Episode 23: Rainbow Sunshine (Part 2)

Episode 23: Rainbow Sunshine (Part 2)

                 • • • TUTTI • • •

I HAVE TO look professional, at least. This is why I decided to wear a pink floral Adrie top with its matching Adelaide skirt to make it look like a maxi dress. Pinalantsa ko ang blond kong buhok then I slipped the white stilettos on my feet.

I turned around with the full body mirror in front of me. When I stopped,  I then danced the chorus of Ddu-du Ddu-du.

"Hit you with that ddu-du ddu-du du. Aye aye..." I sang while dancing.

"Is she fine?" I heard Queen asked Snow.

"Basta ganyan siya, alam kong ayos lang siya," Snow responded, knowing me so well.

I spun around and clapped my hands, acting like the boss.

"Girls, girls, girls, let's get down to the business!" I ordered and laughed later on when I realized how odd I sounded.

Queen grimaced while Snow giggled.

We went downstairs and waited for our client's family to arrive.

I hope they bring some sort of food offering.

A few moments later, our most-awaited guests arrived. We ushered them to the lobby.

"Win, I told you already. You shouldn't come with us here. Look at you," puna ng sopistikadang ginang na naka-corporate attire sa anak na buntis.

"Mom, I just want to see grandpa. Namimiss ko na siya," malumanay na sagot ng babae.

"Ate, hayaan mo na. The mortician who called us last night told us we can see him," baling ng babaeng kapatid ng nanay ni Win. Simple lang siya manamit at mukhang mabait.

"Madames, you may take your seats right here," I stated while showing them the couch and then they settled there.

"Thank you, Tutti. I'm Ellen Veneracion," pakilala ng babae sabay lahad ng kamay niya sa akin.

She must have read my nameplate. She's an old maiden. That's my assessment with her language use. Veneracion, her maiden's surname and the pride and contentment in her tone and voice told me that she's happy being single.

I smiled and took her hand for a shake.

"Nice meeting you, Madame Ellen Veneracion. Hope you don't mind if I correct you, it's Tu-shay and not Tu-ti," I remarked politely.

She smiled and retorted, "Oh, I'm sorry and it's okay. I understand."

"Welcome to Charmings' Funeral Home, Madame..." I trailed off, waiting for the sophisticated woman to introduce herself while I offered her my hand.

"Thea Veneracion and this is my daughter, Winona," she answered as she took it.

I smiled and nodded at them both courteously.

I offered them the seats again then we began discussing about the funeral of their beloved one.

"Don't worry about his remains. My mother will take care of it when she comes here," Thea informed me.

"Thank you," Ellen thanked Snow who laid the cheesecakes and orange juices on the coffee table.

I blinked three times.

Nadi-distract ako roon.

                 • • • SNOW • • •

IBINABA KO NA ang mga meryendang hinanda ko para sa mga bisita sa coffee table.

Nakagat ko ang labi habang ginagawa iyon upang pigilan ang sarili ko sa paghagikhik dahil nasunod ng tingin doon si Tutti sa bawat baba ko.

"Snow," tawag niya sa akin.

Nangiti ako sa namumungay niyang mga mata habang nangiti din siya sa akin, nanghihingi din ng meryenda niya.

Nabilin si Rum sa akin na bantayan si Tutti sa gagawin kaya paalalahan ko siya.

"Nasa kusina ang sa'yo pero mamaya ko na ibibigay kasi may trabaho pa po kayo, boss," paalala ko sa kanya.

Tila natauhan naman siya kaya hinarap niya ang mga bisita at kinausap muli. Nadinig ko pang sabi ni Ma'am Thea na ibigay daw namin ang pinakamahal na serbisyo namin para sa funeral ni Sir Gangis dahil hindi problema ang pera sa kanila.

Nadinig ko din si Tutti na nabulong dahil doon ng, "Sanaol."

Napahagikhik ako at tinungo na ang kusina. Pagbalik ko sa lobby ay naabutan ko sina Ma'am Thea, Ma'am Ellen at si Winona na natayo na para umalis.

Hindi pa kasi nila pwedeng makita si Sir Gangis dahil hindi sila pwedeng pumunta sa third floor dahil wala ang funeral director namin na si Rum. Hindi din pwedeng makalabas si Sir Gangis doon nang wala si Rum para masiguro naming magiging maayos ang lahat.

"You may come back here tomorrow, madames. Our funeral director will be available by then so that you can see Mr. Gangis Veneracion," paliwanag ni Tutti sa mga bisita.

Natango sina Winona at Ma'am Ellen. Si Ma'am Thea naman mabilis na nilayo ang sarili niya sa usapan at sinagot ang tumawag sa kanya. She seems to be a very busy woman.

Hinatid namin sila hanggang sa parking lot ng Overlook.

"Finally!" sambit ni Queen pagpasok agad namin sa Overlook.

"I need my beauty rest so, you two should stay away from my personal space for the meantime," paalala niyang nagmistulang banta sa amin.

"Opo, mahal na reyna," tudyo naman ni Tutti.

"Good."

Pumasok na si Queen sa kwarto namin upang magpahinga. Natingin naman ako kay Tutti nang kumapit siya sa braso ko at nangiti.

"Meryenda ko please," pagpapacute niyang mahina kong tinawanan.

"Dahil good job si boss namin ngayon ay gagawin kong dalawa ang cheesecake mo."

Namilog ang singkit niyang mga mata at kaagad na natakbo sa kusina.

PAGDATING NINA RUM at Dean ay kaagad kaming naghanda. Tutungo kasi kami sa Hacienda Veneracion sa may Probinsya ng Tanjay na isang oras ang layo mula sa Overlook. Hahanapin at dadalhin kasi namin padine si Theodore Salvacion.

Sabi ni Rum ay doon na din daw muna kami magpapalipas ng gabi at tutulak na lamang pabalik kinaumagahan para sa kanya-kanyang mga klase namin sa tanghali. He said Ma'am Ferrer and Yorme had given us their time to work on this service.

Naghanda na kami ng mga babae sa dadalhin namin. Nabihis din kaming tatlo. Si Tutti nasuot ng stripe balloon sleeve oversized sweater at mom jeans saka puting sneakers. Nakatali pa-headband ang black silk na laso sa ulo niya saka may dala siyang itim na backpack. Si Queen naman naka-fleece na red sweater na may printang logo ng Chanel sa gitna at itim na pants saka flats na tiyak kong mamahalin din. May dala-dala din siyang maliit na Chanel quilted backpack. Ako naman ay nabihis ng itim na spaghetti strap top na pinaibabawan ko ng puting knitted cardigan saka ripped jeans at puting sneakers. 'Yong medyo may kalakihang tote ang napili kong dalhin naman.

Paglabas namin ay nasalubong namin si Rum na dala-dala ang susi kasi siya ang magsasara sa Overlook.

"Handa na kayo?" tanong niya nang matigil sa paghimas ng ulo ni Hades na maiiwan namin dine.

Nasuot siya ng puting sweater at jeans. Natango kami sa kanya kaya pinauna na niya kami sa Jeepney Wrangler kung saan nahintay si Dean na naka-itim na v-neck fitted tee shirt at ripped jeans saka boots.

Manghang-mangha ako habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Maganda ang Tanjay. May palayan sa bawat gilid namin pero malawak din iyong kalsada.

Binaba ko ang salamin sa banda ko kaya kaagad na hinangin ng malamig na simoy ng hangin ang buhok ko. Napapikit ako. Ang ganda dine. Naaalala ko tuloy ang probinsya namin.

Pansin ko din ang mga makukulay na banderitas na nakasabit sa daan. Sabi ni Rum kanina ay pista daw ngayon dine.

"Rum, saan tayo unang pupunta?" tanong ni Dean.

"Madadaanan natin ang bahay ni Theodore Salvacion bago ang Hacienda Veneracion," tugon naman ni Rum.

Natango si Dean at tinahak na ang daang tinuturo ni Rum. Nang makarating kami sa isang may kalakihang kubo ay inihinto na ni Dean ang sasakyan sa may tapat ng kahoy nitong bakod.

Naunang bumaba si Rum saka naman sumunod si Tutti. Bumaba na din ako na sinundan naman ni Queen. Huling pumaog si Dean.

"Magandang hapon po," magalang na bati ni Rum sa mga naroroon sa isang bukas na kamalig.

Natigil ang isang ginang sa pagbabalat ng kamoteng nasa bilao at natayo. Iyong mga kabataang babaeng sa tantya ko ay nasa katorse o kinse anyos ay kinikilig na nabulong sa isa't isa habang natitig kay Rum.

"Ano pong atin?" tanong ng ginang.

"Dito po ba nakatira si Ginoong Theodore Salvacion?"

Nagulat ang ginang pero nang makabawi ay maagap ding natango.

"Bakit? Anong kailangan niyo kay tatay?"

"Kayo po ba ang anak niya?"

"Oo, ako si Minda. Anong kailangan niyo kay tatay?"

"Pwede po ba namin siyang makausap? Tungkol po kay Gangis Veneracion."

Malungkot na umiling ang ginang.

"Pasensya na, hijo. Pero dalawang taon nang patay si tatay. Pero si Senyorito Gangis ba ang iyong tinutukoy? Sandali lang at may naiwan si tatay na liham para sa kanya at kukunin ko lamang saglit."

Natango si Rum sa hayag ng ginang. Maging kaming mga babae ay nagkatinginan.

"So, he's dead?" basag ni Queen sa katahimikan.

"Who is he by the way, Rum?" she asked.

"Kababata siya ni Gangis."

Natango kami sa tipid na sagot ni Rum. Maya-maya pa ay lumabas na din si Aling Minda mula sa kubo dala-dala iyong liham na sinasabi niya. Nakaselyado iyong maigi nang iabot niya sa amin.

"Hindi namin binuksan yaan kailanman dahil sa respeto namin kay tatay. Bilin niya sa amin ay ibigay yaan kay Senyorito Gangis kung sakaling siya ay pumanaw na kaya itinago namin yaan hanggang sa araw na 'to," ngiti niya sa amin.

Hindi ko alam pero parang kinurot ang puso ko doon.

"Makakaasa po kayong makakaabot 'to kay Mr. Veneracion," paniniguro ni Rum sa ginang.

"Maraming salamat, hijo."

Bumalik na ulit kami sa sasakyan.

"So, uuwi na tayo?" tanong ni Tutti habang nagkakabit ng seatbelt.

Walang sumagot sa kanya kaya nagpatuloy siya.

"Pista ngayon dito, 'di ba? Ibig sabihin maraming pagkain. Daan muna tayo sa plaza please," pagmamakaawa ni Tutti sabay lapat ng dalawang mga palad sa isa't isa at pikit pa.

Naismid si Queen pero nangiti ako. Si Tutti talaga basta tungkol sa pagkain ang usapan.

Dahil maggagabi na ay nagbukas na ang night market sa tapat ng plaza kaya doon na kami nagtungo upang maghapunan.

Naorder kami ng kanin saka dalawang inihaw na isda at softdrinks. Si Dean naman naorder din ng beer para sa kanila ni Rum pero binilinan na siya n'ong huli na tig-isang bote lang sila.

Maganang-magana ang kain namin lalo na ni Tutti. Tinutulungan pa siya ni Rum na katabi niya na himayin iyong laman ng isda niya para tuloy-tuloy ang kain niya. Tapos si Queen nagpapahimay din kaya tinulungan niya din ito.

Natingin ako sa may plaza nang mapansin ang makukulay na mga ilaw doon.

"Mukhang may baile doon," sambit ko.

Natingin sa akin si Rum at nagtanong, "Gusto mong pumunta roon, Snow?"

Nangiti na lang ako pero ang totoo niyan ay gusto ko dahil namimiss ko na kasi ang probinsya namin.

"Pupunta tayo r'on mamaya," ngiti siya sa akin nang makita kung ano talaga ang gusto ko.

NAUPO KAMING LIMA sa mga monobloc chairs na nandoon habang nagsisimula nang sumayaw ang mga matatanda at kabataan sa lugar pagkatapos ng Ms. Gay.

Magkatabi kami ni Queen at Rum. Nasa gitna nila ako tapos si Tutti nasa dulo katabi ni Dean na sunod naman ni Rum.

"Mga dayo kayo, neng?" tanong ng isang matandang lalaki kay Queen na inismiran lang ng huli sabay halukipkip.

"Opo," sagot ko na lang sabay ngiti.

Mukhang matino at mabait naman ito kaya nakakahiya dahil parang hindi magalang kung hindi namin siya sasagutin.

"Naku, dapat maranasan niyo iyong bayle namin dine. Subukan niyo at siguradong mapapa-ibig ninyo ang inyong mga sinisinta. Kung hindi niyo naitatanong ay dine ko nakuha ang aking butihing maybahay," kwento pa ni lolo sabay halakhak na animo ay binabalikan niya ang nakaraan.

"Kaya sige na mga ginoo at ayain niyo na ang inyong mga nobya na sumayaw," alok nito bago tinungo ang gitna kasama ng isang matandang babaeng sa tingin ko ay kanyang maybahay upang sumayaw.

Nabaling kaming lahat kay Dean nang tumayo siya at naglakad papunta sa tapat ko sabay lahad ng kamay niya.

"Tayo na d'yan," masungit niyang sabi sa akin sabay iwas ng tingin.

Napahagikhik si Tutti na nasa dulo. Namilog ang mga mata ko habang natitig sa palad niyang nakalahad.

Inaaya... niya ba akong sumayaw?

Inilagay ko ang kamay ko sa palad niya kaya nabaling siya sa akin. Nangiti ako sa kanya.

Dean.

Hinawakan niya iyon nang mahigpit saka ako hinila patayo at papunta sa gitna ng mga taong nagsasayawan.

Iniharap niya ako sa kanya at napalunok ako nang kinuha niya ang mga kamay ko at ginabayan ang mga iyon paikot sa leeg niya. Nahawak din siya sa beywang ko at hinila ako palapit sa kanya.

Nagsimula kaming umindak kasabay ng isang lumang tugtugin.

Natitig lang ako sa kanya. Ang makapal niyang kilay, ang magulong buhok, ang hikaw sa tenga, ang matangos na ilong at ang pangang nagsusumigaw ng katapangan.

Namiss ko lahat iyon.

When all of my hopes were dyin'
Her love kept me tryin'
She does her best to hide
The pain that she's been through

Ang lalaking minahal ko noon.

When she cries at night
And she doesn't think that I can hear her
She tries to hide
All the fear she feels inside
So I pray this time I can be the man that she deserves
'Cause I die a little each time
When she cries...

At ang lalaking gusto kong piliin ngayon.

"Dean..."

Hindi siya sumagot bagkus ay nanatili lang siyang natitig sa akin. Napasinghap ako at nagpatuloy.

"G-gusto kong malaman mo ang t-totoo. Limang beses nangyari iyon..."

Napahigpit ang kapit niya sa beywang ko, ramdam ko ang galit niyang namumuo ulit dahil doon pero nagpatuloy ako. He has to hear my side. I want his forgiveness.

"But I was fooled the first time, forced the second, date raped the third time and blackmailed the fourth and fifth," lumuluha kong pag-amin sa kanya.

"I'm sorry, Dean. Pero gusto kong malaman mo na hindi ko ginusto lahat ng iyon..." pagpapatuloy ko.

Hindi siya nagsalita kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at bumaling sa pwesto ng mga kaibigan. Nagkatinginan sina Rum at Queen. May sinasabi ang huli, si Rum naman natitig lang sa kanya. Tapos nahuli ko si Tutti na pasimpleng tinutulak si Rum sa likuran na para bang sinasabi niyang pagbigyan nito ang request ni Queen.

Natango si Rum at nangiti kay Queen saka siya tumayo at inaya ito upang sumayaw. Nag-iwas ulit ako ng tingin at naabutan si Dean na tutok pa din sa akin ang atensyon.

When she cries at night
And she doesn't think that I can hear her
She tries to hide
All the fear she feels inside

"I'm so sor-"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin sana nang hilahin niya ako palapit at halikan sa labi.

Nang bumitaw siya sa halik ay nanatili akong windang sa nangyari.

So I pray this time I can be the man that she deserves
'Cause I die a little each time
When she cries

"You've long forgiven but please sort out your feelings. I want to be the only one inside your heart, Snow. Only me," aniya at binitiwan ako saka naglakad pabalik at paupo sa kanyang pwesto.

                 • • • QUEEN • • •

I FOLLOWED DEAN with my vision as he sat back on his chair after that unexpected kissing scene he just had with Snow.

Kaagad naman siyang inasar ni Tutti habang sinusundot-sundot pa ang kanyang tagiliran. Si Dean naman seryoso lang. Nakayukong bumalik din si Snow sa pwesto niya.

I returned my attention to Rum. I asked him to dance with me here awhile ago. I am not really fond of this sort but I want to try new things with him.

Nakapulupot ang mga braso ko sa leeg niya habang marahan naman niyang hawak ang beywang ko. He was smiling at them then he looked at my way again.

"You're happy for them?" I asked and he nodded smilingly.

"They both deserve to be happy together."

I felt my expression softened at that.

"Paano naman ako, Rum?"

His smile vanished as he looked at me, replaced by concern.

"Don't I deserve to be happy too?"

"Of course, you do," he assured me.

"Then, can I have you this time?" buong tapang kong tanong sa kanya.

Nanatiling nakatitig sa akin si Rum. He licked his lip then he closed his eyes, finding that supposed simple question really hard to answer.

He looked at me with worried blue eyes when he opened them.

"Queen..."

I didn't want to hear his reply. I just tiptoed and reached for his lips then claimed them for a kiss. It was only a peck but that made my heart somersault.

"I love you..." I whispered as I felt my eyes stung.

He stilled, shocked at my sudden move.

Bumitiw ako sa kanya at nagtungo pabalik sa pwesto ko.

I know my friends were all shocked at that scene but I didn't throw them any glance and I just crossed my arms as I watched the crowd danced in front of us.

Maya-maya pa ay naupo na rin si Rum. We all grew silent as we sat still. Even Tutti was quiet on her seat.

Wala akong nagawa noon lalo na nang naging sila ni Dahlia. This time I will do everything so I could have Rum.

                 • • • TUTTI • • •

KANINA PA AKO pagulong-gulong sa hinihigaan namin habang tulog na tulog na ang dalawang kasama ko.

I cannot sleep.

Shibal.

Namamahay na naman ako.

I reached for my phone on the bedside table and found out that it was already 1:00 am.

Gabi na kaming nakahanap ng motel. Pasado mga alas-diyes na rin iyon at heto ako't hindi parin makatulog.

Tumayo ako habang nakatalukbong parin ng kumot ko saka ko kinuha si Wordsworth at niyakap.

I need to go to Rum. He will help me sleep.

I went out of the room carefully then I went to the boy's room which was on the far end. I knocked three times until the door swung open.

"Who the fuck is that?!" sigaw ni Dean habang nagpalinga-linga sa paligid. Nagising ko ata.

"Dean, ako 'to," sabi ko't humakbang palapit sa kanya.

"Putangina!" he yelped as he looked down on me, horrified.

"Tuttieana! Akala ko sinong tiyanak! Bakit nakatalukbong ka kasi ng kumot at anong ginagawa mo dito sa oras na 'to?!"

Napasigaw naman ako sabay takip ng mga mata gamit si Wordsworth nang matanto kong nakaboxers lang si Dean. At ang laki pa ng... katawan niya.

"Dean, what's happening?"

Napabaling ako sa gilid kung saan ko narinig si Rum. Dali-dali siyang lumapit sa amin habang hawak sa isang kamay ang baso ng gatas.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin. Si Dean na nasa pinto na naka-boxers at ako na nakatingin sa kanya habang nakatakip at nakaangat parin ang teddy bear sa harapan n'ong Calvin Klein model.

"Nambulabog 'yong tiyanak mo, Rum. Tangina, gabing-gabi na, e."

"Sige na, magpahinga ka na ulit. Ako na bahala sa kanya."

Tumango si Dean at isinara na ang pinto.

"Hindi ka makatulog?" tanong ni Rum at lumapit sa akin saka ibinaba si Wordsworth.

Tumango ako. He smiled, having understood my situation well.

"Kaya naghanap ako ng paraan para matimplahan ka ng gatas," saad niya at inangat ang hawak na baso ng gatas.

Pareho kaming nakapantulog na. Naantig ang puso ko nang maisip na talagang hindi pa siya natutulog upang timplahan ako ng gatas.

WE WERE AT the back of the motel lying at the well-trimmed Bermuda grass.

Pagkatapos kong mainom iyong gatas na tinimpla niya ay nilatag niya 'yong kumot na nakatalukbong sa akin kanina roon. Nakahiga ako sa isang braso niya habang nakayakap naman ako sa beywang niya. Hawak ng isang kamay niya si Wordsworth samantalang 'yong isa naman ay nasa braso ko at marahan akong tinatapik doon, pinaghehele niya.

"Nilalamig ka ba?" he asked and I shook my head.

Mabuti na lang din at naka-ternong pink long sleeves notch collar top ako at pajama na may hearts na designs.

"Ikaw ba?" tanong ko sa kanya sabay angat ng tingin.

"Ayos lang ako, doll."

Tumango ako at binaba na ang tingin ko ulit. Nakakalangay tumunghay dahil ang tangkad niya.

"I'm sorry," sambit niya bigla.

I know what he was sorry for but it wasn't his fault that Queen kissed him and so was hers. Walang may kasalanan n'on.

Kasalanan ko 'to kasi gusto kong itago.

"Naiintindihan ko," I replied.

Niyakap ni Rum sa akin ang braso niya kung saan hawak niya si Wordsworth. Iyong kamay naman niyang humehele sa akin ay nasa ulo ko na at banayad na hinahaplos ang buhok ko.

"Inay, may tanong ako," usal ko.

"Ano 'yon, doll?"

"Paano kapag may tao sobrang mahalaga sa'yo tapos umamin siyang mahal ka niya tapos parang alam mo na... gusto niyang maging kayo, ano ang sasabihin mo?"

Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Binalot kami ng tunog ng mga kuliglig. Kinakabahan talaga ako kapag ganito. Kapag nag-iisip siya kasi baka ma-realize niya bigla kung gaano ako ka-patay gutom at ka-imperpekto.

"Ang tagal namang sumagot..." reklamo ko.

He chuckled.

"Siyempre sasabihin kong may mahal na akong iba. Sasabihin kong mahal kita," he said and kissed the top of my head.

"Sus."

Kinurot ko nga sa tagiliran niya. Nanggigigil ako sa lowkey na babaerong 'to. Tinawanan lang niya ako.

"How can I ever find someone like you in this lifetime, doll?" he whispered.

"I felt empty when you were gone months ago," he continued.

"I'm sorry, nay."

"Mabuti pa si Wordsworth dinala mo nang lumayo ka."

I chuckled at that. He had given me Wordsworth on our first anniversary.

Bahagya akong umangat at mabilis siyang hinalikan sa labi saka bumalik ulit ako sa pwesto ko payakap sa kanya.

"That time, you were missing from me too," I told him.

illinoisdewriter

Please vote, comment your thoughts, and share mates!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top