Episode 13: Teenwolf (Part 3)
Episode 13: Teenwolf (Part 3)
• • • TUTTI • • •
SNOW TOLD US about her experience inside the Simulation Room. She said she saw the past there, Derek's past. The night of his death to be specific.
She narrated that he was buried alive and his friend Cadet 4th Class Sean Castillon was hit to death using a shovel.
It must be a terrible sight for Snow, lalo na at hindi siya namulat sa mga ganoong eksena.
When we told Derek about it, he transformed and lashed out again. Mabuti na lang at napakalma siya agad ni Rum. We're also thankful that we were at the Overlook by then which would mean zero casualty even when he reacted violently.
Kinabukasan ay dumating sina Dan at ang nanay niya. Makikitang matanda na talaga ang ginang dahil halos puti na ang nakapusod nitong buhok. Gentleness was evident in her eyes and character. Nagsusumigaw ang presensya niya ng isang mabuti at mapagmahal na ina.
Nakakainggit.
"D-Derek..." maluha-luhang tawag nito sa anak nang makita.
Lumapit si Derek sa ina at mahigpit itong niyakap.
"Sorry, nay. Sorry talaga..." iyak ni Derek.
Nag-iiyakan na sila kaya nag-iwas ako ng tingin. When I looked away, my eyes drifted to Rum who was looking at me. Mukhang kanina niya pa napapansin ang reaksyon ko sa mag-ina. He smiled sympathetically.
• • • SNOW • • •
NANGITI AKO HABANG nanood sa madamdaming tagpo ng mag-inang Asuncion.
"Sorry, nay. Sorry talaga. Binigo po kita. Sorry..." iyak pa din nang iyak si Derek. Para siyang batang humihingi ng tawad sa ina.
Tita Gina Asuncion hushed her son and held him by his cheeks.
"Shh... Tama na... Wala kang binigo ninuman. Wala kang kasalanan..." pang-aalu nito kay Derek.
Bago pa man sila nagtungo dine ay nasabi na ni Dan ang lahat sa ina. Iyon din kasi ang bilin ni Rum sa kanya kahapon upang hindi na masurprisa pa ang ginang pagpunta dine.
"Tandaan mo 'to lagi... proud si nanay sa'yo," she smiled at him.
"Sana all," bulong ni Tutti bago tahimik na tumayo at umakyat ng second floor.
Susundan ko na sana siya nang bigla akong pigilan ni Rum sa pamamagitan ng pag-iling.
Nanatili na lamang ako sa pwesto ko at nagpatuloy sa panonood.
"Nay, paano na kayo ni Dan? Nagpapagod ka pa ba palagi sa pagtitinda? Kamusta na ang cataract mo? Napagamot mo na ba? Si Dan nasa college na rin..." iyak pa din ni Derek.
"Nak, ayos na si nanay. Tanda mo pa ba na lahat ng allowance mo ay pinapadala mo sa amin? Iyon ang ginamit ni Dan upang ipagamot ako. Nagtitira ka pa ba para sa sarili mo noon?" Hinaplos ni Tita Gina ang pisngi ng anak.
Namimiss ko na si inang. Naalala ko kasi siya kay Tita Gina.
"Ayos lang po, nay. Para sa inyo naman talaga ni Dan lahat ng iyon."
"Kaya ba... Kaya ba hindi ka nagsumbong ninuman kahit na... kahit na sinasaktan ka nila? Kaya ba... Kaya ba... tiniis mo lahat para sa amin?" hagulgol ng ginang nang matanto ang lahat.
Tiniis ni Derek ang pagmamalupit sa kanya ng mga kasamahang kadete dahil gusto niyang manatili doon para matulungan ang pamilya niya.
Pamilyang naghihintay at nag-aalala sa kanya sa labas ng akademya...
Hindi niya deserve lahat ng ito.
Sila ni Sean.
Hinayaan ni Rum na mag-usap pa nang masinsinan ang mag-ina. Tahimik kaming nilapitan ni Dan.
"Pwede po bang humingi ng pabor?"
"Ano iyon, Dan?" Rum smiled at him, encouraging him not to be scared and to continue.
"Alam kong deserve ni Kuya Derek ang marangal na libing pero... naubos na po kasi talaga ang pera namin sa operasyon ni nanay. Pwede po bang iyong funeral service lang na kaya ng bulsa namin ang ibigay niyo?" nakayukong amin ni Dan. Nahihiya siya.
Rum placed his hand on Dan's shoulder and smiled at him.
"Kami na ang bahala. We'll give Derek the funeral service he truly deserves," aniya.
Nag-angat ng tingin si Dan sa aming funeral director. Nangingislap ang mga mata niya sa nagbabadyang luha, halatang naantig siya sa sinabi nito. Umiling siya.
"Uutangin ko na lang po muna. Babayaran ko nang paunti-paunti kapag may pera na ako. Sobra-sobra na po kasi ang nagawa niyo para sa amin. Nahihiya na po ako. Kahit sa ganitong paraan man lang po ay makabawi kami," determinadong hayag nito.
Marahang tinapik ulit ni Rum ang balikat ni Dan at nangiti dine. Naiintindihan niya.
Nabaling ako kay Dean nang mapansin kong natahimik siya habang nakatingin kay Dan.
Sa tingin ko, unti-unti na niyang nauunawaan ang sinasabi ni Tutti.
He's now trying to put himself on Dan's shoes to understand him.
• • • TUTTI • • •
WE WENT TO the forest at the back of the academy. Ang sabi kasi ni Snow ay nasa gubat daw inilibing nang buhay si Derek ng mga kasamahan nitong kadete. Tapos may natatandaan daw siyang matayog na pader sa may di kalayuan. Her description perfectly matched the place we headed.
"Dine! Dine!" hayag ni Snow sabay turo sa lupa nang paulit-ulit.
Kaagad na naghukay sina Dean at Rum. Si Queen naman panay ang palo sa mga braso at binti dahil sa mga lamok.
Bakit ba kasi naka-high rise shorts at crop off-shoulder top lang siya sa ganitong lugar?
Pinanood namin ang dalawang lalaki na maghukay hanggang sa sumigaw si Dean ng, "Tangina!"
Nanigas si Dean sa kinatatayuan. Mabilis na lumuhod si Rum upang hawiin ang mga natitirang lupang nakatabon pa sa nakita nito.
Maging siya ay natigilan din at napatayo sa nasaksihan. Tumayo kaming mga babae at lumapit sa kanila upang silipin ang naroroon.
"Mio Dio," mahinang bulong ni Queen sabay takip ng bibig at suka.
Si Snow ay nag-iwas din ng tingin at tahimik na umiyak sa isang tabi.
Sa ilalim ng hukay ay naroroon ang hubo't hubad na katawan ni Derek kasama ang halos mabulok at nangangamoy nang si Sean.
Beast si Derek kaya hindi man lang siya kakikitaan nang kahit na anong pagkabulok sa katawan.
Kaagad na tumayo si Dean nang makabawi at kinuha mula sa loob ng bulsa ng cargo pants niya ang cellphone.
"Those fucks should rot in prison," he furiously remarked and hastily dialed his high-ranking military officer father.
Nanatili naman akong nakatitig sa mga bangkay doon. Memories of my past rushed through my head.
"Dispose them," malamig niyang utos sa akin.
Nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang buong sistema ko habang nakatitig sa tatlong bangkay na bulagta sa harapan ko. Dilat na dilat ang mga mata nila at pare-parehong may tama sa sentro ng ulo.
"Show me what you learned from Russia. Make me proud, Tuttieana."
Mabilis akong kumilos at sinunod ang gusto niya kahit pa sukang-suka na ako sa lahat ng mga pinaggagagawa namin.
A warm palm covered my eyes from behind, pulling me out from reminiscing.
"Everything will be fine. I promise you, doll," he whispered.
Ang mga taong 'to ay nagmula sa iisang institusyong humuhubog ng mga susunod na taga-pagtanggol ng bayan. Dapat ay mayroon silang parehong hangarin, mabuting hangarin tungo sa pagsulong ng kapayapaan at pag-unlad ng buhay pero sila pa mismo ang pumapatay.
Evil truly looms everywhere and everyone has a little evil residue. But it's always up to us if we succumb to it and unleash the demons we all have inside.
"Authority identifies four cadets, two tactical officers involved in two plebes' hazing death..."
"PMA superintendent resigns after Asuncion-Castillon hazing case..."
Derek named the three upperclassmen and the squad leader who were the masterminds of his and Sean's hazing and death. Napatalsik ang mga ito sa akademya at napatawan ng mga karampatang kaso. Isinama rin ang dalawang mga tactical officers para sa kapabayaan at ang hindi nila paghahanap sa dalawang nawawalang cadet fourth class sa loob ng limang buwan. Maging ang superintendent ng akademya ay nagresign din. Naging matunog kaagad ang mga ito sa publiko at laging laman ng mga balita.
Tinulungan kami ni Lieutenant Colonel Aamir Raj ng Philippine Army na tatay ni Dean. And he helped without further queries. Looks like siya rin ang first-blood guardian na napagmanahan ni Dean.
Dan and Mrs. Asuncion helped us in getting Derek's body from the specialists after its examination and moved it here in Overlook.
"Multiple shots, bruises due to multiple beatings, strangulation, head trauma, pumutok din ang large intestine niya and his genitals were swollen," ani Rum sabay lapag ng isang folder sa coffee table namin sa lobby.
He just performed an autopsy of Derek's corpse.
"Hindi biro ang pinagdaanan niya," malungkot niyang wika.
"Tinawagan ko si daddy. Mananalo raw ang mga Asuncion at Castillon sa kaso dahil malakas ang ebidensyang hawak natin. Papahigpitin na rin daw nila ang pagbabantay sa mga kadete para hindi na maulit ito," tugon ni Dean.
"Dean, please tell Tito Aamir that we're truly grateful for his help."
Dean nodded at Rum's request. We prepared for Derek's funeral. Pinaghandaan namin iyon nang maigi. We want nothing but the best for Derek, a fallen military cadet, a fallen teenwolf.
Si Queen ang namili ng susuotin ni Derek but she asked Rum to change his clothes. Rum agreed because he can see that Queen's still uncomfortable in changing our first ever male client. She then took charge of the cosseting after.
Snow was preparing the Gold Room for the funeral rites. Hinahanda na rin niya ang mga standing sprays at funeral wreaths pati na ang mga ilaw na gagamitin. Si Dean naman ang nagdala ng kabaong papunta sa Gold Room. I am currently working on the documents for Derek's funeral.
The Asuncions won't spend for this funeral and that was what Rum decided. However, Dan insisted that this will be his debt to us and that he will pay once he earned from his part-time job. Nagbigay din ng tulong ang PMA sa ginang. Yorme also granted Dan a full scholarship in the university.
The vigil of the funeral lasted for three days and two nights and today is Derek's burial. Kakaonti lang din ang mga bisita.
We are wearing a black cuffed long sleeves belted gown as our service uniform for today.
Ang mga lalaki naman ay naka-itim na long sleeves button-down under a black one-button coat. The girls and I just let our hair down.
Sa malawak na garden cemetery namin inilibing si Derek. Rum freed some doves in the air to commemorate the dreams Derek had for himself and for his family. Although he was gone, those things will forever be cherished in the hearts of people who love him.
"Tutti."
I groaned. Susubo na sana ako ng ginawang cupcake ni Snow nang tawagin ako ni Rum. Ibinalik ko ang cupcake at tipid naman akong nginitian nang nakabantay na si Snow sa hinanda nila ni Rum na buffet. Tumulong din si Ms. Ferrer sa paggawa n'on with the help of her clones.
Nakasimangot akong nagmartsa palapit kay Rum.
"Oh, ano?"
He chuckled and asked me to take a photo of Mrs. Asuncion who was staring lovingly at the sky while holding Derek's cadet uniform. A tear escaped from her eye but she smiled as she watched the doves flying freely in the air. I clicked my DSLR to capture that moment.
"She already set him free and had given her final verdict- forgiveness," Rum stated, still looking at the matriarch.
"Bakit ang dali niya lang magpatawad? Hindi naman ganoon kadali ang ginawa ng mga taong 'yon sa anak niya, ah," naguguluhan kong untag.
Kung ako si Mrs. Asuncion, dadalhin ko hanggang sa hukay ang galit ko sa mga taong kumitil sa buhay ng anak ko at ang naging dahilan kung bakit hindi na matutupad pa nito ang mga pangarap.
Rum looked at me softly.
"Iyan ang huwag mong gagawin, doll. 'Wag mong dadalhin ang galit mo hanggang sa hukay. Mrs. Asuncion forgave because she knew her son will be someplace safe and better soon. In a place with no pain, no suffering, and danger."
Lagi niya na lang akong nababasa. Tsk.
"Pero di ba sabi mo dadaan pa siya sa seven hells pagkahatid ni Charon sa kanya sa afterlife?" I asked when I remembered what he told us.
"Iba ang kaso niya. He is a paragon. Mabuting nilalang na namatay nang wala sa oras. He will be given the privileged not to go through the seven hells and immediately be reborn," he explained.
Paragon.
The privileged souls.
"A beautiful life awaits him after this tragic death," habol niya pa.
"Magiging paragon din kaya ako, Rum?" I asked and chuckled humorlessly when I realized it was futile.
I lived a horrible life.
Rum intertwined his fingers with mine and held my hand gently. I looked up at him. He was smiling.
"You're a blessing to some people, doll," pampalubag-loob niya and I smiled.
• • • SNOW • • •
NASA FIELD ULIT kami at manonood ng training nina Dean. Hindi din naman kasi kami makakauwi dahil siya ang magda-drive at may laro pa siya.
"Dan!" tawag ni Tutti kay Dan na dumaan sa pwesto namin.
Kumaway kami sa kanya maliban kay Queen na nagtaas lang ng kilay. Napatitig si Dan dine at mabilis na nag-iwas ng tingin nang mamula ang pisngi niya.
"Nagbibinata na si Dan. Malas niya naman, sa mahal na reyna pa may crush," tawa ni Tutti sabay pasimpleng tapon ng tingin kay Queen.
"And your point?" nainis na ganti ni Queen.
"Na maganda ka," bawi ni Tutti sabay ngiti.
"Of course. Good that you know it."
Queen flipped her hair on Tutti's side, intentionally hitting her. Natawa lang ulit si Tutti.
Tumayo na ang mga players ng lacrosse team. Pero bago pa man makaabante si Dan papunta sa field ay hinarang ni Dean ang lacrosse stick niya sa harap nito.
"Ayusin mo 'yang helmet mo," puna ni Dean sabay ayos ng helmet ni Dan.
"Salamat," napangiti si Dan. Pakiramdam ko naalala niya ang Kuya Derek niya dahil doon.
"Dapat maging role model ka, cap."
Nagulat si Dan sa sinabi ni Dean. Dean smirked at his reaction.
"Congrats, Captain Dan Asuncion," aniya at kinamayan ang natulalang si Dan.
"T-teka... Paano..."
"Gusto mo o ayaw mo?"
Nangiti na lang si Dan sa panghahamon ni Dean at nailing. Dean looked at us. Nangiti ako sa ginawa niya. Si Tutti naman nag-thumbs up pa. Si Queen naangat din ang gilid ng labi.
He finally understood.
"Halika na, cap! Bagal mo!" aniya sabay tapik sa balikat ni Dan saka siya nito sinundan papuntang field.
KANINA PA NABULONG si Tutti sa pwesto niya sa inis. Nasa paborito ulit naming barbequehan kami sa may Divisoria.
"Rum, isang kanin na lang," tawag niya sa atensyon ng stepbrother niyang natigil sa pag-inom ng beer kasama si Dean.
"Please, please, please..." pagmamakaawa ni Tutti habang magkadaop ang mga palad at yumuyuko-yuko pa.
Napabuntong-hininga si Rum at tumayo saka tinungo ang counter. Queen grimaced and pinched Tutti's cheek with her freshly manicured nails.
"You really want to have a stomachache? We're done eating," pinapanlakihan pa ni Queen ng mga mata si Tutti na para itong bata na dapat matakot sa kanya.
Kanina pa kami tapos kumain pero si Tutti umorder ulit ng barbeque tapos nang oorder na sana siya ng kanin ay narealize niyang naubos na ang pera niya.
Napasimangot si Tutti pero kaagad ding natuwa nang ilapag na ni Rum ang pinggan ng kanin.
"Huli mo na talaga 'yan," paalala nito sa kanya bago bumalik sa pwesto nila ni Dean.
Nagpatuloy na siya agad sa pagkain.
"Tutti."
Napaangat naman ng tingin si Tutti dahil sa tawag ni Queen.
"Do you know what type of girl does Rum likes?"
Napaubo si Tutti at mabilis na inabot ang baso sa tabi niya para uminom.
Taranta namang nalinga sa paligid si Queen at napabuntong-hininga nang abala pa din sa pag-uusap sina Rum at Dean sa kabilang table.
Hinagod ko ang likuran ni Tutti para tulungan siyang pakalmahin.
"Hey, calm down, will you? You're making a scene."
"Ginulat mo kasi ako, e," sagot naman ni Tutti.
"Fine, I'm sorry. So, what?"
"IDK. Hindi naman niya naku-kwento sa akin."
"But he has no secret girlfriend right now, does he?" pang-iintriga ulit ni Queen.
Inabutan ko na ng tubig si Tutti nang mabilaukan na naman siya. Hinampas-hampas niya na din ang dibdib.
"Himmeldonnerwetter! Hindi ba pwedeng kumain naman ako nang matiwasay?" si Tutti na halos magmakaawa na.
"Fine," Queen surrendered.
Nagpatuloy na sa pagkain si Tutti. Si Queen naman natitig sa akin. Pansin ko 'yon sa gilid ng mga mata ko habang hinahagod ko pa din ang likod ni Tutti.
"May problema ba?" tanong ko nang hindi ko na mapigilan pa.
She smirked and sipped on her glass of water.
Pero natigilan ako sa sunod niyang binulong.
"I hope he doesn't see Dahlia in you."
illinoisdewriter
A/N:
Remember Cadet 4th Class Darwin Dormitorio's hazing case? This service is actually inspired from his case.
Dahil mahilig akong magshare, let me share this to you haha. He was from Cagayan de Oro and so I am. My brother took the PMA exam the same year he did. However, hindi nakapasa ang kapatid ko and when we heard about our fellow Kagay-anon's death in the PMA, we watched a total of five documentaries about his death and traumatic experiences inside the academy.
Mapapatanong ka na lang talaga kung anong malalim na dahilan kung bakit nagawa iyon ng mga kasamahan niyang kadete sa kanya. They were inside the institution that's molding them to protect lives yet they chose to end their fellow cadet's life.
Gaya nga ng sabi ni Tutti. May kasamaan sa kahit saang sulok at mayroon ding nakatago sa loob natin. But remember, it's always up to us whether we unleash our inner demons or not. Sadly, these people chose the evil.
Teenwolf ang binigay kong title because I made the client a werewolf beast and I had taken some scenes from the TV series also and made some twists, iyong lacrosse scene sa first part ng service na 'to.
Thank you for reading. See you on the next update!
P.S.
Please vote, comment, and share. Sayonara!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top