Episode 24: Rainbow Sunshine (Part 3)

Episode 24: Rainbow Sunshine (Part 3)

                 • • • QUEEN • • •

GANGIS VENERACION LOOKED expectantly as Rum ushered him to sit down to the couch.

"Si Theodore?" he asked while looking around.

Nagkatinginan kaming lima. The man looks eager to meet his kababata. Maya-maya pa ay naglakas loob na si Rum na magsalita.

"I'm very sorry to break this to you, Mr. Veneracion but... Mr. Salvacion had been dead for three years now."

Gangis stilled, surprised to hear that.

"Pero may iniwan siyang sulat para sa iyo," ngiti ni Rum sabay lahad ng sulat kay Gangis.

Nanginginig ang mga kamay na kinuha iyon ni Gangis. We noticed how his eyes glimmered with unshed tears until he covered his mouth with his hand to impede his sobs from coming out.

"Teo..." he whispered with shaking voice.

My brows furrowed. Why was he reacting this way?

They're childhood friends I get it but why was he being this so dramatic?

"H-hindi man lang siya nagsabi sa a-akin..."

Gangis unsealed the letter and read it. He was sobbing all throughout with his hand still on his mouth to stop himself from crying out loud.

When he was done, he covered his face with both hands then he cried.

"I-I read his letter..." Snow whispered.

Napatingin din si Tutti sa kanya. Hinila ko silang dalawa paalis doon at papunta sa kwarto namin. I'm sure Snow was telling the truth because she has sharp eyes and she stood just half a meter beside Gangis. I need to know what is it.

"Spill it," I ordered after closing the door.

Snow sat on the couch. Tutti and I remained standing. She smiled weakly at us.

"Hindi ako tulad mo na may matalas na memorya kaya iyong matatandaan ko lang ang ibabahagi ko."

Tinanguan ko siya. Ginaya rin ako ni Tutti.

"Sa aking matalik na kaibigan at lihim na sinisinta. Kapag ito ay iyong nabasa marahil ako ay wala na sa mundo. Noong gabing umamin ako sa'yo ay alam kong huli na ang lahat sapagkat kinabukasan na ang iyong nakatakdang kasal. Paumanhin kung hindi man lang kita naipaglaban pero nais kong malaman mo na ako ay dumalo ng araw na iyon. Mula sa malayo ay natanaw ko na hindi naikubli ng matamis mong ngiti ang pighati ng iyong mga mata. Nais kitang lapitan at yakapin at sabihing nandito lang ako at magiging masaya tayo..."

Napasinghap si Snow. Her eyes were starting to glisten with tears.

"Pero hindi ko nagawa. Paumanhin mahal ko kung naduwag ako. Naduwag ako sa ideyang panghabambuhay tayong hindi tatanggapin ng iyong pamilya, ng aking ina at ng ating lipunan. Gusto kong malaman mo na pinalaya man natin ang isa't isa sa mga oras na yaon ay hindi ko nilibing sa limot ang damdamin ko para sa iyo. Ikaw ay tunay na napakabuti at ang iyong kagandahan sa aking mga mata ay isa sa mga espesyal na bagay na hindi lubusang mauunawaan ng karamihan kasabay ng ating pagmamahalan..."

Napayuko si Tutti pero hinayaan naming magpatuloy si Snow.

"Lumipas ang mga panahon, bumuo tayo ng sari-sarili nating pamilya at nagkaroon ng mga apo. Alam at ramdam ko sa mga sandaling yaon na sa ating paghihiwalay ay nakaranas tayo ng kasiyahang sa iba natin natagpuan. Masaya ako para sa'yo at sa lahat ng mga naabot mo sa buhay. Nais kong ipaalam sa iyo na kahit sa aking mga huling hininga ay hindi kita malilimutan. Hindi ko makakaligtaan na minsan sa aking buhay ay dumating ang isang tulad mong magtuturo sa akin kung paano magmahal nang totoo..."

Snow smiled at us, a tear escaped from her eye.

"Ikaw ang nagpatunay sa akin na ang pag-ibig ay walang pinipiling edad, estado sa buhay, kulay ng balat at kasarian. Maraming salamat, Gan. Maraming salamat sa iyong kabutihan, pagmamahal at sa liwanag na ibinigay mo sa aking buhay. Mahal na mahal kita, aking sunshine..."

Silence enveloped the three of us after that.

I couldn't put into words the feelings I have after that. That letter was just so full of honesty, gratitude, and love.

I looked up to prevent my tears from falling.

I felt ashamed of myself for not believing before that love transcends that kind of boundary. It made me aware now that love is love no matter who or what you are. It made me understand that the possibilities of love go beyond gender.

"Bakit gan'on? Mali ba 'yong pag-ibig nila? Nagmahal lang naman sila, ah," Tutti whispered, more like to herself.

"Some people don't get to understand the kind of love they shared," said Snow.

Pinunasan ni Snow ang kanyang mga luha at nginitian kami.

"Pero kung minsan kasi kahit gaano natin kamahal ang isang tao ay hindi siya ang talagang para sa atin," aniyang mas nagpatahimik sa aming lahat maging sa kanya nang matanto iyon.

Tahimik na tumango si Tutti kalaunan.

"We shouldn't keep the love that isn't truly meant for us," she remarked.

"Kahit pa masakit ang magpalaya," she added.

That...hits me.

WE ACCOMMODATED THE Veneracions when they came back here at the Overlook with Gangis' remains.

Kasama na ang asawa ni Gangis na nagtungo rito na si Helen. She was this fine and smiling kind old woman. Balita ko ay napapabilang siya Council of Magistel o 'yong grupo ng mga makapangyarihang Fandralls sa Abseiles, isang mahiwagang mundo.

"Maaari ko bang makita ang aking asawa?" she asked Rum without removing her gentle smile.

Rum nodded politely and ushered her and the rest of the Veneracion family to the Gold Room where Gangis was actually waiting for them.

"Gangis..." naluluhang tawag nito sa nakatalikod na asawa.

Gangis turned around and smiled warmly at his wife who rushed to him for a tender hug.

"Kamusta ka na, mahal? Hindi mo ba pinababayaan ang iyong sarili?" the old man asked her softly.

"Patawarin mo ako, mahal. Hindi kita nagawang bigyan nang maayos na libing sa Abseiles. Kung nais mong dito mahimlay ay tutuparin ko iyon."

Sinapo ni Helen ang mukha ni Gangis at nginitian ito.

"Naroroon parin ba siya? Alam na ba niya ang nangyari sa iyo?" makahulugang tanong ng ginang.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan pa ni Gangis ang mga luha sa pag-agos.

"Gangis..."

Mabilis na niyakap muli ni Helen ang lumuluhang asawa.

"Wala na siya, Helen. Wala na si Teo. Tatlong taon na. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya..." he cried on his wife's shoulder.

The kind old woman hushed him as she stroked his hair.

My heart wrenched at this scene once again.

Alam ni Helen.

She knew about Gangis and Theodore's love.

Pero hindi siya nagalit o nagtanim man lang ng sama ng loob.

She accepted him still and wholeheartedly.

Naiinggit ako.

That...that is kind of love I want to have.

                 • • • SNOW • • •

RAMDAM KONG HALOS lahat kami ay nabigla sa nalaman.

Ma'am Helen knew about Sir Gangis and Theodore's love but she accepted it. She accepted them.

"Dad..." naluluhang tawag ni Ellen at nilapitan ang ama para sa isang yakap.

"Grandpa..."

Sumunod din sina Winona at Ma'am Thea. Niyakap sila ng sabay-sabay ni Sir Gangis. Nag-iyakan sila.

"Dad, who's Teo?" tanong ni Ma'am Thea pagkabuwag sa yakapan nila at nang mambawi.

Nagkatinginan sina Ma'am Helen at Sir Gangis.

Hindi alam ng mga anak nila.

Nangiti si Ma'am Helen at tinanguan ang asawa na tila ba hinihikayat itong umamin.

Sir Gangis smiled gratefully then he turned to his daughters and grandchild.

"Si Teo... Siya ang kababata ko mula sa hacienda na mahal ko," aniya.

Natigilan saglit si Ma'am Thea pero bumawi din ng ngiti.

"Ah, I get it. Brotherly love. Where is he now?"

Nagkatinginan ulit sina Sir Gangis at Ma'am Helen. Para siyang nanghihingi ng lakas loob. The wife then smiled encouragingly at him to continue.

"I love him... the way I love your mother."

Napawi ang ngiti ni Ma'am Thea.

"What do you mean, dad?"

Kuminang dahil sa nagbabadyang mga luha ang mga mata ni Sir Gangis.

"Dad, anong ibig mong sabihin?" ulit ni Ma'am Thea.

"Mahal ko si Teo gaya ng pagmamahal ko sa nanay niyo..."

"How's that happened?" tanong ni Ma'am Thea sa mataas na boses sabay pameywang ng isang kamay.

Napasinghap si Sir Gangis nang mabatid ang namumuong galit sa boses ng panganay na anak.

"A-anak... bakla ako..." hikbi ng ginoo.

Napatakip ako ng bibig gamit ang isang kamay at pinigilan ang nag-aambang mga luha.

Alam kong hindi magiging madali ito para kay Ma'am Thea pero nauunawaan ko din kasi ang nararamdaman ni Sir Gangis.

All his life, he hid this truth. He hid who he really was even to his death.

Ngayon lang siya nagpakatotoo sa harapan ng pamilya niya at sa sarili niya.

Nawindang ang kanyang mga anak at apo sa narinig lalo na si Ma'am Thea. Hilaw na natawa ang huli nang may natanto.

"Kaya ba... Kaya ba... Thea ang pinangalan mo sa akin?"

Matalim niyang binalingan ang ama. Galit na galit na may halong pandidiri ang kanyang mga tingin dine.

"Kaya ba Thea ang pinangalan mo sa akin?! Sinunod mo sa pangalan ng mangingibig mo?!"

"Thea..." humihikbing sambit pa din ni Sir Gangis.

"Sumagot ka, dad!" galit na duro ni Ma'am Thea sa ama.

Tumango si Sir Gangis. Lumapit siya at sinubukang hawakan ang anak subalit mabilis nitong hinawi ang kanyang kamay.

"W-wag mo akong hahawakan."

"Anak, sorry. Sorry kung ganito ako. Hindi ko naman sinasadya..." pagsusumamo ni Sir Gangis.

"W-wag kang lalapit sa akin. 'Wag na 'wag mo akong hahawakan. Nakakadiri ka..." maanghang na usal ni Ma'am Thea.

Natigilan si Sir Gangis at napaawang ang bibig sa narinig mula sa anak.

"Hindi ako makapaniwalang naging ama kita. Pumatol ka sa kapwa mo lalaki! Hindi ka ba kinikilabutan sa sarili mo? Tingnan mo kung gaano ka kanakakadiri, dad! Ang tanda-tanda mo na pero bakla ka! Nakakaawa ka..."

Sinapo ni Ma'am Thea ang pisnging nasampal ng kanyang ina.

"Mom..." dalo nang umiiyak na si Winona sa ina.

"Thea, tumigil ka na! Ama mo parin siya kaya magpakita ka ng respeto sa kanya!"

"Respeto, mom? Talaga?! Nirespeto niya ba tayo, nirespeto ka ba niya nang magmahal siya ng iba at sa kapwa lalaki niya pa talaga?! Alin ang karespe-respeto roon, mom?!" sigaw ni Ma'am Thea.

Muli siyang sinampal nang lumuluha na ding ina.

"Kung hindi mo siya marespeto bilang lalaki at bilang ama mo, respetuhin mo siya bilang isang tao..." iyak ni Ma'am Helen.

"Buong buhay niya, Thea, nilaan niya sa atin! Lahat ng paghihirap at pag-aaruga niya sa inyo ni Ellen ay tinapon at kinalimutan mo dahil lang dito? Hindi mo ba nakikita? Tayo ang pinili niya. Isinakrispisyo niya ang sariling kaligayahan niya, itinago niya kung sino talaga siya hanggang sa mamatay siya dahil ayaw niya kayong masaktan... Ayaw niyang pandirihan niyo siya... Ayaw niyang kamuhian niyo siya..."

Napasinghap ako at tahimik na lumuha sa isang tabi habang nanonood sa kanila.

Natingin ako sa kamay na marahang humahagod sa likod ko upang patahanin ako. Nangiti si Rum sa akin saglit bago nabaling sa harapan ulit.

"Hindi niya tayo iniwan. Hindi niya tayo pinagpalit. Hindi niya tayo pinabayaan hanggang sa kahuli-hulihang hininga niya. Gusto niya lang naman ng pagtanggap niyo. Gusto niya lang ng kapatawaran niyo. Bakit hindi mo iyon maintindihan? Bakit hindi mo iyon makita?"

"So, ayos lang sa'yo 'to, mom? Ayos lang sa'yo na dalawa kayo? Ayos lang sa'yo na bakla ang asawa mo?!"

Napailing si Ma'am Helen sa sinabi ni Ma'am Thea.

"Hindi mo nga siya naiintindihan. Tanda mo noong bata ka, tuwing nilalagnat ka? Sinong nag-aalaga sa'yo? Hindi ba ang baklang 'to?!" turo ni Ma'am Helen kay Sir Gangis.

"Sa tuwing, nasasaktan ka dahil iniwan ka ng mga naging nobyo mo at asawa, sinong laging dumaramay sa'yo? Hindi ba ang bakla rin na 'to?! Noong nahihirapan kang magpalaki kina Davica at Winona nang mag-isa, kanino ka lumalapit at humihingi ng tulong at suporta? Hindi ba sa baklang 'to?!"

Natahimik si Ma'am Thea pero nanatili ang kanyang matatapang na titig sa ina.

"Pero nasaan ka noong gusto ka niyang makita? Nasaan ka noong humiling siya na puntahan mo noong huling araw niya? Nasaan ka?! Wala ka!"

"Bakit... Bakit ang lakas ng loob mong manumbat at pandirihan ang taong nagpalaki, kumalinga at nagsakripisyo ng malaki para sa'yo?! Para sa atin?! Para sa pamilyang 'to?!"

"Oo at dalawa kaming mahal niya pero gusto kong malaman mo na niminsan, hindi niya ipinaramdam sa aking may kahati ako. Dalawa man kami sa puso niya pero minahal niya ako ng buo. Minahal niya tayo ng husto!" sigaw pa ni Ma'am Helen.

Napatakip si Sir Gangis sa kanyang bibig at napaupo sa sahig.

"Sorry, sorry talaga, anak. Sorry kasi ganito ako. Ganito ang tatay mo. Maiintindihan ko kung mandidiri ka sa akin. Ayos lang kasi kasalanan ko naman. Sorry."

"Dad..." hikbi ni Ma'am Ellen at dinaluhan ang ama.

"Walang kasalanan ang tatay mo, Thea. Iyong sakripisyo niya sobra-sobra pa kapalit ng mga panlalait mong ito sa kanya. Ngayon, kung hindi mo talaga siya matanggap bilang siya, sana makita mo rin na hindi ka karapat-dapat sa mga sakripisyo at pagmamahal niyang ibinigay sa'yo," wika ni Ma'am Helen bago tumalikod at nilapitan si Sir Gangis.

Naestatwa si Ma'am Thea sa kinatatayuan niya. Maging si Winona ay dinaluhan na din ang lolo niya at niyakap.

Nasasaktan ako para kay Sir Gangis.

Masakit na kahit sariling pamilya mong pinaglaanan mo ng iyong buong buhay ay hindi magawang maintindihan at matanggap ang totoong ikaw.

Nang humupa ang tensyon ay naunang umalis sina Ma'am Thea at Winona. Maayos na nagpaalam sina Ma'am Helen at Ma'am Ellen sa amin at kay Sir Gangis. Babalik daw sila bukas para sa unang vigil ng ginoo.

Naglalakad kami papunta sana sa lobby nang mapansin naming bukas ang Simulation Room. Nagkatinginan kaming mga Charmings. Kasama pa namin si Sir Gangis.

"Tol, binuksan mo ba 'yan?" tanong ni Dean sabay baling kay Rum na umiling naman.

"Hindi pero sa tingin ko may gustong ipaabot sa atin ang kwartong 'to."

Lumapit si Rum sa pinto at mas nilakihan ang pagkakabukas niyon. Nakatalikod siya sa amin kaya siya lang ang nakakakita ng nasa loob niyon.

I saw how his mouth slightly opened. Tinikom niya iyon at tiningnan kami mula sa kanyang balikat.

"Sir Gangis, someone is waiting for you inside," he remarked with a smile.

Naunang pumasok si Rum saka naman nasunod sa kanya si Sir Gangis tapos kaming apat na natitira.

Namilog ang mga mata ko sa bumungad sa amin doon. Isang matandang lalaking nakahiga sa may hospital bed niya at may oxygen tank sa gilid.

"T-Teo..." gumaralgal ang boses na tawag ni Sir Gangis.

This is Theodore Salvacion!

Nakatayo kami sa may pinto banda tapos si Sir Gangis ay lumapit na sa may gilid ni Sir Teo.

Nanghihina na ito at matanda na din. Nadinig ko kanina na namatay daw si Sir Theodore sa pneumonia at may komplikasyon din ito sa puso.

"Teo..." marahang tawag ulit ni Sir Gangis dine sabay hawak ng isang kamay nito.

Dahan-dahang iminulat ni Sir Teo ang kanyang mga mata. Napansin namin ang pagngiti nito nang masilayan si Sir Gangis.

"G-Gan... I-ikaw ba yaan?"

Napatakip si Sir Gangis sa kanyang bibig upang pigilan ang kanyang hagulgol saka tumango.

"Oo, ako 'to. Si Gangis."

"N-natutuwa akong makita ang liwanag mo bago ako tuluyang pumanaw..." ngiti nito.

Nasa nakaraan kami. Sa huling araw ni Sir Teo.

"Shh... 'Wag ka nang magsalita. Mahihirapan ka lang."

"P-proud ako sa'yo..." anito at hinawakan nang mas mahigpit ang kamay ni Sir Gangis.

"Ako rin... Ako rin, Teo."

"K-kung babalik tayo sa n-nakaraan ay uulitin ko ulit ang g-ginawa ko... Pakakawalan kita kahit pa masakit kasi alam kong matatagpuan mo rin ang kaligayahang tunay na nakatadhana sa'yo."

Napahagulgol na si Sir Gangis sa sinabi nito.

Alam kong...ganoon din ang gagawin niya.

Mahal na mahal nila ang isa't isa pero kasi kung minsan may mga taong kahit gaano natin kamahal ay hindi naman tunay na para sa atin.

Natingin ako saglit kay Tutti na tahimik na nasandal patagilid sa pader. Nasa likod niya si Rum na nakapatong ang isang kamay sa ulo niya, marahang tinatapik iyon.

Tama siya.

We shouldn't keep the love that is meant for others.

Kahit masakit pa.

Nabaling ulit ako sa harapan. Nakaupo na si Sir Gangis sa gilid ng kama ni Sir Teo.

"Maraming salamat, Teo. Maraming salamat, sunshine..." saad niya sabay ngiti dine.

"N-natatandaan mo ba yaong kanta n-natin?"

Natango si Sir Gangis at kasabay ng pagpatak ng panibagong mga luha niya ay sabay nilang inawit ang awitin ng kanilang mga puso.

"You are my sunshine..."

Natingin kaming mga Charmings sa gilid namin kung saan may eksenang tila kuha mula sa makalumang pelikula na kulay kupas na brown ang paligid.

May dalawang batang lalaki doon na kumakanta habang magkahawak ang mga kamay na naglalakad sa may palayan.

"My only sunshine..."

Tapos nagbago naman ang tagpong iyon sa parehong dalawang lalaki pa din subalit binata na sila sa panahong iyon.

Ang binatang kamukha ni Sir Teo ay lumuluha habang hawak-hawak ang sako ng bigas at suot ang karaniwang damit ng mga magsasaka.

May ibinabang cake ang binatang kamukha ni Sir Gangis sa gilid nito na may kandila pang nakasindi.

Birthday ni Sir Teo.

Nag-angat ng tingin si Sir Teo at namilog ang mga mata nang makita si Sir Gangis na nangiti naman sa kanya.

"You make me happy when skies are grey..."

Muling bumungad ang panibagong eksena sa gilid namin. Nasa likod ng isang puno sa gilid ng simbahan nagtatago si Sir Teo. Lumabas ang bagong kasal na sina Sir Gangis at Ma'am Helen.

Nangiti si Sir Teo pero kasabay din niyon ang pagbuhos ng kanyang mga luha.

"You never know dear how much I love you..."

Naglaho ang mga pasilip na iyon sa buhay nila kaya humarap na kami sa dalawa.

"Please don't take my sunshine away..."

Nangiti sa huling pagkakataon si Sir Teo bago pumikit. Inilapit ni Sir Gangis ang likod ng palad nito sa pisngi niya at humagulgol na para sa lihim na sinisintang tuluyan nang namaalam.

Sinapo ko ang dibdib sa nasaksihan.

Hindi ko mawaring nakaya nilang palayain ang isa't isa kahit pa mahal na mahal nila ang isa't isa.

They proved that loving means letting go, means setting your loved one free.

Oo, masakit.

Pero...pero may kakaibang ginhawa at sayang naidudulot pala ito na kung minsan ay hindi natin aakalaing mararamdaman natin.

Saludo ako sa pagmamahalang ipinamalas nina Sir Gangis, Sir Teo at Ma'am Helen.

NANGITI AKO NANG yakapin ni Ma'am Thea nang mahigpit ang tatay niya pagdating niya sa Overlook kinabukasan.

Humagulgol ito habang humihingi ng tawad sa ama. Naliwanagan na daw siya sa mga nangyari.

"I'm sorry, dad. I'm so sorry kasi napaka-selfish ko. Puro na lang ako. Hindi ko man lang naisip ang nararamdaman niyo sa loob ng maraming taon. I'm so sorry, dad," paghingi niya ng tawad dine.

Nangiti si Sir Gangis at nangintab ang kanyang mga mata sa mga luha ng kasiyahan sa pagkakataong iyon. Niyakap niya nang mahigpit ang anak.

"Tahan na, Thea. Ayos lang, naiintindihan ko. Maraming salamat, anak..."

Sumama na din sa yakapan sina Ma'am Ellen, Winona at ang ate nitong si Davica.

Nangiti naman habang maluha-luha si Ma'am Helen habang nanonood sa kanila.

Suot-suot ang mga uniporme namin sa araw ng libing ni Sir Gangis ay binigay namin ng buong puso ang serbisyo ng funeral home namin sa mga Veneracion.

We're having a Valentino black and white beaded silk organza gown as female uniform for this service. Nakalugay naman ang mga buhok namin.

Ang mga lalaki naman ay nakaputing dress shirt na bukas ang dalawang unang butones at itim na coat at slacks.

Habang nagbibigay ng mga tsaa at biko sa mga bisita ay napansin ko ang palagiang paglapit ni Ms. Davica kay Rum.

Maganda si Ms. Davica at may mahabang itim na buhok at talagang sexy tingnan sa suot nitong puting sweetheart neckline sheath dress at itim na blazer. Sa tuwing sinasadya niyang yumuko ay nakikita ko ang cleavage niya. Naiinis tuloy si Queen kaya panay ang hatak palayo kay Rum doon pero lumalapit lang ulit ito.

Lumalapit din si Rum kay Tutti na lumalayo lang sa kanya sabay tapon pa ng mga matatalim na tingin kung nahuhuli nitong sumusunod siya. Nahihiyang napapakamot na lang tuloy si Rum ng batok.

Nabaling ako kay Dean nang matawa siya bigla nang mapansin din iyong dalawa.

"Ang gwapo mo kasi, Rum!" pang-aasar ni Dean sabay tawa ulit.

Nang mabaling siya sa akin ay nagkatinginan kami. Masaya akong ganito na kami ngayon. Nangiti ako sa kanya tapos bigla siyang namula at naiwas ulit ng tingin.

Nangiting nailing na lang ako sa inaasta ni Dean. Gulat akong nag-angat ng tingin sa kanya nang kuhanin niya ang dala kong tray.

"Ako na," aniyang hindi pa din tumitingin sa kin.

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang natango sa kanya.

PAGKATAPOS NG FUNERAL ni Sir Gangis ay binati kami nina Ma'am Helen, Ma'am Thea at Ma'am Ellen para sa serbisyo namin. Magalang naman silang pinasalamatan ng funeral director namin, ni Rum.

Huminto si Ms. Davica sa tapat ni Rum. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya. Ang ganda niya, parang modelo talaga.

She held him by his forearm, slowly caressing it. She then slid her calling card inside the pocket of Rum's coat. Dinig ko ang malakas na pagsinghap ni Queen sa gilid ko nang bahagya pang hawakan nito ang dibdib ni Rum. Tapos nilapit niya ang bibig sa tenga ng kaibigan ko.

"Call me," she whispered and kissed his cheek.

I heard Tutti silently hissed at my back. Natawa na naman si Dean.

"Nagta-transform na 'yong tiyanak," aniya.

Maagap na hinawakan ni Rum sa magkabilang balikat si Ms. Davica at bahagyang nilayo sa kanya. Nakasuot ng mataas na heels ang babae pero mas matangkad pa din si Rum dine kaya nailayo niya agad ang mukha ng subukan siyang halikan ulit nito pero sa labi naman.

"Excuse me, can you just leave? He's not part of the services we're offering here."

Gulat akong nabaling kay Tutti na naniningkit pa din ang singkit ng mga mata. Mas lumakas ang tawa ni Dean.

Ms. Davica smirked then turned to Rum again.

"Ms. Davica, just give us a call if you want to avail our funeral service again," Rum told her politely.

"How about your service?" she smiled seductively.

Nagulat kami doon maging si Rum.

"Aren't you too old for him to flirt?" inis na tanong bigla ni Queen.

"I'm just twenty-four and my dearest Rum here will be turning twenty-one soon, not really a huge gap. And let me tell you also if you still haven't heard it yet, dear. Age doesn't really matter," Ms. Davica teased then she winked at Rum before finally exiting.

"Mag-maskara ka nga sa susunod na service natin, Rum. Nanggigigil ako sa'yo, e," saad ni Tutti nang lagpasan kami upang pumasok sa Overlook.

Natawa si Dean tapos nagulat si Rum noong una pero nangiti na lang din habang nailing.

                 • • • TUTTI • • •

I SLOWLY BLINKED my eyes open when I felt the fingertips gently caressing my cheek.

Nakatulog ako sa may lobby pagkatapos ng paghahatid namin kay Gangis sa kabilang buhay. Nakapatong ang ulo ko sa mga braso kong nasa coffee table habang nakaupo sa may sahig.

"Rum..."

He smiled at me as he cupped my cheek.

"May kailangan ka?" tanong ko sa kanya.

He stared at me without removing that beautiful smile off his equally beautiful face.

Kaya nga ipagmamaskara ko 'to sa susunod, e.

"I just want you to know, doll, that..." he trailed off.

"You are my sunshine," he resumed and I felt myself smile.

Just like how Gangis was to Theodore.

illinoisdewriter

A/N:

I really have a soft spot for closeted old gay men. Ang karamihan kasi sa kanila ay tumanda na lang na tinatago parin ang sikretong ito tungkol sa mga sarili nila dahil natatakot silang hindi matanggap ng mga pamilya nila at ng lipunan. That reality is so disheartening for me.

Now, may tanong ako sa inyo. Gusto kong malaman ang sagot niyo haha. Sinong pinakagusto niyo sa mga babaeng lead at bakit?

Coco will make an appearance on the special chapter next update. See you mates!

Please vote, comment, and share! 💙

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top