Episode 08: Blood, Tears, and Scars (Part 2)

Episode 08: Blood, Tears, and Scars (Part 2)

• • • TUTTI • • •

THE FIVE OF us were gathered at the discussion room of the campus station. Yorme was in front of us, sitting on his high stool with a frown on his child-like face.

"He's lying. Totoong nakita niya ang nangyari pero mali ang taong tinuturo niya. Hindi si Cara ang pumatay and my hunch was right. Someone forced and threatened him to reveal himself as the witness but ordered him also to point another person," I explained.

Binaba ni Dean sa gitna ng lamesa ang mamahalin niyang cellphone. He was showing us the photo of the victim's corpse which he took during his visit in the mortuary.

"Malaki ang katawan niyan dahil body builder 'yan. Si Cara naman malaki lang ng one fourth kay Tutti that's why I know that he can give her a good fight. However, the autopsy report shows that he died due to blood loss," paliwanag ni Dean na sinamaan ko naman ng tingin.

"Matangkad din siya," komento naman ni Snow habang nakatangin sa larawan.

"He's 5'9," matipid na sabat ng bitter na ex niya.

"My memory never fails. I'm sure Cara's just 5'4," Queen joined the conversation while throwing me a mocking look.

Oo na. Oo na. Ako na ang maliit.

Napairap ako pero kaagad ding napangiti nang mapansin si Yorme sa harap.

May kasama pala ako.

I giggled at that thought but Rum immediately shook his head, warning me to stop making fun of the tiny professor.

"Iyong kagat naman ng bampira ay nasa may gilid ng panga, sa pinakaitaas na bahagi ng leeg ng biktima. This suggests that the vampire who killed him was taller than him," Dean deduced.

Rum nodded and I observed that he was silently tapping his index finger on the table. He's inside his mind palace again.

"Tutti, paano mo nasabing nagsisinungaling ang witness?" pagtapon niya ng tanong sa akin.

"I observed his language use. Pumipiyok, shaky, stuttering, and his body language was telling me likewise."

"It's not just that. There should be a very strong evidence that proved your point," he added.

"I asked him to describe Cara. He was unsure of his answers and they were actually the general ones. Babae, mahabang buhok, at nakabestida. Then, I asked him again to give more specific details like the color of her dress and if he noticed anything else..."

Zut.

I trailed off.

I'm sure Rum will infer now that I'm actually hiding something.

"Anything else like?"

"Like... wound?" Mist. Mist. Mist. I did it again.

Rum narrowed his eyes into slits.

"Are you hiding something, Tuttieana?"

"Wala," I answered immediately. I made sure I didn't stutter or anything that would give away that I really am.

Queen faked a cough and mumbled, "Gosh, I hate fake Louis Vuittons and the liars who sell them."

Napairap ako ulit at napahalukipkip. She was insinuating that I am really lying using her own vocabulary.

"Paano siya nagkaroon ng sugat kung gano'n? Paano mo nasabi?" pagtataka naman ni Dean.

I kept it a secret from them that I shot Cara with my shotgun. Wala naman kasing ebidensyang makapagsasabi dahil bigla na lamang bumalik sa dati ang basag na glass window nang kusa. Queen was also so busy nursing her own grudge towards Snow, and the latter was just too preoccupied in blaming herself for everything.

"Guys, do you know any luxury brands that are selling guns?" Queen mocked, giving them all the hints.

"The fuck you mean?" inis na hirit naman ni Dean na mukhang gulong-gulo na.

Napabuntong-hininga na lamang ako. I'll do him a favor.

"Binaril ko siya sa tagiliran and the witness never mentioned about that," I confessed.

"Bakit mo siya binaril? At saan ka nakakuha ng baril? Rum, may tinatago ka bang baril?" sunod-sunod na tanong ni Dean sa gulat.

Napapikit si Rum habang hinihilot ang sentido niya.

"Wala akong tinatagong baril, Dean. Isa pa, bakit bibigyan ko siya ng baril?"

Pagdilat niya ay kaagad niya akong binalingan.

"Where did you get the gun?"

Nasulyapan ko pa si Yorme sa gilid ng mga mata ko na tinatakpan ang ngisi niya gamit ang nakasalikop niyang mga kamay. Si Snow naman nanatiling tahimik na nanonood sa amin.

I puffed my cheeks and thought of what to say.

"Don't think of any excuses, Tutti. Just tell me the truth," pambubuko ni Rum sa ginagawa ko.

"Okay, okay," I responded after uncrossing my arms and holding my hands up in the air, surrendering.

"Aunt Jody handed me my father's heirloom when we met."

"And it's a gun?" Dean asked in disbelief. Pumiyok pa talaga.

"It's a shotgun," I corrected.

I would love to take a photo of his priceless expression when he heard that. It was DSLR-worthy.

"You're fucking kidding me. Your father gave you a fucking shotgun? He must have been fucking mistaken you for a fucking boy!"

Honestly, fucking lang 'yon naintindihan ko sa lahat ng sinabi ni Dean. Napatingin kaming lahat sa harap nang pumalakpak si Yorme. Tuwang-tuwang siya sa napapanood.

"Nasa'n nang shotgun ngayon?" pagputol na tanong ni Rum sa eksena.

Hindi ko rin naman 'to panghabambuhay na matatago sa kanila kaya ipapakita ko na lang ngayon para matapos na lahat.

I placed my both hands on top of the table and let my both palms open. I closed my eyes and imagined the briefcase. I envisioned its locks to undid on its own. Tapos inisip ko ang shotgun. Then, I heard them gasped when I felt the cold heavy piece of special metal in my hand. I did the same trick again to hide my shotgun back.

Pagdilat ko ay tahimik lang silang nakatingin sa akin. Sina Queen at Dean nakaawang bahagya ang bibig sa gulat. Si Snow naman nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin sa tabi ko. Tapos si Rum seryoso lang na nakatingin sa akin. Yorme had broken the silence with his loud applause. Nakatayo pa siya sa ibabaw ng lamesa niya and he looked like he just won the Oscars with the look of extreme happiness and achievement on his face.

"Ano pong... meron?" tanong ni Snow nang hindi na niya mapigilan pa.

The tiny professor was acting really weird. Nahinto ito sa pagpalakpak pero nakangisi pa rin.

"I see. Rum haven't told you," aniya.

Napabaling naman agad kami kay Rum lahat. Seryoso lang siya.

"I will discuss everything with you after Cara's funeral."

Kiki, do you love me? Are you riding?
Say you'll never ever leave from beside me
'Cause I want ya, and I need ya
And I'm down for you always

Natigilan silang lahat at sabay-sabay na napatingin sa banda ko.

I sighed and immediately took my phone out of my blouse's lower right pocket and turned the alarm off. It will be my Filmmaking subject in ten minutes. Ayaw kong ma-late kasi paboritong major subject ko pa naman 'yon. I picked up my things and put them inside my peach Anello backpack. Sinukbit ko na rin iyon sa mga balikat ko.

"Aalis na ako kasi may klase pa ako. Sayonara!" paalam ko sa kanila sabay labas ng discussion room at campus station.

Dali-dali kong tinungo ang speech laboratory kung saan kami laging nagkaklase sa major subjects namin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil naririnig ko ang mumunting bulungan nina Lee, Whiskey, at Norma mula sa loob.

"Sa tingin niyo papasok ba si Tutti ngayon?" tanong ni Lee sa kanila.

"Miss mo na agad? Malamang papasok 'yon ngayon kasi wala naman silang inaasikaso pang funeral sa pagkakaalam ko," banat naman ng baklang si Whiskey.

Parte sila ng school publication at station kaya kakuntsaba sila palagi ni Yorme sa lahat ng bagay at kaya rin alam nila ang tungkol sa funeral service namin.

Mula sa siwang ng pinto ay kitang-kita kong nakaupo si Whiskey sa professor's table sa harap at maging ang malaking puting hairclip niya na nakaipit sa kanyang bangs ay hindi nakatakas sa akin. Pati na rin ang namumula niyang labi dahil sa lipstick na sadya niyang pinapanguso ay napansin ko. Gwapo sana 'to kaso gwapo rin ang hanap.

Silang tatlo pa lang ang nasa loob, wala pa ang iba. Kompara sa ibang schools ay marami ang Communication students sa UP. Tatlong block kami lahat saka tig-fo-forty students ang limit sa bawat isa. UP offers one of the finest education and trainings when it comes to this degree. They are producing the country's top-caliber journalists and filmmakers.

"Namimiss ko na si Tutti," sambit naman ni Norma na nakaupo sa upuan niya sa harapan.

Aww.

Binuksan ko na ang pinto at bahagyang tumalon papasok sa loob ng room.

"Mi amigas in MassCom!" I gleefully greeted them.

"Tutti!" they exclaimed altogether as they rushed towards me for a group hug.

I chuckled. Aside from Charmings, these are the people I love most.

• • • QUEEN • • •

I WAITED FOR both Rum and Dean to come near the bench where I was seated.

"Sigurado kang wala ka nang pasok? Baka mamaya niyan umabsent ka na naman." Dean squinted his eyes as he interrogated me.

I rolled my eyes heavenwards.

"Don't get me started with absences, Dean. Our professor for the next two periods is absent today for reasons I do not actually care."

"Kumain ka na ng lunch, Queen?" Rum asked and I just shook my head.

"Kumain muna tayo bago natin hanapin si Cara."

I decided to join them in searching for Cara since I do not have class today. Hanggang tanghali lang kasi ang pasok ng dalawa tuwing MTh samantalang kaming mga babae naman ay hanggang alas-kwarto ng hapon pero wala kaming klaseng tatlo tuwing Wednesday. Iyong dalawang lalaki naman mayroon.

"Rum, I will not be joining you for lunch. My parents want to see me. Mukhang bakante ni dad ngayon sa military. I will take this chance to be with them," paalam ni Dean.

His father was a huge figure in the military.

Rum smiled at him and nodded. This means it will only be the two of us for lunch. I like that.

"Babalik na lang ako mamaya after lunch. I'll just text you if we can go already," he added.

"It's okay, Dean. Ikumusta mo na lang ako kina tito at tita."

"Send my regards too," I said.

The longer the three of us knew each other, the closer we get with each other's parents.

Dean nodded and ushered us to his car then he dropped us at the Kalayaan Road where most canteens and carenderias were found. Naunang bumaba si Rum saka ako pinagbuksan ng backseat at inalalayang bumaba.

"I'll see you two later. Magte-text ako."

"Don't worry about us. Just enjoy the lunch with your parents," Rum reminded him and the latter smiled.

"Thanks, nay!"

Dean drove off and away from us. Binalingan naman ako ni Rum at nginitian.

"Saan mo gustong kumain?"

"Anywhere." As long as I am with you.

Tumango si Rum at inaya na ako palapit sa isang outdoor canteen. May mga lamesa roon na may malalaking mga payong. I am usually picky when it comes to places I am eating to. Kaso kapag si Rum ang nag-aya, ayos lang kahit saan.

"Anong gusto mong ulam?"

"Anything but not veggies."

"Pagbibigyan kita pero ngayon lang," he replied then went to the counter to get us food.

Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang tray na may lamang mga pagkain. Pinakbet saka isang cup ng kanin iyong kanya tapos ang binili niya naman para sa akin ay malaking fried chicken saka isa at kalahating kanin. Kumunot ang noo ko dahil doon.

"That's too much. I will only eat a little," I told him.

Inilapag na niya ang pagkain ko sa harap ko saka niya sinunod ang kanya.

"Kailangan mong kumain nang marami ngayon dahil kaunti lang 'yong kinain mo kanina."

"But I cannot finish that."

"You can if you'll try."

Hindi ako nagsalita at nagtatampong napatitig lang doon sa inorder niya. I heard him sighed then he lowered down his utensils.

"Queen, kaya nga dinadamihan ko lagi ang luto ko kasi gusto kong marami ang nakakain niyo pero kakaunti lang talaga ang sa'yo. Nag-aalala ako kasi baka bigla kang magutom sa klase."

Napatitig ako sa mukha ni Rum. Talagang mababakas ang concern sa mukha niya. He might have noticed how much of a picky eater I was lately.

"Talagang magugutom ako kung hindi ka magluluto," pag-amin ko.

I honestly do not know how to cook. Marunong si Snow but I do not want to order her around lalo na at may sama pa rin ako ng loob sa kanya. Si Tutti naman alam kong marunong ding magluto kaso kung gaano siya kadalang magluto ay ganoon din siya kadalas kumain.

Rum softly smiled at me because of my confession and perhaps due to my sudden usage of Filipino in our conversation. Hindi ako madalas mag-Tagalog kapag nakikipag-usap sa iba. Kay Rum lang talaga.

I was still looking at him when I noticed that some golden locks of his hair fell forward and covered his dark blue eyes. Gustong-gusto kong hawiin iyon pero nahihiya ako kaya ibinaling ko na lang ang atensyon sa silver bangle niya sa palapulsuhan.

I am a straightforward person. Prangka akong tao. I am always direct with how I feel with others but when it comes to him, I always chicken out. Pagdating talaga sa kanya, lagi akong tumitiklop.

Matagal na 'to pero hindi ko masabi-sabi sa kanya. Wala rin naman akong naririnig na nililigawan niya ngayon. Isang beses ko pa lamang siyang nasaksihang hayagang nanligaw sa isang tao and that was six years ago. Lagi siyang umuuwi tuwing break sa Sentosa para makasama iyong nililigawan niya noon. He spent his high school in London that time. Sobrang sakit noon sa akin pero kailangan kong magpanggap na ayos lang. Every time I see him happy with her, giving the woman flowers and holding her hand as they made their way to the plaza, had really broken my little heart each time. He was fourteen by then and I was only thirteen but I always imagine myself to be that girl. Always.

Now I wonder if his type of women changed after six years.

O baka ganoon pa rin?

Someone who's kind, mahinhin, and simple.

Naiinis ako sa tuwing naaalala kong may kaibigan nga pala kaming ganoon ngayon. I'm scared also.

I was able to get through lunch without making much eye contact with him. I will just drown myself in his deep blue abyss if I look at him. Rum's a soft and nice guy and a really sweet one at that. Everyone will definitely fall for him. People would notice at first glance that he was really handsome and when they get to know him more, they realized that he was actually beautiful.

Laking pasalamat ko nang dumating si Dean dahil hindi ko na kinakaya ang tibok ng puso ko. Natatakot akong baka hindi ko na talaga mapigilan at mapaamin ako kay Rum nang wala sa oras.

"Dean, ano ang nasa likuran ng Overlook?" he asked suddenly while we were in the middle of driving through the road.

"Masukal na gubat sa pagkakaalam ko," tugon ni Dean.

"Doon tayo pupunta. Kung talaga natamaan ni Tutti si Cara at malala ang natamo niyang sugat ay paniguradong hindi siya makakalayo rito."

Dean drove to the forest located behind the Overlook. He wasn't lying when he described it. Masukal iyon at nakakatakot, parang balot na balot pa ng panganib.

When Rum didn't open the backseat door, I immediately concluded that he wasn't planning on taking me with him in going inside the forest. Kaya ako na lang mismo ang nagbukas at lumabas.

"Queen!" gulat niyang tawag sa akin.

"You can't just leave me there and make me wait for you."

"Akala ko si Tutti lang ang matigas ang ulo sa atin," komento naman ni Dean na nakangiwi sa akin.

"You forgot to mention yourself too," pambabara ko sa kanya.

"Bahala ka d'yan. 'Wag kang sisigaw-sigaw mamaya kapag may nakasalubong kang hindi tao," pananakot niya pa sa akin.

Hindi naman talaga because I will stick with Rum.

"Maghiwalay tayo, Rum, para mas mapadali ang paghahanap natin," Dean suggested and Rum agreed, taking me with him.

We parted ways. Dean took the left side while we decided to search on the right part of the forest. Habang naglalakad kami ni Rum ay tanging tunog lamang ng mga naapakan naming mga dahon ang naririnig namin. Nauunang maglakad si Rum sa akin.

"Queen, stop." He motioned for me to stop walking all of a sudden.

"What? Why?"

Rum hushed me and signaled me not to make any sound. He closed his eyes and I know by then that he was focusing to enhance his hearing ability.

"May naririnig akong hinihingal, kinakapos ng hininga sa may dulo," aniya at nagmulat.

Tinungo namin ang bandang tinutukoy niya. We saw a burrow, a huge one, when we reached the place.

He turned to me and said, "Dito ka lang."

"No, I will come with you. What if some beasts suddenly grab me while I am here, waiting for you to come out from there," I insisted.

He sighed, "A'right but you have to stick with me."

Tumango ako. Unang pumasok si Rum sa may butas papunta sa ilalim ng lupa. Nang nasa loob na siya ay doon ko napagtanto na hindi ganoong malalim iyon. Sakto lang sa tangkad ni Rum na 6'1.

Inalalayan naman niya ako pababa roon. Nauuna ulit siya sa akin sa paglalakad. Bahagya pa siyang yumuyuko dahil sumisikip na nang paunti-unti ang lugar habang palapit kami nang palapit sa dulo. Natigil siya sa paglalakad at hinintay akong pumantay sa kanya. Hinawakan niya ang ulo ko gamit ang kanang palad niya upang hindi ako mabangga roon saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

I know it's unnecessary to feel giddy at this moment but I just couldn't help it when he was this close to me.

Nang marating namin ang dulo ay natigilan siya kasabay nang panlalaki ng mga mata ko sa gulat. Nakahiga at naghahabol ng hininga habang hawak-hawak ang duguan niyang tagiliran ay si Cara. She was out of breath. Nakapikit din siya at iniinda ang sugat. Then, I observed that she was actually crying with blood as tears. Kapansin-pansin din ang mga sugat sa braso niya na para bang nilatigo siya nang maraming beses.

"Rum..." bulong kong 'di pa rin makapaniwala sa nasaksihan.

"We have to get her out of here."

Lalapitan na sana ni Rum si Cara pero mabilis itong napadilat ng mga mata at kumaripas nang paggapang papunta sa akin. Sisigaw na sana ako sa gulat pero walang lumalabas sa bibig ko kaya napaupo na lamang at napapikit na sa takot habang naninigas.

I waited for a minute but nothing happened. I opened my eyes and found her black sharp talons directed at me and was only an inch apart from my face! Her hand was suspended in the air and her eyes were closed. Doon ko lang din napansin na hawak-hawak pala ni Rum ang pressure point ng palapulsuhan niya at leeg. He made her unconscious just before she was only an inch close to claw me on the face. I swallowed the huge lump in my throat and stared unbelievably again at Cara.

Napangiwi ako kaagad nang mapansin ko ang mga kuko niyang matulis. Naging itim iyon dahil sa mga dugong na-stuck doon at tila hindi na-circulate. Puno rin ng mga lupa ang gilid at loob niyon. It was gross.

"Ayos ka lang?" dinig kong nag-aalalang tanong ni Rum.

I was too preoccupied with Cara's yucky nails that I began thinking of ways on making her presentable for her funeral.

"Someone is in dire need of a pedicure," I mumbled.

• • • SNOW • • •

PAGKATAPOS NG HULING klase ko ay kaagad akong nagligpit ng mga gamit. Nahintay kasi sa akin si Tutti sa may Katipunan Road dahil sabay kaming uuwi ngayon. Hindi daw kami masusundo ni Dean dahil ihahatid pa nila si Cara sa Overlook. Gusto ko na din umuwi dahil doon. Nakita na nila si Cara!

Tinakbo ko na lamang ang distansya ng Katipunan Road mula sa Arts and Sciences Building. Nasasayangan kasi ako sa pamasahe kung sasakay pa ako ng dyip. Sapu-sapo ko ang dibdib ko habang naghahabol ng hininga nang maabutan ko si Tutti sa stall ng fishball na kumakain.

"Snow, tinakbo mo lang ang AS Building papunta rito sa Katipunan Road?" gulat niyang tanong sa akin.

Tumango naman ako, hindi pa din makasagot dahil sa paghahabol ko ng hininga. Nang makabawi ako ay inabutan ako ni Tutti ng isang stick ng fishball at mango shake. Binaba ko muna ang hawak na makapal na libro sa Organic Chemistry sa gilid ng stall. Mabuti na lang mabait si manong tindero at hinayaan lang iyon doon.

"Sina Whiskey 'yon ah. Makapagpalibre nga," bulong ni Tutti sabay lamon ng dalawang fishball niya at mabilis na tapon ng stick no'n sa basurahan.

"Lee! Whiskey! Norma!" tawag niya sa kanila.

Lumapit naman sila sa amin. Mga kaibigan sila ni Tutti sa Communication. Si Norma ay magandang babae na maputi at may itim na mahabang buhok. Si Whiskey naman ay gwapong bakla tapos si Lee ay gwapong chinito dahil may lahing Chinese din.

"Hoy, libre niyo naman ako ng fishball, oh," bungad ni Tutti sa kanila paglapit nila.

Norma and Lee waved and greeted me and I smiled at them too.

"Siz, hindi kaya maging gold fish ka na niyan. Ilang stick na ba nakain mo nang hindi pa kami nakakarating dito?" untag ni Whiskey na buking na ang modus ni Tutti.

"Ang judgemental talaga nito. Kaya ka hindi nagkakaroon ng boyfriend, e," banat naman ni Tutti.

"Wow. Coming from you, siz," ani Whiskey sabay hawi ng buhok ni Tutti sa may balikat niya.

"Hindi mo pa nga sinasagot si Lee, e," dagdag pa nito.

Bigla namang nasamid si Tutti sa hinihigop na shake. Pansin ko din ang pasimpleng pagsiko ni Lee sa kaibigang bakla. Si Norma naman hinahagod ang likuran ni Tutti.

"Pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong ni Tutti habang kagat-kagat pa din sa bibig ang straw.

"Ilan ba gusto mong fishball?" pag-iiba naman ni Lee sa usapan na siyang malapad na nagpangiti sa huli.

"Tatlo lang at baka sabihin naman ng iba r'yan ang abusado ko masyado," sagot ni Tutti.

Tumawa na lang nang mahina si Lee at bumili ng tatlong stick ng fishball. Tinanong niya din ako kung gusto ko kaso umayaw na ako. Busog na ako, e. Pagkatapos naming kumain ni Tutti ay nagpadesisyunan naming umuwi na. Naglalakad na kami sa gate nang biglang makasalubong namin sina Izma, Ingrid, at Nadia.

"What a sight. Magkasama ang dalawang dukha," tudyo ni Izma sabay tawa na sinundan naman ni Nadia.

Sinulyapan ko si Ingrid. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. We were friends before until she betrayed me. She made me drunk that night and even filmed the scandal.

Napasinghap ako nang tahimik habang naaalala iyon. She somehow taught me a lesson. We should always be careful with the people we surround ourselves with. We should be wise in choosing our friends. Baka mamaya niyan ay ang mga kaibigang tinuturing pala natin ang maglagay sa atin sa peligro.

"Tutti, halika na," usal ko sabay hatak sa kaibigan palayo sa kanila.

"Anong pakiramdam nang isinusuka ni Dean ngayon, Snow?" panunuyang tanong ni Izma sa akin kasabay ng mga tawanan nila.

Hindi ko na lamang sila pinansin. Ayoko ng gulo...

Pumara ako ng dyip at kaagad kaming sumakay ni Tutti doon saka kami bumaba sa may mall kung saan pumaparada ang mga van papunta sa amin sa Overlook. Nang makababa kami ni Tutti sa dyip ay may kaagad na sumitsit sa amin. Hindi ko na lang pinansin dahil baka mga tambay lang iyon na walang magawa.

"Psst... liit," tawag ulit nito.

Nahuli kong tiningnan siya ni Tutti saglit kaya napangiti ang matandang may mga nakalatag na baraha sa maliit na lamesa. Pero biglang binaling ni Tutti ang mga mata sa ibang bagay, hindi pinansin ang matanda at binalewala ang pagkatawag nito sa kanya.

"'Wag kang mang-snob d'yan, liit. Ikaw ang tinutukoy ko," dagdag pa ng matanda.

Tutti groaned and stomped her right foot on the ground.

"May issue ka po sa height?"

Tinakpan ko ng kanang kamao ko ang bibig ko at mahinang natawa.

"Lapit kayo ng kasama mo sandali. Huhulaan ko kayo. Libre na," ani ng matanda.

Lalapit na sana si Tutti pero pinigilan ko siya at inilingan. Hindi ako komportable sa mga hula. It's either they warn you or compliment you.

"Try lang natin. Sayang naman at libre."

Wala na akong nagawa kundi ang magpahila kay Tutti papunta sa matanda na nakapwesto sa gilid ng overpass. Unang pinaupo ng matandang manghuhula si Tutti sa harapan niyang upuan. Kinuha niya ang kamay ni Tutti at tinalunton ang mga guhit sa palad nito.

Bigla itong ngumisi."Marami kang sikreto at lahat nang iyon ay malaki," anito.

Pansin kong natahimik si Tutti at sumeryoso. Natawa naman ang matanda.

"'Wag kang mag-alala, hija. Manghuhula ako ng hinaharap at hindi taga-pagbulgar ng mga sikreto," untag nito at nagpatuloy sa pagbasa ng kapalaran ni Tutti.

Naalarma ako nang biglang napahigpit ang hawak niya sa palad ni Tutti. Hindi na din mababakasan ng pagbibiro at panunuya ang ekspresyon niya.

"Kamatayan," bulong niya.

Mabilis kong hinila si Tutti patayo. Ayaw ko talagang nadinig nang mga ganoon. Akmang lalayo na kami nang biglang magsalita ulit ang matanda.

"Hija, tiisin mo lang lahat ng paghihirap mo sa ngayon dahil magkakaroon ka nang magandang kinabukasan."

Napatingin ako sa matanda. Sinong tinutukoy niya?

"Ikaw ang tinutukoy ko," sambit niyang ikinagulat ko naman.

Nangiti siya sa akin kaya kita ko ang ilan niyang iitim na ngipin.

"May iniibig ka ngayon subalit magbabalik din ang nakaraang pag-ibig mo kaya maguguluhan ka. Pero ang tunay na nakatadhana sa iyo ay yaong sasalo sa iyo sa araw na 'to," makahulugan niyang wika.

Nailing na lang ako at dumiretso na kami ni Tutti sa pila. Habang naghihintay ay batid ko ang pagtahimik ni Tutti. Nabahala ako... Baka naisip niya iyong hula sa kanya. Kaya ayokong nagpapahula, e.

"Tutti, ayos ka lang? Iniisip mo ba ang sinabi ng matanda kanina? Huwag kang mag-alala, hula lang naman 'yon, e. Tayo pa din ang may hawak ng buhay natin," pampalubag-loob ko sa kanya sabay ngiti.

Nabaling siya sa akin at nakurap ng tatlong beses. Maya-maya pa ay napabuntong-hininga siya.

"Hindi naman sa ganoon, Snow. Saka hindi naman ako natatakot mamatay. Lahat naman tayo roon nauuwi. Hindi nga lang sabay kasi minsan may nauuna kaya pakiramdam tuloy ng iba may naiiwan."

Nabaling siya sa harap bago nagpatuloy.

"My mother told me that my father believed that death is not the end. It's like a bus stop where you depart from the previous vehicle and wait for the next one to take you to your another destination," she whispered.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya natingin siya sa akin. Nangiti ako sa kanya para pagaanin ang loob niya. Gumanti din siya ng ngiti sa akin. Nainggit ako sa kanya kasi ang tapang-tapang niya sa parehong loob at labas.

PASADO ALAS- SAIS NA ng gabi nang makauwi kami. Kaagad naming napansin ang nakabusangot na mukha ni Dean na nahilig sa pader ng gate at nakahalukipkip pa pagbaba namin ng van. Naayos siya ng tayo nang makita kami.

"Bakit ngayon lang kayo? Anong oras na?" sunod-sunod niyang tanong sa amin.

"Sinundo mo na lang sana kami kung nakatayo ka lang pala r'yan kanina pa," sansala naman ni Tutti sa kanya.

Dean tsked then just opened the gate for us. Iyong maliit na pinto lang ng gate ang binuksan ni Dean dahil wala naman kaming sasakyan.

Unang pumasok si Tutti at binati ang elemental guardian ng Overlook na si Epinone ng magandang gabi. Pagpasok ko ay nalimutan kong medyo nakaangat nga pala ang sementadong lupa doon kaya sumabit ang kaliwang paa ko doon at napatid. Pero bago pa man ako matumba ay may brasong pumigil sa akin na nakapulupot naman sa beywang ko.

"Maglalakad na nga lang, tatanga-tanga pa," inis na bulong ni Dean.

Dali-dali akong tumayo at yumuko saka nagpasalamat sa kanya kahit na nauutal ako sa hiya at kaba. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya nangiting tinanguan ko na lamang si Epinone na gumanti naman ng ngiti saka ko tinakbo ang distansya namin nang nauunang si Tutti.

I looked at Dean over my left shoulder and I caught him looking at me with worried expression. Nang mapansin akong nanonood sa kanya ay biglang napalitan iyon ng inis kaya kaagad akong tumingin sa harap.

Sinalo niya ako bago pa man ako matumba...

Kung tama nga ang manghuhula kanina ay dapat gumawa na ako ng paraan upang makausap si Dean nang maayos at nang sa ganoon ay mapatawad na niya ako.

NAPAANGAT AKO NG tingin kay Rum mula sa mga papel na hawak ko nang bigla niya kaming tawagin habang pababa siya ng hagdanan at palapit sa amin sa lobby.

Nasa isa sa mga kwarto na si Cara sa third floor at wala pa ding malay. Aaminin ko na nakahinga ako nang maluwang dahil nakita na namin siya.

"Where's Tutti?" tanong ni Rum kay Dean na abala din sa assignment niya.

"Nasa kwarto nila nanonood ng lumang Sailor Moon. Noong nineteen purgatin pa 'yong palabas na 'yon, e. Nakakabadtrip na 'yang ampon mo, Rum, ha. Nagmumukha nang cartoon kakapanood nang paulit-ulit doon."

"Exactly. I can never forget how she bought clothes before to match the outfits of all the characters in the series because it gave her the '90s vibes as she reasoned out and then she dyed her blond. Like seriously?" Queen blurted out with all the eye rolls.

Nailing na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. I heard Rum sighed.

"Hayaan niyo na lang siya kung doon siya masaya. Guys, kung tapos na kayo ay magligpit na tayo nang sa gano'n ay makapagpahinga na kayo. Gabi na rin at maaga pa tayo bukas."

Tumango kami at isa-isa nang nagligpit. Tapos na din naman na kami sa mga ginagawa namin. Maaga din kasi kami bukas dahil sa PE.

"I'll just double check the front door if it was really locked," paalam ni Dean at lumabas na muna ng lobby upang tunguhin ang main door.

Nauna nang umakyat si Queen dahil kukunin niya pa daw ang bestidang napili niya para kay Cara. Isasama sana ni Rum si Tutti sa pagpunta niya kay Cara upang kamustahin ito at kausapin kaya niya ito hinahanap kanina.

Biglang nagsilaglagan ang mga papel ng module ko sa kalagitnaan nang paglalakad ko. Still carrying my big book and the remaining sheets, I aimed to reach for the the nearest one first but I stepped on one of the sheets and I instantaneously found myself on the verge of slipping. I was sure I am about to fall on the cold floor because I also lost my balance due to the heavy items I was still holding.

But I didn't land on the floor because someone held the small of my back to prevent me from falling. His other arm was in front, also encircling my waist for support.

"Ayos ka lang, Snow?" nag-aalalang tanong ni Rum sa akin habang nakapulupot pa din ang kanyang mga braso sa akin.

Natulala ako nang natanto ang ayos namin. Nahulog ang ilang hibla ng buhok ni Rum sa mga mata niya dahil nakadungaw siya sa akin pero kita ko pa din ang nakakahalina niyang mga mata sa likod niyon. Ramdam kong nakaawang ang labi ko habang patuloy siyang pinagmamasdan pero maya-maya pa ay tumango ako. Umayos na din ako kaagad nang makabawi at lumayo na sa kanya bahagya.

He squatted to take the scattered sheets on the floor one by one. Samantalang ako naman ay natuod sa pwesto ko habang pinapanood siya. Niyakap ko nang mahigpit ang libro ko at napapikit dahil halos mabingi na ako sa bilis nang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako nang maalala ang sinabi ng matandang manghuhula sa akin kanina.

"Ang tunay na nakatadhana sa iyo ay yaong sasalo sa iyo sa araw na 'to."

Dalawang beses akong muntik nang mahulog sa araw na ito at sinalo din ng dalawang magkaibang tao...

•|• Illinoisdewriter •|•

Please vote, comment your thoughts, and share.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top