Episode 21: Roses
Episode 21: Roses
• • • SNOW • • •
NASA KATIPUNAN ROAD kami ngayon ni Tutti kasama sina Whiskey na kumakain ng takuyaki.
"Ano na, siz? Sama ka sa seminar natin sa South Korea? Tatlong araw lang 'yon pero hindi ko na sasayangin pa 'yong chance na maghanap ng oppa!" tili ni Whiskey.
Nadinig ko sila kanina na may seminar daw silang sasalihan sa South Korea tungkol sa Filmmaking. Hindi naman compulsory pero hinihikayat nila si Tutti na sumama.
"We will then go to different studios and if we're lucky enough, we can meet some Korean stars," saad pa ni Lee sabay abot ng mango shake kay Tutti.
"Pero 'yong inaabangan ko talaga ay 'yong talk ni Bong Joon-ho," he added
"'Yong director ng Parasite? Wow," manghang sambit ni Tutti.
"Ano sama ka?" nakangiting tanong ni Lee sa kanya.
Nahuli ko pa ang pasimpleng tulakan nina Norma at Whiskey sa tabi na parang kinikilig sa dalawa.
Nangiti na din ako, natutuwa na may humahanga sa kaibigan.
"Sus! Ayaw pa kasing ayain magdet-det gan'on," bulong sabay hagikhik pa ni Whiskey.
I giggled along with them.
"That can be dope. Rum would love that," siguradong wika ni Tutti.
PAGDATING NAMIN SA Overlook ay excited na kinuwento agad iyon ni Tutti kay Rum na nauna nang umuwi. Natanong ito sa kanya kung saan at kung sino ang mga kasama tapos sumagot naman si Tutti na sa South Korea at mga Communication students.
"How can you not love that seminar?!" histerikal na tanong ni Tutti.
Nanood ako sa kanya mula sa couch na kinauupuan ko habang nakatayo siya sa harap ni Rum na nakaupo din at may salamin habang nagbabasa ng libro nito.
Ayaw siyang payagan ni Rum na sumama sa seminar kaya nahisterikal at nadabog siya ngayon.
"Of course, it's far and we'll not know what's going to happen there to you. That seminar could be one step away from danger or could be one mistake away from death," mahinahong tugon ni Rum.
"That doesn't even make sense," maktol ni Tutti sabay dabog ng isang paa sa sahig.
"Well, it doesn't have to make sense, you know why?" Rum slightly looked up at her, his eyeglasses hanging low on his nose.
Natahimik si Tutti pero maya-maya pa ay mahinang sumagot ng, "Because you said so."
Tumango si Rum at nagpatuloy na sa pagbabasa. Padabog na nagmartsa naman si Tutti paalis doon at papunta sana ng grand staircase nang magsalita ulit si Rum.
"You better not be going into the kitchen to eat ravioli."
Malakas na napasinghap si Tutti at umikot saka nagmartsa pabalik sa amin at binagsak ang sarili padapa sa couch kung saan kasya ang buong katawan niya. Iyong mga braso niya ay magkapatong na itinakip naman niya sa mga mata niya.
May plano nga siyang pumunta sa kusina at kainin ang ginawang ravioli ni Rum.
Tawang-tawa si Dean habang napwesto sa likod ng couch at umuklo saka tinapik-tapik ang likod ni Tutti na nagtatampo pa din.
"Kawawa naman si bunso. Hindi pinayagan ni inay sumama sa seminar sa Korea," he teased and laughed.
Tutti wiggled her body in annoyance while still lying on the couch.
"Rum, nagtatampo 'yong tiyanak," tawa pa din ni Dean sabay baling kay Rum.
"Hayaan mo siya. Para sa kanya rin naman 'to."
Natingin ako kay Queen nang mababa siya sa grand staircase dala-dala ang lalagyan niya ng manicure at pedicure set niya. She was wrapped with lavender silk robe and her chemise was peeking on it.
She grimaced when she arrived at the lobby, in our place at the couch, especially when she saw Tutti.
"What's wrong with that leprechaun?" she asked.
"Kanina tiyanak tapos ngayon leprechaun naman. Sige pa, hindi naman kayo nakaka-butthurt," reklamo ni Tutti.
Napahagikhik ako dahil naungot din siya sa inis.
"Move. I'm going to do my nails," utos niya kay Tutti sabay sundot dine sa tagiliran gamit ang kanyang hinlalaki sa paa.
Naawa ako kay Tutti kasi nabully na naman siya ni Queen.
"Queen, dine ka na lang maupo," saad ko at natayo na para hindi na niya sundot-sundutin si Tutti.
Nairap siya sa akin pero naupo din naman roon para mag-ayos ng mga kuko niya.
Nang mabaling naman ako sa direksyon ni Rum ay naabutan ko si Dean na nakatingin sa akin. Nag-iwas din naman siya nang mahuli ko agad.
Nabuntong-hininga ako.
Paano na 'to?
NATITIG AKO SA varnished hardwood na kisame ng kwarto namin. Nakahiga na kaming dalawa ni Tutti dine tapos si Queen naman nasa lobby pa at nagpapaturo kay Rum ng assignment niya.
"Tutti," tawag ko sa kanya.
I looked at her. Nakatalikod siya sa akin at namura na naman habang nalaro ng Mobile Legends. May malaking space sa pagitan namin na dapat sana ay kay Queen.
"Hmm..."
Natigil siya sa paglalaro at ibinaba ang cellphone saka patagilid na humarap sa akin habang nayakap pa din kay Wordsworth.
"Ano 'yon, Snow?"
"Naguguluhan ako," mahinang sambit ko.
Mabuti na lang at wala pa si Queen dine at baka magwala na naman siya kapag narinig niya 'to.
"Saan? Sensya na, sa Math lang naman ako naguguluhan kahit multiple choice na," she jeered and I smiled at her.
"Sa dalawang tao."
Natahimik si Tutti sa sagot ko. Nakagat ko ang labi ko at nag-isip ng idudugtong pa para hindi siya maghinala.
"I mean dalawang bagay. Nahihirapan akong pumili kong sino- ano ang itatago ko sa parehong mahalagang bagay."
She blinked three times while looking at me, still not responding. Nadinig ko siyang nabuntong-hininga.
"One is to one naman kasi dapat 'di ba?" habol ko pa.
"Hindi ko alam, Snow. But why don't we let destiny tell us?"
Nakunot ang noo ko.
"Like signs. You think of signs. Tapos kung kanino- este kung alin doon sa mga bagay na iyon ang magbigay ng signs sa'yo ay siya na," paliwanag niya.
Tama siya.
I could ask for signs.
'Yon ang gagawin ko.
And later that night, I included in my prayers the signs that would help me choose.
Bukas, kung sino sa kanila ang magbigay ng paborito kong bagay nang hindi sinasadya ay siyang pipiliin ko.
PATULOY NA NADISCUSS si Yorme sa amin tungkol sa mga beast, iba't ibang uri ng beasts sa klase namin.
Todo kopya kami sa mga slides niya habang naturo siya sa amin ng mga abilities nila, true forms at strengths saka weaknesses. Si Queen hindi na nakopya kasi natatandaan naman niya lahat.
Ako naman nadi-distract sa notes ni Tutti na abala sa pakikinig kay Yorme. Namamangha kasi ako sa galing niya. Naguhit niya 'yong mga beasts tapos naka-calligraphy ang mga pangalan nila at ang ganda pa ng handwriting niya sa pagsulat ng descriptions nila. Nakalat din sa lamesa 'yong mga pencil case niya. Iyong maliit mga ballpen, highlighters at correction tape ang laman tapos iyong isang malaki naman ay mga art materials.
"What's that?" Queen asked while pointing something on Dean's notes.
Tumayo si Tutti para silipin iyon at kaagad na nagtakip ng isang palad sa bibig niya habang umuuga ang mga balikat, pinipigilang bumunghalit ng tawa.
Naungot sa inis si Dean at itinago ang ginawa niyang notes. Nakagat ko ang labi ko upang magpigil ng hagikhik. Nahuli ko iyon kahit na medyo tinatago niya.
Naguhit kasi siya ng stickman na may dalawang maliliit na triangles sa ulo tapos nilagyan niya ng 'demon' sa baba.
"Dimunyo," natatawang usal ni Tutti gamit ang tono na karaniwan kong nadidinig kay Whiskey- Bisaya.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Dean bago nabaling kay Queen.
"At least, nag-eeffort akong magtake notes," he argued.
Queen rolled her eyes.
"It says take note and not draw it. You're trying so hard to be like the Chinese leprechaun," pagtutukoy ni Queen kay Tutti.
I heard Tutti hissed on her seat but she continued writing and drawing instead. Si Rum naman ay seryoso lang habang nakinig kay Yorme. Siya na lang ata ang nakinig.
Pagkatapos ng klase namin kay Yorme ay nagulat kami nang makita si Dan paglabas namin ng discussion room. Nasa mini sala siya.
"Tol, anong ginagawa mo dito?" tanong agad ni Dean sabay shoulder bump kay Dan.
Naka-uniporme si Dan ngayon ng Type A nilang mga Criminology students. Nahuli ko pa ang pagtagos ng mga tingin niya sa likuran ni Dean papunta kay Queen na kausap naman si Rum.
Nabaling ako sa dalawa. Natango si Rum habang kinakausap ni Queen. Tapos nangiti ito sa kanya kaya nangiti din si Queen.
Maraming atensyon talagang nakukuha si Queen pero hindi naman niya mabatid iyon dahil na kay Rum lang talaga siya nakatingin.
"Sinali ako ni Yorme sa school publication, kuya," tugon naman ni Dan pagbaling kay Dean.
"Talaga?"
"Opo. Nakita niya kasi iyong mga write-ups ko about sa Intramurals. Sabi niya malaki daw potential ko maging sports writer."
"Congrats, bro," bati ni Dean sabay tapik ng balikat ni Dan.
They looked like real brothers.
"Congrats, Dan," Rum greeted with a warm smile also.
Lumabas sina Whiskey, Norma, Goliath, Adele at Lee sa room for campus radio station kaya nagtipon kami sa sala lahat.
Kaagad nilang winelcome si Dan sa pamilya. Nangiti ako doon. Isa nga pala kaming pamilya.
"Tutti," nakangiti tawag ni Lee sa kaibigan ko.
"Lee," si Tutti.
"Ano sasama ka?" tanong nito sabay akbay kay Tutti habang naglalakad sila palabas ng room.
"'Yon nga, e. Hindi ako pinayagan," malungkot na tugon ni Tutti.
Nasunod naman ako sa kanila kasi medyo nasisikipan ako sa loob.
"Rum, tinatangay na," biglang tawag ni Dean kay Rum na sinamahan niya pa nang pagtawa sa huli.
"Tutti," tawag ni Rum.
Hindi na nalingon pa si Tutti dahil nasara na ang pinto at nakalabas na sila.
Nahinto naman ako at nabaling sa pwesto nila. Sasabay na lang siguro ako sa kanila palabas.
"Rum, you should let her hang out with boys. She wouldn't be able to have a boyfriend if you're always being so strict," Queen remarked. Sina Norma at Whiskey naman ay kinikilig na napahagikhik.
Nakunot bahagya ang noo ni Rum. May sasabihin sana siya pero hindi na niya itinuloy tapos nailing na lang siya.
NAKAUPO KAMI NGAYON ni Tutti sa may field ng UP habang nasa may di kalayuan naman nagte-training ang lacrosse team. Makulimlim din ang panahon kaya mas naganahan akong tumambay sa may Bermuda grass ng field.
"Snow, kanta ka. Namimiss ko na boses mo, e. Nakita kong may dalang gitara si Dan kanina. Saglit lang at hihiramin ko."
Tumayo na siya bago pa man ako makatanggi at tinakbo ang distansya namin papunta sa bleachers kung nasaan sina Dan na nagwa-warm up pa.
My eyes fixated on the big millennial pink ruffled bow barrette that held her hair on a low ponytail. Mahilig talaga siya sa mga tali sa buhok. Bumagay din naman iyon sa ash blond niyang pinakulayang buhok.
Pinanood ko siya habang kinakausap si Dan. Natango at ngiti ang huli. Biglang nasingit sa usapan nila si Dean tapos may sinambit na salita si Tutti at naningkit ang mga mata sabay ngisi nang mapang-asar. Nahuli ko iyon kaya ni-lip read ko.
Demonyo.
O baka dimunyo.
Inaasar na naman niya si Dean sa drawing nito kanina na mukhang napikon at nagmura na naman. Ni-lip read ko ulit iyon. Sabi niya, "Fuck you."
Nailing na lang ako. Dan handed her his guitar then they went to the field together with the rest of the lacrosse team. Tutti smilingly jogged her way back to me.
Nag-indian sit ulit siya. Mabuti na lang at naka-PE kami ngayon.
"Anong gusto mong kantahin ko?" I asked her.
Pagbibigyan ko si Tutti kasi mukhang nakuha ko na kung bakit lagi niyang ginagawa 'to.
I love singing. I used to be part of the Glee Club but I was kicked out after that video.
Tutti was trying her best to encourage me to sing again despite not being part of that organization.
"Anything you feel like singing at this moment."
Nangiti ako at natango. Inalok niya ang gitara sa akin pero nailing ako.
"Mas gamay mo ang gitara," saad ko.
Magaling si Tutti mag-gitara, violin, piano, ukulele, beatbox instrument at kung anu-ano pa. Wala ata siyang hindi alam gawin. She really is skillful.
"Sunday Morning 'yon kakantahin ko."
Natango siya at sinimulan na ang pag-strum ng gitara. Maya-maya pa ay nagsimula na akong kumanta.
"Sunday morning, rain is falling
Steal some covers, share some skin
Clouds are shrouding us in moments unforgettable
You twist to fit the mold that I am in
But things just get so crazy, living life gets hard to do
And I would gladly hit the road, get up and go if I knew
That someday it would lead me back to you
That someday it would lead me back to you..."
Napapikit ako at dinama ang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin kasabay ng pagpapatuloy ko sa aking awitin.
"That may be all I'll need
In darkness, he is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on Sunday morning
And I never want to leave..."
My genre and voice are really like that of Moira Dela Torre's. Soothing and sounding like a lullaby. Iyan ang madalas sabihin sa akin ni Tutti.
"Fingers trace your every outline
Paint a picture with my hands
Back and forth we sway like branches in a storm
Change the weather, still together when it ends
That may be all I'll need
In darkness, he is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on Sunday morning
And I never want to leave..."
Pagdilat ko ay bumungad sa akin si Dean na natigil sa malayong tapat ng banda namin sa kalagitnaan ng training nila.
He was looking right straight to me, unmindful of their ongoing training.
And this time, he didn't look away.
I felt the wind blew my hair. I gathered my locks and stilled them on my side.
Nakatitig lang kami ni Dean sa isa't isa. Ramdam kong may gusto siyang sabihin pero lagi niyang pinipigilan ang sarili.
Dean...
Natitig pa din siya sa akin kaya hindi niya namalayan ang bola ng lacrosse na malakas na hinagis ng kasama niya papunta sa direksyon niya hanggang sa tuluyang lumampas na ito sa kanya.
Bumulusok ang bola papunta sa banda namin. Napakurap na lang ako sa likod ng palad na isang dangkal lang ang layo sa tapat ng mukha ko. Nasalo n'on ang bola na tatama sana sa akin.
"Lalaro-laro kayo ng lacrosse hindi niyo naman alam kung saan maggo-goal," saad ni Tutti sabay hagis pabalik sa bola na maagap namang sinalo ni Dean.
"Mukha bang net si Snow?!" habol pa ni Tutti na nasigaw na para madinig siya ng mga naglalaro.
Natitig ako sa kanya.
Bakit...
Bakit ang galing niya sa halos lahat ng bagay?
Bakit sinbilis at sinlakas siya ni Dean?
On Dean's part, it's understandable. He grew up training with the military.
Pero si Tutti...
Sino ba siya?
Nabaling ulit ako sa field. Binangga ni Dean iyong naghagis ng bola na tawa-tawa sabay taas ng mga palad nito na parang sumusuko. Mabilis naman na pumagitna si Dan upang awatin ang tensyon. Dahil doon ay natigil ang training nila. Nagsibalikan sa bleachers ang mga players.
"Ibabalik ko lang 'to kay Dan, Snow," paalam ni Tutti na nginitian ko naman.
Nayuko ako habang inaalala ang mga nasaksihan kanina.
Muntik na akong matamaan ng bola. Nagalit si Dean at muntik nang suntukin iyong naghagis niyon. Nakagat ko ang labi.
"Snow!"
Nag-angat agad ako ng tingin nang tawagin ako ni Tutti. Malapad ang ngiti niya habang natakbo papunta sa akin. Tapos nasilip ko sa likod niya na inis siyang hinahabol ni Dean.
"Tuttieana!" siyaw ni Dean sabay pilit na abot sa kanya pero mabilis siyang naiwas.
Sobrang bilis nila manakbo. Nagpa-ikot ikot sila sa field. Ngiting-ngiti si Tutti habang iwinawagayway ang hawak na rosas.
Napatigil ako.
Rosas.
Paborito kong bulaklak.
"Nakaipit sa notebook ni Dean," Tutti winked at me while dropping the rose on my lap before running away again.
Pinulot ko iyon at nasulyap kay Dean na nahinto sa paghabol at natitig sa akin.
Inis niyang ginulo ang buhok, his earring dangled. Tumalikod na siya upang bumalik sa bleachers bago pa man niya nakita ang pagngiti ko.
Sinundot ako ni Tutti sa tagiliran pagbalik niya at tinukso ako. Napapangiti na lang din ako.
This is the sign.
It's Dean.
KANINA PA NAGPALINGA-LINGA si Tutti sa paligid na tila may hinahanap.
"Si Rum? Hindi ba siya sasabay sa atin?" tanong niya kay Dean na bagong ligo lang pagkatapos ng training nila.
"Where's Rum?" Queen also inquired from the inside of the vehicle when he arrived.
"Nagpaalam. May bibilhin daw. Mauna na daw tayo sabi niya," tugon nito at hinawakan sa mga balikat si Tutti saka pinihit na paharap sa Jeepney Wrangler.
I want to smile at him but he didn't look my way. Napapansin kong mapula din ang mga tenga niya.
Nabuntong-hininga si Tutti at umakyat na din sa sasakyan kasama namin. Sumunod si Dean at ini-start na ang engine saka nagmaneho pauwi sa Overlook.
Pagdating namin ay kaagad akong nabihis upang magluto ng hapunan. Mukhang gagabihin si Rum kaya ako na ang magluluto.
Mag-isa ako sa kusina habang pinapakuluan ang karne ng baka para sa bulalong ulam namin ngayon. Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko dahil sa init.
"Snow."
Nalingon ako sa tumawag sa akin.
"Rum, dumating ka na pala. Nagluto ako ng bulalo para sa hapunan natin," sabi ko sa kanya sabay ngiti.
He removed the satchel from his shoulder and placed it on the countertop kasama iyong pink na supot na dala niya. He smiled gratefully at me.
Nagpatuloy na ako sa pagcheck kung malambot na ba ang karne gamit ang pagtusok niyon ng tinidor.
"Nakita mo ba si Tutti?" he asked.
I looked at him.
"Wala kasi siya sa lobby saka sa kwarto niyo," he explained.
"Nakita ko siya kanina dala 'yong Macbook niya saka mga art materials, i-ku-customize daw niya ang design kaya sa tingin ko nasa garden siya ngayon," I replied.
Natango naman siya.
Binalikan ko ang ginagawa. Pagkatapos ay pinunasan ko ang leeg dahil sa pawis.
Natigilan ako bigla nang maramdaman ang pagsikop ng mga palad sa buhok ko mula sa likod at pagtali niyon pa-loose ponytail saka lagay sa isang balikat ko.
Rum then leaned on my side and smiled.
"Hayan, pansin kong naiinitan ka kasi. Bumili ako ng mga laso at pantali sa buhok ni Tutti para hindi na siya magtampo dahil hindi ko pinasama. Tapos nakita ko 'to," aniya sabay turo sa pantali sa buhok ko.
"Naalala kong mahilig ka rin pala sa mga bulaklaking pantali kaya binili ko," dugtong niya sabay tingin at ngiti ulit sa akin.
Namilog ang mga mata ko nang mapansing may desenyong rosas nga iyong pantali nang sulyapan ko ang balikat kung saan nakapatong ang buhok ko.
Kumalabog ang puso ko.
Bakit ginugulo ako ng tadhana?
Bakit...
Bakit pati siya?
Napapikit ako.
Akala ko si Dean na talaga.
illinoisdewriter
A/N:
Hi, mates! I just want to inform you that I will only be making Gangis Veneracion's or Winona's grandpa's service at hindi ko na uulitin ang kay Eve. I feel like I had disclosed everything about Eve sa The Primordial Being chapter ng Mystic Club kaya hindi ko na isusulat ulit dito so that I can have much time in doing the other services I planned to add.
If you remembered, si Eve ang huling kliyente na naiwan ng dating may-ari ng Overlook kaya after sending her off ay hahanap na ng bagong mga kliyente ang Charmings. They will advertise their funeral home and search for new clients and I have a lot at my disposal so I wouldn't waste time.
Anyways, bilang pamawi at bonus sa inyo for reading Mystic Club up until here, I will be giving you a glimpse of Coco's life after the epilogue and her recovery saka magpo- foreshadow na rin ako kung sino ang makakatuluyan niya. You may consider it as a short special chapter of Mystic Club. I will be working on that after their next funeral service. See you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top