Episode 20: Ang Huling El Bimbo

Episode 20: Ang Huling El Bimbo

                 • • • TUTTI • • •

I SECRETLY WENT out of the girl's room and down to the lobby when my friends were already soundly asleep.

He texted me awhile ago that he wanted to see me.

Miss na miss ko na rin kasi siya.

Kahit ang lapit-lapit niya sa akin ay hindi ko naman siya magawang hawakan at yakapin sa paraang gusto ko.

Matapos ang anniversary namin ay naging abala na kami sa simpleng mga funeral services at sa pag-aaral namin kaya hindi na naulit pa iyong pagsasama naming kaming dalawa lang.

Nakaharap siya sa bintana paglapit ko kaya niyakap ko siya mula sa likuran.

I wanted to rest my chin on his shoulder but I couldn't reach him. I'm too short for him.

He softly caressed my arms that were looped around his waist. He slightly turned to me and smiled. I beamed at him too.

Marahan niyang binuwag iyon saka ako hinawakan sa kanang kamay at hinila paharap sa kanya tapos niyakap niya ulit ako nang mahigpit sabay halik sa ulo ko.

"Sandali lang," sabi ko sa kanya sabay buwag sa yakapan namin dahil nahagip ng mga mata ko ang cassette kong naiwan pala rito at nakapatong sa lamesa.

Lumapit ako roon at ipinasok ang tape ng paborito kong kanta. Ang Huling El Bimbo ng Eraserheads.

Pasayaw akong nagpatalon-talon bahagya pabalik sa kanya pagtugtog ng kanta.

Kamukha mo si Paraluman
No'ng tayo ay bata pa

Nahinto ako sa harapan niya at tumunghay sa kanya.

At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha

He smiled softly and took my right hand and guided it going to his shoulder.

Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo

He held the other one up, leveling it with my shoulder.

Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig-balahibo

He then held my waist and pulled me close to him. Then, we started dancing to the song I love.

Pagkagaling sa 'skwela
Ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

We took each step and each turn slowly.

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

He crouched so his forehead would reach mine. We both smiled.

Naninigas ang aking katawan
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng 'yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso, hoo

He kissed the tip of my nose as we continued dancing.

Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

I comfortably rested my head on his chest and have heard the drumming of his heartbeat.

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

La la la la, la la, la la, la la la

We keep on dancing to the rhythm. His heartbeat was in harmony with mine in this very lovely night.

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

Ibinaba ko ang kamay kong nasa balikat niya at nilusot sa may beywang din niya upang yumakap. Then, I closed my eyes and listened to the song of our hearts singing in one.

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

La la la la, la la, la la, la la la
La la la la, la la, la la, la la la

I rested my both hands on his hard chest and looked up at him when the song ended. Some locks of his hair fell forward and covered his eyes.

Inabot ko ang ilang hibla ng buhok niyang nahuhulog sa mga mata niya at hinawi iyon.

"I missed you," I whispered. He pulled me closer again.

He lowered his forehead to meet mine and the tips of our noses touched once again.

"Hindi na kita masyadong nasasamahan. I'm so sorry, doll," he apologized.

Marahan ko siyang hinampas sa dibdib niya.

"Ano ka ba? Ayos lang, naiintindihan naman kita."

"Pero gusto kitang laging nakakasama," he confessed, sounding a bit sulking.

Nanlaki ang mga mata ko bahagya at napahalakhak. I cupped his face with my both hands kaya lalo siyang napapayuko.

"Kasama mo naman ako palagi at sa susunod pang mga araw."

"Please promise me you'll not going to leave me again, doll," seryoso niyang sabi. Batid ko rin ang munting kalungkutan sa mga mata niya.

Bakit ko nga ba siya iniwan?

Napabaling kaming parehas sa may hagdanan nang may marinig kaming yapak.

Nanlaki ang mga mata ko nang magkatinginan kami ni Dean na tahimik sanang aakyat muli ng second floor kung hindi lang namin nahuli. His right foot was suspended halfway in the air.

"Sorry, naistorbo ko ata kayo. Mauna na ako," paalam niya't kumaripas ng takbo.

Gulantang parin ako. He saw us!

Mist!

He just saw us!

Binalingan ko si Rum na nakadungaw parin sa akin. Kumapit ako sa tee shirt niya sa may parteng dibdib niya gamit ang kanang kamay ko habang itinuturo naman si Dean gamit ang kaliwa.

"Nakita niya tayo! He saw us! Dean saw us!" paghi-histerikal ko.

Ayokong masira si Gov at lalong-lalo na si Rum. I'm still his stepsister in the eyes of public even though we are technically not anymore.

"It's okay, baby. He knew about us," he calmly told me.

"Kailan pa?!"

Dalawang kamay ko na ang nakakapit sa damit niya sa panggigigil, halos kinukwelyuhan na siya. At hindi niya man lang sinabi sa akin?!

He chuckled.

"Matagal na. Noong nililigawan pa lang kita. I didn't keep it a secret from him. I need someone to confide how happy I am that I met you. Kahit pa ayaw mo."

"Rum..." I groaned.

"It'll be fine. I trust Dean. Our secret is safe with him," he assured me.

Kaya pala ramdam kong may mga pahiwatig iyong mga panunukso niya sa amin.

Iyong sinakal niya ako nang halikan ni Cara si Rum sa basement.

Iyong biro niya noong si Rum ang tumanggap ng kamay ni Lee na akmang yayakap sana sa akin.

At iba pa.

Lahat ng iyon ay dahil alam niya.

Napatingala ulit ko kay Rum upang pagsabihan siya but what I saw in his eyes stopped me from everything I am about to do.

He looked at me with nothing but softness and love in his dark blue orbs.

My disappointment melted right away. He pulled me again closer to him then he lowered his head and reached for my lips.

He kissed me and I responded. He was giving me soft, gentle and sweet kisses I will never forget even when the whole world ends.

He closed his eyes and I did the same. Dahan-dahan kong inangat ang mga palad ko mula sa dibdib niya habang tumitingkayad at hindi bumubuwag sa mga labi niya hanggang sa pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya.

He bit my lower lip and withdrew from the kiss after. Nakaawang parin nang bahagya ang labi ko, hindi pa nakakabawi.

Rum smiled at me, cupped my right cheek gently and bended down for my right ear.

Then, he whispered my favorite line from him, "I love you."

He then kissed me on the cheek.

                 • • • SNOW • • •

NABIHIS NA KAMI nina Tutti at Queen ngayon ng civilian clothes dahil Intramurals na namin. Nabalitaan ko pang inalok pala sina Queen at Rum bilang Ms. and Mr. Intramurals representative sana ng CAS kaso ay tumanggi silang pareho.

Unang nakapagpalit si Tutti dahil naunahan na niya naman si Queen sa banyo. Nasuot siya ng puting long sleeves na dress shirt na-tinuck in niya sa khaki pegged pants niyang may itim na belt. Naka-brown na Oxford shoes din siya. Natali din buhok niya pa-ponytail gamit ang isang itim na silk na laso. Si Queen naman nasuot ng itim na crop halter top na pinaresan niya ng puting high rise o high waist maxi skirt at gladiator sandals. Nakalugay lang ang tuwid niyang buhok. Sinimplehan ko lang 'yong suot ko. Itim na halter top na pinatungan ko ng brown knitted cardigan at high rise jeans saka puting sneakers.

Nang natapos kami sa pag-aayos ay bumaba na kami. Paglabas namin ng Overlook ay nahintay na sina Dean at Rum sa amin.

Si Dean nakaputing tee shirt na fit at ripped jeans saka boots. Hapit na hapit iyon sa mga muscles niya sa katawan. Si Rum naman nakaputing Oxford shirt na natupi hanggang siko at naka-tucked in sa itim niyang trousers saka loafers.

Naghiwalay din naman kaming lima pagdating namin sa UP. Si Dean nahanda kasi may laro sila sa lacrosse ngayong umaga. Si Tutti sumama naman kina Whiskey. Sina Rum at Queen manonood ng laro nina Dean. Nagpaalam naman akong may ihahatid lang na project sa Bio Lab sa may ArtScies Building saglit.

"Thank you, Snow," ngiti sa akin ni Ms. Macalam.

I smiled in return then bid goodbye.

Naglalakad ako sa corridor ng ArtScies Building nang maramdam kong may nasunod sa akin. Nalingon ako sa likod pero wala namang tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may marinig akong yapak ng mga paa kaya nalingon ulit ako.

Binilisan ko ang lakad nang hindi na maganda ang nararamdaman ko. Palabas na sana ako sa building nang biglang may panyong tumakip sa ilong at bibig ko at brasong pumulupot sa beywang ko. Nagpumiglas ako at pilit na inalis ang nakatakip na panyo sa akin hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

"Isuot mo na ang ulo ni Jollibee d'yan."

Pilit kong idinilat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad na nabungad sa akin ang mukha ni Julius na nangisi nang makitang gising na ako.

"Babe, gising na siya," tawag niya kay Izma na nasa tabi lang nakatayo kasama sina Nadia at Ingrid.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero doon ko lang napansin na naka-packaging tape pala ito kasama ng ilong ko. Kaya pala ramdam kong parang kinakapos ako ng hininga.

"Hi Jollibee!" nakangiti niyang sambit sabay angat ng ulo ng mascot na Jollibee.

She gestured Julius to raise my head slightly so that they can put the mascot on me. Nasa loob na din ako ng katawan ng mascot. Ramdam kong parang nakatali ang mga kamay ko sa loob niyon.

Naungot ako upang umangal. My eyes started to sting.

Bakit ginagawa nila sa akin 'to?

"I hope you learn your lesson of not messing up with us again," ani Nadia.

I heard all of them laughed.

KANINA PA AKO takbo ng takbo sa university upang humingi ng tulong suot ang mascot ni Jollibee pero lumalayo lang ang mga nakakakita sa akin at ang ilan pa ay natawa sa akin. Akala nila ay may palabas at nagpapasaya ako.

Iyak na ako nang iyak sa loob. Kailangan ko nang makalabas dine. Kinakapos na talaga ako ng hininga.

Nang matanaw ko sina Rum at Tutti sa isang stall na nasa harap ng field ay kaagad akong natakbo palapit sa kanila.

Nang magtawanan at bulungan ang nandoon ay napalingon silang dalawa sa akin. Tutti's eyes immediately sparkled with excitement.

"Jollibee!" she exclaimed.

Tinuro-turo ko iyong sarili ko sabay galaw-galaw ng ulo ko. Kanina ko pa ito sinusubukang tanggalin kaso hindi ko magawa dahil iyong mga kamay ko sa loob ng mascot ay nakatali.

"Bakit nandito ka? May birthday party ba? Saan? Saan?" nagpalinga-linga siya.

I shook my head tapos tumango-tango. Natawa si Tutti sa ginawa ko at ginaya-gaya pa ang pagtango-tango ng ulo ko.

Ramdam ko na panginginig ng mga tuhod ko.

Bumibigat na din ang mga talukap ko.

Hindi na ako makahinga.

Nabaling ako kay Rum. Sana mapansin niya. Nakatingin siya sa akin. Humina ang paggalaw ng ulo ko.

Nanghihina na talaga ako.

Bago ako bumagsak ay mabilis akong sinalo ni Rum.

"Christ," he muttered when he took the mascot's head out of me.

Kaagad na inalalayan ako ni Rum pahiga habang nakaupo siya at kandong ang ulo ko.

He took the tape out of my mouth and nose before everything went black.

                 • • • TUTTI • • •

NATULALA AKO SA nasaksihan.

Si Snow iyong nasa loob ng mascot.

Rum positioned his index finger below Snow's nostrils, checking her breathing.

"She needs immediate assistance. I need to revive her breathing. Tutti, give me something sharp."

Tumango ako at mabilis na tumalima sa utos ni Rum. I asked for a knife from the stall nearby. The vendor handed me a small one. I gave it to Rum quickly.

He tore the body of the mascot off with the knife. Binaba niya ang kutsilyo at pinaghiwalay ang napunit sa parte nang may bandang dibdib ni Snow gamit ang kanyang dalawang kamay. Kaagad na pinakinggan ni Rum ang tibok ng puso ni Snow nang lumaki na ang pagkakapunit.

He pressed his thumb and index fingers on the side of her cheeks to push her mouth open. Ipinuwesto niya ang dalawang magkapatong na palad sa gitna ng dibdib ni Snow and he performed the chest compression. Natigil siya roon at binalingan ang nakaawang na bibig ni Snow.

Rum gently tilted Snow's head back and placed his one hand on her forehead then the other pinched her nose with his pointer and thumb finger. He sealed her mouth with his and started giving her mouth to mouth resuscitation. He did the chest compression and CPR alternately until Snow gasped for air but still not conscious enough.

Sinong may gawa nito kay Snow?

"Tabi! Tabi nga!"

Nahawi ang kumpol ng mga tao na pilit na binabangga ni Dean na nakasuot pa ng jersey niya sa lacrosse. Nanlambot ang itsura niya nang makita si Snow.

"A-anong nangyari sa kanya, Rum?"

"Suffocation but her breathing and pulse are stable now. Still, we need to bring her to the clinic for further checkup. Can you bring her there quickly? Susunod agad ako."

Tumango si Dean at kaagad na umuklo upang buhatin si Snow. He ran so fast I didn't catch up.

Kinuyom ko ang mga kamao ko at kaagad na tumakbo palayo roon.

"Tutti!"

Rum called but I didn't look back.

Someone has to pay for what they did to her.

Napatigil lamang ako sa pagtakbo dahil sa kamay na humila sa akin paharap.

"Where are you going?" Rum asked. Sinundan niya ako.

"I will make them pay for what they did to her."

"Don't do anything," seryoso niyang sabi sa akin.

"And what? Uulitin na naman nila ang pambubully nila kay Snow?! Rum, muntik nang mamatay si Snow!" I snapped.         

"I will not let this one slip," I added.

Napapikit si Rum saglit saka nagmulat.

"Just don't go overboard," bilin niyang tinanguan ko naman.

"Sundan mo na siya sa clinic," I urged him and he nodded.

Tumalikod na ako at hinanap na ang mga may utang.

I SMIRKED WHEN I saw them at the student's park. They were laughing while Izma was sitting on Julius' lap.

"Hi," I greeted as I sat on the cemented bench facing them with the cemented table in between us.

May malaking plate pa ng fries at ketchup na nakapataong doon.

Nadi-distract ako.

They all grew silent and looked at me with shock painted all over their faces.

"What are you doing here?" asked Nadia.

I picked up a fry, dipped it on the ketchup, and took a bite from it.

Hindi ko na napigilan. 

"Grabe 'yong mascot ni Jollibee kanina. Na-scam ako. Akala ko may birthday party, makikikain nga sana ako, e," I told them smilingly.

Ngumisi sina Julius at Izma.

"So, you saw it?" he inquired.

I turned to him without removing my smile.

"Of course, hindi naman ako bulag gaya ng iba r'yan."

Ngumisi ako sa kanya saka binalingan si Izma at pinaraanan ng tingin mula ulo hanggang paa na sinundan naman ni Julius. I'm making him see how blind he was for choosing some cheap whores like the one sitting on his lap.

"So, how's she? Is she died?"

I scratched my right ear in annoyance when the clown with little intelligence to grammar laughed. 

"Alam mo, nakakaawa ka. Ang itim na nga ng budhi mo, wala pang laman ang utak mo. Saan ka na lang pupulutin niyan?" I mocked.

Napatayo siya sa magkahalong gulat at inis sabay sigaw ng, "What did yu si?!"

Napangisi ako sabay baling kay Julius.

"Sa bagay, may basurero namang namumulot ng basura," sambit ko sabay lahad una ng palad sa direksyon ni Julius tapos kay Izma naman.

'You betch!" she screamed and tried to grab my hair.

Sinipa ko ang binti niya sa ilalim ng mesa bago niya pa ako maabot. Ininda niya ang sakit n'on kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon na tumayo at hilahin ang buhok niya palapit sa akin.

I pushed half of her body down the table saka ako tumungtong sa bench at naupo sa lamesa katabi niya para pigilan ang balak niyang pagtayo sana at mas idiniin pa siya lalo roon gamit ang isang palad ko. My other hand held her wrists and pulled them at her back.

"Lit me gow!" sigaw niya.

Nang mahuli ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit ni Julius upang pigilan ako ay bahagya kong inangat ang sarili ko at siniko siya sa mismong ilong niya na nauna nang binasag ni Dean. Sinapo niya iyon habang umaatras at napapainda sa sakit.

Sina Nadia at Ingrid ay napatayo sa gulat pero natuod din naman sa kinatatayuan nila dahil sa takot. Binalingan kong muli si Izma.

She screamed in pain when I pushed her more on the table. Hinaklit ko rin ang buhok niya upang umangat ang mukha niya.

"Isang beses ko lang 'tong sasabihin sa'yo kaya makinig kang mabuti. Muntik niyo nang mapatay si Snow! Muntik ka nang makapatay ng tao! Naiintindihan mo ba ako?!"

Pinilit niyang tumango. Maluha-luha na siya sa sakit.

"Kung si Snow hindi papatol sa lahat ng mga ginagawa niyo, pwes ibahin mo ako. Hindi lang ito ang aabutin mo sa akin kapag umulit ka pa. Sa susunod, hahatakin ko na si Dean kasama ko para hindi lang ilong ng boyfriend mo ang basag kundi pati narin buong pagmumukha mo," banta ko sa kanya.

Tumango-tango siya at nagmakaawa ulit. I let her go and I stood from the bench then hopped off from it.

Nadia and Ingrid rushed to her and she wailed like as if she was a beaten child. I turned my back on them and began walking away.

"I-isusumbong ka namin," si Nadia.

My steps halted and I looked at them over my shoulder and smirked.

"Go ahead so that everyone will know how you almost killed Snow."

I spun around to face them when I remembered something.

"One more thing, Izma. Mag-aral ka muna nang mabuti at ayusin mo narin ang baluktot mong dila bago ka magbitiw ng masasamang words. Nakakahiya, e."

I smirked triumphantly and turned away from them then I rested my both hands at my back before sashaying my way out of there.

                 • • • SNOW • • •

UNTI-UNTI KONG DINILAT ang mga mata ko at inilibot sa paligid.

Nasa clinic ako. I really passed out awhile ago.

Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa kamay ko din.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maabutan si Rum na nakapatong ang ulo sa gilid din na iyon habang nakapikit. Mukhang nakatulog siya habang nahawak pa din sa kamay ko.

Bakit gan'on...

Naguguluhan na talaga ako...

Hindi pwede 'to...

Nakagat ko ang labi ko habang patuloy na pinagmamasdan ang mukha niyang mahimbing na natutulog.

Inangat ko ang bakanteng kamay papunta sa dibdib ko upang sapuhin ang naghuhuramentado kong puso.

Bakit...

Bakit naiiyak ako?

Bakit...

Bakit parang ramdam kong pamilyar na eksena na 'to pero hindi ko lang matandaan kung kailan at saan.

Rum stirred when he felt my movement. Inangat niya ang ulo mula sa pagkakahiga at nagmulat na.

Kaagad na rumehistro ang pag-aalala sa mukha niya nang magkatinginan kami. He lifted my hand which he had been holding for long and held it gently with both of his warm palms.

"How are you feeling?" he asked softly.

Bumangon ako paupo at maagap naman siyang tumayo sa tabi ko upang tulungan ako.

"Rum, hanggang kailan..." Napapikit ako at nang magmulat ay naramdaman ko ang pagbabadya ng mga luha sa aking mga mata.

"H-hanggang kailan nila ako sisingilin sa nagawa ko?" lumuluha kong tanong sa kanya.

His eyes softened and he immediately enveloped me with a warm embrace that only made me cry harder.

"Iiyak mo lang, Snow. Nandito lang ako," he soothed and began caressing my arms gently.

Napakapit ako sa braso niya habang humahagulgol pa din.

Muntik na ako kanina.

Dahil lang sa pangyayaring 'yon ay tila hinusgahan na ng buong mundo ang buong pagkatao ko at ang magiging kapalaran ko.

Sa isang pagkakamali lang.

"Nandito lang kami, Snow. Nandito lang ako," he reminded me and I felt him kissed the top of my head as I sobbed my heart out.

                 • • • TUTTI • • •

I STOPPED WALKING when I noticed Dean stilled by the clinic's door.

Kumunot ang noo ko pero nagpatuloy parin. I poked his back with my index finger.

"Dean, padaan," I told him but he only blocked my way more.

Problema nito?

Hinawakan ko ang braso niya at inangat iyon saka ako lumusot. But he quickly held me by the waist and took me out of the clinic.

"Hoy! Anong ginagawa mo?! Dadalawin ko si Snow!" I hissed.

I always get annoyed every time he carried me this way.

"Mukhang hindi naman niya tayo kailangan," mahina niyang usal.

May problema nga.

Binitawan niya lang ako nang marating namin ang cemented benches paharap ng field.

Naupo siya sa roon kaya tumabi na ako sa kanya.

Napangisi ako nang mapansin ang tatlong roses na hawak niya pala kanina pa. Umusog ako palapit sa kanya saka siya sinagi sa balikat.

"Uy, dumadamoves na siya," tukso ko pa.

"Tsk. Ito ba?" tanong niya sabay abot n'ong roses na bigla na lang niyang tinapon sa lupa at tinapak-tapakan.

"Hoy, bakit mo naman ginawa 'yon?! Sayang 'yong bulaklak!" I shouted.

He only tsked.

"Alam mo ikaw may saltik ka rin, e. Urong-sulong ka! Alam at kitang-kita naman nating lahat na mahal mo pa si Snow pero hindi ka kumikilos para maparamdam 'yon sa kanya. Sabihin mo na kasi 'yang nararamdaman mo para hindi na masyadong mabigat. Umamin ka na," I advised him.

He turned to me only to smirk mockingly.

"Really? It's that easy? E, bakit hanggang ngayon hindi mo parin masabi kay Queen ang tungkol sa inyong dalawa ni Rum?"

Napakurap ako ng tatlong beses sa tanong niya. Hindi kaagad ako nakapagsalita at binalingan na lamang ang field.

Si Queen, ang ibang taong nakakakilala sa amin at ang publiko.

May masasaktan at may manghuhusga sa amin.

I couldn't help but feel guilty. Matagal nang divorced sina mama at Gov at hindi rin naman ako legal na inampon ni Gov pero laging ganoon ang nararamdaman ko kaya hindi ako pumapayag na pinapaalam ni Rum sa iba ang tungkol sa amin.

Dalawang taon na kami.

Umabot talaga kami nang ganoon katagal.

We met when our parents planned on getting wed. We got to know each other more in each passing days hanggang sa nahulog ako pero ang nakakatawa ay siya ang unang umamin. Talagang iniwasan ko siya noon dahil maliban sa hindi iyon tama ay dahil narin sa kasunduan namin ni mama. But he was persistent in courting me. Niligawan niya ako tapos boom kami na pagtungtong ko ng college.

"Kailan mo pa nalaman ang tungkol sa amin ni Rum?" I asked Dean without looking at him.

"Noong nililigawan ka pa lang niya noong grade 12 ka at first year college siya."

I sharply turned to him.

"At hindi niya talaga pinaalam sa akin 'yon?"

He chuckled.

"Bakit sa akin ka nagagalit?"

Umiling na lang ako at tumingin ulit sa field.

"Pero ang totoo niyan ay nahuli ko lang din siya noong unang taon niya sa college. Paano ba namang hindi? Isipin mo may dorm kami pero kada matatapos ang klase niya ay bumibyahe siya ng trenta minutos pauwi sa Sentosa araw-araw. Iyon pala may laging gustong nakikita," he recounted the past, giving emphasis on 'araw-araw'

"Tapos ito pa. Nagduda na talaga ako sa kanya nang hinatak niya ako sa mall para samahan siyang bumili ng mga tali sa buhok dahil mahilig ka raw sa mga tanginang ribbon-ribbon na 'yan," dagdag niya pa sabay inis na pinitik ang dulo ng lasong nakatali sa buhok ko.

"Kaya ayun kinompronta ko. Aba! Umamin talaga, tuwang-tuwa pa," he continued.

"Tingin mo ba mali itong ginagawa namin?" I asked and his brows furrowed.

"Anong mali d'on? Hindi mo naman na siya stepbrother, ah. Isa pa, ang mali ay iyong nandyan na nga ang tanginang love, hindi mo pa tinanggap."

I chuckled at his words.

He's right.

When love is already right in front of you, you don't turn your back and run away.

Napabaling ako sa kanya at ngumisi nang mapang-asar.

"Babalikan mo na ba si Snow niyan?" tukso ko sa kanyang inirapan niya lang.

"Kilala mo ba si Dahlia?" he asked me with a serious tone this time.

Tumango ako.

Rum had always been honest with me. Kaya siguro nagtagal din kami. I couldn't ask more from him. He is perfect and I am not but he still accepted and love me 'til now.

"Dahlia was his first love and so was mine... kaso si Rum ang pinili niya," he laughed, a sad one.

"But I accepted it. They both deserved each other," he added.

I studied his statement. May gusto siyang sabihin.

"You want to say something. What is it?"

"Snow resembles Dahlia so much," he revealed.

"Sa lahat ng bagay actually. Para talagang tanginang throwback, e."

I smiled while looking at the sunset.

"You're scared," I disclosed my assessment.

"At mukhang si Rum naman ulit ang mapipili."

Natahimik ako roon.

"Kutong-lupa," he called, I didn't respond.

"Can you do me a favor?"

Tahimik lang ako.

Ayokong magsalita. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya.

"Magpatangkad ka," he laughed.

Sinapak ko nga sa mukha. Bwisit na 'to. Akala ko naman seryoso na.

"Tulungan mo naman ako, oh. Don't I deserve to be chosen too?"

He was asking me to keep Rum away from Snow.

Hindi kaagad ako nakasagot but he was very expectant.

I puffed my cheeks and sighed then I drifted my attention on him.

"Mahal ko si Rum pero kung pipiliin niya si Snow at hihingin niyang lumaya mula sa akin ay ibibigay ko," sabi ko sabay tingin ulit sa lumulubog na araw.

"Because the love I know isn't like that. I wouldn't keep the love that isn't truly for me."

DALA-DALA KO ANG bag ni Snow habang inaalalayan naman siya ni Rum.

"Ayos na ako, Rum. Kaya ko na," mahina niyang sabi rito sabay ngiti.

Rum nodded and smiled again.

"Tutti, ako na diyaan. Hindi naman ako nabinat," mahinhin niyang wika sabay hagikhik.

"Nag-aalala lang ako. Ayos ka na ba talaga?" I asked her then she hugged me.

"Thank you," she thanked me sweetly.

If the day comes that this sweet lady will choose him over Dean and my man will ask for his freedom, I will hold on to my promise.

I will not keep the love that is not meant for me.

Nauna na si Dean sa Jeepney Wrangler niya. Si Rum naman sinagot ang tawag ni Gov.

Maglalakad na sana si Snow papunta sa sasakyan nang biglang pinigilan siya sa braso ni Queen.

"I saw the scene inside the clinic awhile ago," madiin niyang sabi.

"Queen..." usal ni Snow na naguguluhan.

"Queen, tama na 'yan," saway ko sa kanya.

"Don't you dare meddle with us," she warned me before turning to Snow.

"I will only say this once. If you want to keep our friendship, stay away from Rum," Queen told her before letting her arm go and marching inside the car.

Naiwan kami ni Snow doon. Kaagad niyang pinunasan ang mga nagtatangkang luha gamit ang likod ng kamay niya.

"Snow, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Snow paglapit ko.

Sorry, Snow.

Para sa akin dapat iyong banta at mga galit ni Queen.

"Mukhang hindi na ata ako mapapatawad pa ni Queen," makahulugan niyang wika. She smiled sadly before walking to the Jeepney Wrangler.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Anong nangyayari?

Ang gulo-gulo naman.

May mga palad na banayad na humawak sa mga siko kaya napalingon ako roon.

"Ayos ka lang?" Rum asked with worry laced his voice.

Tumango ako at hindi na nagsalita.

"What's wrong, doll?" he pushed, not buying my gesture as an excuse.

"Ayos lang ako," I smiled weakly and quickly pulled myself out of his hold when Snow turned to us.

Nahuli ko ang paglunok niya at ang malungkot na pagtango.

Pumasok na kaming lahat sa sasakyan at kaagad kong napansin ang tensyon sa pagitan ng dalawang kaibigang babae. Inihilig ko ang ulo sa may bintana at napapikit.

Sumasakit ang ulo ko sa charms ni Rum. Masyadong maraming naaapektuhan.

I sighed.

Ikakain ko na lang 'to pag-uwi.

illinoisdewriter

Comment your thoughts because I love reading them. Please vote and share also. Thank you mates! Sayonara!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top