Episode 33: Chanel

Episode 33: Chanel

"Boss, ang ganda nito, ah. Ano nga ulit pangalan nito?"

Inipit ng isang babae ang sigarilyong nasa labi gamit ang kanyang mga daliri at tinanggal iyon doon saka bumuga ng usok. She crossed her arms over chest with the cigar between her fingers, still suspended in the air.

"Dahlia Monteverdi."

"Ano po bang gusto niyong gawin namin sa kanya?"

"Do whatever pleases you. I just want her out of the way. Give me a call after that and I will deposit in each of your bank accounts the payment," she ordered before she brought the cigar back to her lips.

"Tig-wa-one million kami boss, ha," ngisi ng lalaki sa babaeng nakatalikod sa kanya at nakaharap sa salaming pader ng opisina nito sa skyscraper na iyon.

The woman just raised her hand, dismissing him and cueing him that the deal have been sealed.

• • • BEAST CHARMINGS • • •

"Mama, nasaan po tayo?" tanong ng otso-anyos na si Tutti sa inang nauunang maglakad.

Tatiana stopped and looked at her over her shoulder.

"Pasok."

She gestured her head towards an open door. Noong una ay naguluhan pa ang bata dahil may takip iyon na malaking itim na kurtina subalit tumalima rin siya sa utos ng ina.

The door instantly closed the moment she set foot inside. Napapikit siya sa matinding liwanag nang tanggalin ang itim na kurtinang nakatakip doon. She stood in efficient state of shock when she realized that she was inside a huge cage and the people around were cheering loudly. Some were even booing because she's too small to be in the fight.

She's inside an underground fight for children.

Bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng metal na hawla ang isang dose-anyos na dalaga. Napaatras sa takot si Tutti. Sobrang laki ng katawan nito. Batak na batak ang muscles sa katawan at hanggang sa beywang lang siya nito.

The girl lunged towards her. Mabilis siyang nakaiwas at kumapit sa bakal na rehas sa tapat ng inang nakatayo.

"Ma, ayoko rito. Ma..." she pleaded but Tatiana only stared at her icily.

Hinablot ng babae ang buhok niya at hinila sa gitna ng hawla saka sinikmuraan. Namilipit sa sakit ang batang Tutti at napahiga sa sahig saka sinapo ang tiyang natamaan. Hindi pa nakontento ang babae at tinadyakan pa siya.

"Tama na, please... Tama na..."

Nakauwi si Tutti nang gabing iyon sa awa ng mga tao at huradong nanonood. Nahahabag sila sa sitwasyon ng maliit na bata.

"Isasama ko si Tutti."

Napatigil sa paglalaslas ang batang Tutti. Nahihirapan siyang umiyak kaya ito lang ang paraan kung saan nailalabas niya ang sakit at naiibsan iyon. Binitawan niya ang hawak na blade saka sinilip mula sa siwang ng pinto ang kanyang ina at Aunt Jody na naghihimutok sa galit sa nangyari sa kanya.

"Ikaw ba ang nanay niya?" malamig na tanong ni Tatiana habang nakatutok parin ang atensyon sa librong binabasa at nakaupo sa paborito niyang silya.

"Iyon na nga, e! Ikaw 'yong nanay pero ikaw mismo ang sumisira sa buhay niya! De puta ka talaga, ate! Hindi ka na naawa sa anak mo!"

Mabilis na binuksan ni Tutti ang pinto at nilapitan ang Aunt Jody niya. Napabaling naman sa kanya ito at kaagad na nagimbal at nahabag sa itsura niya.

"Aunt Jody, ayos lang ako," ngiti ni Tutti sa tiyahin.

Hindi maipaliwanag ni Jody ang nararamdaman nang makita ang pamangkin. Putok ang labi nito, maraming pasa sa balat, halos hindi na maidilat ang isang matang namamaga at may laslas sa pulso. Nanginig ang labi ni Jody. Ang liit-liit ng pamangkin niya pero isinasabak na ng ina sa mga ganoong katarantaduhan. Dinaig pa ng itsura nito ang asong minamaltrato ng amo.

Narinig niya ang pagsinghap nina B1 at B2 sa likuran nang makita ang makulit na batang inaalagaan lang nila noon bago pa ito kuhanin ng ina nito. Nangislap sa luha ang mga mata ni B1 samantalang nag-iwas naman ng tingin si B2. Lumuhod si Jody sa tapat ng pamangkin. Hinawakan niya ito sa mga balikat.

"Ayos?! Nanalamin ka na ba?! Ha?!" Niyugyog niya ang pamangkin sa galit.

"Dinaig mo pa 'yong asong ginutom at sinabuyan ng asido!"

"Aunt Jody, baka po gabihin kayong tatlo sa daan. Lagi pa namang nilalamig si B1," ngiti ni Tutti, binabago ang usapan.

Napahikbi naman ang maskuladong kalbo na si B1 sa narinig.

"Sasama ka sa amin."

"Pero wala pong kasama si mama rito."

Matalim na binalingan ni Jody ang walang pakialam na kapatid.

"Tutti, makinig ka. Hindi mo dapat nararanasan 'to. Dapat nag-aaral ka. Pumapasok ka pa ba? Nasaan na 'yong bag na binigay ko sa'yo?"

Ngumiti si Tutti upang pagtakpan ang lungkot at sakit na nararamdaman niya nang maalala ang pagsunog ng mama niya sa bag na 'yon. Kaya tuwing pumapasok siya ay laging iyong lumang eco bag na napulot niya sa daan ang isinusukbit niya sa balikat upang may paglagyan ang mga gamit niya sa eskwela.

"Binenta ko po, e. Nagutom kasi ako noong isang araw," mahinang tawa niya.

Napahigpit ang hawak ni Jody sa kanya. Nangingislap na ang mga mata ng tiyahin sa nagbabadyang luha.

"Ginugutom ka ba niya?"

Umiling si Tutti at nginitian ulit ang tiyahin. Magsisinungaling siya para sa mama niya.

"Doble po kasi akong kumain kaya nahihiya akong manghingi kay mama. Sorry po, Aunt Jody," she apologized.

Napapikit sa inis si Jody at hahatakin na sana palabas ang pamangkin nang umiling ito habang nakangiti sa kanya.

"Gusto ko pong makasama si mama. Ayoko po kasing iwan siyang mag-isa."

"You've heard her. Kung wala na kayong kailangan, bukas ang pinto ko kaya umalis na kayo," malamig na wika ni Tatiana nang hindi parin inaalis ang mga mata sa binabasa.

Tumayo si Jody at dinuro ang nakatatandang kapatid.

"Anak mo 'yan, hindi 'yan aso kaya sana 'wag mo siyang tratuhin na parang hayop! Pinalaki ko 'yan ate, hindi para ganyanin mo kundi para bigyan nang maayos na buhay!"

Tatiana noisily closed her book and stared icily at her younger sister.

"Mabuti pang pinatay mo lang kung hindi ko rin naman mapapakinabangan."

                 • • • QUEEN • • •

I APPROACHED THE Chinese leprechaun who was lying flat on her back at the well-trimmed Bermuda grasses.

Nakapatong ang ulo niya sa mga braso niya. She was wearing a peach tee shirt and a gray pajamas both with penguin prints all over them. I smirked when I read the name Jedidiah the leprechaun on the nitso.

Matchy-matchy.

I wrapped the lower part of my Chanel violet silk maxi robe around my legs before sitting beside her. I then pulled my knees up and rested my arms on top of it.

I wanted to breathe the evening air and Rum told me she was here. I just let silence enveloped us both, relishing the serenity it offers.

"Queen..."

"Hmm.."

"Alam mo bang narealize ko na ang swerte ko pala sa parteng 'to ng buhay ko."

I remained silent. I don't want to ruin this moment. I just love the calmness of the night.

"Kasi nakilala ko kayo."

Lalo akong natahimik doon. Kahit anong ngiti ang ibigay niya sa amin ay nakikita ko lahat ng pait at sakit ng kahapon niya na kumakawala sa mga mata niya.

She was a living irony for me. She's one of our strongest member. Yet, she's also the most secretive and broken.

"Alam mo ba, noon pinagkakasya ko 'yong sarili ko sa kakarampot na atensyon na binibigay ng mama ko. Akala ko kasi gan'on 'yong pagmamahal. 'Yong pinapakain ka, binibihisan at pinag-aaral."

I continued listening to her, hearing her side of story.

"Pero n'ong makilala ko si Rum, higit pa pala 'yon d'on. Iyon pala 'yong kinakamusta ka, inaalagaan kahit walang sakit, binabantayang matulog at ipinagtatanggol sa masasamang loob. Mas naging nanay pa nga siya kaysa sa mama ko, e," she chuckled but I could hear the little cracks of her heart shattering.

"Tapos n'ong dumating kayo, binigyan niyo ako ng isang kakaibang pamilya. Iyong klase ng pamilyang hindi ko malilimutan kahit sa kahuli-hulihan ng buhay ko."

"Why are you talking like as if you're dying tomorrow?" I asked her, sounding a bit mad at that thought.

She only chuckled.

"Malay mo, malay natin," she shrugged.

"Baka mawala na ako bukas. 'Wag kang iiyak at malulungkot kapag wala na ako ha," she turned to me smilingly.

My brows furrowed, furious of what I have heard.

"Idiota."

I looked away. Of course, I surely will. She was the first female friend I ever had. Kahit nakakainis siya minsan pero I cannot deny the fact that I value her like a real sister.

"I was living my life in the haze of constant darkness back then. But not until the Almighty decided to shine some light in my way in the form of Charmings."

She sat up from lying and faced me then she smiled.

"You gave me hope. Thank you so much," she told me with a hand placed on her chest as she slightly bowed her head to show her sincere gratitude.

I quickly wiped the tears off my eyes while she's at it.

I ROLLED MY eyes at Alex Chiongban who stood in the middle of my way. He looks serious but the hell I care. I  decided to ignore him and just passed by him on the side.

Bago pa ako makalayo ay marahas na hinila na ni Lex ang kaliwang braso ko. He looks so angry.

"Let go of me, Lex," I warned but he only tightened his hold and pulled me closer.

"Stop it, Queen. Ako na lang pwede ba?" he angrily stated which only set me into greater confusion.

I furrowed my brows and looked at him annoyed.

"What the hell are you talking about?"

"You're secretly loving someone who obviously doesn't feels the same way for you," he answered.

"I don't know what you're saying. Let go."

"Let her go."

I turned to the tall guy at my other side who took my wrist and held it high.

It's Rum.

"Kuya..." Lee called his brother Lex while catching his breath like as if he had done a marathon.

"You can't fool me, Sandros. I know everything now. The videos and photos that my brother took all made sense to me," Lex stated.

Rum icily looked at Lee for a while who turned his gaze away then returned it to the still angry Lex in front of us.

Lee whispered something on Lex, causing the other one to let go of me. Rum immediately pulled me close to him and turned to his heels then we began walking away.

"My discovery will surely tarnish the governor's political image as well as the whole of your family," sabi ni Lex na mas lalong nagpagulo sa akin.

Rum stopped walking. I looked up at him. His expression was plain and therefore hard to fathom.

"Go on. Make your discovery known to the world. The bloody hell I care about it anymore," he retorted then we resumed walking away.

Bago pa kami makalayo ay narinig ko ang sinabi ni Lee sa kuya niya na sa tingin ko ay akmang susunod sana.

"Kuya, tama na! Tama na please! Lalayuan ako ni Tutti kapag nalaman niya ang totoo!"

Lalo akong naguluhan.

Bakit nasali si Tutti rito?

Rum tightened his grasp on me.

                 • • • TUTTI • • •

I STARED AT my reflection absentmindedly at the tinted glass window inside Nena's. When I realized how odd I look at, I immediately reached for my big pink scrunchie inside my brown backpack with my favorite tiny bears embroidered at its center. I pulled my hair up in a ponytail and tied it using my big scrunchie. I fingercombed my bangs after.

It's Friday and it had been days since I saw Rum grieved over the photo of Dahlia last Saturday. I am still bothered by that scene until now. Hindi pa kami nagkakausap. Ayoko rin naman siyang pilitin.

I puffed my cheeks and heaved a deep breath when Aling Nena placed a glassful of ice cream in my table.

My eyes instantaneously sparkled at that. I smiled toothily at the old woman, hoping that will make her feel comfortable with me so that she'll give me more ice cream for free in the next days.

"Bente pesos lang 'yan, hija. Mas masarap pa 'yan sa cornetto," she told me as she sat on the seat in front of me.

Napasimangot naman ako. Akala ko libre na.

"May problema ka ba?" she asked.

I don't really feel like sharing my struggles to other people that's why I remained silent. But...

"'Yong boyfriend ko po kasi may pinagdaraanan ata. Hindi ko po alam kung ano pero po kasi nitong nakaraan lang nakita ko siyang iniiyakan ang picture ng yumao niyang girlfriend," mahina kong wika.

"Gusto mong magtanong kung mahal niya pa ba ang girlfriend niya?"

I nodded slowly and lowered my head.

"Gusto ko pong malaman kung naka-move on na ba siya. Hindi naman po sa nagiging selfish ako pero kasi... ayokong hati 'yong pagmamahal niya..."

I lifted my gaze at her to share more of my sentiments.

"Kasi po ayoko nang may pagdududa sa puso niya kung ako na ba talaga. Di ba dapat gan'on naman po talaga kapag nagmahal ka? Dapat buo at walang kulang, walang pag-aalinlangan at walang pagdududa."

She smiled at me.

"Mag-usap kayo, hija. Mahirap 'yan."

"Ang alin po?"

"Ang magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba."

Napayuko ulit ako at tinitigan ang baso. The ube flavored ice cream was slowly melting. Parang ang puso kong unti-unti nang nababalot ng pangamba.

Hindi iiyak nang ganoon ang isang tao kung hindi nag-iwan ng napakahalagang papel sa buhay at puwang sa puso niya ang ibang tao na maaaring hindi ko kayang mapunan kailanman.

"Paano ko po masasabing hindi pa siya tapos magmahal noong nauna sa akin?" I queried, curious.

"May pagkakapareho ba kayong dalawa ng unang pag-ibig niya?"

Nag-angat ako ng tingin kay Aling Nena at umiling.

"Malayong-malayo po kami sa isa't isa."

"Pagkakapareho sa kahit na anong bagay."

Napayuko ulit ako at nag-isip.

Tila nanlamig ako nang may matanto.

Doll ang tawag ni Rum sa akin.

Dahl ang palayaw ni Dahlia at ang tawag ni Rum sa kanya.

Doll at Dahl.

Napapikit ako nang sumagi sa isip ko na baka sa tuwing tinatawag niya ako sa paraang iyon ay ibang tao ang naaalala at tinutukoy niya.

"Natutunaw ng ice cream mo. Libre ko na nga 'yan sa'yo. Kausapin mo kasi si Leo para nagkakaunawaan kayo."

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa narinig. I blinked three times. She always calls Rum as Leo.

"Alam niyo po?"

She laughed and said, "Naku, talagang mga kabataan kayo oh-ho. Bulag at nagbubulag-bulagan lang ang hindi makakapansin ng mga tingin na binibigay niya sa'yo."

I STOPPED WALKING and smiled at Lee when we crossed paths at the Palma Hall. This the building for the College of Medical Laboratory Science and other medical courses. Pupuntahan ko sana si Rum para kausapin bago ang exam nila.

"Uy, Lee! Anong ginagawa mo rito?"

His Adam's apple moved before forcing a smile.

"Pupuntahan mo siya?" makahulugan niyang tanong.

Medyo hindi ko nagugustuhan ang tono at speech pattern niya. It's insinuating something.

"Ha?" I feigned my confusion.

He became serious suddenly.

"Tutti, tapatin mo ako. May pag-asa ba ako sa'yo?"

I stared at him for almost half a minute before finally answering.

"You're a dear friend to me, Lee. Can't we just stay as friends?"

"Why don't you just say that you already have a boyfriend? That you're in love with Rum..."

"Alam mo?" I asked and he looked away.

"I was the one who took the video of you two kissing in the cinema."

Kinuyom ko ang mga kamao ko. I have to be calm. This is still my friend Lee.

"Inutusan ka lang ni Yorme na gawin 'yon di ba?" I asked him, hoping he would say yes.

"No, I intentionally followed you that day because I was about to confess but then... I saw the both of you. Ako ang nagbigay ng video na 'yon kay Yorme."

I heaved a deep sigh to calm myself and I just walked away from him to avoid further arguments.

"Gusto mo bang matulad kay Snow?" he asked and that made me stopped walking.

"Sinisisi nang buong tao rito maging ng buong mundo kahit na hindi naman niya kasalanan ang nangyari sa kanya. Do you wanna be treated that way?"

"Half my life, I've been treated worse," mahinang sabi ko.

"Paano ang butihing Governor ng Sentosa? Sisirain mo ang imahe niya? Paano si Rum na tinitingala at minamahal ng lahat ng tao? Kakayanin mo bang makita silang tinatratong ganoon? Tinatratong mga masamang tao?"

"Kasi sa nakikita ko, ikaw ang titingnan na biktima ng lahat. The other two are the villains. Iisipin nilang binabahay ng anak ng governor ang nakilala nilang stepsister niya. Gusto mo ba 'yon, Tutti?" dagdag niyang tanong.

Natigilan ako at napapikit.

He was right. We're living in the same roof, sa Overlook man o sa Sentosa. Lagi kaming magkasama ni Rum. Kahit ayos naman na ang lahat.

Hindi.

Hindi magiging maayos ang lahat. Panghabambuhay na akong titingnan ng mga tao na stepsister ni Rum at anak nang nangtangkang pumatay kay Governor.

Sila ang masisira. Imahe at buhay nila ang nakataya.

Hindi ko hahayaang mangyari 'yon sa kanila.

Kasi ako na lang ang tuluyang bumigay ay ayos lang. Sirang-sirang na rin naman na ako. Matagal na.

"You know that Queen has feelings for him, don't you? Handa ka bang saktan siya? Handa ka bang sirain ang pagkakaibigan niyo?"

RUM, AYOKO NA.

Itigil na natin 'to.

I'm breaking up with you.

Sunod-sunod na text ko sa kanya. I sighed and laid on the well-trimmed Bermuda grass field. Mabuti na lang at naka- type B uniform ako kaya kahit gumulong-gulong ako rito ay ayos lang. Nasa tiyan ko nakapatong ang cellphone nang biglang magvibrate iyon.

Nasaan ka?

Re-reply-an ko ba?

Like as if I could still avoid him once we reach the Overlook. I typed a reply.

Nasa may field. Malapit sa mga bleachers.

Ipinatong ko na ulit ang cellphone sa tiyan ko at napatingala sa langit.

This is for the better. I will be his downfall, his ruination. Better stop this as early as now. Hindi pa naman siguro ako hulog na hulog sa kanya.

Talaga ba, Tuttieana?

Sino bang niloko ko? Matagal na akong bumagsak sa kailaliman ng lupa dahil sa kanya.

Pero hindi talaga pwede, e.

Napaupo ako at inabot na ang backpack ko nang mapansin ang blondinong naka-navy blue scrubs na palapit sa pwesto ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. May exam siya ngayon, ah!

Tumayo ako at niyakap ang backpack ko.  Gusto kong tumakbo pero paniguradong gagawa lang kami ng eksena kapag ganoon. People will start to speculate about us.

Nagkatinginan kami.

"Doon tayo sa likod ng bleachers," I said and walked my way going there. He followed.

Napatingala ako sa kanya. Some of his golden locks fell forward, covering his eyes. However, it didn't hide the worry and sadness in his blue orbs.

"'Di ba may exam ka ngayon? Bakit nandito ka?" panimula ko.

"Tinapos ko agad at nagpaalam ako. Hindi ako mapakali sa text mo."

"Mag-break na tayo," diretsahang untag ko. I should not prolong this.

He closed his eyes and slightly looked up. Nahihirapan siya.

Pagmulat ng mga mata niya ay banayad niya akong hinawakan sa mga siko ko.

"Doll, please. Let's talk this out. Kung may problema tayo, pag-usapan natin," he pleaded.

Alamak.

Bakit parang nagba-backfire ang plano ko?

Hindi ko kaya 'to.

"I promise you, doll, mas paglalaanan na kita ng oras. 'Wag naman ganito," he calmly added but his sadness didn't escaped me.

"Rum, hindi na tama 'to."

Lumunok siya.

"'Wag naman ganito, doll. Dalawang taon na tayo. Kung may kulang, pupunan ko. I promise you, I will be better this time."

No, Rum.

You are already the best.

Sobra-sobra ka na para sa akin.

I licked my lower lip and stood strong in front of him. Marahan kong hinawi ang mga kamay niya sa siko ko.

"Hindi tayo pwede, Rum. Kahit anong pilit natin, hindi talaga. I'm still your stepsister in the eyes of public."

"I will change that. You will become part of the family for real because I will make you my Sandros."

Mariin akong napapikit bago nagmulat ulit upang matapang siyang tingnan sa mga mata.

"Bago mangyari 'yon, sira na si Gov. Sira ka na. I will only destroy you."

"The day I confessed to you was the very moment I had given you the permission to destroy me."

Inabot niya ulit ang mga siko ko at marahan akong hinila palapit sa kanya. I stared intently into his eyes. He was very sad but also very determined to keep me, to keep us.

"Destroy me, baby. Destroy my whole life. Just, just stay with me."

illinoisdewriter

You may show your support for this story by hitting the star button and sharing your thoughts. Cheerio sweetcheeks! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top