Episode 11: Teenwolf
Episode 11: Teenwolf
Sa loob ng madilim at malayong kwarto mula sa barracks ng mga kadete ay naroroon ang dalawang plebe na pinapahirapan ng tatlong upperclassmen at isang squad leader.
Pilit na iminulat nang nakadapa sa malamig na sahig na si Derek ang isang mata kahit pa nanghihina na nang marinig niya ang nagmamakaawang sigaw ng kaibigang cadet fourth class.
"Tama na... Maawa na kayo... sa amin..." hagulgol nito.
Muling pumalahaw ang sigaw nito nang kuryentehin ulit ito sa ari gamit ang taser.
"De...rek...tulong ...hindi ko na...kaya..." nanghihina at patuloy nitong pagmamakaawa.
Nagtawanan ang mga upperclassmen at ang squad leader ng mga plebe.
Malakas na tinadyakan ng isang cadet first class ang duguan nang si Derek sa sahig. Napasuka ito ng dugo at pareho sila ng kaibigang si Sean na hubo't hubad din.
Naghalo na ang dugo, luha, at pawis ni Sean habang nagmamakaawa pa rin sa mga ito. Nagtawanan lang ang apat sabay hatak ng isang cadet second class sa kanya at inuntog nang paulit-ulit sa pader ang ulo.
Naalarma si Derek nang hindi na niya marinig ang pagsusumamo ng kaibigan. Nang masaksihan niyang inuuntog pa rin ng kadete ang duguang ulo ng kaibigan sa pader kahit na wala na itong malay ay hindi na napigilan pa ni Derek ang sarili.
He mustered all the remaining strength and courage he had to bring out his other identity. Sharp talons protruded from his fingernails along with his fangs. Hairs began to show on his arms, legs, and face. His eyes turned wild and ravenous. He stood up and lunged towards the stunned cadet who held the unconscious Sean. He grabbed him by the neck and slowly lifted him up.
Makakaganti na siya. Igaganti niya ang kaibigan at sarili sa kademonyohan ng mga barbarong iyon.
Nabitawan ni Derek ang kadete nang sunod-sunod siyang tinamaan ng mga bala sa kanyang likuran. Napaatras siya at napasuka ng dugo hanggang sa bumalik ang itsura niya sa normal. Tuluyan na siyang bumagsak sa malamig na sementadong sahig at unti-unting ipinikit ang kanyang mga mata.
"Patay na ba 'yan?"
"E, halimaw naman pala ang puta."
"Mananagot tayo nito!"
"Oo! Kung magsusumbong ka! Walang dapat makaalam nito."
"Ano nang gagawin natin d'yan?"
"Ilibing natin."
"Paano naman 'yong isa pa?"
"Tanga ka ba?! Isama mo rin! Dapat walang ebidensyang makalabas. Mapapatalsik tayo sa academy 'pag nagkataon."
• • • QUEEN • • •
TUTTI WAS CHEERING Dean from the bleachers as he lined up for the university's lacrosse team tryout.
"Go, Dean Impakto! Kaya mo 'to! Go! Go! Go!"
Napapatayo pa si Tutti sa pagsigaw at pang-aasar sa kanya. Si Dean naman seryoso at todo pakitang-gilas sa coach dahil may goal na maging captain ng team sa school year na 'to.
The girls and I immediately went here at the field after class because he told us to be here if we have time. Kaya nandito kami ngayon sa bleachers nakaupo at pinapanood siya. The Forensic Science students' seminar will end at 5:00 PM that is why Rum's not here with us. I'm still worrying about him, though. Muntik na naman siyang atakehin kanina. I hope and will make sure he's fine.
Magkatabi kaming nakaupo sa bleachers. The noisy Tutti was on my right side while Snow, who was intently watching the tryout, was on my left.
"Hala... Ang galing no'n ha," bulong ni Tutti na natigil bigla sa pang-aasar.
I returned my attention at the tryout. May isang lalaki na mabilis na iniiwasan ang mga nakabantay sa kanya at hinagis ang bola mula sa loob ng lacrosse stick niya papasok sa net. Huli na ang goalkeeper nila sa pagblock no'n dahil nakapasok na sa net ang hinagis nitong bola.
Tahimik na bumalik sa linya ang lalaki. Mukhang mas bata ito kay Dean nang sa tingin ko ay three years samantalang isang taon naman sa aming mga babae. Dean's twenty-one years old. Rum's twenty and the three of us girls are nineteen. However, Tutti's birthday and mine fell on the same date and it's fast approaching. We're getting twenty soon. The boy's probably eighteen and a freshman, I guess.
It's Dean's turn again. Nagpa-impress na naman ang mokong sa coach at sa mga babae. He's famous among girls who loved and wanted bad boys for boyfriends. Ganoon din si Rum pero iba ang pagtrato ng mga babae sa kanya. A beautiful gentleman like him was adored, loved, and respected by many. Siyempre hanggang tingin at paghanga lang ang mga babaeng iyon. I made it sure no one could reach and get close to him after Dahlia using my deadly glares and death threats. All of them were empty threats, of course, but those would give away that Rum's off limits. Other than that, I love to see the look of horror in those girls' faces.
Parehong nalulusutan ni Dean at no'ng freshman ang mga humaharang sa kanila. Pareho rin silang walang mintis sa pag-goal. Kaya ang huling nagtapat ay silang dalawa.
We saw how Dean clicked his neck from side to side. Hinawakan naman ng freshman nang mahigpit ang lacrosse stick niya na naglalaman no'ng bola. Tumakbo na ito palapit sa nakaharang na si Dean. My friend smirked because he was positive he can block him from there. Pero nang nasa harapan na ito nang handang-handa si Dean ay bigla at mabilis na dumaan ang lalaki sa likuran niya at tumakbo saka hinagis sa net ang bola na hindi naman napigilan pa nang goalkeeper. Naestatwa si Dean sa kinatatayuan. The others greeted the freshman for his impressive win. Lumapit lamang si Dean nang tawagin silang lahat ng coach nila. Everyone cheered and tapped the shoulder of the freshman, except Dean, after their coach's announcement. He looked grim and extremely pissed.
Naglakad papunta sa amin sa bleachers si Dean. Masama ang timpla ng mukha.
"Galit na galit, gustong manakit," bulong-bulong ni Tutti sa gilid ko. Maybe she also noticed that his bad temper was already showing.
"Putangina!" nanggagalaiting sigaw ni Dean sabay hagis ng helmet niya sa bleachers.
Napatalon sa gulat at takot si Snow at bahagyang umusod palapit sa akin. Ang mga estudyante ring nasa malapit lang ay napalayo at ang ilan ay umalis na rin sa takot sa kanya.
No one messed up with Dean when he's mad.
"Buong bakasyon kong pinaghandaan 'to tapos isang bagito lang ang magiging team captain!" he let out his hinanakit.
Maging si Tutti na karaniwang mapang-asar ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. She knew where to draw the line when Dean's mad. Binulungan ko siya. Humalakhak siya at napangisi saka tumayo.
"Coach! Gusto po namin ng rematch between Raj at do'n sa freshman for team captain!" she shouted with both hands on the sides of her mouth.
"Hija, tapos na ang tryout! Nakapili na ako!"
"Pupusta po kami nang tatlong libo para kay Raj!"
"Asuncion, Raj, balik sa field!"
Tawang-tawa si Tutti sa tawag ng coach sa dalawang maghaharap.
"Isang libo lang akin para kay Asuncion! Wala pa akong sweldo!" habol pa ng coach.
"You owe me three thousand if you lose this bet," paalala ko kay Dean.
"Bakit? Ako ba tumaya?" suplado niyang tugon sabay haklit ng helmet niyang tinapon niya at patakbong tinungo ang field.
Ganoon ulit ang naka-assign na posisyon sa kanila. Si Dean ang haharang at si Asuncion naman ang susubok na mag-goal. Galit na galit ang itsura ni Dean at mukhang hindi maganda ang kahihinatnan nito. Hindi nga ako nagkamali nang biglang iharang ni Dean ang lacrosse stick niya sa daraanan ni Asuncion kaya natamaan ito sa panga at natumba sa field.
Dean smirked. Tumayo ulit si Asuncion at sinubukang dumaan sa likuran ni Dean kagaya kanina subalit inatras nito ang dulo ng stick pababa sa paa niya kaya napatid siya at sumubsob sa field. Napasigaw sa sakit si Asuncion at inalo ang paang sinagi ni Dean. Nang matauhan ay mabilis na sumaklolo si Dean sa kanya.
"Na-sprain siya, coach," ani Dean.
"Dalhin mo na siya agad sa clinic, Raj," utos ng coach kay Dean na maagap namang tumalima.
Ipinatong niya sa balikat niya ang isang braso ni Asuncion at tinulungan itong tumayo saka dinala na papuntang clinic.
"Panalo ba si Dean?" Snow asked.
"Parang gano'n na nga," sagot ni Tutti.
I smirked at the coach who was standing at a distance. Hawak-hawak niya ang bola ng lacrosse at napansin ko agad ang pagkainis niya dahil sa nanunudyo kong pagngisi na panalo kami sa pustahan. Biglang hinagis ng coach ang hawak na bola sa direksyon namin. I caught Tutti stood up from my peripherals and spun around. Bahagya pa akong napayuko nang dumaan ang binti niya sa uluhan ko at sinipa pabalik sa coach ang maliit na bola. Napaatras ang coach sabay hawak ng dibdib niya nang tumama roon ang bola. Gulat na gulat siya.
I turned to Tutti who was still standing. Kumunot ang noo ko nang sumayaw siya bigla kasabay nang pagtugtog ng mga speakers na nakaposisyon sa may bleachers.
I let it rain, I clear it out
I let it rain, I clear it out
Chicken noodle soup
Chicken noodle soup
Chicken noodle soup with a soda on the side...
Nasapo ko ang noo at napailing. Napabungisngis naman si Snow sa tabi ko. Bakit ba kasi nagpapatugtog na lang bigla ang campus radio station?
Mahilig at magaling sumayaw si Tutti. I remember noong senior high school siya ay kasama siya sa dance troupe. Si Snow naman maganda ang boses kaya kasali sa glee club ng university noon bago ma-kick out dahil sa eskandalo niya.
• • • SNOW • • •
NABALING AKO KAY Rum nang tawagin niya kami.
"Tapos na ang seminar niyo?" tanong ko sa kanya paglapit niya.
He smiled and nodded. Natingin siya kina Queen saka bumaling ulit sa akin.
"Si Dean?"
"Hinatid niya sa clinic 'yong kasamahan niyang na-sprain."
He sighed. "Ano na namang ginawa niya?"
Kilalang-kilala talaga kami ni Rum. Alam na alam niya kung paano maglaro si Dean.
"When Dean comes, let's go to the mall for awhile." Queen smirked.
Nabigay na kasi ng coach ni Dean ang pusta niya sa amin. Panay pa ang alok nito kay Tutti na sumali din sa female lacrosse team dahil sa malaking potensyal nito pero inayawan ng kaibigan ko. Si Tutti naman namilit na kumain daw muna kami kaya pumayag si Queen na magtungo muna sa mall.
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Rum sa kay Tutti. "Ano na namang ginawa niyo?"
Natawa si Tutti, "Bakit ako agad? Si Queen may pakana, kampon lang niya ako."
Mayamaya pa ay dumating na si Dean. Nagbihis muna siya saka kami nagpunta sa mall. Nang nasa mall na kami ay nagpaalam muna sina Dean at Rum na may dadaanang shop. Kaya naman nauna na lang kaming mga babae sa may Mang Inasal para doon na maghapunan. Tuwang-tuwa si Tutti tapos mayamaya lang napansin kong medyo natahimik siya.
"May banyo ba rito?" bulong niya sa akin dahil magkatabi kami.
"Bakit?"
"Naiihi na talaga ako."
"Gusto mo samahan na kita?"
Naningkit ang mga mata ni Queen sa amin na nakaupo naman sa harapan namin.
"Ayaw ni madam mag-isa. Ako na lang. Alam mo ba kung nasaan, Snow?" Tutti smiled, iyong nagmamakaawa.
Naturo ko naman na sa kanya iyon kasi nasabi niya din sa akin na mahina talaga ang sense of direction niya lalo na sa malalaking lugar.
Itinuro ko sa kanyang nasa first floor ang banyo. Sumakay siya ng escalator tapos sa baba no'n sa gilid, nandoon na iyong banyo. Tumango siya at dali-dali nang tumayo.
• • • TUTTI • • •
DALI-DALI AKONG SUMAKAY ng escalator pababa. I took my phone out when it vibrated inside my PE pants' pocket.
Napakunot ang noo ko kasi missed call lang niya 'yon. Bakit kaya siya tumawag?
Napatingin ako sa kamay na biglang humawak sa kamay kong nakakapit sa gilid ng escalator. I was shocked to see him on the adjacent escalator going up to the second floor. He smiled and took out a single pink tulip from his back then gave it to me.
Inabot ko iyon at natulala habang siya ay nakangiti pa rin paakyat. Nang malapit na ako sa baba ay saka ako napangiti.
Zut.
Nakalimutan ko na tuloy na naiihi pala ako.
• • • SNOW • • •
NAUNANG DUMATING SINA Rum at Dean kaysa kay Tutti. Pagbalik niya ay nag-aya na agad siyang kumain. Nagsimula na kaming kumilos para kumain nang napansin ko ang tulip na nasa likuran ni Tutti. Nakasabit iyon sa likod ng PE pants niya gamit ang mga hairpins na nakaipit sa bangs niya kanina. Inabot niya ang backpack niya saka palihim at pasimpleng ipinasok iyon doon. Mabilis siyang nakilos kaya hindi napansin ng iba pero kasi malinaw ang mga mata ko kaya nahuli ko siya.
Bakit kaya niya natago 'yon?
Saka saan niya nakuha 'yon?
Nailing na lang ako at nagsimula nang kumain. Hindi naman nakwento si Tutti sa akin nang kahit ano tungkol doon sa video niya na ipinakita sa amin ni Yorme. Sa tingin ko ay boyfriend niya 'yong kasama niya. Hihintayin ko na lang siyang magkwento.
BUSOG NA BUSOG kami pagkatapos kumain. Natawa si Dean habang papunta kaming parking lot dahil sumakit ang tiyan ni Tutti sa dami nang kinain niya.
"Para ka kasing mauubusan, e. Buti nga sa'yo," tukso ni Dean sa kanya saka umikot sa harapan ng sasakyan para pumasok sa driver seat.
Kinuha ni Rum ang kamay ni Tutti at hinilot ang palad nito.
"Hindi ka siguro natunawan. Tiisin mo lang ang sakit, pagkatapos nito didighay ka na," sabi ni Rum sa kanya.
Nauna na akong pumasok sa backseat. Nasunod naman si Queen saka si Tutti. Pumasok na din si Rum sa front seat.
"Tutti, akin ng kamay mo."
Nilahad ni Rum ang palad sa backseat saka naman inabot ni Tutti ang palad na hindi pa tapos hilutin nito.
"Hinay-hinay lang kasi sa pagkain. Hindi ka na din naman talaga tatangkad pa," hirit ni Dean sabay tawa.
Naungot si Tutti sa inis. Si Queen naman naangat ang gilid ng labi. Nangiti na din ako. Ayaw na ayaw talaga ni Tutti na pinapaalala sa kanyang siya ang pinakamaliit sa amin.
Pagdating namin sa Overlook ay nagpahinga agad kami. Napagod talaga kami sa umaga pa lang dahil sa activity ni Ma'am Ferrer. Hindi naman ako napagod dahil si Dean lang lahat nagawa. Nahiya talaga ako sa kanya. Gagawan ko na lang siya ng kape pero baka tulog na siya. Hindi din naman siya nainom ng gatas. Maaga na lang akong magigising bukas para ipaghanda sila.
Napaaga ang gising ko kinabukasan nang limang minuto bago ang na-set kong oras sa alarm. Bumangon na ako at nag-unat saka tinungo ang kusina. Nagulat ako nang maabutan si Rum doon na naka-apron na at nagluluto ng almusal. Napabuntong-hininga ako. Ang aga-aga pa. Hindi ba siya napapagod sa pag-aalaga sa amin?
"Rum," tawag ko sa kanya.
Nalingon siya sa akin at nangiti.
"Malapit nang maluto 'to. Gutom ka na?"
Nailing ako saka nilapitan siya at sinilip ang niluto niya. Pancakes saka may hotdog at bacon din.
"Hindi na ba masama ang pakiramdam mo? Anong nangyari sa'yo kahapon?"
Nangiti lang si Rum sa akin. Nakuha ko naman agad ang ibig niyang mangyari. Ayaw niya munang pag-usapan iyon.
"Ayos lang ako, Snow. 'Wag ka nang mag-alala."
Padabog na pumasok si Dean ng kusina.
"Kiaga-aga ang sama na ng araw ko," nabulong niya habang nagtitimpla ng kape.
Rum smiled apologetically at me for Dean's unpleasant action. Pinanood ko na lang si Rum habang nagluluto. Hindi ko lubos maisip na ang sing-yaman at sing-perpekto niya ay gagawa nang ganitong mga bagay. Para siyang anghel sa paningin ko tapos natapak siya sa lupa para tulungan kami.
Nang mahulog ang ilang hibla ng buhok niya sa mga mata niya ay pinaraanan niya ng palad ang buhok. He brushed them back so that he can see whatever he was cooking clearly.
Sobrang gwapo ni Rum.
Sobrang bait din.
Ang swerte siguro ng magugustuhan niyang babae...
Nabaling kami kay Dean nang padabog niyang nilapag sa counter ang lalagyan ng kape. Naiwas siya ng tingin at tumalikod na.
"Hahanapin ko lang si Hades," paalam niya kay Rum.
Nakagat ko ang labi ko at nayuko. Nagi-guilty ako sa ‘di ko malamang dahilan.
Bakit gano'n?
Bakit naguguluhan ako?
"Tutulungan ko na lang siya sa paghahanap kay Hades," sabi ko kay Rum sabay ngiti. He smiled at me too.
"Hindi niya hahanapin si Hades, Snow. Magpapalamig siya sa labas," he told me, encouraging me to follow him so we could talk.
Natango ako at lumabas na ng kusina. Mainit na naman ang ulo ni Dean. Susundan ko na sana siya nang napansin ko si Hades pagbaba ko mula sa second floor na malakas na tumatahol habang nakaharap sa hagdanan ng third floor, sa kwarto ng mga kliyente naming kaluluwa. Bigla itong tumakbo paakyat.
"Hades," tawag ko dine upang bumalik pababa.
Gusto ko siyang sundan paakyat pero natatakot ako kung mag-isa lang ako. Nakagat ko ang labi ko at nagpasalamat nang todo nang mapansin ko si Tutti na nagkukusot pa ng mga mata habang bumababa sa hagdan ng second floor. Inaantok pa siya kaya sigurado akong inakala niyang sa kusina papunta ang daang tinatahak niya.
"Tutti!"
Hinila ko ang kamay niya kaya nagising ang buong sistema niya. Tumakbo kami paakyat sa third floor.
"Snow, anong ginagawa natin dito?" tanong niya, naguguluhan.
"Nakita ko kasi Hades natahol tapos biglang tumakbo dine. Hayun siya!" Tinuro ko ang itim na asong natahol pa din sa harap ng isang pinto.
Nilapitan namin iyon ni Tutti. Natahimik si Hades nang dahan-dahang bumukas ang pinto no'n. May mga hamog sa sahig na unti-unting lumalabas mula doon. Napakapit ako sa braso ni Tutti dahil nakaramdam ako ng lamig at takot. Dinig na dinig ko pa ang mahinang pag-creak ng pinto.
"Mag-eexpire na siya," bulong ni Tutti.
Doon ko lang din napansin na nagkulay pula na pala ang digital clock sa gilid ng pinto nito.
I looked at Tutti and noticed how her eyes sparkled with excitement on who or whatever we are about to see behind the door in front.
Nabaling ulit ako sa pinto. Nang bumukas iyon ay halos tumalon palabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa kaba kasi mabilis na lumabas, as in para siyang may gulong na lumapit sa labas ng pinto. Kung wala lang hamog sa sahig ay aakalain kong may sakay siyang skateboard dahil sa bilis kahit na hindi naman niya ginagalaw ang mga paa.
Bahagya akong nagtago sa likuran ni Tutti. Madilim ang likuran ng lalaki at puro hamog iyon. Nakasuot ito ng uniporme ng mga sundalo. Iyong nakikita ko sa TV na ginagamit nila sa training at misyon nila. Maputla ito at may mga butas sa dibdib niya na tila ba binaril siya nang maraming beses.
Sumaludo ito sa amin at nagpakilala. "Cadet 4th Class Derek Asuncion."
•|• Illinoisdewriter •|•
Please vote, let me hear your thoughts, and share :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top