Episode 37: Tiffany & Co.

Episode 37: Tiffany & Co.

"Ingrid, ayoko na talaga. Hindi ko na kaya..."

"It's okay, Snow. I'm here. You need not to be afraid anymore," said Ingrid and handed her another glass of mojito.

Lango na sa alak si Snow kaya nang iabot sa kanya iyon ay mabilis din niya kaagad iyong nilagok. Nahihilo na rin siya sa tingkad ng mga ilaw sa bar na pinagdalhan ni Ingrid sa kanya.

She hasn't told the Charmings yet about her situation. Only Ingrid knew because she wanted to really let it out.

Dalawang beses na siyang pinagsamantalahan ni Professor Gareth Alarcon. Ayaw na niyang maulit pa iyon kaya buo na ang loob niyang isumplong ito sa mga pulis.

"Isusumbong ko na siya, Ingrid," umiiyak ani Snow.

"It's okay, Snow. Don't worry, sasamahan kita. Drink for now and forget the pain," alok pa ulit ni Ingrid dito ng isang baso.

Ingrid smirked evilly when she drank its content again. Lasing na lasing na ito at mukhang hindi na siya mahihirapang isakatuparan ang plano niya mamaya.

♠♥♣♦

"Dahl, medyo matatagalan kami ni Borres. Na-flat kasi 'yong gulong ng sasakyan namin. 'Wag ka munang lumabas. Hintayin mo ako," bilin ni Rum sa nobyang kausap sa kanyang phone.

"Ayos lang, Rum. Malapit lang naman na 'yong plaza mula rito. Lalakarin ko na lang. Doon na tayo magkita."

Pista ngayon sa may bayan at inaya ni Rum ang dalagang lumabas upang mamasyal at makabawi rito.

"Basta maghintay ka sa akin sa bahay niyo. Gabi na kaya huwag kang aalis mag-isa."

Napangiti si Dahlia nang marinig ang nangangaral na boses ng binata. Isa sa mga bagay na minahal niya nang lubos dito.

Sa katunayan ay umamin din si Dean sa kanya ng pag-ibig subalit maayos niya itong tinanggihan sapagkat matagal nang nabihag ni Rum ang kanyang puso.

"Magkita na lang tayo sa may plaza. I love you."

"Dahl, hintayin mo ak-"

Pinatay na ni Dahlia ang tawag at tumayo na saka isinuot ang lavender niyang cardigan sa ibabaw ng bulaklakin niyang spaghetti strap dress. Malamig na rin kasi ang simoy ng hangin buhat ng Habagat.

Tiningnang muli ni Dahlia ang sarili sa salamin. Natural na namumula ang pisngi niya, mala-gatas na kutis, mahabang tuwid at itim na buhok at mala-pusang mga mata.

Hindi siya mahilig maglagay ng kolorete sa mukha subalit sa gabing iyon ay naglagay siya ng lipstick. Isang beses pa lamang siyang hinalikan ng nobyo dahil batid niyang ginagalang siya nito. But she's ready to make their second kiss happen tonight.

"Tay, aalis na po ako," paalam niya sa ama.

"Ikaw ba ay hindi susunduin ni Rum?"

"Doon na lamang po ako maghihintay sa kanya sa plaza para hindi na siya sumadya pa rito at mas maabala pa. Bumigay po kasi 'yong gulong ng sasakyan nila kaya baka matagalan siya."

"Dahlia, samahan na kita at gabi na," saad ng kanyang ama at akmang tatayo na nang pigilan niya ito.

"Tay, kagagaling niyo lang po sa sakahan kaya magpahinga na po muna kayo. Malapit lang ang plaza rito kaya magiging maayos lang po ako."

"Sasamahan parin kita para masigu- Aray! Aray!" Napahawak sa masakit niyang beywang si Lito. Maagap naman siyang inalalayan ulit ni Dahlia paupo.

"Sabi ko naman po sa inyo, dapat nagpapahinga na kayo. Magiging maayos lang po ako."

Kalaunan ay nakumbinsi rin ni Dahlia ang ama na hayaan na siya dahil kaya naman niya. Binaybay niya ang kahabaan ng daan papuntang plaza nang mag-isa. Sa kaliwa niya ay ang sakahan ng mga Sandros at sa kanan naman ay mga talahiban.

Doon na lumaki at nagkamuwang si Dahlia kaya hindi na siya natatakot pa. Subalit nakaligtaan niyang hindi namimili ng lugar ang panganib lalo na kung may masasamang taong pinlano ang gagawin nila nang maigi sa gabing iyon...

♠♥♣♦

"Kamusta na ang anak mo, Gilbert? Nahuli na ba ang shtriga?" tanong ni Aamir pagdating niya kaagad sa ospital.

Malungkot na umiling naman si Gilbert. A shtriga, a kind of beast that feeds on a child's life force, attacked his daughter awhile ago.

"Nakatakas ang shtriga. Mabuti na lang at nailigtas niya ang anak niya bago pa tuluyang maubos ang life force nito," paliwanag naman ni Darcy.

"Huwag kang mag-alala, Gil. Hahanapin ng special department ko ang shtriga na 'yon bago pa siya makapambiktima ng iba pang mga bata," paninigurado ni Aamir.

"Hindi maganda ang nakikita ko sa kaluluwa ng anak mo," biglang saad nang kadarating lang na si Roman na may tobacco pa sa labi.

Nakatanaw ito sa sanggol na anak ni Gilbert mula sa salaming bintana ng kwarto kung nasaan ito ngayon.

"Hindi na siya magtatagal pa. Kalahati na lamang ang life force na naiwan sa kany-"

Kinuwelyuhan ni Gilbert si Roman at madiing isinandal sa pader. Mabilis namang umawat ang tatlo pang mga kaibigan nila at pinaghiwalay sila.

"Kumalma ka, Gil," humahalakhak na pigil ni Roman sabay taas ng dalawang kamay habang nakaipit sa mga daliri ang tobacco.

"Anong nakakatawa sa makita ang anak kong naghihingalo ngayon?! Pitong buwan ko pa lang nakakasama ang anak ko! Hindi siya pwedeng mawala sa akin."

"May paraan pa naman para matulungan mo siya," kalmadong tugon ni Roman sabay hithit ulit ng tobacco.

"Magnakaw ka ng life force sa Hardin ng Buhay. Simple," ngisi niya.

"I-Imposible ang sinasabi mo. Nasa afterlife 'yon at hindi na tayo mga guardians na basta-basta na lamang tumatawid mula dine papunta sa kabilang buhay," katwiran ni Gilbert.

"Madadala ka ni Darcy doon at matutulungan ka ni Sebastian na gawin 'yon," ngisi ulit nito sabay baling sa dalawang tahimik na kaibigan.

Lumuhod si Gilbert sa tapat ng nagdalawa at humahagulgol na nagmakaawang tulungan siya.

Alam pareho nina Darcy at Sebastian na mali iyon at hindi pwede subalit hindi nila natiis ang pagtangis ng kaibigan. Naiintindihan nila ito sapagkat mga ama na rin sila. Mag-iisang taon na ang anak ni Sebastian samantalang kabuwanan naman ng asawa ni Darcy sa panahong iyon.

"Alam niyo ang batas ng paglalakbay sa kabilang buhay. Kung ilan ang pumasok ay ganoong bilang lamang ang makakalabas," paliwanag sa kanila ni Darcy na pareho naman nilang tinanguan.

"Handa akong magpaiwan. Mabuhay lamang ang anak ko," buong tapang na hayag ni Gilbert.

Malungkot na tumango si Darcy at sinummon ang kanyang briefcase. Inilapag niya ito sa sahig at binuksan. Kaagad namang nagliwanag ang looban niyon.

"Maghanda na kayo," paalala niya sa dalawang kaibigan.

Naunang pumasok si Darcy saka naman sumunod sina Gilbert at Sebastian. Matagumpay nilang napasok muli ang afterlife at napuntahan ang Garden of Life o ang Hardin ng Buhay. Sa kanilang lahat ay si Maleficia ang nagdudugtong at nagbabalanse sa dalawang mundo kaya hindi nila pinaalam ang plano nilang ito sa kanya dahil alam nilang hindi sila nito papayagan.

Ang Hardin ng Buhay ay isang malawak na lupaing puno ng mga tanim na bulaklak na may iba't ibang klase. Ang bawat tanim doon ay may katumbas na life force ng iba't ibang tao.

"Anong kailangan nating hanapin?" tanong ni Gilbert kay Sebastian na siyang may kakayahang galawin ang kaluluwa at life force ng isang tao na naaayon sa kanyang gusto.

"Kailangan nating hanapin ang bulaklak na tugma sa kaluluwa ng anak mo," sagot nito.

"Paano natin mahahanap iyon?"

"Pakiramdaman mo lang," ngiti nito sa kanya.

Nagpatuloy sila sa paglalakad sa kalakhan ng hardin hanggang sa napatigil sila sa tapat ng isang tanim na rosas na may dalawang bulaklak sa isang stem.

"Ano ang ibigsabihin kapag dalawa ang bulaklak na tumubo sa isang tangkay?" nagugulumihang tanong ni Gilbert na nahihiwagaan sa rosas na iyon.

"Isang gifted," ani Sebastian.

Binalingan siya ni Gilbert at tinanguan upang ipaabot ditong ito na ang hinahanap nila. Sebastian summoned his glass dome and went near the rose plant to pick one of its flower.

They were shocked when they witnessed how thorns protruded on its stem.

"B-Bakit ang dami ng mga tinik na lumalabas mula diyaan, Sebastian?" tanong ni Gilbert.

"Hindi magiging madali ang buhay ng may-ari ng bulaklak na ito at dahil kinuha natin ang parte ng life force niya ay magiging damay doon ang anak mo. Sapagkat simula ngayon ay magkadugtong na ang mga buhay nila," malungkot na wika ng kaibigan.

Sebastian placed the rose inside the glass dome. Now, they just have to place it on top of the child's chest. Malalaman nilang nagawa na nitong i-absorb ang panibagong life force kapag naglaho na ang bulaklak mula sa ibabaw ng dibdib nito.

♠♥♣♦

"Ma'am, nagawa na po namin ang gusto niyo," a man informed his boss through the phone.

"Very good. Gaya ng pangako ko ay nasa mga bank accounts na ninyo ang tig-iisang milyon. This will be our last communication from now on. Sana ay hindi na muling magtagpo ang mga landas natin."

And with that, the woman ended their last call.

                 • • • QUEEN • • •

I WAS DOING my skincare routine when the Chinese leprechaun barged in, dragging Snow with her.

Pinagitnaan nila akong dalawa sa may tapat ng malaking salamin sa banyo. Nagsuot si Tutti ng headband niyang may tenga ng pusa para hawiin ang bangs niya. Si Snow naman nagpusod lang ng buhok saka sabay na silang nagsabon ng mukha.

"Oh no," usal ni Tutti nang madulas ang pink niyang safeguard sa soap rack at nahulog sa toilet bowl.

I chuckled mockingly. Pagkatapos niyang maghilamos ay sinundan ko siya ng tingin. Nag-squat siya sa may tapat ng cabinet sa ibaba ng sink at binuksan iyon.

"Tada!" exclaimed she while showing us the ten other boxes of pink safeguard soaps she had kept.

"Hindi man lang umabot ng 500 ang nagastos ko sa lahat ng 'to," pagmamalaki at parinig niya sa akin.

I arched one delicate brow in front of the mirror.

It's not my fault why we're rich. Actually, it's my dad's and ate's riches but they're spoiling me and my mom with it.

My mom and I were both shopaholics. However, she had just taken hers into a whole new level. She would travel from Paris to Milan to London to US with our private jet in just one day to buy her personal picks. She never missed the haute couture shows that there is.

Sinara ni pandak ang cabinet at tumayo saka humilig sa gilid ng vanity table na kinaroroonan namin saka nagpahalukipkip.

"Matanong nga kita, Queen. May alam ka bang gawaing bahay?"

I scoffed and turned to her.

"Duh!"

"Have you ever known a princess who's running the housemaid's errands? Well then, just send my regards and please tell her she's pathetic," I added and resumed washing my face.

"Why don't we play a game? Tapos kapag nanalo ang kung sinuman sa atin ay may gagawing challenge," alok niya.

While drying up my face with a towel, I made myself preoccupied with the challenge I want her to do.

I'll make her wear a leprechaun or a dwarf's outfit for a whole day in school.

That would surely be fun.

"Ikaw na ang pumili ng laro at baka sabihin mong dinadaya kita."

I smirked and thought of the game I am very good at.

I chose chess and she agreed. She was on her third attempt when she moved her queen and exclaimed.

"Boom!"

"The fuck," nasabi ko na lang in so much shock.

"Checkmate!"

Tumayo siya sa gilid ko at sumayaw ng Gentleman ni Psy. Nakakabwisit lalo kaya binato ko na ng malaking unan. Bumulagta siya sa hardwood na sahig. Kinuha niya ang unan mula sa mukha at tumawa pa. Talagang nakakapanggalaiti 'yong mga kalaban mong nagdidiwang sa pagkatalo mo.

Si Snow na tahimik na nanonood sa amin ay napahagikhik na rin.

She won.

She goddamn won!

I lose over a goddamn leprechaun!

What a shame.

THE FIRST THING she did that morning was to wake me up. Nagising na rin si Snow kaya inaya na niya kami sa kusina para maghanda ng almusal.

"Yo, mga yo! Welcome to an episode of Queen's miserable life! And for today's suffering, she will be doing a 24-hour household chores challenge!" explained the leprechaun while vlogging.

"You're vlogging?" I asked her as we made our way to the kitchen.

"Ngayon lang pero ita-tag ko ang buong angkan niyo para mapa-trending nila ako," she chuckled, slightly lowering the Canon EOS M100 that was connected to the tripod she was holding.

I just rolled my eyes and decided to just let it slip. Sirang-sira na ang buong araw ko kaya ayoko nang mas mabadtrip pa sa mukha ng pandak na Instik.

Pagpasok namin sa loob ng kusina ay nagulat si Rum nang makita kami nang ganito kaaga. Nang makabawi ay tuluyan na niyang itinali ang likuran ng suot na apron.

"Ang aga niyo namang nagising. Nagpahinga pa sana kay- What are you doing?" kunot-noong tanong ni Rum nang mapansin ang hawak ni Tutti.

"May challenge na gagawin si Queen, Rum. Natalo kasi siya ni Tutti kagabi sa chess," paliwanag ni Snow.

"Kaya kami na ang bahala sa kusina," Tutti chuckled as she removed the apron off Rum from the back.

Rum brows furrowed, nag-aalala sa pwedeng mangyari sa kusina.

"Sigurado kayo?"

"Ayaw mo?" sansala ni Tutti sa kanya na parang tuta naman niyang inilingan.

"Sige, sige, mag-enjoy kayo rito," he chuckled nervously before walking out.

I rolled my eyes. He's submitting to her kalokohans.

"First thing's first , you have to cook for breakfast," the leprechaun told me while smiling at the camera.

"I don't know how to cook," I confessed and crossed my arms.

"Scrambled eggs and hotdogs are so easy to cook," ani Tutti.

Lumabas naman mula sa pantry si Snow dala-dala ang isang tray ng itlog at hotdog.

Bahala sila basta I already gave them warning.

"The fuck is this?" tanong ni Dean sabay tusok ng tinidor sa sunog na hotdog.

Inangat niya pa ang scrambled egg, naghahanap ng parteng yellow pa at hindi sunog. Nag-init bigla ang ulo ko.

"Just go back sleeping if you don't wanna eat," I told him. Rum chuckled so I glared at him.

Tumikhim siya, getting our attention.

"Okay, girls, tama na ang paglalaro sa kusina. Let me do the cooking," aniya.

"I made a huge mistake," malungkot na sambit ni Tutti habang nakatitig sa pagkain niya.

It was a disaster, I know. Snow shyly nodded while Tutti was still grieving over our burnt breakfast.

After eating, I was still assigned to do the dishwashing. Ako rin ang nagpunas ng lamesa. Mabuti na lang at sinalo ni Snow ang pagwawalis sa sahig.

"Can you help me with this instead of just dancing there?" I spat at the dancing Chinese leprechaun in front of me.

"Ang sakit ng mga kamay ko," sabi niya sabay yuko at bend saka lagay ng mga kamay sa tuhod at sayaw ng otso-otso.

Umungot ako sa inis at binato na lamang siya ng sponge sa halip na kaldero. Tawa pa nang tawa ang tangina.

DEAN ANGRILY DESCENDED from the stairs while holding his pink colored boxers.

"What the fuck is this?!" he shouted.

I slightly lowered the magazine I was reading to look at him.

"Oh, you're wearing pink boxers? Tsk, tsk, very masculine," I said which only angered him more.

"Putanginang! Kulay puti 'to noon, e!"

Napapikit ako sa inis. I was supposed to rest right now after doing the laundry and getting the dried clothes from hanging outside but here he is, screaming.

Gosh.

I just want to fucking rest! Kahit iyong duwende kong videographer ay napagod at padapang nakatulog na sa couch. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa banda nito nang mahuli ko si Rum na inaayos ang pagkakahiga ng ulo nito sa unan.

"Queen, sinama mo ba 'yong puti sa de-kolor na mga damit?" mahinang tanong ni Snow sa akin.

"Gosh," nasapo ko ang noo.

"Why would I even waste my time separating them if they're both dirty clothes? Putting them altogether at once really did saved my precious time. You see, I was even able to pick up the dried clothes outside after waiting for hours after doing the laundry," pangatwiran ko.

Napamura nang malakas si Dean. Si Snow naman napakagat ng labi.

"Dean, intindihin mo na lang. Hindi sanay si Queen sa mga ganito," Rum thoughtfully told him.

"Paano kapag nag-asawa ka na? Paano mo pagsisilbihang ang asawa mo?" giit ni Dean habang nagtatanong sa akin.

I put down the magazine and crossed my arms.

"I'm a queen, not a housemaid. I will hire ten maids in the future, each with designated chores. I will help my kids study, make my husband happy, and still have the time to be snobby."

He groaned in annoyance and just walked away. Snow and Rum were smiling. Tuwang-tuwa naman ang dalawa.

                 • • • TUTTI • • •

I SAT UP and rubbed the sleep off my eyes when I woke up. Napatingin si Rum sa akin mula sa pagbabasa sa libro niya.

"Where are they?" I asked.

"Nagpapahinga na si Queen sa kwarto niyo. Si Snow naman ginagawan ng merienda si Dean sa may kusina."

My instantly lit up at the mention of that. Tatayo na sana ako nang magsalita ulit si Rum.

"Nagluluto pa siya. Kaaalis lang kasi nila."

I just nodded and glanced at the glass window.

Umuulan.

I don't know why but I love rain.

Sinundan ako ng tingin ni Rum nang tumayo na ako nang tuluyan.

"Saan ka pupunta?"

"Maliligo ako ng ulan," I gleefully retorted and rushed to the main door.

Binuksan ko ang double doors at kaagad na tumakbo at nagtatalon paglabas ko ng Overlook.

Rain brings back both sad and happy memories for me.

Noong bata kasi ako ay hindi ako pinapapasok ni mama sa loob ng bahay tuwing natatalo ako sa laban at natiyempuhang may ulan.

And what I did was to enjoy the rain, ignoring the dark side of the story.

I happily turned around while jumping and I just stopped when I saw Rum leaning his side on the threshold. He was crossing his arms over his chest and gone was his reading glasses. He smiled at me gently.

I gestured for him to join me. Binuwag niya ang pagkakahalukipkip at humakbang palabas ng Overlook. Masyado siyang mabagal kumilos kaya hinila ko na siya sa palapulsuhan saka kami pumanaog sa may garden cemetery.

Binitawan ko muna siya saka ako tumingala at nagtatatalon ulit habang nagpapaikot. Gustong-gusto ko ang ulan at ang naliligo rito.

I ceased from whatever I am doing when Rum looped his arms around my hips and pulled me for a tight embrace. He pecked on my cheek before he buried his face on the hook of my neck.

Nanigas ako dahil hindi ko alam kung ulan parin ba ang pumapatak sa may leegan ko o... mga luha niya.

"Baby, please let's get back together. I'll do everything for you, I promise. Kung galit ka, magpapakumbaba ako. Kung nagtatampo ka, iintindihin kita. Kung nag-aaway naman tayo ay susuyuin kita. I'll compromise for you. I promise..."

Isa sa mga bagay na pinatunayan niya sa akin sa tagal namin ay hindi niya ako niminsan inayawan, binitawan, o iniwan man lang. Ako pa ang gumagawa n'on sa kanya.

Whiskey was wrong.

Rum isn't worth a billion. He's an irreplaceable treasure.

Ang rupok ko ba kung makikipagbalikan na ako sa kanya?

I hugged him also.

"Sige, pero sa isang kondisyon."

He cupped my cheeks with his hands and stared at me expectantly.

"Kahit ano gagawin ko. Just tell me."

"Bahala na kung naaalala mo si Dahlia sa tawag mo sa akin pero namimiss ko na kasi 'yon. Tawagin mo ulit ako sa ganoon, please..."

He smiled and nodded then he crouched to kiss me on the lips while still cupping my cheeks. It was so sweet I felt my eyes closed. My lips started moving also, responding to his kisses.

Napadilat ako nang huminto siya sa paghalik. Nakangiti siya ngayon habang nakatitig sa akin. Ang mga butil ng ulan ay lumalandas sa maganda niyang mukha. His lips were so red because of the rain and our kisses.

"Mahal na mahal kita, doll," he said before taking my lips again.

God, I love him so much.

RUM IMMEDIATELY SMILED when I entered the kitchen the next morning.

"Good morning," he sweetly greeted.

Ang tamis ng ngiti niya ngayon, hindi gaya noong nagdaang mga araw.

"Ang saya natin ha," komento ko.

"Siyempre, inspired ako lalo," panghaharot niyang nginiwian ko na lang.

Naka-apron siya at nagluluto ng piniritong tuyo saka luncheon meat. Naupo ako sa may high stool at nagpangalumbaba.

"Ang sarap naman niyan. Gutom na ako, nay. Bilis-bilis naman," kunyari ay reklamo ko.

"Tiyanak ka lang, uy! Inahin 'yan kaya huwag kang magreklamo," ani Dean pagkatapos akong pektusan sa noo kaya nasapo ko 'yon.

Pumasok na rin sina Snow at Queen. Hindi ko maiwasang mamangha at mapatitig sa huli. Ang ganda nito sa suot na long sleeves black floral print wrap maxi dress. Nabasa ko ang tatak n'on kagabi, Tiffany & Co.

Kapag siguro nagsuot din ako ng mamahalin gaganda rin ako nang ganyan.

Napabaling naman ako sa suot kong puting long sleeves at lilac pajama na parehong fleece. Not bad, pero ang dami ko pang iinuming gatas para maging singganda niya.

Si Snow kahit simple lang sa pulang spaghetti strap top at puting pajama ay ang ganda na rin.

Ang liit ko na nga, napag-iiwanan pa sa pagandahan.

"Queen, magboyfriend ka na kaya. Ang ganda-ganda mo kasi, naiinlove ako," saad ko.

She smirked and leaned her back on the kitchen counter while holding her cup of coffee.

"A beauty like me doesn't need a beast for now. One more thing, you already have my man, so why bother?"

Tone- preaching, sarcastic
Speech pattern- informal, coupled with emotions, and in attunement with past experience.
Indication- she's hurting yet she's trying to be strong and not to be mad at me.

I smiled and nodded. I'm so sorry for what I did, Queen. Please don't think I care and love you the least.

"Kung gan'on, habang wala pa ay tuturuan ka muna namin sa mga gawaing bahay para ready ka nang mag-asawa!"

"That's what I am fucking talking about, Queen!" Dean seconded but Queen just groaned in annoyance.

• • • BEAST CHARMINGS • • •

Inilapag ng isang maid na nakaitim na Victorian dress ang inumin sa tabi nang nakaupong si Alas sa may veranda. Kaharap niya ang malasutlang dagat.

Mas kitang-kita ang tattoong dragon sa leeg nito dahil sa suot na itim na sleeveless. He was also wearing his aviators to block his eyes from the bright sunlight. Lumapit si Joker sa kanya at inilahad sa tapat niya ang hawak na iPad na may itsura ng isang magandang babae.

"What can you say about her?" he asked as he swiped the iPad to show more pictures of the woman.

"She's gorgeous and sexy," replied Alas while shrugging his shoulders.

Inilayo iyon ni Joker sa kanya at swinipe ulit.

"What's her name?" tanong ni Alas.

"Quinnellssey Marquessa," smiled Joker.

"Oh, the makeup artist. I like her."

Napangisi si Joker sa narinig.

"So, you'll choose her over Uno?"

Alas just smirked and sipped on his wine.

"I've heard, nagkabalikan na naman sila," segunda ni Joker.

Alas put his wine glass down on the table beside him and smirked even more.

"Joker, you still haven't learned enough from me. Ang mag-asawa naghihiwalay nga, sila pa kaya."

"Isa pa, marami pa tayong alas," he told him.

Dumaan si Diamond kaya tinawag ito ni Alas.

"How's school?" he teased.

"Boring," malamig nitong sagot na mas nagpangisi lang kay Alas.

"Damn, I'd die just to get close to them," komento naman ni Joker.

illinoisdewriter

Chill muna tayo dahil mabigat ang magiging susunod na service nila. Please please vote and let me hear your thoughts too. Cheerio sweetcheeks! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top