Episode 29: Givenchy

Episode 29: Givenchy

                 • • • QUEEN • • •

TUTTI'S BEEN SHAKING my elbow for the last five minutes to wake me up but I pretended still deeply asleep. Mabuti na lang at nakadapa ako kaya hindi niya makukurot ang ilong ko dahilan para hindi ako makahinga at mapabangon pagising.

"Queen, gising na. Kanina pa tayo hinihintay nina Rum para kumain. Twenty minutes na tayo rito."

This is me risking my school, my day, and my whole life just to get more minutes of sleep.

"Sasabihin ko kay Rum na ayaw mong sundin ang utos niyang gumising," she said, giving up.

I groaned but sat up from my bed. She smirked and went out of our room. I stood up and search for my Givenchy mules beneath the bed then I stormed to the kitchen. I sat on my usual seat first while they were all preparing the table.

"Tutti, bakit nasa mortuary room 'yong mga supot ng mga pinagkainan mong cream sticks?" Rum asked the Chinese leprechaun who was about to sat.

Napa-'oh' ang bibig ng pandak at binalingan si Hades na nakatayo sa tabi niya.

"'Bakit sa morgue mo nilagay? Di ba sabi ko itapon mo nang maayos sa basurahan?"

Rum facepalmed. She's seriously blaming the dog for that? Napahawak si Tutti sa noo niya nang pitikin iyon ni Dean nang mapadaan ito sa gilid niya.

"Dinamay mo pa talaga ang aso."

"Isa ka pa, Dean. Utang na loob, 'yong mga boxers mo, itago mo nang maayos! Kagat-kagat ni Hades kanina nang makasalubong ko siya sa lobby!" histerikal na pangaral ni Rum.

Dean turned to Hades. "Bad dog! Bad dog!"

Ang kawawang aso naman ay humiga sa sahig nang manisi na ang amo. Napairap ako. Bakit ba nila sinisisi ang aso?

"'Wag niyong sisisihin 'yong aso sa mga kalokohan at mga mali niyo. Mga college na kayo pero para kayong mga batang may yayang binabayaran na susunod sa mga galaw niyo," pangaral ni Rum sa kanila. He's not really pleased with it so he won't let it slip this time.

Tahimik na lang ding naupo ang dalawa kasama namin ni Snow. Napabuntong-hininga si Rum.

"Si Snow na lang ba talaga ang matino sa inyo?" he asked calmly.

"I'm still here," I argued, he turned to me.

"Hindi na ako makapasok sa wardrobe dahil sa dami ng mga gamit na binili mo. Kailangan ko pang tupiin lahat ng mga damit at ayusin ang mga gamit doon para magkaroon ng space."

I just rolled my eyes. He led the prayer and then we eat our breakfast. I reached for the pork giniling soup and only took the ground pork meat and the sabaw. Sa tuwing may nasasamang mga gulay ay itinatabi ko 'yon sa gilid ng plato ko.

Gosh. Aren't green leafy vegetables for goats?

"Queen, kainin mo 'yan," Rum calmly told me.

"Over my dead body."

"Queen..." he called using a warning tone.

"Tutti, can you stop that? You're so noisy," I sharply turned to her.

Nag-angat siya ng tingin at nahinto sa pagsubo ng kanin but I saw some leaves inside her mouth. Gross.

"What? I'm not doing anything," she innocently remarked and continued eating.

Lalo lang akong nainis nang marinig ko na naman ang malutong na tunog ng pagkakabali ng pechay sa bibig niya. I didn't even know pechays could be crunchy.

"You're simply so annoying. Can't you eat silently?"

She just ignored me and poured all her attention on the food instead.

"Queen, kainin mo na 'yan. That will make you healthy."

"I don't like it, Rum."

"Just give it a try. Kahit paunti-unti lang hanggang sa masanay ka. Just finish one pechay for now."

I hate myself because I can't hate him. I took the smallest pechay and shoved it inside my mouth. I pinched my nose as I chewed it then I reached for the glass of water beside me after swallowing it.

It's my schedule to do the dishes after eating but Snow and Tutti were beside me, actually doing it for me. Si Snow ang nagsasabon tapos si Tutti naman ang nagbabanlaw. Ako naman tamang punas lang ng mga nabanlawan tapos lagay sa dish rack.

We prepared for school after. They changed into their type B uniforms while I decided to wear a white tube crop top under a crop maroon Moschino moto jacket and its matching high rise flared pants. I decorated it with my Gucci belt and black Givenchy Chelsea boots. After doing my makeup, I put two clips on the sides of my hair then a cat eye sunglasses and I took my black Balenciaga cased phone inside my black Lady Dior handbag.

"Wow," manghang usal ng Instik nang makita ako pababa.

"Super ganda mo naman, ma'am," hagikhik niya pa.

I smirked and flipped my hair.

"I know right."

"Hindi ba magagalit ang prof mo, Queen?" asked Snow softly.

Our wash days are Wednesday and Saturday and it's not today. However, it still depends on your professor. Like Snow, strict ang mga prof nila when it comes to the wearing of uniform. Sa kaso naman ni Tutti, sadyang nerd lang siya na loyal sa UP.

"I have my own set of rules," I replied and we both made our way out of the Overlook.

After our class with Yorme, I made my way to the ArtScies Building. Pinaiwan ni Yorme si Rum kaya hindi niya ako mahahatid. Dean was making his way to Snow's heart by sending her to her class.

I can see that he's very persistent, though. This is why I gave them space. This leaves me to walk to the same building with the Chinese leprechaun. She was holding the straps of her backpack as her mouth did an incessant storytelling. Indeed, a Communication student she is.

"Alam mo ba, Queen? Nagtu-Tulfo and Chill ako tapos binalikan ko 'yong best face-to-face episodes ng show. Alam mo may lalaki r'on na inom ng inom ng tubig tapos nanghingi pa ng diaper kasi ihi siya nang ihi sa nerbiyos. Tawang-tawa kami ni Idol Raffy," she narrated while laughing like as if reminiscing a funny memory.

I just let her talk without the interest to actually listen.

I ceased walking when two girls giggled at each other after intentionally bumping my handbag instead of me.

"Ops, sorry," they teased.

I lowered my head slightly and looked at them through my sunglasses then I arched a brow.

Mean girls will probably say: "Don't you know me?" by now but I knew better.

Inayos ko ang glasses ko then I smirked. I spun around and walked towards them until I bumped them in my both sides.

"Ops, I'm sorry," I mocked, mimicking their tone.

"Sorry? You did it on purpose! You bumped us," the girl with misfit lipstick who also bumped me said.

"And you bumped my Dior with your dry skin," I argued, showing them my handbag.

"Queen..."

"Anong meron dito?"

Sabay na tanong nina Tutti at Dan na lumapit sa amin. The girls darted me a glare. I crossed my arms and raised one delicate brow at them.

"Nothing. I just realized I'm prettier than all my haters combined," I smirked and one girl dragged the other away from me.

"Nalingat lang ako sa may stall ng isaw muntik ka na namang mangaway."

I drifted my eyes to the leprechaun. I have to look down, of course.

"I didn't even noticed you were gone."

"And you, what are you doing here?" I asked Dan.

He looked flushed at first but then he immediately drew his eyes off me. He was on his uniform in Criminology.

"W-Wala. Nakita ko lang si Ate Tutti tapos...ikaw."

"Let's go," I called the leprechaun who quickly tailed me.

"A-Anong gusto niyong merienda? Magdadala kami ni nanay sa susunod na Sabado."

Napasinghap si Tutti at mabilis na lumingon sa banda ulit ni Dan.

"Bibingka! Dan, bibingka! Pwede ring puto, 'yong may malaking cheese sa gitna o maja blanca o cassava cake o..." and Tutti's food list goes on, I just rolled my eyes heavenwards.

                 • • • SNOW  • • •

NAPAHAWAK AKO SA dibdib ko sa gulat nang bumungad sa tapat ng pintuan si Dean paglabas ko ng Physics Lab.

"A-Anong ginagawa mo dine?"

Doon ko lang din napansin na may hawak siyang tatlong rosas.

"Oh," sambit niya sabay lapit ng mga ito sa akin.

Nangiti ako. Hindi siya sanay maging sweet. Hindi din siya mahilig sa mabulaklaking mga salita. He's raw and straightforward.

"Tsk."

Nang mapansin ang dala kong libro sa General Ecology ay kinuha niya iyon sa akin at pinalitan ng mga rosas niya. Siya na ang nadala n'on.

"Dean, ako na n'yan." Aabutin ko sana iyon nang makaramdam ng hiya pero kaagad niya 'yong inilayo sa akin.

"Maglakad ka lang d'yan hawak 'yong bulaklak ko, okay?" inis niyang sabi pero napapangiti na lang ako.

Napalis ang ngiti ko nang magtama ang mga titig namin ni Ingrid. She was looking at me then to Dean and then back at me again. She was staring straight right at me with grudge in her eyes.

I really thought we were friends. Sa kanya ko lang sinabi ang ginawa ni Prof Gareth sa akin. I didn't know babaliktarin niya ang kwento at sisirain ang buong buhay ko. She secretly loathed me by then and betrayed me. She never did once saw me as a friend.

Pero hindi ako masamang tao. Ayokong nagkikimkim ng sama ng loob. Gaya nga ng laging sinasabi sa amin ni Rum, forgiveness is what you give not just to the ones who have sinned you but to yourself as well for holding grudges and hate inside your heart for so long.

I will forgive her even without her asking for it. I just hope she also finds inside herself to forgive.

Natingin ako kay Dean nang biglang yakapin niya ako gamit ang isang braso niya. He smiled at me.

"Tayo na?"

Namilog ang mga mata ko sa tanong niya.

"H-Ha?" naguguluhan kong tanong.

He laughed and said, "I mean halika na."

Natango naman ako nang maintindihan iyon.

"Sa susunod ko na lang itatanong ulit 'yon. Liligawan muna kita," bulong niya sa akin.

                 • • • TUTTI • • •

I AM BORED to death. Snow was baking brownies for dinner. I want to help her but Dean immediately shooed me away so that he can have quality time with her.

Queen was busy texting Dan. Naiinis siya pero nire-replyan niya parin ito. Rum's busy with paperworks in his office.

I took my phone and immediately hurried outside the Overlook to catch the golden hour. Maganda ang tanawin kapag ganitong oras at hindi rin mainit dahil nga elevated area.

I took some selfies and shrieked happily when I just got the sun-kissed photos I want. Maganda talaga ang kuha roon kaya bago pa magpaalam ang haring araw ay napag-isipan kong mag- TikTok. Pagkatapos mamili ng kanta ay ipinatong ko sa pabilog na lamesa ang cellphone at sumayaw na.

Look at you girl, ang ganda ganda mo
The way you smile, makes me high parang Ivana to
Ivana, nararamdaman
Ivana, nararamdaman
You're the best girl I've ever seen
Kapansin-pansin ang iyong mga tingin
Ivana, nararamdaman
Ivana, nararamdaman

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasayaw nang biglang sumulpot si Rum sa video. Nasa may malayong gilid siya nanonood pero maya-maya pa ay umalog na rin ang katawan niya pasayaw. Nakataas ang dalawang mga kamao niya pa-eye level while moving them up and down as he was slightly shaking his body. Sayaw Jollibee.

Natawa ako at nilapitan ang phone para i-off 'yon saka siya nilapitan para yakapin.

Hindi ko alam na ang cute niyang sumayaw.

"Ang pangit mong sumayaw," biro ko sa kanya.

He chuckled and hugged me also. I looked up at him. Some of his golden locks were falling forward, covering his eyes. I love how the sunset was reflected in there.

Nakakahalina.

Nakaka-inlove lalo.

He crouched when he noticed I was about to reach his face. Hinawi ko ang mga hibla ng buhok niya at sinapo ang pisngi niya sabay ngiti.

"Bakit ang gwapo-gwapo mo?"

He smiled softly at me. Pinagdikit niya ang mga noo naming dalawa.

"Doll, ayoko nang itago ka," he whispered.

"I want to hold your hand while walking." Pinagsalikop niya ang mga palad namin.

"I want to hug you whenever I want to." Niyakap niya ako sa beywang gamit iyong isang braso niyang malaya.

"And I want to kiss you like this..." He kissed me sweetly on the lips then he smiled softly when he withdrew.

"Please let me love you freely. No more inhibitions, no more fears, and no more other people. Just us, because I will promise to give you the whole world."

                • • • SNOW • • •

NATULALA KAMI NI Tutti sa mga bikini at swimwear na inilatag ni Queen sa kama namin.

"Now, choose yours," she smiled at us.

Sabay ang 20th birthday nina Tutti at Queen ngayong Sabado at nangako si Yorme na magce-celebrate daw kami sa beach house nila sa Siargao kasama ang buong Team LAYF at sina Ms. Ferrer saka Tita Gina.

"Magra-rashguard na lang ako. Hindi rin naman 'to kakapit," ngiwi ni Tutti sabay lapag ng isang itim na bikini balik sa kama.

Napahagikhik ako dahil doon.

"It's not surprising. Most dwarves are males and you've inherited their flatness," tukso ni Queen na nagpasimangot kay Tutti.

"Snow," tawag niya sa akin.

"Ah, kasi nahihiya akong magbikini..." pag-amin ko, ramdam ang pamumula ng pisngi.

"Gosh. What's wrong with you guys? We're adults already and it's not bad to show some skin sometimes."

"Hindi naman talaga siya masama. Ang kaso nga lang wala akong dibdib!" sambit ni Tutti sabay hampas ng dalawang beses sa dibdib.

Napahagikhik ulit ako. Queen rolled her eyes.

"Snow, don't waste your gifts. Pick," she urged me.

"Sanaol may gifts!" usal ni Tutti habang nakatakip ang mga kamay paikot sa gilid ng bibig.

Mukhang hindi niya ako titigilan hanggang sa hindi pa ako nakakapili. Napabuntong-hininga ako.

"Iyong navy blue na bandeau top at high rise bikini bottom na lang."

"Nice," puri niya sa pinili ko.

"Do you have a rashguard already?" tanong ni Queen sa nakadapang si Tutti sa kamay.

"May rashguard akong tinago noong 18th birthday ko. 'Yon na lang ang gagamitin ko."

"I have a nice rashguard here."

Hinalungkat ulit ni Queen ang malaking box na padala ng Ate Anna niya.

"Here," aniya sabay abot ng pink floral printed na rashguard kay Tutti at isa pang itim na swimsuit.

Kinuha iyon ni Tutti at bumangon saka hinalikan sa pisngi si Queen sa tuwa.

"Thank you, beh!"

Napangiwi si Queen pero nangiti ako nang mapansing biglang naging ngiti iyon.

Lahat talaga ng tao may soft spot. Minsan kailangan mo lang biglain para malaman mo kung saan.

PASADO ALA-SIYETE NG umaga ay nagkita-kita kaming lahat sa airport. May private plane sina Yorme dine na siyang gagamitin naming lahat papuntang Siargao.

Nasuot ng sisiw na onesie si Tutti at white sneakers kaya tawang-tawa si Dean sa kanya kanina. Nakalugay lang 'yong mahaba at tuwid niyang ash blond na buhok. Yakap-yakap niya din si Wordsworth. Si Queen naman naka-pulang crop na jacket sa ibabaw ng puting sports bra niya at itim na sweatpants saka puting sneakers na may tatak na Gucci. Kitang-kita tuloy ang abs niya. Her hair was tied into a high ponytail. Sobrang ganda talaga ni Queen. Nabihis naman ako ng puting lace off-shoulder top na nakatuck in sa button-front denim skirt at white sneakers din. Naglagay din ako ng itim na manipis na headband sa ulo.

Pumasok na din si Rum sa private plane bitbit ang duffel bag niya at backpack ni Tutti. Nasuot siya ng v-neck na puting sweater na nakatupi hanggang siko at nakatuck in sa itim niyang trousers saka loafers. Nahinto siya sa tapat ng upuan ni Tutti na katabi si Lee dahil doon ito hinatak ni Whiskey pagpasok.

"Rum, here!" tawag ni Queen.

Nang magkatinginan naman sila ni Dan ay mabilis na nairap si Queen. Ang sabi ni Tutti sa akin ay textmate daw 'yong dalawa.

"Sige na. Ayos lang ako rito," ngiti ni Tutti sa kanya.

Seryosong natango si Rum at lumapit na sa banda ni Queen para maupo doon. Nang pumasok si Dean ay itinaas niya ang hood ng onesie ni Tutti na may mukha ng sisiw paglagpas niya dine.

Nabihis siya ng itim ng short sleeves button down na bukas ang tatlong unang butones kaya kitang-kita ang dog tag niya. Naka-ripped jeans siya at boats. Black and white ang hilig niya pagdating sa mga damit. Nang madapo ang mga mata niya sa akin ay mabilis siyang naglakad palapit.

Naupo siya sa tabi ko. Nagkatinginan kami ng ilang saglit hanggang sa nagngitian kami.

"Is this seat taken, miss?" he smirked.

"Naupo ka na, e."

"Are you taken?"

Nagpigil ako ng ngiti at natango. Sumimangot siya.

"Sino ang tanginang 'yan at sisiguraduhin kong hindi na siya masisikatan pa ng araw," banta niya.

Kinagat ko ang labi upang magpigil ng ngiti pero hindi ko din naman kinaya.

"Ikaw."

illinoisdewriter

You may show your love for this story by hitting the star button and sharing your thoughts. Sayonara mates! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top