Episode 26: Peony

Episode 26: Peony

                 • • • SNOW • • •

NASA MAY SALA kaming mga Charmings nagtitipon. Tinatali ko ang mahabang buhok ni Tutti pa-ponytail gamit ang hair tie na may disenyong peony na gaya nang sa akin.

Si Dean nakahiga sa kabilang upuan na kawayan. Nakatakip 'yong mga mata niya ng isang braso niya. Si Rum naman katabi namin ni Tutti na nagbabasa ng libro ni itang. He was crossing his legs while drinking a cup of tea like what most Brits would do in this afternoon.

Si inang nagpapahinga sa kwarto tapos si itang naman ay nasa bakuran namin. Nabaling kaming lahat nang bumaba si Queen sa hagdanan. Kagigising niya lang. Naupo naman siya sa pang-isahang kawayang upuan na nakapwesto sa harap ni Rum.

"Fancy a cuppa?" alok ni Rum sa kanya.

"I want some coffee, please."

Natango si Rum at tumayo saka tinungo ang kusina upang pagtimplahan si Queen.

Maya-maya pa ay nagising na si Dean at bumangon paupo. Si Rum ibinigay na kay Queen ang kape saka bumalik sa pwesto niya kanina. Pumasok na din si itang at dumaan sa sala.

"Itang, saan po kayo pupunta?" tanong ko sa kanya nang palabas na sana siya ng bahay suot ang kanyang sumbrerong gawa sa buri.

"Hahanap at bibili lamang ako ng baboy na pwedeng litsunin sa kaarawan mo. Naghahanap din kasi si inang mo. Mukhang naglilihi ata," ngiti niya.

"Ako na po maghahanap at sasagot sa lechon," sabi bigla ni Dean.

"Awit. Sanaol," hirit naman ni Tutti saka nabaling kay Rum.

"Rum! Sagutin mo rin ang lechon sa birthday ko, please."

Rum chuckled. Gusto ko sanang humagikhik sa itsura ni Tutti dahil nagmamakaawa talaga siya kay Rum habang nakaluhod sa taas ng upuan sa tabi nito at magkasalikop ang mga daliri at magkadikit pa ang mga palad pero nanatili akong tuod sa pwesto ko habang nakatitig kay Dean.

"Naku, hijo, huwag na bisita namin kayo dine. Kami nang bahala," saad ni itang.

"Hindi po, tito. Saka hindi naman po naging abala si Snow sa akin kailanman," magalang na tugon ni Dean sabay sulyap sa akin at ngiti.

Hindi ko mawari kung bakit ginagawa niya iyon.

Dahil ba birthday ko na bukas?

O baka dahil...

Ano pa man 'yon ay ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa hiya at tuwa. Nahuli ko pa si Tutti na nakahawak sa mga pisngi niya at nangiti na parang kinikilig habang nanonood sa amin.

"Sigurado ka ba, hijo?"

"Opo, tito."

"Osha sige pero isama mo si Snow dahil maalam siya sa daan dine. Maraming salamat talaga."

Natango si Dean at nginitian si itang na nagtungo naman sa kusina.

Napakurap ako. Hindi ako makapaniwala.

Parang kanina lang naninigarilyo pa siya kasi may gumugulo sa isip niya tapos ngayon naman nangiti siya at hindi pa namura.

Nakakapanibago. Parang hindi siya iyong Dean na laging mainit ang ulo.

"Halika na?" aya niya sa akin.

Natango ako at susunod na sana sa kanya para lumabas pero natayo din si Tutti.

"Sama ako!"

Nilingon siya ni Dean at sinamaan ng tingin. Napahagikhik naman si Tutti dahil doon.

"Sumisimple ka pa ha para solohin si Snow," ngisi nito sa kanya.

Ramdam kong namula ang pisngi ko kaya siniko ko si Tutti bahagya para matigil na. Nahihiya ako, e.

"'Wag na. Magtataka lang ang mga tao kung bakit kahit may araw pa, may tanginang tiyanak nang naglalakad sa daan."

Pasimpleng kinurot ni Tutti si Dean sa braso sa inis. Napahagikhik naman ako dahil doon.

"Dimunyo ka talaga," bulong-bulong ni Tutti.

"Dean, sama ako. Nag-aalala ako," saad ni Rum na pansin kong kagagaling lang ulit sa kusina.

Ako din naman. Baka masuntok ni Dean iyong mga tinderong medyo may 'di magandang pakikitungo sa mga customers.

"Tsk. 'Wag ka nang mahiyang sumama, Queen," sarkastikong tawag naman ni Dean kay Queen na nangiwi sabay baba ng tasa niya sa kawayang coffee table.

"Gosh. Don't you not get my silence here? I don't want to come. I hate pigs and their dens."

"You hate everything that isn't branded," sabat naman ni Tutti.

"The place and those creatures smell horrible," mahinang sabi ni Queen, nandidiri.

Napahilamos si Tutti ng mukha at tumugon ng, "Of course, it's because they don't fart Chanel No. 5."

Queen glared at Tutti like as if she had insulted all of her ancestors.

That's Queen's favorite perfume.

You don't mess up with her favorites.

"I won't come. Period."

                  • • • QUEEN • • •

I SWORE TO the deepest pits of hell, I will forever haunt Dean and the Chinese leprechaun for tagging me along.

I was so shocked awhile ago after I just said with conviction that I won't come when they both looked at each other and smirked evilly. Dean rushed towards me and carried me with just one hand and locked me inside his car. Rum was telling them to stop but the two idiotas won't listen.

Argh!

Now, I realized I truly hate pigs, leprechauns who are Chinese, stinky dens, and Dean!

"When we come back to the Overlook, I swear, the both of you will have a stabbing taste of the heels of my Louboutins!" I hissed.

Dean and the leprechaun made a face then their laughter synchronized. Stronzo!

"Rum, I can't take this anymore!" I blurted out of my frustrations.

Rum looked at me through the rearview mirror apologetically. Ganoon din si Snow sa tabi ko.

"You will miss all the fun if you will just stay there," said the Chinese leprechaun smilingly.

WHAT'S FUN IN strolling around an unhygienic and cheap wet market with horrible smells that only made me feel like puking?

Gosh. I hate this.

"Naku, pasensya na. Reserved na lahat ng baboy namin. Pista rin kasi sa bayan bukas," apologized by the last vendor we approached.

His younger son had been throwing absurd looks at me and when he winked I couldn't stand it anymore.

"Can you stop? Your face is so oily, it's hurting my eyes."

The look of shock on his expression was as equally epic as his goddamn face. Rum blocked me from the guy, a protective stance.

"Sige po, maraming salamat," he politely told the vendor who immediately spanked his son.

"Umuwi na lang siguro tayo. Ayos lang naman kung walang litson," Snow suggested.

"Hindi. We'll search the whole fucking place for a fucking hog," may diing sagot ni Dean.

Very persistent to impress Snow, huh.

"Tama, walang susuko. Para sa litson!" the Chinese leprechaun seconded and ate the stick-o she's holding. She was now hugging a huge jar of it.

I smirked.

Very persistent to eat litson.

"Sandali lang."

We all looked at the man who suddenly neared us. My brows furrowed. Looks like he'd been tailing us since awhile ago.

"Baboy na lilitsunin ba ang hanap niyo?"

"Oo, bakit?" si Dean.

Rum subtly shook his head at him, seemingly not trusting the guy. Dean just rolled his eyes and continued talking to the man.

"May alam kang pwede naming bilhan?"

"O-Oo. May bagong mga lipat doon sa may kaliwang border ng probinsya. May binebenta silang mga baboy. Malapit na ang pista kaya nagkakaubusan na dine sa bayan. Ang ilan doon bumibili para makapaglitson bukas," he explained.

I then remembered that Snow's house was located on the right side of the provincial border. Not really far from them, though. Not like here in the bayan where we travelled almost an hour just to get here.

"Kukunin namin."

"Dean," Rum called him.

"What? We need a fucking hog so we'll taking this."

"Sige, mula dine, diretsuhin niyo lang ang daan pakaliwa tapos pag-akyat niyo ng burol sundan niyo lang ang kalsada hanggang makarating kayo sa mga kabahayan doon."

"Queen, ikaw nang bahala," Dean told me and I rolled my eyes.

He wants me to remember those details.

Dean thanked the man. Rum was still silent until we were out of the wet market.

Grazie! I came out alive.

"Dean, I think we shouldn't come there," he gravely remarked.

                 • • • SNOW • • •

NAKUNOT ANG NOO ko kay Tutti nang parahin niya ang isang traysikel. Nang binagalan na nito ang takbo at akmang hihinto na sa tapat niya ay kinawayan niya ito at nginitian.

"Ingat po kayo!"

Nakunot ang noo ng drayber at sinamaan ng tingin si Tutti saka nagpatuloy na lang sa pagtakbo sa halip na huminto.

Nakakaguilty man din pero napahagikhik na lang ako at siniko ang kaibigang maloko.

"Dean, I think we shouldn't come there."

Nabaling kami sa mga kaibigan nang marinig si Rum. Inis na nilingon ni Dean ito.

"At bakit hindi?"

"Hindi maganda ang kutob ko."

"Sus. Magkakasama naman tayong lima. Isa pa, pwede naman nating ipain 'yong tiyanak kapag nagkagipitan- Aray ha!" baling ni Dean kay Tutti na nakasimangot siyang sinapak sa likod.

Pansin kong sa ulo dapat iyon kaso mukhang nagbackfire ang plano ni Tutti nang hindi niya maabot si Dean.

"Seryoso ako, Dean."

"I think we should listen to him. It's his maternal instincts speaking," saad ni Tutti.

"! ! That's right! We should listen to Rum so that we can all go home!" pagsang-ayon ni Queen.

Natingin sa akin si Dean. Natango ako kasi nakakahiya at sobrang effort nila sa birthday ko. Ako dapat ang naghahanda.

"Ihahatid ko na lang kayo kina Snow saka ko pupuntahan iyong baboy na sinasabi n'ong lalaki," aniya at binuksan na ang driver seat.

Nabuntong-hininga si Rum, mukhang naaawa sa sisiw niyang nagtatampo ata.

"Sige na, sige na. Pupunta na tayo r'on pero sandali lang tayo. Bibilhin lang natin 'yong baboy at uuwi na agad."

"What?! Can you just drop me first and then you'll all go?!" reklamo ni Queen.

Tumingkayad si Tutti upang tapikin siya sa balikat.

"You will miss the fun," sabi niya at pumasok na sa loob ng Jeepney Wrangler.

"Fun?! You call this fun?!"

"At least, it's better than just scrolling for expensive items online," kibit-balikat ni Tutti.

Naungot si Queen pero pumasok din. Sumunod naman ako saka huli si Rum na kaagad kaming pinaalalahang magseatbelt.

Sinundan namin ang daang sinabi n'ong lalaki kanina. Akala ko malapit lang pero inabot kami ng mga bente minutos sa paglalakbay. Medyo makulimlim pa sa bandang iyon at mahamog dahil nga nasa elevated area na.

Nang nasa tuktok na kami ay bumungad sa amin ang iilang mga bahay-kubo. Hininto muna ni Dean ang sasakyan sa bukana ng mga kabahayang iyon at binuksan ang bintana sa tabi niya.

Sinitsitan niya ang lalaking nasa malapit lang pero hindi ito nakinig.

"Boy, sandali lang!"

Nainis na siya nang hindi pa din siya pinapansin ng mga ito. Nagtawag ulit siya ng iba pero ayaw nilang mamansin din.

"Tangina, mga bingi ba 'tong mga 'to?" inis na saad ni Dean.

"Babain na lang natin at kausapin nang maayos- Dean!" gulat na tawag ni Rum kay Dean sabay saway nang bumusina ito nang malakas at paulit-ulit.

"Tangina, 'tong mga weirdo na 'to nagbibingi-bingihan sa sigaw ko."

"Tama na 'yan! Nakakaistorbo ka!" pigil ni Rum sabay alis ng kamay ni Dean sa manibela.

Naagaw nga namin ang atensyon ng mga nandodoon. Nabalot sila ng katahimikan habang pinapanood ang sasakyan namin.

"Aren't they all look weird?" tanong bigla ni Queen.

"Look, they're so pale and the bags under their eyes were all dark," paliwanag niya pa.

"Baka nagpupuyat sa Wattpad at Netflix," suhestiyon ni Tutti. Nabaling naman si Queen sa kanya sa itsurang nagsasabing 'nagpapatawa ka ba?'

"May problema ba dine?"

Doon lang namin napansin na nakalapit na pala sa gilid ni Dean ang isang malaking lalaki na hindi naiiba ang itsura sa mga kasama.

"Mga bingi ba ka-"

"Pasensya na po. Naghahanap po kasi kami ng baboy na lilitsunin. Nagkaubusan kasi sa bayan tapos may nakapagsabi sa aming may mabibili raw po kami rito," putol kay Dean at magalang na paliwanag ni Rum sa lalaki.

"Meron nga kaming mga binebentang baboy dine. Bakit 'di niyo tingnan?"

Natango si Rum at binalingan kami sa backseat.

"Dito lang kayo. Kami na ni Dean ang lalabas," aniya at nagtanggal ng seatbelt saka binuksan ang pinto para bumaba na.

"Dean," tawag ni Tutti sabay tayo at lapit sa kanya na nagtatanggal ng seatbelt.

"Bilang food expert, I advise na 'yong malaking baboy ang piliin niyo. 'Yong hindi lang pang-pamilya, pang-isports pa. Isang buong basketball team kasi ang pinapakain ko," hayag ni Tutti sabay tapik sa tiyan na.

"Oo na, oo na. Baka mamaya niyan tao na ang kainin mo. 'Tong tiyanak na 'to," nakangiwing untag ni Dean saka lumabas na.

"Where are you going?" tanong ni Queen nang mapansin niyang binuksan ko ang pinto.

"Sasabihan ko si Dean na 'yong katamtaman lang na laki ng baboy."

Lumabas na ako at nilapitan ang dalawang kaibigan na nakikipag-usap sa lalaki. Pansin ko pang nakatingin ang lahat sa amin. May iilang nakangisi pa.

"Snow, balik ka na sa loob," banayad na sabi sa akin ni Rum, mukhang nababahala din sa atensyon.

"Saglit lang ako," ngiti ko sa kanya.

"Gaano ba kalaki ang gusto niyo?" tanong ng lalaki.

"Iyong pinakamalaki niyo," sagot ni Dean.

"Iyong katamtaman lang po. Kami-kami lang kasi ang kakain."

Kunot-noong nalingon sa akin si Dean.

"Hindi naman natin mauubos iyon. Isa pa, kung hindi naglilihi si inang ay hindi naman na tayo maglilitson."

"Problema ba 'yon? Imbitahin natin lahat ng mga kapitbahay niyo. Saka nandyan 'yong tiyanak. Uubusin niya 'yan."

Nang nabaling kami sa lalaki ay pansin kong nakatingin siya sa iba pa. Siguro naalarma dahil sa sinabi ni Dean na tiyanak.

"Kaibigan po namin iyong tinatawag niyang tiyanak. Pasensya na po," magalang kong paliwanag sa kanila.

Natango naman sila. Pinabalik na ulit ako ni Rum sa sasakyan. Sila na daw ang pupunta.

Maya-maya pa ay binuksan ni Rum ang compartment saka pinasok ni Dean doon ang malaking baboy na nakatali. Napatakip naman agad ng ilong si Queen. Isinara na nila iyon.

Nagpasalamat muna si Rum doon sa lalaki na natango naman saka siya sumunod kay Dean sa loob ng sasakyan. Habang nasa daan na kami pauwi ay biglang lumuhod si Tutti sa upuan niya at hinarap ang baboy sa likod saka inabot ito upang haplusin ang balat nito.

"I feel so sad for you. Naaawa ako pero para 'to sa ikabubuti ng lahat. Lagi mong tatandaan na isa kang magiting na baboy. Hindi ko makakalimutan ang pagsasakripisyo mo para maging isang litson," madramang sabi niya sabay punas sa kabilang kamay ng mga imaginary niyang luha.

Natawa ako maging sina Dean sa harap. Si Queen nangiti naman.

Pagdating namin sa bahay ay itinali namin ang baboy sa bakuran sa likod. Naghanda na din kami ng hapunan. Tuwang-tuwa si Tutti sa mga handang pagkain. Mayroong kare-kare, sinigang na hipon, mga mangga at maja blanca.

Pagkatapos naming kumain ay nagtulungan kaming lahat sa paghuhugas ng mga pinagkainan sa may poso. Nagpaalam si inang na mauuna nang magpahinga. Si itang naman inaya ang mga lalaking uminom kaya nandoon kaming lahat ng Charmings sa may kamalig.

Hiniram namin ni Tutti ang gitara ni itang upang magkantahan. Si Queen naman nagse-selpon lang.

"Anong kakantahin mo, Snow?" tanong ni Tutti pagkaupo namin sa may kamalig.

Nag-isip ako saglit bago sumagot.

"I Like You So Much, You'll Know It."

Natango si Tutti at nagsimula nang magstrum ng gitara. Napapatango ako bahagya habang ginagawa niya iyon.

Nabaling ako sa banda nina itang tapos nahuli ko si Dean na nakatingin sa akin habang hawak ang baso niyang may alak. Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin. Nangiti ako.

"I like your eyes, you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you wear
I like you more, the world may know but don't be scared
Coz I'm falling deeper, baby be prepared

I like your shirt, I like your fingers, love the way that you smell
To be your favorite jacket, just so I could always be near
I loved you for so long, sometimes it's hard to bear
But after all this time, I hope you wait and see..."

Muli akong nabaling sa banda nila. Nakatingin na naman siya sa akin pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya umiwas.

"Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know I can't quit you
Coz baby you're the one, I don't know how..."

Nagpatuloy lang din ako sa pagkanta habang nakikipagtitigan sa kanya.

"I love you til the last of snow disappears
Love you til a rainy day becomes clear
Never knew a love like this, now I can't let go
I'm in love with you, and now you know..."

Tama si Rum.

May nakakalamang.

And I want to give us a chance...

Because I still love him.

"Bert!"

Napatayo kaming lahat sa gulat sa sigaw ni inang. Mabilis namang tumakbo si itang papasok sa loob ng bahay na sinundan agad nina Rum at Dean. Kaming mga babae ay kaagad ding tumakbo papasok at paakyat ng pangalawang palapag.

Pagdating namin doon ay may kung anong kaagad na tumalon mula sa nakabukas naming bintana.

Kaagad na tumalon si Dean palabas ng bintana at hinabol iyon. Nabaling ako kay inang. May dugo sa tiyan niya at umiiyak siya.

Nawindang ako.

Anong nangyayari?

                • • • TUTTI • • •

AN UGLY CREATURE with sharp talons and a long tongue escaped through the window after almost eating the baby inside Tita Shiela's tummy.

Dean quickly ran after him. The creature's a dead meat, that's for sure. Snow stood there, still shocked at the scene.

"Mio Dio," Queen mumbled.

"Bert, 'yong anak natin..." Tita Shiela cried.

Rum checked on the matriarch.

"Kailangan po natin siyang dalhin sa ospital bago pa siya maubusan ng dugo."

He said the baby was untouched but still not safe along with Tita Shiela due to blood loss and further complication if she will not be rushed to the nearest clinic or hospital.

"Shh... tahan na. Dadalhin kita sa ospital," said her husband and carried her.

Lumabas sila ng kwarto at dali-daling tinungo ang pickup truck. Nakasunod ako sa kanila. Rum then turned to me.

"I will drive them to the nearest clinic or hospital. I will be back right after. Ayos lang ba sa'yong ikaw muna ang maiwan dito para kina Snow?" he asked me softly, worry still laced his voice.

"What are you worrying for?" I asked back. Something's bothering him.

"Aswang 'yon, doll. Masama ang kutob ko. Baka balikan tayo o sundan sina Tita Shiela ng mga kasama niya. Hintayin niyo muna si Dean."

I nodded and said, "'Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa kanila."

Tumango rin siya at mabilis akong hinalikan sa ulo.

"Babalik agad ako."

He went inside the pickup and assisted Tita Shiela while Tito Bert was driving.

Bumalik kaagad ako sa taas. Snow was crying while Queen was uncomfortably caressing her back. She's obviously not used to consoling people.

Umuklo ako sa tapat ni Snow at marahang hinawakan ang kamay niya saka siya nginitian.

"Snow, kasama na ng mga magulang mo si Rum. They will be fine. Magiging maayos na ang kapatid mo," I soothed her, coupling my tone and communication style with empathy.

Tumango siya at pinunasan ang mga luha niya.

"Si Dean? We have to find Dean," she remarked worryingly.

"What are we going to do now?"

Biglang pumasok sa nakabukas paring bintana si Dean na duguan ang mga kamay.

"Tanginang, mga aswang na 'yon! They sold themselves as fucking hogs then devour their customers at fucking night!"

Nagulat kaming tatlong mga babae.

"It was the pig we bought awhile ago?" I asked and he nodded.

Dapat pala kinatay na namin 'yon kanina pa.

"N-Nasa'n na siya?" tanong ni Snow.

Napabaling sa kanya si Dean.

"Wala na. Mambibiktima pa 'yon kapag binuhay pa."

He ended the creature's existence.

"Kamusta na si Tita Shiela? Ang kapatid mo?" he asked her.

"Sinamahan sila ni Rum papunta sa pinakamalapit na ospital o clinic. N-Nasugatan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Snow sabay lapit sa kanya.

Namilog ang mga mata ni Dean. Hindi niya ata inaasahan iyon. Napahawak naman ako sa mga pisngi ko habang nakangiti sa kanila sabay pilig ng ulo ko, kinikilig.

"Eww. You look like shit," Queen commented while looking ridiculously at me.

Napangiwi ako sa kanya.

"Ayos lang ako."

Natigilan kaming lahat nang may marinig kaming malakas na tunog na tila sigaw.

"Nasa'n na 'yong aswang?" tanong ko kay Dean.

"Nasa may gubat. Iniwan ko."

"Looks like his kind found his dead body," I remarked.

"Sabi ng mga matatanda sa amin kapag daw malakas ang tunog ng aswang, ibig sabihin malayo pa sila. Tapos kapag mahina na, malapit na," share ni Snow.

Malakas pa ang tunog na naririnig namin ngayon, ibigsabihin...

"Malayo- afatay," putol ko sa sasabihin sana nang biglang humina ang tunog.

"Stronzo! They're coming!"

"Relax, Queen. They messed up with the wrong customers," I smirked.

I PULLED THE monobloc chair outside the front yard. I sat on it and lifted my feet to rest them on the wooden bench. I whistled out of boredom.

Moments later, our most-awaited guests arrived. There were five of them, for now. They all looked mad and ready to devour us. I whistled louder.

"Pinatay niyo ang anak ko!" exclaimed the man who sold us his son. I laughed at that thought.

"Inunahan lang namin bago kami litsunin lahat."

"Magbabayad kayo!" he threatened furiously, matching it with some pulling of the wooden fences.

"Ang galing niyong mga negosyante. Nagkakapera kayo sa umaga tapos nabubusog kayo sa gabi. Great scam," I winked and made a gun-like gesture with my hand at him as I clicked my tongue.

"Sugod!" he ordered his fellows.

One female aswang jumped through the wooden fences, lunging towards me. I threw the fistful of salt I have in my other hand at her. She screamed so loud when that blinded her. I immediately summoned my shotgun.

"Sayonara," I remarked before shooting her.

                 • • • SNOW • • •

TUMAYO AKO MULA sa pagkakadapa sa bubungan at kumuha ng pana mula sa quiver sa likod ko at inasinta sa dibdib ang aswang na kasunod na pumasok n'ong nauna.

Muntik na nilang patayin si inang at ang kapatid ko. Hindi ako bayolenteng tao pero para sa mga mahal ko ay tatapangan ko ang sarili ko.

Sunod-sunod akong nagbitaw ng mga pana habang parami nang parami ang mga umaatake sa aming aswang. Lumabas na din si Dean at mano-manong nilalabanan ang mga sumusugod sa may bakuran. Mas gusto niyang manuntok at mangsipa kaysa gamitin ang weapon niya. Si Tutti ay hinahampas ng shotgun niya at sipa naman ang mga lumalapit sa kanya. Noong unang beses lang siya gumamit ng bala.

May isang aswang ang lumusong sa direksyon ko. Sobrang bilis niya na akala ko ay maaabot na niya ako nang tuluyan pero napahilata ito sa lupa nang tamaan ng dagger sa kaliwang mata.

"Why am I starting to like this?" sambit ni Queen habang pinapaikot sa isang kamay niya ang panibagong dagger.

Nangiti ako sa kanya at natango saka sabay kaming tumalikod sa isa't isa, backing up each other. Siya ang bahala sa kanan tapos ako naman sa kaliwa.

Kumuha ako ng mga pana at sunod-sunod na pinana ang mga aswang na lumalapit pa din.

"Gosh. I have to do my nails again after this," reklamo niyang nagpahagikhik sa akin.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Parang nag-ibang tao ako. Ang sarap pala sa feeling na maging matapang. Ang gaan sa pakiramdam na alam mong may ilalaban ka.

"Palitan niyo 'yong litson namin!" sigaw ni Tutti sa baba saka sinikmuraan ang aswang na nasa likuran niya gamit ang dulo ng shotgun niya at siniko ito sa panga.

"Fuck your dirty business!" bulyaw naman ni Dean sabay suntok nang pagkalakas-lakas sa sikmura ng isang aswang na kaagad namang sumuka ng dugo.

May isa pang mabilis na lumusong sa banda ko. Kumuha ako ng pana at tinusok iyon sa leeg niya dahil hindi ko na iyon nailagay sa bow ko sa bilis niya.

Mabilis namang nagliliparan ang mga dagger ni Queen patama sa mga aswang sa bahagi niya.

Habang lumilipas ang mga sandali ay lumiliit na ang bilang ng mga aswang hanggang sa huling sinuntok ni Dean sa mukha ang lalaking nagbenta ng baboy sa amin. Ito ang nagsisilbing leader nila. Tanggal ang mga ngipin nito sa lakas kasabay nang pagkaka-deform ng mukha nito.

Sabay kaming bumaba ni Queen mula sa bubungan at sinamahan sa baba sina Tutti at Dean na nakaupo at sandal sa harapan ng bahay namin. Ang bangkay ng mga aswang ay unti-unting nagiging abo na hinihipan naman ng hangin.

"'Wag nating tanggapin ang mga tanginang beast na 'to sa Overlook," bulong ni Dean saka pumikit, hinihingal pa.

Nabaling ako kay Tutti nang kalabitin niya si Queen sa braso na nasa kaliwang tabi niya.

"Alam kong dala mo ang cellphone mo. Pakitingnan mo naman kung anong oras, please."

Nangiwi si Queen pero hinugot din ang cellphone mula sa bulsa niya at binuhay.

"It's 12:15 am."

"Alamak! Birthday mo na, Snow!" hayag ni Tutti.

"Dean, gising. Kantahan natin si Snow ng happy birthday," alog niya sa kanang katabi.

Napamulat si Dean dahil doon at umayos ng upo.

"Sabay-sabay tayo ha. Kumanta ka rin, Queen."

"Tsk."

"Hap-" panimula ni Dean nang biglang kumanta nang malakas si Tutti sabay palakpak.

"Saengil chukha hamnida
Saengil chukha hamn-" natigil sa pagkanta si Tutti nang takpan ni Dean ang bibig niya.

"Tangina ka talagang tiyanak ka, e."

Patuloy pa din sa pag-hum at palakpak si Tutti kahit na tinakpan na ni Dean ang bibig, mas lalong iniinis pa ang kaibigan namin.

Natawa na lang kami ni Queen habang nanonood sa kanila. Nangiti ako maya-maya pa.

Kahit ganito lang, kahit walang litson o anumang handa basta ligtas na ang pamilya ko at kasama ko ang Charmings ay masaya na ako sa birthday ko.

illinoisdewriter

You're making me smile by hitting the star button and sharing your thoughts. Sayonara mates! 💚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top