old vinyl record player na gumagalaw mag-isa.
"Tutti!" sigaw namin ni Queen.
May puwersang bigla na lamang humatak kay Tutti papasok. But our friend doesn't seemed even just a bit bothered by it. Kumakaway pa siya at nakangiti habang hinihila papasok. Mabilis na nagsara ang pintong iyon.
"Tutti!" sigaw ko ulit.
"Goddammit!" bulyaw ni Queen sabay sipa sa pinto.
"Queen... Queen..." panay ang hampas habang tawag ko sa kanya.
"What?! Stop doing that nga!" inis niyang balik.
"'Y-Yong multo palapit na sa atin."
Hinila ko siya palayo sa may pinto. Iniisip kong tatakasan muna namin ito saka namin babalikan si Tutti.
Galit na galit na sumugod sa amin ang multo hawak pa din ang kutsilyo niya. Pero bago pa man siya makalapit sa amin ay tumilapon na ito sa pader sa gilid dala ng isang malakas na tama ng baril. Nasira pa n'on ang pintong lumamon kay Tutti.
Napangiti ako at hinga nang maluwag nang lumabas mula doon si Tutti habang ang shotgun niya naman ay nakasablay sa isang balikat.
"Tang, pakilakasan po 'yong music niyo!" sigaw niya ulit sa loob.
Napabaling naman agad kami doon. Iyong lalaking matandang nakita ko kanina sa labas ay nakaupo katabi ng vinyl record. Mahina itong tumango at sinunod ang gusto ni Tutti.
"Ayos ka lang, beh?" paniniguro ko habang chinicheck ang katawan niya.
"Ayos lang ako, guys. Pero kailangan na nating makaalis dito."
"How? The door won't open."
"Alas-dose ng hatinggabi nagbubukas ang parola at nagpapakita ang mga multong ligaw dito hanggang alas-tres ng madaling araw sabi ni tatang. Mga normal na kaluluwa lang sila pero kapag hindi raw tayo nakaalis dito at naabutan ng alas-tres ay hindi na tayo makakalabas pa rito. Sasama na ang mga kaluluwa natin sa mga naririto," paliwanag ni Tutti na mas ikinatakot ko.
"Do you trust that old man? He's one of them."
"Noong panahon ng mga Kastila, siya ang nag-utos na ipatayo itong parola. Maraming namatay na mga manggagawa at naninilbihan dito pero ipinagpatuloy niya parin ang pagtatayo nito sa kabila ng mga reklamo. Kaya noong mamatay siya ay isinama siya ng mga kaluluwang iyon dito bilang paghihiganti. Nagsisisi naman siya kaya tinutulungan niya ang mga dayong nakukulong dito upang makatakas. Ang haba ng kwento ko. Basta ang kailangan natin ay makalabas dito. Pumunta raw tayo sa tuktok ng parola at sa gilid n'on may hagdan pababa at palabas dito."
"It's that easy? Gosh, let's go th-"
"Pero ang nakakapagtaka lang ay kung mga mortal souls lang sila at hindi beasts ay bakit may mga sungay ang isang 'yan?" tanong ni Tutti sabay turo sa malaking nilalang na humakbang palabas sa dilim.
Napalunok at atras kami ni Queen. May pulang mga mata ang nilalang na iyon at malalaking paikot na sungay. Kulay pula ang balat at may buntot na mahaba rin. Nakalabas din ang mahabang dila nito. Hinatak din namin si Tutti na naiwan pala namin sa tapat n'on.
Kumaripas kami ng takbo. Paglingon ko ay nagulat ako nang mapansing hindi na ito sumusunod sa amin.
"It's a goddamn diablo! I couldn't be wrong!"
"Nawala na siya."
"Hindi. Walang titigil. Kailangan nating tumakbo paakyat ng tuktok. Nakasunod parin sa atin ang diablo," pigil ni Tutti.
"Ha? Hindi ko na siya nakikita," sabi ko.
"Nasa kisame siya tumatakbo, Snow!'
"Mamma mia..." mahinang bulong ni Queen habang nanlalaki ang mga matang nakatingala sa kisame.
Napatingala na rin ako. Nadapa pa ako sa nasaksihan kaya muntik na akong dambahan ng diablo pero mabuti na lang at mabilis na binaril iyon ni Tutti kaya napasigaw iyon at napatigil.
"Halika na."
Tinulungan ako ni Tutti tumayo saka ulit kami nagsitakbuhan sa hagdanan paakyat sa tuktok ng parola.
Padating namin sa tuktok ay kaagad naming hinanap ang sinasabing hagdanan ng matanda at totoo ngang nandine iyon. Pero bago pa man kami makalapit doon ay may bumaril sa parteng iyon dahilan para mapaatras kami.
Lumitaw mula sa dilim ang isang lalaking nakasuot ng sundalong pang-Kastila. Puting-puting ang mukha nito na tila ba naubusan na ito ng dugo sa katawan. Nawawala ang isang mata nito at may hawak ding shotgun.
Sinummon ni Queen ang dagger at hinagis sa banda niyon pero sinalo lang iyon ng diablo gamit ang kanyang buntot at tumawa pa nang nakakapangilabot.
Napapikit sa inis si Queen. Sinummon ko na din ang pana ko nang may sumulpot pang babaeng naka-itim na belo. Ibinuka niya ang bibig at lumabas mula doon ang maraming mga bangaw. Kaagad naming hinawi ang mga iyon.
"Isa-isa tayo ng kalaban. Queen, ikaw na ang bahala sa sundalo. Snow, ikaw naman sa diablo. Ako na sa mangkukulam."
Tumango kami at kaagad na pumwesto sa tapat ng mga kalaban namin. Kumuha ako ng palaso mula sa quiver at ipinosisyon iyon sa búsog. Ipinikit ko ang isang mata upang asintahin ang magalaw na demonyo. Labas ang mahabang dila nitong pinagtatawanan pa ata ako. I stretched the string of my bow and released my arrow. Mabilis na nakailag ang diablo at pinagtawanan ulit ako. Sinubukan ko ulit siyang patamaan pero hindi ko talaga magawa dahil lagi niya akong nauunahan.
Isinukbit ko sa balikat ang bow ko at kumuha ako ng palaso saka sinugod ang diablo. Lagi niya akong nauunahan kaya gagawin ko na lang iyon ngayon nang mano-mano.
Nasulyapan ko pa si Tutti na senintido ng shotgun ang ulo ng mangkukulam kaya ito kaagad na bumulagta sa sahig. Si Queen naman ay hinagisan at tinusok ng dagger ang isang mata ng sundalo.
Huminga ako nang malalim.
Kaya ko 'to.
Magagawa ko 'to.
Mapanudyong lumapit sa akin ang diablo. Tinalikuran niya ako at sinayaw-sayaw ang pwet niya kaya mabilis kong hinila ang buntot niya palapit sa akin at tinusok ng palaso ko ang batok niya. Kumuha pa ako ng isa mula sa quiver ko at sinaksak naman siya sa puso. Napaluhod siya at dahan-dahang bumulagta sa sahig kaya binitawan ko na ang buntot niya.
"Let's go down now," aya ni Queen nang bumulagta na din ang kanya.
Tumango kami. Nauna akong bumaba sa hagdan at kasunod ko naman si Queen. Bumuhos ulit ang ulan pero wala na kaming pakialam. Mas gugustuhin pa naming mabasa kaysa makulong doon.
Pag-angat ko ng tingin sa likuran ni Tutti na susunod na din sana ay muling tumayo doon ang tatlong nilalang.
"Tutti!" sigaw ko sa kanya.
Maging si Queen ay nag-angat ng tingin dahil sa pagkagulat sa sigaw ko.
"They're back! Those three are back behind you!" sigaw niya din sabay akyat ulit upang tulungan ang kaibigan namin.
Paanong nangyaring bumalik sila?
Hindi ko na talaga maintindihan kong anong nangyayari.
Tutti docked when the diablo was about to hit her with his tail. Then, she jabbed the stomach of the Spanish soldier using the stock of her shotgun.
Aakyat na sana ako upang samahan sila nang mapansin ko ang nakalutang na itim na baraha sa tapat ng parola. Hinilamos ko ang palad sa mukha ko upang masigurong tama nga ang nakikita ko.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero talagang hindi maganda ang pakiramdam ko doon. Inabrisete ko ang isang braso sa may metal na hagdanan at sinummon kong muli ang bow at arrow ko. Ipinuwesto ko iyon at ipinikit ang isang mata upang asintahin ang baraha. Hinila ko ang string ng bow at pinakawalan ang palaso sa mismong direksyon ng baraha. Nahati iyon sa dalawa at biglang bumagsak sa lupa.
Tumingala ako sa banda ng mga kaibigan at nasaksihan ko ang paglalaho ng mga nilalang na kalaban namin kanina. They turned into burning embers then their parcels were blown by the wind.
Bumaba na kaming tatlo pagkatapos. Nilapitan ko ang dalawang hati ng barahang tinamaan ko.
"Beh, may problema ba?"
"Pakiramdam ko may kinalaman ang barahang 'to sa nangyari kanina," pag-amin ko.
Pinulot ko ang dalawang piraso niyon at pinag-aralan. Kulay itim iyon at may mga detalyeng gawa sa ginto sa likod. Blanko nga lang ang harap.
Lumapit silang dalawa sa akin at sinuri din iyon.
"Wait. There's something here."
Ipinagtapat ni Queen ang likuran ng dalawang hati na 'yon at sa pinakababang parte ay may nakalagay. It was scribbled so beautifully in gold.
"House of Cards," bulong ko.
illinoisdewriter
Vocabulary:
Pana is a collective Tagalog term for bow and arrow.
Palaso means arrow.
Búsog means bow.
Stock means the end other end of the shotgun; opposite to its muzzle or mouth.
The first service for this volume will be on the next update. See you, mga beh! 💚
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top