Episode 30: Ligaya

Episode 30: Ligaya

"Magkano 'yong puto?"

"'Yong malaki kinse po tapos 'yong maliliit naman dalawang piso ang isa."

Napaangat ng tingin si Dahlia mula sa dalang bilao upang tingnan ang bibili sana nang magulat siya at kalaunan ay mapangiti dahil ito ang nobyo niya.

"Rum... K-Kailan ka pa bumalik?"

"Kagabi lang," he smiled at her.

"Dapat nagpapahinga ka pa kasi pagod ka siguro."

He was studying in a British boarding school so he immediately went home during his break to meet her and to see his friends.

"Gusto kitang kamustahin agad," he smiled more.

Isang taon na nang maging silang dalawa. At first, she was hesitant to be in a relationship with him because of their status and their distance but Rum assured and showed her in any way possible that his love for her was true.

Kinuha niya ang bilaong dala ng dalaga at siya na mismo ang nagdala.

"Rum, ako na niyan. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, oh."

Nahihiya si Dahlia sa atensyon lalo na at anak ng Governor ng probinsya nila at mula sa angkan ng mga pinakamayaman sa Sentosa ang nobyo.

Sino ba naman siya kompara rito?

Isa lang naman siyang hamak na dalagang anak ng care taker ng isa sa mga lupa ng Pamilya Sandros.

Rum pecked on her cheek which made her still. He smiled at her after.

"Hayaan mo silang makita kung gaano kita kamahal."

                 • • • TUTTI • • •

WE SPENT THE whole afternoon island hopping. Pagdating naman namin sa beach house ay nakapag-ihaw na sina Tita Gina at Ms. Ferrer ng karne ng baboy at isda saka may iba't-iba pang seafoods.

Sia la.

Nagugutom na ako.

"Tutti, halika na," natatawang hatak ni Snow sa akin mula sa tinatadtad na inihaw na baboy ni Ms. Ferrer.

Sinubo ko ang huling pirasong hawak ko bago sinabayan si Snow sa paglalakad papunta sa kwarto naming tatlo ni Queen para magbihis.

I noticed her milky skin slightly getting tanned because of our adventure. Ang ganda niya parin naman.

We took turns inside the bathroom. The queen went first, of course. She quickly changed into a lilac cami strap baby doll dress and a pair of flip-flops. She put on a light makeup and let her hair down.

Snow was dressed into a blue and white stripe sleeveless rompers. She was still combing her hair when I stepped inside the shower. I decided to wear a rainbow stripe oversized shirt tucked in a white dress shorts. I blow dried my hair and tied it into a half-ponytail using a big black floral printed scrunchie.

Alas-sais na nang pagsaluhan namin ang handaan para sa birthday namin ni Queen.

"Happy birthday Queen and Tutti!" they greeted in unison. May pa-confetti pa si Yorme.

Napahawak ako sa pisngi ko sa pagkaka-touch. I really love this family.

Maganang-magana ang kain ko sa mga oras na 'yon. Siyempre ine-enjoy ko kasi birthday ko, e. Nakailang ulit pa ako. Mabuti na lang din at walang sumisita sa akin. Sobrang saya ko tuloy.

Pagkatapos ng handaan namin ay tulong-tulong kami sa pagliligpit. Ms. Ferrer and Tita Gina insisted to do it but we declined. They did so much already during the preparation.

Later on, we rented two cottages near the shore for the drinking session. Nagpaalam ako kay Rum. I used my birthday as a leverage for him to grant that request and he agreed. 'Yon nga lang kanina pa siya pasulyap-sulyap sa banda namin habang umiinom din sila ng beer sa may cottage nila. Si Dean na hinatak si Snow sa tabi niya para hindi sumama sa amin, si Yorme at si Goliath ang kasama niya roon.

Sina Ms. Ferrer at Tita Gina ay magkasama sa may beach house. Ang naiwan naman sa Team LAYF ay nasa pwesto namin. Naupo kami pabilog sa inilatag naming picnic blanket sa buhangin sa labas ng cottage namin.

"Heto na, mga siz!" Whiskey gleefully announced as he approached us.

May dala siyang malaking pitsel tapos si Lee naman may hawak na dalawang ice at Sprite sa magkabilang kamay. Tapos kay Dan naman 'yong bote ng GSM Blue at gatorade.

Hindi ako magaling sa mga ganito dahil first time ko pero sabi ni Whiskey kanina para raw hindi kami masyadong matamaan habang naglalaro pa kami. Hinalo nila iyon sa pitsel tapos si Norma naman ang may dala ng mga plastic cups na gagamitin namin. Ito rin ang nagsasalin ng inumin sa baso namin.

Queen was seated beside me. Norma was on my other side then Adele and Lee then Whiskey and Dan sat beside Queen. Pinagulong ni Whiskey ang wala nang lamang bote ng GSM. Unang nahinto 'yon kay Dan kaya ang baso niya ang unang sinalinan sunod naman si Queen tapos inabot ko na rin ang baso ko and the circle goes on.

"Truth or dare?!" tanong ni Whiskey pasigaw.

"Truth muna," Dan laughed.

"May nagugustuhan ka bang babae?" tanong ni Adele.

"Oo," diretsong sagot ni Dan.

"Hala, sino?" si Adele Chikadora ulit.

"Dalawang tanong na 'yan, ha. Isa pa, baka mabadtrip 'yon at sampalin ako."

When Queen rolled her eyes, I bursted laughing. Gan'on din ang mga kasama namin. Halata naman kasi kung sino. I drank the content of my drink. Hindi ko ma-explain anong feeling n'on. Parang mint n'ong una tapos kalaunan naging manamis-namis.

"Next na," Dan urged while chuckling.

Whiskey spun the bottle again and its tip pointed Lee who chuckled immediately.

"Uy, excited," tawa ni Whiskey.

"Pinaghandaan niya 'to, Tutti. Kanina pa 'to bulong ng bulong d'on sa tindahan," habol niya pa. Natawa na rin ako.

"Dare," Lee said.

"Isayaw mo si Tutti sabay kanta. Utang mo 'to ha. Sige na," si Whiskey.

Tumayo si Lee. Napatingin ako sa banda nina Rum. The beer bottle suspended on his lips as he watched Lee walked his way towards me. I mouthed at him that it will be okay.

Lee offered his hand smilingly so I took it. He pulled me up and placed my one hand on his shoulder and held the other.

He began swaying me as he sang an Eheads song, Ligaya.

"Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa bang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa'yo
'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko
Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko?"

When I looked at Rum, he immediately looked away and sipped on his beer. Dean was laughing, tapping him on the shoulder. Snow was smiling at me.

"Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko..."

Sinabayan pa siya sa pagkanta ng mga kasama namin habang pumapalakpak. They knew how much of a fanatic I am to this '90s band.

"Sagutin mo lang ako aking sinta'y
Walang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Huwag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong... Ligaya..."

NAKASANDAL AKO SA may labas ng cottage habang nakaupo parin. I keep on puckering my lips while watching them still playing truth or dare. Sumuko na ako. Sa tuwing sa akin humihinto ang bote, hindi naman ako sineseryoso ng mga kasama ko. Laging dare nila abutin ko raw ang tuktok ng ulo ni Goliath nang hindi tumitingkayad.

I gave up because it's not like as if I can do that.

Kailan pa sila nakakita ng nuno na ginawang punso ang Mt. Everest.

Si Rum kanina pa hindi namamansin. Sumakit na ang leeg ko kakalingon sa banda niya kaya ibinaling ko na lang ang atensyon sa dagat. It was such a picturesque sight, it calmed me.

"Ang ganda naman ng dagat. Kulay pink," mahinang usal ko.

Narinig ko na lang si Whiskey na bumunghalit ng tawa.

"Siz, lasing ka na," he laughed and I smirked to myself.

"Lasheng, my ass," I mocked and they just laughed harder.

I narrowed my eyes into slits when I noticed that Norma's not pouring my cup with drinks anymore.

"Norms, lagyan mo rin ang akin, oh," sabi ko sabay gapang palapit at abot nang nayupi ko ng plastic cup.

"'Wag na, lasing na 'yan," bulong ni Whiskey. Pinaningkitan ko siya. Pulang-pula na rin siya.

"You know what? This is so unfair. You are all so unfair. May ambag ako r'yan, e! Nag-ambag ako ng bente!" I argued and they laughed once again.

"Ibalik niyo 'yong bente niya. Bwisit! Gaguol gyud ka anang baynte nimo, siz!" Whiskey laughed more.

Akala niya siguro hindi ako nakakaintindi ng Bisaya.

"You're already drunk. Stop it," Queen told me.

"Drunk is when Sakuragi shoot the ball while holding the ring," I retorted, trying to make a sound argument to prove that I am not.

"It's called dunk, stronzo."

"Lasing na nga," Lee laughed and Queen shook her head.

"Okay, okay. Bago tuluyang mahimatay ang isa d'yan ay batiin ulit natin ang mga birthday girls."

Tumayo si Whiskey at nagsimulang kumanta ng happy birthday na sinundan naman ng iba pa.

"Happy birthday to you.
Happy birthday, happy birthday.
Happy birthday to you... One more time!"

Nilakasan pa nila ang boses nila habang kumakanta ulit. Sinasabayan naman 'yon ni Whiskey ng twerk kaya natawa ako.

"Happy birthday to you.
Happy birthday, happy birthday.
Happy birthday to you..."

Nagsitayuan sila at nagsayawan na. Tatayo na sana ako para sumayaw din  pero umikot bigla ang paligid ko kaya nawalan ako ng balanse at babagsak na sana nang biglang may brasong humapit sa beywang ko.

"You're bloody pissed."

My eyes lit up when I quickly recognized that accent.

"Oh, I'm not annoyed at you, Rum."

"I mean, you're drunk. Let's get you home."

I COULDN'T TRACK when and how we arrived at the beach house. We stood in front of a door. My world was spinning. I don't if it's because Rum was here with me or because it's the after effect of alcohol.

Sinandal ko ang noo ko sa pader at napapikit.

"Where's the key?" he asked.

"In the alphabet," I answered.

"Ang ibig kong sabihin, ang susi ng kwarto niyo."

Napadilat naman ako bahagya dahil doon at bahagyang nilingon si Rum sa tabi ko.

"Susie? Classmate ko 'yon sa elementary, ah. Tino-two time mo ba ako, Rum?"

"Christ," he muttered.

I groaned when I felt my head throbbed. Sinandal ko ulit ang ulo ko sa pader.

"Ang sakit ng ulo ko."

"That's what you get for drinking too much. I told you to do it moderately."

Mabilis akong napahawak sa bibig ko nang maduwal ako.

"Sheeet. Rum, buntis ata ako."

He inhaled sharply.

"Nasusuka ka lang dahil sa nainom mo."

Natawa naman ako dahil doon.

Virgin nga pala ako.

Napahawak ulit ako sa bibig ko nang maduwal na naman.

Dinala ako ni Rum sa may banyo. Yakap-yakap ko ang malaking puting baso habang sumusuka. It felt like puking all of my entrails.

Gusto ko rin sanang ilublob ang buong mukha ko r'on pero hawak ni Rum ang baba ko habang tinipon naman niya at hawak ang buhok ko sa likod.

"Rum, I don't understand. Why is this cup so big?" naguguluhan kong tanong sabay muwestra sa bagay na yakap ko.

"It's not a cup. It's a toilet bowl."

"Oh."

Sinuka ko ulit ang buong buhay ko.

NAKASANDAL ANG TAGILIRAN ko sa pader dahil bubuksan ni Rum ang pinto ng kwarto nila ni Dean.

Hinuhugot niya mula sa bulsa ang susi n'on nang lumapit ako at niyakap siya sa beywang niya. Niyakap niya naman ako gamit ang bakante niyang braso. Gusto ko sanang ipatong ang baba ko sa balikat niya pero hindi ko abot kaya isinandal ko na lang ang ulo ko r'on at pumikit.

"I'm sorry," usal ko habang binubuksan na niya ang pinto.

Hindi siya sumagot.

"I love you," pahabol kong sambit.

He sighed and I felt him crouched to pecked on my lips.

"'Wag ka na ulit maglalasing kung hindi mo kaya."

Tumango ako pero pagtayo niya ulit nang maayos ay naabutan ko ang isang babaeng gulantang na nakatingin sa amin habang nakatayo sa may dulo.

Sumakit bigla ang ulo ko at napapikit sabay sandal ulit kay Rum.

"Si Snow ba 'yong nakita ko?"

Hindi na naman sumagot si Rum. I heard the door swung open then he carried me inside and laid me on the bed.

Napakamot ako ng sentido ko. Kinakabahan bigla. Napadilat ako nang maramdaman ang basang bimpong pinupunas ni Rum sa mukha ko.

"Rum..."

Hindi siya sumagot. Sigurado akong si Snow 'yong nakita ko. I know Rum trusted her as much as I do but she needs an explanation. She needs to hear our side.

Hinawakan ko ang kamay ni Rum na nagpupunas sa akin. Natigilan siya at tinitigan ako.

"Rum, puntahan mo siya please. Explain it to her."

He sighed and nodded.

"Babalik ako agad. Kaya mo bang magbihis? Pwede mong hiramin ang mga damit ko," he told me and I nodded right away.

He kissed my forehead first before going out.

                 • • • SNOW • • •

GULANTANG PARIN AKO habang naglalakad pabalik sa cottage nina Dean. Pupunta sana ako doon oara hanapin si Tutti pero iba ang naabutan ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Napapikit ako at nailing.

Bakit? Paano?

Sigurado ako sa nasaksihan ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

Kitang-kita ko kung paano halikan ni Rum si Tutti sa labi.

Napadilat ako nang may mapagtanto.

Iyong kasama ni Tutti sa may sinehan ay matangkad na lalaki.

Iyong pink tulip niya na nakasabit sa may likuran ng PE pants niya noong nasa mall kami. Nagpaalam din si Rum n'on na may bibilhin lang.

Iyong mga collection ng envelope ni Tutti na kagayang-kagaya ng mga lagayan ng love letter ni Rum.

Paano...

"Are you okay?" Dean asked as he gently held my hand.

Natango na lang ako at naupo ulit sa tabi niya. Kinagat ko ang labi at nabaling sa banda ni Queen. Pumipikit-pikit na siya sa kalasingan at napapasandal na sa balikat ni Dan. Paano kapag nalaman niya?

"Anong problema?" tanong ulit ni Dean.

Naibaba na niya ang beer niya sa lamesa. Si Yorme natingin na din sa amin kaya maagap akong nailing naman.

Wala akong karapatang magbahagi ng sikreto ng iba. Lalo na ng malalapit kong mga kaibigan.

"Snow..."

Natigilan ako sa boses na tumawag sa akin. Mukhang napansin iyon ni Dean kaya nakunot ang noo niya.

Nakatayo na si Rum sa gilid ko pero hindi ko pa din siya matingnan.

"Tol, bakit?"

"Pwede ko bang makausap si Snow?" marahang tanong ni Rum.

Nagkatinginan sila ni Dean hanggang sa nabaling sa akin ang huli.

"Gusto mo bang makipag-usap sa kanya?"

Kailangan kong maliwanagan. Ayokong husgahan ang dalawang matalik kong mga kaibigan.

Napapikit ako saglit saka natango.

"Ibalik mo siya agad sa 'kin, tol. Magwawala talaga ako."

"Dean," pigil ko sa kanya. Natawa lang siya sa reaksyon ko.

Natango naman si Rum at nangiti.

Tumayo ako at sinabayan si Rum sa paglalakad sa may dulo ng dalampasigan kung saan walang tao at malayo sa mga kasamahan namin.

"Alam kong marami kang tanong. Sasagutin ko lahat, Snow," ngiti niya sa akin. The moonbeam shone in his alluring eyes.

Huminga ako nang malalim at naglakas-loob magtanong.

"Siya ba? Siya ba 'yong babaeng pinagbibigyan mo ng mga love letter na ginagawa mo? Nakikita ko kasi iyon sa opisina mo madalas," mahinang tanong ko sa kanya.

Natango siya.

"M-May relasyon ba kayo?"

"Dalawang taon na kami, Snow."

Namilog ang mga mata ko doon. Ganoon na sila katagal? Mas matagal pa sila sa amin ni Dean.

"H-Hindi ba..." Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung paano susundan.

"We're not step siblings anymore. Divorced na ang parents namin at niminsan hindi kami pumayag na dalawang ampunin siya ni dad at palitan ang apleyido niya."

He sighed and stared at the night sky.

"I never saw her that way even. Kahit ayos na sana ang lahat ay ayaw niya paring sabihin hanggang ngayon sa iba ang tungkol sa amin kahit na ayoko na talaga siyang itago."

He smiled sadly.

"I understand. It's better than her leaving me again."

"M-Mahal mo ba siya?"

He looked at me this time and gave me a heartfelt smile.

"Every beat of my heart, every flutter and every skip. It was all for her."

Hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit laging may parte sa akin na namamangha sa kanya. Ramdam kong ang parte din na iyon ay kumikirot ngayon. Nanginginit na ang gilid ng aking mga mata pero nginitian ko siya.

Mahal na mahal niya si Tutti.

Dapat akong maging masaya para sa kanila. Lalong-lalo na para kay Tutti.

She deserves this kind of love after everything she's been through.

"Masaya ako para sa inyo."

Bumalik kami ni Rum sa may cottage. Nakatayo na si Dean sa labas n'on, halatang naghihintay sa amin.

Lumiko si Rum kaya napalingon ako sa kanya. Pinuntahan niya ang wala ng malay na si Queen na akmang bubuhatin na sana ni Dan. Rum smiled at him and took then carried her instead.

Nangiti ako. Kahit hindi masuklian ni Rum ang pag-ibig ni Queen sa kanya ay alam kong mahal niya ito bilang isang kapatid at anak na din. Gaya ng pagmamahal niya sa aming mga Charmings.

"Ayos ka lang?"

Napatingala ako kay Dean. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Nangiti ako.

"Kanina ka pa nagtatanong niyan."

He smirked.

"I will never get tired of reminding you how much I care for you, love."

Hinding-hindi din ako magsasawang piliin ka palagi.

Nagtungo na kaming lahat sa may beach house. Inayos ko ang kama ni Queen para maihiga na siya ni Rum.

Nang may maalala ay nabaling ako kay Rum.

"Dadalhin mo ba siya dine?" tanong ko. I'm careful not to mention her name.

He smiled thoughtfully at me.

"Namamahay siya. Lalabas lang ulit siya rito kapag hindi siya makatulog."

Natango ako, naiintindihan ang ibig niyang sabihin. Wala kami sa Overlook ngayon at ito ang unang gabi namin dine sa beach house ni Yorme. Hindi pa sanay si Tutti.

Lumapit si Rum sa kama ni Tutti at kinuha si Wordsworth.

"Dadalhin ko na lang 'to."

Natango ulit ako.

"Sa bakanteng guest room na lang daw matutulog si Dean," dagdag niya pa. He might have seen the expectancy on my expression.

Natango ako at nagpaalam na siya sa akin. I greeted him good night and asked him to tell Tutti also in a hush voice.

                 • • • TUTTI • • •

I QUICKLY FINISHED the cream sticks I had kept inside my dress short's pocket when the door swung ajar. I threw it properly on the small trash bin on the side.

Pumasok si Rum dala-dala ang isang baso ng gatas na inilapag niya sa may bedside table. Hawak niya rin si Wordsworth sa isa pang kamay.

"You're fine?"

Tumango agad ako. Nawala na 'yong hang over ko pagkakain ko ng sampung cream sticks. Hindi ko alam na kain lang pala ang katapat n'on. I laughed mentally. Abnormal nga talaga ako.

"Si Snow?"

"It's fine now. Don't worry," he assured me.

He gave me Wordsworth then I noticed how tired and sleepy his eyes were.

Niyakap ko agad si Wordsworth at nag-aalalang sinundan ng tingin si Rum.

"Are you tired? Magpahinga ka na rito, oh," sabi ko sabay pagpag ng kama sa tabi ko.

He smiled and said, "Magsa-shower muna ako tapos magpapahinga na tayo."

Tumango ako. I saw him stepped inside the shower. Nakabihis na ako ng isang gray tee shirt niya na oversized ang dating sa akin at blue check na pajama.

Mukhang pagod na si Rum. Sa halip kasi na magpahinga kami ngayon ay naging sakit na naman ako ng ulo niya. Ininom ko ang gatas at nahiga na sa side ko patagilid yakap-yakap si Wordsworth. Patutulugin ko na lang mag-isa ang sarili ko para hindi na ako maging pabigat kay Rum.

Panay ang papalit-palit ko ng pwesto hanggang sa gumugulong na ako sa kama at lumagpas sa dulo n'on saka bumagsak sa sahig.

Alamak!

Hindi talaga ako makatulog. Talbog pati buong hang over ko.

"Doll, anong nangyari?" tanong ni Rum habang nakasungaw ang ulo sa may pinto ng banyo.

Naupo ako sa sahig at nginitian siya sabay thumbs up.

"Ayos lang ako."

Ang sakit ng pwet ko, amp.

"Sigurado ka?" pag-aalala niya.

Tumango ulit ako at umakyat na pahiga sa kama. Bumalik na rin siya sa loob ng banyo at nagpatuloy sa pagsa-shower.

Nakatagilid ang higa ko yakap-yakap si Wordsworth. I was recalling how hella delicious the foods were served awhile ago and I was thinking of getting more of it tomorrow.

How lucky it is to be a birthday girl.

I hope everyday is my birthday so I could eat more.

Hay.

Umuga ang kama nang mahiga si Rum sa tabi ko. I closed my eyes immediately, pretending to be asleep. I don't want to bother him anymore.

Ramdam ko ang paglusot ng braso niya sa pagitan ng tagiliran at braso ko saka niya pinagsalikop ang mga palad namin. Yakap-yakap niya ako mula sa likuran. He smelt of mint and his usual pleasing manly fragrance.

"Happy birthday, baby," he whispered and kissed my hair.

He started humming what I thought at first was a lullaby but it wasn't actually. He was humming the Ligaya by Eheads.

Napapikit ako at napangiti.

I wasn't that good and honest and lawful.

I was horrible.

But what do I do to deserve him?

"Rum..."

"Hmm..." He stopped humming.

"Anong klaseng girlfriend si Dahlia?"

Matagal bago niya nasagot ang tanong ko.

"Sobrang bait, malambing at masipag."

I am actually at the point where I want to ask who's better between the two of us but I held myself from doing so.

Ramdam ko kasing dehado ako.

Baka talo pa mismo.

"Sana nakilala ko siya."

"Ayoko."

"Ha? Bakit naman?" Lilingon dapat ako sa kanya pero ibinaon niya lang ang mukha niya sa buhok ko.

"Kasi kapag nangyari 'yon, hindi ka darating sa buhay ko."

Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot.

"Mahal na mahal kita, doll."

He tightened his hold of me.

"Mahal din kita."

I want to tell him that everyday. I don't know why but I felt like our days together are now numbered.

illinoisdewriter

You're making me smile by hitting the star button and sharing your thought. Sayonara mates! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top