Episode 31: Wicked
Episode 31: Wicked
Naglagay ng lipstick sa kanyang labi si Dorothy habang pinagmamasdan ang sarili sa kanyang vanity mirror.
Napangiti siya nang tumunog pabukas ang pinto. Pumasok ang asawa niyang si Oliver na niluluwagan ang necktie at pagod na pagod.
Napalis ang ngiti sa labi ni Dorothy nang makita ang marka ng lipstick na sumusungaw sa leegan nito.
Nakipagkita na naman ito sa kanyang kabit.
Nagpupumiyos sa galit si Dorothy at kinuyom ang mga kamao saka mabilis na sinugod ang asawa at hinampas-hampas ito.
"Saan ka na naman galing?! Nakakapagod ba ang ginawa niyo ng kabit mo?! Hindi ka na nahiya sa anak natin! Talagang ginawa mo na naman!"
"Tama na," pagod na pigil ng asawa sabay sangga sa mga hampas niya.
"Napakawalang-hiya mo talaga! Ilang beses kitang pinatawad pero ilang ulit mo rin akong niloloko!"
"Tama na! Pwede ba, Dorothy? Tanginang, pagod na pagod na ako, e!"
"Pagod ka?! Tangina mo! Bakit? Nakailang rounds ba kayo? Tatlo? Apat? Sampu? Gago ka!"
"Ang sabi ko tama na!" bulyaw ni Oliver at malakas na sinampal ito sa pisngi na naging dahilan upang tumilapon ito pahiga sa kama nila.
Sinapo ni Dorothy ang pisnging natamaan at naluha. Napahilamos ng mukha si Oliver at nagpameywang sa inis saka dinuro-duro siya.
"Sumosobra ka na! Pagod na pagod na ako sa'yo, Dorothy! Ayoko na!"
"Sige, umalis ka! Magsama kayo ng kabit mo! Sa oras na lumabas ka sa pintong 'yan ay hinding-hindi mo na makikita pa si Elphie! Sisirain kita sa kanya! Sasabihin kong wala kang kwenta!"
Pinaibabawan ni Oliver si Dorothy sa kama at sinakal ito sa galit niya sa pagbabanta nito.
Nagpumiglas si Dorothy sa higpit ng pagkakasakal ng asawa sa kanya. Nahihirapan na siyang huminga.
"Hindi mo mailalayo sa akin ang anak ko! Naiintindihan mo?!" gigil na tanong ni Oliver, pulang-pula ang mukha sa galit.
Pilit na tumango si Dorothy upang bitawan na siya ni Oliver.
• • • SNOW • • •
NASA MAY KALAYAAN Road kami ngayon. Nasa isa sa mga paborito naming eatery, sa Nena's. Pagmamay-ari ito ni Aling Nena na may katabaan at kalakihang babae na siyang may-ari din ng Nena's Diner sa may downtown na paborito din ni Tutti. Aliw na aliw si Aling Nena kay Rum dahil sa hawig nito ang batang Leonardo DiCaprio na crush niya noon pa man.
Katamtaman lang ang sukat ng eatery pero maganda ang lugar saka komportable. Wide rectangular glass window na may mga pa-ekis na grills ang labas tapos fully furnished naman na wooden style ang loob at may aircon. May flat screen at mini sari-sari store din sa may counter kaya talagang kompleto siya sa kailangan namin.
Nagtitipa si Tutti sa laptop niya sa tabi ko ng parte niya sa thesis proposal nila. She was wearing her anti-rad glasses and her hair was loosely tied into a ponytail using a black wide silk hair ribbon. Si Queen naman sa may kabisera ay nagce-cellphone. Napansin ko ding bago na naman ang case nito. Noon Balenciaga, ngayon naman puting marble case na may malaking tatak ng Chanel logo sa gitna.
Ako naman nakalatag ang libro sa Organic Chem 2 sa ibabaw ng lamesa. Nag-aaral ako para kahit gaano man kahirap ang quiz namin mamaya ay at least hindi ako mabokya. Matagal ko naman nang tanggap na wala talaga akong panama sa subject na 'to kaya kahit hindi ako highest basta ba pumasa lang ay ayos na. Si Dean naman kanina pa namura sa tapat namin habang sinasagutan ang assignment niya sa Calculus 2.
"Tangina, tangina talaga. Tangina ida-drop ko 'to ulit, e," bulong-bulong niya.
"This will be your fifth time dropping that then. What a shame," komento ni Queen habang natutok pa din sa cellphone niya.
Kaya hindi matapos-tapos sa Cal 2 si Dean dahil lagi niya itong dina-drop. Mabuti na lang at nakapasa pa siya sa Cal 1.
"Made-delay na naman ang graduation mo kapag hindi mo pa natapos iyan," paalala ko sa kanya sabay ngiti.
Naungot siya at sinabunutan ang buhok sa inis.
"Turuan mo kaya ako, Queen? Matalas naman memorya mo 'di ba?" baling niya sa may nasa kabisera. Naismid si Queen at bahagyang binaba ang phone.
"There's a filter tube inside my head that's junking Math from my memory bank," aniya sabay tap sa may sentido at balik ulit sa phone.
"Tsk. Ang damot."
"Tangina, nas'an na ba kasi si Rum? Magpapaturo na lang ako sa kanya," hayag ulit niya.
"May laboratory sila ngayon kaya baka matagalan pa siya," paliwanag ko.
"Dean, bakit kasi sa dinami-dami ng kurso ay nag-Engineering ka? Alam mo naman palang olats ka sa numero. Prevention is always better than cure as the saying goes. Look at me, iniwasan ko na bago pa ako magka-brain hemorrhage," sabat ni Tutti.
Natahimik si Dean doon kaya pinilig ni Tutti ang ulo para silipin siya.
"Ayoko naman kasi talaga nito, e," mahina niyang tugon sabay iwas ng tingin.
"Bakit? Ano bang gusto mo?" tanong ni Tutti.
"Si Snow," ngisi ni Dean sabay tingin sa akin.
"Yie..." Napahawak si Tutti sa mga pisngi niya kagaya ng lagi niyang ginagawa tuwing kinikilig. Nakagat ko ang labi sa pagpipigil ng ngiti.
"Eww," si Queen habang nairap.
"Bow down to Uzumaki Magaling Mang-uto, Alladean Shippuden, ang dakilang hokage," sabi ni Tutti na sinabayan niya pa ng pagtaas-baba ng mga kamay at ulo, nagbibigay-pugay kay Dean. Ginagaya niya pa kung paano magsalita iyong mga nagtitinda ng tikoy tuwing Chinese New Year kaya natawa ako.
"Pero 'yong totoo, Dean. Ayaw mo ng Engineering?" seryosong bawi ni Tutti. Halatang kuryuso siya sa dahilan.
Natango naman si Dean.
"E, anong gusto mo?"
"Educ, Major in Physical Education. Gusto kong maging PE teacher," sagot ni Dean sabay iwas ulit ng tingin.
Napangiti ako nang bahagya niyang silipin sa gilid ng mata niya ang reaksyon ni Tutti. He was expecting her to laugh at him and mock his choice but she didn't.
"Bakit hindi 'yon ang kinuha mo kung gan'on?"
"Ayaw ng parents ko. They said it wasn't that practical. They don't even consider it as a fucking profession. They made me fucking choose. It's either I join the PMA or I'll find a more fucking decent career so I landed here."
Natahimik kami ng ilang segundo. Ramdam kong kaming lahat ay nakikisimpatya sa hindi natuloy na kagustuhan ni Dean.
"I can hear your little heart with curses as its blood fuel slowly breaking from here," Tutti broke the silence.
"But that's one of the saddening realities of our time. Our society teaches more on being practical but less on being passionate. It's sad because I tell you, there are a lot of professionals out there who are successful yet unhappy. You do want that to be your ever after also? Unhappy?" she asked him further.
Hindi naman kaagad nakasagot si Dean. Pansin kong natamaan siya at kahit naman itanggi natin ang katotohanang ito sa lipunan natin ay kapansin-pansin pa din iyon at patuloy na umiiral hanggang ngayon at marahil sa susunod pang mga panahon.
It's practicality versus passion.
Of course, we have to be practical if we want to survive financially. But as for me, I want to give more importance on passion. Buhay ka nga, mapera at nakakaangat sa buhay pero ang totoong tanong ay kung masaya ka bang tunay. Mas pinapahalagahan ko kasi ang yamang sa mga puso lamang natin matatagpuan.
"Tsk. Ginugulo mo ako lalo, e. Isa pa, fourth year na ako. Isang taon na lang matatapos na ako sa tanginang pahirap na 'to."
"It's never too late to chase after your dreams. Just like how nobody is never too old to dream. Bakit? May deadline ka bang hinahabol kaya masasabi mong huli na ang lahat? Wala naman di ba? Kaya go ka lang ng go!" Tutti smiled at him.
"Snow, second voice ka ha?" baling bigla ni Tutti sa akin.
"Ha?"
She winked at me then she started tapping the fully furnished wooden table with her hands, making a beatbox sound out of it.
"Ang daming bawal sa mundo," she began singing and that's when I got it.
She wants us to sing the Alapaap by Eraserheads.
"Ang daming bawal sa mundo," I repeated.
"Sinasakal nila tayo."
"Sinasakal nila tayo."
"Buksan ang puso at isipan."
"Buksan ang puso at isipan."
"Paliparin ang kamalayan."
"Paliparin..."
Nagkangitian kami saka sabay na kumanta. She keeps on beating the wooden table in synched to the song's rhythm.
"Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita
Ako'y lumilipad at nasa alapaap na
Gusto mo bang sumama?"
We chuckled after ending it that way. Nanonood lang sina Queen at Dean sa amin.
We don't always have to follow the standards set by the society for us. Malaya tayong nakakapili kung anong gusto nating kuning kurso, maging trabaho at kinabukasan. May mga hahadlang siyempre pero kailangan lang nating buksan ang ating mga puso at isipan na walang imposible kung nanaisin lang talaga natin gaya nga ng nais ipahiwatag ng kanta.
Nagpaalam si Queen na magbabanyo. Tiyempo namang pag-alis niya ay ang pagtunog ng wind chime dahil sa pagpasok ni Rum. Suot niya ang navy blue scrubs niya ngayon at puting sapatos dahil laboratory nila.
"Kumain na kayo?" tanong niya paglapit sa amin.
"Hindi pa, tol. Kanina pa nga gutom 'yong tiyanak mo," nguso ni Dean kay Tutti.
"Si Queen?" tanong ni Rum at napalingon-lingon sa paligid.
"Nagpaalam magbanyo," sabi ko.
He nodded. Umusog si Dean kaya inalis na ni Rum sa balikat ang satchel at ibinaba doon sa tapat na upuan ni Tutti.
"We'll eat when she comes back then."
Bahagya siyang umuklo upang abutin sana ang pisngi ni Tutti para halikan nang bigla siyang tapunan nito ng masamang tingin. He chuckled and raised his hands on his shoulder level for surrender then he stepped aback and sat on his seat. Napapangiti ako. I saw just now the playful side of our inahin.
Natawa naman si Dean sa nasaksihan. He already knew what I recently discovered. Turns out, matagal na niya din palang alam.
Si Queen na lang talaga kaya mas nag-aalala ako kapag nalaman na niya.
"Saan ka humuhugot ng lakas ng loob na gawin 'yan?" tanong ni Tutti, naniningkit lalo ang singkit na mga mata.
Rum chuckled and smiled when he looked my way. I smiled at him too. Masaya siyang hindi na sila nagtatago sa akin.
Pagbalik ni Queen ay nag-order na kami ng lunch. Si Dean na ang nag-alok na mag-order ng sa akin. Kay Queen naman si Rum ang kumuha tapos si Tutti tumayo na din para umorder para sa sarili niya. Rum insisted on taking hers too but Tutti argued that she's so hungry already she can't wait anymore.
Natawa kami nang kurutin ni Aling Nena sa pisngi si Rum habang nakatayo siya doon sa may counter, umo-order.
"Ki-gwapo-gwapong bata. Naku, ang swerte ng nobya mo. Pero kung wala ka namang nobya ay irereto ko 'yong apo ko sa Canada sa'yo. Kahit walang ligaw-ligaw at kasal agad ay ayos lang," hayag ni Aling Nena.
Rum chuckled lightly while carrying the tray containing Queen's and his food.
"'Wag na po, Aling Nena. Isa pa po ay kontento na po kasi akong ganito," magalang na tugon ni Rum at nakangiting binalingan si Tutti na tuwang-tuwa habang inilalagay sa sariling tray ang tatlong Lemon Square cheesecake na binili.
"Wala na po akong mahihiling pang iba." He stared lovingly at the oblivious Tutti.
I smiled at the scene, deciding to ignore the inexplicable pain a part of me feels.
NAGLALAKAD KAMING TATLONG mga babae papunta sa AS Building para sa panghapong klase namin nang biglang matigil ako sa paglalakad.
May lalaking may katawagan sa cellphone niya na lumabas sa Alice Fullerton Hall kung saan naroroon ang mga opisina ng iba't ibang researchers ng UP. Nasunod ako ng tingin habang naglalakad siya papunta sa isang itim na Ford. Medyo bako siya maglakad. May kausap pa din siya sa phone nang buksan niya ang front seat at ipinasok doon ang satchel bag saka isinara ang pinto n'on. Sinapo niya ang batok pagkatapos at napapikit na para bang may kung anong masakit. Nabibigatan siya.
Umikot siya sa harap ng kotse at pumasok sa driver seat saka pinaharurot ang sasakyan. Napalunok ako nang makaalis na siya.
May babaeng nakaupo habang nakapatong ang magkabilang binti sa mga balikat niya.
Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa gulat at takot.
May tahi ang bibig nito at nakahilig ang ulo na parang nabali ang buto sa leeg. Gan'on din sa kanyang mga braso na nakapilipit ang ayos.
Napapikit ako at huminga nang malalim.
Patay na 'yong babae.
Sigurado ako.
She's a ghost, a soul.
"Beh, ayos ka lang?"
Napadilat ako sa tanong ni Tutti pagkalingon sa akin nang mapansing hindi na ako nasunod sa kanila.
Maging si Queen ay ipinasok na ang phone niya sa handbag niya at lumapit sa akin kasunod ni Tutti.
"We're getting late so I suggest that we should just ditch our afternoon classes."
"Papasok ako, beh. Bahala ka r'yang mapagalitan ni inay," giit ni Tutti sa sulsol ni Queen na halatang ayaw pumasok sa klase.
Mapagsasabihan na naman si Queen ni Rum kung hindi siya papasok. Iyon pa naman ang kasunduan namin ni Yorme para sa scholarship.
"I said stop calling me that!"
"Okay, beh."
"Beh, kilala mo 'yong may-ari ng kotse na 'yon? Nakita mo naman 'yon kanina 'di ba?" turo ko sa may dinaanan ng sasakyan habang nagtatanong sa kanya.
Nakunot ang noo ni Tutti.
"Ha? Si Oliver Tanseco 'yon. Isang archeologist slash researcher ng university. Bakit, beh? Saka anong nakita?"
"Iyong babaeng nakakandong sa mga balikat niya."
Tiningnan ako ni Tutti na para akong nagsasalita ng alien language, hindi niya maintindihan.
"Wala naman akong nakitang babae, ah."
Hindi niya nakikita. Nabaling naman ako kay Queen.
"Queen, nakita mo ba 'yong babae kanina sa may balikat niya? Di ba multo 'yon?"
Nakunot din ang noo niya sa mga sinabi ko.
"What are you talking about? I didn't saw any."
Natahimik ako nang matanto ang lahat.
Kung nasa Overlook lang kami o di kaya ay galing doon ang kaluluwa ay siguradong makikita nila iyon pero hindi...
Hindi lang ata matalas ang mga mata ko kundi bukas din ang pangatlo.
• • • QUEEN • • •
WE WERE WALKING our way through the length of the academic oval going to the ArtScies Building.
I groaned and stopped at the waiting shed for jeepneys when I couldn't take it anymore. The girls both looked at me.
"We're riding a jeepney," I announced with conviction.
The boys both have classes in Hibbard and Palma Hall which were located at the other side of the uni so I have no choice but to come to my building with the girls.
"Malapit na tayo, beh."
I groaned again when the Chinese leprechaun called me that.
"My feet hurt." I pointed at my black wedge pumps. I was lying but I couldn't stand walking anymore.
Snow sighed, sympathizing with me.
"Beh, maghintay na lang tayo dine ng jeep papuntang AS Building," sabi niya kay Tutti.
I held myself from rolling my eyes when they're on with that cringey endearment again. She did me a favor. I have to show I'm grateful at least.
We all stood in the waiting shed, waiting for the jeep to arrive. Kinuha ni Tutti mula sa loob ng bulsa ng blouse ng uniform niya ang bumubukol doon na cheesecake at binuksan. Natigil siya sa pagbubukas n'on nang mapansing nanonood ako.
"Beh, gusto mo?" she offered. I scowled at the endearment.
"No, thanks." Alam kong kulang pa 'yan sa'yo.
"Thank you!" she happily greeted and devoured the food.
I looked at Snow at my other side. She was silent after asking us about a woman sitting astride that Oliver Tanseco whom Tutti acknowledged as a researcher and archeologist of the uni. The leprechaun and I both saw nothing so we told her the truth. I guess it's also one of the things that's bothering her right now.
"Mga beh, halina kayo!' tawag ni Tutti sa amin na parehong malalim ang iniisip.
Nakapara na ng jeep si Tutti kaya pumasok na kami sa loob. Nadadamay ako pati kay Snow sa kaiisip.
WE WENT HOME to the Overlook altogether. We will be meeting another client. I noticed that Snow still looks bothered with what she told us awhile ago.
Our new client introduced herself as Dr. Glenda Ressa, a surgeon. She was holding a porcelain urn when we welcomed her in.
"Tangina, mamaya na nga 'yan."
Napabaling ako kina Dean nang agawin niya ang cellphone ni Tutti. Pilit namang inaabot ng pandak iyon pero itinataas lang ni Dean kaya hindi niya parin makuha-kuha.
"Tama na 'yan," pigil ni Snow sa kanila.
"Ito kasing tiyanak naglalaro na naman ng tanginang ML na 'yan," sabi ni Dean pero ibinalik parin kay Tutti ang cellphone nang ilingan siya ni Snow.
Rum cleared his throat from his seat to silence us. We were standing behind him as he had his words with the client. He was scanning the autopsy report of the deceased Dr. Ressa had handed him.
"Dr. Ressa, what kind of beast was the deceased?"
"Banshee. I'm half- Banshee samantalang puro naman si Dorothy. She's my half-sister."
Banshee.
I recalled Yorme's discussion about beasts.
Banshees came from the Irish folklore. They are female spirits that can either be benevolent or malevolent. The good ones warning a person of his nearing death while the wicked feed on the vulnerable. These creatures are best known for their cry.
"What was her cause of death?"
"Strangulation and there were bruises and wounds all over her skin."
Strangled to death.
Bruises and wounds all over the body, why?
That's a lot of hiding to do.
I have to go check for my concealer upstairs after this.
The remains were cremated. No need to do that actually.
"Why was she cremated?" Rum finally voiced out the question I've been dying to ask for.
Dr. Ressa stared down and pulled the urn closer to her, a forlorn look on her beautiful face.
"We want to keep it a secret," she sadly confessed.
"Mind if I ask you why?"
Napapikit si Dr. Ressa. Mukhang nahihirapan siyang umamin. Dumilat siya at nagsalita na.
"I hope this will not come out from this circle."
Rum remained silent, waiting for her to resume.
"We are suspecting her husband as the person behind her death. My sister as you can hint from the autopsy report was a battered wife."
Rum put down the folder he was holding on the coffee table along with his reading glasses. He leaned on his grandfather's chair, placed his elbows on its arms and intertwined his fingers. He seemed drowned in deep thoughts.
"I'm sorry but I still don't get it. Why do you have to cremate the remains?"
"Dahil ayaw ng asawa niyang may makaalam na patay na si Dorothy kaya naisipan naming i-cremate siya para masikreto ito."
"Hindi ba ay dapat kami ang nagki-cremate ng bangkay? I meant no offense, madame. I just couldn't take that confusion off my head."
Hindi nakasagot si Dr. Ressa. Napalunok siya at napabaling ulit sa urn.
"Isa pa, kung mapatunayang ang asawa niya ang pumatay sa kanya at pumayag ka na ilihim 'to at ipa-cremate ang bangkay ay damay ka. You are an accessory to the crime," Rum explained further.
Biglang naiyak si Dr. Ressa at umiling-iling.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ako at natatakot. I... I just want to give my sister a good funeral..."
Tumayo si Rum.
"We will give her the funeral she deserves."
Dr. Ressa looked up and was showing an expression of relief and gratitude at him. She nodded.
"But we will investigate about her death. If you're proven part of this crime then you are not excuse," our funeral director gravely told her.
May isa pa akong pinagtataka.
Nasa Overlook na kami pero bakit walang...
"And where is her soul?" he asked, looking serious as ever.
illinoisdewriter
A/N:
Just sharing 😊, varied social themes + Eheads songs + great theatrics = Ang Huling El Bimbo The Musical.
I have no words for this masterpiece. Hands down to everyone who worked and who was behind this artwork. There's so much more to it than what meets the eye, very promising indeed. This kind of legacy is what I always look up to and what I wish to share to everyone else in the form of my literary pieces. Support Dulaang Pilipino! 💚
Anyways, I don't know if it will scare you but I will inform you right now that this service will be kind of scary. Namimiss ko kasi ang horror vibes pero baka kinakalawang na ako kasi matagal na rin ang Mystic Club haha. Hope you enjoy this. Who do you think is the wicked one, by the way?
P. S.
You may show your support for this story by hitting the star button and sharing your thoughts. Sayonara sweetcheeks! 💚
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top