Episode 34: With A Smile
Episode 34: With A Smile
• • • TUTTI • • •
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.
HOW DO SONGS fake feelings? They put happy lyrics to a sad tune.
This song of the Eheads has a melancholy allegro to it that can't truly make you smile.
Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.
Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakasubsob sa mga braso ko nang may maramdaman akong palad na marahang pumatong sa ulo ko.
Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life.
He smiled sadly at me. He was already seated in front of me. Nahuli ko pa si Aling Nena na may malungkot na ngiti sa labi para sa amin.
In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
"Let's go?" he asked.
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.
I nodded and turned off my playlist. He stood up and picked up my backpack. Kami na lang ang tao ngayon sa loob ng Nena's. Nauna na rin ang tatlo sa amin sa Overlook. Nagpalusot akong gagawin ang thesis namin kahit na ang totoo ay hinihintay ko si Rum matapos sa laboratory niya dahil gusto ko siyang makasama.
Kahit sa huling pagkakataon man lang.
I tried getting my bag from him but he was persistent in carrying it for me. We bid Aling Nena goodbye then he went out of the eatery first.
Kalalabas ko lang nang nilingon niya ulit ang direksyon ko at bumalik palapit sa akin. I instantly got what he wants. Gusto niyang sabay kaming maglakad.
Makulimlim ang langit, nagbabadyang umulan. We were silent as we traversed the gloomy academic oval. Mas pinapadilim pa ng panahon ang lilim na ginagawa ng hanay ng mga puno sa magkabilang bahagi ng daan. We stopped at the waiting shed when the rain began pouring.
I slowly lifted my hand to look at the bandaid covering the slit on my wrist.
"Will you promise me you'll not do it again if I set you free?"
The rain suddenly began pouring harder, seemingly doing the job for me. Crying and letting out all of my heavy emotions which I am incapable of.
I nodded slowly without even glancing at him.
"I will not harm myself anymore. Let's just start anew... separately."
This is what we need.
Closure.
Noong nakaraang dalawang linggo lang ay nagtangka akong makipaghiwalay sa kanya pero bumigay din naman ako kaagad nang marinig ko ang side niya.
But last Friday, it was different.
Queen knew about us.
Snow kissed him.
Dean was mad at her again.
He admitted grieving over Dahlia every now and then.
And that he always see her in Snow.
I slit my wrist.
I was hoping that could lessen all the pain and that I could run away from my problem again.
Everything that happened last Friday strained the relationship of Charmings.
I mustered the courage to look at him and smiled.
"'Wag kang mag-alala kasi pinag-aaralan ko nang umiyak para sa susunod ay i-iiyak ko na lang ang lahat ng sakit sa halip na saktan ang sarili ko."
He turned to me but he didn't smile this time. His eyes were bloodshot.
"Why? Why do you have to do this to us?"
I stared at him, trying my very best not to look away so he wouldn't see I wasn't fine still.
Kailangan kong pumili kung anong isasalba ko sa pagitan ng dalawang bagay na parehong mahalaga sa akin.
At pipiliin kong isalba ang pagkakaibigan naming Charmings kaysa relasyon namin.
"We're better off as friends."
Napapikit si Rum. Pagdilat niya ay mas lalong namula ang mga mata niya sa pinipigilang mga luha.
Nginitian ko siya. I drifted my sight in front of us and lifted my hand to catch some raindrops.
"Siguro... siguro may dahilan kung bakit nakilala natin si Snow."
"Maybe, maybe the Almighty didn't really took Dahlia away from you. And Snow's here to become your constant reminder of that," I added.
"Please, do-" he stopped even before he could finish calling me.
Doll reminds him of Dahl, Dahlia.
I turned to look at him and tried to give him a happy smile to mark the end of us.
"Hangad ko ang kaligayahan mo, Rum. I truly want you to be happy. Even if that happiness will not include me anymore."
• • • SNOW • • •
NAPAPANGITI AKO HABANG dinidiligan ang mga bulaklak sa backyard garden namin sa Overlook. Tinatanggal ko din ang mga damong ligaw sa paligid nila.
"Hayan, sana maging malusog kayo at lumaki pa," natutuwang sabi ko, kinakausap ang mga bulaklak.
"Snow."
Natigil ako sa ginagawa at nabaling sa may harap kung saan nakatayo si Rum. May hawak siyang scientific calculator.
"Ito na 'yong scical na hihiramin mo," ngiti niya sa akin sabay angat n'on.
Tumango ako at tumayo na bitbit ang watering can. Palapit na ako sa kanya nang biglang mapatid ako ng batong nakaharang sa daraanan ko kaya nadapa ako. Mabilis naman akong napaupo at sinapo ang bukong-bukong kong sumasakit.
"Snow!"
Dumalo sa akin si Rum at tiningnan ang paa ko.
"You sprained your ankle," nag-aalalang sabi niya bago ako kinarga at pinaupo sa may two-seater na round table sa may tabi.
His one leg squatted while the other kneeled in front of me. Kinuha niya ang paa ko at inikot-ikot iyon nang marahan pero napapangiwi pa din ako sa sakit.
"Tiisin mo lang para hindi siya mamaga."
Tumango ako sa bilin niya at kinagat ang labi ko. Nang medyo maibsan na ang sakit ay napatitig ako sa kanya. Seryoso siya sa ginagawa niya, tutok na tutok.
Heto na naman ang kakaibang kabog sa puso ko na laging nangyayari sa tuwing nandyan siya at ganito kami kalapit.
Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito. Kung bakit laging may parte sa akin na hinahanap at tila nangungulila sa kanya. Para bang matagal na siyang kilala nito.
Napalunok ako. Hindi ko gusto 'to.
"Rum..."
"Bak-"
Tumungo ako at mabilis na inabot ang labi niya. His lips felt soft and familiar with mine. The feeling, the scene and the longing were so familiar and sad I felt tears streamed down my cheeks.
I closed my eyes and I started moving my lips while he remained stunned.
I shouldn't be doing this, I know. But I missed this. I missed him so much my heart ached. Naramdaman kong marahan niyang hinawakan ang batok ko at ginantihan nang marahang halik niya saglit bago siya bumitiw.
Gulat na napatitig siya sa akin. Hindi ko mawari kung dahil ba sa mga luha ko o dahil sa nangyari kani-kanina lang.
"Dahl..." bulong niya habang nakatingin pa din sa akin.
"Bitch!"
Sabay kaming napatingin ni Rum sa banda nang sumigaw. Napaawang ang labi ko nang matantong nakatayo silang tatlo doon sa may hamba ng pinto.
N-Napanood nila ang nangyari?
Galit na galit ang itsura ni Queen. Si Dean nakakuyom ang mga kamao habang nag-iwas naman ng tingin si Tutti.
"Tutti..." mahinang tawag ni Rum dine.
"You fucking bitch!" galit na sigaw ni Queen sabay sugod sa akin.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay naabutan ko na lang ang sarili kong umiiyak habang kinakaladkad ako ni Queen na hawak ang buhok.
"Queen, stop it!" sigaw ni Rum at tumakbo papunta sa amin para umawat.
Hinapit niya ako sa beywang at inilayo kay Queen na pinipigilan din ni Dean na lumapit. Hawak niya din ito sa beywang. Iyak lang ako nang iyak at iling. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"I fucking trusted you! You fucking bitch!"
"Queen, I'm so sorry..." hikbi ko sabay iling.
Ambang susugod ulit si Queen pero hawak siya ni Dean sa beywang. Galit na galit siya at gusto akong abutin para saktan.
"Stronzo! Idiota! Bitch!"
"Queen, tama na, please," sabi ni Rum sa kanya.
Queen sharply turned to him. Galit niyang dinuro ito, pulang-pula na ang mukha.
"Sinasabi ko na nga ba, Rum! Sinasabi ko na! Nakikita mo si Dahlia sa kanya!"
Namilog ang mga mata ko sa nadinig. Kilala ko si Dahlia dahil naikwento siya ni Tutti sa akin noon. Ito ang dating nobya ni Rum na yumao na. Maliban doon ay wala na akong alam sa kung sino at anong klaseng babae si Dahlia. Hindi din ito pinag-uusapan nina Dean at Rum sa harapan namin.
Hinaltak ni Queen ang braso niyang hawak nang tahimik na si Dean.
"Akala mo hindi ko alam? Akala mo hindi ko nakikita kung paano mo iyakan ang picture ni Dahlia gabi-gabi?! Sa tuwing inaakala mong mag-isa ka lang?!"
"Rum, bakit naman gan'on?! Ako 'yong nauna, e! Ako!" umiiyak na tinuro-turo ni Queen ang sarili.
Tuluyan na siyang binitawan ni Dean kaya humakbang siya palapit sa amin. Binitawan na din ako ni Rum pero itinago niya ako sa likuran niya.
"Ako 'yong nauna kahit na noon pa man! Kahit na noong kay Dahlia pa! Bakit... Bakit hindi mo ako makita-kita?!" Hinampas-hampas ni Queen ang dibdib ni Rum. Hinahayaan lang ito ng huli.
"That's not true. I always see you and I always look after you because you are like a sister to me."
"Sister?! Fuck that! Asang-asa ako na baka sa pagkakataong 'to, baka pwedeng ako naman! Na baka pwedeng tayo naman!"
"Queen, patawarin mo ako."
Nagulat kaming lahat nang biglang lumuhod si Tutti sa gilid nila. Nakayuko ang ulo niya.
"Tutti, tumayo ka," ani Rum sa kanya.
"W-What are you saying?" naguguluhang tanong ni Queen.
Lumapit si Rum kay Tutti at ambang patatayuin na sana ito nang tabigin nito ang mga kamay niya.
"Patawarin mo ako."
She looked up at her.
"Patawarin mo ako kasi minahal ko rin si Rum."
Namilog sa gulat ang mga mata ni Queen at hindi kaagad siya nakapagsalita. Nawiwindang siya sa lahat ng mga nangyayari.
"Doll, tama na 'yan." Hinatak ni Rum si Tutti patayo at pinagpagan ang mga tuhod nito.
"A-Anong n-nangyari?" madiing tanong ni Queen habang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming lahat. Namumuo ulit ang mga luha sa mga mata niya.
Iyak pa din ako nang iyak sa may likuran ni Rum. Biglang napahilamos si Dean ng mukha sa inis.
"Tangina niyo! Tangina talaga, oh! Bakit 'di mo aminin Rum para matapos na tayo sa tanginang 'to!"
"Anong hindi ko alam?" madiing tanong ulit ni Queen.
Magsasalita na sana si Tutti nang hawakan ni Rum ang kamay niya upang pigilan siya at ilingan.
"Ako na ang magsasabi," he told her then he faced Queen.
Pinagsalikop ni Rum ang mga palad nila ni Tutti. Titig na titig doon si Queen.
"We're in a relationship for two years now."
Hilaw na natawa si Queen.
"You've got to be fucking kidding me."
Umiling naman si Rum.
"Paano nangyari 'yon? You were stepsiblings!"
"We're not anymore."
"Rum, two years. Two fucking years. That means you started having relationship when your parents still haven't divorced! You were fooling everyone for that long!"
Natahimik si Rum dahil totoo iyon. Pero maya-maya pa ay naglakas-loob siya na harapin ulit ito.
"Ni minsan hindi ko siya tinignan sa ganoong paraan."
Napasinghap sa galit si Queen at sinugod si Tutti na mabilis namang niyakap ni Rum at hinarang ang sariling likod para hindi ito matamaan.
Hinapit din agad ni Dean sa beywang si Queen pabalik sa pwesto nila.
"Let me fucking go!" himutok ni Queen sabay hawi ng mga braso ni Dean.
She spun around then slapped Dean hard on the face.
"You knew about this all along and then you still decided to fucking fool me!"
Nalingon ulit siya sa amin.
"Pati ikaw, Snow?" she laughed humorlessly when I lowered my head again.
"Fuck all of you! Pinagmukha niyo akong tanga!"
Sumugod ulit si Queen at sa pagkakataong iyon ay binuwag ni Tutti ang pagkakayakap ni Rum sa kanya at sinalubong si Queen. Isang malutong na sampal na ang pinakawalan ni Queen.
Napalingon sa gilid si Tutti sa lakas n'on pero hindi niya sinapo iyon. Napatakip ako ng bibig at tahimik na humagulgol. Si Dean tahimik na nakatanaw lang mula sa banda niya at isang napakalamig na tingin ang pinukol niya sa akin nang magtama ang mga mata namin.
Anong nagawa ko...
Dinaluhan ni Rum si Tutti pero hinawi lang ng huli ang mga kamay nito bago nginitian si Queen.
"Saktan mo pa ako, Queen, please. Ang sakit-sakit kasing nakikitang ganito tayong lahat pero hindi ko naman maiiyak. Nasasaktan akong makita na nagiging ganito ang pamilya natin. Ayokong saktan ka, maniwala ka. Kaya saktan mo pa ako please para mawala 'yong sakit mo at ng akin," hayag ni Tutti habang sinusuntok ang dibdib niya ng kamao nang paulit-ulit.
"Tutti!" banta ni Rum nang hindi magustuhan ang sinasabi nito.
Isang malakas na sampal ulit ang binitawan ni Queen bago siya humagulgol nang tuluyan at tumakbo papasok ng Overlook. Sinundan agad siya ni Dean.
Sinapo ni Rum ang pisngi ni Tutti at kaagad na umigting ang panga niya nang makita namin ang sugat sa gilid ng labi nito.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon!"
Marahang hinawi ulit ni Tutti ang mga palad ni Rum sa pisngi niya. Bumaling siya sa akin at nangiti bago tinitigan ulit ang lalaki sa harapan niya.
"Hindi ko na alam kung ano pang pinaglalaban ko. Habulin mo siya, Rum. Iparamdam mo sa kanyang hindi mo siya tinatalikuran lalo na ngayong nasasaktan siya."
Umiling si Rum.
"Kailangan mo rin ako. May sugat ka."
"Mas kailangan ka niya, please..."
Napapikit si Rum pero nang magdilat ay tumango siya at pumasok na sa loob upang habulin si Queen.
"T-Tutti..." tawag ko sa matalik na kaibigan.
"I'm so sorry..." paghingi ko ng tawad habang humihikbi.
Alam kong nasaksihan niya iyon kanina.
Ngumiti na naman siya pero sa pagkakataong iyon ay nakita ko ang lahat ng sakit, pagod at pait sa kanyang mga mata.
"Ayos lang, Snow. Ayos lang. Naiintindihan ko naman. Mahal niya parin si Dahlia at nakikita niya siya sa'yo."
UMALIS SI QUEEN ng Overlook. Hinatid naman siya ni Rum gamit ang Jeepney Wrangler ni Dean.
Kagat ang labing naglakas-loob akong katukin ulit ang pinto ng banyo sa kwarto namin.
Kanina pa si Tutti sa loob. Kinakabahan ako at baka napano na siya.
"Beh, pwede mo bang buksan ang pinto? Nag-aalala ako sa'yo," ani ko pero wala pa ding sumasagot sa kabilang banda.
"Tutti..."
Makailang tawag at katok na ako sa kanya nang tuluyan na akong mabahala dahil wala pa ding kahit na anong sagot. Kumaripas ako ng takbo palabas doon at papunta sa garden kung saan naninigarilyo na naman si Dean.
Saglit niya akong tinapunan ng tingin gamit ang gilid ng kanyang mga mata tapos mahina siyang namura saka umiwas ulit at nagpatuloy sa paghithit ng sigarilyo niya.
Galit na galit na naman siya sa akin pero nag-aalala na talaga ako kay Tutti kaya humakbang ako palapit sa kanya.
"D-Dean..."
Hindi niya ako pinansin.
"Si Tutti...kanina pa talaga siya sa banyo pero hindi pa siya lumalabas tapos tinatawag ko pero hindi din siya sumasagot..."
Tinapon ni Dean ang sigarilyo sa lupa at tinapakan iyon bago tumakbo papasok sa loob at papunta sa kwarto namin. Sumunod naman ako agad.
Naabutan ko si Dean na sinipa nang malakas ang pinto kaya nawasak iyon. Pumasok siya sa loob at pareho kaming natigilan sa nasaksihan. Napatakip ako ng bibig upang pigilan ang hikbi sa lagay ni Tutti.
Paupong nakasandal siya sa pader ng banyo at duguan ang pulso. Ang blade naman ay nasa gilid niya na para bang nabitiwan ang ayos.
"Shit!"
Kaagad na kinarga ni Dean si Tutti at kumaripas ng takbo palabas ng Overlook saka isinakay ito sa limousine na nakagarahe. Pumasok ako sa loob at yakap ang walang malay na si Tutti habang humahagulgol.
• • • TUTTI • • •
I SLOWLY BLINKED my eyes open only to be greeted by a white incandescent light and ceiling.
Akala ko nasa langit na ako.
I made a light mental chuckle.
Bakit pa ako nag-iilusyon ng langit?
Sa impyerno ang bagsak ko.
Napatingin ako sa mga kamay na mahigpit na nakahawak sa akin. He instantly stirred when he felt me moved a lil' bit.
Nakaupo siya sa tabi ko at may nag-aalalang itsura.
"How are you feeling, doll?"
Nakatitig lang ako sa kanya nang sapuhin niya ang noo ko tapos ang pisngi ko naman.
"Bakit mo ginawa 'yon? Bakit ka naglaslas? Ano bang iniisip mo?" tanong niya sa akin sa mataas na boses, gusto akong pagalitan.
"Akala ko matatapos na 'yong sakit kapag ginawa ko 'yon pero heto na naman ako," I chuckled.
Mas humigpit ang hawak niya sa akin at sumeryoso ang mukha niya. Halatang hindi nagustuhan ang mga sinabi ko.
"'Wag mo nang uulitin 'yon, please..." he pleaded.
Tumango ako at nginitian siya.
"Pinapangako ko kung mangangako ka rin sa akin."
Bahagya niyang inangat ang kamay kong hawak niya at banayad na hinalikan iyon.
"Kahit ano, doll. Kahit ano, gagawin ko para sa'yo."
Nasasaktan ako.
"Namimiss mo ba si Dahlia?"
Natigilan siya sa tanong ko. Hindi kaagad nakasagot.
"Doll, please..."
Mapait akong napangiti sa tawag niya sa akin.
"Please 'wag kang magsinungaling. Nakikita mo ba siya kay Snow?"
Titig na titig siya sa akin, calculating my microexpressions and words. I saw the scene awhile ago. Alam kong gumanti siya ng halik kay Snow kahit saglit lang at tinawag itong Dahl.
Napangiti ako nang tumango siya.
"But believe m-"
Ipinatong ko ang isa pang palad ko sa kamay niya upang pigilan siya sa pagsasalita.
"Tama na. Tama na, please. Itigil na natin 'to. Nakakapagod na, e."
Maagap siyang umiling sa sinabi ko.
"Mahal kita. Maniwala ka naman, please," pagsusumamo niya.
"Pero mahal mo parin siya."
Marahan kong tinapik-tapik ang mga kamay niyang mahigpit na nakakapit sa akin saka nginitian ko siya ulit.
"Ayos lang, Rum. Ayos lang. Naiintindihan ko pero ayoko na talaga. Ayos lang kung ako lang 'yong nasasaktan, e. Titiisin ko naman pero kapag si Queen na, ang Charmings na ay hindi ko kaya. Hindi mo ba nakikita? 'Yong pamilya natin unti-unti nang nasisira."
"Doll, please. 'Wag naman ganito. Pagod na rin ako at ayoko rin silang nakikitang ganito pero ayaw din kitang isuko. Hinding-hindi kita isusuko..." umiiling na aniya.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Sinubukan niyang hawakan ulit iyon pero maagap kong tinago ang mga iyon sa likuran ko.
"Hindi ako aalis sa Overlook. Mag-aaral akong umiyak para hindi ko na ulit masaktan ang sarili ko. Pero please, please... tama na. Wala akong laban kay Dahlia kaya hayaan mo na lang akong isalba ang sarili ko at ang pagkakaibigan nating Charmings. Maging magkaibigan na lang tayo, Rum."
Tumagilid ako nang higa upang talikuran siya.
Nasasaktan akong nakikitang nasasaktan si Queen.
Mahal pa ni Rum si Dahlia at hinalikan niya rin si Snow dahil nakikita niya si Dahlia rito.
Ang sakit naman.
Mukhang hindi ko matutulungan si Dean kay Snow.
Mukhang pareho kaming mabibigo.
• • • QUEEN • • •
THE MOMENT DEAN texted me about Tutti, I stopped crying and halted mending my broken heart. I went to the hospital where she was rushed.
Kahit bitch parin ang pandak na Instik na iyon ay hindi ko siya kayang balewalain. I fucking hated myself for that.
Ate Anna kept asking me what was it this time that made me cry again. I didn't answer her. I'm too hurt to speak.
I stopped walking when I crossed paths with Yorme. Looks like he'd been from her room.
"Nasa may Room 357 siya."
I nodded and was about to pass by him when he spoke again.
"You can't leave the Overlook yet. Isang taon pa ang kontrata niyo."
I stopped walking.
"I know. I'm just breathing some fresh air. The place and the people are suffocating me to my very core and I hated all of it."
"Simula pa lang ito ng lahat ng mga sikretong susubok sa katatagan niyong Charmings. Handa ka na ba sa mga susunod pa?" he asked meaningfully.
I glanced at him.
"What are you talking about?"
He smiled at me and waved his hand goodbye.
"Damayan niyo ang isa't isa at lumaban kayo nang sama-sama."
With that, he went off. He left me absolutely confused and curious.
Nasa labas ng kwarto ang tatlo nang dumating ako. Nakaupo at sandal si Rum sa may pader, his knees were bended up. Dean squatted beside him, telling him things. Si Snow naman umiiyak habang pinapanood ang dalawa.
"Q-Queen..." she mumbled, surprised at my visit.
I walked in front of the door with head held high. I won't let them see the weak part of me.
Sinilip ko ang leprechaun mula sa glass na bintana ng kwarto. Nakatagilid siya ng higa at talikod sa amin.
Hindi umiiyak ang isang 'to. Hindi iyakin, di gaya ng isa r'yan.
Kaya naglaslas dahil walang alam na paraan para mailabas ang sakit. Her defense mechanism sucks.
Kung kumain na lang siya nang kumain para malabas 'yon ay hindi sana siya nakakaistorbo ng tao ngayon.
Ang liit-liit pero ang lakas-lakas ng loob maglaslas.
I inhaled silently then looked up to prevent my tears from falling.
Naalala ko 'yong sinabi niyang binigyan namin siya ng panibagong pag-asa.
Kung gan'on, bakit niya ginawa 'yon? Ang tanga-tanga talaga.
"Tol, umuwi ka na lang muna. Kami na muna bahala rito. Mukhang kailangan mo rin ng pahinga at huminga, e."
Dinig kong sabi ni Dean kay Rum. I looked at them through my peripherals. Umiling si Rum.
"Baka tumakas na naman siya kapag nawala ako saglit."
Natahimik kami. Now, it all made sense to me. Kaya pala halos mabaliw siya kakahanap sa pandak noong lumayas ito.
"R-Rum, I'm sorry. Sorry talaga..." hikbi ni Snow at akmang lalapit sana rito nang galit na humarang si Dean.
"Tangina mo rin, e, no? Wala ka na ba talagang ibang alam sabihin kundi sorry? Lagi ka na lang nagsosorry! May nagagawa ba 'yang tanginang sorry mo na 'yan?! Wala na! Sira na lahat!"
Nagulat si Snow doon at hindi agad nakapagsalita. Mukhang sinira na niya naman ang puso at tiwala ni Dean.
"Dean, tama na," mahinang pigil ni Rum dito.
Nakakuyom ang mga kamaong nag-iwas ng tingin si Dean.
"Lagi mo na lang siyang kinakampihan, Rum. Lagi na lang," giit ni Dean.
"Magkatulad sila ni Dahlia pero hindi siya si Dahlia! Patay na si Dahlia! Patay na siya dahil sa'yo!" he lashed out.
"It's not his fault that Dahlia didn't listened that night! Sinabihan siyang maghintay ni Rum dahil susunduin pero nagpatuloy siya! Excited masyado. Para bang first time makipag-date ng tanga," Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong sumabat.
"Queen!"
Natigilan kaming lahat sa diin at tigas ng boses ni Rum. Natuod ako sa pwesto ko. He quietly stood up and stared at me icily.
"Don't you dare call her that."
I drifted my eyes off him, hurt at the fact that it's still Dahlia. Always been Dahlia.
"Tangina! Sira na tayo lahat!" galit na sigaw ni Dean sabay hilamos ng mga palad sa mukha.
Nanghihinang napaupo si Snow sa may bench at napahagulgol habang takip-takip ng mga palad ang mukha niya.
• • • TUTTI • • •
I LOWERED MY hand that's now wet because of the raindrops. I then took my bag from his hold. He just let me.
"Bakit pinapahirapan mo ako nang ganito?" he asked.
"No, Rum. I'm making things easier for you by removing myself from the equation. Masosolve mo na agad ang problem mo niyan kasi ako lang naman 'yong panggulo," I cheered while gently tapping him on the shoulder.
"Mahal kita."
Nag-iwas ako ng tingin at kaagad na pinara ang jeep na dumaan.
I looked at him and smiled again.
"May pag-ibig na kahit anong pilit kalimutan, hindi nabubura. May pagmamahal na kahit anong saya ay hindi sapat para mabuo ka. Hindi ako 'yon, Rum. Hindi tayo 'yon."
"Mauna ka na sa Overlook. Kikitain ko lang muna sina Aunt Jody," paalam ko at mabilis na sumakay ng jeep.
Nang umandar ang jeep at hindi pa nakakalayo ay nilingon ko ulit siya sa kung saan ko siya iniwan.
He still stood there with a faraway look on his handsome face as his eyes welled up with tears.
I looked away and put on my earphones then I listened to the current song on my playlist.
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye
Too doo doo...
Let me hear you sing it
Too doo doo...
I smiled but that wasn't able to keep my heart from slowly shattering as I finally bid goodbye to my love.
illinoisdewriter
I wanna know your thoughts and know that you are making me happy by hitting the star button. Cheerio sweetcheeks! 💚
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top