Episode 12: Teenwolf (Part 2)

Episode 12: Teenwolf (Part 2)

                 • • • SNOW • • •

NAKAUSAP NI RUM si Cadet 4th Class Derek Asuncion pagkatapos namin siyang makaharap ni Tutti sa third floor. He was classified as beast because he's a werewolf. Base sa records niya, limang buwan na siyang patay.

"Naaalala mo ba kung paano ka namatay?" tanong ni Rum sa kadete.

Nasa lobby kami ngayon at nagpapatuloy sa pag-uusap pagkatapos naming mag-almusal. Mamayang alas-nuebe pa din naman ang klase namin kay Yorme.

Umiling si Derek. Pero may hula na kami. Nabaling si Rum sa folder na hawak.

"Ang nakalagay sa cause of death mo rito ay multiple shots," aniya.

Tumango si Derek at nanatiling tahimik. Hindi niya siguro mawari pa kung ano ang sasabihin.

"Alam mo ba kung nasaan ang bangkay mo?"

Umiling ulit si Derek.

"Rum, is he suffering from amnesia?" Queen queried.

"Selective amnesia. He was suppressing the memory of his death only and some traumatic experiences perhaps," Rum explained.

"Paano na ang remains niya?" tanong ko.

"We have to help him recover so that we'll know where his remains could be."

"Patay na ba talaga ako?"

Natingin ulit kami kay Derek. Nakayuko siya tapos nagulat na lamang kami nang pumatak ang mga hula niya sa sahig.

He leaned his elbows on his knees and covered his eyes with his hands as he sobbed.

Naawa ako...

"'Yong nanay at kapatid ko... Paano na sila?" bulong niya habang naiyak pa din.

"Gagawin namin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Pinapangako namin 'yan," alo ni Rum sa kliyente.

Pinunasan ni Derek ang mga luha gamit ang kanang manggas ng military fatigue niya. Iyon daw ang tawag sa uniporme niya sabi ni Tutti.

"Gusto ko sanang makausap ang kapatid ko," ani Derek.

Tumango si Rum at kinuha na ang pangalan ng kapatid ni Derek at ang address ng bahay nila.

BAGO PA MAN kami pumasok sa UP ay pinuntahan namin ang bahay nina Derek. Hininto ni Dean ang sasakyan sa bukana ng isang eskinita. Napangiwi si Queen nang matantong slum area iyon.

"I'll stay here," sambit niyang nakahalukipkip.

"Ikaw lang maiiwan dito. Sasamahan ko sila," sagot naman ni Dean sa kanya habang nagtatanggal ng seatbelt.

Binuksan ni Tutti ang pinto at lumundag na palabas ng sasakyan. Naka-type B uniform kami kaya mas komportable ang paggalaw namin dahil slacks ang suot namin.

"Hayaan mo na siya, Dean. Ayos ka lang ba rito? Babalik din kami agad," baling ni Rum kay Queen sa backseat na maagap namang tumango.

Mukhang hindi talaga siya magpapapilit. Naiintindihan ko din naman si Queen. Hindi siya sanay sa ganitong lugar. Iniwan ko muna ang tote bag ko at sumunod na sa kanya. Si Dean naman nasa likuran ko na din. Nauuna si Rum sa amin. Huminto siya sa isang simple at sementadong bahay. Isinilid ni Rum sa bulsa ang hawak na papel saka nakatok na sa pinto.

"Ano pong atin–anong ginagawa mo dito?"

Natigilan ang nagbukas ng pinto nang nadapo ang mga mata nito sa likuran, kay Dean. Nalingon ako kay Dean at naabutan din siyang gulat habang nakatitig sa taong nagbukas.

"Ikaw si Dan Asuncion?" paninigurado ni Dean.

Nakunot ang noo at sumama ang timpla ng mukha ng freshman na siyang team captain sana ng lacrosse team kung hindi lang nagkaroon ng rematch at na-sprain. Nasulyap tuloy ako sa paa niya. Nakabenda pa iyon at mukhang hirap pa din siya sa paglalakad kasi nakasandal ang kaliwang palad niya sa hamba ng pintuan bilang suporta.

"Anong na namang kailangan mo? Hindi ka pa ba masaya na ikaw na ang team captain? Chance ko na sana 'yon na magkaroon ng full scholarship tapos..." Umiling na lang ito at hindi na ipinagpatuloy.

"Ikaw ba ang kapatid ni Cadet 4th Class Derek Asuncion?" magalang na tanong ni Rum sa binata.

Natigilan si Dan at gulat na nagpalipat-lipat ng tingin sa aming apat. Nabaling ulit siya kay Rum nang makabawi.

"Bakit niyo kilala ang kuya ko? Alam niyo ba kung nasaan siya? Bakit hindi na siya nagpapakita at nagpaparamdam sa amin? Ni-text o tawag man lang, wala. Alalang-alala na si nanay sa kanya," napiyok niyang wika.

Nalungkot ang mga mata ni Rum nang mahimigan namin ang pag-aalala sa boses ng kapatid ni Derek.

Hindi nila alam...

"Gusto mo bang makita siya? Babalik ulit kami rito mamayang alas-kwarto ng hapon upang sunduin ka pagkatapos ng klase namin. Kung ayos lang sayo."

"Makikita ko ba si kuya?"

Malungkot na tumango si Rum at nangiti din nang may parehong emosyon.

"Sige, maghihintay ako sa inyo."

NAGLALAKAD NA KAMI papunta sa klase ni Yorme nang patuloy pa din si Dean sa paglalabas ng mga reaksyon niya sa nalaman niya tungkol kay Dan Asuncion.

"Kaya pala ang bilis at lakas din ng gago dahil werewolf pala siya. Akala niya siguro malalamangan niya ako bilang team captain dahil doon."

Natigil sa paglalakad si Tutti na bahagyang nauuna sa amin at nalingon sa kanya.

"Talagang uunahin mo pa 'yan?" seryoso niyang tanong.

Nakunot ang noo ni Dean at naguluhan sa inaasta ni Tutti.

"The fuck you mean?"

"Pinaghirapan at sinubukan niyang makuha 'yong posisyon ng team captain tapos heto ka at walang ibang iniisip kundi ang malamangan niya. Really?"

"Anong problema mo? At isa pa, pinaghandaan ko nang maigi ang tryout na 'yon kaya hindi ako papayag na sa kung kani-kanino lang mapupunta 'yon."

"At sa tingin mo hindi niya rin pinaghandaan 'yon?"

Dean stepped forward but Tutti remained unbothered.

"Ano bang pinupunto mo?"

"The way you talk like you're underestimating him and acting so cocky over a win you just had after a petty rematch made him more deserving for the position than you do."

Dean clenched his jaw. Naalarma ako at lumapit na kay Tutti saka siya hinawakan sa kamay at ilalayo na sana kay Dean pero nanatili siya doon at patuloy na nakikipagsukatan ng tingin dine.

"Tutti, halika na," bulong ko sa kanya.

"Sinong bang kaibigan mo? Bakit mas kinakampihan mo siya?"

"Wala akong kinakampihan, Dean. Ang akin lang ay sana naman baguhin mo 'yang ugali mo na 'yan. Understand his situation. Be empathetic and open your eyes on how much the guy was striving."

"Paano ba gawin 'yang putanginang empathy na 'yan, ha?! Make me fucking understand why I have to fucking put myself in his shoes to fucking understand him!"

Hindi makapaniwalang napailing si Tutti sa sigaw nito.

"From how I see it now, you will never understand it because you think so highly of yourself that you didn't even notice that you're already stepping this low."

"Anong nangyayari rito?" Rum asked after jogging his way back to us. Lumalapit na din ulit si Queen sa pwesto namin.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Rum kina Tutti at Dean na parehong nagsusukatan pa din ng tingin.

"Magsama kayo ng gagong 'yon at ng empathy na 'yan! Tutal, mukhang pareho naman kayong laging nangangailangan sa buhay kaya hablot nang hablot ng kung anong makapag-aangat sa inyo!"

"Dean!" dumagundong ang boses ni Rum sabay pagitna sa dalawa. Tila hindi na talaga niya nagustuhan pa ang lumalabas sa bibig ni Dean.

Si Dean naman natigilan nang matanto niya ang nabitawang mga salita. Nag-aalalang nabaling ako kay Tutti. Natigilan siya ngunit maliban doon ay wala na siyang ibang reaksyon. Ni hindi man lang kumislap sa nagbabadyang luha ang mga mata niya.

That hit her, I know.

Matapos ang tangkang pagpatay ng mama niya kay Gov ay halos tingin na ng lahat sa kanya ay magnanakaw, mamamatay-tao, at oportunista.

She laughed, a humorless laugh.

"Sa bagay, anak mayaman ka. Ni minsan hindi mo naranasang mamalimos sa daan, magutom ng tatlong araw, at magmakaawa sa sarili mong nanay," aniya.

Hindi nagsalita si Dean. Hindi din umiyak si Tutti. Mapait lang siyang ngumiti.

"You will never understand because I bet you've never done something you've truly worked hard for your whole life," dagdag niya at tahimik na tumalikod saka naglakad na palayo doon.

Nilagpasan niya si Queen na pinanood lang din siya. Mababakasan ng pag-aalala ang mukha nito. She was torn kung sino ang lalapitan pero mas pinili niya ang kaibigang matagal na niyang kakilala.

"I'm sorry, Rum," mahinang usal ni Dean.

Napapikit si Rum at napailing. Pagmulat niya ulit ay hinabol niya kaagad si Tutti.

Ako naman ay natuod sa pwesto ko, nanood sa dalawang panig. Nahihirapan akong magdesisyon pero alam ko kung sino ang mas nangangailangan ng kaibigan ngayon.

Sinundan ko sina Rum at Tutti.

PAGKATAPOS NG HULING klase namin ay tinungo na namin ang bahay nina Derek at sinama si Dan papuntang Overlook.

Magkatabi kaming tatlo sa backseat ni Queen. Nasa pwesto siya ni Tutti kasi hindi sumama ang huli sa amin. Aniya mauuna na lang daw siya sa Overlook.

Tahimik kaming lahat sa sasakyan papunta sa Overlook. Kahit si Dan ganoon din pero nabakas sa mukha niya ang pag-asa at tuwa kasi makikita na niya ang kapatid niya.

Saglit niya ding nakwento na ang tatay daw niya ang werewolf samantalang normal naman ang nanay nila. Kaya din daw pumasok sa akademya ang kuya niya ay upang maiahon sila sa hirap. Matanda na kasi ang nanay nila at masakitin pa. Nauunawaan ni Dan ang sakripisyo ng kapatid niya kaya sinubukan niya ding makakuha ng full scholarship sa UP sa pamamagitan ng pagta-tryout bilang team captain ng lacrosse team para naman mabawasan ang alalahanin ng kuya niya.

Malungkot ako habang nakikinig sa kanya. Mahal na mahal niya ang kuya niya kaya alam kong hindi magiging madali sa kanyang harapin ang katotohanan. Ang sinabi lang namin sa kanya ay dadalhin namin siya sa Overlook kung nasaan ang kuya niya. Ang hindi niya alam ay isang funeral home ang Overlook...

Pagdating namin doon ay pansin kong nagulat si Dan nang makita ang mga nitso sa malawak na bermuda sa labas pero nanatili lang siyang tahimik hanggang sa pumasok kami sa loob. Natayo agad sina Tutti at Derek nang buksan namin ang pinto ng lobby. Nandoon silang dalawa, nag-uusap.

"K-kuya..." Dan trailed off and immediately rushed to him for a hug.

"Dan..."

Nagyakapan ang magkapatid. Nahahawakan ni Dan ang kaluluwa ng kapatid dahil nasa loob siya ng Overlook.

"Kuya, anong nangyari sa'yo? Bakit hindi ka na nagparamdam sa amin? Alalang-alala kami ni nanay sa'yo..." ani Dan habang hawak sa magkabilang balikat ang kanyang kapatid.

Tuwang-tuwa siya. Nangingislap sa luha ang mga mata niya pero nakangiti siya. Malungkot na nangiti si Derek sa nakababatang kapatid.

"Dan, ipangako mo sa aking iingatan mo si nanay at ang sarili mo."

Natigilan si Dan. Napawi ang ngiti niya at tinitigan nang diretso sa mga mata ang kanyang kapatid.

"A-anong sinasabi mo kuya? Bakit ganyan ka magsalita? Bakit para kang namamaalam? May gagawin ba kayo sa military? Isasabak na ba kayo sa misyon?" sunod-sunod na tanong ni Dan nang sa ganoon ay maibsan ang kanyang kaba.

Hilaw siyang natawa dahil pa din sa kaba. "Kung may misyon ka, babalik ka naman siguro, 'di ba? Kuya, babalikan mo naman kami ni nanay, 'di ba?"

Umiling si Derek. Nangingislap na ang mga mata niya sa luha.

"Hindi na ako babalik, Dan."

"Kuya, hindi nakakatawa. 'Wag ka ngang magsalita nang ganyan," seryosong tugon ni Dan sa kanya sabay hatak sa kwelyo ng military fatigue niya.

"Dan... patay na ako..."

Sa pagkakagulat ay hindi kaagad nakapagsalita si Dan. Ibinaba niya ang tingin sa dibdib ng kapatid at nanginig ang mga kamao niya nang mapansin ang mga tama ng bala doon.

"P-paano... B-bakit nahahawakan kita kung ganoon?"

Nabaling si Derek sa amin upang humingi ng tulong sa pagpapaliwanag sa kapatid niya.

"Nasa Overlook ka, Dan. Sa Charmings' Funeral Home. Isa itong espesyal na punerarya para sa mga beasts na kagaya ni Derek. Kaya nagagawa mo pang hawakan ang kaluluwa niya," paliwanag ni Rum.

Nailing nang paulit-ulit si Dan. Hindi siya makapaniwala at hindi niya matanggap.

"K-kuya, b-bakit? B-bakit mo kami iniwan ni nanay?" Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Dan habang mas hinihigpitan niya pa ang pagkakwelyo sa kapatid. Hinayaan lang siya ni Derek.

"S-sinong pumatay sa'yo?! B-bakit hinayaan mo silang kunin ka sa amin! Kuya, ang sabi mo babalikan mo kami ni nanay pero bakit?! Bakit, kuya?!"

"Pasensya ka na talaga, Dan. Hindi ko na matutupad ang mga pangako ko..." napiyok na sagot ni Derek.

Nanghihinang binitiwan ni Dan ang kapatid at napaluhod sabay hagulgol. Yumuko siya at sinuntok-suntok ang sahig. Tiningnan lang siya ni Derek habang tahimik din na naiyak.

Parang kinukurot ang puso ko sa nasaksihan.

Hindi deserve ng magkapatid ang ganitong sitwasyon.

"Gagawin namin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kuya mo," pangako ni Rum habang hawak ang isang balikat ni Dan.

"Pwede ko bang makita ang nanay ko? Gusto ko ring magpaalam sa kanya," tanong nang lumuluha pa ding si Derek.

NANG MAHIMASMASAN SI Dan ay dinala niya kami kung nasaan ang nanay nila nagtutungo palagi pagkatapos nitong maglako ng mga panindang gulay sa palengke.

Nasa backseat kaming tatlong mga babae kasama si Rum na naupo sa tabi ni Tutti. Si Dan at Derek naman nasa front seat. Nagulat ako nang nahinto kami sa labas ng akademya. Nandine ang nanay nina Derek?

Pinark ni Dean ang sasakyan sa malayong gilid ng gate ng akademya. Hindi naman kasi kami makakapasok. Bumaba na kami at kaagad na tinuro ni Dan ang nanay na nasa may tapat ng gate ng akademya dala-dala pa ang kariton ng mga paninda niyang gulay. Nakikipag-usap siya sa mga sundalong nakabantay doon. Hinila ng isa ang kariton nito sa gilid dahil may papasok na sasakyan. Tumabi ang nanay nila at nakiusap ulit.

"Anong ginagawa ni nanay dito, Dan?" naguguluhang tanong ni Derek.

"Limang buwan na kaming walang balita sa'yo kaya kada hapon pagkatapos niyang maglako sa palengke ay lagi siyang dumadaan dito. Nagtatanong siya kung nasaan ka na at kung pwede ka ba raw makausap o makita man lang kasi nag-aalala na siya sa'yo pero lagi lang din siyang umuuwing bigo at malungkot dahil walang balita sa'yo," malungkot na paliwanag ni Dan.

Nabaling ulit kami sa may gate. Nakikipag-usap pa ang nanay nila pero hindi na ito pinansin pa ng mga nakabantay na sundalo. Nang bumukas ang malaking gate ay binitiwan nito ang dalang kariton at sinubukang kumaripas ng takbo papunta sa loob pero mabilis siyang napigilan ng isang sundalo at hinawakan sa mga balikat saka dinala ulit sa labas ng gate. Nagmakaawa ulit ang nanay nila at halos lumuhod na pero nainis lamang ang mga sundalo at tinulak pa siya nang malakas no'ng isa nang subukang pumasok ulit kaya napasubsob siya sa lupa.

"Nay!" sigaw ni Dan at dali-daling tumawid upang daluhan ang ina.

Nang dahan-dahang inangat nito ang sarili niya mula sa pagkakasubsob ay napahawak agad ito sa noo dahil mukhang nakaramdam ng sakit at napaawang ang bibig nito bahagya dahil may dugo nga doon. Nasugatan siya dahil sa pagkakatulak sa kanya.

"Derek!" Nabaling ako sa direksyon ng mga kaibigan nang masigaw si Rum.

Nagbago ang anyo ni Derek at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya dahil sa nasaksihan. Tumalas ang mga kuko niya at ang pangil saka naglitawan ang mga balahibo sa balat niya. He was fuming mad. Mabilis siyang umatake sa mga sundalong nagbabantay at kinalmot ang mga ito. Ang tumulak naman sa nanay niya ay sinakal niya hanggang sa dahan-dahan na itong umangat sa lupa.

Nagimbal lahat ng mga nanonood dahil wala naman silang nakikitang gumagawa niyon. Maging ang nanay nila na ngayon ay dinadaluhan na ni Dan ay nagitla din sa nasaksihan.

Kinabahan ako. Hindi lang para sa mga sundalo kundi pati na din kay Derek. Tanda ko pa ang bilin sa amin ni Yorme na kapag nakapatay o nakagawa nang masama ang mga kliyente namin nang mahigit tatlong beses ay magiging abo ang mga kaluluwa nila at tuluyan nang maglalaho sa mundo panghabambuhay. Hindi na sila mabibigyan ng tsansang maisilang ulit.

"This is getting out of hand," bulong ni Rum saka lumitaw sa kanang kamay niya ang kanyang lasso.

Nasabi naman na niya sa amin iyon pero hindi ko pa din maiwasang magulat.

Hinagis ni Rum ang dulo ng lasso niya papunta sa direksyon nang nagwawalang si Derek. Humaba iyon nang humaba hanggang sa pinulupot no'n ang lalaki sa may bandang dibdib at kasamang nakakulong ang mga braso nito. Nabitawan ni Derek ang sundalong takot na takot at nagpalinga-linga sa paligid. Mukhang hindi din nila nakikita ang lasso ni Rum maliban na lang kay Dan na sinusundan ng tingin ang kanyang kapatid. Hinila ni Rum ang lasso palapit sa pwesto namin. Umiksi naman iyon hanggang nasa harap na namin ang galit at nagpupumiglas pa ding si Derek.

"Derek, makinig ka! Huwag na huwag kang gagawa nang masama dahil maglalaho ang kaluluwa mo panghabambuhay at mawawala ang pagkakataon mong maisilang ulit," madiing paalala ni Rum sa kanya.

"Wala akong pakialam! Natatandaan ko na lahat! Pinatay nila ako at ang walang kalaban-laban kong kaibigang kadete sa hazing! Kung maglalaho man ako, isasama ko ang mga demonyong iyon sa impyerno!" galit na sigaw pabalik ni Derek.

Nanlaki ang mga mata ko. Kaya pala bigla na lang siyang umatake. Natatatandaan na niya ang tungkol sa pagkamatay niya. Maging si Rum ay nagulat. Tunay ngang matindi ang galit ni Derek sa mga sundalong pumatay sa kanya.

"Hindi mo ba nakikita? Pinaglalaban ka ng nanay mo sa paraang kaya niya," kalmadong wika ni Rum.

Natigilan si Derek at sinulyapan ang kanyang inang pinapatayo na ni Dan upang ilayo doon. Hindi man lang ito nagalit sa mga sundalong tumulak sa kanya. Mababakas pa ang pag-aalala sa mukha nito para sa mga sundalo. Nagkatinginan si Dan at ang nanay nila. Umiling ang ina kasabay nang pagpatak ng mga luha nito sa mata.

Naantig ang puso ko. Napansin ko ding nag-iwas ng tingin si Tutti. The scene struck her, I know. Naiinggit siya sa pag-aalala at pagmamahal ng nanay nina Derek para sa kanila. Bagay na hindi nakuha ni Tutti mula sa nanay niya.

Kumalma si Derek at bumalik na sa normal. Umiiyak na din siya nang nabaling kay Rum.

"Tulungan niyo kami... Parang awa niyo na..." pakiusap nito. Maagap na tumango si Rum.

"Gagawin namin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo," pangako ng aming funeral director sa kanya.

BUMALIK KAMI SA Overlook matapos naming mahatid sina Dan at ang ina nito. Ginamot muna ni Rum ang sugat ng ginang at siniguradong maayos na sila bago kami tuluyang nagpaalam para umuwi kasama si Derek.

Nahuhuli ako sa paglalakad dahil panay ang kalkal ko sa loob ng aking tote bag upang kunin ang maliit na bolang binili ko para kay Hades kanina.

Nahinto ako sa ginagawa nang may marinig akong pag-creak ng pinto. Nag-angat ako ng tingin at nagulat nang mapansin ang double doors na pinto na bahagyang nakabukas.

Sigurado akong wala ito kanina.

Pader lang ang meron dine.

Biglang sumagi sa isip ko ang kinuwento ni Yorme tungkol sa Simulation Room na isa pang mahiwagang kwarto sa Overlook maliban sa basement.

Nadapo ang tingin ko sa hallway. Wala nang tao at mukhang lahat sila ay nakapasok na sa loob ng lobby.

Muling nag-creak ang pinto at bumukas pa lalo. Para bang natawag nito ang atensyon ko at nahatak akong pumasok.

Lumunok ako at kumapit nang mahigpit sa bag ko sa balikat bago dahan-dahang pumasok sa loob niyon. Pagpasok ko ay kadiliman ng gabi at tila isang gubat ang bumungad sa akin. Abot ng tingin ko ang matayog na pader sa may 'di kalayuan.

Naulan din kaya nabasa ako.

Nasaan ako?

Anong nangyayari?

"Sige na, bilisan niyo na 'yan! Baka may makatunog na tumakas tayo sa akademya."

Natingin ako sa banda na pinanggagalingan ng boses ng isang lalaki. May mga ilaw ng flashlight doon.

Pinaraanan ko ng isang palad ang basang mukha ko upang titigan iyong mabuti. May apat na lalaking naka-military fatigue ang pang-ibaba at t-shirt. Nagbubungkal sila ng lupa.

"Matagal pa ba 'yan? Sige na, ayos na 'yan. Ilibing na natin 'tong mga 'to."

Nanindig ang mga balahibo ko sa sinabi no'ng isa pa. Kahit nanginginig sa lamig ay pinili kong lapitan iyon.

Binuhat ng dalawang lalaki ang katawan ng isang lalaking hubo't hubad at tinapon sa ilalim ng lupang binungkal nila.

Kinuha ulit nila ang pala upang tabunan iyon ng lupa. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maaninag ang mukha ng lalaking nalibing nila.

Si... Derek.

Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang hintuturo niya.

Buhay pa siya!

Nahinto din sa pagpapala ang isa pang lalaking kadete.

"Gumagalaw pa 'yong kamay niya. Buhay pa 'to!"

Mabilis itong kinuwelyuhan ng kasamahan.

"Wala akong pakialam! Kailangang mawala lahat ng ebidensya! Papatayin ako ng tatay ko kapag napatalsik ako sa akademya, naiintindihan mo ba?!"

"Pero b-buhay pa siya..."

"Umalis ka nga d'yan! Nababahag na ata ang buntot mo!"

Malakas na sinagi ng lalaki ang nakasaksi sa paggalaw ng daliri ni Derek at inagaw mula dine ang pala saka ito na ang nagpatuloy sa paglilibing.

"Hindi! Hindi! Itigil niyo 'yan! Buhay pa siya! Tama na!" sigaw ko at sinubukang awatin sila pero tumagos lang ang kamay ko sa kanila.

Napaatras ako nang matanto ang lahat.

Nasa nakaraan ako.

Sa mismong gabi kung saan pinatay si Derek.

Nahinto ako sa pag-atras nang mapansin ang isa pang lalaking hubo't hubad na nakadapa sa lupa.

Pilit itong gumagalaw kahit na nanghihina. Dahan-dahang nitong dinala ang sarili upang gumapang palayo doon kahit paunti-unti lang.

Ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng mga tuhod ko sa lamig ng ulan at sa karahasang aking nasaksihan. Napaupo ako sa gulat nang hampasin ng isa pang lalaking may hawak ng pala ang nakadapang lalaki nang sobrang lakas. Tumalsik ang dugo nito. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatakip ng bibig sabay hagulgol.

"At tatakas ka pa talaga!"

Unti-unti akong napaatras mula doon.

Nakagigimbal...

Hindi ko kinakaya ang kademonyohan ng mga kadeteng iyon.

Hinila ng kadeteng pumalo ang binti ng walang kalaban-labang lalaki.

Nahahabag ako...

Natatakot...

Hindi ko kaya 'to...

Tumalikod ako at mabilis na gumapang pabalik at palabas ng pinto.

Paglabas ko ay kaagad na naglaho ang pinto. Nanginginig at basa pa din akong napasandal sa pader at humagulhol.

Bakit ganoon sila?

Mga kadeteng pumapatay ng kapwa kadeteng gusto lamang maglingkod sa bayan.

Mga kaawa-awang kadeteng may mga pamilyang umaasa at nagmamahal.

Hindi ko maintindihan..

NANG MAHIMASMASAN AKO ay tumayo na ako at wala sa sariling naglakad papasok sa lobby.

Napatayo silang lahat sa gulat nang makita ako.

"Snow," usal ni Rum at mabilis na dumalo sa akin.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit basang-basa ka?" nag-aalala niyang tanong.

Bago pa man bumigay ang mga nanghihina kong tuhod ay maagap niya akong nasalo sa magkabilang braso at inalalayang maupo sa sahig.

Napahawak ako sa mga braso niya bilang suporta. He cupped my cheeks gently.

"Snow, anong nangyari sa'yo?"

Humigpit ang kapit ko sa mga braso niya.

"N-nilibing nila siya nang...buhay, Rum. Nakita ko lahat. Kitang-kitang ko..." nanginginig kong sabi.

Kaagad akong niyakap ni Rum at natagpuan ko na lamang ang sarili kong humahagulgol sa balikat niya.

                 • • • TUTTI • • •

NAKAHIGA AKO SA may Bermuda grass sa labas ng Overlook. Katabi ko si Jedidiah.

Iyon ang pangalan ng beast na nabasa ko sa nitso nito sa gilid ko. Isa siyang leprechaun.

Wala naman kasi akong ibang makausap. Nilalagnat kasi si Snow. Nakapagtataka nga kung bakit basang-basa siya gayong hindi naman umulan kanina.

Rum was taking care of her right now. Si Queen naman ay halatang naiinis pero pinipigilan niya ang sarili dahil kailangan ni Snow ngayon nang mag-aalaga sa kanya.

I sighed. I know she had special feelings for Rum ever since.

I felt sad for her and guilty, though.

Nakapantulog na ako at nakahiga habang nagbibilang ng mga bituin sa langit.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Rito."

"Ha?"

Hindi ko na lang pinansin. He won't get it anyway.

"Nagsa-stargazing."

"Talaga lang ha?"

Naupo siya sa tabi ko.

"Sorry. Hindi ko ginusto 'yong mga sinabi ko kanina."

"Ayos lang. Totoo naman." Totoo namang ginawa nga namin 'yon ni mama.

Natahimik ulit kami.

"Look, I'm really sorry. I may have a dirty mouth but I swear I didn't mean to hurt you."

"Ayos nga lang."

"Hindi ka na nagtatampo sa lagay na 'yan?" tukso niya.

"Alam mo, masakit iyong mga nasabi ko kanina at kung normal na babae lang ang makakarinig no'n ay paniguradong iiyak na sila. Pero ikaw, hindi man lang nangislap ang mga mata mo sa luha," puna niya sa reaksyon ko kanina.

Napaupo na rin ako at sinapak siya sa braso.

Sa ulo sana 'yon, kaso hindi ko abot. Hanggang balikat lang kasi niya ako.

"Sinasabi mo bang hindi ako normal?"

Natawa siya. "Hindi sa gano'n. Kaso... ni minsan kasi hindi kita nakitang umiyak."

Napatingala ulit ako sa madilim na langit.

He's right. They never saw me cry.

I stared at the night sky intently. It's ironic how darkness could make stars shine so bright.

Maybe... maybe even in real life it's true. Your dark past and experiences will make you the strongest.

"Nakalimutan ko nang umiyak," pag-amin ko.

He remained silent.

"But doesn't mean I'm not crying, I'm not hurting," I added and looked at him.

He was just looking at me. Then, he said, "Ang galing niya rin talagang mamili, e, no?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Pinagsasasabi mo?"

Nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa kawalan.

"Kutong-lupa ka pa din."

"Rin nga. Saka magbago ka nang impakto ka," sagot ko at pabiro siyang sinuntok sa braso.

Pareho kaming nagtawanan.

                 • • • SNOW • • •

DAHAN-DAHAN KONG iminulat ang mga mata ko. Mabigat ang katawan ko at mainit din.

"How are you feeling?"

Natingin ako kay Rum na nakatayo sa gilid ng kama ko. Kinuha niya bimpo sa noo ko at pinalitan iyon ng palad niya. Sinapo niya iyon upang malaman kung may lagnat pa ako.

Napatitig ako sa kanya. May pag-aalala sa magandang mukha niya. Hindi ko mawari kung bakit ang pamilyar ng mainit niyang palad. Hindi ko alam kung bakit parang namimiss ko iyon...

"Medyo bumaba na ang lagnat mo," hayag niya at ngumiti sa akin, tila nakahinga nang maluwag.

Naaantig ako sa pag-aalala at atensyong ibinubuhos niya sa amin. Hinding-hindi ko makakalimutan si Rum. Isa siya sa mga taong tumulong at nanatili sa tabi ko nang halos talikuran na ako ng buong mundo dahil sa nagawang pagkakamali ko.

"Thank you," nakangiting bulong ko sa kanya.

Batid ko ang pagkagulat niya nang masaksihan ang pagpatak ng mga luha ko.

He smiled seconds later and wiped my tears away with the back of his index finger. He then gently held my right hand with his both.

"Nandito lang ako palagi para sa inyo."

•|• Illinoisdewriter •|•

A/N:

Ngayon ko lang na-realize na nagkabaligtad sina Coco at Rum. Si Coco noon maraming lalaki tapos si Rum ngayon maraming babae LOL.

Please vote, comment your thoughts, and share. Sayonara!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top