Episode 32: Wicked (Part 2)

Episode 32: Wicked (Part 2)

Nagkukusot ng mga mata ang sais-anyos na si Elphie habang pababa ng hagdanan mula sa kwarto niya sa second floor. Nauuhaw siya at gusto niyang uminom ng tubig.

"Yaya..."

Napalingon siya sa may sala bigla sa pag-aakalang may tao roon nang may marinig siyang tila iyak na nanggagaling doon.

"Yaya, ikaw ba 'yan? Can you come with me sa kitchen? I want to drink water."

Dahan-dahang lumapit ang bata sa pinanggalingan ng iyak. Nasa sala na siya nang matanto niyang walang tao roon subalit nariyan parin ang iyak.

Nagpalingon-lingon ang bata sa paligid pero wala talaga. Maya-maya pa ay tinitigan niya ang malaking banga na nahukay ng team ng daddy niya noong isang buwan sa may bundok ng Cordillera.

Napakalaki nito na talaga namang magkakasya siya sa loob. Doon din nanggagaling ang iyak na naririnig niya kanina pa.

Humakbang palapit doon ang kuryusong bata. Hindi niya man lang pinansin na nagsisimula nang maglabas ng kakaibang usok ang looban ng banga. Inangat niya ang kamay niya upang abutin ang bunganga nito.

"Elphie?"

Binaba ni Elphie ang kamay nang marinig niya ang kanyang daddy. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng iyak at ng usok. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Oliver sa anak at sa banga.

"Daddy, nauuhaw ako. Gusto ko ng water."

Tumango si Oliver at nilapitan ang anak saka binuhat.

"Sana tinawag mo si daddy or si yaya para may kasama ka."

"I thought yaya's here. I heard someone crying inside that," sabi ng bata sabay turo sa banga.

Napalingon si Oliver sa banga. Alam niyang hindi ugali ng anak ang magsinungaling. Malaki iyong banga pero imposibleng may makapasok doon na tao nang hindi sumusungaw man lang ang ulo nito kahit na nakaupo. His team had also checked on its insides before. Walang kahit ano. Oliver settled on the thought that maybe his daughter was imagining things especially that she just woken up.

• • • TUTTI • • •

SMASH THEM!

Dean groaned beside me as he watched me busied myself with ML secretly.

"Snow, why don't you tell him what's bothering you?" I heard Queen remarked.

I stopped from playing then shoved my phone inside the pocket of my uniform blouse and stood up from sitting on the floor and leaning against the back of the couch.

Snow was biting her lip. Rum just returned from sending the client home. Dr. Ressa didn't know where was her sister's soul. She was just crying after that. His face was immediately laced with worry as he turned to her.

"What's wrong, Snow?" he asked.

"May nakita kasi ako kaninang lalaki. May nakaupo sa mga balikat niyang...multo ng isang babae. May tahi 'yong bibig n'ong multo tapos bali-bali din 'yong mga buto niya."

"Si Sir Oliver Tanseco ba ang tinutukoy mo, beh?" tanong ko.

She wouldn't asked about him if it was nothing. Snow looked at me and nodded.

Kumunot naman ang noo ni Rum sa amin.

"Oliver Tanseco is the husband of Dorothy Tanseco, the deceased," he explained.

Gulat kaming napabaling sa kanya lahat. Binalot kami ng katahimikan nang may mapagtanto.

"You mean the soul she saw was the very same soul we're looking for?" Queen inquired.

Rum drifted his eyes on the porcelain urn of Dorothy Tanseco.

"That's possible. Pero ang pinagtataka ko ay kung nandito sa atin ang remains ni Mrs. Tanseco ay dapat hindi na ganoon kalakas ang kapit ng kaluluwa niya sa asawa niya."

"Rum, posible rin bang totoong ito talaga ang pumatay sa asawa niya?" singit ni Dean.

"Posible, lalo na at sa kanya kumakapit ang kaluluwa nito," tugon ni Rum na hindi parin inaalis ang mga mata sa urn.

"I'll go check the ashes," dagdag niya at dinala na ang urn saka umakyat sa second floor upang tunguhin ang morgue.

"We have to talk to that Mr. Tanseco so that we'll know who's really fooling us," suhestiyon ko sa kanila.

I PULLED THE zipper of my colorblock windbreaker jacket up. There's a black tank top underneath it which I paired with a high rise black leggings and a rubber shoes.

Magkapareha kami ni Snow ng suot. Nagkaiba lang sa mga kulay ng jacket. Si Queen naman naka-olive sports bra at high rise olive leggings saka rubber shoes din. Our hair were tied in a ponytail.

Nasa subdivision kami ng mga Tanseco ngayon, nag-ja-jogging. Nakakagutom kaya lalamon agad ako mamaya pag-uwi namin.

Rum examined the remains yesternight and was really shocked with the result. Ang components n'on ay hindi mula sa tao kundi mula sa kahoy. We were fooled.

Kinausap kaagad ni Rum si Dr. Ressa. The latter was shocked too and had promised to cooperate with us in searching for her sister's remains.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" I asked Queen when I stopped from jogging.

Siya ang nagpaalam kanina na mag-gy-gym daw kaming tatlo kay Rum pero ang ending nandito kami. I can feel that she's worrying about Snow ever since the latter shared about that woman sitting astride Oliver Tanseco.

"I don't know," she shrugged.

Wow.

I made a face at her. Wala nga siyang plano.

Naupo kami sa may curb ng daan sa malayong tapat ng bahay ng mga Tanseco. Hindi nila kami mapapansin dito pero kitang-kita namin sila.

Snow gasped and tapped my shoulder repeatedly when Mr. Tanseco went out from his house.

"Nand'yan pa din 'yong babae!" she pointed the man.

Wala talaga akong nakikita pero pansin kong medyo bako nga ang lalaki. Maya-maya pa ay may kotseng huminto sa tapat ni Mr. Tanseco. Lumabas doon si Dr. Ressa at akmang lalapit kay Mr. Tanseco para bumeso nang biglang tumalikod ang lalaki at pumasok sa loob. He looked at her over his shoulder and said something. Dr. Ressa looked worried as she caressed his back, probably noticing it slowly becoming hunched. Hinawi ng lalaki ang kamay niya at nauna nang pumasok sa loob.

"Is it just me or was there really something going on with that two?"

Sabay naman kaming tumango ni Snow sa tanong ni Queen.

Looks like someone's having an affair.

Napatayo kaming lahat nang biglang nagkumpulan ang mga kapitbahay nila sa bahay nila. Sunod-sunod na nagsidatingan din ang ambulansya at mga pulis na mabilis na pumasok sa loob.

"Anong nangyayari?" si Snow.

Lumapit kaming tatlo sa kumpol ng mga nakikiusyosong kapitbahay. Nilagyan ng police line ang tapat ng bahay ng mga Tanseco upang markahan kung hanggang saan lang pwedeng lumapit ang mga tao.

Inilabas mula sa loob ng bahay habang sakay-sakay ng stretcher ang isang babaeng sa tantsa ko ay nasa edad kwarenta na. Dilat na dilat ang mga mata nito at putlang-putla habang nakanganga pa ang bibig.

Dumapo ang tingin ko sa batang babaeng umiiyak na buhat-buhat ni Dr. Ressa at pinapatahan. Si Oliver naman ay kinakausap ng mga pulis.

Ano bang nangyayari?

Binalingan ko ang mga kasamang babae.

"Bumalik tayo rito mamayang gabi."

"Bakit naman, beh?"

"Manloloob tayo ng bahay," nakangisi kong sagot kay Snow.

• • • QUEEN • • •

THE MOTHER HEN scolded the three of us girls when he discovered about our secret visit to the Tansecos. It's the Chinese leprechaun who broke it to him. Her nine stomachs plus her noisy mouth had taken to a whole new level of mismatch which made me want to curse her whole being. My head throbbed every time I remembered how she revealed our secret in the stupidest way.

"Inay, anong pagkain? Grabe, nagugutom na ako. Sayang walang may birthday sa subdivision ng mga Tanseco," she chuckled but that awkwardly faded right away when I darted her a glare.

Rum, the genius one, immediately hinted that we hid and did something behind him.

"Alam niyo ba kung anong ginawa niyo? Bakit hindi kayo nagpaalam sa akin nang maayos? Sasamahan ko pa kayo. Bakit kayo nagsinungaling? Bakit kailangan niyong gawin 'yon nang kayo-kayo lang? Paano kung napaano kayo r'on?" A parcel of his long speech.

He stood in akimbo and massaged his temples. I glared at the leprechaun while he's doing that. She quickly looked up when our eyes met, pretending she didn't saw me.

"Rum, sorry talaga. Hindi na namin uulitin. Gusto lang talaga naming makahanap ng impormasyon para matulungan si Dorothy. Sorry talaga, Rum," Snow apologized.

Rum accepted our apologies but he made us stay inside our room for the rest of the day. Lalabas lang kapag kakain na. In short, we're grounded. Nagsinungaling kami, umalis ng sobrang aga at had stuck our noses to where it doesn't belong.

"Ooh my goodness. I am so smart," Tutti dramatically staged her entrance from the bathroom. Napalakas ang bukas niya n'on kaya humampas ang pinto sa gilid na pader nito.

I rolled my eyes. She's imitating Toni Gonzaga's Teddie Salazar role in Four Sisters and a Wedding. Nanonood sila ni Snow n'on ngayon kaso bigla siyang nagbanyo kasi naiihi, iyon pala may hirit.

They were sitting on the couch while I was lying on our bed. Lumapit siya kay Snow.

"Beh, describe mo 'yong ghost kasi gagawa ako ng composite sketch," she told her.

Lumapit ang pandak sa may dresser at binuksan ang drawer niya roon saka kinuha ang sketch pad at lapis. She approached Snow again and sat beside her. I was curious so I went near them to watch and listen.

Snow recounted the features of the ghost. Tutti drew the sewn lips and the body with broken limbs.

"Tada!" she exclaimed when she's finished and laid it atop the coffee table.

"Anong napapansin niyo?" she asked us.

I stared at the sketch.

"You're good at sketching," I commented and she chuckled.

"It's because I'm Tutti the Great. Hindi 'yon ang tinutukoy ko but thanks for the compliment!" she laughed more.

"Malinis 'yong pagkakatahi ng bibig niya. May Anatomy kami kaya sigurado akong sa mga sensitive joints banda binali ang mga buto niya," Snow explained, still looking at the sketch.

"This is the patella and the ulna," she pointed the kneecap and the elbow bone respectively.

"And they're both broken."

"What can we infer from that?" asked Tutti.

Napaisip naman ako. Snow's eyes widened in surprise when realization dawned on her.

"May karanasan saka kaalaman sa medisina ang may gawa nito!"

Tutti smirked mischievously, her eyes getting chinkier.

"And who's the surgeon in the family?"

Snow and I both turned to her, surprised.

"Dr. Glenda Ressa," we retorted in unison.

WE EAGERLY APPROACHED Tutti when she's back from telling Rum about our guess. I grimaced when I saw her hugging a huge bowl of munchkins I am sure of was made by Rum.

"What did he said?" I asked.

"No," her useless reply before munching two pieces.

"What? That's it?"

Nilunok niya muna ang kinakain bago sumagot.

"I said, 'Yo, Rum. We got a susp-' then he said no without even hearing my whole statement," she explained with some rapper gestures. Snow chuckled.

I rolled my eyes. Dapat pala 'yong mukhang mas katiwa-tiwala ang pinain namin.

"Then, what took you so long?" Akala ko nagpaplano na sila sa next move namin.

"I have to wait for my baby munchkins to be done."

"Goodness," I whispered and massaged my temples.

"Snow, your turn."

"A-Ako?" she pointed herself.

May iba pa ba akong pwedeng utusan?

"Duh, you're my last slave."

"Rum has a soft spot for you. You can make him listen to you," I added.

Napakuha si Snow ng munchkin sa bowl na yakap ni Tutti at subo n'on, nai-stress siya. She obliged still, though.

As expected, Rum heard Snow. I don't honestly know what to feel. Would I finally be happy or jealous?

Rum called us all in the lobby. He then briefed us with his plan.

"We have to separate in two groups. One should go to Dr. Ressa whilst the other must go to the Tansecos. We will ask until we have a clue of the remains' location. Those who will go to the Tansecos should convince the soul to come with us to the Overlook. I'll go talk to Dr. Ressa."

I raised my hand and said, "I'll come with you."

He nodded.

"So, the rest will go to the Tansecos. Snow, kausapin mo si Dorothy. Kumbinsihin mo siyang sumama sa atin at tutulungan natin siyang makatawid sa kabilang buhay nang maayos."

Snow nodded at Rum's command. He then turned to all of us.

"We have to contact each other every now and then."

Tutti stood up and opened a black square box containing five bluetooth speaker devices, iyong earpiece style.

"We'll do the communication using these."

"This is cool. Where did you get these?" asked Dean.

"Goliath gave these devices to me. We're tech buddies," she winked.

She put the earpiece device on and did an introduction.

"You will hear a ringing sound if someone is calling and in order to answer that, you have to click the button. If you want to make a call, just do the same thing. The call will then be connected to all of us. May code ang mga 'to pero naencode ko na so magagamit na natin 'to mamaya."

She clicked the button and I heard a ringing sound. I think we all did because we clicked the button altogether only to hear Tutti's stupid remarks with matching absurd hand gestures.

"Are you ready, Aranetaa?!"

• • • SNOW • • •

DINAAN NAMIN SINA Rum at Queen sa may bahay ni Dr. Ressa saka kami nagtungo sa subdivision ng mga Tansecos. Naka-park kami sa may pwesto namin kanina sa malayong tapat ng bahay nina Mr. Oliver.

Napasilip ako sa ginagawa ni Tutti sa laptop niya. Nasa backseat kaming dalawa. May tinitipa siya doon sa may black na screen tapos may mga code. Hindi ako maalam d'on kaya pinapanood ko na lang siya.

"Anong ginagawa mo?"

Si Dean na nasa driver seat ay bumaba at pumasok sa backseat sa tabi ko. Sinisilip niya din ang ginagawa ni Tutti mula sa likuran ko.

"Tingnan niyo," sambit ni Tutti sabay pindot ng enter tapos nagulat na lang kami nang mamatay ang mga ilaw sa bahay ni Mr. Tanseco.

Hindi naman iyon brownout dahil bahay lang nila ang napatayan ng kuryente. Natingin ulit kami kay Tutti nang pindutin niya naman ang enter. Gulat na gulat kami ni Dean nang umilaw na naman iyon.

"Paano mo nagawa 'yon?" di makapaniwalang tanong ni Dean.

"Technician ako ng akyat bahay gang kung hindi niyo naitatanong," she chuckled.

Pinanood ko ulit si Tutti nang i-drag niya ang isa pang tab na parang isang mapa ng interior ng bahay na may iba't ibang kulay ng footprints na gumagalaw.

"The fuck is that?!"

Natawa lang si Tutti sa reaksyon ni Dean.

"This is the insides of the Tansecos. Ang mga footprints na 'yan ang ay paa ng mga taong kasalukuyang naglalakad sa loob ng bahay nila," she explained.

"Wow," nausal ko na lang sa sobrang pagkakamangha.

"Tatlong kulay lang 'yong nakikita ko. Isa kay Mr. Tanseco, sa anak niya at sa tingin ko ang huli ay sa isang kasambahay."

Her attention drifted to us.

"Kapag pumasok kayo ay makikita ko ang mga footprints niyo at kung may darating na iba pa para matunugan ko kayo," paliwanag niya sa amin.

She will stay here. Kami ni Dean ang papasok. Suot-suot na din namin ang mga earpiece na gagamitin.

"Kapag pinatay ko ang kuryente ng bahay nila, pati alarm na may pumasok ay masi-switch off din. And that's when the both of you will break in."

Natango kami sa paliwanag ni Tutti.

"Maghanda na kayo."

• • • QUEEN • • •

RUM KEPT RINGING the gate's doorbell at Dr. Ressa's residence but no one still answers.

"What do we do now?" I asked him.

He stopped doing it and looked up then he pointed something. I directed my eyes towards that.

"Bukas ang ilaw ng kwartong 'yon. She's inside, I know."

That room was dimly lit. Parang sinadyang gan'on para hindi makatawag ng pansin at akalaing walang tao.

Biglang tumungtong si Rum sa may gate.

"What are you doing?!" I asked, shocked.

"Papasukin ko ang gate. Pagbubuksan kita mula sa loob."

Inakyat niya nang walang kahirap-hirap ang wrought-iron gate at lumundag papasok sa loob niyon. He went to the single door and undid its locks to help me in.

Pagpasok ko ay lumapit agad kami sa may tapat ng balkonahe ng second floor. Mukhang alam na niyang sarado ang main door. He summoned his lasso and threw it around the baluster. Hinila niya muna bahagya iyon para masigurong kumapit nga. He turned to me after checking it.

"I'll go first then you'll follow."

I nodded at him and so he started climbing the second floor using his lasso.

He called and gestured for me to go up when he was already there. I held on to the lasso and he pulled it up. Inalalayan niya agad akong makapasok sa second floor pagkarating ko sa may haligi. He made his lasso disappeared then.

When we entered the dark hall, we stopped at the sight of lighted candles everywhere. Black candles to be exact.

What on earth does this means?

• • • SNOW • • •

HINILA AGAD AKO ni Dean patago sa gilid ng malaking kabinet nang ilawan ng kasambahay ang banda namin gamit ang flashlight na hawak.

Itinapat niya ang hintuturo sa labi upang sabihan akong huwag gumawa ng ingay. Nakapasok na kami at kailangan naming makausap si Dorothy.

"Melba, anong ginagawa mo r'yan?" Boses ni Mr. Tanseco.

"Ay, ser, wala po. Akala ko po kasi may tawo," sagot ng kasambahay sa tonong may pagka-Bisaya.

"Puntahan mo muna si Elphie sa kwarto niya at baka natatakot na siya."

"Opo, ser."

Nadinig namin ang mga yapak ni Aling Melba palayo.

"Anong kailangan niyo?"

Nakatinginan kami ni Dean sa gulat. Kami ba kinakausap ni Mr. Tanseco?

Namilog na lamang ang mga mata ko sa gulat nang may malaking aso na sumugod sa amin.

Pigil ang hininga ko habang nasa tapat ko ang nakabukang bibig nito. Muntik na akong dambahan nito kung hindi lang nahawakan ni Dean ang bunganga nito gamit ang mga kamao niya, pinipigilan sa gagawin sana nito.

Lalo akong nagulantang nang magbago ang itsura ng malaking aso na iyon at naging si Mr. Tanseco. Huling nagbago ang kulay ng mga mata niya sa normal.

Hindi tao si Mr. Tanseco.

Isa din siyang beast.

Mabilis akong hinila ni Dean patago sa likuran niya.

"Anong klaseng beast ka?"

"Skinwalker. Anong kailangan niyo?"

"N-Nas'an na po ang kaluluwa ni Ma'am Dorothy?" tanong ko agad nang mapansing wala na ito sa mga balikat niya.

Nakunot ang noo ni Mr. Tanseco subalit napalitan din agad iyon ng lungkot at pag-aalala.

"Si Dorothy? Nasaan na siya? Anong alam niyo sa nangyari sa kanya?" sunod-sunod na mga tanong niya.

"Hindi ba ikaw ang dapat naming tanungin 'yan? Hindi ba ginugulpi mo 'yong asawa mo? Hindi ba ikaw ang tanginang pumatay sa kanya?"

Naguluhan si Mr. Tanseco na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin hanggang sa umiling siya.

"Oo at aaminin kong nasasaktan ko ang asawa ko pero hindi ko siya kayang patayin dahil mahal ko siya. Alam kong sira na ang relasyon namin pero gusto ko paring bumawi sa kanya at buuin ang pamilya namin pero...pero umalis na siya. Iniwan niya kami ng anak ko," malungkot na wika ni Mr. Tanseco, nangingislap ang mga mata sa luha.

"W-Wala po kayong alam sa nangyari sa kanya?" tanong ko.

"May nangyari ba sa kanya?" nag-aalalang balik niyang tanong sa akin.

Napalunok ako.

"P-Patay na po siya. Tapos nasa balikat niyo po siya nakaupo noon palagi kaya sumasakit ang batok niyo at likod."

Nagulat si Mr. Tanseco sa paliwanag ko. Napayuko siya at nailing.

"P-Paanong... Hindi... Hindi..."

Nagring bigla ang earpiece namin ni Dean. Pinindot ko ang button n'on at pinakinggan ang sasabihin ni Tutti.

"Snow, Dean, ilan kayo lahat ngayon d'yan?"

Nabaling si Dean kay Mr. Tanseco.

"Ilan kayo lahat dito?"

"Tatlo. Ako, si Elphie at si Melba na lang ang naiwan sa mga kasambahay ko dahil nagsiuwian ang lahat sa takot sa pagkamatay ng isang kasamahan nila kanina."

"Lima kami lahat," sagot ni Dean.

"Kung gan'on, kaninong paa 'yong bigla na lang sumulpot sa may sala?" tanong ni Tutti na ikinatayo ng mga balahibo ko sa braso.

Sunod naming nadinig ang takot na sigaw ni Aling Melba kasabay ng isang di pangkaraniwang iyak.

• • • QUEEN • • •

I WAS TAILING Rum as we made our way through the darkness of the hall going to that dimly lit room.

"A half- banshee who's using a black magic," he whispered.

"She really killed her sister, isn't she?" I asked and he nodded.

"May ginagawa siyang ritwal at kailangan nating alamin kung para saan 'yon."

"Cover your ears," he told me when we heard an unusual cry.

A malevolent banshee cry that intends to drive us insane.

"Rum, you have to cover yours too!" I shouted at him.

"Don't worry, I can do selective listening." One of the things he was capable of doing that I just knew.

Walang pasubaling sinipa niya pabukas ang pinto kasabay nang pagsummon niya ng kanyang Colt. He pointed it at the back of Dr. Ressa's head who was sat kneeling on the floor and in front of a makeshift altar with a human skull, black candles and a doll I usually see for kulams. She was wearing a black dress and black veil also that only added horror in the atmosphere.

"Where's Dorothy's remains?" he asked after cocking his Colt. Natigil na sa iyak ang banshee kaya inalis ko na ang mga kamay sa tenga.

Kalmadong pinatay ni Dr. Ressa ang sindi ng kandila sa tapat niya gamit ang pag-ipit ng apoy n'on sa pagitan ng mga daliri niya.

"Dorothy," she called.

My eyes widened in terror when a woman with sewn lips and broken limbs emerged from the shadows. This was the ghost of Dorothy Snow was talking about!

I then realized that Dr. Ressa's using a spell to control her.

I was still in the state of shock when she crawled speedily towards me.

• • • SNOW • • •

NAMILOG ANG MGA mata ko sa gulat pagdating namin sa sala. May kakaibang hamog sa paligid n'on at ilaw.

May babaeng nakatingala doon na puting-puti ang buong katawan maging ang makapal nitong magulong buhok. She was feeding on Aling Melba's life force. Nakahilata na ang huli sa sahig habang dilat ang mga mata at namumutla.

"Da-ddy..."

"Elphie!"

Mabilis na nilapitan at kinarga ni Mr. Tanseco ang anak na nakasiksik sa gilid ng couch at takot na takot sa nasaksihan saka layo doon.

"The fuck is this?" di makapaniwalang usal ni Dean sa nasaksihan.

"Mr. Tanseco, lumabas na po kayo ni Elphie. Kami nang bahala dine," sabi ko sa kanya.

"Magiging maayos ba kayo rito?"

Tumango ako at ngiti sa tanong niya saka siya lumabas ng bahay kasama si Elphie.

Naagaw namin ang pansin ng babae. She screamed so loud that we have to cover our ears. Napaluhod kami ni Dean habang takip pa din ng mga kamay ang tenga.

"D-Dean..." tawag ko nang mapansing dumudugo na ang mga tenga niya at napapasigaw na din sa sakit.

Patuloy pa din sa paggawa ng tunog na gan'on ang babae habang unti-unti nang lumalapit kay Dean.

• • • QUEEN • • •

RUM'S LASSO LOOPED around Dorothy even before she got near me. Napabaling ako kay Rum. Hawak niya sa kaliwa si Dorothy habang itinututok parin kay Dr. Ressa ang Colt sa kanan.

"I will not harm her soul but I wouldn't have second thoughts in doing it to you," he warned her.

She laughed and I immediately know why when shadows started protruding from the walls, reaching for Rum.

"Rum!" I called and summoned my daggers.

"Stronzo!" I exclaimed when the shadows only swallowed them to darkness.

I decided to threw the daggers towards Dr. Ressa's shoulder. She screamed and so were the shadows. Napapatigil pa ang mga ito sa paglabas.

"One wrong move, you'll die and so as them," Rum warned again.

She laughed manically but stopped immediately when she vomited blood. Rum shot her in the chest. The shadows screamed so loud before finally disappearing.

Masyado niya kasing minamaliit si Rum.

Rum's a really good and sweet man but I always believe that people like him are always the difficult ones and the worst to become the enemies.

We made our weapons disappear except for the lasso that was holding Dorothy's soul. The other end of its lasso wrapped its own self around his wrist, making his hands free from doing what he wished to.

"Bakit mo ginawa 'yon?" he asked and kneeled beside her then treated her wounds using what we have around.

"The bitch had everything and left me with nothing. My father's inheritance, the house, and even the man I ever loved..." she narrated, with blood still gushing out from her mouth along with her tears.

"Kinuha niya lahat sa akin..."

I stared at her, pitying her. She was a victim of extreme envy towards her own sister. The envy that can make everyone wicked. The envy that made her the wicked one.

"Don't worry, it's still not yet your time. You'll not die now. I made sure not to hit you on the pressure point. I am giving you a chance to redeem your soul from misery. Where did you hid your sister's remains?" our funeral director calmly asked as he continued treating her.

• • • SNOW • • •

BAGO PA AKO tuluyang mawalan nang malay ay may narinig akong putok ng baril na nasundan nang pagkakabasag ng isang banga at iyak ng halimaw na bigla na lamang naglaho.

Nanghihinang napatingin ako kay Dean. Wala na siyang malay. Gumapang ako palapit sa kanya at tinapik siya sa balikat.

"D-Dean... gising..."

"Snow, Dean, napano ba kayo?" tanong ni Tutti na nagsquat sa tapat namin habang hawak ang shotgun niya.

Nailing ako agad. Sinubukan kong maupo at maagap naman akong tinulungan ni Tutti.

"Gigisingin ko lang si Dean," sabi ko sa kanya.

Tumango si Tutti at tumayo na saka nilapitan ang basag na banga. Namilog ang mga mata ko at nanginit sa nagbabadyang luha nang makita ang katawan ni Ma'am Dorothy doon na nakabaluktot dala nang katagalan sa pagkakatago sa loob niyon. May tahi ang bibig niya at kaya binali ang mga buto niya ay upang magkasya siya sa loob ng banga.

Doon ko lang din natanto na ang babaeng halimaw kanina ay isang bahagi niya, ang anyong banshee niya na gustong maghigante sa nangyari sa kanya.

Mabuti na lang at napigilan siya sa pagkitil ng pangatlong buhay dahil kapag nangyari iyon ay paniguradong maitatapon ang kaawa-awa niyang kaluluwa sa Darkness at hindi na maisisilang muli.

• • • TUTTI • • •

THAT FEELING WHEN you woke up in the onset of dawn because the butterflies inside your stomach screamed they were all hungry already.

Bumangon ako at tumayo. My girls were still soundly asleep. It's understandable when I looked at the wall clock. It's still 4:05 am.

Gutom na talaga ako. Bahagya akong dumapa upang silipin ang ilalim ng kama para sa kapares ng suot kong tsinelas. I sighed when it was situated on Snow's side. So far.

Tumayo ako at umikot sa banda ni Snow saka sinuot iyon. I stretched my arms then set aside the curtain to open the window.

Natigil ako sa binabalak nang mapansin si Rum sa labas. Nasa garden siya at nakaupo sa pangdalawahang upuan sa may pabilog na lamesa. He was holding a closeup photo of a familiar woman. Tears welled up in his eyes.

Maybe it's true. When Superman's done saving the day, he covered himself with his cape then he cries while bleeding.

We all get hurt, sad, and wounded. But not everyone will know that. As for Rum, mas pinili niyang lumuha nang mag-isa at masaktan nang walang nakakaalam.

I closed the curtains again and smiled sadly.

The man I love was still crying over his first love.

He's still grieving over Dahlia.

Ang sakit pala ng katotohanan.

Ang sakit-sakit.

illinoisdewriter

You may show your love and support for this story by hitting the star button and sharing your thoughts. Sayonara sweetcheeks! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top