Episode 07: Blood, Tears, and Scars
Episode 07: Blood, Tears, and Scars
"Sir, magsa-submit po sana ako ng project," nahihiyang panimula ni Snow paglapit niya sa isa sa mga guro niya sa major subject pagkatapos ng klase nila.
Malamig naman siyang binalingan ng propesor na kahit nasa mid-30s ay agaw pansin pa rin sa mga estudyante at ninuman sa university dahil sa tikas at itsura nito.
"Ms. Wade, that's long overdue. Haven't you seen your grades yet? Don't worry, marami kayong tres."
Nakagat ni Snow ang pang-ibabang labi at bahagyang napayuko.
Kailangan niyang makaabot sa quotang grade ng kurso niya dahil kung hindi ay magiging advise to shift siya. UP is very strict when it comes to grades lalo na sa mga medical courses at natural saka behavioral sciences. Kasalanan niya naman 'to kasi hindi niya minadali ang project nila. She's tired physically, mentally, and emotionally.
Pagod na pagod na siya sa part time job niya bilang isang crew nang sikat na fast food chain upang madagdagan ang tuition niya at upang makapagpadala siya para sa karagdagang gastos ng ina niyang nagpapagamot sa sakit nitong leukemia sa probinsya. She insisted on her parents that they should keep the money they have for the treatment instead of giving it to her for her tuition. She said she can handle herself and she does not want to bother them anymore. They already did so much for her. At least, this way she can repay them.
Nagui-guilty din siya dahil hindi na niya masyadong nasasamahan at naaasikaso ang nobyong si Dean. Nahihiya rin kasi siya rito. He paid half of her tuition during the prelims. Buo sana ang ibabayad nito kaso ay pinigilan niya ang binata at sinabihan itong uutangin niya iyon at hindi libreng tatanggapin. Wala namang nagawa ito at pumayag na lang sa kagustuhan niya.
Malaki rin ang utang niya kay Rum na siyang bumibili ng mga groceries niya dahil napapansin nitong nangangayayat na siya sa sobrang stress at pagod. Her friend made it clear that she's not indebted to him. He's just doing it to make sure she has something to eat and use. However, she would not take it for free. She insisted on paying him because he's done so much for her.
"Sir, pasensya na po talaga. Ang dami ko lang po kasing inaasikaso kaya nakaligtaan ko ang deadline ng submission," she explained.
The professor crossed his arms and looked at her, studying her explanation and everything about her.
"Kahit minu-san niyo na lang po, sir," she added and he laughed mockingly.
"It's not just that, Ms. Wade. Bagsak ka sa lahat ng quizzes at long tests natin. What happened to you, really?"
"Sorry po, sir. Babawi na lang po ako sa susunod," bigong hayag ng dalaga at tumalikod na.
"Ms. Wade."
Natigil si Snow sa paglalakad dahil sa tawag ng propesor niya at binalingan ang palad nitong nakapatong sa balikat niya.
"I can do something about that."
• • • SNOW • • •
NAKAHANDA NA KAMI ni Tutti na matulog nang mapag-isipan kong itirintas muna ang buhok niya habang hinihintay namin si Queen na nagha-half bath pa.
Nakasuot na kami ng mga pantulog. Tutti's wearing a terno floral long sleeves pajama samantalang pulang spaghetti strap top naman na pinaresan ko ng puting pajama ang suot ko.
"Tutti," I called her.
"Hmm?"
"'Wag mo na ulit gawin 'yon ha," pagtutukoy ko sa pagtatanggol niya sa akin kanina.
"Ha? Bakit naman?"
"I'm not worthy," bulong ko.
Bahagya niya akong nilingon. Tinapos ko na agad ang pagtirintas ng buhok niya nang makuha ko ang gusto niyang gawin. Pagkatali ko ng buhok niya ay paupo siyang umikot paharap sa akin. We were seated at the edge of our bed.
"Don't say that. Lahat ng tao worthy. They just don't see it. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
She sighed, "Hindi naman kasi hinahanap 'yon. Nilalabas 'yon sa loob natin," aniya sabay turo sa puso ko.
I smiled at her and hugged her.
"Excuse me."
Napabitaw kaming dalawa sa yakapan nang tumikhim si Queen sa harapan namin. She's wearing a silk lavender chemise top matched with its silk shorts. She smells like lavender too.
Naghiwalay kami ni Tutti upang bigyan ng daan si Queen na kaagad na humiga sa gitna namin at nagsuot ng sleep mask.
I sighed. She's still mad at me.
I switched off the lights and let the bedside lamp remained glowing for us then Tutti and I laid on our respective sides for a rest after praying. Sana maayos na namin ang lahat bukas.
SABAY-SABAY KAMING TATLONG mga babae na lumabas ng kwarto upang mag-almusal.
Dinig ko pa ang reklamo ni Queen na inaantok pa pero kinuha niya din naman ang silk robe niya saka nagsuot niyon at sumabay na sa amin. It's still 6:00 am and we're wide awake.
Maaga kaming nagigising dine sa Overlook. Sinasanay din kasi kami ni Rum para talagang hindi kami magkaroon ng excuse para hindi pumasok sa klase.
Naabutan namin sina Dean at Rum sa kusina. Nainom ng kape si Dean habang nakaupo sa may seat sa counter. Si Rum naman nakasuot ng apron at hawak-hawak pa ang frying pan, nagluluto.
"Top of the morning! Anong almusal?" pambungad ni Tutti habang naunat ng mga braso niya.
Queen grimaced while making her coffee. Si Dean naman napatingin sa kanya.
"Inuna mo pa talagang itanong 'yan kaysa magmumog."
Hinampas ni Tutti sa balikat si Dean.
"Kapal mo ha. Mabango naman hininga ko," sabat naman ni Tutti sabay buga ng hininga kay Dean.
Gumanti naman si Dean at pabirong sinakal si Tutti sa leeg habang tumatawa at pinipigilan itong makalapit sa kanya. Panay naman ang hampas ni Tutti sa kanya pero hindi abot ng mga braso niya ang lalaki. Nabahala ako at aawatin na sana sila nang biglang lumingon si Rum sa banda namin at nagimbal nang makita sina Dean at Tutti.
"Dean!"
Kaagad na binitawan nang tumatawa pa ding si Dean ang leeg ni Tutti. Sinipa naman ni Tutti ang upuan nito sa inis pero kaagad ding napasigaw sa sakit nang tumama ang paa niya doon. Nakalimutan niya atang bakal iyong stool.
Nagmartsa na lang si Tutti sa pwesto niya sa hapag at inangat ang paa niyang pinangsipa niya kanina sa stool sa upuan niya saka inalo iyon.
Kawawang bata.
Napabuntong-hininga ako at nilapitan siya.
"Nagtatampo ka na niyan, Tutti?" biro pa ni Dean pero napasimangot lang ito at hindi na siya pinansin habang hawak pa din ang paa.
"Dean, hindi mo dapat ginawa 'yon," saway naman ni Rum sa kanya.
"Parang nagbibiro lang, nay," sagot ni Dean.
"Pwede namang magbiro nang hindi nakakapanakit. Isa pa, babae si Tutti. Dapat nirerespeto mo," pangaral ni Rum.
"Oo na po. Sorry na."
"'Wag ka sa 'kin magsorry. Sa kanya ka humingi ng tawad."
Dean sighed and turned to Tutti.
"Kutong-lupa, sorry na," he apologized.
"Hindi ako tumatanggap ng sorry nang walang kasamang takuyaki," tugon naman nito na inismiran lang ni Dean.
"Bahala ka basta nagsorry na ako."
"Rum, anong almusal?" tanong ulit ni Tutti na para bang hindi mabubuo ang araw niya kung hindi alam ang kakainin.
"Ampalaya with egg and fried aubergine," Rum answered.
Kumunot ang noo ko dahil hindi naintindihan ang huling sinabi niya.
"O..ver..." I tried to repeat what he had said and I heard Tutti giggled beside me.
"Aubergine. British vocabulary for eggplant," she explained.
Kinagat ko naman ang labi at tumango. Tumayo ako para tulungan si Rum sa pagdadala ng almusal namin sa hapag.
"What else?" tanong bigla ni Queen.
"Wala na. Iyon lang ang niluto ko," sabi ni Rum.
Nanlaki ang mga mata ni Queen na para bang hindi siya makapaniwala.
"Rum, you're unbelievable. I'm not eating those things." She shook her head in disbelief.
Dinig kong humagikhik ulit si Tutti sa pwesto niya. Kahit ako man ay pinigilan ang pagtawa. Queen doesn't like vegetables. Hindi talaga siya mahilig kumain ng gulay.
"You have to, Queen. Magugutom ka kung hindi ka kakain."
"But they're vegetables!"
"And they're good for the health."
Queen groaned but still sat on her seat when we placed our breakfast on the table.
Dean turned on the television before sitting. Rum told him to turn it off because we're eating but he was cut off by the news report.
"Isang bangkay ng lalaking hindi pa nakikilala ang natagpuan nito lamang madaling araw sa may bukana ng gubat. May natagpuang kagat sa bandang leeg nito at ayon sa autopsy report ay halos maubos na raw ang dugo nito. Isang babaeng bampira umano ang salarin ayon sa witness. Para sa karagdag-"
Biglang na-off ang TV at nabaling kaming lahat kay Rum na hawak ang remote. Kalmado niyang ibinaba iyon at tiningnan kami. Nabalot kaming lahat ng katahimikan. Yumuko ako nang mairap si Queen nang makatagpo ang mga mata namin.
"What should we do now?" Dean had broken the silence.
"Hindi na lang ako papasok mamaya. Pupuntahan ko iyong lugar kung saan nakita ang bangkay," alok ko sa kanila.
Natawa sa akin si Dean. Iyong tawang nang-iinsulto at may halong galit. Napapikit ako at napayuko. Sinipat siya ni Rum.
"Stop it, Dean."
"What? Nagpapatawa kasi siya. Susugod siyang mag-isa roon, mag-aala superhero."
"Sa pagkakaintindi ko, wala namang nakakatawa roon," saad naman ni Rum.
"Oh, come on, Rum. You're no fun," giit ni Dean.
"I just don't laugh at jokes with bad humour. Stop making fun of Snow."
I heard Dean tsk but he didn't talk back. Kahit nakayuko ay nasilip ko pa si Tutti sa gilid ng mga mata ko na kumakain na at pasimple pang hinihila ang pinggan ng ampalayang may itlog upang dagdagan ang kanya.
"Walang aabsent ngayon. Lahat tayo papasok."
"But how about the victim? And the witness? Aren't we going to talk to him? We should look for Cara," Queen suggested.
"Right. We should strategize and not just sit here. We have to do something," pagsang-ayon naman ni Dean.
Nag-angat ako ng tingin at tumango sa kanya. He immediately looked away.
"We have to move and level up," pahabol pa niya.
Nabaling kaming lahat kay Tutti na biglang tumayo sa upuan niya at sumayaw ng Level Up dala-dala pa din ang tinidor na ginamit niya habang puno pa ang bibig.
"Anong ginagawa mo?" inis at gulat na tanong ni Dean sa kanya na halatang nagpipigil ng ngisi.
The corner of Queen's lips lifted for an amused smile and Rum chuckled. Tinakpan ko ang bibig ko ng kanang kamao ko saka ako natawa. Nahinto na sa pagsasayaw si Tutti at umupo ulit pero nangiti pa din kaming apat.
"Ang seryoso niyo kasing mag-usap. Tapos maya-maya niyan magbabangayan na naman kayo. Tapos magtatalo. Kung kumakain dapat kumakain lang. Respeto naman sa pagkain," pangangaral ni Tutti sabay turo sa pagkain gamit ang nakalahad niyang palad.
"Ayaw mo nito ‘di ba, Queen? Akin na lang ha," habol niya pa saka bahagyang tumayo sa upuan niya upang abutin ang pritong talong ni Queen gamit ang tinidor.
"Ibalik mo sa kanya 'yan, Tutti," mahinahong saway ni Rum.
"It's okay. I'm not eating it anyway," ani Queen na maagap namang nilingon ni Rum.
"You are eating that. You should learn eating vegetables from now on, Queen. Isa pa, hinati ko na 'yan sa ating lima. Please don't waste the share I cooked for you."
They looked at each other for a couple of seconds and Rum smiled when Queen finally nodded.
"Tutti, ibalik mo na 'yan sa pinggan ni Queen."
Tumalima naman si Tutti sa utos ni Rum at dismayadong naupo na lang para kumain.
"Pagkatapos nating mag-almusal ay maghanda kayo dahil pupuntahan natin ang crime scene. We still have three hours before our first period with Prof. David. He also called me last night. Ang sabi niya kailangan nating mahanap sa lalong madaling panahon si Cara. We can use his time to search for her and he reminded me to give him a call if we need anything," hayag ni Rum ng plano na kaagad naman naming sinang-ayunan.
Pagkatapos naming mag-almusal ay nagtulong-tulong kami upang magligpit ng gamit. Rum insisted in doing the dishes but I assured him I can do it. He did so much in preparing our breakfast. I should at least do this.
Naghanda na din kami isa-isa para pumunta sa crime scene at pumasok sa UP. Suot-suot ko ang Type A uniform naming mga Bio students. All white iyon na pencil skirt. Ang Type B uniform naman namin ay puting pants. Sina Tutti at Queen na parehong non-paramedic ang kurso ay nakabihis ng regular Type A uniform din na puti at sedang Peter Pan collared blouse at navy blue na pencil skirt. Gaya ng Type B ko ay pareho lang ang top sa Type A pero navy blue na slacks na ang pang-ibaba nila. Pwede naming gamitin iyon nang salit-salitan kung kailan namin gusto.
Paglabas namin ng kwarto ay nakasabay na namin sina Dean at Rum pababa. Pareho silang naka-regular Type A uniform for males. Puting seda na polo at navy blue slacks. Tuwing Wednesday at Friday naman ay nakasuot ng uniporme niya sa Forensic Science si Rum na all navy blue na scrubs dahil prescribed iyon sa laboratory nila.
Naunang pumasok si Dean sa Jeep Wrangler niya para buhayin iyon. Si Rum naman ay nakatayo sa nakabukas na pinto sa may backseat. Ako ang unang pumasok tapos hinawakan ni Rum ang kamay ko upang alalayan ako pasakay. May kataasan kasi iyong sasakyan ni Dean tapos naka-palda pa kami. Sumunod naman sina Queen at Tutti na inalalayan din ni Rum pasakay saka siya huling pumasok sa front seat.
"Wear your seatbelts," paalala niya sa amin lahat.
What do we do without him?
Paniguardong magtatalo lang kami palagi.
• • • TUTTI • • •
"TUTTI, SAAN ANG location ng crime scene?" Rum asked.
I quickly paused from playing Mobile Legends and long pressed the tab button to click on the web article I saved about the news report of the vampire attack awhile ago.
"Sa may border ng Claveria. Iyong may gubat," I replied.
He nodded and we drove going there for the whole fifteen minutes and I busied myself playing with ML during the trip. Dean pulled over at one side, hindi kalayuan sa crime kung saan unti-unti nang nahahawi ang kumpol ng mga taong nakikiusyoso. I also spotted some media vehicles there.
"We have to divide ourselves into groups," Rum began after turning to us at the backseat.
"I'll go with you," sabat naman ni Queen and Rum nodded.
"I'd rather go alone," sambit naman ni Dean.
"I'll go with Snow."
Snow smiled at me and I returned the equal expression.
"One group shall go and observe the corpse, the other shall interview the people who knew the victim, and the last one shall talk to the witness."
"Kami na ang kakausap sa witness. I'd rather observe someone who's alive and talking."
I don't want to observe corpses.
It's boring.
I want to talk to people and evaluate them through their usage of language.
"Okay. Dean, take pictures of the corpse and find more details about his death. Queen and I will interview the people close to him."
Naunang bumaba si Rum mula sa front seat at isa-isa kaming inalalayan pababa ng sasakyan. Snow and I immediately went near the house of the witness. May kumakausap pa sa kanyang reporter sa radyo.
"Paano natin siya makakausap?" bulong ni Snow sa akin.
I looked around and smiled when I spotted the media vehicle parked nearby.
"Parang mahihirapan tayong gawin 'yon," pagdadalawang-isip niya.
"Watch me." I winked at her.
Naglakad ako palapit doon sa isang silyang nakasandal sa media vehicle. Pagdaan ko roon ay mabilis at pasimple kong hinablot ang isang blazer saka isinuot iyon habang nagpapatuloy ako sa paglalakad. Abala ang mga tao sa pakikiusyoso. They're too preoccupied to notice such speedy move.
"Sorry." I bowed my head to apologize at the media personnel I intentionally bumped into.
He's probably a print journalist, judging by his notepad, pen, and phone put on voice record.
Hindi niya ako pinansin at nilampasan kaagad habang nagmamadaling tinungo ang nanay ng witness na siyang kinakausap na ng press. I looked at him as he moved away over my right shoulder and I grinned.
Mabilis kong isinabit ang clip ng ID niya sa blazer na suot ko. Good thing he didn't put his face on his ID. Just his name. Ayos na 'to. The witness was probably too distracted and exhausted to even notice that. I sped up my pace when I saw the witness entering his house. I quickly blocked the door he was about to close with my right foot.
"Excuse me, I am from Global Star and I just want to ask you a few questions," I introduced.
I figured out he was really too tired to care when he didn't even notice that I haven't given my name. Nice.
"Nasabi ko na lahat. Kumopya ka na lang doon sa iba," aniyang nakakunot-noo.
The nerve.
He really thought all journalists just paraphrase and plagiarize works.
Balak na niyang isarang muli ang pinto nang iharang ko ang isang palad ko. Hawak naman ng kabila ang cellphone kong naka-on din ang voice recorder bilang props.
"This won't take long, I promise. Just give me five minutes."
"Tapos na akong makipag-usap, miss. Ayoko na."
"You know, someone just died and you're the witness. Hindi ba ay dapat ginagawa mo ang lahat para tulungan siyang makamtan ang hustisya? I mean, you revealed your own self as the witness, you should be responsible for that. Or else..." Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Anong pinagsasabi mo, miss?"
Napangisi ako sa pagpiyok niya sa dulo. Kinakabahan na.
"Or else pinilit o tinakot ka lang upang ituro ang ibang tao bilang suspect."
Hindi agad siya nakasagot. Magalaw din ang mga mata niya.
"Ano bang gusto mong itanong?"
I held myself from chuckling. He just indirectly admitted that he really was.
"Nakita mo ba talaga ang nangyari?" I inquired as I held the phone close to him.
"Oo naman! Hindi mo lang alam kung gaano ako ka natakot sa nasaksihan ko."
Tumango ako sa sinabi niya. I believe him.
"Can you describe the killer?"
Napalunok siya.
Napairap ako.
He's not even talking yet but his body language was already speaking volume.
"Ba-bae siya... tapos... tapos mahaba ang buhok...naka-bestida..." he stuttered and trailed off, apparently unsure of what he had said.
"Anong kulay ng bestida niya? Ano pa ang napansin mo?" I pushed further with the topic.
"Ma-dilim no'n kaya hindi ko masyadong na-kita," tugon niya sabay iwas ng tingin.
He didn't even mention about Cara's wounded side. Imposibleng hindi niya mapansin iyon gayong nasaksihan ko pa kung paano kumalat ang dugo mula sa tagiliran ni Cara dahil sa tama niya.
"Huling tanong ko na. Nagsasabi ka ba ng totoo na ang babaeng sinasabi mo ang talagang nakita mong pumatay sa biktima?"
Nagulat siya sa tanong ko.
1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... 8... 9...
"O-oo naman," pumipiyok niyang sagot.
Nine seconds delayed.
"Thank you."
Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad. Sinadya kong dumaan doon sa likod ng journalist na nakabangga ko kanina na abala pa rin sa pagkuha ng mga detalye.
I unhooked the clip of the ID from my blazer using my right and clipped it back unnoticed and swiftly on the lower back hem of the journalist's shirt when I passed by him. Habang naglalakad ay hinubad ko rin ang suot na blazer at nilapag iyon pabalik sa silyang pinaglalagyan nito gamit ang kaliwang kamay ko. I went close to Snow who was still shock with everything she just witnessed.
"He's lying. Hindi si Cara ang nakita niyang pumatay sa biktima."
Tila natauhan naman si Snow sa sinabi ko saka kumunot ang noo niya.
"Pero ang sabi niya bampira daw ang pumatay sa biktima."
"It's a different vampire. I was right that he was just forced to reveal himself as witness and to point Cara as the murderer."
Hesitation fall upon her pretty face. I smiled at her assuringly.
"Don't worry, Snow. It's not Cara and it's not your fault also."
•|• Illinoisdewriter •|•
A/N:
Please do vote and comment your thoughts.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top