Episode 27: The Girl Who Self-Destructs

Episode 27: The Girl Who Self-Destructs

"Tabi kayo kasi dadaan 'yong truck! Haha!"

"Oink! Oink! Oink!"

"Ang laki mong pangit!"

"Bakit kasi hindi ka tumulad sa kapatid mo? Maganda na, may utak pa!"

"Wala ka na ngang pakinabang, lagi ka pang nagdadala ng problema rito!"

"Wala ka talagang kwenta!"

"Tonta!"

Sa loob ng sarili niyang kwarto ay naroroon nakaupo sa kanyang kama ang isang katorse anyos na dalagita.

Ang mga dugo mula sa kanyang mga bagong sugat ay pumapatak sa puti niyang bedsheets.

"I-Isa na lang..." bulong niya at hiniwang muli ang balat sa may pulso niya gamit ang isang blade.

Kinagat niya ang labi at ininda ang sakit na dala ng kanyang muling paghiwa.

Masakit pero ito lamang ang paraang nakakagaan sa loob niya.

Ito lamang ang natatanging daan upang maibsan ang bigat ng kanyang nararamdaman.

                 • • • SNOW • • •

NIYAKAP KO NA sina itang at inang bago ko tunguhin ang Jeepney Wrangler.

"Mag-iingat kayo, anak," sabi ni inang sablay haplos sa pisngi ko.

Naging premature baby ang kapatid kong si Peony. Nauna siya ng isang buwan bago ang kabuwanan ni inang pero malusog naman siya. Kalalabas lang nila sa ospital sa bayan kagabi. Doon na din kami nagdiwang ng kaarawan ko na may simpleng handaan lang.

Mamayang hapon din sila babalik ni itang sa dating bahay namin sa may mismong bayan para mas safe sila doon. Binigay ko sa kanila ang sweldo ko mula sa funeral service para matulungan silang mabayaran iyon. Kaonti lang ang kinuha nila dahil ilaan ko daw dapat iyon sa sarili ko.

"Anak."

"Itang, bakit po?"

"Anong klaseng bata si Tutti?" tanong niya sabay sulyap sa kaibigan kong tumatawa sa harap nang naiinis na si Dean.

Nangiti ako at nabaling ulit kay itang upang sumagot.

"Mabait po, matapang, lagi akong pinagtatanggol saka makulit minsan."

Nagkatinginan sina itang at inang saka humarap sa akin at nangiti.

"Kagayang-kagaya nga ni Darcy. Anak, may hihingin sana akong pabor."

"Ano po 'yon, itang?"

"Pwede bang lagi mong iparamdam kay Tutti na hindi siya nag-iisa? Bilang kabayaran ko sana sa malaking utang ko kay Darcy."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Ramdam kong malaki ang utang na loob niya sa papa ni Tutti pero mas pinili kong hindi na lang magtanong at tumango na lang saka nangiti.

"Opo. Gagawin ko po 'yon. Aalis na po ako 'tang, 'nang," paalam ko sa kanila saka hinalikan ang kapatid ko sa noo.

"Aalis muna si ate, baby ha."

"Aalis na po kami Tito Bert, Tita Shiela. Maraming salamat po sa lahat," magalang na paalam din ni Rum sa kanila.

Maging sina Dean, Tutti at Queen ay lumapit din para yumakap at magpaalam.

"Mag-iingat kayo!" kaway ni itang sa paalis naming sasakyan habang nangiti.

INAYOS KO ANG palda ng puting uniporme ko saka kinuha na ang tote bag ko para lumabas ng Overlook. Naka-type A uniform kaming lahat ngayon, maliban kay Dean na nakaitim na jersey shorts at puting active dry shirt saka rubber shoes.

"Tutti, halika na," tawag ko nang madaanan ko siyang nagsusuklay ng mahabang buhok sa lobby.

Dali-dali niyang sinuot ang black velvet padded headband sa ulo saka kinuha ang brown niyang backpack na may maliit na naka-embroider na We Bare Bears sa gitna. Isinukbit niya iyon sa mga balikat saka tumayo na din siya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Beh, nag-aral ka sa quiz natin ngayon kay Yorme?" tanong niyang ikinabahala ko naman.

"Anong quiz?"

"'Yong second batch ng beasts na tinuro niya sa atin last meeting."

Nailing naman ako. Lagot.

"Naku, hindi ako nakapag-aral. Akala ko kasi walang quiz. 'Yong assignment ang ginawa ko."

Siya naman ang natigilan ngayon. Namilog ang singkit niyang mga mata sa akin.

"May assignment?!" halos pasigaw niyang tanong.

Natawa din ako kasi mukhang hindi siya nakagawa n'on.

"Let's go," sabi sa amin ni Rum nang daanan niya kami.

"Rum, pakopya naman ng assignment, oh," usal ni Tutti sabay habol dine.

Si Queen naman mabilis akong nilagpasan. Lumilikha ng tunog ang wedge pump na black shoes niya habang naglalakad palabas. Nakasabit sa braso niya ang handbag na may tatak na Christian Dior sa strap. Ang ganda n'on at talagang mukhang mamahalin.

"Halika na," aya ni Dean sa akin.

"May assignment ka na?" tanong ko sa kanya.

"Kokopya na lang ako kay Rum mamaya," simpleng sagot niya.

Nabuntong-hininga na lang ako at sumabay na sa kanya palabas.

"Isa pa, wala tayong pasok kay Yorme ngayon dahil may laro kami sa basketball," habol niya pa.

Kaya pala chill lang siya.

Pumasok na kami sa sasakyan at pinaandar na ni Dean 'yon saka minaneho papunta sa UP.

Kaagad kaming nagtungo sa gym kung saan gaganapin ang basketball game nina Dean. Nagulat pa kami nang maabutan namin si Yorme sa isa sa mga bleachers na naka-jersey din.

Maglalaro siya?

Naupo kami sa mga bleachers habang pinapanood sila hanggang sa lumapit si Yorme sa may ring dala ang bola upang sumubok magshoot.

He dribbled the ball twice then bended his knees, jumped, and aimed for a shoot. Pero tumama lamang iyon sa ring at nagbounce pabalik kay Yorme kaya siya natamaan sa ulo at napaupo sa sahig. Mabilis na tinakpan ni Tutti ang bibig upang pigilan ang sariling bumunghalit ng tawa pero iyong mga balikat niya ay panay ang alog. Nang balingan siya ni Rum bilang warning ay saka lamang siya natigil. Mabilis namang sumaklolo sina Dean at Goliath patayo kay Yorme na tumatawa lang.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang game. Hindi ko kilala ang kalaban nila pero mukhang mga admin ng university ata.

"Jusko! 'Yong bata, madadaganan niyo!" sigaw ni Tutti nang madapa na naman si Yorme na siyang may hawak sana ng bola.

"Nas'an na ba ang nanay niyan?!" habol niya pa sabay pasimpleng hagikhik.

"Stop it, doll." Hinila siya ni Rum paupo ulit sa tabi nito.

Madalas makapuntos sina Dean at Goliath pero si Yorme hindi kaya kalaunan ay ipinapasa na lang nito ang bola sa dalawa kung nasa may malapit na siya sa ring para sila na lang ang magshoot.

Nabaling ako sa katabi kong si Tutti nang mabuntong-hininga siya nang malalim habang nakatingin sa cellphone niya.

"Bakit, beh?" tanong ko sa kanya gamit ang tawagan kuno naming mga babae kaso ayaw makisali ni Queen. Naninindig daw balahibo niya tuwing nadidinig 'yon.

"1.7 ang grade ko sa isang major subject this midterm," malungkot niyang hayag.

Marahan kong hinagod ang likod niya.

"That's not so bad," alo ko sa kanya, pinapagaan ang loob niya kahit pa mas masakit ang 2.9 ko sa Organic Chemistry.

"But that's still B minus in Chinese."

Napakurap ako. Hindi ako maalam sa grading system ng mga Chinese pero sigurado akong mahigpit at partikular sila sa grado lalo na at kailangang straight A's ka palagi. That idea must have been passed on her by her traditional Chinese mom.

"Titimplahan kita ng gatas mamaya pag-uwi natin," ngiti ni Rum sa kanya. Alam na alam nito ang makapagpapalubag-loob sa kanya.

"Danke," she smiled gratefully at him.

"Why worked so hard for A's? You don't even seemed Chinese enough for me," komento ni Queen.

"What do you mean?" tanong naman ni Tutti.

Nabaling sa kanya si Queen tapos tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Tapos naismid ang huli.

"You dyed your hair ash blond, you're fond of watching American series on Netflix, and always drinking two glasses of milk a day which for once I believe you should be rejecting since it's a white product."

Namilog ang singkit na mga mata ni Tutti sa punto ni Queen. Napangisi naman ang huli dahil sa reaksyon nito at nagpatuloy pa.

"You're like some unrefined banana. Yellow on the outside, white on the side."

Napahawak si Tutti sa dibdib niya habang nakaawang ang labi na parang nasaktan siya sa sinabi nito.

Naguluhan naman ako doon sa part na saging na sinabi ni Queen. Bakit niya dinescribe 'yon?

"Bakit nadamay 'yong saging?" naguguluhan kong tanong.

Tutti looked at me like an understanding teacher and explained, "That's a term we commonly used. It's implying that I was a traitor to my own race because I'm becoming more Westernized or American of some sort."

Natango ako nang makuha kahit papaano iyon tapos nabaling siya kay Rum.

"I changed my mind. 'Wag ka nang magtimpla ng gatas mamaya. I realized just now I'm lactose intolerant.  I shouldn't break a thousand-year old Chinese filial piety."

"And then what? You'll eat living bats instead?" Queen mocked and Tutti grimaced.

"Alam kong lagi akong gutom pero hindi pa naman ako umaabot sa point na nangangain ng buhay na hayop," sagot ni Tutti na ikinahagikhik ko naman.

Totoo kasing may mga Chinese na kumakain ng buhay na paniki at mga hayop.

Pero totoo ding lagi siyang gutom.

Maya-maya pa ay dumating na ang ibang Team LAYF, ang pangalan ng pamilya namin nina Yorme. Dali-daling kinuha ni Tutti ang backpack niya at lumapit kina Whiskey. They greeted us. Si Dan nahuhuli ko na namang tumatagos ang tingin kay Queen na abala sa cellphone niya. Tapos si Whiskey inipit sa likod ng tenga ang takas na buhok nang batiin at ngitian siya ni Rum pabalik.

"Tapos na kayo sa radio script niyo?" tanong ni Tutti.

"Siz, masyadong kang advance mag-isip kong natapos mo na lahat. Intro pa 'yong pakikinggan ni ma'am ngayon," ani Whiskey.

"Tutti, patingin naman sa'yo," si Lee sabay tabi paupo at lapit kay Tutti.

"Ito, oh. News anchor ba tayong dalawa?" tanong ni Tutti sabay abot ng yellow paper kay Lee. Natawa naman si Whiskey.

"Ang advance nga mag-isip. Siz, Radio DJ pa tayo, hindi pa sa radio broadcasting. Di ka kasi nakikinig, e."

"Ay, gan'on."

"At least ready na tayo sa susunod," Lee chuckled and stretched his arm to her shoulder then patted her.

Pagbaling ko sa harap ay naabutan ko si Rum na nakatitig sa kanila.

"Tutti..." tawag niya dine.

"Bakit?" baling naman nito sa kanya.

"Halika. Tuturuan kita ng assignment natin kay Yorme."

Natango si Tutti at tumayo na yakap ang kanyang bag.

"Sa'yo muna 'yan ha. 'Wag mong iwawala 'yan," bilin niya kay Lee saka bumalik kay Rum.

Naupo siya sa tabi nito at binuksan ang binder. Hindi din ako sure kung tama ang assignment ko kaya sinisilip at nakikinig ako sa paliwanag ni Rum sa kanya.

Natigil sa pagpapaliwanag si Rum nang tumayo sa harap nila si Lee, nakapamulsa. Nag-angat silang dalawa ng tingin ni Tutti dine.

"Bilang stepbrother ni Tutti, gusto ko sanang personal na magpaalam sa'yo, bro."

"Go, go, go Lee!" Whiskey and Norma cheered from their seats.

"Liligawan ko si-"

"No," putol ni Rum sa sasabihin nito.

Nagulat ako doon. Strikto si Rum pagdating sa amin pero lalong-lalo na kay Tutti. Kaya walang nakakalapit, maliban na lang doon sa lalaking kasama nito sa video.

"Rum, let him court the leprechaun," Queen argued but Rum remained silent while still engaged in a staring competition with Lee.

Natahimik kami lahat. Hindi ko alam kung ako lang pero nakakaramdam ako ng tensyon sa pagitan nila. Lee suddenly smirked.

"Kahit naman ayaw mo, gagawin ko parin. Sinasabi ko lang para alam mo."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Tutti sa dalawa hanggang sa hilaw siyang natawa upang pagtakpan ang tensyon.

"Lee, ano ka ba? Ang pangit ng joke mo pero ang dami kong tawa in fairness, mga limang ha-ha," biro ni Tutti.

Lee looked down at her and smiled.

"Hindi ako nagbibiro. I really like you ever since and I will show it to you for real this time."

Napatili sina Norma at Whiskey sabay hampas sa isa't isa. Nagulat si Tutti at natahimik. Si Rum gan'on din. Nangiti ako sa tuwa tapos si Queen naman napa-slow clap.

"You got my vote," sambit ni Queen.

Tumikhim si Whiskey saka sila lumapit ni Norma kay Lee at tinapik ito sa balikat.

"Siz, sama ka sa'min. Gawa tayo ng radio intro natin."

Natango si Tutti at dali-daling nagligpit ng gamit niya.

"Sama muna ako sa kanila," paalam niya kay Rum na natango at nag-iwas ng tingin.

Nabuntong-hininga si Tutti at nagpaalam na din sa amin saka sumama sa mga blockmates niya palabas ng gym.

Nabaling naman agad ako kay Rum nang tumayo siya.

"May pupuntahan lang ako saglit. Babalik agad ako," sabi niya sa amin ni Queen.

Natango naman kami. Hinahatid kasi kami ni Rum kadalasan sa ArtScies Building pagkatapos ng klase kay Yorme, sa ganitong time dahil wala na siyang pasok.

Bumaba siya ng bleachers at lumabas na ng gym.

                 • • • TUTTI • • •

WE WERE WALKING our way to the student's park because that's where we decided to work on our individual radio intro.

I still couldn't get Rum's face off my head. Nagtatampo siya.

I puffed my cheeks and think of ways I could secretly get away from them for awhile. When I noticed a single stall nearby, I sighed and stopped walking.

"Guys, mauna na kayo sa student's park. Bibili muna ako ng pagkain at dadaan sa banyo saglit. Naiihi na ako, e," pagsisinungaling ko roon sa part na magbabanyo. Balak ko kasi talagang kumain, e.

"Hihintayin na lang kita," alok ni Lee.

Umiling agad ako.

"Hindi na. Susunod na lang ako para madali kayong matapos sa inyo," hikayat ko sa kanila.

Mabuti na lang talaga at tumango naman sila at nauna na sa paglalakad. Lumapit agad ako sa may stall sabay kuha ng coin purse ko sa bulsa ng backpack ko.

"Ate, isang milk bar po."

"Anong flavor?"

"Chocolate po," ngiti ko sa kanya sabay abot ng bayad kong barya.

Binuksan naman niya iyon kaya diretso na ang kain ko.

"Doll."

I glanced at Rum who stood beside me, I was still biting my milk bar by then. Binalik ko sa bulsa ng bag ko ang coin purse saka inayos ang backpack sa likuran ko. Hinawakan ko ang milk bar habang kagat-kagat parin iyon nang maglakad kami papunta sa likuran ng gym kung saan walang tao.

He spun around and looked down at me. Tuwing ginagawa niya 'yon, nanliliit talaga ako lalo sa sarili ko.

"Sasagutin mo ba siya?" bungad niyang ikinakunot ng noo ko.

Inalis ko muna ang milk bar sa bibig ko at sinagot siya.

"Bakit ko naman siya sasagutin? May boyfriend na ako."

He bit his lower lip, trying to hide his smile. He sighed and reached for my free hand.

"Doll..."

"Oh?"

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Now, I understand why you love the Eraserheads."

"Bakit?"

"Because I can't erase you out of my head."

I blinked three times while still looking at him. Nang matantong pickup line iyon ay di ko na napigilan ang sarili at natawa na ako sabay kurot sa tagiliran niya.

Putek, ang corny.

Napahaplos naman siya sa batok niya, nahihiya.

"Ginagawa kasi ng mga blockmates ko 'yon. They said their girlfriends like it. I thought... you will like it."

"Oh, Rum. Even without that, I still like you. I always do," I smiled at him. He did the same too.

"May tanong ako," sabi ko.

"What is it?"

"Am I not Chinese enough?"

He looked at me then down to my milk bar and then back at me.

"I thought you're now lactose intolerant?" he lightly chuckled.

"I cannot give up the milk. I really love it."

Milk is considered as a product produced by white people and most Chinese claimed to be lactose intolerant, not just because their bodies are rejecting milk but because they refuse to use and support this product.

"It's okay, doll. It's okay. You will always be my Chinese," his smile was as gentle as his hold of my hand.

I smiled at that. That was the sweetest I have heard from him today.

I have doubted myself a couple of minutes ago. When people started telling me I am a banana and that I was slowly losing my identity and forgetting my roots, his words truly comforted me. At least, I am his only Chinese.

                 • • • QUEEN • • •

I SLIGHTLY MOVED my phone aside to stealthily look at Snow lining up at the Starbucks counter to buy us drinks.

I can't remove the smirk off my face when I noticed how worried she looks. Obviously, not used to this. She was biting her lips and I bet she was memorizing my order, a Caramel Ribbon Crunch Frappuccino.

"Gusto mo talagang pahirapan si Snow, no? Ang sama talaga ng ugali mo, beh."

"Eww. Stop calling me that," I glared at the leprechaun in front of me.

That sounds so cringey. She said that would be the girl's endearment and it was a big no no for me.

"Okay, beh," she teased more then stood up to help Snow at the counter.

The entrance door swung open. Rum and the freshly out from the shower Dean went in and approached us.

"Will it be a'right for you if we'll just bring the drinks home?" asked Rum.

"Why?"

"A new client just called me for a meetup scheduled an hour and half from now."

We were able to send off all the soul clients of Dr. Mal months ago. Now, we are receiving and accepting new ones.

Then, we just learned that there were these so-called hotspots for beasts. This is where you can find a huge population of beasts and our city and province are part of it. Sa lahat ng mga hotspots na iyon ay may tig-iisang funeral home for beasts na pinapalakad din ng mga first and second-blood guardians. Technically, we're not the only funeral home secretly operating for beasts.

"It's fine." I nodded.

When our orders arrived, we immediately hopped in Dean's wheels and drove home to Overlook to meet our new client.

"So, your kind is a changeling?" asked Rum who lifted his gaze from the folder he was holding as he looked at them through his lowly hanging on his nose glasses.

The matriarch's eyes quickly turned obsidian black then back to its normal eyes. She was showing him that she really was. Rum nodded and continued reading on the deceased's profile.

"She committed suicide?" he asked again.

The young lady with puffy eyes whom I guess aged thirteen years old sat beside her mother. She's probably the younger sister of the deceased.

"Oo," matipid na sagot ng ina. She was not obviously pleased with everything.

Rum closed the folder and placed it on the coffee table in between them then he took his glasses off and put it there too.

"How do you like her funeral to be done, Mrs. Tomas?"

"Iyong simple lang at hindi gaanong mahal. Marami na ang nagastos ko sa kanya sa ospital pa lang."

I don't know but I suddenly don't like her words and sound. Mukhang maging si Rum ay nagulat doon at hindi nagustuhan.

"Mind if I ask you something, madame?" tanong bigla ni Tutti.

"Go ahead."

"Is the deceased an adopted child?"

"No," she answered with furrowed brows.

"Then, why are you acting indifferent over her death?"

"Tutti," tawag ni Rum sa kanya, warning her not to go overboard.

Tutti smiled and bowed her head courteously.

"I'm so sorry for asking. It's okay if you'll not answer."

"I hated how she ended her life."

Napaangat si Tutti ng tingin sa ginang.

"Ma..." pigil ng anak sa tabi niya.

"Alam kong naghihirap siya. Alam kong nabu-bully siya. Alam kong ginagawa siyang katatawanan kahit saan pero bakit?...bakit kailangan niyang tapusin ang buhay niya?!"

The woman looked at us with eyes turning reddish due to the tears she's trying hard to control.

"Alam kong hindi ako naging perpektong ina. Gusto ko ganito siya, gusto ko ganyan siya! Pero niminsan... niminsan hindi ko ginustong mawala siya...bakit niya 'to nagawa?"

"Sorry po. Sorry po talaga. Sana po lahat ng nanay kayang gawin at sabihin 'yan," paghingi ng tawad ni Tutti habang nakayuko. She sounded really sad.

I know why. We all know why.

It's her mom who wanted her dead.

This is the reason why I treasure so much the kind of family I'm having. They're not greedy, they're not evil, they love me and would do and give everything for me and my safety. Things she never did once experienced with her mom.

I was a spoiled but not a rotten brat. I know where to draw the line because I always think of their own safety and happiness too.

Among all of us, Tutti's the poorest and saddest when it comes to this matter. Dean has his family complete and always there for him. Governor Sebastian was giving Rum all the love and care of a father and mother  combined. I had witnessed how Tito Bert and Tita Shiela pampered and poured their hearts to Snow.

Siya lang talaga.

Naaawa ako sa kanya.

Lumaki sa pamilya ng mga kawatan, hindi niminsan pinahalagahan ng ina, and a whole lot of secrets I still don't know about her.

Kahit anong inis ko sa kanya, hindi ko magawang tuluyang magalit dahil nararamdaman kong mabigat ang dinadala niya.

She might deceive everyone with her smile but definitely not me. She might not shed a single tear but I always saw the huge amount of sadness and pain that would reflect her eyes.

"We will give the funeral that is fitting for her. We will promise you that, Mrs. Tomas," our funeral director remarked.

illinoisdewriter

A/N:

Share ko lang 'to. Naloloka na ako sa papalit-palit na POV ng tatlong female leads hahaha. Kasi kay:

Snow- dapat dine 'yong dito niya saka dapat "din at doon" ang laging gamit niya kahit na vowel 'yong last letter ng word na sinundan ng mga 'yan like "Masaya din" instead of "Masaya rin". Tapos instead napabaling- nabaling, napagtanto- natanto, napatingin- natingin and so on.

Tutti & Queen- sila dapat ay gumagamit ng dito or rito (kung vowel din ang last letter sa word na sinundan) saka din o rin.

Naloloka na ako pero paninindigan ko 'to kasi ginusto kong probinsyana si Snow haha.

P. S.

You are making me really happy by clicking the star button and sharing your thoughts. Sayonara mates! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top