Episode 36: Golden Locks and the Three Blacks (Part 2)
Episode 36: Golden Locks and the Three Blacks (Part 2)
• • • SNOW • • •
PAGPASOK KO NG Bio Lab ay wala pang tao. Inilapag ko ang tote bag ko sa lamesa saka naupo sa may stool at inayos ang puting palda ng uniporme ko na bahagyang umangat. Pinusod ko na rin ang buhok ko.
Maya-maya pa ay isa-isang nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Kaagad na umupo sa tabi ko sina Claire at Hazel. Sila ang mga kagrupo ko sa thesis.
Sa totoo lang, napilitan lang silang isali ako sa grupo nila dahil ako lang ang naiwang walang kagrupo noon. Mabuti na lang at mabait ang prof namin sa thesis at hindi niya ako hinayaang mag-isa.
Simula kasi noong kumalat ang video ko ay parang may nakakahawang sakit na ako na iniiwasan na ng lahat kaya tanging ang Charmings lang ang naging sandali ko. Kaso hindi naman kami pare-pareho ng kurso lahat kaya kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa.
Pumasok na din si Ma'am Cordova. Kasunod niya ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng salamin. Nakasuot siya din ng puting uniporme namin.
Mahinang nagtilian ang mga babae at pasimpleng nagtatapunan ng tingin dahil may itsura nga naman ang lalaki pero sobrang seryoso nga lang.
Ngayon ko lang siya nakita. Bagong estudyante ba siya? Pero malapit nang magtapos ang semester na 'to. Pwede kaya 'yon?
"Good morning, everyone. I would like you to meet our BS Biology exchange student from Australia, Russell Curtis," pakilala ni Ma'am Cordova sa lalaki.
Nagngitian ang mga babae. Simpleng tango lang ang ibinigay ni Russell sa amin. Napakaseryoso niya. Iyong tipong matatakot kang guluhin kapag nag-aaral.
"He will be with us from now on and for the rest of this academic year. I hope you will help him get acquainted with everything we have here. He also needs a group for thesis. Sino ang may tatlong members pa lang?"
Nagpalinga-linga si ma'am. Napatingin ako kay Hazel na maagap na nagtaas ng kamay.
"Ma'am, kami po!" natutuwang hayag niya.
"Good." She turned to Russell. "Mr. Curtis, you may join them."
Tumango si Russell at naupo sa ekstrang upuan na kaagad inilapit ng isang babae kong kaklase sa kanya.
"I want to see the Chapter 3 of your thesis. Are your works already in progress?"
My classmates groaned but some already set up their laptops.
Kinuha ko ang netbook sa loob ng tote bag ko at in-on iyon. Akin ang Chapter 3 at mabuti na lang natapos ko na kagabi.
Ipapasa ko na sana iyon nang biglang ibinaba ni Russell ulit ang kamay kong hawak ang netbook ko sa lamesa. Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Maging ang ilan ay napapalingon na din sa amin.
"Some of your RRLs are not really related to the topic at hand," komento niyang dahilan para mapakurap na lamang ako.
He continued scrolling on my netbook as he read the content. Hindi pa 'yon tapos pero kasi nahihiya ako sa sinabi niya. Alam kong hindi ako magaling sa mga ganito pero nakakahiya talaga dahil parang inihayag niya 'yon sa lahat nang nandine sa klase namin.
Kinagat ko ang labi ko at inilayo na sa kanya ang netbook.
"Uulitin ko na lang," sabi ko saka hinugot mula sa bulsa ng blouse ko ang cellphone para magsearch sana.
I noticed him staring at me while I was doing that. Tapos bigla na naman siyang nagsalita.
"I'll help you with this. We're groupmates, right?" he stated when I turned to him.
Tango na lamang ang tanging naisagot ko. He searched for it on his phone and I did the same on mine.
NAKAUPO KAMING DALAWA ni Russell sa steps ng AS Building habang tinatapos ang Chapter 3 ng thesis namin.
"Snow!"
Bahagya pa ako napatalon sa tigas ng boses na tumawag sa akin. Nabaling ako sa direksyon na pinagmulan n'on at kaagad na nakita ang galit na itsura ni Dean.
"Dean..."
Mabilis siyang humakbang palapit sa akin at hinatak ako patayo.
"Ano bang iniisip mo at naupo ka rito?!" galit niyang tanong sabay turo sa malapad na hagdanang inuupuan ko kanina.
"B-Bakit? Gumagawa kami ng thesis."
Nasilip siya sa likod ko at kaagad na umigting ang panga niya bago bumaling ulit sa akin.
"Tanga ka ba? Nakapalda ka tapos uupo ka d'yan?" he spat.
Napapikit ako nang matanto iyon. Maayos at maingat naman ang pagkakaupo ko pero naiintindihan ko din kung hindi talaga magandang tingnan 'yon para sa kanya.
"So-" Kaagad kong kinagat ang labi nang matanto ko ang sasabihin sana. Magagalit lang siya lalo.
"Hindi ka pa ba tapos? Halika na," suplado niyang saad bago hinaklit ang tote bag ko sa lapag. Yakap-yakap ko naman ang netbook kong kasasara ko lang.
Bumaling ako kay Russell na nakaupo pa din doon at yumuko bahagya para magpaalam.
"Mauuna na ako, Russell. Sa susunod na lang ulit."
"Mauuna na ako, Russell. Sa susunod na lang ulit," asar na pag-uulit ni Dean sa sinabi ko nang sabayan ko siya sa paglalakad.
Napakagat ako ng labi upang pigilan ang sarili kong humagikhik.
"Tinatawa-tawa mo d'yan? Malaki parin ang kasalanan mo kaya huwag kang umastang ayos na ang lahat," aniyang ikinatahimik ko naman.
Binuksan niya ang backseat ng Jeepney Wrangler pagdating namin sa parking lot. Inihagis niya sa loob niyon ang tote bag ko.
"Stronzo!" reklamo ni Queen nang matamaan siya n'on.
"Fuck you too," sarkastikong sagot naman ni Dean at pumasok na sa front seat.
Naungot sa inis si Queen saka siya binato nito nang hawak na MAC lipstick. Natatawang umilag si Dean na dahilan para lalong mainis si Queen.
Nangiting nailing na lang ako at pumasok na sa loob saka sinara ang pinto.
"Si Tutti?" tanong ko.
"Tinatapos pa ang thesis nila," sagot ni Dean habang nakatanaw sa akin sa rearview mirror.
"Si Rum?"
He smirked and retorted, "Sinusuyo 'yong tiyanak niya."
Natango ako at nabaling kay Queen na tahimik na nakatanaw sa may bintana. Mukhang mauuna kaming umuwi ngayon.
• • • TUTTI • • •
OUR SUPPOSED THESIS work and meeting turned into a series of untimely confessions and inconsequential chitchats.
Humingi ng sorry si Lee sa akin. I accepted his apology. I don't want to ruin our friendship just because I was mad and had forgotten nine out of the ten good things he did to me over a single mistake.
Alam na rin nina Norma at Whiskey ang tungkol sa amin ni Rum. Sa katunayan ay halos lahat ng tao sa UP. Hindi ko na lang pinansin ang mga bulong-bulungan at panghuhusga ng iba. Sanay naman na ako. Pinilit nila akong magkwento kung kailan nagsimula ang relasyon namin ni Rum, kung sino ang unang umamin, kung anong klaseng boyfriend ito at relasyon ang mayr'on kami. Gulat na gulat pa sila nang malamang dalawang taon naming naitago ang relasyon.
Panay ang hila ng buhok at hampas ni Whiskey sa akin dahil sa kilig at inggit.
"Gaga ka, siz. Jackpot ka na, e! Worth one billion si Rum tapos hiniwalayan mo pa? Like, saan ka hahanap ng ganyan kagwapong nilalang, katalino, at kabait? Perpekto na, siz!"
I only smiled at that. I love him and I know he loves me too but sometimes love isn't always enough to mend a broken heart and soul. Kailangan muna naming huminga hanggang sa pareho naming mahanap ang daan pabalik sa isa't isa. Ang drama ko naman.
Naubos na lang 'yong oras namin sa paggawa ng thesis ay nagkukwentuhan parin kami. Kinuha ko ang backpack sa may sementadong bench ng student's park at nagpaalam na sa kanila. Malayo-layo pa naman ang biyaheng Overlook.
Napatigil ako sa pagsipa ng bato nang mapansin ang blondie na nakaupo sa may waiting shed ng sakayan ng jeep.
Sa pagkakaalam ko ay kanina pa tapos ang klase nila. Bakit siya nandito? Magtatakipsilim na rin.
Nakaupo lang siya roon nang tahimik. Iyong mga kamay niya nakapatong sa mga hita niya. I sighed and advanced nigh him.
"Bakit nandito ka pa? Hindi ba tapos na ang klase mo?"
Doon ko lang din napansin nang malapitan na hawak-hawak pala niya ang silver bangle niya. He looked up at me and I saw how dilated his pupils are. Kaagad akong naalarma kaya nagsquat ako sa harapan niya at hinawakan ang mga kamay niya.
"Ininom mo na ba ang mga gamot mo?" I asked him.
Kung kanina pa siya naghihintay dito ay laking pasalamat ko na hindi siya napaano. He crouched and cupped his head with his hand.
"Rum... Rum, tumingin ka sa akin," I called him again as I held his other hand.
I smiled when he looked at me.
"Nasaang kamay 'yong bangle mo?"
Inangat naman niya ang kaliwang kamay na may silver bangle niya.
"Anong kamay 'yan?"
He stared at it for awhile until his pupils returned to normal.
"Kaliwa."
Tumango ako. Kung hindi suot ni Rum ang silver bangle niya ay 'yong silver wristwatch ang dapat pumalit. Kailangang hindi mabakante ang kamay niya dahil hindi namin alam kung kailan siya aatakehin. He must have been stressed. Ang dami na niyang inaasikaso sa Overlook, siya rin ang tumatayong magulang naming Charmings, at sinusubukan niya pang ayusin ang relasyon namin.
Nagi-guilty ako.
He held my hand gently.
"Tapos ka na?" he asked so soft I almost felt my heart ache.
Napakabuti, malambing at maalalahanin niyang tao. Pero ang hindi alam ng lahat ay hindi perpekto si Rum. May palihim siyang iniinda.
I nodded and told him, "Halika na."
Bago pa ako makatayo ay hinawakan ulit ni Rum ang kamay ko. He was gently stroking the back of my hand with his thumb.
"Hindi kita susukuan, doll. Kung kailangan kong magsimula ulit gagawin ko."
He lifted his gaze and stared directly at me.
"Maghihintay ako kung ayaw mo pa. Magtitiis ako kung gusto mong ganito muna tayo. Gagawin ko ang lahat basta huwag ka lang umalis. Huwag mo lang akong iwan."
Pansin kong may mga taong napapatigil at napapabaling sa banda namin. Nagsimula ang bulung-bulungan but didn't care. If I let their words and prejudices got the best of me, it's like I'm letting them decide and drive my own life.
"I need you, doll. I really do. You are the blessing that saved and keeps on saving me. You are the blessing that completes my missing piece, my whole life even. Please stay..."
• • • SNOW • • •
TUMUNOG ANG BALITANG may halimaw daw na nangangain ng kambing sa lugar namin, sa lugar malapit sa Overlook. Sabi nila invisible daw kasi ang nakikita lang nila ay ang paglapa sa mga kambing at hindi kung sino ang lumapa dine.
Hindi naman invisible ang mga chupacabras di gaya ng mga sigben. Kaya hindi nila nakikita ito sapagkat kaluluwa na ito.
Rum was right. Goldie will really find ways to get close to her remains. Kaya ang ginawa namin ng gabing iyon ay naglagay ng paing kambing sa may gate ng Overlook.
Nakatali ang mahiwagang lasso ni Rum sa leeg nito. Kailangan kasi naming hatakin papasok kahit man lang ng gate ang kaluluwa ni Goldie.
"Tutti, ilagay mo na 'yan d'on," nguso ni Dean sa labas. Hinahaplos kasi nito ang kambing.
"Dean, naaawa ako sa kambing. Baka pwedeng ikaw na lang ang ipain?"
Napahagikhik ako kaya sinamaan agad ako ng tingin ni Dean saka siya nagmartsa papunta kay Tutti at hinila ang kambing palabas ng gate.
Naghintay kami kinagabihan n'on hanggang sa tinunugan kami ni Epinone na may kaluluwa na daw na mabilis na dumadaan at nagpabalik-balik sa may tapat ng gate.
Lumabas kaming lima at kaagad na pinuntahan iyon. Nahuhuli kami ni Queen sa takbuhan. Ang bilis kasi ng tatlo.
Pagdating namin doon ay kaagad naming napansin ang tila anino na mabilis na gumagalaw sa labas ng gate at sa tapat noong kambing. Para bang humahanap ng tiyempo ang beast sa pag-atake.
"Guau."
"Shh..." inis na saway ni Dean kay Tutti na nakahawak sa wrought iron gate at pilit na pinapasok ang mukha sa parteng may malaking butas.
"First time kong makakita ng chupacabra," she replied in a hushed tone, still staring outside through the gate.
Nang may humila bahagya sa kambing ay mabilis ding hinila ni Rum ang lasso sa loob ng gate na maagap namang binuksan ni Epinone.
Nakapasok na ang kalahati ng katawan ng chupacabra sa loob nang matanto ang nangyayari. Natuod ako sa pwesto ko sa pagkakamangha sa itsura nito. Maging si Queen napatitig din nang todo dine.
Iyong itsura niya ay parang Sphynx cat. Iyong pusang mamahalin na walang balahibo tapos ang payat-payat. Matulis din ang tenga nito at mga ngipin pero mas malaki lang ito doon sa pusang alam ko.
"Dean!" Rum called him when Goldie was beginning to step aback.
Walang hirap na hinila ni Dean papasok nang tuluyan si Goldie sa loob ng gate. Goldie screamed, refusing to go inside and to accept her death. Nagpupumiglas ito pero mabuti na lang at mas malakas si Dean kaya napipigilan niya ito.
Nabaling naman ako kay Rum. Pinaiksi niya ang lasso niya hanggang sa pinaglaho na niya iyon nang tuluyan saka siya lumapit kay Goldie. He pressed the pressure point on the center of her head and whispered something to her. He was hypnotizing her.
Humina nang humina ang sigaw ni Goldie hanggang sa unti-unti na itong bumalik sa normal na anyo. Nakauniporme ito, mestiza, may freckles sa bandang ibabaw ng ilong at buhok na gaya nang kay Rum.
Maagap itong nasalo ni Rum nang muntikan nang matumba dahil sa pagkakawala ng malay.
"We have to call her family," he said.
DUMATING SI DEAN sa Overlook kasama ang Pamilya Maghinay. Sinundo niya ang mga ito dahil gabi na masyado at wala nang masasakyan ang mga ito papunta dine. Nagkukusot pa ng mga mata ang kagigising lang na si Butchoy.
Kinuha ko muna ito kay Mang Bernard upang kargahin habang kinakausap nila nang masinsinan si Goldie. Antok na antok pa ang bata kaya isinandal nito ang pisngi sa balikat ko. Si Tutti naman na nasa gilid ko ay kinuha ang maliit nitong hintuturo saka nilaro-laro.
Nangiti ako at pinaghele ulit ang bata. Si Dean na nahuli kong naninitig ay mabilis na nagtaas ng kilay at nag-iwas ng tingin.
Babalik na naman kami sa simula dahil sa ginawa ko.
Tuwang-tuwa sina Aling Berna nang bumaba kasama ni Rum at ni Queen si Goldie. Binihisan kasi ito nang huli ng puting bestida dahil marumi at puno na ng dugo ang suot nitong uniporme.
Sabik na humakbang palapit si Aling Berna kay Goldie na agad naman siyang tinulak.
"Bakit ba hindi kayo makaintindi?! Ayoko sa inyo! Gusto ko sa totoong mga magulang ko!" galit nitong bungad.
Lahat kami ay ramdam kong natigilan sa inasta nito.
Bakit ganito siya?
"Goldie, hindi ka namin pinalaking ganyan. Bawiin mo 'yong sinabi mo," saway ni Mang Bernard dine.
"Bakit, tay? Mababawi ba n'on ang kahihiyang sinapit ko? Lagi na lang akong tinutukso na ang iitim niyo at ang papangit! Napapagod na ako sa pagkapahiya buong buhay ko!"
"Isipin mo na lang kung saan ka pupulutin kung hindi ka namin kinupkop?" saad ni Mang Bernard, nagtitimpi sa asal ng anak.
"Wow. Mas mabuti nga sanang hinayaan niyo na lang ako sa basurahan at baka sakaling pinulot pa ako nang mas maayos na mga tao o di kaya ay pinakaladkad niyo na lang ako sa aso!" galit na galit na sigaw ni Goldie.
Isang malutong na sampal ang tumama sa pisngi niyang nagpagulat at tahimik sa kanya. Sinapo niya iyon sa sakit bago hinarap ang Aetang tumayo niyang ina sa loob ng maraming taon. Lumuluha na si Aling Berna. Kitang-kita ang sakit na kumakawala sa kanyang mga mata.
"Alam mo ba kung anong sinasabi mo?"
Lumayo ako bahagya upang hindi magising si Butchoy na pinaghihiging naman ni Tutti upang mas makatulog.
"Totoo naman pong sinabi ko ha. Sana... Sana sa mas maayos na tao na lang nila ako iniwan. Iyong hindi ako mahihiya sa tuwing pinapatawag sila sa eskwelahan kasi normal sila at hindi maitim tulad niyo. Araw-araw ko na lang kasing iniinda ang mga tawanan at tukso ng iba dahil sa inyo. Lagi akong pinagkakaisahan dahil magkaiba tayo, dahil ang layo ng agwat ko sa inyo," umiiyak na giit ni Goldie.
"Sana bago mo sinabi 'yan ay naisip mo lahat-lahat ng sakripisyo, pagod, hirap at gutom na tiniis namin para sa'yo. Para mabigyan ka ng magandang buhay!" duro ni Aling Berna sa anak.
Ramdam kong hindi niya gusto na maging ganito ang tagpo nilang mag-ina pero batid ko ding sobra-sobra na ang hinanakit nito. Gusto niyang marinig ng anak sa pagkakataong ito. Gusto niyang buksan at palawakin ang isipan nito tungkol sa pagmamahal ng isang magulang.
"Kahit walang-wala kami noong binigay ka sa amin ay malugod ka parin naming tinanggap dahil alam naming higit sa pera na kayang ibigay ng mga totoong magulang mo sa'yo ay kaya ka naming arugain at mahalin na parang tunay na amin," dagdag pa ni Aling Berna.
"P-Pero magkaiba parin tayo!" giit naman ni Goldie.
"Kung namimili lang ng kulay ang pagiging isang magulang at pamilya ay sana hindi ka na lang namin tinanggap, Goldie. Pero hindi, e. Hindi nasusukat sa kulay ng balat at sa nakikita ng tao ang pagmamahal na ibinigay at kaya pa naming ibigay sana sa'yo," madamdaming paliwanag ni Aling Berna.
Sumandal si Tutti sa balikat ko habang patuloy na humihiging para kay Butchoy. Tahimik namang nagpunas ng mga luha si Queen sa kabilang banda ko.
"Pero paano naman ako, ma? Kailan ako magiging buo?" humahagulgol na tanong ng anak.
"Sa tahanan natin, niminsan ba pinaramdam namin sa'yong nag-iisa ka? Na naiiba ka? Di ba hindi?"
"Dahil gusto naming ipakita't iparamdam sa'yo na ang pagmamahal namin ang magbubuklod sa pagkakaiba natin. Paano naman matatanggap ng mga taong iyon ang uri ng pamilyang meron tayo kung ikaw mismo ay pinapakita sa kanilang hindi mo kami matanggap-tanggap?" lumuluhang patuloy ni Aling Berna.
Tumalikod si Mang Bernard at inangat ang leegan ng kanyan tee shirt at pinunasan ang luha bago tahimik na humagulgol.
"Anak, hindi ka namin tinuring na iba. Kahit pa iba ang itsura mo. Kahit na kung anong klaseng nilalang ka pa. Minahal ka namin nang buong-buo. Ituring ka naming amin dahil ayokong maramdaman mo na iniwan ka at hindi ginusto ng totoo mong mga magulang..."
Napasalampak sa sahig si Goldie at sinapo ang dibdib saka humagulgol nang todo.
Sa tingin ko ay nakikita at nauunawaan na niya ang pag-ibig ng mga Aetang nagbigay sa kanya ng tahanan at pamilya.
"Sorry, ma... Sorry, tay... Ang sama-sama ko... Ang tagal kong nagbulag-bulagan. Iyong pagmamahal na matagal ko nang hinahanap hindi ko man lang pinansin na nasa harapan ko na pala... Matagal na... Patawarin niyo po ako..." nakaluhod na paghingi niya ng tawad.
Lumapit at hinatak ni Mang Bernard patayo si Goldie saka nila ito niyakap nang mahigpit ni Aling Berna habang nag-iiyakan sila.
Kung minsan, sa paghahanap natin ng mga nawawalang piraso ng mga sarili natin ay hindi natin namamalayang nasa palagid lang pala ang mga taong bubuo sa pagkatao natin.
Being and becoming a parent isn't just about giving birth to a person. Family isn't also all about the biological connections. It's about the people who make you feel complete, safe and loved regardless of how different they are from you.
MATAPOS ANG TATLONG araw ay naghanda na kami sa libing ni Goldie.
Nakalugay ang mga buhok at suot ang black long sleeves belted maxi dress naming mga babae at black dress shirt sa ilalim ng itim na coat at slacks naman sa mga lalaki bilang uniporme sa service na ito ay idinaos namin ang seremonyas.
Tinulungan ako ng mga clone ni Ma'am Ferrer sa paghahanda ng buffet sa malaking parihabang lamesang pagsasaluhan namin pagkatapos ng libing.
Si Rum kinakausap ang nagluluksang pamilya. Si Tutti naka-squat sa tapat ni Butchoy at tinuturuan itong magpose sa harap ng kamera habang naka-finger heart at pogi sign saka ngiti. She chuckled as she clicked her DSLR. Si Queen nakatayo sa tabi nila at napapangiti.
"Kailangan kong paghigpitin pa ang mga training niyo. Dapat ay alerto kayo palagi sa mga panganib," hayag ni Ma'am Ferrer habang ibinababa ang stainless na tray ng pancit sa lamesa.
Natango ako at nangiti. Nawala sa isip ko iyong nangyari sa amin nito lang nakaraan.
Lumabas si Dean ng Overlook kasama sina Yorme at Goliath dala-dala ang iba pang mga pagkain.
"David, sinabi ko nang ako na ang magdadala niyan. Ang mga clone ko na," baling ni Ma'am Ferrer kay Yorme na bitbit ang tray ng maja blanca.
"Ano ka ba naman, Lia. Ayos lang. Para namang hindi ka na nasanay sa kasipagan ko," halakhak ni Yorme.
Napabuntong-hininga na lang si Ma'am Ferrer bago bumaling sa akin, "Hindi na nga 'yan natutulog sa gabi."
Nangiti ako. The three of them are living in the same roof. Ang sabi ni Ma'am Ferrer ay nagsisilbi daw siya sa Pamilya Portofino noon pa. Pero alam ko namang may kakaiba sa samahan nila ni Yorme. Wala lang gustong umamin.
Makakatagpo ka talaga ng mga taong babago sa buhay mo at maswerte ako dahil natagpuan ko ang daan papunta sa kanila.
Masaya ako at nangangako akong aayusin ko ang hindi namin pagkakaunawaan ngayon at magpapalakas ako para protektahan ang pamilyang ito.
illinoisdewriter
A/N:
This service was supposed to be tackling racial discrimination between black and white people. However, I suddenly realized that this concept is more suited in the American context. Since we're Filipinos, I decided to have it as color and ethnic discrimination to make it more relatable.
We often make fun of people with dark skin color. Furthermore, we don't always realize it but our nasty remarks such as, "Aeta ka siguro, no, kaya ang itim-itim mo", was a form of verbal assault thrown towards one ethnicity. Let's be mindful of that.
I just wanna share this to you. In one of my minor subjects about Languages and Philippine Culture, I have known the Aetas and they are very wonderful people, I tell you. They lived in the mountainous parts of Zambales but they are still prone and vulnerable to deceit because they have little or no knowledge at all about the outside world. However, they still treat outsiders with much respect and hospitality. Sa lahat ng indigenous tribes na napag-aralan namin, sila talaga ang minahal ko.
P. S.
If you love this story, please do give it a star and comment your thoughts. Cheerio sweetcheeks! 💚
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top