Episode 38: Spoliarium

Episode 38: Spoliarium

                 • • • TUTTI • • •

THIS WILL BE our last day of school for the first semester of this academic year.

Naka-civilian clothes kaming mga babae pati si Dean ngayon dahil sabi ni Queen ay dapat pumorma kami to kiss this sem goodbye. Natawa na lang ako kasi hindi ko gets.

Snow was wearing a sky blue floral wrap midi dress and white sneakers. Naka-half ponytail ang natural loose curls niya gamit ang hair tie na may bulaklak na desenyo rin. Si Queen naman ang sexy sa suot niyang red tie front and shoulder bra na terno sa red pleated silk high rise culottes niya with nude Mary Jane heels. Mabuti na lang at hindi strikto ang UP sa dress code kasi kahit naka-pajama ka lang ay oks na. Paniguradong hindi rin papapasukin 'to dahil sa suot kapag nagkataon, iba-banned pa kamo.

Pagkatapos suklayin ang buhok ay inilagay ko na ang itim na manipis na headband sa ulo ko. Inayos ang pagkakabutones ng cuffs ng suot kong lilac dress shirt na nakatuck in sa high rise kong jeans na nakatupi naman ng dalawang inches mula sa sapatos ko. Bukas ang unang butones niyon kaya ang kwelyo ko na lang ang inayos ko. I paired my outfit with my favorite white sneakers to complete my '90s look.

I lifted my compact mirror again, trying to see half of how I look entirely. Fingercombed ko rin ang bangs. Hindi ko alam kung bakit nagpapaganda ako kaya mahina na lang akong natawa sa isipan ko at itinago na sa backpack ko ang compact mirror.

"Why don't we just skip our classes?" suhestiyon ni Queen.

Nasa Nena's kaming tatlo ngayon tumatambay. May klase na kasi 'yong dalawang lalaki.

"Anong namang valid reason mo para gawin 'yon?" I shot back. She shrugged her shoulders.

"It's the last day of school. Profs will surely just spare this time to do all the farewell and dramas."

"Tapos punta tayong Jabe?" alok ko sa kanya.

"Save your bad ideas for yourself and stomach," she grimaced.

"Naku, papasok ako kahit na anumang mangyari. Sayang din 'yong learning sa huling araw ng klase kung palalampasin ko," I told her.

"Nerd," she spat.

"Sabi pa man sa akin ng tiyahin ko, si Aunt Jody noong nasa kanila pa ako. No skipping school! Even if the building's on fire, you wait for your period to end and die with honor," proud kong hayag sabay hampas sa dibdib ko.

Snow chuckled while Queen rolled her eyes.

"Ah, Chinese nerd. You and your weird philosophies in life."

WE DROPPED QUEEN in her class to make sure she will not really skip it then Snow and I went on separate ways to attend ours.

"Enjoy your semestral break but get yourselves prepared for the actual filmmaking when you return," our professor in Intro to Filmmaking reminded us.

We all nodded and some shared the same excitement as mine. We'll finally get our hands on the real job next sem.

Isa-isa na kaming nagligpit para magsilabasan.

"Sasabay ka sa amin, siz?" asked Whiskey while waiting for me at the door.

Mabilis kong isinukbit sa mga balikat ang backpack at nag-jog palapit sa kanila.

"Hindi ko pa alam, baks. Ti-text ko muna si Snow kung uuwi na ba ka-"

Natigil ako sa sasabihin nang mabangga ako sa likuran ng bakla. Nakaharang silang dalawa ni Norma sa may pintuan na para bang nagulat. I heard Whiskey shrieked. Na-curious ako kaya lumusot ako sa pagitan nila ni Norma.

"Ano- Alamak," gulat kong sambit nang makita si Rum na nakahilig sa may baluster sa tapat ng speech lab habang nakapamulsa ang isang kamay sa suot na navy blue scrubs at dala-dala ang isang bouquet.

A food bouquet.

May McDonald's chicken sandwiches doon, dalawang large fries, mga sachet ng ketchup, coke sakto, at mga fried chickeeen!

Kilalang-kilala talaga niya ako.

He smiled at me when he finally noticed me. Napatalon ako sa gulat nang kurutin ako ni Whiskey sa tagiliran.

"Hala, magkiat-kiat ka r'yan, siz. Ang gwapo ng boyfriend mong hinayupak ka," tawa niya.

I wanna flip my hair like what Queen was usually doing when she's being praised but I should keep my profile low. Hindi ko naman agad nginitian si Rum, dinadama ko muna ang pambihirang pagkakataon na ang ganda-ganda ko. Chour.

Nang inakala niyang hindi ako natuwa sa regalo niya ay humakbang siya palapit sa akin. Some began gossiping around us while some kept on admiring the campus heartthrob.

Mahina naman akong tinulak nina Whiskey palapit sa kanya. Si Lee na tiyempong kalalabas lang ng speech lab ay halatang nagulat pero tipid na ngumiti parin sa amin.

"Let's go, guys. Baka makaistorbo tayo," aniya sabay akbay at hatak palayo doon sa dalawa.

"Siz, 'wag marupok!" pahabol pa ni Whiskey.

Natawa na lang ako. Ang judgemental nito masyado.

Nasa point pa ako na kapag umalis si Rum sa buhay ko ay sasama ako.

I chuckled mentally at that. Ang rupok-rupok ko talaga. Hahay.

I looked up at him when he held my elbow gently. Worry was laced in his expression.

"Hindi mo ba nagustuhan?"

I glanced at the food bouquet. Alamak, ako pa talaga ang aayaw d'yan. I darted my eyes on him again.

"Gustong-gustong-gusto."

He smiled and handed me the bouquet. Kinuha ko iyon at niyakap nang maigi.

"Kain muna tayo sa canteen, please. Gutom na ako..." I pleaded and he chuckled lightly.

Ang totoo niyan ay maliban sa gusto ko nang lumamon, kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Queen kapag nakita niya 'to.

Rum's being showy lately. I just don't want to hurt Queen. I've seen how she's slowly moving on with him. Kinakaya niya para sa pagkakaibigan namin. I might as well try my best to do the same.

I STOPPED EATING and offered Rum the chicken sandwich I had just taken a lil' bite. He smiled, shook his head, and wipe the side of my lips with his thumb. Mukhang may ketchup na kumalat doon at hindi ko namalayan dahil sa abala ako sa paglamon.

Oh my goodness, pababoy na ako ng pababoy.

"Ayaw mo talaga?" tanong kong inilingan lang niya.

"Para sa'yo lahat 'yan."

Magkatabi kami ngayon sa may canteen habang pinapanood niya akong kumakain. Iyong mga estudyanteng napapadaan ay napapatingin pa sa amin tapos bulungan kapag ka nakalayo na sa amin.

Of course, they're talking about us. Sino ba naman kasing hindi makakakilala sa blondinong ultra mega bait, sandamakmak ang super brain cells sa ulo at ubod ng gwapo? Almost the whole of UP probably knew that I was his stepsister before too!

Si Rum naman hindi ko alam kung manhid ba talaga o nagmamanhid-manhiran lang. Sa akin lang kasi siya nakatingin buong oras habang napapangalumbaba paminsan-minsan gamit ang isang kamay.

Nang inipit niya sa likod ng tenga ko ang ilang takas ng buhok ay sinipat ko agad siya at sinamaan ng tingin. Talagang pumi- PDA pa rito.

He bit his lip to stop himself from chuckling and then he stood up.

"May bibilhin lang ako sandali."

Tinungo niya ang counter at bumili ng isang bottled water. Iyon lang ang iinumin niya? Hindi talaga siya kakain nitong mga pagkain?

Rum smiled gratefully at the female vendor and retreated to where I was. Ibinaba niya iyon sa tapat ko bago siya bumalik sa pwesto niya kanina.

"Drink water after that," turo niya sa coke sakto.

I nodded. Ganito siya kapag hinahayaan niya akong kumain ng marami, nakatutok parin sa kung anong makakabuti para sa kalusugan ko.

Nang tuluyan na akong matapos kumain ay hinugot ni Rum mula sa bulsa ng scrubs niya ang panyo niya saka inangat ang baba ko at pinunasan iyon.

"Thank you," I told him.

"I only accept thank yous in kisses," he teased and I grimaced.

Natawa na lang siya at binitawan na lang ako nang matantong hindi niya talaga ako mapipilit sa ganoon kapag nandito kami sa pampublikong lugar.

"Why are you getting naughtier? I thought you're nice."

"I'm nice, doll. I'm just being sweet. Nilalambing lang kit-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bahagya akong umangat sa kinauupuan ko upang abutin ang pisngi niya at halikan siya roon.

"Oh, hayan ha. Thank you," I stated and he smiled softly at me.

Nauna pa niyang kuhanin ang backpack ko kaysa sa akin at isinukbit iyon sa isang balikat niya.

"Rum, ako na," sabi ko sabay abot ng bag. Mabilis naman niyang iniwas iyon sa akin.

"Ako na. Hayaan mo akong bumawi," he smiled.

                 • • • SNOW • • •

NAUPO AKO SA tabi ni Tutti sa labas ng Overlook, sa may garden cemetery. Sabi ni Queen nandine daw kasi siya tumatambay kasama ang tropa niya daw na leprechaun.

"Beh, sound trip tayo?" aya niyang nginitian ko naman.

Pinapanood ko siya nang pinasok niya sa loob ng Sony Walkman ang tape na may label na Spoliarium by Eraserheads. Ibinigay niya sa akin ang kaliwang earphone saka isinalampak naman niya sa tenga ang bahaging kanan nito. Hindi lang pananamit na maka-'90s ang hilig niya kundi pati rin mga gamit ng panahon na iyon gaya ng walkman na 'to.

"Beh, alam mo ba? This is one of the Eheads most controversial songs."

"Bakit naman?" I asked.

"The song was written in response to Pepsi Paloma's suicide case that happened in 1985. Tapos parang 'yong kanta ang nagkukwento ng mga nangyari noong gabing ginahasa umano siya nina Joey de Leon, Vic Sotto at Richie D'Horsie."

Napatitig ako kay Tutti dahil doon. Inaayos niya ang mga button ng walkman niya.

"I don't know if it was true, though. But I did my research and found out that Paloma that time was just fourteen years old. She filed a case against them but Tito Sotto forced her to sign the affidavit of desistance para iurong ang kaso as she claimed. May death penalty pa kasi n'on at isa ang rape, gang rape sa mga kasong makakatanggap nang ganoong parusa. Mapapahamak ang nakababatang kapatid niya na si Vic kapag nagkataon. The trio made a public apology and after that, justice stopped for Paloma. Just like that..." she trailed off. Ang tingin niya ay nasa kawalan.

"After the trauma she might have been enduring from that experience, still justice wasn't served. Her case was dropped because it was settled out of court already. Funny, right? Wala namang hustisyang nakuha si Paloma roon," mahinang usal niya at napatingin sa akin. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

Nadinig kong nabuntong-hininga siya.

"Pasensya ka na ha. Nadadala lang talaga ako sa kung anong nasa likod ng mga kanta ng Eheads. They like giving cryptic messages in their songs. One thing I like more about them. May laman lahat ng kanta nila, may misteryo sa bawat lirikong nililikha nila," paliwanag niya.

Nang mapindot na niya ang play button ay nagsimula nang tumugtog ang kanta. Nanatili naman akong nakatitig sa kawalan, hindi alam ang sasabihin.

Unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga tagpo nang masalimuot kong kahapon.

Dumilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko

"Snow..."

Labing-isang palapag
Tinanong kung okay lang ako

"She's fine. Ikaw nang bahala sa kanya."

Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba 'pag nagsawa na ako
Biglang ayoko na

At ngayon 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo

Nakita ko si Ingrid na ngumisi bago tumalikod at iniwan ako kay Prof Gareth.

Lumiwanag ang buwan
San Juan, 'di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang sa'king lalamunan

Gusto kong tawagin si Ingrid at magmakaawang dalhin niya ulit ako pero nanlalabo ang mga paningin ko at tila walang boses na kumakawala mula sa bibig ko.

Ewan mo at ewan natin
Sino'ng may pakana
At bakit ba tumilapon ang
Gintong alak diyan sa paligid mo

At ngayon 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo

At ngayon 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo

Ginawa na naman ni Prof. Gareth sa pangatlong pangkakataon iyon...

At wala man lang akong kalaban-laban...

Umiyak ang umaga
Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa pintong salamin
'Di ko na mabasa 'pagkat merong nagbura

Akala ko umalis na siya. Pero nandoon si Ingrid. Humingi ako ng tulong sa kanya pero ngumisi lang siya at inangat ang cellphone niya sa amin...

Awang-awa ako sa sarili ko...

Tanging ang pag-iyak na lamang ang nagawa ko...

Ewan mo at ewan natin
Sino'ng nagpakana?
At bakit ba tumilapon ang
Spoliarium diyan sa paligid mo

At ngayon 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo

Napakahina ko...

Diring-diri na ako sa sarili ko...

Pwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo
Pwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo

Ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ikot ng mundo...

Inalis ko ang earphone sa tenga ko at tumayo saka tumakbo.

"Snow!"

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa hinatak ako paharap ng taong may hawak ng kamay ko. Nagulat si Tutti nang makita ang mga luha kong nag-uunahan sa pag-agos.

"Snow, anong problema?" she asked softly.

Alam niyang meron nga. Pinalis ko ang mga luha ko gamit ang likod ng aking kamay pero hindi pa din sila matigil-tigil sa pag-agos kaya humagulgol na lamang ako.

Ang sakit-sakit pa din hanggang ngayon ng nangyaring 'yon sa akin.

"Sabihin mo sa akin. Makikinig ako..." alo ni Tutti sa akin.

"N-Noong dalawang buwan kang nawala... Paulit-ulit akong pinagsamantalahan..." pag-amin kong ikinagulat niya. Pansin ko pang nakuyom ni Tutti ang mga kamao niya.

Hindi lang isang beses 'yon nangyari.

Lima.

Limang beses akong pinagsamantalahan ni Prof. Gareth.

Noong unang alok niya kapalit daw ng grado ko ay hindi ako pumayag. Nagalit ako sa tapang niyang sabihin iyon sa akin gayong isa siyang propesor.

Pero niloko niya ako isang hapon. Sabi niya may ginawa daw siyang makeup tests para sa aming mga bumagsak at kitain daw namin siya sa isang coffee shop. Ibinigay niya iyong address at mag-isa kong pinuntahan dahil tapos na din ang ilan ko pang mga kaklase sa pagsagot n'on. Ako na lang.

Ang hindi ko alam ay ibang address pala ang ibinigay niya sa akin. Sa isang apartment.

Pumalag ako pero mas malakas siya at tinakot pa akong ibabagsak niya at uuwi sa probinsya at magsasaka na lang daw kasama ang pobre kong pamilya. At kahit daw magsumbong ako ay marami siyang koneksyon at mapapawalang-sala lang din.

Tinakot niya ulit ako sa sumunod pa.

Sa pangatlong pagkakataon, buo na ang loob kong isumplong siya sa mga pulis kaya humingi ako ng tulong kay Ingrid dahil may problema din si Rum na naghahanap sa naglayas na si Tutti noon. Nahihiya naman akong umamin kay Dean. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Ayoko namang abalahin at idamay si Queen sa problema ko noon kaya kay Ingrid ako lumapit.

Ang hindi ko alam ay ipagkakanulo pala niya ako kay Satanas. Dinala at nilasing niya ako ng gabing 'yon hanggang sa hinatid niya ulit ako kay Prof. Gareth at kinuhanan ang pambaba-baboy nito sa akin.

Sa pang-apat at panglima ay tinakot niya ako na ipapakalat ang video. Maki-kick out ako sa UP at matatapon lahat ng pangarap ko at sakripisyo ng mga magulang ko para sa akin.

Pero pagkatapos n'on ay hindi ko na talaga kinaya. Umayaw ako, tumanggi kaya nilabas nila ang video ko sa buong UP. Galit na galit si Queen pero mas kinamumuhian ako ni Dean. Humingi ako ng tulong kay Rum kahit na batid kong wala ito sa normal na sarili niya ng mga panahong iyon. I begged on bended knees while crying.

Inisip ko iyong mga pangarap ko. Ang paghihirap at sakripisyo ng mga magulang ko sa probinsya. Hindi matutuwa at masasaktan pa sina inang at itang sa ginawa ko. Kaya isusumbong ko na si Prof. Gareth at  magsasampa na ako ng kaso sa kanya ng mga panahong iyon. Rum assured me he will handle it.

Tapos kinabukasan, nalaman ko na lang na nakulong na si Prof. Gareth at bugbog-sarado pa nang todo. Tinulungan ako ni Governor Sebastian sa pagpapakulong sa kanya. Kinausap din niya ang admin ng university na huwag akong e-expel.

Ikinuwento ko lahat ng iyon kay Tutti. Niyakap niya ako at marahang hinagod ang likod ko habang pinapatahan ako.

"Magiging maayos na ang lahat, Snow. Nandito lang ako. Nandito lang kami palagi para sa'yo," she assured me.

Nangiti ako at pinunasan na ang mga luha ko saka tumango.

"Kahit iniiwasan ako ng lahat ng tao sa university ay ayos lang. Basta ba laging kayong nandyan at matatag pa din ang pamilya nating 'to at lagi tayong nagdadamayan ay panatag na ako at alam kong magiging maayos na ang lahat."

"Ayokong nagkakagulo tayo. Kayo na lang ang meron ako kaya gagawin ko ang lahat para sa inyo. Magpapatatag ako at ipagtatanggol ko din kayo," iyak ko ulit. Mabilis naman akong inalo ni Tutti.

"Shh... We'll protect and love each other," she smiled softly at me.

"Masaya na ako 'pag nandyan kayong Charmings. I won't mind if others will turn their backs on me. I won't care if they won't still like me..." hikbi ko.

Tutti held my hand gently and smiled at me thoughtfully.

"It's not about getting people to like you, Snow. It's about getting them to respect you. Huwag mong hayaan na panghabambuhay ka nilang tratuhin nang ganyan."

Marahan niyang sinapo ang pisngi ko kaya mas lalo lamang akong napahikbi.

Bakit ang tapang-tapang niya?

Gusto ko ding maging katulad niya, maging sintibay niya.

"You deserve all the best that life could offer. Patunayan mo sa kanilang dapat respetuhin ka nila bilang isang tao. Dahil napakabuti mo, Snow."

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at tumango kahit pa nanlalabo na sa mga luha ang mga mata ko.

Panghahawakan ko 'yon sa puso ko.

illinoisdewriter

A/N:

Hi sweetcheeks! I want to inform you na hahatiin ko sa dalawang volumes ito. Two-three chapters na lang din at matatapos na ang Volume 1 and we'll soon say hello to Volume 2. I will do this para mabigyan ko ng proper entrance ang mga antagonists.

Please please please do vote and comment your thoughts. Sayonara! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top